You are on page 1of 2

Marianne Kaye Jadormeo

BSed Social Studies 1-1


SosLit 1
1. “Ang Yungib sa Bundok Gidday”

a. Teoryang Pampanitikan: Ang Akdang Ang Yungib sa Bundok Gidday


ay isang Teoryang Moralismo sapagkat pinahahalagahan nang
akdang ito ang moral, dignidad ang ang mabuting prinsipyo ng isang
tao. Pinapahalagahan ang pagkakaroon ng mabuting asal at may
matibay na paniniwala.
b. Isyung Panlipunan: Ang isyung Panlipunan ng akdang ito ay ang hindi
pagkakaintindihan hinggil sa relihiyon, ang pamilya ni Apong Isis kung
saan ang pangunahing karakter ay mayroong kanya kanyang
paniniwala, kun kaya’t sila ay madalas na magtalo. Ito ay
sumasalamin sa ating lipunan ngayon, kung saan marami ang
nagiging gulo sapagkat ang lahat ay mayroong sariling paniniwala.
c. Senaryo/ Eksena o linya sa akda bilang pagpapatunay:
- Ano ang pinakadakilang pananampalataya? “Ang
pananampalatayang kinakandili ng pag ibig at hindi
pananakot”

2. “Awiting Bayan Ko”

a. Teoryang Pampanitikan: Ang kantang ito ay isang teoryang Arkitaypal


sapagkat sa kantang ito mayroong ginamit na simbolo kung saan ang
ibon na nangunguhulugang kalayaan. Sinasabi sa kanta na ang
Pilipinas hindi malayang nakakagalaw. Ito ay mayroong kahulugan
kung saan ibig Sabihin, ang ating bansa ay nakakulong sa kamay ng
mga dayuhan.
b. Isyung Panlipunan: Kawalan ng Kalayaan, kawalan ng karapatan sa ari
arian, ito ang isyung panlipunan na nakapaloob sa kantang ito.
Maituturing na ito ay isang isyung Panlipunan sapagkat marami
ngayon ang nagkakagulo, at hindi nagkakaintindihan dahil mga ari
arian. Marami ang umaangkin kahit hindi naman sa kanila.

Ang kawalan ng kalayaan ay isa ring isyu rito, sapagkat marami sa


ating mga kababayan ang nawawalan ng kalayaan sa iba’t ibang
aspeto ng buhay, kung saan ito ay binibigyan ng karapatang maging
malaya. Labag ito karapatan ng tao, ang kawalan ng kalayaan.
c. Senaryo/ eksena o linya sa akda bilang pagpapatunay:
- Ibon mang may layang lumipad
kulingin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang ‘di magnasang makaalpas

You might also like