You are on page 1of 2

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang obra maestra ng

ating pambansangbayaning si Dr. Jose Rizal. Ito ay karugtong ng Noli Me Tangere na una niyangisinulat.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang kaibígang si Dr. Ferdinand Blumentrittang kahulugan ng Filibusterismo.
Ayon sa kanya, lingid pa sa mga Pilipinoang kahulugan nito noong una hanggang masaksihan nila ang
malagim atkalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring martir. Malinaw pa sa kanyangalaala ang
matinding takot na hatid ng mensahe ng salitang Filibusterismo dahil mahigpit na ipinagbawal sa
kanilang tahanan ang pagsambit sa salitangito. Labing-isang taong gulang pa lámang si Rizal noon nang
marinig niya angsalitang Filibustero. Sa murang edad ay naging saksi siya sa mapapait, masasakit,at
madidilim na bahagi ng búhay ng ating mga ninuno kayâ tumimo sa kanyangpuso ang pagnanais na
mailantad ang kabuktutan ng mga mananakop. Ginamitniya ang pinakamabisang sandata sa pagkakamit
nang minimithing pagbabagoat kalayaan ng mga Pilipino—ang kanyang panulat.Gaya nang nabanggit,
ang unang obra maestra ni Rizal ay ang Noli MeTangere na matagumpay na lumabas noong Marso 1887.
Maraming makabayanang nagalak at humanga sa katapangan ni Rizal sa pagsulat sa mga kabuktutanat
pagmamalabis ng mga Espanyol subalit tulad ng inaasahan, nagpuyos angdamdamin ng mga
makapangyarihang Espanyol ay matapos matunghayanang nilalaman nito. Bitbit ang kaba sa puso ay
nagpasiya siyang bumalik saPilipinas kahit batid niyang ito ay mapanganib. Noong Agosto 1887 muli
niyangnasilayan ang kanyang pamilya. Isinagawa niya ang kanyang mga layunin sakanyang pagbabalik.
Ginamot niya ang mata ng kanyang ina; nakipag-usap kayLeonor Rivera, at inalam ang pagtanggap ng
mga Pilipino sa kanyang isinulatna nobela.Nang ipagbawal ng pamahalaan sa Pilipinas ang pag-aangkat,
pagpapalimbag,at pagpapakalat ng nobela ay nakaramdam nang higit na panganib si Rizal.Hinimok si
Rizal ni Gobernador-Heneral Emilio Terrerong lisanin ang bansaupang maiiwas siya at ang kanyang
pamilya sa lalo pang kapahamakan atsa pagmamalupit ng mga makapangyarihang prayle sa kanyang
pamilya.Nagpahinuhod siya sa payo ng gobernador-heneral at palihim na tumalilis ngPilipinas noong
Pebrero 1888. Nagtungo siya sa iba’t ibang bansa sa Asya, sa Amerika, at sa Europa. Napakarami niyang
natutuhan sa mga paglalakbay naiyon.Sinimulang isulat ni Rizal ang El Fili sa London noong 1890. Ayon
kayMaria Odulio de Guzman, binalangkas ni Rizal ang pagkatha sa El Fili noongmga hulíng buwan ng
1884 at mga unang buwan ng 1885 nang isinusulat paniya ang Noli . Habang isinusulat ni Rizal ang El Fili,
naisasabay rin niya angpagbisita sa mga kaibígan at pamamasyal sa magagandang lugar sa
Europa.Lubhang nasiyahan at naaliw si Rizal sa ganda ng Paris kaya’t napag-isipanniyang lumipat muna
sa Brussels, Belgium upang matutukang mabuti atmapag-isipan nang lubusan ang pagsulat ng nobela.
Kasáma ang kaibígang si Jose Alejandrino ay nanirahan silá roon. Nanggamot din siya upang
matugunanang mga pangangailangan niya roon.Patong-patong na suliranin ang kanyang naranasan
habang isinusulat niyaang El Fili . Kung kinulang siya sa pananalapi nang isinusulat niya ang Noli ay
higitsiyang kinapos nang isinisulat na niya ang El Fili kayâ sadya siyang naghigpitng sinturon. Halos
lumiban siya sa pagkain makatipid lámang. Nakapagsanlarin siya ng kanyang mga alahas upang
matustusan ang pagsusulat. Matindiang pagnanais niyang tapusin na agad ang nobela dahil maging sa
kanyangpagtulog ay napapanaginipan niyang may namamatay sa kanyang mga mahalsa búhay. Iniwasan
niyang kapusin ng panahon sa pagsusulat. Batid niyang walang ibang makatatapos ng kanyang obra kung
hindi siya lámang.Hindi lámang kawalan ng pondo ang kanyang naging suliranin upangmatapos ang
nobela. Naging balakid din ang suliranin niya sa puso, sa pamilya,at sa mga kaibígan. Nakarating sa
kanyang kaalaman na ang kanyang pinakaiibigna si Leonor Rivera ay ipinakasal ng magulang nito sa ibang
laláki. Mababakasang pighati niya sa pangyayaring ito sa El Filisa bahaging nagtalusira si Paulitasa
katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito. Nabatid din niyang ang kanyangmagulang at mga kapatid ay
pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaangEspanyol dahil sa usapin sa lupa at sa maling paratang Labis
siyang nag-alalasa mga mahal niya sa búhay sa Calamba, Laguna. Maiuugnay ito kay KabesangTales sa El
Fili na may ipinaglalabang usapin hinggil sa pangangamkam nglupa ng mga prayle kahit wala siláng
katibayan ng pag-aari bagkus ay nakuhapang manghingi ng buwis sa may-aring si Kabesang Tales. Sa
pagpapatuloyng pagsusulat ni Rizal ng nobela ay nagkaroon siya ng iba’t ibang pangitain.Ganito rin ang
pangyayari sa búhay ni Simoun nang nag-urong-sulong siyangisagawa ang katuparan ng kanyang plano.
Nakita niya ang nagdusang ama atsi Elias sa kanyang pangitain. Lumayo rin kay Rizal ang mga kasáma
niya sa LaSolidaridad . Ikinalungkot din niya ang nakitang kawalan ng pagkakaisa ngmga Pilipinong
Ilustrado sa Espanya na silá sanang pag-asa ng nakalugmok namamamayan ng Pilipinas. Dahil sa samo’t
saring suliraning naranasan, naisip niRizal na sunugin na lámang ang kanyang mga isinulat. Sinasabing
may bahagi sanobela ang hindi niya napigilang inihagis sa apoy sa bigat at tindi ng kanyangmga
alalahanin

You might also like