You are on page 1of 1

MALAYA ANG TULA KO

ni: Vicente Ralph V. Vallesteros, 12-E HUMSS

Ano nga ba ang nais ng tao?


Ano ba ang aking gusto?
Bakit ganito na ang mundo?
Uupo na lamang ba tayo?

Puro katanungan ang nasa isip ko


nagtataka ba kayo?
kung hindi, baka ‘di mo pa alam ang kalagayan ng ating mundo
atin pa nga ba ito?

Maputi, kayumangi, o ano mang lahi


lahat tayo’y nag hahangad lamang ng kalayaan, tama o mali?
bawat isa satin ay tila naka gapos sa tali
di makawala dahil sa mga taong tiwali

Ano nga bang meron ang iba na wala tayo?


kahit na wala ding TAYO
dahil bihira ng magtulungan ang mga tao
kalayaan, pano na natin makakamit ito?

Napapagod kana ba?


pahinga ka muna
baka kailangan mo lang muna mawala
mawala sa mundong hindi na makilala

Bakit ba sa kabila ng mga kilos protesta laban sa gobyerno


wala paring nagbabago
patuloy paring naghihirap ang mga tao
sino ba? Sinong makakasagot sa mga katanungan ko?

Malapit nang matapos ang tula ko,


wala parin namang bago
ganoon parin an gating mundo
kinain ng kadamutan at sakim ng tao

bago ko tapusin itong tula ko,


gusto ko lang malaman ninyo
na walang ibang magkakapitan
kundi tayong mga tao na naghahangad ng kalayaan.

You might also like