Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan.
Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan. Sa kwento ni Lualhati bautista na Ang paghuhukom. ito ay isang kwento na nangyayari sa totoong buhay o nangyayari sa ating realidad. Maaring ang iba satin ay nakaranas na din ng sitwasyon na gaya dinanas ni Fak. Gaya nalamang ng katagang naiwan nang wasak ang kanyang isip, tulad sa isang pirasong salamin na binasag at paulit-ulit na dinurog ilang beses na din tayong naiwan at nasaktan. Halos lahat naman ata nakakaramdam ng sakit na naramdaman niya. Darating din ang panahon na maaring mabalot tayo ng takot at pangagamba dahil sa ating napagdaanan at naranasan pero nasa atin na lamang ito kng paano natin ito haharapin. Ang sumunod ay ang linyang Ang istorya tungkol kay Fak ay nag-umpisang mahawi sa labi ng bawat isa sa ating mundong kinagagalawan samot saring chimis at kwento ang ating maririnig.kaakibat na ata natin ang kwento sa ating araw araw na pamumuhay. Maaring magandang balita o papuri tungkol satin at syempre di mamawawala ang masasakit na salita na maaring tumagos sa ating puso. Sumunod ay ang katagang ang buong bahay ay magliliwanag at iglap na matataboy ang kadiliman sa banyo. Gaya ng realidad sa buhay maraming pagsubok at dagok na darating sa ating buhay pero syempre lahat naman ng itot maari nating malagpasan nasa satin nalaman ito kng paano natin ito malalagpasan. At isa pa sa mga realidad na tunay na nagyayari sa ating buhay, Kahit naninirahan silang magkasama sa iisang bubong, ang kanilang buhay ay nasa magkalayong daigdig. May
ibang pmilya na maaring nasa iisang bahay lamang ay malayo na
ang loob,hindi nag-uusap, walang komikasyon at maaring walang pagmamahal sa isat isa. Masasabi ngang ang paghuhukom ay isang teoryang realismo.