You are on page 1of 3

Pagsusuring Pampanitikan

Ang naging malikot na pag-iisip ng manunulat na si Edgardo M. Reyes ay hindi lamang nanatili sa sekwal
na paglalarawan nito sa mga tauhan ng nobela kundi sa damdamin na naisulat nito sa mga salita. Isang
bagay na iibigin ng mga mambabasa sa pag-hagod ng kanilang mga mata sa bawat pahina ng libro. Mga
matang hindi mananatiling tuyo hanggang sa huling pahina ng kuwento. Totoo ang kasabihan ng isang
mambabasa na madadala ka ng libro sa iba’t-ibang lugar, at sa pamamagitan ng nobelang ito, isasama ka
ng pangunahing tauhan sa madidilim na lugar kung saan nagliliwanag ang kababaihan.
Mga Teoryang ginamit sa akda
Teoryang Eksistensyalismo- ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang nakasentro sa pananatili sa mundo.
Ang bawat tao ay may karapatang magdesisyon at gawin ang mga nakikita nitong kailangan lalo na sa
panahon ng kagipitan. Gagawin ng isang ina ang lahat para sa kaniyang anak, ano man ang mangyari.
Ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak ng dahilan kung bakit siya nananatiling malakas at
lumalaban sa mahirap na buhay, sa kasammang-palad ang pagmamahal na ito rin ang maaring pumatay
sa kaniya kung mawawala. Sa kaso naman ni Nap –ang journalism student na umibig kay Claudia na
isang strip teaser—hindi naging kadenang pumupigil sa kanya ang kahiya-hiyang trabaho ni Claudia para
patuloy niya itong ibigin.

Teoryang Feminismo- ito’y teoryang pampanitikang nag-ugat sa malalim na paniniwala na sa kamay


ng kalalakihan hindi makatarungan ang representasyong ibinibigay sa mga kababaihan.
Maaaring makita ng isang mambabasa ang kalakasan ng isang babae sa tauhan na si Claudia na
stripteaser o burlesque sa isang club. Isang ilaw hindi ng tahanan kundi ng isang madilim na bar sa gabi.
Ipinakita ng manunulat na kalakasan ng isang babae ang mapang-akit nitong kakayahan gamit ang
kagandahan at katawan. Maaring nakikita ng mga kalalakihan na kahinaan ito ng mga isang babae ngunit
kabaligtaran ang totoo, dahil sila ang naaakit at kahinaan nila iyon na siya namang sinasamantala ng
isang babae.

Teoryang Realismo- ang layunin ng teoryang realismo ay ipakita ang mga karanasan, ipakita ang mga
nasaksihan ng may akda sa lipunan, hango sa totoong buhay.
Hindi lamang sa isang kuwento o paksa sa teleserye tinatalakay ang usaping pagtatanghal sa club ng
isang babae. Naging inpirasyon ng manunulat ang mga bagay na nakikita nito sa lipunan. At isang
masining na paraan ang paglalahad ng kuwento mula sa mata ng isang lalaki at sa karanasan nito.
Binabali ng nobela ang kaisipan na ginagamit lamang ang mga babae sa club bilang pampalipas oras o
pang-aliw sa sekswal na nais ng mga kalalakihan kung saan hindi kailanman magiging totoo ang
pagmamahal.

Ang tila konserbatibong lipunan na nakikita ngayon ay mas liberal pa sa inaakala ng mga tao, na kung
saan kasalanan na ang magpanggap na walang alam.
Teoryang Moralistiko- ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao, ang pamantayan ng tama at mali.
Kung titingnan naman sa moral na aspeto, sari-saring kamalian ang ipinakita ng manunulat sa tauhan,
tagpuan, at tema ng akda. Sa konserbatibong pananaw ang mga sekswal na elemento ng akda ay
lumalabag sa pamantayan ng tama, isang halimbawa na nito mula sa akda na mismong ang tauhan na si
Claudia ay nahihiya sa tuwing lumalabas na ito ng club. Makikita naman sa lipunan ngayon ang
negatibong pagkabatid ng mga konserbatibong tao sa mga sekswal na usapin at sa masamang epekto
nito. At sa pagitan ng dalawang kasarian, kababaihan ang lubos na napagbubuntunan ng husga. Isa
lamang ang usaping maagang pagbubuntis sa nakikitang kahiya-hiya sa konserbatibong lipunan ng mga
Pilipino. Gayunpaman ang mga bagay at usapin na ito ang katotohanang labis na kinukubli o iniiwasang
mangyari ngunit hindi tinatalakay kung ano ba ang mali-- bukod sa laman ng panghuhusga-- at kung ano
rin ang maaaring gawin kapag nangyari na ang hindi dapat.

