Script-Y M C A

You might also like

You are on page 1of 2

Mangunguna ang ​Y.M.C.A. (tono ng Y.M.C.A.

)
Tunay palaban makabayan, Y.M.C.A.

Mag-sulat, Mag-ulat, Mag-mulat!​ Tatlo lamang yan sa mga adbokasiya ng aming partido.
Ang laban ng mamamayan, ay laban ng kabataan. Kami ang ​Young marx-cists alliance​,
tunay na palaban makabayan at mangunguna sa hanay ng kabataang patuloy na tumitindig at
tinatanglaw ang pag-asa ng bayan!

We want to break free!​ (tono ng Queen “I want to break free)

Lawyer and replies: Mula saan?

Berna: Mula sa kadenang dala ng pang-aapi mula sa naghahari-hariang uri!


Ako si bernadette obra, b-buwagin ang kadenang dala ng sistemang pinapalago ang lokal na
pagsasamantala at pag-aapi nang nanghahari-hariang uri. Naniniwala ako na ang tinig ng
pag-asa ay nagmumula sa tinig ng pagsusulat at sa gayon ay mapatupad ang siatematiko't
mabilis na pagpapaunawa sa mga saligang layunin at prinsipyo ng rebulusyong pilipino.
Patuloy akong maghuhudyat at magsusulat para sa pagbabago. Muli ako si bernadette obra
parte ng alagad na manunulat sa hanay ng kabataan.

Princess: handa na ba kayo? (korina sanchez)

Handa na kami!

Kung gayon, ako si Princess Han, Hhandang harapin ang pagsubok sa pagpapalakas sa
rebolusyong kilusang masa at pagsulong tungo sa pagbabago para sa naghihirap na
sambayanang Pilipino. Kaakibat ng paglabang ito ang kolektibong kilusan mula sa diwa’t
kaisipan. Kaya naman ipapahayag ko ang tinig ng pagbabago mula sa malaya at
mapagpalayang mga salita. Muli ako si Princess Han h-handang tumindig at mag ulat ng tinig
ng masa para sa pagbabago.

We got it from our mama, we got it from our mama​! (tono ng “I got it from my moma)

Ako si Fathma Mamacotao, Ma-tapang, Ma-talino, Ma-kabayan, palaban kahit kanino!


Layunin ko ang pangkalahatang pagpapalawak ng kamalayan, at higit na pagpapalalim ng
kamulatang pampulitika ng masang nakakulong sa hawlang mula sa paniniil at oppresyon ng
systemang pinagsisilbihan lamang ang naghahari-hariang uri. Makikilahok at mangunguna sa
kolektibong pakikibaka, kabilang ang hanay ng kabataan, uri ng masang maralita at mga
proletaryado, upang sa gayon ay maibago ang sistema, tungo sa kanayunan, kalunsuran at
isang makabagong lipunan, mula sa masa, tungo sa masa.
Mula sa masa, tungo sa masa!
Muli ako si Fathma Mamacotao, patuloy na paglilingkuran ang sambayanan, mula sa hanay
ng kabataan!

Kaya halina sa ​Y.M.C.A.!


Mangunguna ang​ Y.M.C.A!

Berna: Mag-sulat!
Princess: Mag-ulat!
Fathma: Mag-mulat!
Muli kami ang ​Young marx-cists alliance!

You might also like