Lesson Plan in Grade 10 Modyul 1 Part 2

You might also like

You are on page 1of 16

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 10

Modyul 1: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan

I. Layunin
Sa pagtatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natatalakay ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal
b. naisabubuhay ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan
c. nakagagawa ng mga programang makatutulong upang mapaunlad ang bansa.

II. Nilalaman
a. Paksa: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
b. Sanggunian: Department of Education. 2017. Kontemporaryong Isyu, Modyul ng mga
Mag-aaral. Pahina 357-358
c. Kagamitan: Laptop, Pictures and Video Presentation, PowerPoint Presentation, at
Traditional Instructional Materials
III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

Magandang umaga class! Magandang umaga po, ma’am!


Handa na ba ang lahat para sa araw na ito? Handing-handa na po, ma’am.

Kung ganon, manahimik muna ang lahat Almighty Father, we praise and thank you
para sa ating maikling panalangin. Andrei, for this day. Watch over us as we go about
maaari mo bang pangunahan ang ating our work and studies. Help us in every way
panalangin sa araw na ito? so that we may become the children you
want us to be. Amen.

Maraming salamat sa panalangin, Andrei.


Bago umupo ang lahat, pakipulot muna
lahat ng kalat sa ilalim ng inyong upuan.
Siguraduhin rin na nasa linya ang inyong
upuan upang mas maayos ang ating
magiging talakayan sa araw na ito.

Class secretary, mayroon bang absent sa Ma’am, wala pong absent sa araw na ito.
araw na ito?

Mahusay! Kung ganon, maaari ng maupo


ang lahat.

B. Balik-tanaw

Sa nakaraang talakayan, napag-aralan natin


ang patungkol sa konsepto at katuturan ng
pagkamamamayan. Sino sa inyo ang
makapagbibigay sa akin ng buod ng ating
napag-aralan noong nakaraan?

Yes, Joanna.
Ma’am, noong nakaraan pong talakayan,
napag-aralan po naming ang tungkol sa
pagkamamamayan na kung saan ito ay
binigyang kahulugan ni Murray. Ayon sa
kanya, ito po ay isang koneksyon ng bansa
at ng mga indibidwal na naninirahan dito.
Bukod dito, natalakay din po natin ang
iba’t-ibang seksyon sa Saligang Batas na
nagpapahayag ng mga batayan sa
pagkamamamayan ng isang indibidwal.
Magaling! Natutuwa akong mayroon
kayong natutunan sa ating nakaraang aralin.
Mayroon pa bang nais na magbahagi ng
kanyang natutunan?

Yes, Joseph? Ma’am, napag-aralan din po naming ang


mga paraan upang mawala at maibalik ang
pagkamamamayan
Mahusay! Bigyan ng “Approved Clap” ang
lahat ng mga nagbahagi.

Maliwanag na ba ang kahulugan at kung


ano batayan ng pagkamamamayan class? Opo, ma’am.

C. Pagganyak

Kung ganon, sa tingin ko ay handa na kayo


sa ating panibagong paksa. Mayroon akong
inihandang maikling video na may
kinalaman sa ating panibagong paksa.

Panoorin, at makinig nang mabuti dahil


pagkatapos nito ay magbibigay kayo ng
opinion patungkol sa inyong napanood.

Maliwanag ba class?

(ipapanood ang video) Opo, ma’am!

Tungkol saan ang video na napanood niyo


class?
Yes, Jomarie?

Ma’am tungkol po ito sa iba’t-ibang opinion


Tama! ngayon class, sa tingin niyo, ano ang ng mga tao sa kung ano ang katangian ng
ating magiging paksa sa araw na ito? isang mabuting mamamayan.

Yes, Lorraine?

Ma’am sa tingin ko po ang magiging paksa


natin sa araw na ito ay tungkol sa mga
D. Pagtalakay katangian na dapat taglayin ng bawat
mamamayan ng ating bansa.
Magaling! Ito nga ang ating magiging paksa
sa araw na ito. Ang mga katangian na dapat
taglayin ng isang aktibong mamamayang
nakikilahok sa mga gawaing pansibiko.
Tatalakayin rin natin ang kahalagahan ng
pakikilahok sa mga ganitong gawain.

Okay class, para sa inyo ano ang katangian


ng isang mabuting mamamayan?

