You are on page 1of 15

University of the Philippines Manila

PI 100

El Filibusterismo

Bermudez, Victoria Agatha


Consul, Genry Criscel
Gamboa, Gian
Guya, Mary Joy
Madrilejo, AJ Lein
Ragasa, Charissma Leiah
Suya, Von Angelo

Prof. Jerome Ong

May 2, 2016

Mahalagang konsepto partikular ang mga kaisipang may kinalaman sa pagbuo ng bayan
Bapor Tabo. Ang bapor tabo ay kumakatawan at lumalarawan sa pamahalaang
nagpapatakbo sa Pilipinas noong panahon ng manunulat. Mabagal ang pagtakbo ng bapor at
maraming balakid na dinaraanan ito. Maihahambing ito sa mabagal na pag-unlad ng bansa;
maraming pang kailangan gawin bago maramdam ang pag-unlad. Ang bapor ay may dalawang
palapag ang bapor ang kubyerta at ang ilalim nito. Maihahalintulad ito sa estado ng lipunan
noong kapanahunang iyon. Nakakulong ang mga tao sa hiyarka ng mga mabababa at matataas na
uri ng tao na dinetermina ng pamahalaan.
Ilalim ng Kubyerta. Ang ilalim ng kubyerta ay kumakatawan sa mga taong tinuringang
mas nakakababa. Itong pangkat na ito sa bapor ay mas hindi komportable kaisa sa taas na bahagi
ng bapor. Mas hindi pumapasok ang hangin, mas mainit, at mas maamoy ang bahaging ito ng
bapor na kumakatawan sa estado ng mga indio at mga katutubo noong panahong iyon.
Buwis at Lupain. Ang pag-buwis ng mga prayle sa lupain ni Kabesang Tales ay ang
naging dahilan ng pagbagsak nito. Unti-unting tinaas ng mga prayle and buwis hanggang sa
hindi na niya nakayang magbayad at tuluyan nang nawala ang lupain sa kanya. Maihahalintulad
ito sa kasamaan at kabuktutan na umiiral noong mga panahong iyon. Ang pagiging matapang at
palaban ni Kabesang Tales ay nagpapakita ng kahandaan ng mga Pilipinong ipaglaban ang
kanilang mga karapatan.
Kasipagan ni Basilio. Ang pagpapaalila ni Basilio sa kanyang pinanser ay maikukumpara
kay Rizal. Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-aral ay sumisimbolo sa pagpapahalaga at
pagbigay importansya ni Rizal sa edukasyon aat karunungan. Matinding pagtitiis, pagtitiyaga, at
pagsisikap ay kailangan para matuto.

Salapi ni Huli. Ang paghintay ni Huli ng inaasam na salapi galling sa Birhen ay isang
punto sa akda. Maihahambing ito sa kaisipan na Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa, na
siya ring gusting ipahayag ng manunulat.
Pagkapipi ni Tandang Selo. Ang pagkapipi ni Tandang Selo ay sumasalamin sa
pagtanggal ng sa mga Pilipino ng kalayaan nilang magpahayag ng kanilang mga ninanais.
Panunuyo. Ang panunuyo sa mga awtoridad, opisyal at may posisyon ay nakaugalian ng
mga Pilipino. Gustong purihin at suyuin ng mga tao ang mga nasa posisyon upang magkaroon ng
kapit.
Klase. Ang hindi pantay-pantay na pagtingin sa mga mag-aaral, ng kanilang mga guro pa,
ay naging dahilan sa pagkawalang gana ng mga mag-aaral mag-aral. Dahil dito, nawalan rin sila
ng paggalang sa mga ito. Masyado maraming.
Pisika. Ang silid-aralan ng Pisika ay hindi mainam para sa pag-aaral dahil sa kakulangan
nito sa mga kagamitan. Ang malaking laboratory ay laging handa, hindi para sa mga estudyante
ngunit para sa mga panauhin. Sinisimbolo nito ang isa sa mga kanser ng lipunan, ang pagiging
pakitang tao sa likod ng mga problemang hinaharap.
Sarili o Bayan. Maraming tao noon, hanggang ngayon, na tumitingin lamang sa
ikagaganda at ikabubuti ng sariling kapakanan at isinasawalang bahagi ang bayan. Sa panahong
iyon, kinakaibigan ng mga tao ang mga nasa posisyon upang makahingi ng tulong at mailakad
ang pansailing mga hangarin. Isa iyon sa kanser ng lipunan sa panahon noon na makikita pa rin
sa panahon ngayon.
Suhol. Gaya ngayon na malubha ang korapsiyon sa pamahalaan, noon rin ay lubha na ang

