a.) Teoryang Pampanitikan - Teoryang Moralistiko Makikita sa akda ang
pagsasawalang bahala ng mga tao sa pakiusap ng mahirap na tulungan ito sa gitna ng pagdaramdam ng kapanganakan. Mas ginagalang at niyayukun ang may hawak na ari-arian at kung ika'y dukha lamang ikaw pa ang kadalasang biktima ng pang-aapi. Ang hindi magandang pag-uugali na ito ay makikita sa tauhan ng akda.
b.) Isyung Panlipunan - Ang kuwentong ito ay tumutukoy sa malupit na
hagupit ng kahirapan sa kasalukuyan. Ang kahirapan naging ugat ng diskriminasyon sa mga mahihirap. Mabisa nitong tinatalakay kung ano ang buhay na kinalalagyan ng mga taong pinagkaitan ng karapatan at pantay na pagtingin mula sa lipunan.
c.) Senaryo/eksena o linya sa akda bilang pagpapatunay - Sinimulan ang
kwento sa pag-uusap ng dalawang preso. Habang nag-uusap ay ikinuwento ng isang preso ang dahilan ng kanyang pagkakulong. Isinalaysay ng pangunahing tauhan na nakulong siya sa kasong arson dahil sa pagsunog niya sa isang pribadong ospital kung saan isa siya sa mga kantero at gumawa ng gusaling ito. Binanggit niya ang kanyang magandang asawa na si Luding.
2. " Pagislam: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim "
a.) Teoryang Pampanitikan - Teoryang Naturalismo Ang teoryang
Naturalismo ay naniniwala na ang tao ay walang malayang kagustuhan, dahil sa kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang heriditi at kapaligiran, katulad ng nagaganap sa seremonyas ng Pag-islam ang mga sanggol ay magiging isang muslim dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang magulang at ang kinalakihan nyang lipunan. Narito ang patunay: Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito'y ginagawa upang dito y ikintal na stya'y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang naririnig ay ang pangalan ni Allah. b.) Isyung Panlipunan - Sa akdang ito, maaring tignan ang imahen, pag papaka larawan,posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda, Ito'y maaaring komokompows ng mga panlipunan, kultural, pulitika ng pamamalakad, teorya, at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan ng kasarian.
c.) Senaryo/ eksena o linya ng akda bilang pagpapatunay - Ipinagbunyi ng
mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya. Bawat isa sa mga panauhin ay nagbigay ng pera at regalo para sa bata. Siyang-siya ang mag- asawa sa kanilang nasaksihan. Abot-abot ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa paggugunting kay Abdullah..