You are on page 1of 19

ANG PANG-URI

Ano ang Pang-uri?


Ang pang-uri - bahagi ng pananalita na nagbibigay
deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan,
ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang
pangngalan.
Halimbawa ng Pang-uri:

Maganda
Bilog
Pulang-pula
Ningas-kugon
Mataas
Araw-araw
Seryoso
Balat-sibuyas
Mapagbigay
Halimbawa ng Paggamit ng Pang-uri sa Pangungusap:

1. Maganda ang asawa ni Mang Tonyo kahit may edad


na ito.

2. Hugis bilog ang dala niyang tinapay para sa mga


bata.

3. Pulang-pula ang nabili na damit ni Theresa para sa


kaarawan niya.
Halimbawa ng Paggamit ng Pang-uri sa Pangungusap:

4. Talagang ningas-kugon si Dino kaya hindi umunlad ang


pamumuhay nila.

5. Mataas ang gusali na ipinatayo malapit sa kanto.

6. Araw-araw umaalis si Dexter para magtrabaho sa


bayan.
7. Seryoso si Juliet sa sinabi niya kaya hindi na umatras si
Ive.
8. Huwag ka nang magtaka, talagang balat-sibuyas siya.
Mga Pang-uring Magkasalungat:

Salita Kasalungat Nito


bakante okupado
balisa kalma
huwad tunay
iba pareho
kakaiba karaniwan
magaspang makinis
mapagbigay maramot
Quizlet:

Pang-uri na magkasalungat

matigas
Quizlet:

Pang-uri na magkasalungat

masipag
Quizlet:

Pang-uri na magkasalungat

busog
Quizlet:

Pang-uri na magkasalungat

masikip
Quizlet:

Pang-uri na magkasalungat

permanente
Quizlet:

Pang-uri na magkasalungat

sagana
Mga Pokus ng Pandiwa
Ano ang Pandiwa?
Ang pandiwa o verb kung tawagin sa wikang Ingles
ay isang salita o bahagi ng salita na nagsasaad ng
kilos o galaw, pangyayari, o katayuan ng isang tao,
hayop, o bagay.
Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap:

Mahusay umawit si Kuya Ramil.

Tumatawa ng mag-isa si Erly sa sulok.

Kumakain na pala kayo?

Tumakbo ng matulin si Rico.


POKUS NG PANDIWA

- ay may iba’t ibang pokus ayon sa kung ano ang


kaganapan ng pandiwa sa posisyong pampaksa o
pansimuno ng pangungusap.
1. Tagaganap o Aktor – ang pandiwa ay nasa pokus sa
tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang
tagaganap ng kilos na isinasaaad sa paksa.

2. Layon o Gol – ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung


ang layon ay ang paksa o ang binibigayang-diin sa
pangungusap.

3. Ganapan o Lokatibo – ang pandiwa ay nasa pokus sa


ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos.
4. Tagatanggap o Benepektib – ito naman ay tumutuon
sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos na
isinasaad ng pandiwa.

5. Gamit o Instrumental – ito ay tumutukoy sa


kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa
ang kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.

6. Sanhi o Kusatib – ang pandiwa ay nakapokus sanhi


kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng
kilos.
7. Direksyunal – pinatutuunan ng pandiwa ang
direksyon o tinutongo ng kilos.

You might also like