You are on page 1of 272

Bloodshed For Throne

by IceFontana18

(BOOK 2 of THE UNDERWORLD GODDESS)


Lilies are white,
Lovers unite.
Roses are red,
Violets are blue,
Who will I kill next to you?

-----------------------------
2nd Installment of the Phoenix Series
Not Edited
Book cover credits to
PLAGIARISM IS A CRIME!

=================

What Lies Behind The Mask

Nasa bisig ko ang babaeng minahal ko, minamahal ko at mamahalin ko sa pang habang
buhay. Nasa bisig ko siya at saksi ako sa pagkalagas ng buhay niya bawat segundong
lumilipas. Sa bawat segundong lumilipas ay ang sarili ko naman ang unti-unting
namamatay. Wala akong masabi kundi tanging pangalan niya lang. Tanging pangalan
niya lang.

Nabigla ako sa lahat ng pangyayari dahil aminin ko man o hindi ay binibigyan ko


lang siya ng sugat na alam kong kaya niyang tiisin. Ayoko siya mapuruhan. Gusto ko
lang siyang mawalan ng malay at matalo sila. Galit ako sa kanya, oo, ang pakiramdam
na pinagtaksilan at pinagkaisahan ay hindi sapat para mabura ang pagmamahal ko sa
kanya. Pero gumawa ng atake si Nana na hindi ko inaasahan. Tumalon siya sa taas at
inatake ko naman siya. Tantiyado ko ang atake pero bigla siyang umikot at hinawakan
niya ang dulo ng katanang hawak ko. Huli na nang mahulaan ko kung ano ang gagawin
niya, itinusok na niya 'to sa dibdib niya.

Tigagal ako sa mga pangyayari pero nagawa niya pang yakapin ako na naging dahilan
para mas tumaop sa katawan niya ang katana. Nawalan ako ng lakas kaya hindi ko siya
mayakap. Ayokong tanggapin ang susunod na mangyayari. Mabilis na pumatak ang mga
luha ko na animo'y isang dam na ngayon lang nabuksan. Rinig ko rin ang paghikbi ng
aking mahal.

Madaming sana. Sana narinig mo ang huli kong sinabi. Sana hindi na lang tayo
pinagtagpo kung ganito na lang din naman ang magiging kinahihinatnan ng lahat. Sana
hindi ko hinayaang magkatagpo ang mga mata natin. At sana,

hindi na lang kita minahal.

Pero huli na. Hulog na hulog na ako sa babaeng 'to. Minahal ko siya sa unang
pagkikita namin kahit sa kaalamang kalaban siya. Minahal ko siya ng palihim.
Minahal ko pa rin siya kahit ibang 'ako' ang mahal niya. Minahal ko siya kahit
pilit kong tinitikis ang kasalanan niya sa inakala kong patay ko ng kakambal.
Minahal ko siya dahil siya ay si Luciana Shiranui, isang babaeng tanging humaplos
sa malamig kong puso. Ang tanging babaeng nagpatibok nito.

Tahimik akong lumuluha, nahihirapan akong yumakap pabalik sapagkat nagtatalo ang
isip at puso ko. Ayokong tanggapin na mawawala siya sa'kin. Na hindi ko na
maririnig ang boses niya. Na hindi ko na malalasap ang init ng kanyang pagmamahal.

Si Luciana Shiranui. Mahahambing siya sa isang puting rosas. Isang babaeng


kinakatakutan ng marami. Lalayuan mo dahil maraming tinik pero kung titingnan mo ng
mabuti ay kasingganda at kasingtangi siya ng puting talutot ng bulaklak nito. Isa
rin siyang babae na pinatibay ng panahon at kalungkutan.

Masakit man aminin pero nakalimutan ko ito.

Nang nagsalita siya, hiniling ko sa unang pagkakataon sa Diyos na 'wag kunin ang
mahal ko. Na gagawin kong tama ang lahat.

Pero hindi niya binigay ang hiling ko, bumagsak si Nana at maagap ko siyang sinalo.
Ramdam ko ang panlalamig ng katawan niya nang haplusin niya ang aking pisngi. Unti-
unti siyang nawawala sa harap ko mismo at wala man lang akong naggawa.

Muling nagtagpo ang mga mata namin na pawang luhaan. Hindi man kami nagsasalita ay
ang mga puso na namin ang nag-uusap. At sa nanginginig kong kamay ay hinaplos ko
ang duguan niyang pisngi.

Tinuro niya ang sugatan niyang dibdib at pagkatapos ay dinala niya ang kanyang
kamay sa dibdib ko. Hindi man niya sabihin ay naintindihan ng puso ko ito. Mahal
niya ako.

Hindi na niya narinig ang sinabi ko. Wala na siya. Hindi man lang siya
nakapaghintay.

"Aa--aah!" Isang sumigaw na namumukod tangi. Isang sigaw ng pagkatalo at pighati.

Niyakap ko ang katawan niya habang ang mga kamay niya ay nakalaylay. Ayoko siyang
bitawan. Gigising pa siya, 'yan ang nasa isip ko pero isang tapik ang
nakapagpabalik sa'kin sa realidad. Nang lumingon ako ay ang kakambal ko ang nakita
ko. May sinabi siya pero hindi ko 'to maintindihan. Wala akong narinig maliban sa
mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alintana ang pagsabog ng paligid.

Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga. Ang pangyayaring 'yon na naman ang
napanaginipan ko. Kahit malamig ang paligid dahil sa aircon ay pinagpapawisan pa
rin ako. Bumangon ako at kumuha ng malamig na tubig kaya 'di sinasadyang nakita ko
ang kalendaryo,

Dalawang taon na rin pala ang nagdaan mula ng araw na 'yon.

Nana...

---------------------------------------------------------------

=================

Unmasked 1

Astrill in multimedia <3

________________________________________________________________
2 years later...

ASTRILL

Nagising ako dahil sa isang mahinang tapik sa aking balikat. Huminto na pala ang
tren na sinasakyan ko at tinapik ako ng isang ale. Agad kong inayos ang bag pack na
dala ko at mabilis na umimbis ng tren.

Isa akong dayuhan sa lugar na ito. Iginala ko ang aking paningin at mabilis na
pumara ng taxi na paparating.

"Terminal 138, manong." Agad na napatingin sa'kin sa salamin ang taxi driver. Sino
ba naman ang hindi mapapatingin sa akin kung sinabi ko lang naman ang terminal na
maghahatid sa akin sa Underworld Realm city.

Inilagay ko ang headset at tumingin sa labas ng bintana. Isa akong exchange student
galing Stratford University at ngayon ay lilipat ako sa D University na sa
pagkakaalam ko ay dating tinatawag na Dark High dalawang taon na ang nakakalipas.
Buong isang taon ng pasukan ako mamamalagi sa Underworld Realm city. Huminto na ang
taxi kaya nagbayad na ako ng buong isang libong pesos. Talagang mahal ang bayad
papuntang 138 Terminal dahil sa iilan lamang ang mga taxi driver na nangahas na
maghatid ng pasahero dito. O mas tamang sabihin na iilan lang ang may alam sa lugar
na ito. May posibilidad kasing maaari silang matambangan ng mga may masasamang
loob.

Nang malapit na ako sa bus ay hinarang ako ng isang mala bouncer sa laki na
lalaki. Tulad ng nasa instruction ay pinakita ko ang braso kong may tattoo ng isang
dragon na kulay itim. Mabilis na umalils sa pagkakaharang

ang lalaki. Ang tattoo ay simbolo na nagmula ako sa angkan ng mga Terrian na nasa
ilalim ng pamunuan ng Mercenaries society. Pumwesto ako sa pinakadulong bahagi ng
bus malapit sa bintana at agad na tumanaw sa labas. Labis akong namangha nang
pumasok na ang bus sa tunnel. Nang pumasok na kami sa gate ay ay dumoble ang
pagkamangha ko dahil tuluyan nang nalantad sa paningin ko ang buong syudad ng mga
mamamatay tao.

Kumpleto sa mga pasilidad at base sa obserbasyon ko ay mas makabago pa nga ang


Underworld Realm city kesa sa Metro Manila. Sa bawat daang nadadaanan ko ay wala
akong nakitang pulubi. Organisado ang paligid at ang mga taong hindi tanggap ng
lokal na pamunuan ng gobyerno ay malayang naninirahan dito. Huminto na ang bus sa
tapat ng malahiganteng gate at wala pa akong natatanaw na school building.
"Wow," mahina kong sambit nang sa pagtingala ko ay direkta kong nakikita ang
superficial sun. Ramdam ng balat ko ang init na nagmumula dito tulad ng init ng
totoong araw. Mas maliit na bersyon ng lang 'to. Ito ang nagsusupply ng solar
energy sa mga tanim dito. Isinasayaw din ng hangin ang buhok ko. Base sa nabasa ko
kaya nagkaroon ng hangin sa ilalim ng tunnel ay dahil sa air pipes nila at mga
windmills na nakapalibot sa buong Underworld Realm city. Nakakabilib talaga ang
Dark family.

"Hoy miss! Pumasok ka na!" Sigaw ng guard. Hindi ako nagpasindak at kalmadong
naglakad lang papasok sa unibersidad. At tulad ng palagi kong ginagawa ay inalisan
ko ng emosyon ang ang buo kong pagkatao.

Sa mundong ganito, ang sinumang magpakita ng emsyon ay talo.

ZEN

Tumunog

na ang pangalawang bell na ang tunog ay tulad ng sa isang grandfather's clock.


Hindi ako natinag mula sa kinauupuan kong sanga ng kahoy habang kumakain ng berdeng
mansanas. Akmang kakagat ulit ako nang may isang kunai na tumsok sa mansanas kaya
nawala ito sa aking pagkakahawak.

"Skipping classes again, aren't we miss Zen Nakahara?" Tinapunan ko lang ng bored
look ang matandang hukluban na siyang may kagagawan kung bakit wala na akong
kinakain ngayon.

"It's not skipping Lady Sandy it's what you called resting." Sagot ko ng may bahid
ng sarkasmo at ngumiti ng matamis pagkatapos. Namula naman sa galit ang mukha ng
Statistics professor namin na si Lady Sandy. Ang pinakaterror na guro sa buong D
University. Bago pa niya ako tapunan ng mga kunai ay tumalon na ako mula sa punong
kinauupuan ko at mabilis na humarurot ng takbo papuntang gate bago pa ito tuluyang
magsara.

Natatawang liningon ko ang kinaroroonan ni Lady Sandy kaya hindi ko napansin ang
isang babaeng kasalubong ko. Ang resulta? Edi nabunggo ko siya, oops!

"Fuck!"

"Damn!"
Sabay na bulalas namin. Mabilis akong nakatayo kaya tinulungan ko siya sa pagtayo.
"Sorry miss." Dali-dali akong tumakbo at baka maabutan ako ng pagsasara ng gate.
Isang metro na lang ang kulang at magsasara na ang gate kaya ang ginawa ko ay
nagpadaosdos ako sa lupa para makaabot ako. Saktong pagsara ng gate ay nakalusot na
ang ulo ko.

"Wew! Muntik na ako do'n ah!" Nakalingon kong saad habang nakangisi at nakatanaw sa
saradong gate ng D University. Saka ko pa lang naalala ang

nabunggo kong babae. Hmm bagong mukha so bagong student. Bibihara lang magkaroon ng
mga transferee sa D University. Napangisi na lang ako sa naisip.

ASTRILL

Naiinis na pinagpagan ko ang sarili habang nakatanaw sa papalayong imahe ng babaeng


bumunggo sa'kin. What will I expect? Walang values subject ang university ng mga
mamamatay tao. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Mukha kasing mahaba-habang
lakaran pa 'to bago ko makita ang school building. Iginala ko ang mata sa paligid.
Madaming pine trees kaya mahamog ang nakapalibot sa university. Mga nagtataasang
mga puno sa paligid. May natanaw akong matandang babae na papasalubong sa gawi ko.
Mukhang strikto siya dahil sa tabas ng kanyang mukha at korte ng salamin.

"Ikaw ba ang exchange student na si Astrill Terrian?"

"Oo," maikling sagot ko.

"Follow me." Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Sinundan ko naman siya


habang patuloy akong nagmamasid sa paligid. Sumakay kami sa isang school service at
nang huminto ito matapos ang 20 minutes na byahe ay saka bumungad sa'kin ang isang
Spanish inspired building. May natatanaw na akong mga estudyante nang pumasok na
kami sa dambuhalang gate. Dumaan kami sa mga maraming hagdan hanggang sa huminto
kami sa tapat ng isang pinto na may nakasulat na 'Headmaster Office'. Kumatok ang
babaeng kasama ko na napag-alaman kong Lady Sandy ang pangalan.

"Bukas 'yan," isang baritonong boses ang sumagot na nakapagpatuwid ng tayo ko.
Pumasok na kami sa opisina at nakita ko ang lalaking nakaupo na may hawak na
kopita. Yumukod si Lady Sandy kaya gumaya na lang din ako. May kakaiba sa lalaking
'to. Pinaupo niya kami na agad naming ginawa lalo na at nangangalay na ang binti ko
kakalakad.

"Welcome to D University Miss Terrian. Si Prof Sandy na ang bahala sa'yo."


Dismissal ang tono niya kaya tumayo na kami para magpaalam ng bigla siyang
nagsalita.

"Pumasok ba si Miss Nakahara?" Magaan ang boses niya kung ikokompara sa malamig na
aura niya kanina kaya naging interesado ako sa pakikinig.

"Tumakas na naman siya Headmaster." Magalang na sagot ni Lady Sandy habang


nakayuko.

