You are on page 1of 1

PILAPIL, SWEETY H.

BSBA HRM 3-3N

HAMON SA PANITIKAN AT MANUNULAT

Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Malaki ang
naiaambag ng panitikan sa kultura at kabihasnan ng alinmang bansa. Ito rin ay kasaysayan ng
kaluluwa ng mga mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip,
pag asa , hinaing at guniguni ng mga mamamayan o nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay,
makahulugan, matalinhaga at masining na mga pahayag.
Ang panitikan ang nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang
pagkamakabayan o nasyonalismo. Ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang damdamin, nagdidilat
ng kanilang mga mata sa katwiran at katarungan. Malaki ang nagawang impluwensiya ng panitikan
sa kasaysayan ng daigdig. Kung bubuklatin ang mga nagawa nito sa bawat bansa sa ibat’t ibang
panahon ng kasaysayan ay magugulat tayo sa naiambag nito sa pag unlad ng kabihasnan.
Natatalakay ng panitikan ng Pilipinas ang mga ordinaryo hanggang sa mabibigat na isyu ng
lipunan na magsisilbing sandata hinggil sa pang-aabuso sa ating karapatang-pantao'
Maraming pangyayari sa Pilipinas ang nananatiling nakatago. Makikita na nakakubli sa
bawat sulok ng ating bansa ang mga isyung panlipunan na nararapat lamang na pagtuunan ng
pansin. May iba’t ibang boses ng paghihirap, paninikil, pagpatay, diskriminasyon, hustisya,
korapsyon, pangangamkam, at iba pang uri ng pang-aabuso sa karapatang-pantao. Isa pa, malawak
ang kabuuang sakop ng ating bansa, maraming tao ang walang sapat na kakayahan patungkol sa
mga nangyayari sa lipunan. Dahil dito, malaki ang naging kontribusyon ng pag-aaral ng panitikan
ng Pilipinas. Ang mga manunulat din ang isa sa daan upang maipabatid ang mga kaganapan at
sistema na nangyayare sa lipunan. Maituturing ang mga ito bilang bahagi ng yaman ng ating
bansa. Isa sa mga instrumento upang maging mulat ang mga tao sa mga kasalukuyang nangyayari
sa paligid.
Hindi lang basta tinatawid ng mga manunulat ang kaisipan ng tao, tinutulungan din nitong
maging malay sa kasalukuyang kaganapan ang mga mambabasa, na maaring maging daan sa
mapagpalaya at makataong kaisipan.
Sa tulong ng panitikan, matapang na nailalahad ng awtor ang kaniyang kaisipan patungo
sa mga mambabasa. Isa itong paraan para alisin ang maling pananaw na nakasanayan ng lipunang
ating ginagalawan. Sa pamamagitan ng panitikan, nalalaman ang nakakubli nilang problema. Sa
kasamaang palad, sila ay nasa liblib na lugar at mayroong kakulangan sa pagpaparating ng
kanilang kalagayan. Kaya naman, malaki ang gampanin ng panitikan ng Pilipinas sa pagbabahagi
ng impormasyon

You might also like