Mananatiling nariyan ng magpakailanman. Kabataan, kabataan, dapat maki-alam, upang tugunan ang bawat uhaw na isipan. Ano nga ba ang iyong tugon sa mga isyung panlipunan? Naririto tayo ngayon sa panahon na kung saan laganap ang mga isyu. Isyu na kung saan araw-araw nagiging bisyo. Ikaw, Ako , Tayo isipin ang mga kahihinatnan , kung isyung panlipunan hindi masusulosyonan. Pulitiko; serbisyong totoo ay hatid nila ngunit di natin alam sarili nating pera kinakamkam nila. Di sila nahiya kung nangangampanya kitang-kita, pag nanalo namay biglang nawawala. Droga; kung iisipin ito ay gamut, na nakagagaling sa sakit na dulot, ngunit ilang tao itoy inaabuso sapagkat mga utak ay pawang tuso. Polusyon; inang kalikasan kay gandang tingnan , mga ibong nagliliparan at mga isday nagsisilanguyan. Ngunit may mga plastik at dumi na pakalat-kalat, baka isang araw ang mga likas na yaman magiging salat na salat. Ilan lamang ito sa mga isyung panlipunan, sapagkat ang nabanggit ko ay di pa sapat at kulang na kulang. Damdamin , suriin , maki-alam sapagkat sa susunod tayo na ang sasalang. Sasalang sa mga pagsubok at mga isyung panlipunan, na kung saan makasusubok n gating
pag-uunawa na solusyonan at gumawa ng aksyon sa mga