You are on page 1of 7

Camille Danielle N.

Barbado BSA 2A
Teoryang Pampanitkan (2 Aktibidad: Sipat-teorya)
1.
a. Ang Kalupi
b. Maikling Kwento
c. Mga Teoryang Sinaligan
1. Teoryang Realismo
Marahil “Ang Kalupi” ay isang teoryang realismo dahil
tinatalakay dito ang katotohanan sa lipunang ginagalawan.
Pinapakita sa kwento kung ano nga ba ang nangyayari o
nararanasan ng mga taong kagaya ni Andres. At ang pagiging
mapanghusga ng mga tao base sa kanilang itsura at posisyon sa
buhay. Pinapakita rin dito kung gaano kawalang kapangyarihang
ipaglaban ng isang bata ang kanyang sarili laban sa matatanda, na
dahil sa kanyang murang edad ay wala sakanyang naniniwala na
hindi sya ang kumuha ng pitaka ni Aling Marta, na nagresulta sa
kanyang pagkamatay. Ang mga isyung nabanggit ay kabilang sa
mga suliraning panlipunan na kinakaharap ng ating lipunan ngayon
na pangunahing paksa ng nasabing teorya. Ang naturang teorya ay
makikita sa sipi na ito:
“Hindi siya maaaring magkamali; ang wakwak na
kamiseta nito at ang mahabang pantalon na wari’y salawal ding
ginagamit ng kanyang ama ay sapat nang palatandaan upang ito
ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos na tig-
bebeinte. “Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw
ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!” At
nito, “Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na
sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak na
naman ang kanyang kuwaderno at lapis. “Siguro matutuwa na
kayo niyan.” “Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa
nangyari?” tanong ni Aling Marta.”
2. Teoryang Imahismo
Isa sa mga teoryang sinaligan ng naturang kwento ay ang
teoryang imahismo. Ito ay gumamit ng mga imahen na higit na
naghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba
pang nais ibahagi ng may-akda. Ito rin ay gumamit ng mga salita
upang epektibong maihatid ang wastong imahe sa mga mambabasa
na nagbibigay daan sa wastong mensahe. Ang naturang akda rin ay
nagpahayag ng kalinawan sa mga imaheng biswal katulad na
lamang ng literal na paglalarawan kila Andres at Aling Marta at ng
kanilang buhay. Ang sipi na magpapatunay dito ay:
“Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga
mata na bahagyang pinagdilim ng kanyang malalagong kilay ay
nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga.”
3. Teoryang Siko-Analitiko
Masasabi kong teoryang siko-analitiko ang akdang “Ang
Kalupi” dahil inilantad nito ang natatagong kahulugan sa akda. Na
kung saan tinalakay ang kawalan ng katarungan sa lipunan noon at
lipunan natin ngayon at kung gaano hindi binibigyang pansin ang
mga mahihirap pagdating sa pagkamit ng hustisya. Ipinakita din
nito ang tunay na intension ng may-akda sa pagsusulat sa
pamamagitan ng pagsusuri ng kilos o gawi at pananalitang ginamit.
Ang nasabing teorya ay mapapatunayan ng sipi na ito:
“Hinawakan niya ito sa isang bisig at sa pagdidilim ng
kanyang paningin ay pabalingat niyang pinipilit sa likod.
“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” sabi niyang pinanginginigan
ng laman. “Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin
sa iyo, e ako, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo dinala
ang dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan?”
2.
a. Nagbibihis na ang Nayon
b. Maikling Kwento
c. Mga Teoryang Sinaligan
1. Teoryang Sosyolohikal
Masasabi kong teoryang sosyolohikal ang akdang ito dahil
mahihinuha ang kalagayan ng lipunan nang panahong isinulat ang
akda dahil sa paraan ng pagsulat dito. Ito rin ay nagbibigay ng
kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento, katulad na lamang nang
magbago ang tingin ng mga kanayon ni Derang sakanya matapos
malaman na may asawa na pala ang kanyang kasintahang
inhinyero. Ang akda rin ay sumasalamin sa mga tunay na
nangyayari sa lipunan. Marahil ang sipi na magpapatunay nito ay:
“Ang mga kumare ay parang nagsisisi kung bakit kay
Derang pa nila napahawakan ang pinakamaganda sa kanilang
mga anak. Kung maaari lamang magsaulian ng kandila ay ginawa
na marahil. At pati na mga inaanak ni Derang ay nagsisipagtagpo
sa hapilan, hangya, at tarundon kapag siya’y nasasalubong sa
landas.”
