You are on page 1of 7

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral

na nakuha sa mga binasang aklat, tesis, disertasyon, at iba pang mga babasahing may

malaking kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Ang mga kaugnay sa literatura, banyaga

man o lokal man ay inilalahad din sa pananaliksik na ito na hango sa mga aklat, dyornal

at iba pang lathalaing may kaugnay sa paksa. Isinasagawa ang paghahanay ng mga

kaisipan at konsepto mula sa iba’t-ibang manunulat at mananaliksik upang mabigyang

linaw ang isinagawang pag-aaral.

Ang literatura ay punong-puno ng iba’t-ibang uri ng mga bully. Sila ay

magandang mga halimbawa ng isang kontrabida sa mga kwento (cgrove417.org). Ang

mga ito ay nagpapakita sa isang bahaging nangyayari sa totoong buhay.

Noong 1530, ang ibig sabihin ng salitang bully ay “sweetheart”, ito ay ginagamit

na pantawag sa kahit anong kasarian. Ito ay nagmula sa salitang Dutch na “boul” o

salitang Aleman na “boule”. Ngunit noong ika-17 siglom ang kahulugan nito ay unti-

unting sumama. Mula sa isang maginoo, ang ibig kahuligan nito ay naging nang-aapi ng

mahina. Marahil ito ay nagmula sa katangian ng toro o bull (atymonline.com).

Ayon sa timeline.com, ang bullying ay unang lumitaw sa ingles na literatura

noong 1838 sa librong “Oliver Twist” ni Charles Dickens. Ito ang kauna-unahan sa uri

nito na tumatalakay sa isyu ng bullying at kriminal na pagmamaltrato sa batang bida nito.

Isa pang librong tumatalakay sa isue ng bullying ay ang “Lord of the Flies” ni

William Golding noong 1954. Ipinakita nito ang mga aksyong ginawa ng mga batang

habang walang patnubay ng mga matatanda ay naging mga asal barbaro mula sa pagiging

sibilisado (netplaces.com).

Noong 1967, nakilala naman ang librong “The Outsiders” ni S.E Hinton. Ito ay

isang coming of age na kwento tungkol sa isang 14 na taong gulang na batang binubully

at binibiktima ng kaaway nilang paaralan. Halos kasabayan nito ay ang kwenyong

“Blubber” ni Judy Blume noong 1974 na tumatalakay naman sa pambubully ng isang

batang babae sa kaniyang paaralan (netplaces.com).

Ayon kay Jay McGraw sa kaniyang aklat na Life Strategies for Dealing With
Bullies, madalas, tinatrato ng mga kabataang bully ang ibang tao kung paano tinatrato ng

mga magulang nila, nakakatandang kapatid, o iba pang kapamilya ang ibang tao. Dagdag

pa rito, sa aklat ni Barbara Coloroso na pinamagatang The Bully, the Bullied, and the

Bystander, nakasaad na kumikilos ang mga kabataang bully na parang nakatataas sila,

pero madalas ginagawa lang nila iyon para itago ang kanilang nasaktang damdamin at

ang nadarama nilang kawalang-kakayahan.

Lokal

Ayon sa isang blog na pinamagatang “Kapamilya News Ngayon ni Ted Failon”,

talamak na ang nagaganap na pangbubully sa loob ng Pilipinas. Ayon dito, maraming

dahilan kung bakit nabubully at nambubully ang isang tao. Maaaring nabubully sila dahil

sa kakulangang pinansytal, pisikal na kaanyuan, at kapansanan. Sa nasabing blog,

maaaring nambubully ang isang tao dahil sa inggit, galit o kaya’y impluwensya ng

barkada sa kanya. Karaniwan na ngang laman ito ng mga pahayagan at telebisyon.

Ayon kay Ben Tulfo, ang bullying ay pagpapakita ng pagiging dominate ng isang

tao. Kung kaya’t dahil sa lumalalang kaso ng bullying, nagpasyahan ng DepEd o

Department of education na tuligsain na ang problemang ito na nakakapagdulot ng

pinsala sa bawat kabataan.