Yes, Marie?

Ma’am, para po sa akin, masasabi pong


Magaling! Isa nga ito sa mga katangian ng isang mabuting mamamayan ang isang
indibidwal kapag po ito ay nakikilahok sa
isang mabuting mamamayan. Sino pa ang mga gawaing pansibiko.
nais magbahagi class?

Yes, Anton?

Mahusay! Lahat ng inyong kasagutan ay Ma’am, kapag po siya ay sumusunod sa


tama. bigyan natin ng “Very good Clap” kanyang tungkulin at mga batas ng bansa.
lahat ng nagbahagi.

Ano ng aba ang sibika? Sino angg nais


magbasa?

Yes, Joanna?

Ang sibika ay tumutukoy sa pagiging


mabuting mamamayan ng bansa. Bawat
mabuting mamamayan ay nararapat na
makibahagi sa mga iba’t-ibang gawaing
pansibika at gampanan ang kanyang mga
Okay class, ano-ano ba ang mga gawaing responsibilidad upang matamo ng bansa ang
pansibika? minimithing pag-unlad.

Yes, Bea?

Ma’am katulad na lamang po ng


Tama! Ang ating bansa ay isang pakikilahok sa halalan tulad ng pagpili ng
demokratikong bansa, kung kaya bawat mga dapat maging pinuno ng bansa.
opinion at desisyon ng mga mamamayan ay
mahalaga at binibigyang pansin. Sa
pakikilahok sa halalan, naipapakita rito ang
kapangyarihan na pumili ng pinuno ay nasa
kamay ng mga mamamayan.

Ano pa ang mga maari nating tawaging


gawaing pansibika class?

Yes, Karen?

Tama! ang dalawang bagay na ito ay hindi Nakikilabahagi po sa mga usaping may
maitatangging mayroong malaking kinalaman sa ekonomiya at politika.
impluwensiya sa pang-araw araw na
pamumuhay ng bawat tao.
Maliwanag ba class?

Mabuti kung ganon! Sino ang nais ulit Yes po, ma’am.
magbasa?

Yes, Marie?

Nagaganap ang pakikilahok pansibiko sa


tuwing ang mga mamamayan ay
nakikibahagi maging ito man ay tuwiran o
Okay class, sa tingin niyo, sapat na bang di-tuwiran sa mga pampublikong usapin.
ang isang mamamayan ay bumuboto tuwing
eleksyon upang siya ay matawag na isang Ma’am. Hindi po.
aktibong mamamayan?

Paano niyo nasabing hindi sapat class?

Yes, Andrei

Ma’am, tungkulin din niyang kilalanin at


kilatisin nang mabuti ang mga kandidato na
Yes. Tama ito class. Hindi sapat na ang kanyang iboboto kung ang mga ito ba ay
isang tao ay bumubuto lamang upang siya nararapat na maluklok sa pwesto o hindi.
ay masabing mabuting mamamayan. Sa
pagboboto class, hindi dapat sapat na
basehan ang pagiging kilala o sikat nito
upang ito’y ihalal dahil ang pamumuno ay
hindi nasusukat sa kanyang kasikatan kundi
sa kanyang kakayahan na mamahala at
mamuno.

Maliwanag ba class?

Okay! Sino ang nais ulit magbasa? Opo, ma’am.

Hindi magiging possible ang isang


mabuting pamamahala kung walang
katapatan sa panig ng pamahalaan at
mamamayang mulat sa mga gawain ng
pamahalaan. Kaya naman mahalaga na ang
mga mamamayan ay magsagawa ng
aktibong pakikilahok politikal katulad ng
pagboto o pagsali sa civil society para
Okay class, base sa binasa, ano ang nais magkaroon ng kapanagutan ang mga
ipaintindi nito sa atin? namamahala sa kanilang tungkulin.

Ma’am, mahalaga po na aware ang mga


mamamayan sa mga isyu at mga kaganapan
sa kanyang bansa upang mas makagagawa
Tama class, kung magiging sunud-sunuran po sila ng hakbang o mga gawain upang
lamang tayo, walang mangyayari sa ating maiwasan ito.
bansa. Patuloy lamang na lalaganap ang
problema katulad ng kahirapan kung hindi
tayo mamimili ng tama at responsableng
mamumuno sa atin at kung hindi tayo
makikilahok sa mga gawaing pansibiko.
Tayo lang din ang kawawa.

