You are on page 1of 1

Mahalaga ang kapayapaan sa buhay ng tao lalo na kapag nakaraanas ng paghihirap sa buhay.

Sab inga
ng mga eskperto, ang bagyo ay dumaraan sa mundo taon-taon. At kahit nalang dito sa bansa natin sa
Pilipinas ay dinadaanan ng bagyo. Kadalasan sa bawat pagdaan ng bagyo ay nagdudulot ito ng pinsala.
May mga pagkakataong marami ang mga buhay na namamatay. May mga pananim or kabuhayan itong
nasisira.

Marahil ang m,ga pangyayaring ito ang syang nagiging dahilan kung bakit nangangamba at nawawala
ang kapayapaan ng isip ng isang tao. Dahil dito, maaring pati ang tamang pag-uugali at pananaw ng isang
tao ay maaring maapektuhan at magkaroon ng pagbabago na syang maaring maging dahilan kung bakit
napapasama ang tao.

Subalit sa kabila ng lahat ng mga pangyayari o suliraning aking nabangit, may mga paraan parin na
maaring makatulong na mapanumbalik ang kapayapaan at magandang pag-uugali, maging ang
mapagbago ang pananaw ng isang tao.

Sa katunayan, may tatlong paraan na maaring gawin ng isang tao. Ito ay magsisilbing tulong upang
mapanatili ang kapayapaan at tamang pag-uugali o pananaw ng isang tao sa gitna ng mga suliranin.

Una, ang tao ay dapat na magkaroon ng paniniwala sa Diyos. Dahil makatutulong ito lalo na sa gitna ng
mga suliraning kinakaharap. Kung matututunan ng tao na magkaroon siya ng tunay na paniniwala sa
Diyos, magkakaroon siya ng kapayapaan. Sapagkat may Diyos siyang maaasahan anumang sitwasyon ang
kanyang mararanasan.

Ikalawa, ay ang pagkakaroon ng pagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat matutulungan nito ang
tao na mapayapa ang kanyang isip. Bukod dito, maari ring mabago ang pananaw ng isang tao na may
Diyos na makagagawa ng mga imposibleng bagay na hindi kayang gawin ng tao. Mga bagay na sa tingin
ng tao ay wala nang pag-asa, ngunit sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ay nagkakaroon ng pag-
asa. Mapagbabago rin ng kapangayarihan ng Diyos maging ang isip at puso ng isang tao, upang siya ay
magkaroon ng kapanatagan sa piling ng Diyos.

Pangatlo, ay ang pagtalima sa salita ng Diyos. Kung ang tao ay gagawa ng naaayon sa kalooban ng Diyos,
magkakaroon siya ng kapanatagan sa buhay. Maari rin niyang maranasan ang kaginhawaan sa buhay sa
kabila na mayroong mga dumarating na suliranin. MAtututo rin ang tao na mamuhay na palaging
kasama ang Diyos . At maari rin na naiisin niyang mamuhay ng matuwid bilang isang anak ng Diyos.
Hinahangad niyang mapabuti ang kanyang buhay at maparangalan ang Diyos.

You might also like