You are on page 1of 7

“PANANAW NG MGA PILIPINO SA PAGKAKAROON NG ANAK BATAY SA

SIYENSYA AT PANANAMPALATAYA NI CIRIO H. PANGANIBAN”

Kabanata I

SIYENSYA O PANANAMPALATAYA

Rasyonal

Ang pamilya ay sentro ng plano ng kaligtasan. Itinatag ng Ama sa langit ang mga

pamilya upang magdulot sa atin ng kaligayahan at ihanda tayo para sa buhay na

walang hanggan. Dahilan kung bakit sa isang pamilya ay matutunan natin ang mga

tamang alituntunin ng pagkakaroon ng mapagmahal at kung minsan ay hindi

pagkakaintindihan o di kaya sa sobrang paniniwala sa sarili bunsod sa matibay at hindi

matatawarang pananalig sa poong maykapal kung kaya’t hindi maiwasan na subukin

kung hanggang saan at hanggang kailan ang tao mananatili.

Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng

mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa

mga mambabasa dahil taglay ng panitikan ang layuning manghikayat at gisingin ang

mga natutulog nitong damdamin. Maraming mambabasa ang tatangkilik sa ganitong

dyanra ng panitikan dahil malaki ang tuon kung pamilya na ang pag-uusapan. Ayon kay
Ruth Elynia S. Mabanglo naniniwala siya na ang isang pamilya’y tulad ng isang

magandang kahong puno ng mga bagay na gusto nila: pagmamahal, katuwaan,

pagkakaroon ng kasama at iba pang magagandang bagay; isang kahong mabubuksan

kailan ma’t nais nila ng mga bagay na ito. Marahil mas nakakatulad ng isang walang

lamang kahon ang pamilya. Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano

ang ginagawa nito ng mga tao.

Ayon naman kay Bro. Azarias ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao

tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa lipunan, at sa kaugnayan na

kanilang kaluluwa sa poong lumikha.

Sa pagbabago ng panahon at dahil sa paninibagong dulot ng relihiyon, inaangkop na

rin dito ang mga nakagisnang paniniwala at ritwal. Ayon kay Merkado, nagiging

matingkad ang pagiging mapamili ng kultura at kung paano bibigyan ng ibayong anyon

at mukha ng mga ritwal na binibigay ng kristiyanismo. Bagama’t may mga naidulot na

pagbabago sa pag-iisip ng mga tao ang kristyanismo gaya ng kaugnay sa sekwalidad

(Jose at Navarro 2004), nagpatuloy pa rin ang nakagisnang ritwal at nakagawiang

anitismo na naayon sa sariling kalinangan. Dahil sa panitikan mas nabibigyang linaw

ang gustong ipahayag ng tao sa isip, sa puso at sa gawa,sa kanilang pananampalataya

at paniniwala sa paniniwala sa siyensya.

Sa pagsusuring ito ay binibigyang diin ang pananaw ng mga Pilipino sa pagkakaroon

ng anak batay sa siyensya at pananampalataya; Si Cirio H. Panganiban ay alagad ni

Balagtas sa pagsulat ng tula. Tradisyunal ang istilo niya sa pagbuo ng tula subalit ng

kalaunan ay magbago na rin ang istilo. Unang nakita ang pagbabagong anyo sa
kanyang mga tula “Manika” “Sa Habang Buhay” at “Three o’clock in the morning”. Kilala

si Panganiban sa natatanging dulang veronidia. Sinilang siya noong Agosto 21, 1895 sa

Bocaue, Bulacan.

Magiging gabay sa tiyak na layunin sa pagsusuring ito sa pagtanaw sa (1) Hangarin sa

pagkakaroon ng anak. (2) Pananaw ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng anak sa

pamamagitan ng: (2.1) Siyensya, (2.1) P ananampalataya.

Kaligirang Teoretikal

Si Cirio Panganiban ay isang manananggol at naging malaking bahagi sa kasaysayan

ng panitikang Pilipino. Isa siyang makata, kwentista, mandudula, mambabararila, at

guro pang wika. Kabilang sa kanyang mga akda ay ang Bunga ng Kasalanan,

Veronidia, Sa kabukiran at Manika.

Ang pagsusuri ay nakasalig sa paniniwala ng Teoryang Romantisimo, teoryang

Historical at Teoryang Realismo. Sa pamamagitan ng mga teoryang ito ay matatalakay

ang elementong saklaw ng pagsusuri. Batay sa teoryang Romantisismo ay tutukuyin

ang uri ng pagmamahal sa pananampalataya, asawa, at anak, bibigyan-diin dito ang

damdamin kaysa sa pag-iisip. Teoryang Historikal mailalahad sa akda ang kasaysayan

ng kanyang buhay at pananampalataya, tutukuyin ang kahalagahan ng kultura at

tuntunin ng isang tao. At ayon kay Mangonon et al, sa teoryang Realismo nakabuod

ang uri ng paksa ng isang paksa kaysa sa paraan ng paglalahad nito, ipapaliwanag sa

akda ang kapalit sa pagyakap sa pananampalataya.