Tumakas? Biglang pumasok sa isap ko ang babaeng nakabunggo ko kanina. Possible kaya
siya 'yon?

"Bigyan mo siya ng type A na parusa." Seryoso naman ang boses niya ngayon.

"Opo headmaster," binuksan na ni Lady Sandy ang pinto pero bago ako tuluyang
umalis ay nilingon ko muna ang pangalan ng headmaster na nakasulat sa ibabaw ng
mesa niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkabasa ko ng pagalan niya at hindi ko alam
kung bakit.
'Headmaster Ciel Loong'

TBC...

=================

Unmasked 2

Zen in multimedia <3

_________________________________________________________________
ZEN

"Totoy!" Malayo pa lang ay may tumawag na sa palayaw ko. 'Andito ako sa isang bar
slash arena na matatagpuan sa Ground Zero at manunuod este makikipusta ako sa
mangyayaring gang fight.

"Yo!" Sumaludo ako na animo'y isa akong police pero tumawa ako pagkatapos pati na
rin si Chase.

"Pupusta ka toy?" Tanong niya sa'kin at kinuha ang maliit notebook na nasa likod ng
pantalon niya.

"Aba oo naman, sino ba magtatapat ngayon?" Inaninag ko ang isang malaking screen
sa arena at nakita ko ang mga pangalan ng gang na lalaban ngayon. "Sa Nexus ang
pusta ko." Binigay ko kay Chase ang pera ko.

"Limang daan? Sa manok ka na lang pumusta toy!" Akmang ibabalik niya sa'kin ang
pera nang may tinawag akong mga pangalan ng mga chika babes niya. Bago ko iniwan si
Chase ay nginisihan ko muna siya. Nilapitan ko ang babaeng pinagtataguan ng mokong.
Pipigilan sana niya ako pero nakalapit na'ko.

"Hey, what a nice shoes you have!" Pasweet kong approach sa babae kaya napahinto
siya sa paglalakad habang nakatingin ako sa sapatos niyang 'eww' sa kagandahan
dahil halos sira na ito. Muntik na akong mapangiwi pero ngumiti lang ako ng matamis
nang tingnan ko na siya sa mukha. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Aba't! "Oh
ikaw si Lena di ba? Yung kasama ni Chase last time?"

Nakuha ko naman ang atensyon niya nang mabanggit ko si Chase. "Yeah, alam mo ba
kung nasaan siya?"

/>

"Of course, wait here okay?" Umalis ako sa harap ni Lena at naglakad palapit sa
babaeng nakaupo sa may bar counter. Siya naman ang latest girl ni Chase. Pero
nakaka anim na hakbang pa lang ako nang may humatak na sa'kin palayo.

"Oo na oo na! Ako na magbabayad sa kulang ng pusta mo." At dahil sa sinabi niya ay
napa 'Yes' ako sa isipan ko.

"Pambihira naman oh, pa'no mo ba nalaman kung sino mga nakadate ko?" May halong
irita sa mahina niyang boses.

Inikot ko na lang ang mga mata ko sa kadramahan ng lalaking 'to. "Ngayon ka pa ba


naman magrereklamo sa tagal ko ng ginagawa 'to sa'yo?" Nilayasan ko na ang mokong
na 'yon at naghanap ng pwesto malayo kay Lena. Malapit na kasing magsimula ang
laban. Madugo 'to panigurado, ang bakulaw ng mga mukha ng parehong kampo eh. May
nakita na akong pwesto pero may nakaupong lalaki dito, mga nasa mid forties na ata
ang gulang.

"Alis dyan," nakatayo ako sa harap ng kinauupuan niya. Kunot noong tiningnan niya
lang ako kaya naiinis na bumuntong hininga na lang ako. "Sabi ko alis dyan." May
diin na sa bawat salita ko. Gusto ko ng umupo at napakahirap kausapin ng panget
na'to!

"Miss ikaw ang umalis kung ayaw mong makatikim mula sa'kin," pinatunog niya ang mga
buto niya sa kamay at pinagalaw niya ang mga muscles niya. Tinaasan ko lang siya ng
kilay at nang akmang tatayo siya para umatake ay mabilis kong hinablot ang hawak na
kopita ng isang babae na dumaan at tinapon ko 'to sa mata ng panget.

"Arg--g!" Sigaw niya habang nakahawak sa mga mata niya. Sinamantala ko

ang pagkakataon at hinampas siya ng metal na upuan sa batok niya. Napatulog siya ng
wala sa oras kaya bago pa ako maunahan ng iba ay kinapa ko ang bulsa niya at
presto! May pitaka siya.

"Salamat ah," winagayway ko ang pitaka niya at ibinulsa 'to bago ako umupo sa upuan
na kinauupuan ng panget na 'yon kanina.

"May nadale ka na naman totoy!" Sigaw ng isang costumer. Kumaway ako sa mga
nakinood sa ginawa kong eksena, "Thank you thank you!" Sagot ko na sinuklian nila
ng tawanan. Natanaw ko si Chase na napapailing sa eksenang ginawa ko. Dinala na ng
mga kalalakihan sa sulok ang nakaharang na katawan ng panget.

Tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang laban pero may nakita akong pumasok
sa entrance.

"Shit," mahina kong saad at agad na naghanap ng malulusutang lugar.

ASTRILL

Kanina pa ako nakatitig sa school map na bigay ni Lady Sandy sa'kin pero hanggang
ngayon ay talagang hindi ko maintindihan ang nakaguhit. Nandito pa rin ako sa harap
ng D University dorm building. Naalala ko kanina bago ako iwan ni Lady Sandy sa
locker room.

Pumasok kami sa isang malaki at marangyang hallway na puro pulang lockers lang ang
andito. Huminto si Lady Sandy sa tapat ng isang locker.

"This will be your locker and here is the key. Keep it safe, I tell you." May
warning sa boses niya at tinanggap ko ang susi.
"Nandyan ang dorm key, uniform, school manual at class schedule mo. Oh pa'no,
maiiwan muna kita at may klase pa ako." tahimik lang akong

tumango bilang sagot at umalis na siya sa locker room.

At ngayon ay hindi ko alam kung saan ako papasok sa limang gates na nasa harap ko
ngayon. Wala namang nakalagay sa mapa kung saan dapat ako. Pinagtitinginan na ako
ng mga dumadaang estudyante. Maliban sa hindi ako naka school uniform ay nagmumukha
na akong tanga dito. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Ayaw kong
magkalat lalo na at baguhan lang ako dito. Hindi ko pa alam ang sistema dito. Para
akong isda na inilipat ng aquarium. Hindi ko alam kung sino ang maaaring magdulot
sa'kin sa kapahamakan. At maaaring nasa tabi tabi lang sila.

"Miss weird," may sumitsit. Hindi ako lumingon dahil hindi naman ako ang tinutukoy.
At lalong lalo ng hindi ako weird. Lumakad ako papuntang dorm A nang may biglang
nag bato sa'kin sa likod. Magaan lang ang binato sa likod ko kaya alam kong papel
ito. Napakuyom ang kamao ko at marahas na lumingon para lamang bahagyang magulat.
Ang babaeng nakabangga sa akin kanina ay prenteng nakasandal sa isang puno hindi
kalayuan sa'kin.

"Are you fucking talking to me?" Malamig kong tanong sa kanya. Ngisi at kibit
balikat lang ang sagot niya kaya lalong akong naasar.

"Ikaw 'yong nabangga ko kanina di ba?" Tanong niya sa'kin habang ngumunguya ng
chewing gum.

"Oo bakit?"

"Suplada mo miss pero dahil may atraso ako sa'yo tutulungan kita sa problema mo,"
hinipan niya ang chewing gum at pinaputok 'to sa bibig niya. "Ando'n ang dorm mo,"
Turo niya sa Dorm E.
"Dorm E?" Bakit ako dyan eh hindi naman ako low class warrior?

"Diyan talaga ang mga new students miss." Naglakad siya at papunta sa'kin ang
direksyong tinatahak niya. Sa paraan ng paglalakad niya ay parang wala siyang
pakialam sa mundo habang ineenjoy niya ang pag nguya sa chewing gum. Tinitigan niya
ang mata ko habang palapit siya ng palapit sa'kin at ako naman ay nakipagtitigan
din sa kanya. Pero nang akala kong hihinto siya sa harap ko dahil sa sobrang lapit
niya lang ay nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa mabangga niya ako. May mga
nabitawan akong dala kaya mabilis ko itong dinampot. Fuck!

Biglang naglaho ang pagiging kalmado ko at akmang susugod sa nakatalikod na pigura


ng babae nang biglang may pumigil sa'kin na kamay. Pagkatingala ko sa mukha ng
pumigil sa'kin ay napaurong ang dila ko.

"Headmaster," sabay na saad namin ng babae.


TBC....

=================

Unmasked 3

Ciel in multimedia <3

______________________________________

ZEN

Ngumiti ako ng nakakaloko habang pinapanood ko si Astrill Terrian na napaurong kay


headmaster at base sa kanyang pagkakatitig ay alam kong nahumaling siya sa mukha
nito. Napailing na lang ako. Iba talaga ang karisma ng headmaster. Nang matagalan
na ata ang kanilang pagtititigan ay tumikhim ako para maibalik silang dalawa sa
realidad. Ang layo na kasi ata ng nalakbay ng mga isip nila. Hello! Andito pa ako
noh!

"Staring contest ba 'yan? Pasali naman oh," pinaliit ko ang boses ko para mairita
silang dalawa. Marami na ang nagsabi na talagang nakakairita ang boses ko pag
pinaliit ko ito. Sabay silang natauhan at sabay din silang bumaling sa akin.
Umiiling na tiningnan ako ng headmaster habang masama ang tingin ni Terrian sa'kin.

I really love to irritate people.

"Oo nga pala headmaster, saang dorm house ba siya? 'Yan ang dilemma niya kanina
bago ka dumating at makipagtitigan sa kanya," inikot ko ang mata ko habang nag
inarteng parang masusuka. Namula naman ang mukha ni Terrian habang balewala lang
kay headmaster ang pambubuska ko sa kanila.

"Miss Terrian belongs to Dorm A." Hindi na ako nagtaka kung bakit A siya.
Kadalasan sa mga exchange students ay nalalagay talaga sa A dorm house. Hindi tulad
ng SC dorm house. Iniinis ko lang siya kanina kaya sinabi kong Dorm E siya.

Ang Spider Web ay tawag sa SC dorm house dahil dito nakatira ang mga myembro ng
Spiders. Ang Spider naman ay isang kilalang samahan na itinalaga

mismo ng Dark Family's second in command, Alexander Montegracia. Binuo ang Spider
dalawang taon na ang nakakaraan matapos ang Taetoku Great War II. Ang Spider na ata
ang pumalit sa Phoenix sa kasikatan. Pero may kakaiba sa Spider, ang grupong ito ay
hindi binuo para magtulungan sa halip ay binuo para sa isang kompetisyon sa bawat
myembro ng Spider. Masasabing walang leader ang grupo at lalong lalo ng hindi sila
magakakaibigan. Magkasama lamang sila pag may ipinagagawang trabaho labas ng
Underworld Realm city ang Dark Family.

"Thank you headmaster," saad ni Astrill at binitbit na niya ang maleta niya
papuntang gate ng A dorm house. Nang tuluyan na siyang pumasok ay nagsimula na rin
akong maglakad palayo.

"Where do you think you're going, Miss Nakahara?"

Painosenteng lumingon ako sabay ngiti kay headmaster.


"Sa klase ko, headmaster." Maamo pa sa tupa kong sagot sa kanya pero hindi ata
umepek ang pagpapaamo style ko sa kanya dahil hindi nagbago ang ekspresyon niya
kaya ang tanging nagawa ko n alang ay mapakagat sa aking labi. Patay.

Tumingin siya sa kanyang relo. "Wala nang may klase ngayon Miss Nakahara,
pinagloloko mo ba ako?"

Parang binuhusan ng suka sa putla ang mukha ko. Alam ko na 'ata kung saan patungo
ang pag-uusap na ito.

"In ten seconds dapat ay nasa D Chamber ka na," seryosong pahayag ni headmaster at
umalis na. Aish! Nagulo ko ang buhok ko nang tuluyan na siyang maka-alis sa inis.
Ayoko talaga sa D Chamber.

Ang chamber ay tulad ng detention room pero ang kaibahan

ng D Chamber ay type A punishments ang andito. Talagang parusa. Nagdadabog na


tinahak ko ang direksyon papuntang D Chamber na matatagpuan sa likurang bahagi ng
auditorium kaya talagang pagpunta pa lang do'n ay parusa na. Ang layo ba naman!

May nakakasalubong akong mga estudyante. May bumati at may mga walang pakialam.
Nang makarating na ako sa D Chamber ay dumiritso ako sa locker room. Balewalang
nagtanggal uniform ako kahit may possibilidad na may pumasok ot makakita ng
pagbobold ko. Ang tanging itinira ko sa katawan ko ay blouse, shorts, underwear,
bra at sando. Itinali ko ang buhok ko at lumakad na ako sa pasilyo. Bumungad sa'kin
ang isang counter na may gwardyang babaeng nakabantay. Pero 'wag ka, panglalaki ang
katawan ng babae.

"Name?" Tanong ng gwardyang babae sa counter sa'kin. Ang kapal talaga ng boses
niya kasing kapal ng lips niya.