Susunod, sino ang nais magbasa?

Yes, Diana?

Ang balanse at maayos o mabuting relasyon


Base sa nabasa class, ano ang nais nitong sa pagitan ng mga tao at pamahalaan ay susi
ipaintindi? sa pagsulong at pag-unlad ng bansa.
Yes, Claire?

Ma’am, nangangahulugan po ito na bawat


isa sa atin, mamamayan man o ang mga
Mahusay! Tama ito class, may mga namumuno ay may sari-sariling tungkulin
tungkulin tayong mamamayan, katulad na upang masiguro na nasa tamang landas ang
lamang ng pagbabayad ng buwis, pagsunod pagpapaunlad ng bansa.
sa batas at pagiging matapat sa bayan. At
mayroon rin naming tungkulin ang
gobyerno at iyon ang magsilbi sa mga
mamamayan, magsulong ng mga proyekto
at programa para sa lahat at ang mapaunlad
ang bansa.

Maliwanag ba class?

Mabuti kung ganon! Opo, ma’am.


Dito sa ating bansa class, may mga
organisasyon o samahang pansibiko na
nabuo upang tumulong para maidaos nang
mapayapa at maayos ang halalan.
Una ay ang National Citizens’ Movement
for Free Elections. Sino ang nais magbasa?

Yes, Henry?

Sila ang tagabantay sa panahon ng halalan


na naorganisa noong 1983. Ito ang kauna-
unahang organisasyon na sumubaybay sa
eleksyon na kinilala ng COMELEC para
Maraming salamat, Henry. So ang magsagawa ng quick count noong 1984 at
NAMFREL class ay itinatag ni Jose S. mayroon na itong libu-libong miyembro na
Concepcion na naglalayon na matiyak na nagbubuluntaryo sa iba’t-ibang sector.
malaya, maayos at totoo ang eleksyon na
ginanap noong 1983.

Pangakawang organisasyon, sino ang nais


magbasa?

Yes, Jeremy.

Parish Pastoral Council for Responsible


Voting (PPCRV)-nabuo noong 1991 sa
pamumuno ng mga pari sa pangunguna ni
Okay class, ang PPCRV naman ay binuo ng Archbishop Jaime Cardinal Sin bilang tugon
mga pari sa simbahan bilang pagtulong sa sa tawag ng pagtulong ng simbahan sa
pagpapanatili ng kaayusan sa panahon ng panahon ng eleksyon.
eleksyon.

Maliwanag ba ang ilang halimbawa ng mga


organisasyon o samahang pansibiko na
nabuo upang tumulong para maidaos nang
maayos ang halalan? Opo, ma’am.

Mabuti kung ganon! Ngayon, dumako


naman tayo sa pangalawa nating paksa at ito
ang mga katangian na dapat taglayin ng
isang aktibong mamamayan.
Sino ang nais magbasa?

Yes, Jerome

Isa sa mga katangian na dapat taglayin ng


Okay tanong lang class, sa panahon natin isang aktibong mamamayan ang pagiging
ngayon, sino-sino ang ating mga makabansa. Tungkulin ng bawat isa sa atin
makabagong bayani? na sikaping isulong ang pagtutulungan,
pagbubuklod-buklod at pagkakaisa.
Yes, Angeline

Mahusay! Sino-sino pa class?

Yes, Zeny? Ma’am, ang ating mga OFW’s po.

Magaing! Lahat ng inyong mga sagot ay


tama! so class, may iba’t-ibang paraan
upang tayo ay maging makabansa. Ma’am ang atin pong mga frontliners sa
panahon ng pandemya.
Una ay ang pagiging tapat sa bansa. Sa
tingin niyo class, pano niyo naipamamalas
ang pagiging tapat sa bansa?

Yes, Lorraine?

Yes, tama iyon class. Sa katunayan class, sa


simpleng paggalang natin sa ating
pambansang awitin at sa ating watawat ay Ma’am, sa pamamamagitan po nang
nagpapakita na ito ng pagiging tapat natin sa pagiging hand ana maglingkod para sa
ating bansa. bansa.

Naiintindihan ba class?