Ayon sa DepEd, nais nilang gumawa ng isang maikling pelikula ukol sa epekto ng

bullying sa kada isang indibidwal upang maunawaan ang lahat ng hindi magandang

pangyayari na maaaring maranasan ng isang tao. Marapat na ang guro ang siyang

maghubog sa kabataan upang hindi mamulat ang kanilang isipan sa ganitong uri ng

kapaligiran at para mapanatili na rin ang kaayusan.

Nakasaad pa sa isang artikulo ng wikipedia na ang pang-aapi ay isang uri ng

pang-aabuso. Ito ay maaaring mahati sa tatlong klase, emosyonal, makadiwa, at pisikal.

Ngunit ito ay maaaring nasasangkot sa mahiwagang paraan ng pamimilit tulad ng

sikolohikal na pamamanipula. Dagdag pa ng grupong ito, ang pang-aapi ay maaaring

mangyari sa ano mang konteksto kung saan ang mga tao ay nakikipag-ugnayan sa isa’t-

isa. Kabilang na dito ang paaralan, simbahan, pinagtatrabahuan, sa kapitbahay, at maging

sa bahay.

Ang pang-aapi ay maaaring umiiral sa loob ng grupo at maging sa pagitan ng mga


bansa. Isa sa pinakamatibay na halimbawa ay ang nangyari noong panahon ng pananakop

ng mga kastila sa Pilipinas. Ayon sa nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na

sinulat ni Dr. Jose Rizal, ang mga Kastila noon ay parating nang-aapi sa mga Pilipino.

Ang tingin nila sa Pilipino ay isang mababang uri na lahi at nararapat lang na maging

alila nila.
Saklaw at Limitasyon

Ang limitasyon ng pag-aaral na ito ay hanggang sampu at piling mga estudnyate

lamang, gaganapin, at iba’t-ibang pamantasan.

Katuturan ng Talakay

Bullied - kapag ang tao ang biktima at ang target ng bully.

Bully - isang tao na nakagawian na naghahangan na saktan o takutin ang mga itinuturing

nilang mahina.

Karanasan - ang karanasan ay tumutukoy sa mga nakakamalay na kaganapan sa

pangkalahatan, mas partikular sa mga pananaw, o sa praktikal na kaalaman at pamilyar

na ginawa ng mga nakakamalay na prosesong ito. Naunawaan bilang isang nakakamalay

na kaganapan sa pinakamalawak na kahulugan, ang karanasan ay nasasangkot ng isang

paksa kung saan ipinakita ang iba’t-ibang mga item.

Pamumuhay - ang pamumuhay ay ang mga interes, opinyon, pag-uugali, at oryentasyon

sa pag-uugali ng isang indibidwal, grupo, o kultura. Ang termino ay ipinakilala ng

Austrian Psychologist na si Alfred Adler sa kanyang 1929 na aklat, “The Case of Miss

R.”, na may kahulugan na “pangunahing katangian ng isang tao na itinatag noong maaga

sa pagkabata.
Kabanata III

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng pamaraan ng pananaliksik upang matugunan

ang lahat ng mga pangangailangan sa pag-aaral gayundin ang mga instrumentong ginamit

at ang pamamaraan sa pagtipon ng datos.

Paraan ng Pananaliksik

Inihanda ng mananaliksik ang mga sumusunod na hakbang bilang gabay sa

gagawing pag-aaral. Ginamit ang pag-aaral sa “descriptive survey” o palarawang

pagsusuri kung saan ang talatanungan ang pinkamahalagang instrumentong ginamit sa

pagkalap ng datos.

Ang palarawang pagsusuri ay isang paraan ng paglalahad at pagpapakahulugan ng

mga datos na nakalap kung saan tutukuyin ang kalagayan at kaugnayan ng mga

pangyayari. Pinili ang paraang ito dahil ang pangunahing hangarin ng mga mananaliksik

ay maibigay ang saloobin ng mga kabataan sa iba’t-ibang paaralan tungkol sa usaping

“bullying”.