Nagsisilbing gabay ang teorya sa pagsusuri sa kwento ni Cirio H. Panganiban.

Bibigyang tuon ang Teoryang Romantisismo ang pagmamahal laban sa

pananampalataya gagamitin naman Teoryang Historikal pananaw at kahalagahan sa

buhay na nakagisnan. At Teoryang Realismo sa paniniwala laban sa Siyensya at

Pananampalataya.

Sa kabuuan, pagsusuring ito ay naglalayong matukoy ang pananaw ng mga pilipino sa

pagkakaroon ng anak batay sa siyensya at pananampalataya na makikita sa obra ni

Cirio H. Panganiban bilang manunulat ng akdang “ Bunga ng Kasalanan”.

Layunin ng Pag-aaral

Ang maikling kuwentong Bunga ng Kasalanan ay nagpapakita ng mga pananaw ng

mga Pilipino sa pagkakaroon ng anak sa pamamagitan ng siyensya at

pananampalataya. Magsisilbing layunin ang sumusunod:

1. Hangarin sa Pagkakaroon ng Anak


2. Pananaw ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng Anak sa pamamagitan ng:

2.1 Siyensya

2.1 Pananampalataya
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga mag-aaral lalo na ang kumukuha ng kursong

panitikan, mga guro sa panitikan, nagpapakadalubhasa sa panitikan, at maging sa lahat

ng mamayang Pilipino. Ang resulta ng pag-aaral ay magsisilbing gabay sa pagunawa sa

maikling kuwento na tumutukoy sa buhay ng tao sa lipunan at matukoy sa siyensya at

pananampalataya na nakapaloob sa maikling kuwento. Ang pagsusuring ito ay

makakatulong din sa pagpapalawak ng kaalaman sa Panitikang Pilipino.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagsusuri sa siyensya at panannampalataya ni Cirio H.

Panganiban na pinamagatang “ Bunga ng Kasalanan”. Nililimitahan ang pagaaral na ito

sa pagtukoy sa hangarin sa pagkakaroon ng anak, pananaw ng mga Pilipino sa

pagkakaroon ng anak sa pamamagitan ng siyensya at pananampalataya.

Kahulugan ng mga Talakay


Maikling kuwento. ito ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng

mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa

mga mambabasa.

Anak. Ito ay isang supling na tumutukoy sa tao.

Siyensya. Ito ay sangay ng kaalaman na nakabatay sa obhektibong simulain na

ginagamitan ng sistematikong pagmamasid at eksperimento ng mga bagay-bagay.

Pananampalataya. Ito ay paniniwala sa isang diyos o doktrina o mga katuruan ng isang

relihiyon.

Pamamaraan ng Pagsusuri

Ang pagsusuring ito ay isang kwalitatibong uri ng pag-aaral na gagamit ng content

analysis upang matugunan ang layunin ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng

pamamaraang ito, susuriin ang mga pananaw ng maikling kuwento. Magsisilbing tiyak

na hakbang ang mga sumusunod:

Unang Hakbang. Hangarin ng pakakaroon ng anak. Sa bahaging ito tutukuyin ng

manunuri ang kagustuhan ng magulang ang hangaring mabiyayaan ng anak. Sa

pamamagitan ng Teoryang Romantisismo sisipatin ng manunuri ang dahilan ng

magasawa na hangaring magkaroon ng anak.makikita dito ang rason ng pagkasabik na

matupad ang hangarin.


Ikalawang Hakbang. Pananaw ng mga Pilipino sa pakakaroon ng Anak. Siyensya.

Bibigyang pokus ang bahaging ito ang katuparan sa hangaring nais matupad. Sa

pamamagitan ng Teoryang Realismo makikita ang katotohanan sa likod ng desisyong

ginawa dahil dito makikita ang pakikipagsapalaran na magkaroon ng anak.

Ikatlong Hakbang. Pananaw ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng Anak.

Pananampalataya. Sa bahaging ito matutuklasan ang tuibay ng pananampalataya ng

isang tao. Sa Teoryang Historikal ipinapaliwanag ang paniniwala ng isang tao sa

kanyang pananaw hinggil sa kanyang kultura at pananampalatayang nakagisnan.

You might also like