You are on page 1of 9

I.

PANIMULA
a. Pamagat ng Katha

WALANG SUGAT
b. May Akda
SEVERINO REYES
c. Sangguninan
http://www.thephilippineliterature.com/walang-sugat-ni-
severino-reyes/

II. BUOD NG DULA


Si Julia at Tenyong ay nagmamahalan. Pinahihirapan ng mga Frayle ang
ama ni Tenyong hanggang sa ito'y namatay. Dahil dito, nagkaroon ng
pagrerebelde at sinugod ng mga kalalakihan ang estacion ng Guiginto kasama
na dito si Tenyong.
Samantala, pinagkasundo naman si Julia ng kanyang ina kay Miguel na anak
ni Tadeo. Ng malaman ito ni Tenyong mula sa kanyang kaibigan na si Lucas,
bumaba sila sa bayan kasama ang mga katipunero. Sa simbahan, ikakasal na
si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan, nasa punto ng
kamatayan. Ipinatawag ng Heneral ng mga katipunero ang pari para
makapangumpisal si Tenyong. Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Tenyong.
May huli itong kahilingan ang binata na sila ni Julia ay makasal bago siya
mamatay, kahit galit ang ina ni Julia pumayag rin ito sa huli. Ikinasal sina Julia
at Tenyong. Nagpanggap na sugatan si Tenyong para mapakasalan ni Julia
pero huli na ang lahat kahit sumigaw si meguel ng “walang sugat si Tenyong”.
Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang boung eksena at walang
nagawa ang mga tao dahil naikasal na sila.

III. PAGSUSURI

This study source was downloaded by 100000844739958 from CourseHero.com on 04-02-2022 09:03:40 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97395468/pagsusuri-ng-dula-walang-sugatpdf/
A. URI NG PAMPANITIKAN
Ang akdang panitikan na Walang Sugat na isinulat ni Ginoong Severino
Reyes ay nabibilang sa kaurian ng Akdang Tuluyan o Prosa sapagkat ito ay
naglalaman ng dayalogo na natural o karaniwang ginagamit sa araw-araw na
pakikipag komunikasyon, ibig sabihin wala itong sinusunod na tamang bigkas o
anumang gabay upang maging perpekto ang isang panitikan.
Batay sa akdang Walang Sugat, ito din ay maipapasok sa Patanghal dahil
ginaganap nila ito sa entablado na karaniwan ay maraming tao na nanonood,
mayroon din itong gumaganap na tauhan, at may mga kagamitan upang
maipahayag ang tunay na mensahe at magkaroon ng magandang resulta.

Ito ay isang uri ng dula na pumapasok sa uri na sarsuwela. Na pumupukaw


sa damdamin ng mga tao o tungkol sa suliraning panlipunan o pampulitiko. Ito ay
isang melodrama at tragikomedya na anyo ng dula. Ito rin ay ginamitan ng diagulo
na patula, pasalita at paawit. Ito din ay nagpapakita ng sitwasyon ng mga Pilipino
na mayroong kinalaman sa kuwento ng pag ibig at isyung kinakaharap sa
panahong iyon.

Ang himig o ang damdaming taglay ng akdang Walang Sugat ay


makahulugan at makabagbag damdamin dahil ito ay tungkol sa dalawang taong
nagmamahalan sa kabila ng hindi magandang nangyayari sa kanilang pamilya,
lipunan at bayan, ngunit hindi ito naging hadlang upang maudlot ang kanilang
pagmamahalan.

B. ISTILO NG PAGLALAHAD

Mabisa ang istilo sa pagsasadaloy ng kwento, maging sa mga salita at sa


pangyayaring makatotohanan batay sa pangyayari sa buhay at sa lipunan sa

This study source was downloaded by 100000844739958 from CourseHero.com on 04-02-2022 09:03:40 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97395468/pagsusuri-ng-dula-walang-sugatpdf/
akmang panahon, masinig din ang pagkagawa ng akda, nakabatay din sa panlasa
ng mga mambabasa dahil sa pabatid nitong iba’t ibang pangyayari sa pamilya,
lipunan maging sa pagmamahalan.

C. MGA TAYUTAY
1. Pagmamalabis (Hyperbole) – Nagpapakita ng mga bagay na imposibleng
mangyari.

“May buhay-pusa si Kapitan Inggo” - Relihiyoso 1

2. Pagtawag (Apostrophe) – Pagkausap sa isang karakter mula sa bibliya o


mitolohiya.

“Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong


hirap?” - Tenyong

“Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay bathala.” – Inggo

“Sa diyos nananalig” – Tenyong

3. Pagwawangis (Metaphor) – katulad ng pagtutulad ngunit hindi ito gumagamit


ng mga salita gaya ng sa pagtutulad.

“Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay naming ay lagi na


lamang sa hirap, noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting
sweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle; ngayon nga kung sabagay
ay kami na ang namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang
pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon napaglirip na ang mga
kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang pakunwari at
pakitang-tao lamang alin sunod sa malaking takot sa mga prayle.” – P.
Teban

This study source was downloaded by 100000844739958 from CourseHero.com on 04-02-2022 09:03:40 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97395468/pagsusuri-ng-dula-walang-sugatpdf/
“Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango sa bullaklak
na sa sandalling oras ay kusang lumilipas.” – Tenyong

“Kaya, juana, di-malayong kaming mga iklerigo ay mauwi sa pagsasaka,


tantuin niyong kaming mga paru ay hindi mabubuhay sa panay na
hangin” – P.Teban

“Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga-anong pusu-


puso ang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may
lalaking mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso,
at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t gayo’y
iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayo’y kung may
lalaking nangingibig ay tinatatanggap ng mga mata at itinutuloy dito sa
isip at sa dina sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin;
ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang
katungkulan, siya’y nagpapahingalay na.” – Juana

D. SARILING REAKSYON

1. MGA TEORYA

Teoryang Sosyolohikal

Dahil ito ay tumatalakay sa kalagayang panlipunan sa isang tiyak na


panahon na nagpapakita ng interaksyon ng pangunahing tauhan sa

This study source was downloaded by 100000844739958 from CourseHero.com on 04-02-2022 09:03:40 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97395468/pagsusuri-ng-dula-walang-sugatpdf/
kanyangpaligid, sa lipunang kanyang ginagalawan. Tinitingnan dito ang reaksyon
ngtao sa tao, at ng tao sa lipunan.
Ito ay isa sa mga dulog kritisismo na ginamit sa dulang Walang Sugat dahil
ang may akda ay nagpakita o naglarawan ng paglalaban ng sariling karapatan ng
bawat Pilipino sa lipunan na kanilang ginagalawan upang sila ay makalaya sa
kalupitang taglay o ipinamamalas ng mga Kastila na siyang sumakop sa sarili
nating bansa. Ipinakita ni Tenyong ang kanyang pangunahing layunin para sa
kanyang bansang Sinilangan.

Teoryang Romantisimo

Dahil namamayani rito ang emosyon o damdamin sa halip na pagiisip.


Layunin nitong ipamalas ang iba’t-ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa
pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bayan at mundong kinalakihan.
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalam lamang ang kaniyang pag-ibig sa tao o sa bayan.
Si Ginoong Severino Reyes ay nagpakita ng alab ng pagmamahalan sa
pagitan nina Julia at Tenyong sa kabila ng matinding balakid sa kanilang
pagmamahalan at pinili pa din nila itong ipaglaban at gumawa ng paraan. Hindi
lang ito patungkol sa dalawang taong nagmamahalan kung hindi pagmamahal din
sa lipunang ginagalawan, kaya't ginising ng may akda ang mga Pilipino sa
kalupitan ng mga Kastila.

Teoryang Historikal

Teoryang Historikal na siyang nakaukit sa kasaysayan na nagkaroon ng


paghubog sa isang katauhan ng bawat isa. Ang dula ding ito ay nagpapakita ng
kasaysayan o pag gunita sa mga pangyayari sa ating bansa upang magsilbi ito
kamalayan sa mga kabataan at sa darating pang henerasyon na nagpahubog sa
isang katauhan ng bawat isa.

This study source was downloaded by 100000844739958 from CourseHero.com on 04-02-2022 09:03:40 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97395468/pagsusuri-ng-dula-walang-sugatpdf/
Teoryang Realismo

Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay


na buhay at pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan. Sa dula ng
Walang Sugat nasa kanila ang realidad ng buhay na kahit sina tenong at Julia ay
nagiibigan meron pa rin hadlang sa kanila katulad ng paghihiganti ni tenong para
sa kanyang ama laban sa espanyol at sapilitang kasal ni Julia kay Miguel pero may
halo pa rin ng romantisismo dahil sa huli nanalo ang pagiibigan nila tenyong at
Julia.

2. MGA PANSIN AT PUNA (KOMENTO)

a. MGA TAUHAN

Tenyong
- Isang lalaking mapagmahal sa kanyang kasintahan,pamilya at sa bayan.
Julia
- Ang babaeng pinakamamahal ni Tenyong.
Juana
- Ina ni Julia. Lucas-kanang kamay at utusan ni Tenyong.
Miguel
- Ang lalaking ipinagkasundo kay Julia para pakasalan.
Tadeo
- Ang ama ni Miguel; may lihim na pagtingin kay Juana.
Kapitan Inggo
- Ama ni Tenyong; asawa ni Putin; namatay dahil sa kalupitan ng mga
Kastila. Kapitana Putin-ina ni Tenyong at asawa ni inggo.
Marcelo