mga ganitong pangyayari. Nasusuhulan ang mga nanunungkulaan sa pamahalaan, mga nasa
puwesto at awtoridad. Sila rin ay sobra kung manantala ng mga taumbayan, na makikita pa rin at
maihahambing sa panahon ngayon.
Mataas na Pagtingin. Mataas ang tingin ng mga Pilipino sa mga banyaga, simula noon
hanggang ngayon. agaran ang paghanga ng mga Pilipino sa kanila kahit wala pa man silang alam
ukol sa mga ito. Hindi pa man sinusuri ang kanilang tunay na pagkato at kakayahan, mataas na
ang tingin sa kanila. Ayon sa may-akda, naniniwala siya na pare-pareho lang tayo. Walang
pinagkaiba ang mga mapuputi sa mga kayumanggi.
Galing sa mga Kastila. Ayon sa akda, ang kinasanayang ugali ng mga Pilipino na hindi
dumating sa takdang oras ay hindi orihinal na atin. Ito ay nakuha lamang, at ginaya, sa mga
Kastila.
Pagkamatay ni Maria Clara. Ang pagkamatay ni Maria Clara ay masasabing
pagpapahiwatig ng pananatili ng kapangyarihan ng simbahan, ng mga prayle, sa bayan at sa
lipunan.
Pangarap. Hindi maitatago ang pagkakapareho ni Isagani at nang may-akda. Pareho
nilang pinapangarap ang pag-unlad ng kani-kanilang bayan; ang piksiyonal na bayan ni Isagani,
at ang inang-bayan ni Rizal.
Mayayaman. Noong panahong isinulat ang akda, ang mga makakapangyarihan ay
malayang nakakagawa nang anumang mga gusto nila, sa kahit anong paraan, laban sa mga
kilusang labag sa kanilang sariling kapakanan. Pareho ang nangyayari sa akda at sa totoong
buhay, na nangyayari pa rin sa panahon ngayon.

Chismis. Sinasabing sa ibang pagkakataon, ang mga bali-balita na pinagpasa-pasahan ng


mga tao ay mas nakakatakot pa sa mga tunay na pangyayari. Kaya ganoon ay dahil kalimitan,
may mga dagdag-bawas na impormasyon na rito. Mapapansin na ito sa panahon noon at sa
kasamaang palad, ito ay buhay pa rin sa panahon ngayon. Bukod dito, ang mga pangyayari sa
akda ay napagtatakpan rin ng mga pahayagan na sumasalamin sa mga kaganapan sa panahon ng
may-akda, at panahon ngayon.
Langit. Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa himala, sa relihiyon, sa Diyos. Isa sa
mga bagay na idinidiing iturong isabuhay ng mga tao ay ang pananampalataya. Sa kabilang
banda, hindi naman maidadala ang yaman sa langit. Ito ay isang katotohanan na makikita ng mga
tao. Hindi titignan ng Diyos ang pangmateryal na nakuha ng mga tao sa mundo, tulad ng hayag
ni Padre Irene.
Simbahan. Ang lahat, magng ang tungkuling ng pamahalaan at ang mismong pamahalaan
ay nasa ilalim at sakop sa kapnayarihan ng simbahan. Walang napupuntahan anf mga taong
naghahanap ng katarungan. Mihahambing itong kontekstong ito ng akda sa kapanahunan ng
may-akda nang isulat niya ito. Gayunpaman, hanggang sa panahon ngayon ang simabahan pa rin
ay may malaking impluwensiya sa taumbayan at sa pamahalaan.
Pagtatanggol. Hindi lahat ng Kastila ay magkakatulad. Napatunayan ito sa pagtatanggol
ng isang Kastilang mataas na kawani kay Basilio. Hindi lahat ng Kastila ay mapang-api,
mayroon ring mga marangal. Noong panahong iyon, palaging api ang mga dukha at sa
kasamaang palad, hanggang ngayon ang sistema ng katarungan sa bansa ay hindi pa rin
pumapanig sa kanila.
Higanti. Ang may-akda, sa katauhan ni Simoun ay naglalayon ng pagbibigay katarungan

