You are on page 1of 2

Uhaw na bulaklak:Ang kalabisang paghahangad ng kalayaan ng mga

Homoseksuwal ay hindi maganda.


Dapat na bigyan natin ang ating kapatid ng homoseksuwal ng pagkakataon naipakita ang kanilang tunay
na kakayahan at maparamdam na hindi malaya silang gawin ang nais nila.Pero ang labis na paggamit ng
kanilang kalayaan ay nakasasama.

Noon pa man hindi na maganda ang pagtingin sa ating mga kapatid ng homoseksuwal. Ayon sa
“The New York Times” halos kontra ang iba mga bakla at hindi maganda ang trato sa mga ito base na rin
sa nangyari sa Stonewall Riots sa Estados Unidos na may naganap na police brutality sa tuwing
nagkakaroon ng raid sa Gay bar. At halos lahat ng batas ay kontra sa mga bakla.

Mula sa akda ni Dr.Jose Rizal na El Filibusterismo na may isang sinaryo na inaasar na bakla ang
isang estudyante sa kapwa estudyante. Tungkol sa tunay na buhay ang akda ni Dr. Jose Rizal kaya noon pa
man hindi na maganda ang trato at hindi pantay ang pagtingin ng iba sa mga homoseksuwal lalo na sa
mga bakla. Limitado ang kanilang nais gawin at masyadong mahigpit noon na hindi dapat magkaroon ng
karelasyon sa kaparehong kasarian sa pagsakop ng Español saka lang lumaganap ang Roman Catholic na
mahigpit na pinapasunod na ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para lang sa babae.At hanggang
ngayon mahigpit yun pinapatupad lalo na sa pilipinas. Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the
Philippines President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, na walang magbabago sa turo ng
simbahan patungkol sa kasal na isang permanent union sa pagitan ng lalaki at babae. Halos ginagapos ang
ating kapatid na homoseksuwal sa kanilang nais at pagkatao. Kaya hanggang ngayon pinaglalaban nila
ang kanilang kalayaan upang maging masaya at maging pantay sila sa iba.

Ang salitang kalayaan ay nangangahulugan na gawin ang nais gawin o ang pagtiyak sa lahat ng
pantay na pagkakataon para sa buhay,kalayaan, pagtugis ng kaligayahan at linangin ang pagkatao. At
tumutugma naman sa salitang “karapatan” dahil ang karapatan ay pagkamit ng kalayaan na dapat
matamasa ng isang tao upang linangin ang pagkatao at gawin ang nais. Kasingkahulugan salitang Ingles
na “freedom” at sa latino na “libertas”.

Ang salitang ugat ng kalayaan ay laya na may ibat ibang ibig sabihin sa karatig bansa at lalo na sa
katutubong wika..Sa Bikol, Hiligaynon, Sebwano, Tausug at Waray, ang láya ay isang uri ng lambat na
pangisda. Samantalang sa Kalanguya, Tuwali, Isinay at Gaddang isa itong uri ng lúya. Laya naman sa french
ay “libre or free” at sa Ingles naman ay “freedom”.

Pero sa tagalog ang ibig sabihin ng laya ay “kawalan ng disiplina”.Dahil malaya siyang gawin ang
lahat masama man o mabuti ang kalayaang pansarili lamang basta kung anong maisipan na gawin nila ay
magagawa nila nang walang nagbabawal na ibang tao, ayon kay Santo Tomas de Aquino nakasalalay sa
kilos loob ang kanyang kalayaan. Na lumalayo sa kahulugan ng karapatan ay gawa at napapatibay sa
pamamagitan ng paghahari ng batas. Samakatuwid ang “karapatan” at “batas” ay magkaugnay kaya ang
kalayaan na natatamasa sa karapatan ay limitado lamang. Ayon kay Sr. Felicidad C. Lipio ang kalayaan sa
karapatan ay base sa batas moral na kung saan limitado mong magagawa ang nais mo lalo na kung ang
karapatan o kalayaan ng iba ay mababangga mo. Ayon din sa kanya ang “Batas Moral” ang nagbibigay
kulay sa tunay na kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito. Ang batas moral ay kailangan sundin tungo
sa kalayaan.
Ang layang pang sarili ay nasasabing walang disiplina dahil na rin ito’y labis na nagagamit at
nasisira ang karapatan ng iba. Kaya kung bibigyan natin ng laya ang ating kapatid na mga homoseksuwal
na gawin kung anong sa tingin nila ay tama na para sa iba ay hindi. Halimbawa sa nag aaway na isang
babae at isang bakla sa panig ng bakla dahil may ugali syang babae iisipin nya na may karapatan syang
gumanti pisikal na hindi naman dapat dahil iba ang estado ng lakas ng babae at lalaki, at sa kultura natin
na ang babae ay dapat minamahal at ginagalang. Isa pang halimbawa sa isang tomboy na naghahamon ng
away sa isang lalaki, na alam naman ng lahat na kahit may pusong lalaki ang tomboy ay babae pa rin ito
na dapat hindi saktan at hindi gantihan lalo na sa pisikal.May isa pang isyu na ang isang bakla na nagpumilit
na gumamit ng pambabaeng palikuran dahil alam nyang may pusong babae na nagpaparamdam sa tunay
na babae ng pagkailang.

Ang nais kung pahiwatig na kung bibigyan natin nag laya na pang kilos loob ang ating kapatid na
homoseksuwal pwedeng maabuso ito at mabangga ang karapatan ng iba. Kung may laya ang ating kapatid
na homoseksuwal magagawa nila ang kanilang nais na nagbibigay pangamba sa iba dahil pwedeng
pasukin ng isang bakla ang karapatan ng isang tunay na babae at ganun din sa isang tomboy na pwedeng
pasukin ang karapatan ng isang lalaki na magkakaroon ng pagkalito sa lahat.

May kalayaan naman ang ating mga kapatid ng homoseksuwal pero dapat ibase ito sa batas moral upang
hindi makasakit ng iba at hindi maabuso ng mga mapang abuso. May kalayaan silang ipagtanggol ang
kanilang sarili pero dapat nasa tamang proseso at hindi sa hantungan ng pisikal. At sa iba namang hindi
homo kailangan natin iparamdam sa kanila ang ating lubos na pagsuporta sa kanilang desisyong
pagpapakatotoo at hindi dapat ito minamaliit at pinagtatawanan bagkus ito ay dapat mahalin at tanggapin
upang hindi mabuo ang diskriminasyon sa kanila.

https://childrenandarmedconflict.un.org/keydocuments/filipino/universaldeclara1.html

https://medium.com/@kadlitofficial/kinadenang-bahaghari-mga-hirap-at-danas-ng-mga-lgbt-sa-
pilipinas-e230a0f7ee67

https://www.jw.org/tl/library/magasin/bantayan-pag-aaral-abril-2018/ano-ang-tunay-na-kalayaan/

https://www.academia.edu/21237450/El_Filibusterismo

https://www.nytimes.com/2019/06/06/nyregion/stonewall-riots-nypd.html

https://radyo.inquirer.net/1981/panawagan-sa-same-sex-marriage-sa-pilipinas-isinulong-ng-lgbt-groups

http://pilipinomirror.com/filipino-ito-eksibit/

https://www.slideshare.net/genecapaulino/kalayaan-27238186

http://www.ohrc.on.ca/tl/ang-mga-karapatang-pantao-katayuan-ng-pamilya

https://tl.innerself.com/content/personal/happiness-and-self-help/18946-two-concepts-of-
freedom.html

You might also like