You are on page 1of 1

Ang akdang may titulo na ang kamalayang feminismo sa panitikang Filipino ay

naglalahad patungkol sa opresyon sa mga kabbaihan at ang pagwagi o pagtangkil sa


sistemang partriyalkal. Sulating sumasalalim sa kung anong uri ng lipunan meron tayo
hanggang ngayon. Partriyalkal kung saan walang opiniyon mula sa kababihan ang
pakikinggan at bibigyan ng atensyon kahit na alam ng lahat na kung wala nang
kababihan walang maisisilang na sanggol. Ito ang sistemang hindi mamatay matay
kahit ilang taon na ang nakalipas, kahit ilang taon nang pinaglalaban. Meron at meron
paring karahasan, pangaabuso at pammamalabis mula sa kalalakihan. Na nagbibigay
ng takot sa mga babae, hindi nila magawang gawin ang mga nais o isuot ang damit na
matagal na nilang tinitignan sa tindahan sapagkat sa kanilang likod may lalaking kulang
na lang ay sunggaban sila. Karapatan na patuloy nilalaban, patuloy na inaasam. Ang
mga nasa posisyon ay dapat itong mas pagtuunan ng pansin at sigaruduhing na
napapatupad ang batas ng tama dahil ang labang ito ay hindi lamang laban ng isa
ngunit ng lahat. Para sa ikabubuti ng bansa at ng sa susunod na henerasyon.

Para nasa sa sulating literatura ng uring anakpawis ay sumasalalim sa pag gamit


ng literatura upang ipahayag ang saloob tungkol sa mga pammamalahis o pangaabuso
ng mga may kaya at nasa posisyon. Uri ng laban sa mapayapang paraan,
naipapahiwatig ng bouo ang nais at nakakarating sa mga taong dapat makalam nito.
Bilang isang estudyante, ang ganitong hakbang ay aking sinusuportahan dahil kanilang
pinaglalaban ang kanilang paniniwala. Na sa paglipas ng panahon kanilang makakamit
ang inaasam at wala nang pagmamaliit at pangaaping magaganap. Lahat ng kanilang
ninaais ay para sa ikabubuti ng lahat, lahat ng mamamayan ay makikinabang na ang
ilang ay hindi nakakaalam sa aspetong ito. Nakikita nila ang aktibista o pagtuligsa
bilang isang gulo o makasariling desisyon na hindi naman totoo. Minsan ang magiging
kalaban pa ay ang kapwa mo bilang nabubulad sa kung ano lang ang nasa harapan
nya at hindi nakikita ang kabuoan ng pangyayari. Sana sa tulong mga literature ay
mabuksan ang kanilang isipin at maintindihan ng lubusan ang mensahe ng mga
lumalaban at matapang nagsasalita sa mga isyu ng lipunan.

You might also like