You are on page 1of 4

Pamagat ng Akda

Tiny Tony
Ni Mars Ravelo
Sanligan
Tiny Tony | Pinoy Komiks Magasin (1996)
http://google.com.ph/Tiny-Tony-Mars-Ravelo

Buod ng Katha
Si Tony ay isang syentista na nagtatrabaho
kasama si Dr. Morgan Peralta, ang ama ng kanyang
fiancee na si Michelle, sa paggawa ng isang serum
na nakapagpapaliit ng mga bagay. Habang nasa
laboratoryo kasama si Dr. Peralta, may mga
dumating na kawatan.
Nadakip nila si Dr. Peralta at dinala ito sa
kanilang taguan. Lingid sa kaalaman ni Tony, ang
suwail na ampon ni Dr. Peralta na si Joaquin ang
may kagagawan nito.
Habang may suot-suot na maskara at gamit
na voice changer, humarap si Joaquin sa kanyang
ama. Ipinaalam niya na kailangan niyang malaman
ang formula upang makagawa ng serum na
itinatago nila ni Tony subalit mariing tumutol si Dr.
Peralta. Idiniin nitong hindi niya hahayaang gamitin
sa kasamaan ang naturang serum.
Binantaan siya ni Joaquin na papatayin kapag hindi niya ibibigay ang
gusto nito. Sinabi naman ng doktor na handa siyang ibuwis ang sariling
buhay para lamang masigurong ligtas ang serum. Inis na inis si Joaquin sa
isinagot ng matandang doktor.
Samantala, sa katarantahan, di-sinasadyay nainom ni Tony ang serum.
Bigla siyang lumiit at napalitan ang kanyang damit. Nakaramdam siya ng
ibayong lakas at talas ng pandinig, pag-iisip.
Gamit ang kanyang enhanced na pandinig, nahanap niya ang
pinagtataguan ng mga kriminal. Nakipaglaban siya sa mga ito hanggang sa
kanya silang nagapi.

Nasiyahan naman si Dr. Morgan sa nasaksihan. Walang mapagsidlan


ang kanyang kasiyahan dahil napatunayan niyang posible pala ang kanyang
pangarap na mapaliit ngunit mas mapalakas ang tao.
Kahulugan ng Pamagat
Ang bida sa komiks na ito ay si Tony at siya ay lumiliit kapag nakainom
ng serum na inimbento nila ni Dr. Morgan kaya ito pinamagatang Tiny Tony.

Pagsusuri
Uring Pampanitikan
Ang akda ay isang komiks. Ito ay isang uri ng babasahin na nakakaaliw
at nakalilibang at bagaman kathang-isip lamang ay may mga parte rin
namang halaw sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao. Itoy nasa magasin
at may larawang iginuhit at may dayalogo.
Sa pamamagitan ng mga larawan at salitaan ay maiintindihan ng mga
mambabasa ang kwentong mayroon ang komiks.

Paglalahad
Tradisyunal ang paraang ginamit ng may-akda sa paglalahad ng mga
pangyayari. Nagsimula ang istorya sa paggawa ni Tony ng serum at nagtapos
sa isang makatwirang wakas. Nagkaroon rin ito ng kasukdulan at kakalasan.
Mga Tayutay

Magiging kasinlaki ng daga ang makakainom nito kung sakali.


Pagtutulad initulad ni Dr. Morgan ang magiging laki iinom ng serum sa
laki ng daga.

Hindi pwede! Kailangan kong mailigtas si Dr. Morgan!


Pagtanggi Ginamitan ng salitang Hindi ang pahayag na ito upang
ipahayag ni Tony ang kanyang pagtanggi sa mga kasalukuyang
nangyayari.

Huwag kang magyabang! Hindi ka si Superman.


Alusyon tinukoy ni Joaquin sa kanyang sinabi kay Tony ang sikat na
katauhan o bayani sa komiks at pelikula na si Superman.

Patahimikin nyo na yan!


Eufemismo imbes na patayin ay gumamit ng malumanay na salita si
Joaquin nang utusan niya ang kanyang mga tauhan na patayin si Dr.
Morgan.

Mga Pansin at Puna


Maganda ang pagkakakatha sa komiks na ito at ipinakita ni Mars
Ravelo ang kanyang walang kamatayang talento pagdating sa mga ganitong
bagay, rason kung bakit ang Tiny Tony ay ginawan ng tv adaptation ng ABSCBN na kung saan si John Pratts ang gumampan sa papel ni Tony.
Katulad ng iba pang mga mababasang komiks, ito ay may mabilis na
daloy ng istorya, bagamat maayos pa ring nailahad ang mga pangyayari,
upang hindi makapagdulot ng kalituhan sa mga mambabasa.

Teoryang Napapaloob sa Akda


Modernismo
Naipakita rin dito ang mga makabagong teknolohiya na maaaring
magamit upang makapagligtas ng kapwa ang isang tao sa pamamagitan
lamang ng pag-inom nito. Ito ay ang serum na imbensyon nina Dr. Morgan at
Tony. Maaaring masabi ng iba na imposible ang ganitong pangyayari subalit
kung ating lilimiing mabuti, dahil sa pag-unlad ng ating teknolohiya at
modernisasyon, hindi malayong maging posible ang bagay na ito.
Humanismo
Sa komiks na ito ay ipinakita ang lakas ng isang tao. Ipinakita na gaano
man kaliit ang isang tao ay kaya nitong maging malakas at magligtas ng
mga nangangailangan ng tulong, isang bagay na tipikal na sa mga Pilipino
sapagkat tayo ay kilala sa pagiging matulungin sa kapwa lalong-lalo na sa
mga nangangailangan nito.
Ang pananaw rin nito ay nagbibigay halaga sa tao bilang sentro ng
daigdig, ang sukatan ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.
Imahismo
Ang komiks na ito ay mayroong imahismo sapagkat ginamitan ng mayakda ng kanyang sariling imahinasyon ang kanyang katha. Hinayaan niyang
maihalo ito upang mas mapaganda at mapatingkad ang kulay ng kanyang
ginawa.

Bisang Pampanitikan
Bisa sa Isip Naisip ko na sa mundo, kahit pala yung mga taong
pinagkakatiwalaan mo ay pwede kang saktan. Gaano mo man sila
pinapahalagahan, darating at darating sa puntong sasaktan ka nila. Yun
bang mga taong hindi marunong makonsensya, mga taong walang alam
kundi manakit ng kanilang kapwa dahil sa inggit. Katulad na lamang ni
Joaquin na porket hindi anak ni Dr. Morgan ay nagawa niyang ipadakip itot
muntikan na niyang ipapatay. Mabuti na lamang at dumating si Tiny Tony
upang iligtas ito.
Bisa sa Damdamin Nakakalungkot isiping kasamaan ang isinukli ni Joaquin
sa tumayong tatay niya. Imbes na maganda ang kanyang pakitungo ay
tinangka pa niyang patayin ang matanda para lamang maisakatuparan ang
kanyang sariling ambisyon na malaman ang pormula sa paggawa ng serum
nang sa gayon ay malipol niya ang sangkatauhan.
Bisa sa Kaasalan Kung may taong nangangailangan ng tulong mo, wag
kang mag-atubiling tulungan siya dahil nakasaad sa Bibliya na tulungan
natin ang nangangailangan. Yun naman ay kung sa mabuting bagay niya
gagamitin ang tulong mo.

You might also like