Teoryang Markismo-Feminismo- ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng
kababaihan ng pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap.
Ang striptease para sa isang babae ay ang pinaka-madaling mahirap na trabaho. Pera ang kadalasang
problema ng isang babae na limitado sa iilang uri ng trabaho kumpara sa isang lalaki na banat ang
katawan para sa halos lahat ng manu-manong paggawa. Isang dahilan kung bakit mahalaga para sa isang
babae ang makapag-tapos ng pag-aaral, dahil nakikita ng lipunan na hindi ito para sa pagmamaneho,
pagbubuhat, at konstruksiyon.
Naging suliranin sa buhay ni Claudia ang maagang pag-bubuntis nito kay Susie, ang kanyang anak na may
sakit sa puso. Ang siyam na buwang pagdadalang tao na pumuputol sa kanyang pag-aaral at naging
dailan para itakwil siya ng kanyang pamilya sa Laguna.
Teoryang Saykoanalitiko- ang pagnanasa ng isang tao o pagiging agresibo sa gawaing sekswal.
Upang hindi mahuli sa mga usapaang lalaki, naging paraan ni Nap ang pagkukuwento ng mga sekswal na
paksa sa mga kaibigan nito. Ginamit ni Nap ang mapanghimok nitong mga salita sa pag-gawa ng mga
pekeng kuwento ng kanyang karanasan sa pakikipagtalik at iba pang sekswal na gawain. Pinapakita
lamang na ang sekswal na karanasan para sa mga kalalakihan ay batayan ng kanilang tunay na pagka-
lalaki at kagitingan sa ilalim ng kanilang pangalan.
Teoryang Humanismo- nagpapakita ng mga kakayahan ng mga tao at ang kalakasan nito.
Hindi naging madali bago ibigay ni Caludia ang pagmamahal nito kay Nap, sapagkat iisa lamang ang
laman ng puso nito at wala nang lugar pa para kay Nap kundi ang awang nararamdaman niya para sa
isang batang labis na nagmamahal. Sa kahinaan ni Napoleon nang mga oras na nababaliw ito kay
Claudia, nangibabaw ang malasakit upang mangyaring maging pantay ang lahat sa pagitan nilang
dalawa. Makahulugan ang lahat ng dahilan na binibitawan ni Claudia sa bawat tugon nito sa
pagmamahal ni Nap. Isang kulay na dahan-dahang lumilitaw sa pagkilala ni Nap sa kanyang pagkatao.
Kulay na lumitaw lamang sa mga oras na nawawalan na siya ng ningning sa pagtatanghal. Sa mga oras na
tanging ang pagmamahal na lamang ni Nap ang nananatili sa tabi niya.
Kalakasan ng mga tauhan sa nobela ang pagmamahal. Isang magandang konklusyon dito na pareho
nilang kinailngan ang suporta ng bawat isa sa puntong may nangangailangan ng suporta.
Teoryang Arkitaypal- Ang paggamit ng may-akda ng mga simbolismo sa kanyang akda
Maraming iba’t-ibang simbolismo ang ginamit ng may-akda.
Politikal
Pinarurupok ng aliwang burlesque ang pampulitikang kaayusan na binubuo ng mga mamayan na
tumatayo sa iisang saligan. Ang pagbibigay diin sa nakabalangkas na pag-alinsinod na aspeto ng
pagkakonserbatibo ay mukhang nagpapahiwatig ng kakulangan ng magandang paniniwala sa pulitika sa
bahagi ng mga nasa kanan na hamunin ang pampulitikang kaayusan (Meier et.al, 2016). Layunin ng
gobyerno na sumonod ang mamamayang Pilipino sa iisang batas upang may pantay na kinatatayuan ang
bawat isa, ngunit ang pagtangkilik sa burlesque o sekswal na pagtatanghal ay hindi sumasang-ayon sa
konserbatibong panananaw ng karamihan na dahilan ng pagkaka-watak watak ng mga paniniwala ng
mga Pilipino.
Sa panahon ngayon, bihira na ang nangyayaring pagtutol sa Feminismo, at isang malaking pag-labag ang
paraan ng mga peminista upang gumawa ng pagbabago sa politika. Tinatawag itong “Sex-Positive
Feminism”, na sumusuporta sa sekswal na paraan ng paglaban sa patriyarka. Kung saan ang dating mga
panuntunan ng isang babae ay nilalabag na ngayon sa pamamagitan ng makatarungan pagpapakita ng
sekswal na kasarinlang taglay ng kababaihan. Bilang karagdagan, nakaliligaw na iminumungkahi ng
“Choice Feminism” na dahil ang mga pagpili ay pang-indibidwal, ay wala itong panlipunang
konsikuwensya. Gayunpaman, lumalabas na dahil dito, sukdulan na ang pag-labag ng kababaihan sa
politika—pinipigil nito ang pagbuo ng pasya tungkol sa iba’t-ibang kahalagahan ng kagusthan—isang
dahilan kung bakit hindi na nabibigyang halaga ang kagustuhan ng kababaihan, hindi naipaglalaban sa
publiko kung bakit ito ang pinipili nila, at pinapatay ang kritikal na diskusyon ukol sa kung anong
kagustuhan ang may halaga at alin ang isa lamang ilusyon, walang pakundangang pagyakap nito sa
konsumerismo at ang pinaka-delikado sa hinaharap ng Feminismo, pinipigilan nito ang babae na maging
aktibo sa politika (Glosswitch, 2014).
Simbolismo
Venetian Blind
Ang venetian blind ang ginamit ni Claudia sa kanyang pagpapatiwakal. Isang simbolismo na masusuri
dito ay ang liwanag o kasikatan na nawala kay Claudia dahil mas gusto ng mga manonood ang
stripteaser na walang tinitirang saplot—bagay na hindi kayang gawin ni Claudia na piniling itira ang
pang-ilalim nito sa katapusan ng pagtatanghal—kaya tuluyang natakpan ang kasikatan ni Claudia.
Pagiging ina
Walang kahit anong pagmamahal para sa isang babae ang makatutumbas sa sa pagmamahal niya sa
kanyang anak. Kaya ganun na lamang din kadali para kay Claudia ang tapusin ang ang sarili niyang buhay
nang mangulila ito sa kanyang anak.

https://books.google.com.ph/books?id=l81CDQAAQBAJ&pg=PT306&lpg=PT306&dq=political+ideologies
+about+burlesque&source=bl&ots=UKe21Hzfmg&sig=mP5Pao2jr4-
r1Xd7EMD20zf1p5s&hl=en&sa=X&ved=0ahUKEwjU2funl-7ZAhUEGZQKHbW8AqsQ6AEIXDAK

https://www.newstatesman.com/lifestyle/2014/03/sex-positive-feminism-doing-
patriarchy%E2%80%99s-work-it

You might also like