You are on page 1of 1

41

Constantino, Airachelle R.

BSBA MM 2-3 Prof. John Carlo Santos

Chapter IV: Heretic and Filibuster

"The sufferings, the worries, the hard life in the prison, or the pain of seeing so
much ingratitude, broke your father's iron constitution and he fell ill with that malady
which only the tomb can cure.”

Tunay ngang ang “Noli Me Tangere” o “Social Cancer” sa Ingles ay tumutukoy sa


isang sakit ng lipunan na tila ba di na maiibsan.

Sa kabanatang ito, namulat ang aking isipan tungkol sa baluktot na sistema ng


pamahalaan, mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang sistemang
kinalakihan na natin hanggang sa kasalukuyan. Noon palagi ko ng tanong sa aking sarili, Para
kanino ba ang pamahalan? Ang pamahalaan para ba talaga sa bayan? Bakit ito mismo ang
pinagmumulan ng dahilan ng mga baluktot na gawain na nangyayaring kalakaran sa ating
lipunan? Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagkakaroon ng isang mabuting ehemplo para
sa bayan, sila pa itong namamatay na lang ng walang kalaban-laban.

Nagiwan din ito ng aral sa aking isipan na sa bawat oras ay piliin nating maging patas
sa anumang bagay, maliit man o malaki wag nating gawin ang manghamak ng kapwa natin.
Sa kabila ng pagkainggit natin sa kung ano man ang meron sila ay bagkus maging masaya na
lamang tayo sa daloy at takbo ng buhay ng iba. Hindi natin sila kaaway. Sa kabilang banda,
alam ko na hanggang ngayon ay umiiral pa rin ang pangyayaring ito na kahit na anong
kabutihan pa ang gawin mo sa kapwa mo, nagagawa pa rin tayong abusuhin. Minsan nga
yung mga taong akala natin sila yung tutulong satin sa oras ng kagipitan, bagkus sila pa ang
unang humuhusga at nagpaparamdam satin na nararapat lamang satin ang kaparusahang
nangyayari sating buhay. Ito ang sakit na tila wala ng anumang bagay ang makakalunas sa
sakit ng lipunan na meron tayo noon hanggang ngayon.

Para sa mga taong humihingi ng hustisya ibigay natin ito sa kanila bilang karapatan
at hindi bilang awa para sa kanila. Parang sa kasalukuyan, kung gaano kahirap makuha ang
hustisya ganoon rin ng mga panahong hustisya ang kinakailangan tulad ni Don Rafael. Mas
masakit mamatay sa paraang alam mong wala ka namang hinamak na tao, pero nauwi ka sa
isang bigay na minsan parang hindi ka itinuring na tao, na dapat ay malayang maihahayag
mo ang katotohanan ngunit katiwalian ang nangibabaw, para din itong laban ng mayaman at
mahirap na kapag mayaman ka may hustisya pero kapag mahirap ka mamamatay ka na lang
ng hindi makakamit ang hustisya.

Sa huli, ito na lamang ang masasabi ko at mananatiling tanong sa’king isipan.


“Hustisya bakit ang hirap mong makamit? Dugo’t pawis na ang inalay, Tila wala pa ring
saysay, At nagiiwan pa rin ng sakit.”

Rizal José and Charles E. Derbyshire, “Chapter IV Heretic and Filibuster,” in The Social Cancer:
a Complete English Version of Noli Me Tangere (London: Harrap, 1912), p. 41.

You might also like