You are on page 1of 46

Panalangin . . .

▪ Ama Namin, pakinggan mo po ang pagtawag naming sa Iyong Banal na


Pangalan. Basbasan mo po ang aming pagtitipon at kami’y kaluguran mo
sa umagang ito. Pagyamanin mo po, Panginoon at maging nakaayon sa
iyong kalooban ang aming pagkikita-kita, mula sa simula hanggang
katapusan.
▪ Masalamin nawa namin ang layunin mong dakila sa aming buhay at
maisagawa namin ngayon ang aming mga gawain na may kabutihan at
pag-ibig sa aming kapwa . Kami po ay naninikluhod sa iyong harapan na
kami’y iyong patnubayan at iwaksi sa aming kaisipan ang anumang
masasamang kaisipan, inggit at pakikipag-alitan sa aming mga kasama.
Panalangin . . .
▪ Bigyan mo kami ng sapat na lakas at katalinuhan upang maibahagi
naman namin ang aming makakaya sa aming mga kasama sa
pagtitipon na ito. Ilagay mo po sa aming diwa at puso ang
pagmamahal na hindi naghihintay ng anumang kapalit, bagkus ay
bukas-palad na magkakaloob ng anumang tulong.
▪ Panalangin namin ang lahat ng ito sa pangalan ng Iyong Bugtong
na Anak na si Hesus. Amen.
Isang Maganda’t Magpalang Araw
mga Mag-aaral!
▪Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat!

▪Paezian Class of 2022


▪ 4th Quarter, 1st Week (May 01 - 05, 2023)
GLENN NOEL N.
ENRIQUEZ
Class Adviser / Subject Teacher
Never regret a day in your life. Good days
gives you happiness and bad days gives
you experience.
Yunit iV: Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
❑Panimula at Gabay na Tanong
▪ Ang modyul na ito ay tungkol sa papel ng mamamayan para
sa pagbabagong panlipunan. Bilang mahalagang bahagi ng
estado, nasa kamay ng mamamayan ang pag-asa para sa
ikauunlad ng bayan. Upang matupad ang misyong ito, ang
mamamayan ay kinakailangang may sapat na talino at
kakayahan para paunlarin ang bansa.
Yunit iV: Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
❑Panimula at Gabay na Tanong
▪ Sa modyul na ito, mauunawaan mo ang konsepto ng pagkamamamayan
at ang pinagdaanan nitong pagbabago. Malalaman mo rin dito ang mga
karapatang pantao na nagbibigay-proteksiyon at kapangyarihan sa
mamamayan. Ipaliliwanag din sa modyul na ito kung ano ang mga paraan
ng politikal na pakikilahok na nagbibigay-kapangyarihan sa mamamayan
para itakda ang kinabukasan ng ating bayan.
▪ Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang
katanungang, “Ano ang iyong maaaring gawin para tugunan ang mga isyung
panlipunan sa kasalukuyan?”
Yunit IV: Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
Pamantayan sa Pagkatuto
Inaasahang makakamit sa modyul na ito ang sumusunod na
pamantayan sa pagkatuto:
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay may Nakagagawa ng pananaliksik
pag-unawa sa kahalagahan ng tungkol sa kalagayan ng
pagkamamamayan at pakikilahok sa mga gawaing
pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga
pansibiko tungo sa pagkakaroon mamamayan sa kanilang sariling
ng pamayanan at bansang pamayanan.
maunlad, mapayapa, at may
pagkakaisa.
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELCs)
Inaasahang makakamit sa modyul na ito ang sumusunod na pamantayan sa
pagkatuto:
▪ Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan (Week
1 – 2) May 8 - 12, 2023 & May 15 – 19, 2023
▪ Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa
karapatang pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan
(Week 3 – 5) May 22 – 26, 2023, May 29 – June 02, 2023 & June 05
– 09, 2023
▪ Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan
sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika, at lipunan (Week 6 –
7) June 12 – 16, 2023 & June 26 – 30, 2023
▪ Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaron ng isang
mabuting pamahalaan (Week 8)
Yunit IV: Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
Modyul 1: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
Paksa 1: Aktibong Mamamayan
Inihanda ni: Glenn Noel N. Enriquez
Yunit IV: Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
Aralin 1: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
Paksa 2: Ligal at Lumalawak na Pananaw ng Pagkamamamayan
Inihanda ni: Glenn Noel N. Enriquez
Yunit IV: Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
❑ Mga Aralin at Sakop ng Modyul
➢ Aralin 1 –Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
➢ Aralin 2 – Mga Karapatang Pantao
➢ Aralin 3 – Politikal na Pakikilahok
➢ Sa modyul na ito ay inaasahang matututunan mo ang sumusunod.
Mga Aralin Kasanayang Pampagkatuto
Aralin 1: Pagkamamamayan: Konsepto ➢ Naipaliliwanag ang mga katangian na
dapat taglayin ng isang aktibong
at Katuturan mamamayan na nakikilahok sa mga
1. Aktibong Mamamayan gawain at usaping pansibiko
2. Ligal at Lumawak na Pananaw ➢ Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto
ng Pagkamamamayan ng pagkamamamayan
➢ Napahahalagahan ang papel ng isang
mamamayan para sa pagbabagong
panlipunan
Yunit IV: Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
Aralin 2: Mga Karapatang Pantao
Paksa 3: Karapatang Pantao
Inihanda ni: Glenn Noel N. Enriquez
Yunit IV: Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
❑ Mga Aralin at Sakop ng Modyul
➢ Aralin 1 –Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
➢ Aralin 2 – Mga Karapatang Pantao
➢ Aralin 3 – Politikal na Pakikilahok
➢ Sa modyul na ito ay inaasahang matututunan mo ang sumusunod.
Mga Aralin Kasanayang Pampagkatuto
Aralin 2: Mga Karapatang Pantao ➢ Natatalakay ang pagkabuo ng mga
karapatang pantao batay sa Universal
1. Pagkabuo ng Karapatang Pantao: Ang
Declaration of Human Rights at Saligang
Universal Declaration of Human Rights, Batas ng 1987 ng Pilipinas
Bill of Rights ➢ Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng
2. Mga Organisasyong Nagtataguyod sa mga karapatang pantao upang matugunan
Karapatang Pantao ang iba’t ibang isyu at hamong panlipunan
3. Mga Karapatan ng mga Bata at Ang ➢ Napahahalagahan ang aktibong
mga Karapatang Pantao at ang pakikilahok ng mamamayan batay sa
Pagkamamamayan kanilang taglay na mga karapatang pantao
Yunit IV: Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
❑ Mga Aralin at Sakop ng Modyul
➢ Aralin 1 –Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
➢ Aralin 2 – Mga Karapatang Pantao
➢ Aralin 3 – Politikal na Pakikilahok
➢ Sa modyul na ito ay inaasahang matututunan mo ang sumusunod.
Mga Aralin Kasanayang Pampagkatuto