at katuwiran sa pamamagitan ng pamamaraan. Gayunpaman, para kay Simoun, hindi na baling


masama ang pamamaraan bastat mabuti anf kahahantungan. Ito ay labag sa alituntunin ng
kagandahang asal, isang bagay na nakalimutan niya. Pareho sila ni Basilio na uhaw sa
paghihiganti laban sa mga nang-aapi at nangaalipusta sa kanila. Ang paghihimagsik ay
nagsisimula sa mga dukha at api at bihirang nanggagagaling sa mga mayayaman at nakapag-aral.
Ito ay naisaad sa akda, sa kapanahunan ng may-akda, at sa buong kasaysayan hindi lang ng
Pilipinas ngunit pati ng buong mundo.
Kasal. Isinasalamin ng kasal ang sakit, ang kanser ng lipunan. Una, sa pagpili ng ninong
at ninang marami ang kumukuha ng mga ninong at ninang na mataas ang pangkat sa lipunan
kahit hindi nila ito labis na kilala. Mas mabuti sa kanilang makakuha ng yayamanin na
maipagmamalaki kahit hindi naman nila magagampanan ang kanilang mga responsibilidad.
Ikalawa naman, sa paghahanda sadyang ginagawang marangya at pinaggagastusan nang malaki
ang mga kasalanan at iba pang pangyayaring katulad nito. Sadyang ipinipilit kayanin, minsan ay
pinangungutang pa.
Pagtatapos. Iminumungkahi ng papel na nagpalipat-lipat noon pagdiriwang ang
paparating na pagwawakas. Nabibilang na ang araw ng mga makapangyarihan sapagakat
lumalabas na ang kanilang mga kabuktutan.
Pahayagan. Muling ipinakita ng may-akda sa paggipit ng pahayagan at pamahalaan kay
Ben Zayb, sa hindi paglabas ng artikulo niya, ang walang katapatan na pagbabalita at
paglalathala. Tulad ng sa akda, ganito rin ang mga kaganapan sa panahon ng may-akda. Sa
kasalukuyan, ito ay nangyayari pa rin.
Balita. Matapos ang kabuktutang naranasan ni Ben Zayb, lumabas pa rin ang balit.

Inilathala sa akda na totoo ang kasabihang may pakpak ang balit at may tainga ang lupa,
sapagkat mabilis na kumalat ang ipinilit itinago ng mga awtoridad. Pinapakita rin dito ang
pagiging tsismoso ng mga tao, ng mga Pilipino. Gayunpaman, pinatunayan nito na walang
anumang sikreto ang hindi nabubunyag.
Kalupitan. Hindi maikakaila ang kalupitan ng mga guardia civil sa akda, at sa panahon ng
may-akda. Gayunpaman, may mangilan-ngilang marangal na hindi sumasang-ayon sa mga hindi
makataong pagpaparusa. Sa kabilang banda, hindi rin naman lahat ng Pilipino ay maka-Pilipino.
May mangilan-ngilan na mas matindi, mas walang pakundangan pa sa kaisa sa mga Kastila.
Ang pamamaalam ng akda ay nag-iwan ng mangilan-ngilang punto. Una, ang
kayamanan, noon pa man, ay malaking tukso na sa buhay ng mga tao. Ikalawa, sa pagkabuti ng
kaparaanan ay magdudulot ito ng mabuting pagwawakas. Ikatlo, ang katarungan ay importante
sapagkat ito ay kailangan para sa kalayaan, gayundin, kailangan ng rin ng kalayaan ang
katarungan. Huli, ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.
Alam ng lahat na inihahambing ng may-akda ang kanyang akda sa lipunan at panahong
kinabibilangan niya nang ito ay kanyang isinulat. Nakakalungkot isipin na ang mga kaganap sa
istorya ay nangyari sa totoong buhay, sa ating mga kababayan. Gayunpaman, mas nakakalungkot
isipin na hanggang ngayon, halos lahat kung hindi lahat, ay makikita at nagaganap pa rin sa
lipunan at panahong kinabibilangan natin.
Mga Tauhang kinatawan sa Nobela

Simoun

Ito ay si Crisostomo Ibarra na nagbabalik loob sa katauhan ng isang mayamang


alahero na sinusulsulan ang mga naghaharing uri at masa upang maisakatuparan ang
kanyang ipinaplanong himagsikan. Ang karakter na ito ay sagisag ng mga Pilipino na
nawalan na ng tiwala sa reporma at edukasyon at bagkus ay naniniwalang ang dahas ng
armadong pakikibaka ang nalalabing solusyon. Dahil na rin sa mga 'di kainais-nais na
nangyari noong isinusulat ang akda ay laging naikakabit si Rizal kay Ibarra/Simoun, una
dahil sa pagkakapareho ng kanilang adbokasiya't pag-uugali at dahil na rin sa pagiging
mas politikal ng El Filibusterismo kaysa sa naunang Noli Me Tangere.