Kalmadong sumagot naman ako, "Just write Nakahara." Binasa na niya ang assault
record ko ngayong araw. Dyan kasi magbabatay ang uri ng punishment ko.
"Type A. Dumiritso ka na sa---"

"---torture room,"ako na lang ang tumapos sa nais niyang sabihin pa. Tumataghoy ako
habang naglalakad ako sa pasilyo ng D Chamber. Ang tanging maririnig mo lang ay mga
nguyngoy ng pighati at sakit, pisikal man o emosyonal. Nangangamoy dugo rin. Ano pa
nga ba ang aasahan mo sa D Chamber alangan namang may party dito.

Hindi na ako kumatok para mabuksan ang torture room dahil nang-aanyayang nakabukas
na ito pagdating ko. Pagtapak ko sa loob ay agad

pumuno sa ilong ko ang baho ng tuyo na dugo. Nasa paligid din mapasahig o dinding
ang mga marka ng mga natuyong dugo. Awtomatikong nagsara ang bakal ng pinto sa
likod ko.

Walang masyadong tao rito di tulad ng ibang punishment areas. Kadalasan ay hindi
talaga ito nagagamit. Hinubad ko na ang blouse ko kaya tangin sando, shorts, bra at
panty na lang ang natirang sinusuot ko. May dumating na malalaking mga lalaki na
may takip sa buong mukha nila. Sila ang mga punisher o ang magpapasakit sa'kin.

"Take off your sleeveless. Balat sa balat tayo dito." Utos ng isang punisher kaya
pinaikot ko na lang ang mata ko.

Tinanggal ko na nga ang puting sando kaya tumambad ang isang tattoo na halos
umukopa sa buong likuran ko.

Napatitig ang mga punisher sa tattoo ko na...


...isang malaking gagamba na may numerong 13 sa ulohan nito.

Oo, isa ako sa mga Spider member.

Hindi ako nagpatali total hindi naman ako manlalaban. Tumayo lang ako at yumuko
habang nakahawak sa metal ang dalawa kong kamay. Naramdaman kong humakbang sila
papalapit sa akin. Dinig na dinig ko rin ang pagkakahila nila sa isang latigong
pinapalibutan ng mga bubog sa duluhan nito.

At sa paghagupit ng unang parusa ay mahigpit kong hinawakan ang bakal na tanging


suporta ko. Sa bawat pagdaan ng minuto ay ang mas dumadami ang mga nagtatalsikang
dugo. Hindi ko na rin alam kung ilang litrong pawis ang nailabas ko sa aking buong
katawan pero hindi ako sumigaw miisang beses man lang.

Sanay na sila sa akin dito. Kumbaga, natural ng tanawin ang pagkakatorture ko dito.
Paulit-ulit na kasi akong naglabas pasok sa D Chamber dahil sa mga pagkacutting ko
pero hindi pa rin ako tumitigil. Prime rule ng D University: Bawal lumabas.

Humihigal na umupo sa sulok ng torture room ang mga punisher. Kawawa naman sila,
napagod ata sa kakahataw. Nilingon ko sila. "Oh mga bro, kaya pa?" Nakangising
tanong ko sa kanila.

Umiiling na tumayo sila at binuksan na ang torture room. "Our job is done. You can
go now." At sabay silang umalis. Hindi man lang ako binigyan ng damit.
Umayos ako ng tayo at pinulot ang sando at blouse. Sinuot ko ang mga ito kahit tila
naliligo ako ng dugo. Matapos kong maisuot ang aking mga damit ay nag stretching
muna ako bago tuluyang umalis ng torture room.

"Fuck I'm so tired," antok na antok kong saad.

TBC...

=================

Unmasked 4

Astrill's Point of View

Nakatayo ako sa harap ng mga estudyante at balewalang nakapamulsa sa harap nila.


May ibang curios kung makatingin sa akin. May ibang may sariling mundo. Ito ang
magiging classroom ko for the whole school year, ang Section A. Base sa mga nakalap
kong impormasyon mula kahapon pagdating ko, ang Section A ang pangalawa sa mga
kilalang section sa buong D University. Pinakauna ang Special section na may mga
piling estudyante lamang.
"Class, listen to her!" Pero daig pa ang kausap ni ma'am ang hangin dahil sa
walang nag abalang makinig sa kanya. I felt a little sorry for her. At dahil walang
nakinig ay tinapik ko na lang ang balikat ni ma'am at umupo sa isa sa mga unang
bakanteng upuan. Ayokong magpahuli dahil ang gulo ng nasa likuran.

"Thanks for the effort ma'am." Tumango lang si ma'am at matipid na ngumiti.

Matapos ako umupo ay kinuha ko na ang textbook na dapat basahin. I guess this
chaotic class will be my companion for a year. Kabaliktaran sa paaralan na
pinapasukan ko dati. Oo mga anak ng mga may koneksyon sa Realm ang nag-aaral do'n
pero hindi ganito ka balasubas. Tahimik akong nagbabasa at minsan ay sumusulyap kay
ma'am na busy magdiscuss sa harap kahit mukhang iilan lang kaming nakikinig sa
kanya.

I am not that heartless person nor the introvert type but I just prefer to remain
silent, observing things around me.

Mula sa lugar na pinanggalingan ko ay tinatawag na nila akong weirdo. Dahil siguro


sa asul kong mata na animo'y

yelo sa lamig. Hindi ako palasalitang tao pero hindi ibig sabihin no'n ay wala na
akong social life. I have a few strings of friends way back where I came from.

Nagpatuloy na lamang ako sa ginagawa ko nang may biglang may naramdaman akong
nakamasid sa'kin mula sa labas ng bintana kaya 'di sinasadyang napatayo ako ng
marahas upang mas makita ito. Nakatutok lang ako sa bintana kaya hindi ko napansin
na ako lang pala ang pinagtitinginan ng mga tao dito.

"Miss Astrill? May problema ba?" Doon lang ako napabaling kay ma'am pati sa buong
klase na curios na nakamasid sa'kin. Hindi ako nagpahalata na naiilang ako at
balewalang umupo ako na parang walang nangyari.

"Okay let's continue," pagpapatuloy ni ma'am sa diskusyon niya habang pinagpatuloy


ko ang pakikinig sa kanya ay naging alerto na ako. Dapat hindi ko makalimutan na
andito ako sa isang marangyang unibersidad ng mga kilalang mga mamamatay tao at
pinapatakbo mismo ng Dark family ang D University. Isang buntong hininga na lang
ang nagawa ko. Bakit nga ba ako pa ang nabunot na pumunta rito.

Zen's Point of View

Oh? Naramdaman niya pala ako? Nice one, neophyte. Nasa isang sanga ako malapit sa
room ng mga class A students habang kumakain ng isang mansanas. Napaka interesado
ng Esther na 'yon. Teka. Esther ba pangalan ng exchange student? Parang hindi ah.
Asther? Ashley? Astrin? Ah basta 'yong bago! A ata simula ng pangalan niya o E? Psh
bahala na!

"Zen, nagtatago ka na naman?" May isang boses na nagsalita sa likod ko at dahil


busy ako sa kakaisip

sa totoong pangalan nang exhange student ay binalewala ko lang 'to. "Ah oo," wala
sa sariling sagot ko sa boses.

"Ash... Ashren?" Ay hindi hindi mali pa rin.

"Astren?" ay hindi pa rin hmmm...

"As... As... Ass... As---"

"Astrill."
"Oo tama! Astrill! Hay naku 'yon pala ang tot---" Naputol ang paglilitanya ko ng
mapagtanto kong may ibang boses na sumasagot sa akin kanina pa. Nanlamig ang
katawan ko at parang nagka stiff neck ako dahil ayaw na ata magalaw ng leeg ko para
lingunin ang leeg ko. May mga butil ng pawis ang unti-unting nabubuo sa aking noo
at namumutla na rin ata ako.

"M-mu-multo ka ba?" Nanginginig na tanong ko at pilit na kinakalma ang sarili ko.


Pero walang sumagot kaya nadagdagan ang takot ko. Iba't ibang imahe ang naglalaro
sa isip ko. Kung bakit naman kasi ang hilig manuod ng horror films ni sixth.

Sa tagal ko na dito sa D University hindi lingid sa akin ang kaalamang maraming


namatay dito lalo na sa rank examination week nila kaya hindi imposibleng may mga
multo nga. Eehhh!

"Boo," hindi ko namalayan na andyan na pala siya sa likod ko kaya billang isang
dakilang matatakutin ay napasigaw ako ng kay lakas lakas na dahilan para mahulog
ako sa puno.

"Waaah!" Matinis na sigaw ko at nakipag lips to lips na ako ng tuluyan sa lupa.


Isang halakhak ang maririnig sa paligid na napaka pamilyar. Sa nahihirapang
kalagayan ay bumangon ako at tiningala ang lalaking nasa sanga at kinakain ang
mansanas ko, waaah!

"Still clumsy as always 13th," saad ng lalaki. Tumayo naman ako ng maayos at
pinagpagan ang nagusot kong uniporme.

"Still bully as ever sixth," inikot ko ang mata ko at bumalik sa pagkakatuntong sa


sanga ng kahoy at tumayo sa tabi ni sixth na nakaupo at nakaharap sa class room ng
mga class A students.
"Galit na sa'yo si Lady," tinutukoy niya ang matandang hukluban na 'yon.

"Pake ko? Ang boring niya tsaka wala naman tayong misyon mula kay headmaster kaya
maghahanap muna ako ng libangan." Sumandal ako sa katawan ng puno habang nilalaro
laro ang kuko.

"Sino naman ang kaawa-awang napili mong laruan ngayon 13th?"

"Hulaan mo, abnoy."

"Ang exchange student walang duda," siguradong niyang sagot. Alam naman pala ng
mokong na 'to at nagpanggap pa! Ang sarap lang batukan.

" 'Wag kang haharang sa mga plano ko sixth, ayaw mo naman sigurong masali sa mga
laro ko." Nakakalokong saad ko sa kanya kaya napalunok siya ng ilang beses.

"Rest assured 13th, wala akong planong maging laruan ng mga psychotic games mo,"
saad niya at mabilis na tumalon ng puno. Naiwan akong nagpipigil ng tawa.

"Duwag ka talaga sixth!" At binato ko siya ng mansanas pero malayo na ang natakbo
niya kaya hindi siya natamaan. Sayang!
Nilingon ko ang bintana na malapit kay Astrill girl. For some reason, I find her
interesting.

"Welcome to my game," mahinang bulong ko sa hangin at tumalikod na sabay talon


pababa.

TBC...
=================

Unmasked 5

a/n:

Hulaan niyo, alin kay Astrill at Zen si Luciana? Mystery pa rin to guys :)

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------

Astrill's Point of View

Tumunog na ang bell na nagtatapos ng lahat ng mga klase sa D University. Lumingon


ako sa orasan na nasa unahang bahagi ng room at nakasaad do'n na pasado alas sais
na. Mabilis na nagsipulasan ang mga tao sa hallway. Malapit na rin ang dinner time
kaya lahat ay papunta lang sa iisang direksyon, sa grand cafeteria. Tahimik na
sumunod lang ako sa agos ng mga estudyante. Nang dumating na ako sa loob ng
marangyang Grand cafeteria ay umupo ako sa tabi ng dalawang babaeng busy kumain at
magchismisan. Parihaba ang mga mesa dito at iisang mesa lang kada klase. Hindi na
kami kailangan tumayo para kumuha ng pagkain dahil may mga waiter na nagkalat at
sineserve ang mga pagkain na nakaatas sa gabing ito.

Kukunin ko na sana ang kubyertos ko nang may biglang nagpalakpakan at nagsisiiritan


ang mga babae sa paligid. Curios na lumingon naman ako kung sino o ano ang
pinapalakpakan nila. Mga estudyante lang naman pero kakaiba ang uniform nila kesa
sa amin. Nasa unahan naman nila ang headmaster. Nasa mga lampas sampu ang bilang
nila. Bakit sila pinagtitinginan?
"Nandito ang Spiders," mahina pero may kilig na saad ng babaeng katapat ko na
kausap ang babaeng katabi niya.

Spiders? Grupo ba 'yon dito sa D University? Pumwesto sa unahang mesa ng sa'min ang
mga Spiders na tinatawag nila habang umupo

naman sa six sitter couch ang headmaster katabi ang ibang head admins ng D
University. Sila ngayon ang center of attraction ng buong lugar.

"Himala nga ey na kompleto sila. No'ng mga nakaraang araw ay wala sila kahit
opening ceremony 'yon." Sagot naman ng kausap niya. Nagpatuloy akong kumain pero
nakikinig ako sa pag uusap nila.

"May narinig akong nag-uusap na mga Class C students na panay labas sila ng
university."

"May misyon na naman ata sila lalo na si 1st, 6th at 13th."

"Nakakatakot naman sila."

"Ganyan talaga, Mercenaries Society reapers eh," at nagpatuloy na sila sa pagkain


habang panay sulyap lalo na do'n sa dalawang lalaking may kulay sa buhok.
Isa nga talaga silang grupo na direktang sumasagot sa mga misyon galing sa
Mercenaries Society. Kung gano'n ay sila ang Special class. Nahulog ako sa isang
malalim na pag-iisip. Hindi ko alam kung ilang minuto ako nasa gano'ng estado nang
mapansin ko na lang na biglang tumahimik at nasa akin na lahat ng atensyon nila o
ang nasa likod ko. Dahan dahang lumingon ako at nakita ko lang naman ang mukhang
aking kinaiinisan.

"Si 13th ang lumapit?"

"Magkakilala ba sila?"

"Sino ba 'yang nilapitan ni 13th?"

"Ang swerte niya girls, nakatutok sa kanya ang buong special class pati ang
headmaster."

