You are on page 1of 2

Tugon ng mga Kabataan sa Isyu ng Lipunan

Sabi nga ng karamihan "kabataan ang pag-asa ng


bayan" pero paano ito mapapatunayan kung mismo ang ating
kabataan ay nawawalan na ng pag-asa na maayos ang ating
lipunan. Kung mismo ang pamahalaan ay hindi marunong
tumupad sa usapan.
Na dapat mismo ang pamahalaan ang
nagbibigay ng inspirasyon at nagtuturo ng tama, ay sila pa
yung gumagawa ng mga bagay na hindi tama o puro
kalaswaan.
Dahil sa ating kakulangan sa edukasyon ay lalo
pa tayong nagiging bobo o mangmang na halos di
makasalita. O baka patay mali lamang?
Alam mo ba, na sa lahat ng mga problema
ngayon ay puro kabataan ang halos sinisisi dahil sa mga
gawaing di kaaya-aya. Hindi ba nila nakita na mismo sila ang
nagturo sa atin.
Ngunit bakit pa ba tayo binigyan ng pasanin
kung di naman natin maisalba? Hihintay pa ba tayo ng
himala? O baka sulsul na naman ng gobyerno? Kailan ba
tayo kikilos? Bukas na halos sira na lahat o ngayon na may
pag-asa pang mabago! Ipakita natin ang tama, imulat ang
mga matang bulag at simulan ang pagbabago.
Imulat ang mga mata sa katotohanan hindi puro
pantasya. Kailan tayo magsisimula ng pagbabago? Kailan?
Kung hindi na halos tayo makatayo sa ating mga sariling paa

at hindi na makasalita? Wag tayong magbubulagbulagan


lamang sa pantasyang hindi naman makamkam.
Huwag sayangin ang bawat minutong
humihinga tayo. Gumawa ng mabuti at punuin ang mundo ng
kabutihan.
Huwag pa nating lalong ikalat ang baho ng
lipunan kundi linisin natin at pag-ibayuhing maayos pa. Dahil
tayo ang boses ng lipunan. Wag lang magtunga-tungaga
imbis isigaw ang Laban at Kilos!
Wag nating gasgasin pa lalo ang Gasgas na
kasabihang "kabataan ang pag-asa ng bayan " magsimula
tayo ng makabago at linisin ang polusyon o duming hindi
matapon-tapon sa basurahan.
Tara! Kilos na't alisin natin ang mga salut sa
lipunan.

You might also like