You are on page 1of 3

PANGALAN: SALE, SHERLYN G

BSOA-3A

A.
a. Pamagat: Ang Kalupi ni Benjamin Pascual
b. Uri ng Panitkan: Maikling Kwento
c. Mga Teoryang Sinaligan:
1. Teorya Naturalismo
Ang isa sa mga ginamit na teoryang pampanitikan sa akdang “AngKalupi”, ay naturalismo dahil
pinakita ang sinapit ng bata dahil sa kanyang itsura, posisyon at estado sa buhay. Dahil doon,
napagkamalan ni Aling Marta na ang batang iyon ay mandurukot. Sa kasamaang palad,nasagasaan ang
takot na bata at hindi manlang nabigyan ng hustisya ang kanyang kamatayan pa t i na r in a ng ka nyang
da nga l da hil s a ka nya ng na s a pit n a pa ngbibint a ng. H indi na ma n iyon mangyayari kung
hindi nanguna ang panghuhusga ni Aling Marta dahil nakita niya ang itsura ng bata, agad siyang
nagbintang at hindi man lamang nag-isip. Ang pagbintang ni Aling Marta ayang nagbigay daan sa
masamang kinahihinatnan sa bata.
2. Teorya Realismo
Ang pinakabinibigyan tugon na teorya sa akda na “Ang Kalupi” ay realismo dahil pinapakita dito
ang iba’t- ibang mukha ng buhay. Dito pinapakita ang realidad o mga nangyayari sa ating paligid. Sa akdang
“Ang Kalupi”, ipinakita din ng may akda ang karanasan at nasaksisan sa lipunan. Katulad ng batang
pinaghusgahan ni Aling Marta dahil sa kanyang intsura at dahil siya ay isang dukha lamang.
3. Teoryang Sosyolohikal
Ang akdang ito dahil makikita mo ang diskriminasyon sa lipunan ng akda at sa lipunan ngayon.
Hindi lang si Aling Marta ang nanghusga kay Andres pati na rin ang mga tao sa paligid nila. Sa akda
naipakita ang diskriminasyon sa panghuhusga ni Aling Marta kay Andres. Ang kahirapan naman isa sa mga
problema ng bansa at sa akdang ito. Humanismo ang isa rin sa mga binigyang pansin na teorya dahil
pinakita ang kahinaan at kalakasan ng mga tao, bukod don ipinakitang pagaabuso ni Aling Marta sakanyang
kalakasan. At ipinakita rin ang kahinaan ni Andres na kung saan siya naman ang inabuso.

B.
a. Pamagat: Nagbibihis na ang Nayon ni Brigido C. Batungbacal
b. Uri ng Panitkan: Talambuhay
c. Mga Teoryang Sinaligan:
1. Teoryang Romantisismo
Sapagkat tumatalakay sapag-iibigan ng dalawang magakasintahan na nag bago ang tingin sa kanila
ng mga tagatilikan. Si Derang ay isa sa pinakamaganda sa kanyang lugar ngunit umiibig siya sa isang
inhinyerong namamahala sa binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan, at agad itong bumabagtas sa
kanilang nayon at balitang nangingibig ang inhinyero sa anak ng tininti, kay Derang na lalabing-anim na
taon lamang. Hindi naman natin masisi si Derang sapagkat kong mahal natin ang isang tao ay walang
makakapigil dito lalo na kong tunay silang nag mamahalan.
2. Teoryang Humanismo
Isa rin itong teorayng humanismo sapagkat tumatalakay ito sa taga tulipa at kanilang hinaing kay
Dareng at Kay Santos. Nag papakita din ng mabuting katangian at kasamaan ng tao isang tao. Nag pagpakita
ito na ang mga tao nayon nila Daren ay tila hadlang sa kanilang pagiibigan lalo na ang kanyang ama.
3. Teoryang Realismo
Sapagkat maibabatid siya sa totoong mga kaganapan sa ating buhay at patuloy na nangayayari
ngayon. Sa panahon ngayon lahat ay nagbabago lalo na ang panliligaw sa mga kakabaihan na tila tama ang
sinasabi ng akda dahil noon ay hindi maaari ang pasabay-sabay sa lansangan ang paniligaw. Kailangang
pumanhik at manaog oras. Ngunit ngayon, may ligaw-lansangan pa at kahit saan nalang. Talagang naiiba
ang kaugalian ng tao sa pagtanda ng panahon” at totoong nangyari ito sa atin ngayon lalo na sa mga
kabataan.