Basilio

Siya ay isang masikap na mag-aaral sa San Juan de Letran (laon ay Ateneo) sa


tulong na rin ni Capitan Tiago. Kasama si Isagani, ay naglalayon si Basilio na magtayo
ng paaralan para sa magtuturo ng Kastila sa mga katutubo.

Isagani

Siya ay mahirap na mag-aaral ng abogasya, isang makata, at matalik na kaibigan


ni Basilio. Wala siyang takot sa kinauukulan sa pagpapahayag ng kanyang makabayang
kaisipan.
Isinasagisag nila (lalo na ni Isagani) ang mga kabataang lubos ang pagmamahal sa
bayan.

Makaraig

Siya ay isang mayamang estudyante na ginawang dormitoryo ang kanyang


sariling bahay para sa mga mag-aaral sa pamantasan ng Ateneo. Kasama sila Isagani ay
suportado niya ang pagtatayo ng paaralan para sa mga katutubo. Nirerepresenta niya ang
mga may-kayang kabataang Pilipino noong panahong ng mga Kastila na may mabuting
hinahangad para sa bansa.

Kabesang Tales

Siya ay isang tauhang may nakakapanlumong katapusan Siya ay namatayan ng


asawa at panganay, nawalan ng lupang sinasaka, nagsusubsidiyo para sa buwis ng 'di
makabayad, at namatay sa kamay ng kanyang apong miyembro ng Guardia Sibil.
Isinasagisag niya ang mga sawing Pilipino na hindi na nakaangat sa kanilang
kinatatayuan at namumulat mula sa pagsunod-sunuran patungo sa pakikibaka.

Padre Florentino

Siya ay isang karakter na napilitang magpari kahit na ay may iniibig na hindi


naghahangad ng mataas na posisyon o mataas na kita. Sa paghihingalo ni Simoun, ay
kanyang iginiit ang pagtingin ni Rizal na ang kalayaan ay makakamit lamang sa
pamamagitan ng mapayapang reporma sa halip na madugong himagsikan. Siya ang
representasyon ng mga paring sekular ng panahon ni Rizal.

Don Custodio

Siya ay isang opisyal na bagama't salat sa kwalipikasyon ay maraming hawak na


posisyon. Sa pamamagitan ng kanyang kabit na si Pepay ay nakakahingi ng pabor sa

kanya ang mga tao. Sinisimbolo niya ang mga inutil, tiwali, at kliyentistang miyembro ng
pamahalaan at burukrasya

Paulita Gomez

Siya isang maganda ngunit materyalistikong dalaga bagama't tipo niya si Isagani
ay pinili niya ang mayamang iredero na si Juanito Pelaez sa pagpipilit na rin ng kanyang
sosyalistang tiyahin na si Doa Victorina at sa paniniwalang wala siyang kinabukasan
kung ikakasal kay Isagani. Ang kanyang dilemma ay pareho ng dilemma ni Jose Rizal
kay Leonor Rivera. Siya ay sinasabing karikatura ng isang babaeng pinipili ang
pinakamagandang opsyon para sa kanyang kinabukasan at marunong gamitin ang
kanyang mga manliligaw upang makuha ang ninanais niya.

Juliana

Siya ay anak ni Kabesang Tales ang kasintahan ni Basilio na kilala sa palayaw na


"Juli" at piniling magtrabaho bilang katulong kaysa ibenta ang locket na dating pag-aari
ni Maria Clara. Pinagtangkaan siyang gahasain ni Padre Camorra kung kaya't pinili
niyang magpakamatay sa pagtalon sa bintana ng kumbento. Tulad ni Maria Clara, ay
pinapakita niya ang pagkadalisay at kamusmusan ng mga Pilipina ng panahon ni Rizal na
mas pipiliing magsakripisyo kaysa ipagpalit ang kanyang mga ipinaglalaban.
Kabuluhan ng mga ito sa naturang panahon
Ang Mga Prayle at Relihiyon