Okay! Very good! Maipapakita din natin


ang pagiging makabansa kung tayo ay
handang ipagtanggol ang estado.
Sa mga anong paraan natin maaaring Opo, maam
ipagtanggol ang ating bansa class?

Yes, Jerome
Magaling! Mayroon pa bang ibang mga
paraan class? Ma’am, tulad po ng ginagawa ng ating mga
sundalo na pinaglalaban po ang ating bansa
Yes, Danica? sa mga terorista.

Yes, tama ito class. Maaari din nating


ipagtanggol ang ating bansa hindi lamang sa Ma’am, sa pamamagitan din po ng
pakikidigma, kundi sa pageeducate din natin pagbibigay ng mga makatotohanang
sa ibang mga bansa sa kung ano talaga ang impormasyon tungkol sa ating bansa sa mga
katangian ng Pilipinas. dayuhan.

Maaari din nating masabi na makabansa ang


isang mamamayan kung siya ay sumusunod
sa mga batas ng Pilipinas.

Okay class, ano ang mangyayari kapag


hindi natin inigalang ang ating mga batas
dito sa bansa?

Yes Toni?

Magaling! Tama ito class, kung ang lahat ng


mamamayan ay matututong sumunod sa
mga batas katulad na lamang sa batas
trapiko, mas magiging ligtas, maayos at Ma’am, ang hindi po paggalang sa batas ay
payapa ang pamumuhay natin. Dito pa maaaring magdulot ng kaguluhan sa
lamang sa maliit na gawaing ito, naipapakita lipunan.
natin ang pagmamahal natin sa bansa dahil
nagiging tapat tayo sa pagsunod ng mga
batas nito.

Susunod, ay ang pakikipagtulungan sa


Gobyerno. So class, ano ang kahalagahan
nito sa atin?

Yes, Pia?
Magaling! Nagpapakita rin ng pagiging Ma’am, mahalaga ang partipasyon at
matapat sa bansa kung ang bawat magandang koneksiyon ng pinuno sa mga
mamamayan ay nakikipagtulungan at may mamamayan at ang partisipasyon ng mga
magandang relasyon sa gobyerno. tao upang mapabilang sila sa mga paggawa
at matukoy ang mga suliranin ng bansa.
Panglima ay ang pagtangkilik sa sariling
produkto. Paano naipapakita ang pagiging
matapat sa bansa dito class?

Yes, Wendy?

Ma’am, kung ang isang indibidwal po ay


mas inuunang tangkilikin ang mga produkto
Mahusay! Tama ito class, kung ang bawat ng kanyang sariling bansa kumpara sa ibang
Pilipino ay prayoridad na bilhin ang bansa. Ang pagtangkilik sa sariling
produktong gawa ng mga Pilipino, produkto ay magbubukas ng oportunidad sa
makakatulong ito sa paglago ng ekonomiya ekonomiya ng Pilipinas upang umangat ito
ng ating bansa. at mas mapaunlad.

At bilang panghuli, ay ang pagbabayanihan


s apanahon ng kalamidad at mga suliranin
sa ating kinakahrap.

So class, ang pagiging makabansa ay hindi


lamang tumutukoy sa pagmamahal sa bansa
mismo kundi tumutukoy din ito sa
pagmamalasakit sa kapwa mamamayan. Sa
mga simpleng pakikibahagi ng bawat
mamamayan sa mga gawain o programa
upang makatulong sa kapwa at sa
pamahalaan.

Maliwanag ba class?

Mabuti kung ganon. Ngayon, tumuloy tayo


sa pangalawang katangian ng mabuting
mamamayan. Sino ang nais magbasa?
Opo, ma’am.
Yes, Sharmayne
Okay class, base sa binasa, ano ang nais
nitong ipaintindi ng makatao bilang isang Makatao- Bilang mamamayan, may
katangian na dapat taglayin? Kalayaan tayong gamitin ang bawat
karapatan ngunit dapat nating tandan na ang
Yes, Jerome bawat karapatan ay may kalakip na
pananagutan at tungkulin.

Magaling! Tama ito class. Kinakailangang


matutunan natin na igalang ang ating mga
Ma’am, ibig pong sabihin nito ay bawat tao
karapatan at ang karapatan din ng iba upang
ay nabigyan ng pantay-pantay na karapatan
mas maging tahimik at payapa ang pag- kaya nararapat lamang na tiyakin natin na
unlad ng ating bansa. hindi tayo nakapipinsala sa ibang tao
habang tinatamasa natin ang ating mga
Pang-apat na katangian, sino ang nais karapatan.
magbasa?

