You are on page 1of 1

KAPAYAPAAN

Noon paman di na natin maiiwasan ang mga kagulohan na nagaganap di lang sa


ating bayan kundi sa buong sanlibutan. Kapayapaan, salitang hinahangad ng ninuman
ngunit napakahirap makamtan. Kay rami sa atin gusto ang kapayapaan pero mapa
bansa, mapa bayan at maging sa sarili natin, mahirap makuha ang inaasam asam na
kapayapaan. Isa sa mga isyu na hinaharap natin ngayon ang bangayan ng pag-aari sa
lupain ng ating bayan laban sa mga gustong makamtan ang lupang kanilang minimithi.
Kailan ba natin makakamit ang mithiing magkakaroon ng kapayapaan?

Nais ko lang malaman kung ano ang kahalagahan ng salitang kapayapaan.


Kapayapaan para saan? Tiyak akong wala nang pag-asa para sa kapayapaan at ito'y
sanhi ng ating pinaggagawa, bunga nito ang kaliwa't kanan na krimen at kagulohan,
kahit mapa sa gobyerno ay hindi natin masasabi na payapa dahil hindi tayo buong
nagtitiwala sa kanila, at higit sa lahat kadalasan tayong mahihirap ang kumakalaban sa
kanila dahil sa tayo ay kapos at ipinaglalaban lang natin ang ating karapatan laban sa
corruption. Nasabi ko man na tiyak, pero iniisip ko parin hanggang ngayon. May pag-
asa pa ba na magkakaroon pa tayo ng kapayapaan?

Mahirap man makamtan ang salitang kapayapaan, basta't totoo lang tayo sa sarili
natin at may pagtitiwala sa isa't -isa, may tiyak na posibilidad na ito'y susi tungo sa
hinahangad nating kapayapaan.

You might also like