You are on page 1of 2

Viron Gil A.

Estrada

02/02/16

2014-74766
Ikaapat na Reaction Paper
Palalim nang palalim ang naging diskusyon sa klase. Ang tinalakay ay ang pagkakaiba ng lalake at babae
batay sa kanilang bayolohiyal na katangian. Pinag-usapan naman pagkatapos ng group reporting kung
anong kasarian ba ang mas nakalalamang at kung at kung paano napagsasamantalahan ang pribadong
parte ng katawan ng kababaihan.
Sinimulan ang pagtalakay sa kaibahan ng dalawang kasarian batay sa kanilang chromosome. Ibinahagi ng
unang grupo na ang kababaihan ay may XX chromosome habang ang kalalakihan naman ay may XY
chromosome. Dahil dito, napagtanto ng klase na ang dalawang kasarian ay may X chromosome. Sa
ganitong palatandaan pa lamang ay may pagkakapareho ang lalaki at babae. Tinalakay naman ng
ikalawang grupo ang pagkakaiba ng dalawang kasarian batay sa kanilang hormones. Nakasaad sa ulat nila
na ang testosterone ang mayoryang hormone ng lalaki habang estrogen naman sa babae. Ngunit bukod sa
mayoryang hormones na mayroon sa lalaki at babae, lahat naman ng kasarian ay nagtataglay ng specific
na amount ng lahat ng hormones. Kung kayat kahit babae ay may testosterone sa kakaunting dami nito sa
katawan.
Ibinahagi ng natirang grupo ang pagkakaiba ng babae at lalaki batay sa sa kanilang reproductive organs,
kakayanang mabuntis at makabuntis, at pisikal na anyo sa katawan. Ang lalaki ay may titi at may
dalawang itlog na nasa scrotum sa may likuran ng titi habang ang babae ay may puki. Ang titi ng lalaki ay
nakalabas habang nasa loob naman ang puki ng babae at labia lang nito ang pawang nakikita. Ang babae
ang may kakayanang mabuntis habang ang lalaki ang may kakayanang makabuntis ng babae. Hindi
mapapansin ang kaibahan ng lalaki at babae sa murang edad pa lamang hanggang sa pagpasok sa puberty
stage kung saan ang mga lalaki ay lumalapad ang kanilang mga balikat habang ang mga babae naman ay
nagkakaroon ng mga suso at lumalaki ang puwet na sinasabing tumutulong sa panganganak.
Lamang ang lalaki sapagkat may kakayanan pa rin silang makabuntis kahit umabot sila ng 90 taon habang
ang mga babae ay nagkakaroon ng menopause o ang panahon ng tuluyang paghinto ng regla ng babae.
Pagkaraan ng menopause, wala nang kakayanang mabuntis pa ang babae at kadalasan ay dumarating ito
sa buhay ng babae sa pagitan ng 40 at 50 taon.lamang naman ang babae batay sa kanilang pribadong parte
sapagkat itoy nakatago o nasa loob ang ang sa lalaki ay nakalaylay lamang. Dahil dito, madaling maipit o
matamaan ito na delikado sa kalusugan ng lalaki. Dehado naman ang babae sa pagkakaroon ng mga suso
dahil masakit at nakamamatay kapag itoy natamaan.
Sa kabila ng pagkakaiba ng kalalakihan at kababaihan batay sa bayolohikal na aspeto, di naman
mapagkakailang napagsasamantalahan ang kababaihan at nalalagay sa mababang antas ng lipunan. Nasusupress ang kanilang sekswalidad at napagsasamantalahan ang pribadong parte ng katawan ng
kababaihan. Maraming kababaihan ang narape, binabastos, hinihipuan, binoboso, at binubugbog ng
kanilang nobyo o asawa. Naabuso rin ang kanilang sekswalidad at nagiging sex object ang kanilang mga
katawan.
Sapagkat sila ang may kakayanang mabuntis, may kakayanang magbigay ng nutrisyon sa kanilang
sanggol, at kadalasay sila ang naiiwan sa bahay para mag-alaga at magpalaki sa kanilang anak, mababaw
ang tingin ng lipunan sa kababaihan. Kahit may papel ang kababaihan sa pagpapaunlad ng lipunan,
patuloy na pinagkakaitan sila ng kanilang mga batayang karapatan at patuloy din silang
napagsasamantalahan, hindi lang ang kanilang sekswalidad kundi pati na rin ang kanilang kakayanan at

antas sa lipunan. Kaya naman patuloy na nakikibaka ang mga kababaihan para sa tunay na kalayaan mula
sa pagsasamantala.

You might also like