You are on page 1of 3

Ako ang Saksi!

Ni: Tessa Flor Mergelino

Saksi nagupapatunay sa isang pangyayaring naganap. Itinuturing itong patunay


o katibayan upang mapatotoong nangyari ang isang bagay sa tiyak na pagkakataon.
Ngunit papaano kung ang saksing maituturing ay walang kakayahang maihayag ang
kanyang sarili? Isang saksing hindi makapagsalita at hindi naririnig. Isang saksing
nakakita ngunit hindi pinapansin. Isang saksing pipi at saksing binabalewala. Maaari
bang maging saksi ang hindi mo aakalaing makapatuturo sa tunay at totoong
pangyayaring naganap?
Madalas na kakampi ako ng mga tao sa aking paligid. Pinupuntuntahan sa
tuwing may sama ng loob na gustong mailabas at nangangailangan ng karamay sa
kanilang pinagdaraanan. Tagapagligtas kung akoy ituring dahil sa oras na akoy
kanilang masilayan, kaba sa dibdib ay mababawasan maging ang paghinga nang
maluwag, tiyak na mararanasan. Nasanay na rin ako na kaibigan ang turing sa akin ng
mga tao sa paligid, ngunit hindi ko lubos maisip na sa isang iglap, akoy katatakutan at
magiging isang sanhi ng kanilang paghihirap at pagdurusa.
Ika- 11 ng Oktubre taong 2014, naganap ang hinding- hindi ko malilimutan na
pangayayari sa aking buhay. Nakita ko! Narinig ko! Alam ko! Alam ko ang nangyari sa
araw na iyon. Halinhinan siyang ipinasok sa banyo. Malakas ang lalaki. Napakalakas
niya at walang magawa ang kasama niyang babae. Kaawaawa! Kaawaawa ang
babaeng hawak ng malakas na lalaki. Hubot hubad ang babae, walang saplot at
sinaktan ng lalaki. Hindi ko na kinaya ang mga sumunod na pangyayari. Parang

panaginip! Parang panaginip kung aking iisipin ang mga sumunod na kaganapan.
Ginamit niya ako! Oo, ginamit niya ako sa pagpaslang sa kaawaawang babae. Paulitulit. Paulit- ulit niyang sinubsob sa akin ang kaawaawang babae. Wala siyang magawa.
Wala rin akong magawa. Nagpupumiglas pa sa hawak ng lalaki sa kanyang ulo ang
babae ngunit sadyang napakalakas ng lalaki. Sa mga sumunod pang minute ay wala na
akong narinig, wala nang pagupupmiglas, wala nang mga impit na tunog. Namalayan
ko na lamang na wala nang buhay ang nakasubsob na babae sa aking katawan.
Matapos lagyan ng kumot ng lalaki ang walang saplot na babae ay dali- daling umalis
ang lumapastangan na lalaki. Pinagmasdan ang bangkay na nasa aking harapan.
Pinagmasdan ko siya nang mabuti at nabatid kong hindi siya tunay na babae. Isa
siyang lalaking nagbibihis babae na kinamumuhian ng ilan sa mga kalalakihan. Sa
puntong iyon ay batid ko na kung bakit ginawa sa kanya ang kalapastangang iyon ng
napakalakas na lalaki na mababa ang pagtingin sa mga tulad niyang tao sa lipunan.
Wala siyang nagawa, wala rin akong nagawa. Nagging saksi ang isang tulad ko sa
karumal- dumal na krimen na di nanaisin ninuman na masilayan. Gusto kong magsalita.
Gusto kong tumulong sa imbestigasyon. Gusto kong isiwalat ang lahat ng aking
nalalaman. Gusto kong bigyang hustisya ang hindi makataong pamamaslang na
naganap sa mismong aking harapan. Gusto kong bigyang hustisya ang aking sarili sa di
makatarungang paggamit sa akin sa naganap na pamamaslang. Ngunit anong aking
magagawa? Subukan ko mang magsalita ay walang makikinig. Subukan ko mang
tumulong ay walang pumapansin. Sino ba naman ako upang pakinggan? Isa lamang
akong hamak na inidoro na walang boses at tahimik na nagmamasid lamang.
Pinupuntahan sa tuwing may kailangan at nababalewala kapag hindi kinakailangan.

Isa akong saksi sa isang karumal- dumal na kaganapan. Isang pangyayaring


hindi ko gugustuhing balikan. Saksing maituturing ngunit kailanmay hindi napapansin.
Ako ay saksing pipi na kalianmay hindi naririnig. Ako ang saksi!

You might also like