Professional Documents
Culture Documents
Paglalapat:
Pumili ng isa sa mga sikat na maikling kwento at basahin ito ng mabuti.
Pagkatapos, suriin ang napiling maikling kwento ayon sa unang dalawang
dimensyon; Dimensyong panlipunan at Dimensyong pangkaisipan
Sa Bagong Paraiso
Ni: Efren Reyes Abueg
Dimensyong Panlipunan
Dimensyong Pangkaisipan
A. Sanligan
B. Buod
Tiny Tony
Ni: Mars Ravelo
Si Tony ay isang syentista na nagtatrabaho kasama si Dr. Morgan Peralta, ang ama ng
kanyang fiancee na si Michelle, sa paggawa ng isang serum na nakapagpapaliit ng mga bagay.
Habang nasa laboratoryo kasama si Dr. Peralta, may mga dumating na kawatan.
Nadakip nila si Dr. Peralta at dinala ito sa kanilang taguan. Lingid sa kaalaman ni Tony, ang
suwail na ampon ni Dr. Peralta na si Joaquin ang may kagagawan nito.
Habang may suot-suot na maskara at gamit na voice changer, humarap si Joaquin sa
kanyang ama. Ipinaalam niya na kailangan niyang malaman ang formula upang makagawa ng
serum na itinatago nila ni Tony subalit mariing tumutol si Dr. Peralta. Idiniin nitong hindi niya
hahayaang gamitin sa kasamaan ang naturang serum.
Binantaan siya ni Joaquin na papatayin kapag hindi niya ibibigay ang gusto nito. Sinabi
naman ng doktor na handa siyang ibuwis ang sariling buhay para lamang masigurong ligtas ang
serum. Inis na inis si Joaquin sa isinagot ng matandang doktor.
Samantala, sa katarantahan, di-sinasadya’y nainom ni Tony ang serum. Bigla siyang lumiit
at napalitan ang kanyang damit. Nakaramdam siya ng ibayong lakas at talas ng pandinig, pag-iisip.
Gamit ang kanyang enhanced na pandinig, nahanap niya ang pinagtataguan ng mga
kriminal. Nakipaglaban siya sa mga ito hanggang sa kanya silang nagapi.
Nasiyahan naman si Dr. Morgan sa nasaksihan. Walang mapagsidlan ang kanyang
kasiyahan dahil napatunayan niyang posible pala ang kanyang pangarap na mapaliit ngunit mas
mapalakas ang tao.
C. Kahulugan ng Pamagat
Ang bida sa komiks na ito ay si Tony at siya ay lumiliit kapag nakainom ng serum na
inimbento nila ni Dr. Morgan kaya ito pinamagatang ‘Tiny Tony’.
D. Pagpapahalaga Ayon sa Nilalaman
Kulturang Pilipino
Ipinakita sa kuwento na gaano man kaliit ang isang tao ay kaya nitong maging
malakas at magligtas ng mga nangangailangan ng tulong, isang bagay na tipikal na sa
mga Pilipino sapagkat tayo ay kilala sa pagiging matulungin sa kapwa lalong-lalo na sa
mga nangangailangan nito.
Pilosopiyang Pilipino
Simbolismong Pilipino
Kung may taong nangangailangan ng tulong mo, ‘wag kang mag-atubiling
tulungan siya dahil nakasaad sa Bibliya na tulungan natin ang nangangailangan. ‘Yun
naman ay kung sa mabuting bagay niya gagamitin ang tulong mo. Simbolo lamang ito ng
pagiging totoo ng mga Pilipino sa pananampalataya sa ating Panginoon.
E. Teorya/Pananalig Pampanitikang Napapaloob sa Akda
Modernismo
Naipakita rin dito ang mga makabagong teknolohiya na maaaring magamit upang
makapagligtas ng kapwa ang isang tao sa pamamagitan lamang ng pag-inom nito. Ito ay ang
serum na imbensyon nina Dr. Morgan at Tony. Maaaring masabi ng iba na imposible ang
ganitong pangyayari subalit kung ating lilimiing mabuti, dahil sa pag-unlad ng ating teknolohiya
at modernisasyon, hindi malayong maging posible ang bagay na ito.
Humanismo
Sa komiks na ito ay ipinakita ang lakas ng isang tao. Ipinakita na gaano man kaliit ang
isang tao ay kaya nitong maging malakas at magligtas ng mga nangangailangan ng tulong, isang
bagay na tipikal na sa mga Pilipino sapagkat tayo ay kilala sa pagiging matulungin sa kapwa
lalong-lalo na sa mga nangangailangan nito. Ang pananaw rin nito ay nagbibigay halaga sa tao
bilang sentro ng daigdig, ang sukatan ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.
Imahismo
Ang komiks na ito ay mayroong imahismo sapagkat ginamitan ng may-akda ng kanyang
sariling imahinasyon ang kanyang katha. Hinayaan niyang maihalo ito upang mas mapaganda at
mapatingkad ang kulay ng kanyang ginawa.
Kalagayang Panlipunan/Pambansa
Kalagayang Pangkabuhayan