Mga Respondante

Ang mga sumagot sa aming mga katanungan ay mga mag-aaral sa iba’t-ibang

paaralan na nasa 16-20 taong gulang at maaaring nakaranas na ng “bullying”.

Instrumento sa Pagkalap ng mga Datos

Ang instrumentong ginamit upang maisagawa ang pananaliksik na ito ay pagkuha

ng mga mahahalagang impormasyon mula sa libro at internet.

Tritment ng Datos

Ang pamanahong papel na ito ay naglalaman ng mga katanungan ukol sa mga

karanasan at kaalaman ng mga respondante tungkol sa usaping “bullying”.


TALATANUNGAN

A. Anu-ano ang mga naging karanasan ng mga bullied?

Mental

1. Paano naaapektuhan ng “bullying” ang iyong pagpapahalaga sa sarili?

2. Naranasan mo na bang mahirapan sa pagtulog dahil lang sa palaging pambubully?

Pisikal

1. Ano ang mga naiambag sa sanhi ng pisikal na pananakit sa iyo?

2. Naging biktima ka ba sa mga pang-aabusong pisikal gaya ng pagpalo, pagsipa,

pambububog, pangangagat, o anupamang kilos na humahantong sa pisikal na pananakit,

pagpinsala, o pag-iiwan ng mga pasa o bugbog? Sa paanong paraan ito naranasan?

Emosyonal

1. Lagi ka bang umiiyak pagkatapos mong mabully?

2. Nasasaktan ka ba ng sobra sa pambubully nila?

Sosyalisasyon

1. Nais mo rin ba o naisip na gumanti sa nagmbubully sa iyo?

2. Ano ang mga paraan na iyong ginagawa sa araw-araw, lalo ngayong henerasyon?

B. Anu-ano ang mga dahilan ng mga nambubully?

Pamumuhay

1. Paano ka nakakatulog at nakakhinga ng maluwag matapos ang lahat ng iyong mga

ginawa araw-araw sa pamamagitan ng pambubully?

2. Naisip mo rin ba minsan kung ano ang nararamdaman ng iyong binubully? Paano kung

gawin rin sa iyo?

Fact Experiences

1. Nakakaranas ka ba ng panankit sa loob ng inyong bahay?

2. Nitong mga nakaraang taon, nakaranas ka ba ng pang-aapip galing sa kapwa mo

estudyante?
PARTICIPANTS

Bully
1. Roy Fajardo
Cabugbugan, Tagudin, Ilocos Sur
Tagudin National High School
Senior High School
Humanitiies and Social Sciences 11

2. Bryan Anzel Leal


Lacong, Tagudin, Ilocos Sur
Tagudin National High School
Senior High School
Science Technology Engineering and Mathematics 11

3. Wilfredo Leal
Ambalayat, Tagudin, Ilocos Sur
Don Mariano Marcos Memorial State University North-La Union Campus
1st year college

4. Marvin Lapitan
Farola, Tagudin, Ilocos Sur
Ilocos Sur Polytechnic State College
1st year college

5. Joseph Bernard Narceda


Dardarat, Tagudin, Ilocos Sur
North Luzon Philippine State College
1st year college

Bullied
1. Angela Fajardo
Malacanang, Tagudin, Ilocos Sur
Tagudin National High School
Senior High School
Humanities and Social Sciences 11

2. Maria Angela Arquero


Becques, Tagudin, Ilocos Sur
Tagudin National High School
Senior High School
Technical Vocational Livelihood

3. Christine Leti
Tallaoen, Tagudin, Ilocos Sur
Tagudin National High School
Senior High School
General Academic Strand 11

4. April Joy Somera


Caloocan City
Horacio Dela Costa High School
Senior High School
Humanities and Social Sciences 11

5. Geil Lyka Manzano


Farola, Tagudin, Ilocos Sur
Tagudin National High School
Senior High School
Science Technology Engineering and Mathematics 12

You might also like