Puro ganya'n ang naririnig ko sa paligid. Mga walang kwentang bulungan ng mga
babae. At 13th? Siya pala ang tinutukoy ng dalawang

babae kanina? Hindi ko akalain na kasali ang babaeng atribida sa Spiders.

"What can I do for you?" Binalik ko sa pagkain ang atensyon ko na parang walang
maraming mata ang nakatutok sa'kin. Sanay na ako sa ganito.

"Here," may inabot siyang itim na sobre.


"Para sa'n 'yan?" I remained cautious kaya hindi ko tinanggap ang sobre.

"Galing sa crush mo." At walang habas niyang tinuro ang headmaster na nakamasid
lang sa'min. Napasinghap naman ang mga estudyante sa paligid at may narinig akong
may tumawa ng mahina mula sa mesa ng mga Spiders. Marahas kong tinanggap ang sobre
at tinitigan siya ng matalim pero sinuklian niya lang 'to ng isang kibit balikat at
ngiting nakakaloko.

Nagsibulungan na naman ang mga estudyante at balewalang bumalik ang babaeng


atribida sa mesa ng mga Special class. Sinundan ko siya ng matalim na sulyap
hanggang sa nakaupo na siya habang walang habas akong kumakain. Sinulyapan ko naman
si Headmaster Ciel Loong at nagkatagpo ang mga namin kaya agad akong nagbaba ng
tingin. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko pero binalewala ko 'to. Masyadong
nakakahiya ang ginawa ng atribidang 'yon sa'kin.

Humanda ka 13th.

Zen's Point of View

"Ano naman ang pumasok sa kukote mo at binigay mo sa kanya ang invitation na dapat
ay para sa'yo?"

"Ilang beses mo ng tinanong 'yan at ilang beses na rin akong sumasagot sa'yo."
"Sagutin mo ko 13th," demandin niyang saad. Hindi ko siya sinunod at napatuloy lang
ako

sa paglalaro ng darts.

"Oh? Kailan ka ba nanligaw?"

"13th," may warning na ang boses niya kaya pinapaliban ko muna ang pagbato ng draft
at nilingon ang nag aalburutong dragon.

"Panghuling sagot ko sa'yo. Trip ko nga lang ang pagbigay sa kanya," nababagot na
sagot ko. Lumakad ako papauntang dart board at isa isang kinuha ang mga darts at
pumwesto ako ulit.

Ang laman ng sobre ay isang invitation para sa isang band concert na magaganap sa
coloseum ng Underworld Realm city. Isang sikat na banda sa buong mundo na ang
bokalista ay kilala rin sa Underworld Realm bilang isang magaling mandirigma. VIP
invitation 'yon na bigay mismo ng taong 'to pero ayokong pumunta do'n. Wala naman
akong mapapala do'n. Lalong hindi ko ikakayaman ang panunuod ng isang band concert.

"Ang tindi talaga ng topak mo 13th. Ipapasarado ko ang mga casino bukas."

Ano? Mabilis ko siyang tinira ng isang dart pero gaya ng inaasahan ay nasalo niya
'to gamit ang dalawang daliri. Sinugod ko naman siya at inatake gamit ang kamao ko
pero iwas lang siya ng iwas.
"Huwag na huwag mong gagawin 'yan!" Hindi pwede magsara ang mga casino dahil gusto
kong pumunta do'n sa araw na 'yon. May tatalunin ako matandang amoy lupa at
paniguradong mapapasa'kin ang kanyang limpak limpak na salapi. Napabuhakhak ako sa
aking isipan.

Sa sobrang pag iimagine ko ay hindi na ako nakaiwas sa sipa niya kahit may sixth
sense pa ako. Tumalsik ako sa dinding ng game room pero agad akong tumayo at
nagpagpag sa sarili. Nadumihan na tuloy ako.

"Subukan mo lang hindi pumunta at ipapasara ko lahat ng mga casino," banta niya na
sinuklian ko lang na pag ikot sa mata ko.

"Edi gawin mo, isusumbong talaga kita kay Master Kiel."

"Isusumbong din kita na may pagnanasa ka sa master mo," ganting pananakot niya na
ikinabigla ko. Paano niya nalaman na may crush ako kay master Kiel? isang tao lang
ang pumasok sa isip ko, si sixth! lLgot ka sa'kin sixth mata lang ang walang latay
sa'yo!

"Oh natahimik ka?" Nakakalokong tanong niya sa'kin.

"Oo na oo na! Pupunta na ako sa lintek na concert na 'yan!" Binirahan ko na ng


pagtalikod si headmaster at umalis ng game room.

Nakakainis talaga ang headmaster na 'yon!


TBC...
=================

Unmasked 6

A/n:

I am not giving a clear clue pero may mga vague scenes dyan para malaman niyo kung
sino talaga si Luciana sa dalawa :) Masanay na kayo sa mga twists ko haha :D

Ace

-------------------------------------------------------------------

Astrill's Point of View

Andito ako sa balkonahe ng bagong dorm ko habang nakaupo sa balustre at hawak ang
itim na sobreng binigay ng atribidang 'yon. For some reasons ay nalipat ako rito
because of my sheer dumb luck.

Tanaw ko ang artificial sun na sa ngayon ay parang buwan sa ilaw na pinapalabas.


Madilim din ang paligid. Sa labas ng tunnel na'to ay gabi din. Hindi ko pa rin 'to
binubuksan. Hindi naman siguro 'to threat. At lalong hindi ako takot kaya lang
ayokong masabit ang pangalan ng unibersidad na pinanggalingan ko. Nasa balikat ko
ang pangalan ng Stratford University at alam kong ayaw ng Strartford na kalabanin
ang pinakasikat na paaralan sa buong Underworld Realm, ang D University. Tahimik ko
'tong binuksan. Tumambad sa akin ang isang invitation para sa isang VIP seat ng
band concert na magaganap mismo dito sa Underworld Realm city.

"Hell's Direction Concert?" Basa ko sa pangalan ng banda. Kilala ko ang bandang


ito. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa bandang sikat sa buong mundo hindi
lang sa Underworld Realm society kundi pati na rin sa mga taong normal lang.

Bakit 'to binigay sa akin ng atribidang 'yon? Hindi naman siguro 'to patibong.

"Hi!" May maliit na boses ang nagsalita sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang
isang babaeng nakapony tail ang buhok at naka pajama.

Isang tango at matipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.


"Ikaw

'yong babaeng nilapitan ni 13th kanina di ba? I'm Sahara, Astrill right?" Sabi niya
nung nakaupo na siya malapit sa'kin. Tumango lang ako ulit bilang sagot pero hindi
ko na siya nilingon. Tumahimik siya ng ilang sandali kaya lumingon ako ng bahagya
sa gawi niya. Nakatingin lang siya sa'kin ng nakangiti.

"Ang daming naiinggit sa'yo." Sabi niya na ikinataas lang ng isang kilay ko.
Nakakainggit? Sa'ng banda?

"Dahil ba sa sobreng binigay niya?"

"Nope. Dahil nilapitan ka ni 13th."

"Ano naman ang nakakainggit do'n?"

"Hindi mo ba sila kilala? Teka, bagong mukha ka pala talaga. Siguro transferee
ka."

"Alam kong Spiders sila," kilala ko naman sila ng konti. 'Yon nga lang ay base lang
sa mga narinig ko kanina.

"You're hopeless. Oo sila ang Spiders at sila rin ang kanang kamay ni headmaster
Ciel pero maliban do'n ay may iba ka pang 'di alam."

HInarap ko na siya. "Ano naman 'yon?"

"May 13 members ang Spiders. From 1st to 13th. Mga numbers na naka-assign sa kanila
ang mga codename nila. Sa 13 members na 'yon ay lahat sila Special class at lahat
sila pawang mga sikat sa D University. May labing dalawang lalaki sa grupo at nag-
iisang babae. Si 13th ang nag-iisang babae. Lahat ng labing dalawang adonis na 'yon
ay pawang nabigyan ng mga angking gandang lalaki kaya lahat ay nangangarap na
mapansin nila. Si 13th naman bilang nag-iisang babae ay nasa kanya napupunta lahat
ng pantasya ng mga lalaki sa university na binabalewala lang niiya. Well, kahit ako
naman ang pinapalibutan ng labing dalawang mga gwapong Spiders ay hindi na ako
lilingun sa iba." Mahabang litanya

niya.

"Hindi ko maconnect ang sinabi mo sa sinasabing nakakainggit ang ginawa ni 13th


sa'kin."

"Meron pa, si 13th ang kilalang ulo ng Spider o mas angkop na sabihing leader
though they claimed na wala silang leader dahil may competition daw sila sa sarili
nilang grupo. Siya ang nag rank 1 sa buong rank examination. Kilala siyang
deliquent sa university. Lumalapit lang siya pag kasali ka sa laro niya o 'di naman
ay bubullyhin ka niya. Luckily, minsan pa sa patak ng ulan sa desyerto siya kung
magpakita sa D University. Alam mo namang iba ang room nila pati hallway na
dinadaanan. To sum it up, nakaka inggit ka kasi parang interesadong makipagkaibigan
sa'yo ang Queen bee ng D University at may access ka pa sa headmaster." Kinikilig
niyang litanya.

So hindi lang pala ako ang may crush sa headmaster nila pati ata ang babaeng ito.
Access sa headmaster? Kung gano'n...

"...malapit ba sa isa't isa ang headmaster at si 13th?" Biglang nanulas sa labi ko


ang tanong na 'yan at huli na para mabawi ko pa.

"Na- nacurios lang ako sa sinabi mo." Puno kong sabi sa kanya.
"Nagseselos ka ba dahil crush mo si headmaster?" Tinusok tusok niya ang tagiliran
ko gamit ang daliri niya. "A-ano ba!" Umiiwas ako pero ang kulit ng batang 'to.

"Wala namang dapat ipagselos kasi one sided lang si headmaster kay 13th. Ang crush
ni 13th ay ang Underworld Realm lord na si Lord Kiel Loong." pabulong niyang saad
na animo'y nanunukso kaya bumaling ako sa ibang direksyon para 'di niya makita ang
pamumula ng pisngi ko at ang pagngiti ko.

Pero nakakainis lalo ang atribidang 'yon. One sided? Ang kapal lang ng mukha.

"Tumigil ka nga dyan." pagsaway ko sa kanya na tinawanan lang niya.

"Matutulog na ako, good night Astrill." Sabi niya at linisan na niya ang
balkonahe. Naiwan akong mag-isa at malalim ang iniisip. Kinuha ko ang cellphone ko
at tumingin sa paligid kung meron bang tao. Nang masiguro kong wala na ay may
tinawagan ako.

Someone's Point of View

"Gumagalaw na siya," saad ko habang nakatitig sa hawak kong lumang litrato.

"Nagkamali ako ng akala. Hindi umabot ng limang taon ang pananahimik niya." Saad ng
isang boses mula sa likod ko.

"Kailangan na ba tayo gumalaw?" Tanong ng isang boses na nagmumula sa gilid ko.

"We'll just wait for the GO signal." Pinal ang boses ko ng sabihin ko 'yon.
Nagsitango naman sila. Pinakatitigan ko ang isang larawan namin at biglang naghamog
ang aking mga mata sa mga ala-alang bumaha.

Sa wakas magbabalik na kami.


TBC...

=================

Unmasked 7

Zen's Point of View

Kasalukuyan akong umiinom ng wine dito sa maluwang na sala ng Spider's Web habang
pinapakinggan ko ang mga kapwa ko kagrupo na ginawang topic ang exchange student.

"Type ko ang exchange student na 'yon," saad ng malanding si fourth. Sa aming


labingtatlo, siya na yata ang nagbibilang ng kasintahan. Walang pinapalampas na
babae 'yan kahit at posteng may palda pinapatulan niyan. Kilala rin si fourth na
Lady's Man dahil madali siyang lapitin ng mga babaeng sawi sa pag-ibig at kalaunan
ang mga babaeng 'yon ang nagiging nobya niya. Paraparaan din ang kotong lupang ito
eh.

"Lahat naman ata type mo," sabi ni tenth. Kung anong landi ni fourth ay gano'ng pa
virgin naman si tenth. Para nga kami nagkaroon ng magulang sa katauhan niiya eh.
Don't get me wrong, pareho lang kami ng edad pero talagang makaluma lang ang mga
paniniwala ni tenth lalo na ang lifestyle. Pero may fans club pa rin 'yan.

"Shut up, tenth! Hindi mo ko naiintindihan." Depensa naman ni fourth sa pambabara


ni tenth.

"Spare that girl from your libido fourth," natatawang saad ni first na katabi ko
sa couch at may kung anong binubutingting sa tablet niya. Siya si first, ang
pinakasikat sa'min. Gandang lalaki check. Talino check. Lakas check. Saan ka pa?
Suplado nga lang 'yan pero hindi umeepeko 'yang pagsusuplado niya sa'kin. Naging
biktima ko na kasi 'yan sa isa sa mga laro ko at parang na trauma na ata dahil
hindi na niya ako sinusupla mula no'n.

