You are on page 1of 2

Panunuring Pampanitikan

Aralin 1.6 at 1.7


Ikalimang Pangkat

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

Ang akdang ito ay maaring mauri sa isang pabulang nasa anyong tula. Binibigyang buhay ng
mga hayop, particular ang gansa, ang tunay na aral o mensahe ng tulang ating binasa. Ang akda
ay naglalaman lamang ng dalawang saknong na may 4 na taludtod at walang tugmaan sa unang
saknong at nagkaroon sa ikalawa. Ang Tinig ng Ligaw na Gansa ay mauuri sa Imahismo
sapagkat ito’y gumamit ng gansa bilang paksa sa unang saknong. Makikita sa unang saknong ng
tula na ito ay nasasakal sa pag-ibig o pagmamahal. Ang sinasabing pain ay ang pag-ibig kung
saan ay masyadong naging mahigpit ang pag-ibig at sa katagalan ay hindi na makaklasipika
bilang tunay na pagmamahal. Mauuri din ang akda sa Teoryang Romantismo kung saan makikita
ang likas na pag-ibig ng tao sa isang bagay o kapwa tao. Ang akda ay sumasalamin sa pagiging
naturalesa ng mga tao na magkamit ng pag-ibig na wagas ngunit hindi alam ang tunay na
kahulugan nito. Kung tayo ay nasa giyera, tayo ay sumugod ng walang dalang bala. Para sa
aming pangkat, ang tulang ito ay isang maikling akda ngunit ang laman nito ay siksik, liglig at
umaapaw, at kahit ito ay naisulat makaraan ang ilang taon, ang aral nito ay patuloy nating
magagamit habang buhay sapagkat sinasalamin nito ang pagiging agresibo ng tao, hindi lamang
sa pag-ibig, kasama na rin ang mga gawain natin sa araw-araw dito sa mundong ibabaw.

Mula sa Epiko ng Gilgamesh

Ang akdang “Mula sa Epiko ng Gilgamesh” ay isang akdang pampanitikan matagal na panahon
na. Ang akdang ito ay gumamit ng Teoryang Sikolohikal dahil naipakita ang likas na pagiisip ng
tao. Ang pagiging mayabang o mapagmataas ng mga taong nasa katungkulan ngunit
nagkakaroon ng pagbabago ang ating katangian sa paglipas ng panahon. Makikita rito ang
malalim na samahan nina Gilgamesh at Enkido na nagsimula bilang magkalaban. Masasalamin
rito ang pag-unlad ng katangian ng tao at pakikibagay sa sitwasyon. Ang Teoryang Sosyolohikal
ay maaari ring makita sa akdang ito. Makikita na ang mga taong nasasakupan ni Gilgamesh ay
nagkakaroon ng problema sa kanya. Siya ay naging abusado sa kanyang nasasakupan.
Mahihinuha natin rito ang kalagayan ng kanilang lipunang ginagalawan at kinabibilangan. Ang
pagiging mapang-abuso ng hari sa kanyang nasasakupan ng hindi ginagampanan ang tungkulin
sa mga tao. Ang epiko rin ay maaring mauri sa Teoryang Kultural kung saan naipapamalas ang
sinaunang kultura ng may-akda. Magmula sa pagkakaroon ng hari o sistemang monarkiya
hanggang sa paniniwala sa mga diyos-diyosan. Marahil dito umiikot ang kanilang paniniwala at
pagpapahalaga bilang mamamayan noong unang panahon. Ang pagbasa ng akdang ito ay isang
masayang paglalakbay sapagkat nakikita natin ang aspeto ng pamumuhay ng mga tao noong
unang panahon gayundin ay nakukuha nito ang ating atensyon sa paggamit ng mga bagay na
supernatural o hindi kapani-paniwala. Makikita natin na ang dalawang pangunahing tauhan na
si Gilgamesh at Enkido ay isang konretong paglalarawan sa tao. Ang tao bilang si Gilgamesh ay
ang pagiging mayabang o mapagmataas kapag tayo ay nabigyan ng kapangyarihan. Nagkaroon
ng bagay na maaaring makapagpataas sa ating moral mula sa iba. Ang pagiging Enkido naman sa
panahong nakakahanap tayo ng tao o bagay na lubos nating pinahahalagahan kagaya ng ating
kaibigan. Pinahahalagahan natin ang mga bagay na iyan, lalong lalo na ang ating dignidad bilang
isang tao. Makikita rin natin na kahit anong katayuan natin ngayon dito sa mundong ibabaw, ang
magiging basehan ng ating pagkatao ay ang pagkakaroon ng kabutihang nagawa sa ating kapwa.
Matatagpuan ito ng makita ni Enkido ang mga dating diyos na walang kahit ano, kapangyarihan
at kayamanan. Ang akdang ito ay isang asset at tiyak na pagpapakita sa tunay na anyo ng ating
lipunan. Masasalamin ang kawalan ng progreso, para bagang walang pinagbago ang ating
lipunan mula noon hanggang ngayon pagdating sa aspetong moralidad. Marahil ang pinakapaksa
ng akdang ito ay ang pagkakaroon ng likas na kapangyarihang gumawa ng mabuti sa sarili,
kapwa at maging sa lipunan.

You might also like