You are on page 1of 3

'Pag sinabi kong ayaw, ayaw ko talaga

- Pinangangahulugan lamang nito na ang salitang ”hindi” ang ibig sabihin ay hindi. Ang "Hindi Ngayon" ay
nangangahulugang HINDI. Ang "Baka Mamaya" ay nangangahulugang HINDI. Ang katahimikan bilang tugon ay
nangangahulugang HINDI. Hindi na kailangan magisip ng maigi kung ano nga ba ang pinakakahulugan ng salitang
ito sapagkat ang simpleng hindi ay nangangahulugang hindi.

'Di ako nagpapapilit, masyadong mahigpit ang kapit niya


- Ang persona sa kanta ay hindi umaasa ng ibang reaksyon o tugon mula sakanyang pagtanggi sapagkat
may diin ang kanyang ipinahiwatig. Sa kabila nito ay nakatanggap sya ng kabaliktaran ng mula sa kanyang
sinambt.

Ba't pinapatawad pa nila?

- Tinutukoy lamang nito kung gaano tratuhin ng sistemang patriyarkal ang mga kababaihan na kung saan
pinapayagan ang mga kalalakihan na umakto, magsalita at magisip laban sa mga ito at makawala lamang
dito. Iniispisipika sa lirikong ito na ang mga lalaking nang-aabuso ay madalas na pinapatawad at mas
mayroong mala tupang imahe kabaliktaran sa mga babaeng nakaranas ng pang-aabuso at karahasang
sekswal, pisikal, at verbal.

Ako pa raw ang may pakana

- Kabilang sa laganap na “rape culture” ay ang paninisi sa mga kababaihan sa abusong kanilang natamo. Sa
kabila ng edad, pamantayan sa kagandahan o istruktura ng pananamit itinuturo parin sa mga kababaihan
ang dahilan ng mga ito. Sinasabi ng karamihan sa mga lalaki o matatanda na kung nanamit lamang ang
mga babae tulad ng kay Maria Clara ay mababawasan o mawawala ang mga kaso ng panggagahasa,
molestiya o cat call. Sa kabila nito ay mismong si Maria Clara ay nagahasa ni Padre Salvi gaano man
kahaba ang suot nitong saya. Kung iisipin ay hindi rin nakasuot ng seksi o maiikling damit ang mga sanggol
ngunit isa rin sila sa pinupuntirya ng mga kalalakihan.

Epekto raw ng serbesa, ako pa rin ang may...

- Karagdagan mula sa itaas, ay karamihan sa mga kababaihan ay napagsasamantalahan habang sila ay


lasing, ipinapasok namang argumento dito ng mga kalalakihan ay kung bakit hahayaan nya ang kanyang
sarili na malasing na sya lang magisa o malasing kasama ang mga lalaki. Ipinapahiwatig lamang nito na tila
ba “she was asking for it”, katagang maraming tao ang naniniwala. Isa rin itong paraan upang sisihin ang
mga kababaihan at hayaan na makawala ng lalaki sa kanyang ginawa sapagkat ang isang babae na
nakainom ay umaasa ng hangover pagkagising at hindi makitang sya’y hubo’t hubad sa kwartong di sya
pamilyar kasama ang lalaking di nya kilala.

Wala akong sinabing oo

- Katulad ng aking inilahad sa isa pang liriko, matatag ang paghindi ng persona bilang tugon. Ang kawalan
ng pagsang-ayon nito ang nagiindika mismo ng nais nitong ipahatid.
Wala rin sa galaw at kilos ko

- Ipinapakita dito ang madalas na karanasan ng mga kababaihan kung saan ipinapasa ng mga lalaki ang sisi
ng dahil daw sa kilos at galaw ng mga ito ay inilalahad na nagbbigay ito ng “consent”

Anong laman ng isipan mo?

- Tinatanong ng persona sa kanta kung ano nga ba ang tingin ng lalaki sa kanilang mga sarili upang gawin
ang mga ito. Isa sa benepisyo na ipinagkaloob ng sistemang patriyarkal sa mga kalalakihan ay ang
pagturing sa mga ito bilang mas nakakataas na mga nilalang. Dulot nito ay mayroong mentalidad ang mga
lalaki kung saan nakikita nilang sila’y nakakataas na uri at mababa naman ang mga kababaihan.
Hinahamon ng tanong na ito ang ganitong mentalidad at itinatanong kung anong klaseng karumihan ang
nasa isipan nito.

Nagiging agresibo sa 'king paghina, lumalakas loob mo

- Palibhasa hinahayaan lamang, malakas ang loob ng mga ito na atakihin ang mga kababaihan umaga o gabi
may tao man o wala. Tila mga asong naglalaway sila’y mga mababangis na hayop na patuloy na
naghahanap ng biktima. Dulot nito’y ang mga biktima ay nahihirapan na humakbang pasulong upang matigil
ito sapgkat bihira lamang makakamit ng hustisya mula sa ganitong pangyari.

Ako pa rin ba ang puno't dulo nito?

- Sa kabila ng lahat itinatanong ng persona kung kasalanan pa rin ba nya o kung sya ba ang may pakana nito.
Impresyon:

awtonomiya sa katawan

Sa naunang stansa- ito ay ginamitan ng pagpapahayag na di tuwiran at sa metaporang paraan, na kung saan ay
inihahalintulad ang karakter sa isang aso at papel. Ang hayop na aso ay sumisimbolo bilang alaga o taga-bantay na sunod
sunuran sa kanyang amo at papel naman na kung saan ay pwedeng masulatan at marumihan ng kahit na sino. Ito rin ay
ginamitan ng reitarasyon sa pangatlo at huling linya na ang isinasaad ay “Anong tingin mo sa sarili mo?” ang lirikong ito
ay ang iinterpreta na walang sinong lalaki sa mundo ang nakakatataas.

Kolokasyon ang ginamit na kohesyong gramatikal dito, hindi man direktang sinabi sa liriko ang ginamit na pag ugnay,
ngunit ito’y otomatikong muunawaan na babae at lalaki ang tinutukoy dito. Ito rin ay hindi ginamitan ng kahit anong uri
ng tayutay sapagkat ito ay ipinahayag sa obhetibong paraan, ito ay direktang nagpapakita ng katangiang
makakatotohanan sa buong stansa, na ang nais sabihin ay hindi dahil lalaki ka at mayroon kang parte sa katawan mo na
magagamit upang makuha ang mga hiling mo ay gagamitin mo na ako(babae).

Subhetibo ang paraan ng paglalarawan sapagkat batay ito sa personal na persepsyon

You might also like