Sa kabanata isa ay ipinapakita na ang kalagayan sa lipunan ng mga prayle na nananalagi


sa ibabaw ng Kubyerta kung saan maayos at maginhawa ang kanilang kinalalagayan
samantalang sa ilalim ng kubyerta ay masikip, mainit at puno ng pasahero.
Ngunit sa Kabanata 3 ay nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at
pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. Naikwento rin sa kabanatang ito ang isang arsobispo na
itinira ang kanyang kasintahan sa isang yungib malapit sa Ilog Pasig. Tinanong ni Simoun kung
higit ba na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara? At hindi naman makasagot si
Padre Salvi tungkol sa ginawa ng Arsobispo. Marahil ay dahil ito sa kapahamakang mangyayari
sa kasintahan kung siya ay mananalagi sa beateryo. Alam ng arsobispo ang mga kababuyang
nagaganap sa loob nito, ang pag-angkin ng mga prayle sa pagkababae ng mga nananalagi sa
beateryo.
Sa Kabanata 5 naman ay marangya pa rin ang mga prusisyon na ginawa ng bisperas ng
Pasko. Maraming paghahanda ilang araw pa man bago ang Pasko at sobrang garbo ng
pagdiriwang na ito. Ipinapakita lamang dito na magastos ang mga paghahandang isinasagawa ng
mga tao sa tuwing may pagdiriwang sa simbahan na hindi nakakatulong sa mga tao sapagkat
maliban sa lahat ng oras nila ay nakatuon na lamang sa mga gawaing panrelihiyon ay nababaon
pa sila sa utang para dito.
Sa Kabanata 6 ay ipinakita si Basilio na nawalan na ng gana mag-aral dahil sa hindi
pagtuturo ng maayos ng mga prayle sa klase at pamamahiya sa mga estudyante. Labis na ang
ginagawa ng mga prayle upang pigilang matuto ang mga estudyante dahil takot sila sa mga taong
may alam. Maaaring kalabanin sila ng mga kabataan dahil sa alam na nilang hindi katulad nilang
kaawa-awa ang kalagayan ang nangyayari sa mga bansang nasa Europa. Malalaman na nila na

hindi ito ang karapat-dapat para sa kanila at ginagamit ng mga prayle ang kanilang kamangmangan upang alipustahin at pahirapan. Alam ng mga prayle na sa pagkakataong matuto ang
mga estudyante, maghihimagsik na ito sa kanila upang makamtan ang inaasam na kalayaan. Sa
Kabanata 27, sinabi ni Isagani, Kung ano kami ay kayo ang may gawa. Ang bayang inaalipin ay
natutong magkunwari; ang paghaharian ay lumikha ng mga alipin. Ipagpalagay natin, kahit di
totoo, na ang mga estudyante ay mgawalang dakilang asal at katibayanng loob. Sino ang may
kasalanan? Kami o kayong nagturo sa amin sa loob ng may tatlong siglo? Kung pagkatapos ng
panahong iyon ay walang nayari ang manggagawa ng palayok kundi mga sira siyay
napakatanga marahil.
Sa Kabanata 9, pinaalis si Kabesang Tales sa bahay nila sa atas ng hukuman at sa
katuwaan ng mga kura. Makikita rito ang kasamaan ng mga prayle dahil lamang sa pagiging
ganid sa pera at kapangyarihan ay kaya na nilang makapanira ng buhay. Ngunit nang nasa labas
na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang prayle at ang bagong gumagawa ng lupa.
Nangagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales.
Sa Kabanata 10, Si Hermana Penchang ay mamimili ng isang singsing na brilyante para
sa birhen ng Antipolo. Naipakita sa mga kaganapang ito na noon ay kaya umanong bilhin ng mga
tao ang kanilang pagkakasalba ayon na rin sa simbahan na sa aming palagay ay hindi naman
talagang nakakatulong upang magkaroon ng magandang asal ang mga tao.
Sa Kabanata 12, kilala ni Pelaez ang kahayupan ni Padre Camorra at naniniwala siyang di
magtatagal at makakagawa ng paraan ang kura na makuha ang ibig kay Huli. Kabanata 17,
Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng magagandang dalagang nakikita lalo na nang
makasalubong si Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina. Ipinakita rin dito ang