2. Teoryang Historikal
Masasabi kong ang naturang kwento ay isang teoryang
historikal dahil ipinakita dito ang karanasan ng isang lipi ng tao na
siyang masasalamin sa kasaysayan. Higit pa rito, isinalaysay sa
isang parte ng storyang ito ang mga pag-uusap ng mga kalalakihan
tungkol sa mga pagbabago tulad ng pamamaraan ng panliligaw
noon at ngayon. Base din sa naturang akda, naisalaysay din dito
ang naging pagbabago sa buhay ni Derang pati na rin ng kanyang
ama sa pagdating ni inhinyero Santos. Ang sipi na magpapatunay
rito ay:
"Siya nga!” ang pasang-ayong sagot ni Ka Tonyo.
"Talagang ibang-iba na ang panahong ito. Noong panahon natin
ay lumalapad ang talampakan mo sa kayayao't dito ay wala pa
ring liwanag ang iyong pakay, lalo na sa isang katulad ni Derang.
Alangan ang mahabang panahon ng paglilingkod. Magsisibak ng
kahoy, iigib ng tubig, at maghahalili ng mga tahilan ng bahay.
Mambabataris ka kung panahon ng gapasan. Ngunit ngayon, ang
kailangan lamang ay... liksi ng kamay at dulas ng dila!"
3. Teoryang Realismo
Kagaya na lamang ng nabanggit sa teoryang sosyolohikal,
ang naturang akda ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunang
ginagalawan. Ito ay ipinakita sa akda nang bigla na lang
kinamuhian si Derang sa kanilang nayon dahil sa isang
pagkakamaling marahil ay hindi nya naman alam, na kung saan
sya ay naging kabit ng inhinyero na nagpasimula ng pag-aayos ng
daan sa kanilang bundok. Para saakin, hindi dapat gawing
kaugalian ang pagsisi at pagmukhaing ang babae lamang ang may
kasalanan sa mga ganoong sitwasyon at hahayaan na lamang ang
lalaki na makalaya sa mga matang mapanghusga. Ito ay
mapapatunayan ng sipi na ito:
“May kadakilaang nawala sa kanila nang mayari na ang
lansangang iyong lumilipad ang alikabok kung tag-araw, at hindi
katulad ng bukal ng mga matang-tubig na hindi nababago ang
linaw kahit na humangin at pumatak pa ang ulan.”

3.
a. Buhangin at ang Tao
b. Teksto
c. Mga Teoryang Sinaligan
1. Teoryang Dekonstruksyon
Masasabi kong ang “Buhangin at ang Tao” ay isang
teoryang dekonstruksyon. Naging malaking bahagi ng teksto ang
paghahambing ng buhangin sa tao, at kung ating iisipin, doon sa
mga parteng iyon naipakita ang iba’t ibang aspeto na bumubuo sa
tao at mundo. Na kung saan, iyon ang pangunahing layunin ng
teoryang dekonstruksyon. Ito ay mapapakita sa sipi na:
“Maliwanag na ngayon ang naging bahagi ng buhangin –
ng mumunting buhangin – sa pagtatayo ng mga gusali, ng
nagtatayugang gusali. At hindi lamang mga gusali. Maiisip din
natin ang nangatayong mga moog, bantayog, palasyo. Naging
bahagi rin ang buhangin sa pagtatayo ng mga iyon. At ganyan,
humigit-kumulang ang tao sa kanyang pagtatayo o pagbubuo ng
isang bansa.”
