You are on page 1of 1

Viron Gil A.

Estrada

05/12/16

2014-74766
27th Reflection Paper
Si Filomena ay isang konserbatibong babae. Siya rin ay umaasa lamang mula sa lalaki. Naging
isyu ng kwento ng A Day for Filomena ang isyu ng babae bilang tagapagpasok at tagapaglinang
ng mismo nilang kalaban. Binanggit na nga ni Rizal sa kanyang liham sa kababaihan ng Malolos
na ang ina ang siya pang nagpapairal ng patriyarka sa kanyang mga anak. Silang mga kababaihan
at ina na biktima ng mapang-abusong sistema ang siya pang yumaykap sa sarili nitong kalaban at
pinapasa sa kanilang magiging anak.
Sa awit naman na Ang Babaeng Walang Kibo, pinapakita ng may akda na pinapagalitan niya ang
mga babae na patuloy paring bulag sa katotohanan at nananatili sa kanilang nakasanayang
kalagayan. Hinahamon ng may akda na sumama ang mga babae sa paglaban kasama ang Anakpawis. Matindi ang bugso ng damdamin sa awit. Madadama mo ang galit ng may akda sa kapwa
niya babae. Kaya naman hinihikayat niya ang mga babae na buksan ang kanilang mga mata at
kumilos at lumaban sa mapang-aping sistema.
Sa tula namang pinamagatang Victory, isang babae ang umibig sa isang sundalong kano sa
panahon ng digmaan. Kinalaunan nang natapos ang digmaan ay iniwanan din ang babae dahil
ipapadala sa ibang isla ang sundalo. Ito naman ay lubhang ikinalungkot ng babae dahil iniwanan
siya ng kanilang anak at lumaki na walang ama. Pinapakita ng tula ang pagiging mahina ng isang
babae. Siya ay napaakit ng sundalo, napaibig at nabuntisan. Hindi man lang niya ipinagtanggol
ang kanyang sariling kapakanan at pinigilan ang pag-alis ng sundalo. Inihahambing sa tula ang
babae sa inangbayan. Ang babae, bilang inaabuso, inaalipusta at pinagsasamantalahan, ang
bayang Pilipinas ay inabuso rin ng mga mananakop at pinagsamantalahan ang mga anak nito.
Sa awit naman ng Hukbalahap, pinapakita ang pagtutol at paglaban ng sambayanan sa
mananakop nitong hapones. Nilantad nila ang mapang-abusong ginagawa ng mga hapones sa
kanilang ari-arian at pagsasamantala sa mga kababaihan. Hinihikayat nila ang lahat na sumapi sa
kilusan at maghimagsik laban sa mga hapones. Pinapakita ng tula ang galit ng mamamayang
Pilipino sa mga pinanggagawa ng mananakop sa kanila. Galit at handa nang maghimagsik para
sa kapakanan ng kanilang pamilya at ang buong sambayanan. Dama sa tula ang pagmamahal ng
mga Pilpino sa kanilang bayan at handa silang ialay ang kanilang buhay para sa kalayaan ng
bansa mula sa mapang-abusong mananakop.

You might also like