You are on page 1of 13

11

Rapisura(2011) na may pamagat na "Women Characters, Images, and

Issues: A Feminist Reading in the Short Stories of Lina Flor" kung saan

nilalayon ng kanyang pag-aaral na ipakilala ang feministang manunulat na si

Lina Flor, tukuyin ang mga tauhang babae sa maikling kwento ni Lina Flor,

alamin ang imahe ng mga babae na masasalamin sa tauhang makikita sa

kwento at matukoy ang pangkababaihang isyu batay sa imahe na nakita sa

kwento. Ang kanyang pag-aaral ay hindi bababa sa sampung maikling kwento

mula sa akda ni Lina Flor. Sinuri niya ang sampung akda gamit ang

Descriptive content/textual analysis at descriptive statistical treatment sa pag-

aanalisa ng mga datos. Lumabas sa kanyang pag-aaral na ang personalidad

ng mga kababaihan sa akda ay karaniwang nangyayari sa realidad na kung

saan nangingibabaw pa rin ang patriyarkal na lipunan na laging mas mataas

ang tingin sa lalaki kaysa sa babae dahil ang imahe o gampanin lamang ng

isang babae ay bilang asawa.

Mula naman sa pag-aaral ni Quima (2011) na "Women Enterprenuers

in General Santos City" nagpapatunay dito na kayang gumawa ng sariling

pangalan ang mga babae sa iba't ibang larangan. Pangkalahatang layunin ng

kanyang pag-aaral na ito ay upang makagawa ng sariling pangalan at

maipagmalaki ang babae sa larangan ng negosyo o gawaing pangkabuhayan

kung saan ikokonsidera ang kanilang edad, may asawa o wala, kanilang

edukasyon, katayuan sa buhay, at kakanyahang pangkabuhayan, alamin ang

mga dahilan bakit pinasok ng kababaihan ang ganitong larangan, matukoy


12

ang mga problema o isyu at kontribusyon ng mga babae sa pag-unlad ng

ekonomiya ng bansa. Ang desinyo ng kanyang pag-aaral ay Desriptive Survey

Method sa pagkuha ng impormasyon. Instrumento naman ng kanyang pag-

aaral ang paggamit ng talatanungan. Kinapanayam din niya ang mga

respondente upang matukoy ang isyu at problemang kinakaharap ng isang

babae sa larangang kanyang pinasok. Lumabas sa kanyang pag-aaral na

karamihan sa mga respondente na pumasok sa pangkabuhayang gawain ay

nasa middle ages na braket at karamihan din ay may mga asawa subalit

ginagawa ang lahat upang maging sapat ang kita at magkaroon ng kalidad na

buhay ang kanilang pamilya kahit na ang kanilang asawa ay may

pinagkikitaan din. Marami rin sa mga respondente ay may mataas na pinag-

aralan. Maliban sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo, ay hindi pa rin nila

nakakalimutan ang responsibilidad sa bahay. Napatunayan din na kayang

pagsabayin ng isang babae ang negosyo at gampanin nito sa bahay na kung

saan din ay nagagawang magdesisyon ng babae ng mabilis kahit na hindi ito

kumukonsulta sa kanilang asawa. Lumabas din na malaki ang naitutulong ng

mga kababaihan sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas dahil sa kanilang di

matatawaran na kakayahan at abilidad.

Mga Kaugnay na Literatura

Sa larangan ng Panitikang Pinoy, madalas, ang kalalakihan ang bida,

ang tinitingala, ang mas makapangyarihan, at ang tanging nagpapainog sa


13

takbo ng kwento. Isa siguro sa mga dahilan ng ganitong pananaw ay ang

pagsunod nating mga Pilipino sa sistemang Patriyarkal. Sa kabila ng pag-

angat ng sistemang Patriyarkal, noong ika-15 siglo, umusbong ang

ideolohiyang Feminismo. Nilalayon nitong buwagin ang Patriyarkal na sistema

sa lipunan. Ninanais din nitong alisin ang kaisipang self at other na kung saan

ang kalalakihan ang self at ang kababaihan ang other.