kababuyan ng mga prayle sa walang muwang at kaawa-awang mga babae na kanilang


pinagsasamantalahan. Sa Kabanata 30 (XXX) nga ay tuluyan nang nakuha ni Padre Camorra ang
pagkababae ni Huli nang makiusap si Huli na tulungan ng pari na palayain si Basilio.
Ang El Fili sa Politikal na Aspekto
Ang El Filibusterismo, o ang El Fili sa madaling sabi, ay ang ikalawang bahagi ng
pagpapahayag ni Rizal ng kanyang mga saloobin ukol sa estado at kalagayan ng pamahalaan at
ng lipunan sa kamay ng mga Espanya. Sa dalawang nobela, higit na pinagtuunan ni Rizal ang
mga isyung socio-politikal ang pangaabuso ng mga prayle, katiwalian sa gobyerno at kawalan
ng reporma sa lipunan ukol sa edukasyon, hustisya at iba pa. Na di gaya ng maromatikong Noli,
ay mapapansin ang mapanglaw na paglalarawan at pagtalakay ni Rizal sa estado ng Pilipinas
radical na tilay naghahamok ng rebolusyon bilang tanging solusyon sa pagabot ng reporma sa
bayan.
Ilan sa mga pangunahing aspetong politikal sa El Fili ay ang katauhan ni Simeon, ang
bayan ng San Diego at ang bapor tabo. Una sa lahat ay si Simoun, ang pangunahing tauhan sa
nobela, ay mailalarawan bilang radical at ang pilibusterong tinutukoy sa nobela. Hindi
maikakaila ang pagpupursigido at pagpupumilit ni Simoun sa rebolusyon na ayun sa kanya, ay
ang tanging paraan upang makamit ng bayan ang kasarinlan. Ngunit, sa huling mga bahagi ng
Nobela ay tilay nagpapahiwatig ng karakter na ang kasarinlan ay maaring makamit kahit walang
dumadanak na dugo.
Mapupuna din ang bayan ng San Diego at ang kawalan ng pagunlad at pagbabago sa
bayan kahit pagkalipas ng ilang mga taon mula ng pagalis ni Ibarra at pagbalik niya bilang si
Simoun. Sa tinagal ng mga taon at ang ilang beses na pagpalit ng lider sa bayan ng San Diego,

gaya ng bansa, ay maaring maghinuha na ang pagbabago ay di nakakamit sa pamahalaan ngunit


sa tao lamang.
Panghuli ay ang kasumpa-sumpang Bapor Tabo at ang higit na pagsasalamin nito sa
pamahalaan. Una sa lahat ay ang di pagkapantaypantay na pagtrato sa mga tao. Mapapansin na
ang bapor tabo ay nakahati ayon sa estado sa lipunan ang mga nakakaluwag sa siyang mga tao
sa taas (mga prayle, kastila at iba pa) habang ang mga nagdurusa sa kahirapan ay pilit na
pinapahirapan. Ikalawa, gaya ng bayan ng San Diego, ang higit na kabagalan ng usad Bapor
Tabo ay naglalarawan sa kawalan ng pagunlad sa bayan na kahit tatlong daan na ang lumipas
mula ng sinakop ng espanya ang bansa ay wala paring pagbabago. Pangatlo, mapupuna rin ang
kakaibang hugis ng barko, bilog. Inilalarawan nito na kawalan ng anyo at ayos ng bayan; na
taliwas sa normal na hugis na may diresyon, ang barko ay walang unahan ni likuran, inilalarawan
na ang pamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanya - walang usad, walang patutunguhan,
walang mararating .

Mga Sanggunian
El Filibusterismo Chapter Summaries: El Fili Chapter 22: The Performance. (n.d.). Retrieved
from http://buod.elfilibusterismo.com/2011/08/el-fili-chapter-22-performance.html
El Filibusterismo: Pahiwatig ng iba't ibang kabanata. (n.d.). Retrieved from
http://angelfilibusterismo.blogspot.com/p/mga-pahiwatig-ng-ibat-ibang-kabanata.html
Jose Rizal University (2004). El Filibusterismo. Retrieved from Jose
Rizal.ph:http://www.joserizal.ph/fi01.html
Zaide, G. F., Zaide, S. M., & Rizal, J. (1997). Jose Rizal: Buhay, mga ginawa at mga
sinulat ng isang henyo, manunulat, siyentipiko, at pambansang bayani. Cubao, Quezon
City: Published and exclusively distributed by All-Nations Pub.

You might also like