You are on page 1of 1

Ang Ating Lipunan

ni Rejoice G. Mabilog

Lipunan, kamusta na ba ang ating lipunan? Hindi ba natin napapansin na ang kalidad ng
ating lipunan ay bumababa na sa ngayon? Katotohanan ba na nakikita natin sa television na
mga balita ang mga kriming nagaganap sa ating lipunan ngunit hindi tayo nababahala sa mga
ito? Marami sa ating paligid na lugar, lungsod at baryo ang mga kaganapan na di kanaisnais.
Isang nakapagtindig balahibo ang ating nabalitaan at minsan nasaksihan, ganun na lamang
kalala ang sitwasyon ng ating lipunan.

Lipunan ay isa sa mga pinakamahalagang basihan ng pagsuri ng sitwasyon ng isang


bansa. Kung ito ba ay lumalago o kung ito ba ay palala? Ayun sa ating mga nakikita sa ating
paligid dahil na din sa modernong sosyodad at modernong teknolohiya ang moralidad ng ating
lipunan ay pababa ng pababa at palala ng palala. Tama po ba? Napapansin po ba natin na
noong mga araw ang kabataan ay magagagalang sa nakakatanda, disiplinado at mayrespeto.
Ngunit ngayon kunti nalang ang gumagawa ng ganung kabutihan.

Isa pa, ang ating tagapamahala, ang gobyerno, mayroong kurapsyon nang nagaganap
dito. Hindi na nakakatulong sa bayan kundi karukot na sa lipunan. Kaya’t ang mga tao ay wala
ng tiwala sa namamahala. Puro na lang oposisyon ang minsan nating nababalitaan. Minsan
naman wala na sa lugar ang pagdidisiplina sa mga nagkasala. Nababalitaan nalang natin na
maraming taong pinatay dahil sa paggamit at pagpupuslit ng droga na kagagawan ng mga
awtoridad.

Anu ba ang dapat nating gawin? Anu ba ang dapat nating maitulong? May maitulong po
ba tayo? Dahil may kasabihan na tayong kabataan ay pag-asa ng bayan. Buksan natin ang ating
isipan tunkol dito at palawakin ang pang-unawa. Ang bawat isa sa atin ay may maitutulong sa
pagbabago ng ating lipunan. Pakatandaan na ang pagbabago ng ating lipunan ay nagmumula sa
ating mga sarili. Kaya’t simulan na natin ang pagbabago para sa kinabukasan ng ating lipunan.

You might also like