You are on page 1of 11

Pagbibigay 

Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino
sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian
Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag
na hinango sa Banal na Aklat at naging panuntunan ng
balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon. Lahat ng
bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente
sa mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay
natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na
matanggap ang dinaranas na kaapihan. Kaniyang
ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya
sa sarili. 
Lakas-loob din niyanghiningi ang karapatang maisatinig ang
matagal nang nahimbing na pagnanasang magingkatuwang hindi
lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa
isang maunlad,matahimik at kaaya-ayang kinabukasan. Sa
ngayon, ang kababaihan ay unti-unting na ring
napahalagahan. Hindi man ito maituturing na ganap dahil
sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga
kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment
namadalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga
suliraning pambansa. Ang babaeay katuwang sa
pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga
ipinag-uutos ng ilang nag-aastang Panginoon”. Sila"y karamay
sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaringnagdudulot ng pait
sa bawat miyembro ng pamilya.
halaw sa Sandigan I(Kalipunan ng mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino ) niLolita Andrada
Tunay na ang mga kababaihan ay hindilamang
kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa
lahat ng panahon. Marami na ringsamahan ang
itinatag upang mangalaga at magbigay- proteksiyon sa
mga kababaihan. Ilan samga ito ay Gabriela, Tigil-
Bugbog Hotline at marami pang iba. Patuloy ang mga
samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang
patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at
kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at
kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng
mga kababaihan.
SANAYSAY
SANAYSAY
Isang matalinong pagkukuro o pagbibigay
opinyon tungkol sa isang paksa.
Isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat
sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa
anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop,
pook, pangyayari, bagay at guni-guni.
ALEJANDRO ABADILLA
- Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog
- Ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang
sanay. Kaya’t ang sinumang sumulat ay
kailangang malawak ang karanasan,
mapagmasid sa kapaligiran, palabasa o
nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa
paksang napiling isulat.
GAWAIN #_________
PANUTO: Pumili ng isang paksa mula sa ibaba at sumulat ng isang sanaysay.
Ang bilang ng mga salita ay hindi bababa sa 100 salita. Paghusayan!
MGA PAKSA:
1. Pagkalulong sa Online Games ng mga Kabataan
2. Kaugaliang Filipino – Pagyamanin
3. Mga Kinakaharap na Hamon ng mga Kabataan sa Panahon ng Pandemya
4. Pagkahumaling ng mga Pilipino sa Kultura ng Ibang bansa (Kpop, Cpop…atbp.)

You might also like