Aralin 3: Politikal na Pakikilahok ➢ Natatalakay ang mga epekto ng


pakikilahok ng mamamayan sa mga
1.Eleksiyon: Suffrage Right
gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika,
2.Paglahok sa Civil Society, Non-
at lipunan
Governmental Organiation (NGOs) at ➢ Nasusuri ang mga elemento ng isang
People’s Organization (PO) mabuting pamahalaan
Yunit IV: Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
❑ Mga Aralin at Sakop ng Modyul
➢ Aralin 1 –Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
➢ Aralin 2 – Mga Karapatang Pantao
➢ Aralin 3 – Politikal na Pakikilahok
➢ Sa modyul na ito ay inaasahang matututunan mo ang sumusunod.
Mga Aralin Kasanayang Pampagkatuto

Aralin 3: Politikal na Pakikilahok ➢ Napahahalagahan ang papel ng


mamamayan sa pamamahala ng isang
1.Papel ng Mamamayan sa pagkakaroon
komunidad
ng Mabuting Pamamahala
a. Participatory Governance
b. Good Governance
Inaasahang Output
❑Inaasahang Produkto/Pagganap:
▪ Case Study ng isang NGO/PO sa komunidad ng mga mag-aaral.
Kailangang kapanayamin ng mga mag-aaral ang oganisasyong
kanilang napili tungkol sa sumusunod na paksa:
▪ Adbokasiya ng kanilang organisasyon
▪ Sektor na kanilang kinakatawan
▪ Paraan ng kanilang aktibong pakikilahok sa pamahalaan
▪ Mga Programa Para sa Sektor na Kanilang Kinakatawan
Panimulang Pagsusulit
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑1. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang
pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.
▪ A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
▪ B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
▪ C. Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa.
▪ D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag
mayroong digmaan.
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑2. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino
ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
▪ A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
▪ B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng
Pilipinas.
▪ C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang
Saligang-Batas na ito.
▪ D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga
ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa
tamang gulang.
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑3. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang
dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang
pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa
sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
▪ A. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
▪ B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
▪ C. Magna Carta ng 1215
▪ D. Universal Declaration of Human Rights.
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑4. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang
Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.
▪ A. mamamayan ng Pilipinas
▪ B. nakatapos ng hayskul/sekondarya
▪ C. labing-walong taong gulang pataas
▪ D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya
gustong bumoto nang hindi bababa sa 6 buwan bago maghalalan.
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑5. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan
maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang pangangailangan
sa pamahalaan.
▪ A. Civil Society
▪ B. Grassroots Organizations
▪ C. Non-Governmental Organizations
▪ D. People’s Organizations
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑6. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang
Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
▪ A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
▪ B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
▪ C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
▪ D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino
at piniling maging Pilipino.
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑7. Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindi nagpapakita ng
lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?
▪ A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa
pamahalaan.
▪ B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga
pangangailangan.
▪ C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng
kanilang lokal na pamahalaan.
▪ D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na
naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑8. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa
pagkabuo ng mga karapatang pantao mula sinaunang panahon
hanggang sa kasalukuyan.
▪ 1. Magna Carta 2. First Geneva Convention
▪ 3. Cyrus’ Cylinder 4. Universal Declaration of Human Rights
▪ A. 1324
▪ B. 3124
▪ C. 3214
▪ D. 1234
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑9. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit
ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?
▪ A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga
proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad.
▪ B. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang
barangay.
▪ C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
▪ D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang
pantao.
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑10. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights
na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
▪ A. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
▪ B. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
▪ C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi
pagbabayad ng sedula.
▪ D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa
kaniyang malayang pagpapasya.
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑11. Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating
