You are on page 1of 1

.

I. Bakit hindi Umuulan?

II. Teoryang Feminismo - itinataguyod ng teoryang ito ang pantay na pampulitika,


pangkabuhayan, pangkultural, at panlipunang mga karapatan para sa mga kababaihan.
Tinutuligsa nito ang isang patriyarkal na lipunan, kung saan tinitignan na mas
makapangyarihan ang kasariang lalaki kaysa sa mga kakabihan. Alinsunod dito, ang teoryang
ay naglalayong maiangat ang kalagayan ng mga kababaihan.

III. Kung susuriin ang kwentong bayan sa perspektiba ng teoryang feminismo,


malinaw na mababatid ang pagkakaroon ng hindi pantay na karapatan sa pagitan ng
dalawang kasarian, mababa ang pagtingin sa babae at mas makapangyarihan ang lalaki.
Bagamat dahil sa labis na pagmamahal, nagdulot ito upang maipagkait sa babae, Alunsina,
ang pantay na responsibilidad at karapatan, ang lumikha ng mga bagay na ibig niya. Malinaw
na naipakita ang pagiging dominante ng lalaki sa babae, noong hinahadlangan nito ang
pagkamit sa pantay na responsibilidad. Bukod dito, ang paraan ng pag-iisip ni Tungkung
Langit, na siya lamang ang may kakayahang gumawa at lumikha ng mga bagay, ay mas
nagpaigting na alam niya na siya ang mas makapangyarihan, at mas mababa ang kanyang
minamahal. Bagamat, walang pagod niyang pinagsisilbihan at pinaliligaya si Alunsina,
kabaligtaraan ang nais ipahiwatig nito. Mas nananaig ang ideyang kailangan ng isang babae
ang lalaki upang sumaya sa ang kanyang buhay. Sa lahat ng kanyang ginawa para kay
Alunsina ay nangangahulugan lamang na mababang pagtingin ng lalaki rito. Pero naging
taliwas ang mga ito nang tuluyang lumisan si Alunsina sa piling ng kanyang iniibig. Maraming
konsepto ang naibigay dito, pinakita na ang babae ay kayang tapatan ang ginagawa ng mga
lalaki, sa kwento ay lumikha ng mga bagay. Alinsunod dito, mababatid na bagamat walang
lalaki, nakamtan ni Alunsina ang walang hanggang kasiyahan, kung saan pinakita pa nga na
mas nalungkot ang lalaki. Nais ipahiwatig na nangangailangan ang bawat kasarian. Ngunit,
matagumpay na naipakita na kayang maging independente ng mga kababaihan, kaya nitong
mamuhay nang masagana bagamat wala ang mga lalaki. Mahalaga na maunawaan na ang
akda ay naglalayong itong ipabatid na dapat magkaroon ng pantay na karapatan sa bawat
aspeto ang parehas na kasarian, at nagnanais na basagin ang sistemang patriyarkal na
matagal nang nananaig sa lipunan.

You might also like