You are on page 1of 2

Naalala nyo pa ba? Mga unang araw na tayo’y Malaya?

Dugo’t pawis ng mga bayaning hangad ay Kalayaan ng bansa


Kamay, paa, ang puso’t diwa ay kanilang inialay
Kalayaan ay makamtan kahit kapalit nito’y pagbubuwis ng buhay

Kalayaan! Malaya na ang ting bansa!


Mga salitang nabigkas sa tuwa
Ngunit naisip nyo ba? Malaya na nga ba talaga ang ating bansa? Tayo nga ba ay Malaya?
O sadiyang naluwagan lng ng kaunti ang mga gapos sa ating paa?

Malaya! Sigaw ng mamamayang labis ang tuwa


Tuwa na minsang dumapo sa aking mukha, ngayon ay napalitan ng luha
Luha’y dumadaloy sa pagtatanto na “akala lng pala”
Malaya? At bakit hindi tayo nakawala sa bulok na Sistema?

Kabataan ang pag-asa ng bayan! Nung una’y hindi ko lubos maintindihan


Ngunit hayaan nyo akong panindigan at patunayan
Na ang musmos, mag-aaral, at kabataan na tulad ko
Ay kayang ipamuka sa inyo ang tunay na Kalayaan mula sa mga sariling labi ko

Simulan natin sa pagbibilang ng isa, dalawa at tatlo tulad ng mga akdang napakinggan nyo
Isa, paninindigan ko ang pagiging mabuting ehemplo
Irespeto at igalang ang kapwa tao, mag-ingat po tayo sa mga salitang binibitawan
Isaalang-alang ang damdamin ng pagsasabihan, Respeto!

Ito’y nagsisimula sa ating mga sarili


Ako’y mapagmatyag, maingat at ma busisi
Kita ko lahat! Bakit hindi kayo makasunod sa mga batas?
Simpleng alituntunin at tungkulin ay di’ magampanan, Hindi ko ito mapalalampas!
Kaya ko, Kaya mo rin ba? Kayanin mo
Kayanin mong irespeto at igalang ang karapatan ng bawa’t tao
Huwag mong husgaan! Tao din sila
Huwag mong tignan mula ulo hanggang paa, mula taas at baba na para bang may kasalanan sila

Naintindihan nyo ba? Dalawa, napnsin nyo ba?Na hanggang ngayon, hanggang ngayon ay milyon-
milyon
Mga Pilipinong lugmok sa hirap, isang kahig isang tuka, Ito ba ang kalayaang ipinaglaban at nakamtan
ng ating bansa?
Bakit hindi natin tulungan ang isa’t isa, tangkilikin ang sariling atin
Sabay-sabay nating pa-usbongin, ang ekonomiya ay ating paunlarin

Tatlo, matutuwa ka parin ba kung sasabihin ko na ang kalayaan ay nadungisan ng dugo at karahasan
Isang hustisyang may pinapanigan, Kalayaang para lng sa mayayaman
Kung ipagbibigay ay pagkamahal ng kabayaran
Lupa, bahay, braso, binti, tunay ngang wala nang libre sa pagpabor ng Sistema

Ngayon sabihin nyo, ito ba ang kalayaang ikinatutuwa nyo?


Bansang dinamitan ng kalayaan ngunit mga paa’y nakagapos
Patuloy na nakatali sa kahirapan, hindi matakasan ang baluktot na lipunang
Laganap ang diskriminasyon, karahasan at kawalang-katarungan

Ang totoong kahulugan ng kalayaan ay may malayang kapayapaan, katarungan at paggalang sa


kapwa
Ang kalayaan ay pagsunod sa batas kahit karamiha'y ayaw mauna
Ang kalayaan ay pagmamahal sa bayan na may positibong pagtingin kahit marami ng negatibo.
At ang tunay na kalayaan ay pagiging ehemplo na muling magbabangon at magbabango ng ating
bansa patungo tapat at malinis na kinabukasan .

Oh kalian? Kailan makakamtan ang malayang bayan


Payapa, tahimik at magaan ang buhay
Oh kalian kaya? Kailan makakawala sa hawla ng kasakiman
Siguro kung lahat tayo ay Magkaka-isa

You might also like