You are on page 1of 2

Pangalan:

Kurso, Taon at Block:

Tagapagturo:

a. Pamagat:

b. Uri ng Pantikan:

c. Mga Teoryang sinaligan:

1. Teoryang Realismo

“A, e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta. “Ku, e, magkano naman ang
laman?” ang tanong nga babae. Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang
bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado.

Ang layunin ng may akda ay maipakita ang tunay na nangyayari sa ating paligid tulad na lamang ng
kalupi na ito ay sumisimbolo sa yaman o kahirapan na siyang kailangan ng mga tao sa pang araw-araw
na pamumuhay. Sinasalamin rin nito ang mapanghusgang mata at isip ng tao base sa estado o
personalidad. Samakatuwid, kaya ito nasabing teoryang realismo sapagkat naipapakita ng may akda ang
katotohanan at reyalidad na buhay sa ating lipunan. Ipinamalas din ng may akda ang kanyang kasiningan
at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.

2. Teoryang Sosyolohikal

Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawang-kamayin ang pag-
aalis sa mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasakal sa kanyang liig. May luha nang
nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat
sa likuran ng mga nanonood ay lumapit an isang pulis, na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at
nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong.

Sa teoryang ito naipakita ang paksang nagbibigay ng kaapihan na dinanas ng sa tauhan sa kwento. Ito rin
ay may kaugnayan sa unang teoryang aking inilapat sagakat sumasalamin rin ito sa lipunan. Bagama’t
ang isang tao ay may nagawang kasalanan, tulad na lamang sa pinangyarihan ng kwento nila aling marta
at ang kaawa-kaawang bata ay hindi natin dapat ito saktan. May mga bagay na dapat isaalang-alang
kung nais natin manakit ng isang tao, una alamin nating kung siya talaga ang may kagagawan ,
panagalawa dapat may sapat tayong ebidensya. Ito ay karaniwang nangyayari sa panahon natin ngayon
lalo na sa isyung politikal.

3. Teoryang Istrukturalismo

Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig. “Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw
ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!” Anong wala!” pasinghal na sabi ni Aling
Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano, ha?
Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke!”

Sa teoryang ito wika ang mahalaga dahil bukod sa hinuhubog nito ang kamalayan ng panlipunan-
ipinalalagay ng maraming teorista na napakahalaga ng diskuro sa paghubog ng kamalayang panlipunan o
ang “Di-makatao.” Naipakita ng may akda rito ang di-makataong kilos dahil sa panghuhusga nito sa isang
tauhan na walang kamalay-malay. Gayunpaman, sa maikling kwentong ito ay naipakita ang
mapanghusgang lipunan dahil lamang sa panlabas na anyo ng isang tao. Kaya’t ang nais ipabatid ng
manunulat ay hindi tamang manghusga na walang sapat na batayan. Isispin munang mabuti ang
sitawasyon at huwag magpadalos-dalos.

a. Pamagat:

b. Uri ng Pantikan:

c. Mga Teoryang sinaligan:

1. Teoryang

You might also like