You are on page 1of 2

KAHIRAPAN

Bakit nga ba laganap ang kahirapan sa ating bansa? Bakit marami ang dumaranas ng
isang mahirap at salat na pamumuhay? Masasabi bang isang maunlad na bansa ang
pilipinas? Sa iyong palagay tayo ba ay nasa isang maunlad at hindi kapos na antas ng
pamumuhay? Marami tayong pangangailangan na hindi masolusyunan ng gobyerno.
Narito ang ilang kaisipan na maaring makatulong sa atin upang lutasin ang ating mga
suliranin. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis.
Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay
mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay lumalala ang problema ng ating bansa na hindi
masolusyunan dala ng kahirapan. Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap
na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang kaban o pondo ng ating bansa na para
sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta lamang sa sariling bulsa
ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ay
ang kawalan ng mapapasukang trabaho. Sabayan pa ito ng sunod-sunod na pagtaas
ng presyo ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay
kung ang mga pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang
tustusan? Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag-uugali
nating mga Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng
mga tao. Wala silang tyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila
iaangat ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay
nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay.
Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa
kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay? Ang mga
nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari kong ibahagi sa inyo.
Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng paglaganap ng kahirapan sa
ating bansa. Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan
na ating natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga upang
umunlad ang ating buhay!
Maraming mamamayan ang nakakaranas ng kahirapan, kung mapapansin natin,
nagkalat ang mga batang iniwan o inabandona ng kanilang mga magulang na walang
ibang matuluyan. Lalo na rin sa mga squatters area. Magulo at tila ba walang
kaginhawahan at kapayapaan sa lugar na yaon.kung ating susuriin, mas marami ang
bilang ng mga taong sadlak sa kahirapan, pero bakit ang mga taong may mataas na
katayuan sa buhay, sa halip na tulungan ang mga itoay lalo pa nilang itinutulak sa
kahirapan. Kaya mahihirap lalong naghihirap at ang mga mayayaman lalong
yumayaman. Dulot ng walang pagkakaisa, may pag-asa pa ba ang bayan ay umunlad.
Ako bilang isang kabataan, may layunin akong iwasan ang pagigingisang mahirap at
hindi maituturing na basura lamang sa isang lipunan.sa simpleng pamamaraan, ako’y
magsisikap makapagtapos ng pag-aaral. Nang sa gayon ay magkaroon ng magandang
kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng
pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan n
gating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay
maipapamana sa susunod pang henerasyon.

You might also like