Yes, Quennie?

May lakas ng loob at tiwala sa sarili- Ang


katangian na pagiging matatag, at may tibay
ng loob ay ipinamalas ng ating mga bayani
sa paglaban sa mga mananakop na Kastila,
Base sa nabasa class, ano ang naintindihan Amerikano at Hapones.
niyo dito?
Sa ngayon, sa iba’t-ibang larangan
Yes, Allan naipapamalas nating mga Pilipino ang ating
galling dahil sa tatag ng loob at tiwala sa
sarili, kaya unti-unti ay nakilala tayong mga
Pilipino sa buong mundo.

Magaling! Tama ito class, mahalaga na


matutunan natin na magtiwala sa ating sarili
at sa ating mga kakayahan dahil kung hindi Ma’am, kilala po tayong mga Pilipino
natin ito magagawa, sino ang magtitiwala sa bilang talentado sa iba’t-ibang larangan
atin? Sa simpleng pagtitiwala natin sa ating mapasining man po, pageant o sports dahil
sarili, natutulungan natin ang ating bans ana po iyon sa tibay ng loob at tiwala ng mga
makilala sa buong mundo. mamamayan sa kanilang sarili upang ipakita
po ito.
Naiintindihan ba class?

Mabuti kung ganon. Ngayon, tumuloy tayo


sa panglimang katangian na dapat taglayin.
Sino ang nais magbasa?

Yes, Jeffrey?

Opo, ma’am.

Base sa nabasa class, ano ang kahalagahan


sa ating bansa ng pagiging makatwiran ng
isang mamamayan?
Isinasaalang-alang ang kapakanan ng
Yes, Amie? nakararami kaysa sa pansariling interes.
Ang makabayang mamamayan ay kumikilos
nang naaayon sa isinasaad ng batas at
pinahahalagahan kung ano ang tama.

Tama ito class! Dapat nating tandaan sa


bawat kilos natin kung ito ba ay akma sa
batas at kung ito ba ay makatutulong hindi Ma’am, mahalaga po na isaalang-alang ang
lamang sa sarili kundi pati na rin sa ibang pangkalahatang interes kumpara sa pansirili
tao at sa bansa. upang mas mapaunlad ang bansa. Ito po ang
dapat taglayin ng dapat mamamayan, lalo na
Naintindihan ba class? ang mga politiko.

Mabuti kung ganon. Ngayon tumuloy tayo


sa pang-anim na katangian na dapat taglayin
ng isang mamamayan.
Sino ang nais magbasa?

Yes, Moises
Opo, ma’am.
Okay class, mayroon ba kayong nasaksihan Matulungin sa kapwa- likas na sa mga
na mga pagtutulungan sa ating bansa? Pilipino ang pagtulong sa kapwa. Madalas
na nakikita ang pagiging matulungin nating
Yes, Jake mga Pilipino sa panahon ng mga kalamidad,
sakuna, aksidente, at pagdadalamhati. Ang
pagtulong na walang hinihintay na kapalit
ay palatandaan ng pagmamahal sa kapwa.

Magaling! Gaya nga ng nasabi class, hindi


nab ago sa atin ang mga ganitong Ma’am meron po. Katulad na lamang noong
pagtutulungan. Mahalaga na bawat isa sa sinalanta po tayo ng bagyong Yolanda.
atin ay matutunan at taglayin ang ganitong Marami po ang tumulong sa Visayas sa
katangian dahil dito nagsisimula ang mas pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods
maunlad na bansa. pati na rin po mga damit at financial aids sa
mga nasalanta.
Nauunawaan ba class?

Mahusay! At bilang panghuling katangian,


sino ang nais magbasa?

Yes, Nikka

Yes po, ma’am

Okay class, isang halimbawa dito ay ang


pagiging makakalikasan. Ang isang Makasandaigdigan- Ang
mamamayan na makakakalikasan at makasandaigdigang mamamayan ay
nangangalaga sa kapaligiran ay hindi mamamayan ng kanyang bayan at gayundin
lamang tinutulungan ang kanyang bansa sa buong mundo. Palagi nitong
kundi ang buong daigdig. isinasaalang-alang ang kapakanan ng
kanyang bansa at ng mundo sa
Naiintindihan ba ang nais iparating ng pangkalahatan.
makadaigdig class?

