You are on page 1of 7

1

Mga Yagit ni Edgardo Reyes

Introduksyon

Ang kilalang kwentista at nobelistang ito ay maraming nakamit na tagumpay sa

larangan ng pagsusulat Makailang ulit na siyang nagtamo ng gantimpalang-Palanca (sa

maikling kwento), makalawa sa Liwayway (sa nobela) at FAMAS Award sa kanyang

akdang pampelikula, Ang Maynila: Sa mga kuko ng Liwanag. Daan-daan na ang

nasulat niyang nobela, kwento, at mga lathalaing nalalahatla sa iba῾t ibang babasahin.

Kasama rin sa mga aklat- pampaaralan at mga antolohiya ang mga pili niyang akda. Si

EMR na taal na Bulakenyo (isinilang siya sa San Ildefonso) ay sinasabing tuklas ng

Liwayway. Bilang scriptwriter, marami na siyang kathang naisapelikula, tulad ng ‟Ligaw

na Bulaklak,‟ ‟Sa kagubatan na Lungsod,‟ ‟ Markadong Anghel‟ ‟Kapangyarihan ni

Eba,‟ at iba pa. Isang kalipunan ng mga Nagwagi sa ‟Carlos Palanca Memorial Award‟

Sa mundong ginagalawan natin karamihan sa ating bansa ang mga tao ay naghihirap.

Sa kadahilanang ang mga tao rin ang siyang gumagawa ng kahirapan. Samakatuwid

ang mundo na meron tayo noon ay di naghirap yun nga lang wala tayong kalayaan sa

panahon ng Martial law sa pamamalakad ni Fidel V. Ramos siya ang naging

presidenteng umayun sa Martial law at sa batas na ito ang mga tao ay halos walang

kalayaan pero naging maayos naman ang kanilang pamumuhay. Kapag tayo

nakakarinig ng salitang mga yagit naisasaisip natin na ito ay ang mga batang lansangan

na walang matirhan, walang pamilya, walang patutunguhan at higit sa lahat walang

nangingialam sa kanila. Pero sa dulang na ito malalaman natin kung ano nga ba ang

mga yagit. Sino nga ba ang mga yagit. Bakit kaya nagkakaroon ng mga yagit dito sa

ating bansa.sa anong mga kadahilanan kung bakit nandito pa rin sila sa mundong

Page | 1
2

ginagalawan natin. Alam naman natin sa panahon ngayon bago makapagtrabaho ay

kinakailangan munang makapagtapos ng pag-aaral. Kung kaya῾t ang mga taong

mahihirap ay di makapagpatuloy ng pag aaral. Ang mga yagit ay yaong mga taong

walang tamang pamumuhay sa kanilang buhay kung kaya῾t sila ay walang

patutunguhan. Pero kahit ganun ang takbo ng kanilang buhay patuloy pa rin sila sa

pakikisalamoha sa kanilang buhay kahit sila ay nahihirapan. Ang kahulugan ng

pamagat ng ‟Mga Yagit‟ na isinulat ni Edgardo M. Reyes ay hindi lahat ng mga taong

nasa lansangan ay mga yagit na kundi ang mga taong walang pamamaraan sa

pakikipamuhay yun ay ang Mga Yagit.

Buod

Ang kwento ay nagsisimula sa bangketa kung saan nagka tagpo-tagpo ang mga

tauhan una na rito si Godo ay isang batang tagalinis ng sapatos at mahirap lamang ito

at nakatira lamang ito sa kanyang tiyuhin na wala ring permanenteng trabaho

pangalawa naman ay ang Limpiyang –Bota na kasa-kasama ni Godo sa kanilang

paglilinis ng sapatos ng mga tao at ang madalas na utangan ni Godo kapag siya ay

walang kita o kulang ang delihensya ang pangatlo naman ay ang Lalaki na nakilala ni