Kung sa sistema ng lipunan ay may ganitong mga ideya, sa panitikan

naman ay mayroon ding pagbabagong hatid ang mga manunulat.

Nagsulputan ang ibat-ibang uri ng makababaing akda na nagpapakita ng

kagalingang tinataglay rin naman ng mga babae.

Sa aklat na Thinking About Women (1979) ni Mary Ellman ito ay

umiinog sa tesis na umiral sa lahat ng lebel ng kultura sa kanluran ang

tinagurian niyang "pag-iisip sa pamamagitan ng analohiyang seksuwal.

Makikita ito sa palasak na paggamit ng pagkakaiba ng kalalakihan at

kababaihan tungo sa pag-intindi sa lahat ng phenomenon ng buhay." Layon ni

Ellman na ibulgar ang palasak na paggamit ng mga salitang kaugnay ng

pagdadalantao at pagluluwal sa pagtukoy sa mga gawaing pangkaisipan. Isa

pang tinalakay niya ay ang konsepto ng phallic criticism o ang pagpuna ng

isang lalaking kritiko sa teksto ng isang babae sa paraan ng maraming

imaheng seksuwal. Bukod dito'y inilahad ni Ellman ang mga istratehiya ng


14

mga manunulat na babae na magwawaksi sa mga istiryutipo sa paraan,

halimbawa, ng siste 'humor' at parikala 'irony'.

Samakatuwid, ang Literary Women (1976) ni Ellen Moers ay patungkol

sa mga naisulat ng mga babaeng manunulat tulad nina George Eliot, Jane

Austen, Harriet Beecher Stowe at iba pa. Tinalakay niya ito "bilang dinamiko

at masiglang tagalikha ng tradisyon ng pagsusulat ng kababaihan." Tiningnan

ni Moers ang mga babaeng manunulat sa konteksto ng tradisyon ng

pagbubuklod ng mga indibidwal na manunulat sa kanilang pagsisikap na

makasulat at makapaglimbag. Ang mga paksang nadiskubre ay ang mga

pangarap at pangitain ng mga babaeng manunulat, ang pagiging ina,

seksuwalidad at marami pa.

Sa Estados Unidos, isang napakaimpluwensiyal na kritiko ay si Elaine

Showalter na kilala sa kanyang A Literature of Their Own (1977). Ang uri ng

kritisismo na kanyang itinaguyod ay tinatawag na gynocritics . Wika niya: "the

program of gynocritics is to construct a female framework for the analysis of

women's literature, to develop new models based on the study of female

experience, rather than to adapt male models and theories. Gynocritics begins

at the point when we free ourselves from the linear absolutes of male literary

history, stop trying to fit women between the lines of the male tradition, and

focus instead on the newly visible world of female culture." Iminungkahi ni

Showalter na ang gynocritics bilang pag-aaral ng panulat ng kababaihan at


15

pagiging malikhain nito ay naghahandog ng pinakamasiglang pamantayan

para sa isang buong feministang teoryang pampanitikan.

Dagdag pa niya na ang feminismo sa Pransiya ay kinakitaan ng

mabigat basahin at mahirap unawaing-kritikal na mga teorya. Ipinalalagay

diumano na ang mambabasa at kritiko ay magkasinglalim ang kaalaman sa

mga teoryang tulad ng dekonstruksyon at Marxismo kayat nababansagang

elitista. Dito angat sa lawak at lalim ng teorya sina Julia Kristeva, Helene

Cicoux, Luce Irigara at iba pang feminista. Tinitingnan nila na ang "feminino"

ay "defined represented, or repressed in the symbolic systems of language,

metaphysics, psychoanalysis, and art."

Pinakaimpluwensiyal sa feministang teoryang Pranses ang mga itinuro

ng Neo-Freudian na sayko-analistang si Jacques Lacan,

dekonstruksyonistang pilosopo na si Jacques Derrida, at istrukturalistang

kritiko na si Roland Barthes. Hinggil sa ugnayan ng usaping pangkababaihan

at wika, isinaad ni Showalter na: French feminists have described l'ecriture

feminine , a practice of writing "in the feminine" which undermines the

linguistic, syntactical, and metaphysical conventions of Western narrative. It is

not necessarily writing by women; it is an avant-garde writing style like that of

Joyce. However, the most radical French feminist theorists also believe

that l'ecriture feminine is connected to the rhythms of the female body and to
16

sexual pleasure jouissance , and that women have an advantage in producing

this radically disruptive and subversive kind of writing.