Mayroon bang mga katanungan sa pitong


katangian na dapat taglayin ng isang
aktibong mamamayan?

E. Paglalahat

Kung wala ng mga katanungan, sino sa inyo


ang makapagbubuod ng ating natalakay sa Opo, ma’am.
araw na ito, at makapaglalahad ng kanyang
natutunan?
Ma’am, wala na po.
Yes, Joseph

Mahusay! At ano-ano ang mga ito?

Yes, Fe?

Mahusay! Natutuwa ako na naunawaan niyo Ma’am, natalakay po natin sa araw na ito
ang ating paksa sa araw na ito. ang kahalagahan ng mga gawaing pansibiko
at ang mga iba’t-ibang katangian na dapat
F. Pagpapahalaga taglayin ng isang aktibong mamamayan.

Bilang panghuling tanong, ngayong alam na


ninyo ang iba’t-ibang katangian na dapat Ma’am, ito po ay ang pagiging makabansa,
taglayin ng isang mamamayan, bakit makatao, may lakas ng loob at tiwala sa
kinakailangang matutunan at maisabuhay sarili, makatuwiran, matulungin sa kapwa at
niyo ito bilang mga estudyante at batang makasandaigdigan.
mamamayan ng bansa?

Yes, Henry

Mahusay! Tama ito class, ang pagsunod at


ang pagkakaroon ng mga katangiang ito ay
isa nang malaking hakbang sa pag-unlad ng
ating bansa. Ma’am, ang mga nabanggit na mga
katangian ay nararapat maisabuhay ng isang
mamamayan habang siya’y aktibong
Natutuwa ako na naisabubuhay niyo ang nakikibahagi upang sa ganun ay
inyong mga natutunan sa araw na ito. magampanan naming nang maayos ang
kanyang mahalgang papel tungo sa
Mayroon pa bang mga katanungan class? kaunlaran ng bansa at pagbabagong lipunan.

G. Pagtataya

Kung ganon, mukhang hand ana kayo sa


aking inihanda na maikling pagsusulit.

Ang ating activity sa araw na ito ay


pinamagatan kong, “ISIPIN MO AKO”
Wala na po, ma’am
Sa gawain na ito, mayroon akong kataga na
ibibigay. Inyo itong ipapaliwanag sa
pamamagitan ng paggawa ng isang maikling
sanaysay. Bibigyan ko kayo ng sampung
minuto upang kayo ay mag-isip at magsulat
ng inyong kasagutan.

Naintindihan ba class?

(ibibigay ang pahayag)

“Hindi dapat tanungin ng isang mamamayan


ang magagawa ng kanyang bansa para sa
kanya, bagkus ay tanungin niya sa sarili
kung ano ang kanyang magagawa para sa
kanyang bansa”
Opo, ma’am.
(makalipas ang samoung minuto)
Okay class, tapos na ba ang lahat?

Kung ganon, maaari niyo ng ipasa ang


inyong mga papel paharap.
H. Takdang- aralin

Bilang inyong takdang-aralin, nais kong


ilagay niyo ang sarili niyo bilang isang
presidente ng Pilipinas.
Opo. Ma’am
Nais ko kayong mag-isip at magtala ng mga
programa na makatutulong upang mahasa at
mapaunlad ang mga katangian na dapat
taglayin ng isang mamamayan na natalakay
natin kanina.

Inyo itong ilalagay sa inyong notebook, at


atin itong ichecheck sa susunod nating
talakayan.

Naintindihan ba ang inyong takdang-aralin


class?

Mabuti kung ganon! Magaling! Natutuwa


akong naintindihan ninyo ang ating aralin
ngayon sa araw na ito. Nawa’y maisabuhay
niyo rin ang inyong natutunan sa araw na
ito.

Ngayon, kung wala ng karagdagang


katanungan class, dito na nagtatapos ang Opo, ma’am.
ating klase. Maraming salamat sa inyong
partisipasyon sa araw na ito. Paalam class.
See you on our next discussion. Be safe.

Goodbye ma’am. Goodbye classmates.


ss

You might also like