Godo sa bangketa na halos nagmumukhang pulobi sa suot na damit at sapatos at

nagging kau-kausap ni Godo sa bangketa ng ilang oras. At ang Intsik na may ari ng

karenderya na nahulugan ng piso sa kahera. Si Godo ay iang ordinaryong bata na

nagtratrabaho para mabuhay para may pantawid sa kanyang pang araw-araw na

pamumuhay. Isang araw nang pumunta si Godo sa bangketa para makapag delihensya

nakita niya ang limpiya-bota na minsan nakasama niya sa paglilinis ng sapatos sa

Page | 2
3

pagkakataong yaon may nakita siyang isang lalaki na halos kakainin ang pritong manok

sa kakatitig. Nang magkita na sila napatanong si Godo kung merun ba itong pera dahil

hihiram sana siya pero sa kasamaang palad hindi siya nakahiram sa kadahilanang

maliit lang din ang kita nito sa paglilinis sa pagkakataong yun bigla nasabi ni Godo ‟ang

hirap mo naman utangan pag ako naka delihensya ang dali-dali mong makaheram sa

akin‟ sa pagkasabi nun ni Godo umalis agad ang Limpiya-bota para maka uwi.

Isasakbat ni Godo ang bangkito sa kanyang balikat, bibitbitin ang kahon ng panlini at

anyong lalakad na, ngunit mabubuksan ang kahonng panlinis at mahuhulog ang biton

na gugulong sa ilalim ng estante. Padarag na ibaba ni Godo ang bangkito at ang kahon,

sisilip sa ilalim ng estante. Uunat siyang bigla, gulilat ang mga matang lilingon sa

dalawang panig ng bangketa. Sisilip uli sa ilalim ng estante at may pilit na aabutin. Sa

sitwasyong yun nilapitan ng lalaki si Godo upang tanungin kung magkano ba ang nakita

nitong pera. Pero nag maang-maangan lamang si Godo pero di nagtagal bumigay rin si

Godo sinabi niyang Piso ang nakita niya ngunit sinabi niya rin sa lalaki na kanya iyun

dahil siya ang una nakakita nung piso sa pagkakataong yun ang ginawa ng lalaki ay

humanap siya ng paraan kung papano niya mapapaamo si Godo. Ang ginawa ng lalaki

ay sinubukan niyang makipagsundo kay Godo binigyan niya ito ng limang piso pambili

ng isang bubble gam upang pangdikit para madaling makuha ang pera, bumili naman

agad si Godo ng isang bubble gum para makuha agad nila ang perang nahulog sa kaha

ng Intsik. Sa pagkakataong yaon ilang oras sila naghintay pero di pa rin nila nakuha

ang piso habang sila ay naghihintay nagpanggap ang dalawa na may ginagawa para di

sila mahalata ng Intsik sa ganoong sitwasyon nag uusap silang dalawa kung papano

nila makukuha ang piso.

Page | 3
4

Nakapag-usap ang dalawa, sa kanilang pag uusap nahulog ang kanilang usapan

tungkol sa mga instik at amerikano na kung saan daw ang mga Pilipino ang nagging

alila sa sarilling bayan nila. Sa pagkakataong yun naitanong din ni Godo kung bakit

napansin ng lalaki na nakakita siya ng pera sa ilalim ng kaha ng Intsik sinagot naman

ito ng lalaki nabasa daw niya ito sa kilos ni Godo dahil kung sibo lang daw niya ang

hinanap niya hindi niya na kailangan pa tumingin pa sa lalaki. Naitanong din ni Godo

kung sino nga ba ang Lalaki na kausap niya sumagot naman ang lalaki siya raw ay

isang pilosopo, mangingibig, magnanakaw, at detektib,doctor kung minsan,babae at

lalaki at me sandaling siya daw ay nagiging siya o ibang tao at yung tinatawag na

manunulat. Sa pagkadinig ni Godo ng manunulat bigla siyang napatanong kung

manunulat nga ba siya. Anong klaseng sulat ang kanyang sinusulat ang sagot naman

lalaki ay kuwento ng buhay, kwento ng ganito at ganoon. Sa pagkasabi nun sinabi din

ng lalaki ang kanyang sekreto na walang bumibili ng kanyang mga naisulat sa

kadahilanang panis daw ang kanyang mga ideya na naisulat kung kayat ganun ang

kanyang itsura na halos isang pulubi. Tinanong naman ni Godo kung nasaan ang

kanyang mga naisulat sagot naman nito nasa bahay daw nakatambak lamang at ang

sabi daw ng misis niya ay ipagbili na lamang ng por kilo natotoong may asawa nga ba

ang lalaki ang sagot naman ng lalaki isang martir na asawa. Naitanong din ng lalaki

