You are on page 1of 1

BANGHAY ARALIN SA PAMAMAHAYAG

Petsa: __Huwebes, Hunyo 28, 2018__

I. LAYUNIN:
a. Nagagamit ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa pamamahayag
b. Naiuugnay ang mga Batas sa ayon sa ligal at moral nito.
c. Naibibigay ang mga Batas ng Pamamahayag

II. PAKSANG ARALIN:


Mga Batas sa Pamamahayag
Sanggunian: Ang Mapanuring Umalohokan, pp.26-33

III. Proseso ng Pagkatuto:


A. Panimulang Gawain
Magbigay ng mga halimbawa ng mga ginawa o ginagawa nating bawal sa paaralan.
(Halimbawa: Pangongopya, pagnanakaw, vandalism, atbp)
B. Paglalahad ng Aralin
→ Tuklasin
1. Ano sa tingin ninyo ang mangyayari kung sakaling hindi natin sinunod ang mga patakaran
sa paaralan?
2. Bilang isang staffer o susunod na mamamahayag sa ating paaralan, paano mo masasabi na
sumusunod ka sa batas ng pamamahayag?
→ Linangin
1. Ano ano ang mga batas ng Pamamahayag?
2. Ano ang magiging epekto nito kung susunduin natin ito sa pagsulat? Kung hindi natin
susundin?
3. Paghahalintulad at pagkakaiba ng Ligal at Moral
→ Pagnilayan at Unawain
1. Sa papaanong paraan mo maipapakita ang pagsasaalang-alang mo sa mga ligal at moral na
implikasyon sa pagganap ng iyong tungkulin bilang mamamahayag?
2. Anong mabuting epekto sa Pamamahayag kapag ang wikang ginamit ay Filipino?
3. Sino - sino ang dapat managot sakaling magkaroon ng kasong libelo? Bakit hindi
dapat ang sumulat lamang ng artikulo ang panagutin? Pangatwiranan.
→ Ilipat
Magbigay ng tatlong (3) tiyak na kahalagahan ng pagkakapasa ng Campus Journalism Act para
sa mga mamamahayag.
→ Sintesis / Awtput
Basahing mabuti ang mga tanong. Pagkatapos, ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa patlang. (Pahina 32-33)

IV. Takdang Aralin:


Humanap ng isang balita (mula sa pahayagan o telebisyon) tungkol sa paglabag sa Batas ng
Pamamahayag. Isulat/ idikit ito sa inyong kwaderno.

You might also like