"At bakit first, type mo rin?" Biglang tanong ni twelveth na naglalaro ng billiard
mula sa kabilang bahagi

ng sala kasama sina second at eighth. Si twelveth naman ang pinakamatakaw pero
binabawi naman niya sa exercise. Hindi 'to normal na exercise lang, ito ang mga
misyon na bigay ng headmaster. Si twelveth ang nakatokang maging field warrior o
kadalasan ay spy kaya siya ang palaging napapasabak sa laban. Si second naman ay
ang antukin sa lahat, sabi ni fourth kaya daw palaging antok si second ay dahil
nanunuod daw si second palagi ng porn. At hindi totoo 'yon, may kasintahan 'yang si
second na taga Metro Manila at kada gabi sila magkita. Parang Edward Cullen lang ng
Twilight ang drama 'di ba? At ito pa, nililihim niya 'to sa'min kaya nagpapanggap
na lang akong walang alam. Si Eighth naman ay siya ang sporty ng grupo, mula ball
sports hanggang track and fields ay bihasa ata ang lalaking 'yan. Kahit ako nga ay
hindi makatalo-talo dyan eh.

"Foul 'yan brad, walang sulutan ng babae 'di ba second?" Nakangising tanong ni
sixth kay second na may ibig ipahiwatig. Binigyan lang siya ng malamig na sulyap ni
second. Maloko talaga 'tong tsonggong 'to. Siya naman si sixth, pangalawang sikat
sa grupo dahil na rin siguro na approachable siya ng lahat. 'Yon nga lang madalas
ay hindi mo siya mahagilap. Tsismoso kasi 'yan eh, gusto niya alam lahat ng
nangyayari sa paligid niya tulad na lang ng sekreto ni second. Kasama ko siya ng
natuklasan ko 'yon. Siya kasi ang nilapitan ko no'n.

"Tumahimik na nga kayo, nasa'n na ba si third?" Biglang tanong ni nineth na


naglalaro ng play station kasama si seventh. Bakit nila hinahanap si third? Isang
magaling na chef si third kaya wala kaming tagapagluto dito dahil sa kanya lang

kami kumakain. Pati sa canteen ay hindi mo kami masyadong makikita dahil palaging
nagluluto si third. The best naman talaga ang luto ni third at sa ngayon ay nasa
kusina siya gumagawa ng panghimagas namin.

Si ninth naman ang hacker ng grupo. Matalino? Oo slight, talagang addict 'yan sa
mga computer at computer games. Ni minsan ay hindi ko pa natatalo ang mokong na
'yan.

"Hindi pa tapos 'yon sa dami ba naman natin," sagot ni seventh. Siya ata ang
pinaka creepy sa lahat ng creepy na kilala ko. Mahilig kasi 'yan sa hayop at katabi
lang ng kwarto ko ang kwarto niya kaya 'di maiwasang mapunta ang ibang hayop niya
sa kwarto ko. Wala naman sanang problema do'n kaso nung may naligaw na alaga niya
sa kwarto ko ay saktong naliligo ako. May gumapang mula sa paa ko papuntang binti
ko kaya through instinct ay napatay ko ang centipede. Nalaman ni seventh ang
nangyari sa pinakamamahal niyang alaga kaya naging laban ang sumunod na sandali. At
ito pa, nasaksihan ko siyang nilibing sa likod ng Spider's Web ang centipede na
'yon at kinausap. Ang creepy 'di ba?

"Teka mabalik tayo sa topic. Inventor daw ang babaeng 'yon thirteenth." Baling ni
fourth sa'kin kaya napalingon sila sa gawi ko. Ayan na, sinali na nila ako.
Nananahimik pa naman sana ako. Sarap ipalamon nitong wine glass kay fourth.

"So?" Sagot ko.

"Edi dalawa na kayong mga inventor," sagot niya rin with a 'duh' tone. Inikutan ko
lang siya ng mata.

"Malamang," pamimilisopo ko sa kaniya. Isa rin akong inventor, 'yon ang specialty
ko. Ako ang gumagawa ng mga sandata na ginagamit ng grupo kada may misyon kami kaya
minsan isang linggo bago ang nakatakdang misyon ay hindi mo talaga kao mahagilap sa
D University. Nagkukulong lang ako sa lab na kanugnog ng silid ko at gumagawa ng
mga bagong imbensyon.

"Come to think of it, nilapitan mo siya kanina 'di ba?" Tanong ni eleventh sa'kin
na kakadating lang. Si eleventh ang poison expert ng grupo kaya hindi siya
magandang galitin kung ayaw mong bumula bigla bibig mo.
"Nilapitan ko ba siya?" Pagmamaang-maangan ko.

"Plano mo ba siyang isali sa laro mo thirteenth?" Curios na tanong nila kaya


binigyan ko lang sila ng napakatamis na ngiti. 'Yong tipo na ngiti na napakaplastic
sa sabrang tamis.

"Oo na hindi. Kaya kung makikisali kayo ay isasali ko na lang kayo sa laro ko,"
nakangiti pa rin ako ng sabihin ko 'to at nakita ko ang sabay na pagkawala ng kulay
ng mga mukha nila.

"Hindi ko pala type si exchange student, mas type ko 'yong nasa section B!" Bulalas
ni fourth na sabay namang sinang ayunan ng iba. Para silang nag speach choir sa
pagiging sabay nila.

Napabuhakhak ako sa isip ko, takot naman pala eh. May utang na sa'kin ang Astrill
na 'yon. Wala naman talaga akong planong isali siya sa laro ko. May gusto akong
matuklasan sa kanya. May aura siyang hindi ko mawari. Hindi lingind sa kaalaman ko
na mula ng dumating siya ay may nangyayaring 'di maganda sa paligid. Gusto kong
matuklasan ang mga sekreto niya, sekretong kahit siya mismo ay walang alam. Kaya
time out muna ako sa mga laro ko.

May gusto akong matuklasan, ang misteryo sa mga pangyayaring naganap dito sa D
University.

TBC...

=================

Unmasked 8

Astrill's Point of View


Hawak hawak ko ngayon ang binigay na imbitasyon ng babaeng 'yon habang tahimik na
nakaupo sa ilalim ng mayayabong na sanga ng puno. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw na
tanaw ang field ng D University. Maraming nakaupo sa kanilang mga picnic blanket at
ineenjoy ang articial na araw. May naglalaro ng soccer, may kumakain lang, may
naghaharutan at may iba namang kontento lang na nag-uusap usap. Malayo ang tingin
ko dahil na rin nagtatalo ang aking kalooban kung pupunta ba ako sa concert na'to.

"Pupunta ba ako?" Tanong ko sa sarili ko sabay buntong hininga. Pang ilang buntong
hininga ko na ata 'yan sa umagang 'to.

"You should come," may boses na biglang sumabat na ikina alerto ko.Inalerto ko ang
sixth sense at kinuha ang kunai na nasa likuran ko pero wala akong nakitang
kakaiba.

"Up here," saad ulit ng pamilyar na boses at tumingin ako sa taas.

Nakita ko ang babaeng atribida na nakaupo sa sanga ng puno na kinasasandalan ko.


Ano naman ang pakulo ng babaeng 'to?

"Ano na naman ang pakay mo?"

"Sungit. Well, it just happened that this tree is my sanctuary and you came to
disturb my precious rest," balewalang sagot niya na ikinainit ng ulo ko. Sa lahat
ng mga sinusungitan ko, siya lang ata ang pinakanakakainis sa lahat. Siya lang din
naman kasi ang may ganang ngumiti kahit nagsusungit na ako, buti sana kung totoong
ngiti, yung ngiting aso ang binibigay niya sa'kin.

"Makaalis na nga lang," tumayo na ako at kinuha ang bag ko na nasa tabi ko lang
habang nasa kabilang

kamay ko pa rin ang imbitasyon.

"Eh? Teka lang Astrill! Mag-usap muna tayo!" Sigaw niya kaya naudlot ang
paghakbang ko palayo.

"Ano naman ang pag-uusapan natin?"

"Pumunta ka mamaya sa concert paniguradong mag-eenjoy ka do'n." May bahid ng


excitement ang tono niya. Isip bata ata 'tong pinagmamalaki nilang thirteenth.
"Why should I?"

"Aish! Basta mag-eenjoy ka do'n plus dahil VIP invitation yang bigay ko sa'yo ay
may chance kang makatabi ang crush mong si headmaster Ciel," panunukso niya. Sa
pagbanggit niya ng pangalan ni headmaster ay biglang bumilis ang pintig ng aking
puso ko, hindi ko alam kung bakit.

Napansin niya ata ang discomfort ko kaya napatigil siya sa panunukso at biglang
sumeryoso.

"Ayos ka lang?"

"Shut up." Sagot ko sa tanong niya at nagmadali na akong umalis.

Mamayang gabi na ang concert eksaktong alas sais ng gabi. Nagsimula na ako maglakad
papuntang next subject at ang puro maririnig ko lang na topic ay ang concert. Mula
sa labas, sa cafeteria, sa comfort room at pati ba naman sa hallway ay 'yang
concert na 'yan pa rin ang pinag-uusapan nila? Bahagya kong nalukot ang hawak kong
imbitasyon.

TUMUNOG na sa wakas ang bell kaya mabilis na nagsipulasan ang mga estudyante.
Lahat ay nagmamadali para makapaghanda sa nalalapit ng pagsisimula ng concert.
Napatingin ako sa wrist watch ko at nakita ko na quarter to 6 pm na.

"Kaya pala nagmamadali ang lahat," bulong ko sa

aking sarili.

Tahimik akong nagligpit ng gamit at lumabas sa room. Bumungad sa'kin ang


napakatahimik na hallway, nakakapanibago.

Malalim ang iniisip ko nang pagliko ko papuntang cafeteria ay may paang biglang
lumitaw kaya dahil hindi ko 'to inaasahan ay napatid ako at muntik ng bumagsak sa
sahig.

"Aaah!" Sigaw ko na sinundan naman ng isang tawa mula sa isang pamilyar na boses.
Nilingon ko ang walang modong pumatid sa'kin at gaya ng inaasahan ay ang atribidang
'yon na naman.
"Ano na naman?" Naiinis kong tanong sa kanya. Sumandal siya sa pader na tinitigan
ako na ngumiti lang sa huli. Baliw ba 'to?

"Hindi ka pupunta?"

"You knew the answer," saad ko at nagkibit balikat lang siya. "Why are you here?"
Sa halip ay tanong ko na lang sa kanya.

"You knew the answer," ganting sagot niya na ikinakunot ng noo ko. Pinagloloko ba
ako nito?

"Well, dahil hindi ka na talaga mapilit ay aalis na'ko. Bye!" Biglang saad niya at
agad na tumalon sa isang bukas na bintana malapit sa'min.

May ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ko pinagpatuloy ang aking paglalakad
papuntang cafeteria. Napakatahimik ng paligid, 'yong tipong dinig na dinig ang
bawat hakbang ko sa hallway. May ilaw na rin dahil nag-aagaw na ang liwanag at
dilim.

Natanaw ko na ang salamin na pintuan ng cafeteria nang biglang may kaluskos akong
narinig pagkadaan ko sa isang silid. Bigla akong napatigil sa paghakbang pero hindi
ako lumilingon. Pinagana ko ang sixth sense, may kaluskos ulit! At nasa loob ng
silid! Mabilis akong naglakad at nang nasa harap na ako ng pintuan ng silid ay
bigla akong nagdalawang isip kong bubuksan ko ba ito. Ilang segundong nakatanga
lang akosa harap ng pinto hanggan sa dahan-dahan kong inabot ang siradora ng pinto
at pabalya ko 'tong binuksan.

"Aaa---hhh!"

Napaupo ako sa sahig matapos akong mapasigaw habang hindi ko maalis ang tingin ko
sa loob ng silid. May yabag na paparating pero hindi ko na 'to ininda.

"Yah! Astrill okay ka lang? Anong nangyari?! Hey! Sumagot ka!" Sunod sunod na
tanong ng isang humahangos na Zen sa akin habang sinusuri niya ang katawan ko kung
may sugat ba ako. Hindi niya pa nakikita ang loob ng silid.

Nang mapansin niyang walang kurap kurap akong nakatingin sa loob ng silid ay
lumingon na siya sa wakas.
"Fuck!" Bulalas niya.

Isang lalaking duguan ang nakasandal sa pader at paharap sa pinto. Nasiguro kong
lalaki ito kahit medyo hindi maliwanag ang paligid dahil sa uniporme nito at tindig
nang katawan. Nakatalikod ang katawan niya pero ang mas nakakatakot ay nakaharap
ang mukha niya. Dilat na dilat ang mata habang naliligo sa sariling dugo. Agad na
nilapitan ni Zen ang lalaki at ng makalapit na siya ng husto dito ay kilala niya
pala ang bangkay dahil may binulalas siyang pangalan.

"First!"

TBC..

=================

Unmasked 9

Astrill's Point of View

Kahit sa nanginginig na binti ay pinilit ko ang sarili kong humakbang papunta sa


kinaroroonan ng bangkay at ni Zen. Nang makalapit na ako ay iniwasan kong
mapatingin sa gawi ng bangkay at napansin ko ang panginginig ng kamay ni Zen habang
ineenspeksyon ang paligid ng bangkay. Tinawag niyang 'First' kanina ang lalaki, ang
ibig sabihin no'n ay myembro ng Spiders ang bangkay na natagpuan? Wala sa sariling
napabaling ako ng tingin sa bangkay. Nahihintakutan akong napatakip sa bibig ko at
umaatras palayo kay Zen at sa bangkay.

"Astrill!" Biglang sambit ni Zen kaya napatalon ako sa gulat na naging dahilan na
matapilok ako paupo.

"H-ha?" Nagkandautal-utal ako sa pagsagot kay Zen.

"Find a help from anybody!" Sigaw niya sa'kin, naging alerto naman ako nang
maramdaman ko ang mga kakaibang presensya gamit ang sixth sense.

"Bakit ako?" Reklamo ko sa kanya, aaminin kong medyo takot ako mag-isa.