Susog ni Julia Kristeva (1993) na ang diskursong babae na tumatalikod

sa tradisyon ay isang anyo ng feministang pagkilos, isang pampulitikang

pagbabalikwas. Samantala, si Helene Cicoux (1993) naman ay naniniwala na

isa itong puwersang rebolusyonaryo. Kapwa impluwensiyal sina Kristeva at

Cicoux sa proseso ng "rethinking the maternal" sa antas ng panulat at wika.

Tinatayang magiging mahalaga ang kanilang impluwensiya sa feministang

kritisismo sa Estados Unidos at Ingglatera

Sa kabilang dako, binigyang-diin ni Luce Irigaray (1974) ang

pagpapatahimik sa kababaihan dulot ng mga paniniwala nina Plato, Hegel,

Freud hanggang kay Levi-Strauss. Magkakaroon ng kaganapan ang

kababaihang walang ari ng lalaki kung maigigiit nila ang ispesipisiti bilang

babae, ang kanilang pagkakaiba sa kalalakihan, at ang mga sistema ng

representasyon ng kalalakihan. Ang kahalili diumano ng ari ng lalaki ay ang

buong katawan ng babae.

Pinabulaanan ni Gayatri Spivak (1999) ang pagiging unibersal ng

aplikasyon ng feminismo. Makabubuti diumano ang paggamit ng mga teorya

sa pagpapalinaw ng mga teksto mula sa mga mahihirap na bansa kung

isasaalang-alang ang mga presuposisyon at kaligirang pinagmulan ng mga

teorya. Subalit, may kabuluhan din ang gayong mga teorya lalo na yaong
17

nagbibigay-pansin sa mga pagbasa ng ideolohiya sa pagbuo ng mga nilalang

sa isang lipunan.

Sa lahat nga ng mga larangan, ayon sa mga kritikong sina Patrocinio P.

Schweickart at Elizabeth A. Flynn (1986), ang kilusang feminista ang siyang

nasa ubod ng mga puwersang kritikal sa pagkilatis ng mga pamamaraan sa

pagbasa ng paghubog ng kasarian sa karanasan at pag-uugali. Sentral sa

ganitong pagbasa ang isyu ng gender. Ibig sabihin, wika ng Pilipino-

Amerikano na si Schweickart, magiging tuon ng feministang teorya ang

karanasan at interes ng mga mambabasang babae.

Naninindigan si Soledad S. Reyes na mapakikinabangan ng ating

bansa ang mga teoryang namukadkad sa panahon ng Postistrukturalismo sa

pagpapaliwanag sa mga ugnayan ng kapangyarihan na palasak sa mga

nobela at maikling kuwentong Pilipino. Sadyang sa panulat ng babae

nabibigyang-daloy ang problematiko ng feministang kritisismo hinggil sa

pagsanib ng teoretikal at personal. Kung maituturing bilang isang indikasyon

ang mismong kasaysayan ng pakikitunggali ng kababaihan na hitik sa

sakripisyo ng mga babae dulot ng kanilang pagsapi sa kritikal na kilusang

radikal, maaaring may katotohanan ito lalo na't kung uunawain na ang

nasabing kasaysayan at pagpapahayag ay itinakda ng mga isyu ng gender at

kaibahan ng seks.
18

Ayon kay Deborah McDowell (1991), ang kumikiling sa depinisyon nito

bilang "pagwawasto, pagtanggal ng mascara ng mga omisyon at distorsyon

ng nakaraan ang mga pagkakamali ng tradisyon ng kritisismong pampanitikan

na umangat mula sa at nagsalamin ng isang kulturang nilikha, pinaiiral at

pinanghaharian ng kalalakihan." Ang nagbigay-hugis ng feministang kritisismo

ay ang mga impluwensiya ng kilusang mapagpalaya ng kababaihan, ang pag-

unlad ng mga pag-aaral tungkol sa kababaihan, at ang dagundong ng mga

teorya sa Pransiya, Ingglatera at Estados Unidos.