2. Teoryang Realismo
Masasabi kong ang naturang akda ay isang teoryang
realismo dahil naipakita nito ang katotohanan at ang realidad ng
buhay sa pamamagitan ng paghambing ng tao sa buhangin. Dahil
katulad na lamang ng buhangin, ang mga tao rin ay maaring
maging daan upang mabuo ang isang bansa o ikasira nito. Ito rin
ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunang ginagalawan dahil sa
pagtalakay ng mga napapanahong mga isyu katulad na lamang
noong pagbanggit sa mga pinunong-bayang nagsasamantala sa
kanilang katungkulan. Ang sipi na magpapatunay dito ay:
“Ang buhanging pumupuwing sa atin at nagdudulot sa atin
ng pagkainis at pagkapoot ay maitutulad sa mga taong hindi na
nakatutulong sa mga mamamayan ay nakukuha pang
magsamantala sa mga ito. Ang mga yao’y ang ilang pinunong-
bayang nagsasamantala sa kanilang katungkulan; mga Pilipinong
may isipang-alipin tungkol sa sariling kalinangan, sa sariling
wika, sa pagka-Pilipino. Sila’y matatawag na buhanging
“puwing” ng sambayanan sa lumang kalakaran ng ating
lipunan.”
3. Teoryang Humanismo
Isa sa mga teoryang maaring sinaligan ng naturang kwento
ay ang teoryang humanismo dahil nakapokus ang teksto sa tao.
Pinapakita rin sa teksto kung ano ang mga katangian, kakayahan at
kung paano mag-isip ang mga tao. Masasabi ko ring humanismo
ang naturang teksto dahil sa katulad na lamang ng nasambit
kanina, binibigyang tuon din dito ang kalakasan ng isang tao na
maaring makabuo ng isang bansa. Ang sipi na magpapatunay dito
ay:
“Ang mga nilikhang ito ay mahahalagang butil
“buhanging” naging makabuluhang sangkap sa pagtatayo ng
isang bansa.”
4.
a. Miliminas: Taong 0069
b. Sanaysay
c. Mga Teoryang Sinaligan
1. Teoryang Romantisismo
Masasabi kong ang naturang akda ay isang teoryang
romantisismo dahil pinapahalagahan nito ang damdamin at
guniguni. Damdamin, dahil ang akda ay nakatuon sa pagpapasaya
ng mga mambabasa. Guniguni dahil mahihinuha naman na ang
naturang akda ay malayong maging makatotohanan dahil sa
pamamaraan ng pamamalakad sa kanilang bansa. Ito rin ay
nagbibigay ng halaga sa bisa ng pagkakagamit ng kalikasan at
kapaligiran sa pagiging masining ng akda. Ito ay mapapatunayan
ng sipi na ito:
“Mayroon din silang serbisyo sa tubig na tinatawag na
Nawasdak. Ang ahensyang ito ay may 3 uri ng tubo. Ang una ay
nilalabasan ng malinis na tubig; ang ikalawa ay nilalabasan ng
maruming tubig; at ang ikatlo, walang tubig kundi hangin
lamang.”
2. Teoryang Sosyolohikal
Sa pangkalahatang pananaw, maaaring magkaiba ang
pagkakaintindi ng mga tao sa sanaysay. Maaring may mga tao na
iniisip na walang kuwenta ang sanaysay dahil napakasalungat ang
nakasaad dito. Pero para sa akin, ang kuwento ay sumasalamin sa
mga kasalukuyang nangyayari sa ating bansa ngayon, lalong-lalo
na ang ginagawang pagbababoy ng ating pamahalaan. At dahil
dito, kaya ko nasabi na teoryang sosyolohikal ang sinaligan ng
naturang akda. Ito ay mapapatunayan ng sipi na ito:
“Sa pamahalaan ngayon, iba ang pinagtutuonan ng
pansin. Mga napapapatupad na batas ay iyong mga walang
kuwenta. Walang magagawa upang umunlad ang Pilipinas ngunit
ipinatutupad. Wala nang maisip ang mga nasa itaas.
Nagpapatupad ba kayo ng ganoong klase ng batas ay dahil
nakakabenepisyo kayo o wala na kayong maisip na mas
kapakinabang na batas dahil alam niyong baka hindi na kayo
makakakurakot?”
