You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Sangay ng Samar
Sto. Nio National High School
Sto. Nino Samar

PATIMPALAK SA PAGSUSULAT NG SANAYSAY

BONIFACIO: ANG UNANG PANGULO

STO. NIO NATIONAL HIGH SCHOOL


Sto. Nino, Samar

Ipinasa ni:

ANGELIE T. NOQUILLA

Pamagat:

KABAYANIHAN AT KALAYAAN PARA SA


KINABUKASAN

KABAYANIHAN AT KALAYAAN PARA SA KINABUKASAN


ni: Angelie T. Noquilla
Sino nga ba si Andres Bonifacio? Gaano ba kalaki ang kanyang ambag
upang makamit natin ang kalayaan? Bakit kailangan nating alalahanin o
pagtuonan ng pansin ang kanyang kadakilaan?
Si Andres Bonifacio ay isang magiting at huwarang bayani na nagbuwis
ng buhay para sa paglaya ng ating bayan, isang tunay na Pilipino na
nagnanais at nangangarap na makaalpas ang inang bayan mula sa kamay
ng mababangis at mapagkamkam na mga banyaga, siya rin ang namuno sa
samahang handang gawin ang lahat para sa paglaya ng sambayanang
pilipino ang KKK.
Naniniwala siyang isang araw, malayang kikilos ang lahat ng walang
didikta, walang magagalit at walang masasaktan kagaya ng mga ibong
malayang nagliliparan sa kalangitan mula sa saliw ng sariwa at malamig na
hangin, kulang man ang kanyang kaalaman, hindi ito naging hadlang upang
ipaglaban ang kalayaang dapat ay tinatamasa natin, dinaan niya ang
pakikipaglaban hindi sa dunong kundi sa kanyang lakas at ang kanyang
inspirasyon ay ang lahat ng Pilipino, hindi lamang sa panahong iyon maging
sa ating henerasyon din.
Ayaw niyang maranasan ng susunod na salinlahi ang kalupitan ng mga
mapagkamkam na prayle, mga walang pusong guwardiya sibil at lahat ng
mga mapagbintang na namumunong kastila sa panahong yaon, ayaw niyang

danasin natin ang hirap at takot na kanilang dinanas mula sa mga kastilang
iyon kahit buhay ang kapalit handa nila itong ibigay at ihandog sa kalayaan
ng bayang sinilangan.
Siya ang unang pangulo ng ating bansa dahil sa kanyang tapang at
pagmamahal sa bayan. Hindi matatawaran ang ambag ni Andres Bonifacio,
isa siya sa nakipaglaban para makamit natin ang kalayaan, isa sa nag-alay
ng buhay para sa malayang pilipino at isang pilipino na nagpalakas at
naghimok sa kapwa na ipaglaban ang ating kalayaan at karapatan. Iniwan
niya ang lahat maging mahal sa buhay para sa pangarap ng bayan, siya ang
nagpalakas ng loob sa mga katipunerong unti-unti ng nadadala ng takot at
kaba. Pinakita niyang hindi lamang ang may pinag-aralan ang may
kakayahang ipaglaban at tumulong sa pagbubukas ng bagong pinto para sa
bansang Pilipinas, dinaan niya man sa dahas ang pagsulong ng kalayaan,
tunay at totoo naman ang kanyang mithiing makaalpas mula sa teritoryo ng
nagbabangisang tigre ng mga panahong iyon, malinis ang layuning ito, hindi
masama para sa tatlong daang taon na nagtitiis sa baho at nakakamatay na
pamumuno ng walang puso, mapagkamkam at mapagbintang na kastila,
kaya naman higit pa sa milyong dolyar na salapi ang naging ambag ni
Bonifacio para sa pagsulong ng ating kalayaan.
Napakahalagang pagtuonan ito ng pansin at atensyon para sa ating
kaalaman at pagbabalik-tanaw sa mga panahong sakop pa tayo ng
kapangyarihan ng Espanya. Napakahalaga rin na itoy sariwain upang
maalala ang mga bayaning namatay sa kadiliman ng gabi ng hindi man lang
3