C.
a. Pamagat: Buhangin at ang Tao ni Demetrio N. Espino
b. Uri ng Panitkan : Pormal na Sanaysay
c. Mga Teoryang Sinaligan:
1. Teorya Realismo
Isa itong teoryang realismo sapagkat nangingibabaw sa sanaysay na ito ang makakatotohanang
nangyayari sa ating lipunan. Ngayon mas ating binibigyan pansin ang mga bagay na walang silbi or ambang
sa pagkabuo ng mga malalaking establisimento at nakakapagpakita ng pera sa mga tao. Kaya kung ang
simpleng bagay na walang buhay ay may pakinabang tayo pa kayang biniyayaan ng buhay ay pag-iisip.
2. Teorya Imahismo
Ang sanaysay na ito isang Imahismo dahil pinapakita ang paghahambing sa tao at buhangin nakong
saan kahit maliit sa ating paningin ay napakalaking ambang sa pagkabuo ng ng maraming istruktira sa ating
kapaligiran. Gumamit ng may akda ang salitang buhangin upang mas epektibo maihatid saatin ang wastong
mensahe. Kaya tayong mga taong may kakayahan at utak para makapagisip hindi porket maliit na ang isang
bagay ay wala ng halaga.
3. Teoryang Sosyolohikal
Ito ay isang teaoryang syolohikal sapagkat napapakita ito ng pangunahing halaga sa tao dahil ditto
ay tao ang sentro ng daigdig at marami tayong kayang gawin. Sapagkat kung pakasusuriin ang tinutungkol sa daigdig
na ito ng buhangin at ng tao ay hahanga tayo sa isang kongklusyon o katuusang ang mga iyon ay may pagkakatulad sa mga
ginagampanang papel. Bilang tao marami pa tayong maidaragdag na mga patibay na pader na haharang sa anu mang pagtatang
kang paghambingin ang buhangin at ang tao.

D.
a. Pamagat: Miliminas: Taong 0069 ni Nilo Par Pamanong
b. Uri ng Panitkan: Maikling Kwento
c. Mga Teoryang Sinaligan:
1. Teorya Romantisismo
Ito ay isang teoryang Romantisimo dahil sa akda ay pinakita ang pagmamahal sa kalayaan at sa
ating sinilangan at sa paniniwalang taglay na kabutihan ng tao. Pinakakita din sa akda na pinahahalagahan
nila ang dignidad hindi ang karangyaan. Katulad nalang sa kasuotan ng mga kababaihan noong unang
pahanon, mahigpit sila sa kanilang kasuotan at isa ito sa nagpapakita ng pagpapahalaga sa indibidwal,
imahenasyon at perkesiyon.
2. Teorya Realismo
Sapagkat ang akda ang nagpapagkita ng katotohan sa ating lipunan ginagalawan. Nakasaad rin sa
kuwento ang bulok nang “style” na gobyerno sa pangungurakot sa kaban ng bayan. Hindi naman iba ang
“Pork barrel” sa atin. Dahil hanggang ngayon ay talamak na nangyayari sa ating lipunan.
3. Teorya Sosyolohikal
Ang akda ay isa din syolohikal dahil napapakita dito nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tao. Ang
akda rin ang nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Nakasaad rin sa kuwento ang Pantay-
pantay tayo sa mata ng batas ngunit kung mayaman ka, tila bulag sayo ang batas at ang batas ay para sa
mayayaman lang.

E.
a. Pamagat: Ang Propeta ni Khalil Gibran Salin ni Bb. Karen Padua
b. Uri ng Panitkan : Tulang Pasalaysay
c. Mga Teoryang Sinaligan:
1. Teoryang Realismo
Ang isa sa mga ginamit na teoryang pampanitikan sa akdang ay teoryang realismo sapagkat
sumasalamin ng buhay at dahil ito ay kasalukuyan nangyayari sa ating lipunan. Katulad na lamang
nabanggit sa tula ang tungkol sa ina at anak na kung saan sinabing “ang iyong mga anak ay hindi
iyong mga anak, sila ay ang mga anak ng buhay na nag-aasam ng saliring landas”. Hindi dahil iniluwa l
tayo ng ating mga ina ay sila na ang pwedeng mag disisyon sa ating landas tayo ang gumagawa ng
ating sariling landas at may sariling pag- iisip.
3. Teorya.Moralismo
Ang isa din sa mga ginamit na teoryang pampanitikan sa akda ay teoryang Moralismo. Dahil sa
mauunawaan at.pinapakita nito ang kapangyarihang maglahad at nagpapahayag na hindi lamang ng literal
na katotohanan nangyayari satin kundi panghabangbuhay. Sa akda ding ito ay marami kang makukuhang
aral at leskyon na naidudulot sa mangbabasa.
2. Teorya Humanismo
Ito ay teoryang Humanismo dahil nagpapakita ito ng kabutihan ng isang ina at bilang tao. Pinakaita
dito ang kakayahan ng mga anak para mag-isip at magpasya ng ating sariling landas. Dahil balang araw
kailangan tayong bibitawan ng ating mga ina para sa ating sariling buhay.

You might also like