kung si Godo ay may mga magulang pa ba ang sagot naman ni Godo ay wala na

siyang mga magulang kundi nakitira na lamang siya sa kanyang tiyuhin. Bigla silang

dalawa napatingin sa may Intsik na parang aalis sa kinatatayuan kung kaya kumilos

agad si Godo para makuha ang peso pero bigla silang nanglumo dahil bumalik agad

ang Instik sa kanyang kaha. Bigla nilang naramdaman dalawa na na nagrereklamona

Page | 4
5

ang kanilang mga tiyan kung kaya῾t ang limang piso ng lalaki ay ibinili nalang nila ng

tinapay. Nang di na makatiis si Godo nagpasya na siyang kausapin ang lalaki sa

kanyang plano na kausapin ang Intsik para di mapansin ang kanilang totoong pakay sa

pagkuha ng pera sa ilalim ng kaha. Ngunit sa kanilang ginawan sila ay nahuli ng Intsik

at sinabihang sila daw ay nagnakaw ng pera kaya῾t sila ay pina alis na lamang. Wala

silang magawa dahil nakuha na ng Intsik ang piso at itinago ito uli sa kanyang kaha.

Habang sila ay nakamasid sa may restawran may naalalang kwento ang lalaki tungkol

sa isang kwentong taong nagugutom kung saan kahit anong gawin niyang kasalanan

ay hindi siya nakukulong pero noong ayaw niyang magpakulong gusto naman siyang

ikulong at nagtataka naman si Godo sinagot naman ito ng Lalaki , sa bilanggoan daw ay

libre ang pagkain at siguradong hindi raw gugutumin ng gobyerno. Nagpasya ng umalis

si Godo dahil magdadahapit hapon na kung kay siya ay nagpa alam na sa lalaki at

nagpasalamat dahil sa oras na ginugol nito.

Nang maka alis na si Godo tumayo ang lalaki at binasag niya ang estante nng Intsik

kayat siya ay nahuli ng may ari at pinagalitan. Tumawag ng pulis ang may ari ng

restawran at dumating naman ito at tinanong s kanya kung bakit binasag niya ang

estante ng Intsik ang sagot naman ng lalaki ay wala lang nagustuhan niya itong basagin

dahil nagagandahan siya at sa sinabing iyon napagkamalan siyang baliw ng pulis. Sa

kanyang pasagot-sagot na hindi maganda inaresto siya ng pulis at sinabing dadalhin

daw siya sa pulisya at ang lalaki naman ay sumangayun at sumama na sa mga pulis ng

walang reklamo.

Page | 5
6

Interpretasyon

Ang nobelang ito na isinulat ni Edgardo M. Reyes, ay teoryang Realismo na may

paksang ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may- akda sa kanyang lipunan.

Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo

sapagkat isinaaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang

isinulat. Ang nobelang ito rin ay naging salamin sa mga tunay na nangyari sa lipunan.

Masasalamin ang aktuwal na pangyayari sa lipunan, na kung saan ang kahirapan ng

ating buhay ay mahirap na pagsubok. Mabibilang din itong nobelang ito ang teoryang

Eksistensiyalismo sapagkat binibigyang-diin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita

ng mga paniniwala , kilos, at gawi ng tauhan. Gumagawa siya ng pagpapasya na

kailangan niyang harapin anuman ang magiging kahinatnan nito. Mahalagang makita

ang kalakasan ng paninindigan ng tauhan. Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon

at sa kung paano niya ito harapin.

Implikasyon

Ayon kay Ace (n.d.) ang kahirapan ay pangkalahatang kasalatan o kakulangan, o ang

estado ng isang tao na walang tiyak na halaga ng materyal na mga ari-arian o pera. Sa

nobelang ito pinapakita ang lagayan ng mga taong walang kakayahan na makabili ng

kanilang nais.

Page | 6
7

KONKLUSYON

Sa dulang naisulat ni Edgardo M. Reyes inilahad rito kung ano ang buhay ng mga yagit

na tao, kung sino sila at ano ang kanilang naging epekto sa kapaligiran. Sa panahon

ngayon masasabi nating ang mga yagit ay yaong mga taong nasa lansangan mga

walang patutunguhan sa kanilang pamumuhay. Kung ganun man ang nangyayari

ngayon sa ating panahon dapat pagtuonan ng pansin ang mga taong naghihirap para

sila ay maka ahon sa hirap.

Page | 7

You might also like