nasisilayan ang sikat ng araw at pagwagayway ng watawat ng Pilipinas,


tanda ng isang malayang mamamayan. Higit lalo nating tandaan ang
kabayanihan ng unang Pangulo. Pinuno ng katipunan at ng bayaning lubos
na nagmamahal sa bayan kapwa at nangangarap na malaya tayong
makakapili, makakaayos at makisabay sa lahat ng tao sa mundo ng walang
parusang hinihintay ng walang luha at dugong dadanak.
Sariwain sa ating isipan ang hirap at sakit na dinanas ng mga taong
nalugmok at nakipaglaban. Mula sa pagbuo niya ng samahang naglalayong
ipaglaban at palayain ang ating bansa, mula sa banyagang kastila hanggang
sa unang sigaw sa balintawak, pulong sa Biak na Bato, halalang naganap,
pagpunit ng sedula at pagkalugmok ni Bonifacio sa selda ng hindi man lang
nakita ang bayang nagsasarili na at hindi umaasa sa kapangyarihan ng mga
taga-Espanya, bayang may sariling salita, bayang nagkakaisa at higit lalo
ang kalayaan nito. Ang pagdanak ng dugo ni Bonifacio ay nagsisilbing isang
patunay na dapat nating alalahanin bilang isang mamamayang nakatikim ng
bunga ng pait at sakit na pinaglaban ng mga bayaning may luha, lakas,
adhika at inspirasyon. Mga bayaning matagal ng nilisan ang sanlibutan
ngunit kailanman di nawawala sa isip at puso ng sangkatauhan.
Napakasuwerte ng salinlahing ito dahil tayo ang umani ng matamis na
bunga ng pinaghirapan at pinaglaban ng tunay na bayani ng ating lahi. Ibaiba man ang paraan ng kanilang pakikipaglaban. Iisa naman ang kanilang
mithiin at ito ay makitang malaya ang ating inang bayan. Ang henerasyong
ito ang nakatikim ng nooy pangarap lamang ng magiting na unang pangulo
4

at bayani na si Bonifacio dahil ngayon malaya na nating nagagawa ang mga


bagay na nais natin, makisabay sa mga taong kilala sa ibat-ibang mundo,
malaya na tayong lumilipad mula sa saliw ng matamis na alaalang
pinaglaban ng ating magigiting na mga bayani, malaya na tayong
makakakilos, makakapagsalita at bumuo ng samahang hindi parurusahan at
hindi nagtatago sa kinaukulan, malaya na nating pinapahayag ang ating
damdamin ng hindi nabubuntal at nasasaktan, katulad na tayo ng mga ibang
malayang lumilipad sa kalangitan, wala ng dugong dadanak, mga librong
patama para sa malulupit na kastila, wala ng aalipin at lahat ay may pantay
na karapatan. Lahat ng ito ay ating nakamit dahil sa mga bayaning
nagbuwis, nag-alay para sa pagsikat ng araw sa karimlan nitong ating Inang
bayan, sila ang nagsisilbing ilaw at susi upang buksan ang bagong mukha ng
bansang Pilipinas, mga bayaning lubos ang pagmamahal sa ating bansa
maging sa atin man, nawala man sila, patuloy namang nagniningas ang apoy
ng kanilang kadakilaan, kahit libong tubig hindi ito mapapatay dahil
hanggang

sa

huling

hininga

ng

sambayanang

pilipino,

hindi

ito

makakalimutan, patuloy ang kanilang liwanag katulad ng bituin sa kalangitan


na nagsisilbing ilaw sa madilim na daan.
Tayong bagong Pilipino, tayo ang magpapatuloy sa kanilang nasimulan,
tapusin natin ang lahat ng ito at alalahaning may bayaning nakipagdigma,
nagbuwis ng buhay, nag-alay ng lakas, naparusahan at napagbintangan ng
pamahalaang kastila. Isipin natin ang hirap na kanilang dinanas, ang init ng
araw sa katanghaliang tapat, ang unang sigaw sa balintawak, lupit ng mga
5

prayleng nangbubuntal at nanghahamak mula kay Jose Rizal na talino ang


panlaban, Emilio Jacinto na utak ng katipunan, Apolinario Mabini na isang
dakilang lumpo, tatlong paring martir na natikman ang pinakamasakit na
parusa hanggang kay Andres Bonifacio na unang pangulo. Lahat ng
nagbuwis ng buhay sa panahong iyon ay maituturing na bayani, mga
bayaning nabuwal sa kadiliman ng gabi, mga bayaning bumuo ng samahan
para labanan ang hindi tuwid na pamamalakad ng mga kastila, mga
Pilipinong hindi lamang sa bahay magaling maging sa pakikipaglaban din.
Napakalaki ng ating ipagpasalamat sa mga bayaning ito, kundi dahil sa
kanila hanggang ngayon maririnig pa rin natin ang putok ng mga baril na
mula sa guwardiya sibil, pagmamakaawa sa mga prayle at siguradong
marami na namang Pilipinong nasawi dahil dito. Kaya naman ingatan natin
ang ating bansa kagaya ng pag-iingat natin sa ating sarili at kapwa. Tularan
natin ang mga bayaning nakipaglaban para sa kalayaan at pagwagayway ng
watawat, tularan natin sila na nais mapabuti ang Inang Bayan, mahalin natin
ang ating bansa, isipin natin ang mga dakilang nangangarap na tumayo ang
ating bayan sa sariling paa ng walang hihila pababa at lilipad katulad ng mga
ibong nakikisabay sa ihip ng hangin.
Ang kabayanihan ni Bonifacio ay mananatili sa kasalukuyan at
hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Binigyan niya tayo ng lakas
upang hindi ikahiya ang ating lahi at matutong tumayo sa sarili nating paa.
Sana

ay

pahalagahan

natin

nang

lubusan

ang

kanyang

sinimulan,

katapangan at katatagan upang mapalaya ang inang bayan.


6

You might also like