3. Teoryang Siko-Analitiko
Masasabi ko ring ang nasabing akda ay isang teoryang
siko-analitiko sa kadahilanang ito ay nakatuon sa kalagayan ng
mga tao sa miliminas. Ito rin ay nakasentro sa kung paano sila
gumagalaw sa loob ng naturang bansa, kung ano ang batas na
sinusunod nila, mga baro at kung ano ano pa. Idagdag pa rito na
tila gusto nitong ipakita ang tunay na intensyon ng may-akda sa
pagsusulat sa pamamagitan ng pagsusuri ng kilos o gawi at
pananalitang ginagamit ng tauhan sa akda. Na kung saan, parang
ang tinutukoy nito ay ang bulok na istilo ng gobyerno sa
pangungurakot sa kaban ng bayan. Ito ay mapapatunayan sa sipi na
ito:
“Sa panahong ito ay uso rin ang kickback na kaunti lang
ang ikinaiba sa ating tinatawag na kickback ngayon. Ang mga
buwaya ng bansa (ito ang tawag sa mga mataas na opisyal sa
pamahalaan) ay sinisipa sa likod para sa bawat gatas o milk na
tanggaping suhol sa kanyang mga transaksyon. Ang mga buwaya
ng bansa ay tumitigil sa pagpapasipa kapag makapal na ang
kanilang likod dahil ito ang magiging isang batayan sa pagpili ng
isang "Outstanding Buwaya of the Year".
5.
a. Ang Propeta
b. Tula
c. Mga Teoryang Sinaligan
1. Teoryang Eksistensyalismo
Ang naturang akda ay teoryang eksistensyalismo dahil sa
utak at isip ng tao nakasentro ang akda. Pinapakita dito na may
kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili.
Pinapalabas sa akda na kahit sa mga magulang galing ang anak at
sila ang nagpalaki nito, may sarili itong pag iisip at mga
paniniwala na di kailan man mababago ng kanilang mga magulang.
Ito ay mapapatunayan ng sipi na ito:
“Iyong maibibigay sa kanila ang iyong pagmamahal
ngunit hindi ang iyong kaisipan. Sapagkat sila’y nagtataglay ng
sarili nilang kaisipan. Iyong mababahayan ang kanilang katawan,
ngunit hindi ang kanilang kaluluwa.”
2. Teoryang Realismo
Isa sa mga teoryang tinatalakay sa akda ay ang teoryang
realismo. Dahil ang akdang "Ang Propeta" ay tumatalakay sa
katotohanan sa lipunang ginagalawan. Sa panahon ngayon,
madalas nagkakaaway ang mga anak at mga magulang dahil
lamang sa hindi nila mapagkasunduan ang mga bagay bagay, dahil
madalas magkaiba ang pananaw nila dito. Inaasahan rin ng mga
magulang na ang kanilang mga anak ay katulad din nila lalo na sa
kung paano nila tinatahak ang mga landas ng kanilang buhay.
Ngunit, kailangan nilang mapagtanto na iba ang noon sa ngayon at
bukas, oo, marahil ay madami na silang napagdaanan at kailangan
natin ng gabay nila upang hindi tayo mapariwara. pero hindi ito
nagbibigay sakanila ng karapatan upang kumontrol ng buhay ng
iba maski anak pa nila ito. Ito ay mapapatunayan sa sipi na ito:
“Iyong mapagsusumikapang maging tulad nila, ngunit
hindi hangaring sila’y maging tulad mo.”
3. Teoryang Pormalistiko
Masasabi kong ang naturang akda ay isang teoryang
pormalistiko. Naiparating nito sa mambabasa ang nais ipaabot ng
may-akda gamit ang tuwirang panitikan. Nakatuon rin ito sa
nilalaman, kaanyuan, kaayusan, at paraan ng pagkakasulat ng may
akda. Ito rin ay may sinusundang panuntunan sa pagsulat ng akda
na mapapatunayan sa sipi na:
“Ang iyong mga anak ay hindi iyong mga anak,
Sila ang mga anak ng buhay na nag-aasam ng sariling
landas.
Sila ay nagmula sa pamamagitan mo
ngunit hindi mula sa iyo,”

You might also like