"Now!" Kasabay nang pagsigaw niya ay ang pagkabasag ng mga salamin na bintana ng
classroom. Natatarantang tumakbo ako paalis sa room pero bago pa ako tuluyang
makalabas ng classroom ay nahagip ang iilang mga aninong pumasok mula sa basag na
bintana.

May bahagi ng pagkatao ko na ayaw iwan si Zen do'n. Nag-aalala ako sa maaaring
mangyari sa kanya. Pakiramdam ko ay dapat ko siyang balikan at tulungan pero
naalala ko ang desperasyon sa tinig niya. Desperasyong hindi ko kayang salungatin.
Ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay bilisan ang paghahanap ng tulong.

Hindi ko alam kung pang-ilang palapag na ako pero wala talaga akong makitang tao
kahit janitor

man lang ng maalala ko na nanuod pala silang lahat sa concert. Lakad takbo pa rin
ako ng pagkaliko ko ay may mabangga akong pigura kaya napaupo ulit ako sa sahig.

"A-aray," mahinang daing ko at dahan dahang tiningala ang taong nabangga ko.

"I-ikaw," bulong ko habang maang na nakatingin sa kanya.

PATULOY na pag-alog ang nakapagpabalik malay sa'kin. Teka, nawalan ako ng malay?
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at do'n ko lang napagtantong pasan pala
ako ng isang lalaki! Pinagsusuntok ko ang likod niya kaya ang nangyari ay lumuwag
ang pagkakahawag niya sakin at nagtuloy tuloy ako sa paggulong sa sahig.

"Aray!" Daing ko at napansin kong huminto sa pagtakbo ang lalaki na hanggang ngayon
ay hindi pa lumilingon. Naging alerto naman ako at bahagya kong inabot ang mga
kunai na nasa likuran ko lang.

"Gising ka na pala," saad ng lalaki at lumingon sa'kin. Gamit ang liwanag na


nagmumula sa artificial na buwan ay nasilayan ko ang mukha niya.

"Headmaster!" Manghang saad ko, bigla namang bumaha ang ala-ala ko mula noong may
nabangga ako kanina. Nawalan pala ako ng malay dahil sa pinagsamang trauma at gulat
sa biglaang paglitaw ng headmaster.

"Tayo na!" Pinagpatuloy niya ang pagtakbo pero naiwan akong tulala habang paulit-
ulit na naglalaro sa isip ko ang huli niyang sinabi.

'Tayo na'

'Tayo na'
'Tayo na'

'Tayo na'

I sighed dreamily.

"Astrill!" Tawag niya kaya naglahong parang bula ang pantasya ko at pumalit ang mga
eksena kanina pati ang kaalamang

naiwan do'n mag-isa si Zen! Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ako at humabol sa
pagtakbo kay headmaster.

Hang in there Zen!

Kiel's Point of view

3 days later...

"Primo," isang di kilalang boses ang pumutol sa daloy ng ala-ala ko. Marahas akong
napabuntong hininga at mariing pinikit ang mata ko bago humarap sa aking di
inaasahang panauhin. Isang Russian national ang nasa harap ko, probably around his
early forties. A member of Lilith's famiglia.

"The shipment of White Rose has arrived," nakayukong pagbabalita niya. Sa


pagkabanggit niya ng White Rose ay agad na naging interesado ako sa sinabi niya.
Mula sa pagkakatayo ay umupo ako sa swivel chair ng opisina ko.

"Was it well taken care of?"

"Yes, Primo." Magalang niyang sagot at may kinuha siya sa attache case na dala
niya. Inabot niya sa'kin ang mga papeles ng direct transfer ng White Rose mula New
Castle UK papunta dito sa Russia.

Kinuha ko at binasa ng mabuti ang bawat detalye ng dokumento. Malayo layo rin ang
inilakbay ng White Rose at matapos maghintay ng mahigit isang buwan ay nandito na
ito sa Russia sa wakas. Matapos kong basahin ay binalik ko ito sa kanya, isang
nagtatakang mukha ang sumalubong sa'kin.

"Take me there. Take me to the White Rose," seryoso kong saad sabay kuha ko ng
furr coat at car keys.

Magkaiba kami ng sasakyan. I never let anyone drive for me. Naging malaking issue
para sa'kin ang pagtitiwala. 30 minutes ang naging byahe bago kami dumating sa
daungan ng barko. Mapapansin ang gatambak na mga container van sa

paligid pero walang coast guard, simple. Isa itong private property na pag-aari
mismo ng Inferno. Dito dumadating ang mga illegal na transakyon na may kaugnayan sa
black market ng Russia.

"Where is it?"

"This way, Primo." Dinala niya ako sa isang puting container van na halatang bago
pa lang at nakahiwalay sa iba pang container van na pinapalibutan din ng mga
mafiosong nakabantay sa White Rose.

Inutusan niya ang mga mafioso na buksan ang container. Nakatayo lang ako sa harap
ng container van at nakapamulsa habang hinihintay ko masilayan ang White Rose.
Dahan dahang bumukas ang container van at gaya ng utos ko ay awtomatikong nagka-
ilaw sa loob ng container. Isang malaking kahon ang bumungad, maingat namang
pumasok ang mga mafioso para tanggalin ang kahon.

"Clear!" Sigaw ng isang mafioso at mabilis silang nagsipulasan mula sa container.At


ngayon ay ako naman ang humakbang papunta sa container van.

"White Rose," mahinang sambit ko nang tumambad sa akin ang human sized figurine ng
isang anghel na babae. Gawa ito sa dyamante. Hinawakan ng kanang kamay ko ang
pisngi ng White Rose.

Isang luha ang pumatak mula sa'kin. Kuhang-kuha ng skulptor ang mukha niya, ang
mukha ng babaeng mahal ko.

Kinuha ko ang cellular phone at dinail ang numero ni Secondus. Matapos ang ilang
ring ay sinagot na niya ang tawag.

"Primo," pagbati niya.

"Let the child go. Nakuha ng skulptor ang gusto kong gawin niya sa White Rose.
Tell him, his talent saved his daughter."

"Masusunod Primo," pinutol ko na ang pagtawag at binalik sa White Rose ang aking
pansin.

Isang kilalang skulptor ang nilapitan ko para sa espesyal na White Rose pero dahil
mahirap umukit sa dyamante ay tahasan niya akong inayawan. Kaya ang ginawa ko ay
pinakidnap ko ang anak niya upang mapapayag siya. Gaya ng inaasahan ay pumayag siya
at sa loob ng mahigit isang buwan ay hawak ni Secondus ang bata.

"You won't leave me this time, Luciana." Kausap ko sa figurine.


TBC..

=================

Unmasked 10

Astrill's Point of View

Humahangos akong tumatakbo pasunod kay headmaster na nasa unahan ko at ng nasa


panghuling ikot na lang kami bigla na lang siya naglaho sa harap ko. Kinurap kurap
ko ang mata ko baka kasi namamalikmata lang ako pero nawala bigla si headmaster.
Kahit nagdadalawang isip ay nsgpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ulit
ako sa classroom na 'yon.

"Zen!" Sigaw na agad naputol ng makitang nakayakap si headmaster kay Zen. Nandito
na pala ang headmaster? Kaya pala nawala siya bigla sa harap ko kanina. Kaya niya
palang makaabot dito sa room agad, sumabay lang siya ng pagtakbo para makasabay
ako. What a shame. Sa pagtawag ko sa pangalan ni Zen ay napalingon sila sa akin.
Lumapit naman ako sa kanila.

"Okay ka lang?" Habol hiningang tanong ko kay Zen.

Ngumiti siya at tumango bilang sagot.

"I already called the Spiders," saad ni Zen. Tahimik lang ako nakikinig at nanunuod
sa kanila.
"Have you told them?" Tanong ni headmaster Ciel, isang iling lang ang sagot ni
Zen. Ngayon ko lang nakita ang ganitonng side ng babaeng ito. Kadalasan ko siyang
nakikita na nakatawa pero ngayon, blangko ang mata niya. Wala na ang kinang dito
tuwing kinakausap niya ko. Hindi ko naman siya masisisi, isang kasamahan ang nawala
sa kanya isang kaibigan o baka nga ay mahigit pa sa kaibigan.

"Planado ang lahat. Malinis ang pagkakagawa ng pagpatay at sinaktong busy ang lahat
sa concert." Pagbibigay opinyon ni Zen na sumandal sa pader habang nakapamulsa.

Inikot naman ni headmaster ang tingin

niya sa paligid at tumango-tango. Napunta naman sa akin ang tingin ni headmaster na


naging dahilan ng pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Shit! Baka marinig niya 'to!
Wala sa sariling napahawak ako sa bandang puso ko.

"Miss Astrill ikaw ang unang witness, may nakita ka bang kakaiba pagkabukas mo ng
pinto?" Diritsong tanong ni headmaster. Napabaling namans a amin ang atensyon ni
Zen na kanina ay wala sa sarili.

"Spare her the investigations headmaster," saad ni Zen.

"Hindi siya sanay sa mga ganitong eksena. Let her clear her mind first,"
pagpapatuloy ni Zen. Napabuntong hininga na lang ang headmaster at ngumiti sa'kin.
Umarengkada naman agad ang puso ko.

"My apologies miss Astrill but we would like to have your full cooperation in the
investigation." Malamig na saad ni headmaster.

Cooperation?

Investigation?

Ibig sabihin ay paulit-ulit na itatanong sa'kin ang nangyari kanina? Ramdam ko na


nawalan ng kulay ang mukha ko. Hindi ko alam kung takot sa eksenang 'yon o takot
para sa sarili ko. Totoong wala pa talaga akong karanasan sa mga ganitong bagay.
Napatingin ako kay Zen at pabalik kay headmaster. Walang nagawang tumango ako, "Of
course, headmaster." Sagot ko na lamang.

Napatingin naman ako sa bangkay na kanina ko pa iniiwasang tingnan. Mababakasan ng


natuyong dugo ang mukha at katawan nito. Dilat ang mata at baliktad ang ulo na
animo'y isang malakas na pwersa ang may gawa. Nakanganga ng parang sumisigaw ang
ibig nito. Hindi pa nagbabago ang kulay ng katawan dahil kamamatay pa lang nito. Ng
mapatingin ako sa mata nito ay agad ako nagbawi ng tingin. Ramdam ko ang
panginginig ng mga kalamnan

ko.

Oo under Mercenaries society ang Stratford university pero tulad ng mga normal na
university ay walang sakitan doon hindi tulad dito. Sa ilang araw ko pa lang dito
sa D University ay makikita ko na agad ang pagkakaiba ng pinagmulan kong paaralan
kesa dito.

Magaling ako sa offense at defense pero hindi pa ako umabot sa puntong magplano ng
kamatayan para sa kapwa ko o pumatay. Weird ako, oo. Pero hindi ako psychopath na
pumapatay ng walang dahilan. Pero lahat ng 'yon ay pwede dito sa D University.

"Zen," tawag ni headmaster sa kanya."May tawag ka bang narinig tungkol kay Kiel?"

Kiel? Bakit parang pamilyar ang pangalan na'to? Ah! Ciel Kiel, magkatunog pala ang
dalawa.

Umiling lang si Zen bilang sagot. Pagkabanggit ni headmaster sa pangalan na 'Kiel'


ay nakita ko ang biglang pagtalim ng mata ni zen na agad naging blangko.

"Wala na naman? Baka may pinagkakaabalahan na naman 'yong babae," sabi ni


headmaster ng pabulong sa sarili pero dahil tahimik sa paligid ay rinig ko pa rin
ito. Hindi ko alam kung nadinig din ba ito ni Zen.

"Master Kiel only love a one girl, headmaster." Nakangising saad ni Zen na
nakipagtitigan kay headmaster Ciel. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa paligid.

"shut the hell up, Nakahara." Banta at nakakatakot ang boses ni haedmaster kaya
napaayos ako ng tayo.

A-ano ba ang nangyayari? Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa at parehong ayaw
magpatinag sa titigan nila. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi sa ligaya kundi
dahil sa takot.

"A-ahm gu---" Naputol ang iba ko pang sasabihin ng biglang nagsidatingan ang mga
myembro ng Spiders at ng ilang medics. Pagtingin ko ulit sa kanila ay sa ibang
direksyon na nakabaling ang tangin ni Zen habang kausap naman ni headmaster ang
ibang myembro ng Spiders.

"Miss sumama po kayo sa medics, pinapatingnan po kayo ni headmaster." Magalang na


saad ng isa sa mga babaeng medics. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanila.

TBC...
=================

Unmasked 11

A/n:

Short update. Be observant and use logic. Only then, you can figure out who's
Astrill and who's Zen :)

ACE

___________________________________________________________________________

Astrill's Point of View

HIndi ako mapakali habang nandito ako sa hospital ng underworld realm city. Ilang
oras na rin simula ng dalhin nila ako dito. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim.
Mamaya ay magpapaita na naman ang haring araw. Hindi ko alam kung para saan ang
kabang aking nararamdaman. Siguro ay dahil sa mga pangyayaring naganap kahapon na
sa tanang buhay ko ay ngayon ko pa lang nasaksihan. Ibayong kilabot ang aking
naramdaman.

"Miss pwede na ba akong umalis dito?" Tanong ko sa dumating na nurse para tingnan
ang lagay ko. Para sa'kin mas naaalala ko lang ang nangyari kahapon kung mag-isa
ako dito.

Tumingin ang nurse sa akin at ngumiti. "As a matter of fact I am here to tell you
that you can now go. Your vitals are fine so you're alright," sagot niya. Tinanggal
na niya ang IV ko at umalis pagkatapos. Tumango at napabuntong hininga. May
dalawang oras pa ako bago sumikat ang oras. Makakabalik pa ako sa dorm nito ng
walang makakakitang estudyante na maaaring magduda sa akin.

