You are on page 1of 1

Viron Gil A.

Estrada

02/23/16

2014-74766
Ikasampung Reaction Paper
Lalo akong nalinawan noong nilagom ng aming guro ang nagdaang mga diskusyon mula liberal feminism hanggang
sa pagbukas naman ng bagong tinalakay, ang radical feminism. Higit pa sa naintindihan ko sa mga ideyolohiyang
liberalismo at marxismo, naliwanagan ako tungkol sa peminismo at ang patuloy na pakikibaka ng kababaihan para
sa kanilang tunay na kalayaan. At tunay nga namang mahirap intindihin ang peminismo. Sa ilang taon mula nang
narinig ko ang salitang peminismo, ngayon ko lang ito naunawaan nang husto. Ang pag-unawa ng peminismo ay
isang malayong paglalakbay ng kasaysayan at marinig ang tunay na kalagayan ng kababaihan. Kaya naman hindi ko
rin masisisi ang takot sa peminismo sapagkat nangangailangan ito ng mas malalim na pag-unawa at mas mas
mahabang panahon ng pagsasaliksik. Lagit lagi, ang naririnig kong pagtingin nila sa peminismo ay kaaway ng
pamahalaan at ng kalalakihan. Kung tutuusin pa, hindi nila alam o pinapansin ang mga naipagtagumpayan ng
peminismo haggang sa kasalukuyan. Marahil ay kailangan pa ng mas malawak na pagtuturo ng ideyolohiyang ito sa
buong bansa nang sa gayon ay maiwasan o hindi kayay mabawasan ang paglaganap ng maling kaisipan tungkol sa
peminismo.
Noong nakaraang linggo lang ay nagbahagi ng di pagsangayon sa same-sex marriage ang ating pambansang kamao
na si Manny Paquiao. Dagdag pa niya ay masahol pa sa hayop ang mga gay. Naging mabagang usapin ito nitong
linggo lamang sapagkat marami ang nadismaya at nasaktan sa pahayag niya. Humingi naman siya ng paumanhin sa
sektor ng LGBT at lahat ng nasaktan niya, ngunit matatag pa rin ang paninindigan niya sa pagtutol sa same-sex
marriage.
Hindi ko ikasasama ang mga taong nagalit at nadismaya sa kanya sapagkat mali nga namang ikumpara ang kapwa
mo tao sa isang hayop. Ngunit sana ay hindi rin natin kundenahin si Manny dahil lamang sa marahas niyang mga
salita. Sana ay naunawaan natin sa simula pa lang na si Manny ay nagmula sa mahirap na pamilya at hindi
nakapagtapos ng desenteng pag-aaral. Nakulong ang kanyang isipan sa apat na sulok ng kanilang tahanan at di
lubusang umunlad ang kanyang kaalaman dahil sa mababang estado ng kanilang buhay. Marahil ay nasugpo rin ang
kanyang malayang kaisipan ng mga berso at kautusan sa bibliya. Tatlong pangunahing institusyon, pamilya, estado,
at simbahan, ang balakid sa buhay ni Manny para mapaunlad ang kanyang malayang pag-iisip.
Kaya naman hindi natin masisisi lahat kay Manny Pacquiao. Isa lamang siya sa mga biktima ng mapanupil na
sistema ng lipunan na kung saan ay patuloy na ginagawang mangmang ang mamamayan para sa interes ng iilan
lamang. Kahit ako ay nadismaya sa pahayag ni Manny, ngunit ipokritong gawain ang kundenahin at pagsabihan ng
maaanghang na salita si Manny. Imbes na laitin at hilain si Manny pababa, mas karapat-dapat ang intindihin na
lamang ang kalagayan ni Manny, at kilalanin ang tunay na kaaway at mapagsamantala. Kasama natin si Manny para
wakasan ang pagsasamantala sa mamamayang Pilipino at isulong ang isang sistema ng lipunan na tumutugon sa
interes ng nakararami.
At dahil papalapit na ang pambansang eleksyon, hindi rin magandang gawain ang ikampanya ang hindi pagboto kay
Manny Pacquiao sa senado. Mas mainam na iparating natin sa mga mambabatas at sa mga tatakbo ngayong
eleksyon ang ating kalagayan at problema na nararasan sa kasalukuyan. Alamin natin ang plataporma at kilalanin
ang bawat kandidato, habang isusulong din natin ang patas at malinis na eleksyon, at ilalatag natin ang ating
adhikain na tutugon para sa pangangailangan at pagpapaunlad ng bansa.

You might also like