This study source was downloaded by 100000844739958 from CourseHero.com on 04-02-2022 09:03:40 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97395468/pagsusuri-ng-dula-walang-sugatpdf/
- Alkalde o punong bayan.
Heneral
- Malapit na kabigan ni Tenyong.
Kura
- Ang paring nagkumpisal kay Tenyong.
Mediko
- Ang gumamot kay Tenyong.
Relihiyoso 1 at Relihiyoso 2
- Ang malulupit na prayle.
Monica
- Alila ni Julia

b. GALAW NG PANGYAYARI

Batay sa aking pagsusuri ang akdang Walang Sugat ni Severino Reyes ay


isang makabago at natatangi sa mga mata ng mga manonood habang kinikilig at
umiiyak. Ang pangyayaring nailarawan sa dula ay makaluma batay sa mga
kagamitan, pananalita, lugar at pati na rin ang mga tugtugin na ginamit sa dula.
Nabuo ang balangkas ng akda sa pamamagitan ng pagbibigay ng agarang suliranin
o problema na bibigayan ng solusyon at wala itong sapat na introduksyon tungkol
sa mga tauhan na mayroong ginanapan na papel sa pagbuo ng dulang nabanggit.
Masasabing may kaisahan o mayroong pagkakatugma tugma ang mga pangyayari
mula unang pangyayari hanggang sa huli dahil mayroong iisang paninindigan at
may pinaglalaban ang may akda patungkol sa kanyang ginawang akda. Mayroon
din siyang pinatutunayan at ipinapahatid sa mga manonood at upang maintindihan
ito ay hinihimay himay niya ang mga pangyayari.

Ang mensahe na ipinapahiwatig ng akdang Walang Sugat ni Severino Reyes


ay ipamulat ang mga Pilipino sa pangyayaring hindi kanais nais at kalupitan na

This study source was downloaded by 100000844739958 from CourseHero.com on 04-02-2022 09:03:40 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97395468/pagsusuri-ng-dula-walang-sugatpdf/
nararanasan sa kamay ng mga dayuhang Kastila na siyang nang api sa mga tao
na mas may karapatan sa sarili nilang bansa. Ipinapahiwatig din dito na kahit
anong balakid o suliranin sa pagitan ng pagmamahalan nina Tenyong at Julia ay
hindi pa din natitibay bagkus mas lalo pa nila itong pinagtibay. Batay sa aking
pagsusuri ang simbolismong ginamit sa akdang Walang Sugat ay ang panyo na
binurda ni Julia at paglagay ng akronim na pangalang ANF o Antonio Narciso Flores
na nagpapahiwatig ng alab at labi ng pagmamahal din ni Julia para sakanyang
kasintahan na si Tenyong.

Sa aking panonood ng akdang ito ay masasabi kong nadagdagan ang aking


kaalaman hindi lang tungkol sa pag ibig kung hindi sa kasaysayan ng bansang
Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol na nagkaroon ng impluwensya sa pamumuhay
ng mga Pilipino at hanggang ngayon ay ipinagpapatuloy pa din ito.

c. BISANG PAMPANITIKAN

a. BISA SA ISIP

Ang dulang walang sugat ay isang napakaganda at nakakaantig na


istorya. Ito ay tungkol sa kawalan ng hustisyang tinamasa ng mga
Pilipino noong panahon ng mga kastila, ang temang ginamit nito ay
pagmamahalan sa gitna ng digmaan, sakripisyo, pagkawalay, at
kontradiksyonng indibidwal sa pamilya.

b. BISA SA DAMDAMIN

Ang dula ay nakakaantig na basahin at panoorin dahil ito ay


napakaganda at nakakaantig. Ang gintong kaisipan ay dapat
pahalagahan kung ano ang meron sayo at dapat sa lahat ng
pagkakamali kinakailangan mangibabaw ang kapatawaran sa lahat kung
sino man ang nagkakamali at ang isa pang aral sa akdang aking nabasa
ay dapat mayroon kang paninindigan sa iyong desisyon at gusto at

This study source was downloaded by 100000844739958 from CourseHero.com on 04-02-2022 09:03:40 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97395468/pagsusuri-ng-dula-walang-sugatpdf/
dapat matuto tayong ipaglaban ito upang tayo ay tunay nga talagang
lumigaya.

c. BISA SA KAASALAN

Ang dula na ito ay tinuruan ako na matuto tayong pahalagahan ang


ating paninindigan dahil ito ay tumutukoy sa pagiging desidido na
makuha ang karapat-dapat na hustisya katulad lamang ng paghanap ng
tauhan ng hustisya para sa namatayang kaanak o pamilya. At naipakita
rin sa dula na matutong manindigan sa taong iyong iniibig dahil kung
tunay mong mahal ang isang tao hahanap ka ng paraan upang sa huli
ay siya pa rin ang gusto mong makasama habang buhay.

d. BISA SA LIPUNAN

Ang dula na ito ay nagkaroon ng malaking epekto sa mga manonood


at sa ating lipunan dahil kailangan na nating magising sa katotohanan,
huwag tayong magbulag bulagan dahil tayo ay inaalipin ng mga
dayuhan na walang ginagawa kung hindi ay pang-aalipusta sa mga
taong mahihirap. At naipakita rin sa dula ang pagmamahalan dahil lahat
ay kayang gawin upang makuha lamang ang nais ng kanilang mga puso.

This study source was downloaded by 100000844739958 from CourseHero.com on 04-02-2022 09:03:40 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/97395468/pagsusuri-ng-dula-walang-sugatpdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like