Dahan dahan akong umalis sa kama at nagbihis. Tahimik akong lumisan sa hospital ng
Underworld Realm city. Pinapakiramdaman ko ang paligid at thanked God nakaabot ako
ng Dorm A ng matiwasay.

Pabagsak akong humiga sa kama habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Lutang ang isip
ko kung ano ang unang iisipin. Ang nangyari kanina. Sina Zen at headmaster na
naiwan, kung ano ang nangyari

matapos akong umalis doon. O ang maaaring maganap mamaya.

"Eeehh--h!" Nagpagulong-gulong ako sa kama at huli na ng mamataan kong nasa gilid


na ako ng kama at nagtuloy tuloy na ako sa sahig. "Shit!" Isang lagabog ang narinig
sa loob ng kwarto ko kasabay ng pagtama ng katawan ko sa sahig.

Painat akong bumangon sa pagkakahulog ng mapansin kong may mahinang humahagikgik.


Marahas akong napalingon sa direksyon ng tunog.
"Who's there?" Madilim ang kwarto dahil hindi ko 'to binuksan pagkapasok ko kanina.
Ang bobo ko talaga. Napansin kong sinasayaw ng hangin ang buhok ko. Bukas ang
bintana! Pero wala doon ang tao. Hindi ko magamit ang sixth sense dahil hindi
steady ang mental ability ko ngayon. Hindi naman kasi ako magaling masyad sa
paggamit ng sixth sense.

"Still naive as ever," isang pamilyar na boses ang nagsalita.

"Magpakita ka at huwag kang duwag," kalmadong pahayag ko kahit ang lakas na ng


tibok ng puso ko.

Kiel's Point of View

Nakatanaw ako sa malayo ng biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko. Hindi
ko nanaman sana to papansinin tulad ng ginagawa ko pag gusto kong mapag-isa kung
hindi lang ito nagpatuloy sa pagtunog.

"Tss." Kinuha ko ang cellphone at sinagot ang tawag. This better be importan

"Twin brother, you must come back." Napatda ako sa boses mula sa kabilang linya.
ang kakambal kong si Ciel Loong.

Hindi kami nagtuturingang kapatid pero ang isa sa paraan sa pang-aasar ni Ciel
sa'kin ay ang pagtawag sa'kin na 'twin brother'. Hindi ko siya napatawad at hindi
ko siya mapapatawad kahit kailan pero may responsibilidad akong dala kahit na pilit
ko itong tinakasan ng pumunta ako dito sa Russia. Marami ng nakalimot sa sigalot sa
pagitan namin ni Ciel at maraming walang nakakaalam na nagkaroon ng sigalot sa
pagitan namin.
Ang tanging nalaman ng lahat sa araw na 'yon ay wala na ang makapangyarihang
Phoenix at dahil iyon sa akin.

TBC...

=================

Unmasked 12

Kiel's POint of View

Isang malaking pakitang tao ang lahat sa pagitan namin ng kapatid ko. Simula ng
araw na 'yon kay rami na ng nagbago sa Underworld Realm lalo na sa Underworld Realm
city na siyang pinangyarihan ng Taetoku Great War II. Isang malaking palaisipan ang
naganap para sa mga mamamayan ng lugar pero walang nangahas na magtanong. Sumiklab
ang pangalan ko at nakilala ako ng mga tao bilang isang mandirigmang pinulbos ang
kintatakutang Phoenix lalo na ang pinuno ng grupo na si Fallen Angel o mas kilalang
Underworld Goddess. Isang halimaw ang tingin nila sa akin, pero hindi nila alam ang
totoong istorya sa araw na 'yon. Ang araw kung saan pumanaw ang puso ko kasama ang
babaeng mahal ko.

Tinanggap din ako ng buong init nang Dark Family pero hindi ko na 'to kailangan.
Walang makakapuno sa nawala sa'kin.Ang mga dating ka alyansa ng White family ay
kumapit na sa Dark Family at dahil sa reputasyon kong ako ang nagpatay sa kilalang
Underworld Goddess ay nagsimula na sila sa pagpahiwatig na nais nila ako maging
Grand Lord ng Dark family. Isang bagay na ayaw ko no'ng una.

FLASHBACK

"Primo, why don't you accept it?" Takang tanong ni Lilith. Nakapanganak na siya sa
isang malusog na sanggol na babae. Pero matapos ng ilang linggo niyang pamamahinga
ay bumalik ulit siya sa serbisyo habang salitan sila ni Hades sa pagbabantay kay
Inha.

"Why would I?" Ganting tanong ko sa tanong niya at abalang nag-aayos ng gamit na
dadalhin ko pabalik sa Russia.

"Here. I hope this will make you

think," may inilapag na folder si Lilith sa harap ko at umalis na siya. Ilang


minuto ko muna ito tinitigan bago dinampot at binuksan para basahin.

END OF FLASHBACK

Matapos kong basahin ang laman ng folder na 'yon ay agad na pina cancel ko ang
flight pabalik sa Russia at tinanggap ko naman ang proposal ni tanda.

Ilang buwan matapos akong maging Great Lord ay bumalik ako sa Russia at iniatang ko
kay Ciel ang ibang responsibilidad. Kasalanan niya naman 'to. Kung bakit hindi siya
tumutol na ako ang ihirang imbes na siya na labis kong pinagtakahan.

"Kiel?" Salita ng nasa kabilang linya na nakapagpabalik ng diwa ko sa kasalukuyan.

"Yeah. I'll book a flight as soon as possible." Tinapos ko na ang tawag at dinial
naman si Belial.

Ilang ring muna bago may sumagot. "Primo?" Maingay ang nasa background kaya marahil
ay nasa isang bar 'to.

"Book me a flight to Philippines as soon as possible. We're coming back." Walang


buhay na utos ko sa kanya at agad kong tinapos ang tawag.

Nagtuloy tuloy ako sa labas ng opisina. Sa pagdaan ko ay agad na nagsiyuko ang mga
empleyadong nadadaanan ko. Dumaan ako sa secretary ko at tinugon siya ng ilang mga
importanteng bagay na dapat niyang gawin habang wala ako dito.

"That's all miss Srafch," pinagpatuloy ko ang paglakad.

HIndi ako pauuwiin ni Ciel kung walang sapat na dahilan. Sa pagkakaalam ko ay


maayos naman ang takbo ng Underworld Realm city lalo na ang D University na siya
ang headmaster.

D University na dati ay kilalang Dark High. Ako mismo ang nagpabago

ng pangalan nito dahil na rin sa mga ala-alang bumabaha kada makikita ko ang
pangalan ng paaralan. Dito, maraming ala-ala ang naiwan na tuwing bibisita ako dito
ay parang bumabalik ako sa panahon na maayos pa ang lahat. Sa panahong magkasama
kami.

Ng nasa labas na ako ng building na siyang pagmamay-ari ko ay tumingala ako sa


langit.
" Let's meet again, Nana." Kausap ko sa sarili ko habang nakatingala.

Zen's Point of View

Napabahing ako ng 'di oras dito sa headquarters ng Spiders. Ako lang mag-isa dito,
napagdedisyunan kong wag munang maglakwatsa. Nilaro laro ko ang itim na pin na
nakalagay sa uniform ko. Hindi ko akalaing hindi na kompleto ang Spiders.

Tumindi ang tensyon no'ng umalis si Astrill at naiwan kami doon sa crime scene.
Lahat ay nagpipigil ng galit. Lahat kami ay apektado.

They chose to be rational. We chose to be rational for everyone's sake. For first's
justice.

Lumapit ako sa glass window at natanaw ko ang mga estudyanteng masayang


nagkukuwentuhan tungkol sa concert na napunuod nila. Napaka hyper ng mga tao
ngayon. Kadalasan pag ganito ang aura ng mga estudyante ay nag-iisip ako ng
kalokohan pero ngayon, blangko ang nasa isip ko.

Parang isang ordinaryong araw lang. Hindi nila alam na isang karumaldumal na
pangyayari ang naganap kahapon sa mismong paaralang 'to.

"First," bulong ko.


Hindi ko akalaing mangyayari 'yon kay First na isa sa mga paboritong myembro sa
Spiders. Sikat din siya sa mga babae at totoong

malakas. Isa siyang class S+ warrior kaya mas malakas pa sa class S+ ang tumalo kay
First. Sa pagkakaalam ko ay ang Knightmares na grupo ng headmaster at Inferno na
grupo ni Master Kiel ang tanging mga taong nabibilang sa upper class S warriors.
Napaka imposible naman no'n dahil nasa Russia ang Inferno at nasa Romania naman ang
Knightmares. Maliban na lang kung---

"Phoenix," mahinang bulong ko sa sarili ko. Maliban sa Inferno at Knightmares ay


mga superior class S+ warriors sila. Napailing iling na lamang ako sa kalokohang
naiisip ko. Resulta ng pagiging lutang.

Isang mahinang katok ang narinig ko. Hindi na ako sumagot dahil bumukas na agad
ang pinto kahit hindi ko pa binigay ang permiso ko. Psh! Nakita kong pumasok si
Sahara ng Section A, bastusing bata.

"Oh?"

"Ate Zen, tumakas po kaninang madaling araw si miss Astrill pabalik sa dorm namin.
Wala namang kakaiba sa kanya hanggang sa makapasok siya ng silid niya." Pagbabalita
niya. Nagkataon kasi kanina na wala akong mautusan na bantayan siya.

"Good job." Pagdidismiss ko sa kanya. Nagmamadaling umalis naman siya pero bago
siiya makalabas ng pinto ay tinawag ko ulit siya. "Wait."

Agad naman siyang huminto at lumingon sa'kin.


"Watch her for me from now on, taba."

"Ate Zen, nandito pala ang banda na nagperform kagabi."

Tumango ako bilang sagot. Ng dahil sa bandang 'yan ay naganap ang mga kamalasan na
'yon kahapon..

"Ate."

"Ano na naman?"May iritasyon na sa boses ko kaya medyo napaatras siya. Kinalma ko


ang sarili ko at ngumiti sa kanya.

"Grand Lord Kiel Loong will arrive tomorrow."

"What?!"
TBC...

=================

Unmasked 13

A/n:

I've been gone for almost a week sorry guys prelims kasi XD

ACE

___________________________________________________________________________________
______________

Astrill's Point of View

Hindi ko alam kung sino ang may gawa no'n at kung bakit niya 'yon ginawa. Pero isa
lang ang masisiguro ko, malakas ang may gawa no'n dahil sa isang rason. Pinuntirya
niya ang kinatatakutang Spiders.

Tahimik akong naglalakad sa hallway habang malalim ang iniisip. Wala akong planong
tapusin ang buong araw na klase na puro topic tungkol sa concert ang naririnig mula
sa mga kaklase ko.Tinatakpan ng university ang insidente. Sanay na rin ang mga
estudyanteng 'di makita ang Spiders dahil sa iba ang class room ng mga ito. May
favoritism dito at kahit hindi man gustuhin ng ibang estudyante ay wala na silang
magagawa dito.

'Who would oppose the will of Dark Family?'

Wala lamang sa tamang isip ang gagawa nito dahil para ka na ring naghuhukay ng
sarili mong libingan pag ginawa mo ito.

Saktong pakaliko ko ay may nakabangga ako. Dahil wala sa tamang huwesyo ay na-out
balance ako at napaupo sa sahig."Ouch," napatingala ako sa nakabangga ko.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.Tumango lang ako bilang sagot.

Pag sineswerte ka nga naman sa lahat pa ng pwede kong makabangga ay isa pang member
ng Spider!

"I'll go then," saad niya sabay talikod at tumakbo na paalis.

Sino nga ulit 'yon?

I just shrugged and continue walking.


Kiel's Point of View

Lulan na ako ng isang private plane pabalik ng Pilipinas, hindi ito ang oras na
dapat ay umalis ako pero may naisip akong gawin. Abala ang isang magandang flight
attendant sa pag istema sa mga pangangailangan ko.

"Miss--", tiningnan ko ang name plate niya. "--Perenial, you really are a caring
to personally tends to my needs." Kalmado ang boses ko ng sabihin ko 'yon sa kanya.
Nakita ko naman na agad siya namula ng mapagtanto niya ang nais kong ipahiwatig.

"Yes of course sir," nahihiyang pahayag niya. Ngumiti naman ako at sinigurado kong
nakita niya 'yon. Mas namula pa siya lalo. Hinapit ko ang beywang niya at tuluyan
na siyang napaupo sa kandungan ko.

"S-sir!" Naeeskandalong saad niya.

Dahil sa narinig na pagtili ay nag unahan ang mga kasamahan ko sa paglapit sa amin.
Tinitigan ko naman sila at alam na nila ang gusto kong gawin nila.Yumuko muna sila
sabay na umalis. Itinago naman ni Miss Perenial ang mukha niya sa dibdib ko kaya
napatawa na lang ako ng mahina.

"You see it's better if you will just stay silent as I show my own version of
care." Bulong ko sa kanya at sinadya ko talagang sumayad ang bibig ko sa dulo ng
teynga niya. Nakita ko naman ang gusto kong makitang reaksyon niya. Nakita kong
nagsitayuan ang mga balahibo niya.

Hinawakan ko ang pisngi niya at dinala ang mukha niya malapit sa mukha ko. Ramdam
ko ang mabngo niyang hininga na sumasayad sa mukha. At ng makitang kong gusto na
niya ay inilapat ko ang labi ko sa labi niya.

