You are on page 1of 3

Name: Jay Lou L.

Taray
BSEd- Social Studies 1-1

1.“Tatsulok”

a. Teoryang Pampanitikan:
Ang kantang “Tatsulok” ay masasabi na isang halimbawa ng teoryang imahismo
sapagkat nagpapakita o nailalarawan nito ang mga imahen tungkol sa mga totoong
kaganapan na makikita natin sa ating lipunan. Ginagamit nito ang hugis tatsulok
bilang imahen tungkol sa agwat ng mga mahihirap at mayayaman sa lipunan.

b. Isyung Panlipunan:
Ang isyung panlipunan na makikita sa kantang “Tatsulok” ay ang agwat ng kahirapan at
mayayaman sa lipunan kung saan labis na nakakaawa ang mga mahihirap. Makikita din
natin sa kanta ang isyu na pagsasawalang bahala sa sakit ng ating lipunan lalo na ang
hindi maayos na pamamalakad ng mga taong makapangyarihan sa ating bansa. Ito’y
malawak na tumutukoy sa isyung kahirapan na nangyayari sa ating lipunan at ang
karapatang pantao.

c. Senaryo/eksena/linya sa akda bilang pagpapatunay:

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok


Di matatapos itong gulo

-Dito sa linyang ito ay magagamit natin na imahen ang “tatsulok” kung saan
nagpapatunay na ang isyung kahirapan sa ating bansa o lipunan ay labis na
nakakaalarma. Ipinapakita nito na kung sino ang may impluwensya at kapangyarihan sa
batas ang siyang nasa taas ng tatsulok. Habang ang mga nasa ibaba ng tatsulok ay
ang nakaparaming naghihirap na di nakakaranas ng hustisya. Ipinapakita lang ng
pamagat na ito ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga mahihirap at mayayaman at
ang pagkontrol ng mga may kapangyarihan. Hangga’t may mga taong nasa mataas na
posesyon at hindi marunong maghanap ng tamang solusyon para sa mahihirap ay mas
lalong nakakaawa ang mga taong patuloy na naghihirap.
2. “Liham ni Pinay Mula Brunei”

a. Teoryang Pampanitikan:
Ang akdang ito ay nakasalig sa teoryang Peminismo sapagkat ito’y tumutukoy sa
kung saan ang babae sa tula ay hindi na katulad ng mga babae noong unang
panahon. Ipinakikita ng tula ang damdamin ng babae sa pantay na paghahati ng
responsibilidad ng ama at ina ng tahanan.

b. Isyung Panlipunan:
Ang isyung panlipunan na matutukoy sa akdang ito ay ang isyung hindi
pagkakapantay-pantay na gawain para sa pangkasarian na babae at tungkol sa
karapatan ng kababaihan o diskriminasyon sa kababaihan. Sapagkat makikita natin
sa liham ni Pinay na siya ang halos gumagawa ng paraan para sa ikabubuhay ng
kanyang pamilya kahit na siya ay babae, samantalang ang kanyang asawa na lalaki
ay walang awa sa kanya at sa kanya ito palaging umaasa. Okay lang kung pipiliin ng
magulang na magtrabaho sa ibang bansa pero, hindi patas kung gagawin ng babae
ang lahat.

c. Senaryo/eksena/linya sa akda bilang pagpapatunay:

Ako’y guro, asawa at ina.


Isang babae—pupol ng pabango, pulbos at seda,
Kaulayaw ng batya, kaldero at kama.
Napagod yata ako’t nanghinawa,
Nagsikap mangibang-lupa

- Ang mga linyang ito sa “Liham ni Pinay Mula Brunei” ay nagpapakita na ito’y
nakatuon sa Peminismo. Dito natin mapapatunayan na si Pinay ay isang
masipag na Ina na kahit siya’y nahihirapan ay patuloy pa rin siyang
nagtatrabaho. Sa babae nakaatang halos lahat ng responsibilidad sa pamilya sa
kabila ng kanyang pagtratrabaho sa labas ng tahanan upang mapaghusto ang
kita ng pamilya. Kahit na hindi niya kapiling ang kanyang pamilya lalo na ang
kanyang anak ay mas pinili niya paring mangibang bansa upang mapagtustusan
ng husto ang pangangailangan ng kanyang anak. Inaasahang ang mga
kababaihang makakabasa nito ay matutong magsalita at ipaglaban ang kanilang
karapatan samantala, ang mga kalalakihan naman ay magiging higit na
makatwiran at gagawa ng nararapat upang maitaguyod ang pagkakapareho ng
tao anuman ang kasarian.

You might also like