Sa kinalabasan ng mga isinagawang pag-aaral ni Datuin (2002),

magpapatibay na maging sa mga likhang-sining ay sinasalamin ang

katotohanang ang katawan ng isang babae ay itinuturing lamang na

materyal, elementong tinatanaw lamang ng paningin, batayan ng posesyon

at obsesyon. Dagdag pa niya na ang babae ay itinuturing bilang isang sight,

isang tanawin, isang objek ng mata, at sa diskursong patriyarkal, ang mata ay

patungkol sa mata ng kalalakihan Dahil dito, ang babae na tinitingnan lamang

na gamit ay nagkakaroon ng pasaning mapabuti ang sarili hindi para sa

kaganapan ng kaniyang layunin subalit upang makatugon sa isteryotipikong

tungkulin niya bilang pisikal na bahagi ng kaniyang pamilya at lipunan.

Sa likod ng realidad na ito, hindi maisasantabi ang partikular na gamit

sa babae ang kaniyang katawan. Kung paano siya tinitingnan ng lipunan ay

naroon ang pagtitimbang sa kaniyang kahalagahan at kapakinabangan. Kayat


19

ang kaniyang katawan, bilang pasaporte ng respeto at dangal ay siya ring

pinagmumulan ng kahihiyan at kamunduhan. The gaze (vision, sight) is a

category which links the process of looking, feeling and thinking to

spectatorship, knowledge and power. Within and beyond a work, gazes can

either exchanged between persons (as images and spectators) or exist

unilaterally, with one bearing the look (man) and the other (woman) being

looked at (as image). As discussed in a big body of critical and theoretical

literature, the gaze is often associated with the treatment of womens bodies

as objects of the look, as commodities and as objects of possession and

following Focault, of surveillance and control (Datuin p.23).

Dagdag pa nito ang Convention on the Elimination of All Forms of

Discrimination against Women (CEDAW) o karaniwang nilalarawan bilang

International Bill for Women, kilala din ito bilang The Womens Convention o

ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at

tanging internasyunal na kasunduan na kumprehensibong tumatalakay sa

karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at pulitikal na larangan, kundi

gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.

Ayon sa paunang salita ng CEDAW, ang patuloy na diskriminasyon

laban sa kababaihan ay patunay lamang na hindi sapat ang mga

internasyunal na makinarya sa karapatang pantao na ipagtanggol ang

karapatang pantao ng babae. Ang diskriminasyon laban sa kababaihan ay


20

malinaw na paglabag sa mga prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at

paggalang sa karapatang pantao na siyang kumikitil sa partisipasyon ng

babae, kapantay sa lalaki, sa lahat ng larangan ng kaunlaran at kapayapaan.

Kung titingnan ang nagiging pagtrato sa kababaihan sa bansa sa mga

nakalipas na taon, may isang napakalaking butas sa pagiging gender-equal

ng bansa. May pagiisip pa rin na umiiral na ang babae ay ginawa para sa mga

lalaki, at tila ba ay mas umiiral yung rape culture at ang paninisi sa biktima

sa bansa. Ayon sa Center for Women Resources, kada 53 minuto, isang

babae o bata ang ginagahasa at kada 16 na minuto naman, may babaeng

pinagbubuhatan ng kamay(Villanueva, 2016). Pangatlo sa pinakamaraming

kaso ng pangaabuso sa kababaihan ang kaso ng panggagahasa mula 1999

hanggang 2009 (Philippine Commission on Women, n.d.).