lipunan. Nais niyang lumahok sa isang samahang magtataguyod ng
karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang
salihan?
▪ A. Funding-Agency NGOs
▪ B. Grassroot Support Organizations
▪ C. Non-Governmental Organizations
▪ D. People’s Organizations
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑12. Tingnan ang diyagram sa ibaba at sagutin ang tanong. Anong
proseso ang ipinapakita ng diyagram?
▪ A. Participatory Budgeting ng Lungsod ng Naga
▪ B. Participatory Governance ng Lungsod ng Naga
▪ C. Participatory Budgeting ng Porto Alegre
▪ D. Pagbuo ng Council of Fora of Delegates ng Porto Aleg
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑13. Basahin ang sumusunod na mensahe:
• “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your
country.” Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F.Kennedy?
▪ A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang
karapatan at tungkulin.
▪ B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at
proyekto ng pamahalaan.
▪ C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-
unlad ng isang bansa.
▪ D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa
pagkamamamayan.
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑14. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang
pagkamamamayan sa isang bansa?
▪ A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
▪ B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
▪ C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
▪ D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang
matamasa
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑15. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”:
• Walang sinuman ang nabubuhay Para sa sarili lamang Walang sinuman ang
namamatay Para sa sarili lamang Koro: Tayong lahat ay may pananagutan sa
isa't-isa.Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya. Ano ang
mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang
bansa?
▪ A. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay.
▪ B. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng
bansa na kaniyang kinabibilangan.
▪ C. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang
interes kung may pagtutulungan
▪ D. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan
upang makamit ng bansa ang kaunlaran.
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑16. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at
malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng mga
mamamayan”?
▪ A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
▪ B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
▪ C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang
bansa
▪ D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong
dayuhan
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑17. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao
sa isyu at hamong pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
▪ A. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng
suliraning pangkapaligiran
▪ B. Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit
kailangang tugunan ang mga isyung pangkapaligiran.
▪ C. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang
kahalagahan ng pagsusumikap ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.
▪ D. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na
kapaligiran ang pundasyon sa paggawa ng mga hakbang upang matugunan
ang isyung pangkapaligiran.
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
• 18. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?
• A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo
boboto.
• B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing
eleksyon.
• C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng
iba’t ibang kagamitan.
• D. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay
ipaglalaban angkarapatang pantao at kabutihang panlahat.
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑19. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng participatory governance?
▪ A. mas maraming sasali sa civilsociety
▪ B. mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan
▪ C. maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan
▪ D. mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan
Panimulang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
mga paksang tatalakayin.
❑20. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga
mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?
▪ A. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga
mamamayan sa mga nangyayari sa bansa
▪ B. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga
mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas
▪ C. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan
na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan
▪ D. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng
pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa
Aralin 1: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan (Citizenship)
Kasunduan #1: Aktibong Mamamayan

• Mga Gabay na Tanong para sa Kasunduan #1

• Mga Gabay na Tanong:

• 1. Anu-ano ang mga tungkulin ng mamamayan ayon sa artikulo ni Dr. Mahar K. Mangahas – “Ang
Pananaw ng mga Pilipino sa pagiging Mabuting Mamamayan”?

• 2. Ano ang konsepto ng isang aktibong mamamayan? Ipaliwanag ang sagot.

• 3. Ano ang ibig sabihin ng Gawaing Pansibiko?

• 4. Anu-ano ang kahalagahan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa gawaing pansibiko at gawaing


politika?

• 5. Anu- ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayang nakikilahok sa
gawaing pansibiko?

• Sanggunian: DepEd NCR ADM SLM Module 1 pahina 7 – 15 at Learners’ Module (LM) pahina 363 – 367
Do you have any • Thank you all
questions? for coming
today. Until
next time!
God Bless po.

You might also like