You are on page 1of 3

Pagbibigay

Kapangyarihan sa
Kababaihang Pilipino
sa Pamamagitan ng
Estadistikang
Kasarian
“Babae pasakop kayo sa inyong asawa”, isang pahayag na
hinango sa Banal na Aklat at nagging panuntunan ng balana
rito sa daigdig sa lahat ng panahon.

Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa


mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong
lumaban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang
dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglaban ang sariling
karapatan upang makapagpasiya sa sarili. Lakas-loob din niyang
hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing
na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan
kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad,
matahimik, at kaaya-ayang kinabukasan.
Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unti na ring napahalagahan. Hindi
man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang
pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang
sexual harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay
nagdaragdag sa mga suliraning pambansa.

Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa


lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”. Sila’y
karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait
sa bawat miyembro ng pamilya.
Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa
pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon.
Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay
proteksyon sa mga kababaihan. Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil Bugbog
Hotline, at marami pang iba. Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka
upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at
kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga
karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.

You might also like