Ang mga numero at police records ay kailanman hindi magiging sapat

para makita ang kabuuang kalagayan ng bansa pagdating sa usapin ng rape

kahit pa tumaas ng 92 na porsyento ang mga inihaing kaso ng rape mula

2010 hanggang 2014 (Villanueva,2016). Tatlo lamang sa 10 kababaihang

Pilipino na nakaranasan ng sexual abuse ang humihingi ng tulong sa

awtoridad at mas pinipili na lamang na sa pamilya at kaibigan na laman

dumulog, ayon sa ulat ng National Demographic and Health Survey. Ang

pangunahing dahilan dito ay ang hindi pagrereport ng mga biktima dahil na rin

sa magiging tingin sa kanila ng lipunan. Isa rin sa dahilan ay ang takot na


21

mapahiya o di kaya ay masisi pa sa nangyari sa kanya. Kaya madalas ay

itinatago na lamang ang mga ganitong pangyayari,hindi para protektahan ang

may sala kung hindi para pangalagaan ang katauhan ng bikitma

(Rodriguez,2015).

Bukod sa mga pang-aabuso, nakakaranas din ang kababaihan ng

diskriminasyon sa trabaho. Inirerepresenta ng mga datos na isinaad mula sa

ulat ng World Economic Forum, na sa numero pa lamang ng mga natatangap

sa trabaho ng babae ay may pagkakaiba sa dami ng tinatanggap na lalaki.

Bukod pa sa diskriminasyon sa pagpasok pa lamang sa trabaho, nakakaranas

din ng hindi pantay na pagtrato sa kababaihan sa mismong trabaho nila. Isa

na rito ay ang hindi makatwirang patakaran na tumatalakay sa mga babaeng

buntis (U.S. Department of State, 2015).

Hanggang ngayon, kahit pa moderno na ang panahon, marami pa ring

mga babae ang nakakaranas ng pananakit mula sa kanilang mga asawa o

domestic partners. Mas dumadami din ang biktima ng rape. Ayon sa Philippine

Commission on Women o PCW, ang babae pa ang kadalasang nasisi kung

sila ay nabubugbog. Maraming babae ang binabansagang naggers ng

kanilang sariling mga asawa o di kaya pabaya sa kanilang mga obligasyon

bilang asawa. Ayon pa sa PCW, minsan pa nga, ang panggagahasa ay sa

babae pa nasisisi, dahil sila ay flirtatious.


22

Sa maraming kultura, ang mga babae ay itinuturing at pinakikitunguhan

bilang nakabababa. Malalim ang pagkakaugat ng pagtatangi laban sa kanila.

Problema hanggang sa ngayon, maging sa tinatawag na mauunlad na bansa,

ang lahat ng uri ng karahasan laban sa kanila. Ayon sa dating kalihim-

panlahat ng UN na si Kofi Annan, ang karahasan laban sa kababaihan ay

nangyayari sa buong daigdig, sa lahat ng lipunan at kultura. Biktima nito ang

kababaihan anuman ang kanilang lahi, etnikong pinagmulan, katayuan sa

lipunan, kapanganakan, o iba pang kalagayan sa buhay.

Sinabi naman ng dating pantanging tagapag-ulat ng Komisyon sa mga

Karapatang Pantao ng UN na si Radhika Coomaraswamy na para sa

karamihan ng kababaihan, ang karahasan laban sa kanila ay isang isyu na

hindi dapat pag-usapan, itinatago sa lipunan, at isang kahiya-hiya at di-

maiiwasang katotohanan sa buhay. Ipinakikita ng estadistika mula sa isang

organisasyon sa Holland na sumusuri sa paggawi ng mga biktima na 23

porsiyento ng kababaihan sa isang bansa sa Timog Amerika, o mga 1 sa 4,

ang dumaranas ng isang anyo ng karahasan sa loob ng pamilya. Ayon sa

Council of Europe, tinataya rin na mga 1 sa 4 na babae sa Europa ang naging

biktima ng karahasan sa loob ng kanilang pamilya sa kaniyang buong buhay.

Ayon naman sa Kagawaran ng Ugnayang Panloob ng Britanya,

humigit-kumulang dalawang babae sa Inglatera at Wales, sa loob ng isang

taon kamakailan, ang pinatay bawat linggo ng kasalukuyan o dati nilang

kinakasama. Iniulat naman ng magasing India Today International na


23

kakambal na ng mga kababaihan sa buong India ang takot, at nakaamba sa

kanila saanman sila pumunta, sa anumang oras ang panghahalay. Inilarawan

ng Amnesty International ang karahasan laban sa kababaihan at mga batang

babae.

You might also like