You are on page 1of 23

Tanong .

 Sino ang kilalang pinuno


ang hinahangaan mo at ano
ba ang katangian nito.
Sanaysay
 Ayon kay Genoveva Edroza –Matute ang
sanaysay ay pagtataya sa isang paksa
sa paraang tuluyan at sa malayang
paraang maglalantad ng kaisipan ,kuro-
kuro ,palagay at ng kasiyahan ng
sumusulat ,upang umaliw, magbigay
kaalaman o magturo .
Ang Prinsipe
Kabanata 18 – Paano Dapat
Panatilihin ang Prinsipe ang
Kanyang Salita
Niccolo Machiavelli
Niccolò di Bernardo dei
Machiavelli ay
isang Italyanong
pilosopo, politiko, at
manunulat na nakabase
sa Plorensiya noong
panahon ng Muling
Pagsilang.
 Kapuri-puri para sa isang Prinsipe na
panatilihin ang kanyang mga salita at
mamuhay ng may integridad at hindi
manlinlang.
 Gayunpaman, batay sa ating karanasan sa
kasaysayan, ang prinsipe na nakagagawa
ng mga dakila ay yaong hindi gaanong
isinaalang alang ang pagtangan sa
pananampalataya sa bagkus ay
mahuhusay sa pagmanipula ng isip ng
kapwa na sa huli, ay nadaig pa ang mga
naniwala sa kanilang mga winika.
 Kung gayon, dapat mong malaman na
may dalawang paraan ng
pakikipagtunggali ang isa ay
alinsunod sa batas at pamamagitan
ng lakas.

 Dapat din malaman ang


pakikipagtunggali ang una ay sa
pagiging tao ang pangalawa ay sa
hayop
 Lihim na itinuro ng mga sinaunang
manunulat sa mga Prinsipe kung
paano nila pinamahala o
pinamalakad na ibigay si Achilles
at iba pang sinaunang prinsipe kay
Chiron na sentauro, upang arugain
sa ilalim ng kanyang
pamamalakad.
 Simula noon , nararapat na malaman ng
Prinsipe kung paano gamitin ang likas na
katangian ng hayop ,kailangan niyang piliin
ang maging soro at leon .
 Hindi kayang ipagtanggol ng leon ang kanyang
sarili sa patibong .
 Hindi kayang ipagtanggol ng soro ang kanyang
sarili sa lobo .
 Ang pinuno ay hindi dapat
magkaroon ng isang salita dahil maari
siyang baliktarin .
 Hindi totoo ang kawikaan na lahat ng
tao ay mabuti sapagkat ang mga tao
ay ubod nang sama at hindi tumutupad
sa mga pangako .
 Walang muwang ang mga tao at abala
sa kanilang mga pangunahinh mga
pangangailangan kaya laging naloloko
ang manloloko.
 Marapat na maging maingat ang isang
prinsipe sa mga lumalabas sa kanyang
labi .Kailangan niyang magpanggap na
maawain, matapat,maaasahan ,makatao
at maka-Diyos
Mga Tanong :
 Ayon kay Machiavelli ,ano-ano ang katangian
ng mahusay na pinuno ?
 Ano ang ibig sabihin niya sa ideyang
kailanga n mamuno rin nang parang hayop
ng isang pinuno ?
 Bakit kailangang magpanggap na maging
maawain, matapat,maaasahan ,makatao at
maka-Diyos ang isang Prinsipe?
“Mahalagang katangian ng
isang mahusay na pinuno
ang husay sa
pangangatwiran ang
pagpapahayag ng sariling
pananaw”.
Pangangatwiran at
Pagbibigay ng Sarling
Pananaw
 Ayon kay Bernales ang diskursong
panghihikayat ay nakatuon sa pagbibigay
ng isang sapat at matibay na
pagpapaliwanag ng isang isyu o panig
upang makahikayat ng mambabasa o
tagapakinig .
 Ayonkay Cabrera ito ay larangan
ng pagpapatalas ng kaisipan
tungo sa pagpapatibay ng
paniniwala o paninindigan .
Elemento ng Pangangatwiran
 Proposisyon - ay ang mga
pahayag na inilahad upang
pagtalunan o pag-usapan .
 Argumento - Ito na ang
paglalatag ng mga dahilan at
ebidensya upang maging
makatwiran ang iyong panig .
Gawain
Maglahad ng mga pagkakataon o
sitwasyon na nangailangan ng iyong
pangangatwiran .Tiyaking malinaw ang
proposisyon at ang mga argumento
.Isulat ang iyong karanasan sa bawat
sitwasyon at ibahagi sa klase
• Sa pamilya
• Sa barkada
Ang Lider na
Ipagmamalaki Mo
Takdang Aralin
 Ngayon naman ang panahon na upang
magbigay pugay sa mga karaniwang
pinuno na malapit at mahalaga sa
paghubog ng iyong pagkatao . Maaaring
ang pinunong ito ay mula sa inyong
pamilya,paaralan o lokal na pamayanan .
Maari kang mamili sa dalawang output :
Isulat sa bond paper.
 Photo essay ng ipinagmamalaki mong
lider .
 Biography o kuwentong –buhay ng lider
na ipagmamalaki mo.
Sundin ang mga sumusunod
na mga panuntunan .
 Tukuyin kung sino ang pinunong
nakaimpluwensiya sa iyong buhay
.Puwedeng kapamilya ,kamag-anak ,mga
kaibigan ,guro at iba pa na personal mong
nakakadaupan o nakakausap. Mangalap ng
mga larawan nila . Maaari mo rin silang
kuhanan ng litrato habang ginagawa ang
kanialng trabaho .Kung biography naman
ang gagawin mo ay magsaliksik ka tungkol
sa kanyang trabaho.
 Ayusin ang kanilang larawan at
pagkatapos ay gumawa ng malikhaing
paglalarawan na naglalaman ng
pagpapakilala at deskripsyon sa kanila.
Ilagay rin dito kung bakit siya ang
naging mahalaga para sa iyo .Kung
biography ,isulat mo sa malinaw at
malikhaing paraan ang kanilang
kwentong buhay .
Pamantayan sa Pagmamarka
Batayan Kaukulan Marka
g Puntos
1.Organisado ang paglalahad sa photo essay 10
o biography
2. Makabuluhan ang photo essay o 10
biography at nagbibigay na magandang
mensahe ang mga larawan .
3.Inspirasyonal ang paglalarawan at 10
humuhugot ng mahahalagang karanasan
kasama ang taong tinutukoy.
4. Malikhain ang kabuuang anyo at 5
pagkagawa ng photo essay o biography
Total 35

You might also like