For the span of two years, I changed as a man.

Nilalaro ko na lang ang mga babae

na parang ginawa sila para paligayahin ako. Hindi ko na kayang ialay ang puso ko sa
iba dahil ang puso ko ay matagal ng nakahimlay. Isang bagay lang ang hindi nagbago
at kailan man ay hindi magbabago at 'yon ay ang masakit na katotohanang mahal ko
ang babaeng pinatay ko gamit ang sarili kong mga kamay.

Zen's Point of View

Tama ba ang narinig ko na babalik na ng Pilipinas si Master Kiel? Ang lakas ng


pintig ng puso ko kaya wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Ilang buwan na
rin simula ng huli ko siyang makita. Sa panahong 'yon ay bumisita ako sa Russia
dahil na rin malapit lang 'yon sa lugar kung saan ako tinapon para sa isang misyon.

Kwinelyuhan ko si third at sinandal siya sa dingding.Nakapulupot sa leeg niya ang


braso ko. "Tama ba ang narinig ko? Babalik na ng Pilipinas si Master Kiel?"

Umubo lang siya. Aish oo nga pala hindi siya makakasagot dahil sa pagkakasakal ko
sa kanya. Geez! Kaya ang ginawa ko ay niluwagan ko ang pagkakasakal ko sa kanya.

"Talk," utos ko.

"Shit! Are you trying to kill me?" Reklamo niya habang hinihimas niya ang leeg
niya.

"Why not? But no thaks, it will be an outmost waste of energy."

Tiningnan niya ako ng masama pero ngising pang-asar lang ang sagot ko sa kanya.

"Ano na? Totoo ba?"

"Oo nga sabi! Si Headmaster mismo ang tumawag sa kanya."

Napatda ako sa sinabi ni third, si head master mismo? Alam kong iilan lang ang
nakakaalam pero may napakalalim na hidwaan ang dalawa at dahil lang 'yon sa iisang
babae. Hidi ko masyadong alam ang full details dahil naganap 'yon dalawang taon na
ang nakakaraan kung saan wala pa ako dito sa Underworld Realm city.

"Si headmaster?" It must be urgent to think si headmaster mimsmo ang tumawag.

Tumango si third, "At aasahang dadating si Lord Kiel bukas ng madaling araw."

Kung posibleng mas dumoble pa ang bilis ng tibok ng puso ko ay 'yon na nga ang
nangyayari sa akin ngayon.Bago pa ako mahalata ni third ay mabilis akong tumalikod.

"What's wrong?" Tanong niya na nagtataka sa pagtalikod ko sa kanya.

"Wala! Umalis ka na nga! Shoo! Shoo!" Pagtataboy ko sa kanya kahit nakatalikod


ako.

"Ikaw ang bahala." Narinig ko ang papaalis niya yabag kaya napahinga ako ng
maluwag.

Walang nakakaalam na may damdamin akong mas higit pa sa damdaming dapat taglayin ng
isang estudyante sa kanyang guro. Ang damdaming aam kong walang katugunan.

I smiled bitterly.

Bilang nagring ang cellphone ko. "Hello Nakahara speaking," pambungad na sagot ko.

"It's been a while, Zen."

Muntik ko ng mahulog ang hawak kong cellphone ng dahil sa biglang pagbilis ng puso
ko.

"M-master," mahina kong saad.

Matagal n aring mula ng marinig ko ang boses na animo'y galing sa ilalim ng lupa sa
lamig pero para sa akin ay napaka init nito.

Teka, akala ko bukas pa ang dating niya?


TBC...

=================

Unmasked 14

A/n:

Guess who's Luciana?

Kiel in multimedia <3

Remember, don't be deceived easily Ice'ians s ;)

Ace

___________________________________________________________________________________
________
Zen's Point of View

Nasa harap namin ang dalawang kinatatakutan at nirerespetong tao sa buong


Underworld Realm. Ramdam ko ang tensyon at tanging ang mga mahihinang tunog ng
paghinga lang ang maririnig. Andito kami sa mansyon ng Dark family at tinipon ang
lahat ng mga sangkot sa insedenting 'yon. Nilibot ko ang paningin ko, nakita ko sa
gawing kanan ng meeting hall ang D University security group. Nasa gawi ko naman
ang Spiders at si Astrill na unang saksi. Matapos kong ilibot ang tingin ko ay
tumutok na ako kay master Kiel ng buong paghanga at pagrespeto.

"It's been a while brother," pagbasag ni headmaster sa katahimikan. Tinanguan lang


siya ni master Kiel.

"Let's take our seat ladies and gentlemen," saad ni master sabay gala ng kaniyang
paningin sa'min. 'Di sinasadyang nagkatagpo ang aming mga mata.

Pasimple akong yumuko nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Yumuko ako dahil
baka mabasa niya ang isip ko. Ayokong mag-isip siya ng masama pag nalaman niyang
hinahangaan ko siya. Sapat ng alam niya na humahanga ako sa galing niya bilang
isang mandirigma.

Si master Kiel ang taong nagligtas sa buhay ko isang taon at mahigit na ang
nakakaraan. Wala akong ala-ala ng kahapon at kahit anong gawin ko ay hindi ko ito
maalala. Ayon kay third na saksi nang matagpuan nila akong duguan sa isang eskinita

sa Ground Zero, pinagtutulungan ako ng mga assassin habang naliligo ako sa sariling
dugo. Hindi ko tanda ang parteng 'yon dahil ang unang simula ng ala-ala ko ay mula
noong paggising ko ay si master Kiel ang aking nakita. Ang pinaka una at pinaka
mahalagang ala-ala ko.

"Nakahara Zen, ayaw mo bang umupo?" Doon ako napabalik sa realidad matapos mag
alala.

"Eh?" Pagkagala ko ng tingin ay lahat sila ay nakaupo na at nakatingin sa'kin na


tanging nakatayo lang! Aish! Nagkandaugaga ako sa paghagilap ng upuan at mabilis na
umupo.

Mahinang nagpipigil ng tawa ni sixth na nasa gawing kanan ko. Nasa kanan ko naman
si second na tahimik lang. Pinanlakihan ko ng mata si sixth sabay apak ng mariin sa
kaliwang paa niya kaya napanganga siya dahil sa sakit.

"This will be a brief meeting for we will only give instructions coming from the
great lord," simula ni headmaster. Nasa kabilang bahagi siya ng mesa habang nasa
kabilang bahagi ng mesa naman si master.

Kung titingnan ay napaka magkatulad ng mukha nila, identical twins ikanga 'diba
pero magkaiba sila ng aura. Parehong malakas pero mas malamig ang aura ni master.
Mas walang bakas ng kahit anong saya ang mga mata ni Master. Si headmaster naman ay
parating nakatingin sa malayo na parang palaging may iniisip oo inaalala. Minsan ay
nakita ko siyang nakangiti at minsan naman ay tulad ni master na malungkot. Maliban
sa mukha ay may natatangi silang pagkakatulad. 'Yon ay ang patago nilang pagbisita
sa lupang dating kinatitirikan ng White family mansion. Minsan ko na silang
sinundan

pero sa huli ay nabuking ako ni master at pinagalitan dahil ang lugar na 'yon ay
pinagbabawal na puntahan.

"This will be easy to memorize. Eliminate any threat in the university or in the
Underworld Realm." Diritso at malamig na utos ni master. Tumayo na siya matapos
niya 'yong sabihin at nagtuloy tuloy sa paglabas ng meeting hall. Sumunod naman si
headmaster at mukhang may pag-uusapan pa sila.

Pagkalabas nila ay pumasok naman ang Dark family servants dala ang mga pagkaing
inihanda yata para sa'min. Saktong paglapit ng pinggan sa'kin ay ang pagkulo naman
ng tiyan ko kaya napahawak ako dito.
"Oops!" Nahihiyang nilingon ko ang mga katabi ko na tatawa tawa lang na parang
kakatayin na bukas sa tindi ng tawa lalo na si sixth kaya nakatingin sa kaniya ang
lahat.

Walang pakialam na kumakain lang ako pero hindi ko maiwasang bumalik sa nakaraan
kahit napaka ingay nilang kumakain.

Nakatutok ako sa mga sandata na nakalatag sa harapan kahit abala na ang mga tao sa
paligid ko sa pagdampot ng mga sandatang naibigan na nila. Unang araw ko simula ng
makalabas ako ng ospital pero sinabak ako ng taong tumulong sa'kin dito. Isang
lugar kung saan matira ang matibay, ang Arena. Magpapatayan hanggang sa isa na lang
ang matitira na siyang tanging makakalabas ng buhay.

Kinuha ko ang dalawang kunai dahil wala ng ibang sandatang maaaring mapagpipilian.
Sabay kaming pumasok sa arenang pinapalibutan ng mga bulb wire na may kuryente.

"Wooh!" Sigawan ng mga tao na pinapanuod

kami mula sa itaas na para lang kaming isang hayop sa kanila, mali , hayop talaga
ang tingin nila sa amin.

May tumunog na tambol, simula na para sa sayaw ng kamatayan.


"13th? Nawalan ka ng gana? Himala!" Bulabog ni sixth sa'kin. Napansin niya yata ang
pagkakatulala ko.

"Che!" Pagtataboy ko sa kaniya palayo. Nag-umpisa na akong lumamon.

Rinig ko ang pagpatak ng dugo mula sa kamay ko. Mga kamay kong ginamit ko bilang
sandata. Napakatahimik ng paligid. Nakayuko pa rin ako habang hinahabol ko ang
aking paghinga. Mabigat ang buhok ko dahil sa pulang likido na nakadikit dito.
Tumutulo mula sa buhok ko ang likido papuntang mukha, leeg at sa damit ko. Ang
dating kulay kahel na damit ay pulang pula na.

Nanginginig na nabitawan ko ang kunai na lumikha ng ingay sa arena. Tila doon lang
natauhan ang mga naununod dahil doon pa sila nag ingay at nagsisisigaw. Sigaw dahil
panalo sila at sigaw ng 'di pagkapaniwala. Mas maraming hindi makapaniwala dahil
iilan lang ang pumusta sa'kin.

"Wooooh!" Sinabayan ng sigaw ang palakpakan.

Sa buong laro ay nasa gilid ng arena lang ako. Pilit akong nagtatago at ng makita
kong pagod na sila at lumiit na lang ang mga kalaban ay lumabas na ako at lumaban
sa paraang alam ko.
Hindi ko akalaing may alam ako sa paglaban. Wala akong matandaan pero gumalaw ng
kusa ang katawan ko nang paparating na ang kalaban. Gumalaw ang katawan ko na
animo'y sanay na sanay na ako sa pakikipaglaban.

Natapos ang pagbabalik tanaw ko nang matapos na akong kumain. Nagsimula na rin
silang mag alisan kaya bago pa ako maiwan ay pumunta muna ako ng CR.

Liliko na sana ako ng makasalubong ko si Astrill na kagagaling lang din ata sa CR.

"Yo AStrill!" Bati ko sa kanya pero dineadma lang niya ako nagtuloy tuloy lang sa
paglalakad.

Problema no'n? Parang no'ng isang araw lang ay alalang-alala siya sa'kin.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang makaranig ako ng kalabog mula sa kabilang CR.
Ang men's CR.

Masama ang pakiramdam ko sa kalabog na 'yon kaya imbis magtuloy tuloy sa women's CR
ay do'n ako pumasok sa men's CR para lamang mapatakip sa bibig ko sa sobrang
pagkakahindik.
TBC...

=================

Unmasked 15

a/n:

Thank you for reading and waiting! By the way, don't be deceived by the events ;)

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------------

Astrill's Point of View

Matapos kong magpunta sa CR ay ramdam ko ang sama ng tingin ni Zen sa'kin. Kahit
hindi nila pinapahalata ay nakikita ko ang mga pasekretong mga senyas nila sa
isa't-isa at bawat senyas ay may lakip na pagdilim ng anyo nang bawat myembro ng
Spiders.

What the hell is going on?

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para tanungin siya ng diristo kahit may iba pang
makakarinig pero biglang bumukas ang pinto at pumasok si headmaster at Lord Kiel.
Sabay kaming yumuko tanda ng pagrespeto. Hindi kababakasan ng emosyon ang mga mata
ni Lord Kiel habang nagliliyab naman sa galit ang mga mata headmaster.

"Report," mahina subalit malamig na utos ni Lord Kiel. Pumunta sa harap ni Lord
Kiel si Zen at lumuhod ng sakto ng nasa harap siya ni Lord Kiel.

"Second meets his last day, master."

Meets his last day? Kung gano'n...

Mabilis na naglakad si headmaster pagkarinig niya sa sinabi ni Zen. Agad naman na


sumunod ang ibang myembro ng Spiders na tila ito lamang ang kanilang hinihintay.
Naiwan kami nina Zen ako at si Lord Kiel. Yumuko nalang ako dahil ayokong makita
nila na takot ako. HIndi

pa nga nakakalinggo ay may bagong namatay na naman. At lahat ng 'yon ay nasa


malapit lang ako. Hindi ko maiwasang isiping sinusundan ako ng serial killer na
ito. Oo, serial killer, hindi nagkataon na pinatay ang myembro ng Spiders dahil may
nakikita akong pattern. Una si first at pangalawa si second. Parang may sinusundan
itong order sa pagpatay.

Relief nga ba ang nadarama ko dahil panglabing tatlo pa si Zen? Umiling ako sa
iniisip ko. Bakit naman ako magiging concern sa atribidang babaeng 'yon?

"Are you a tranferee student?" Biglang pagtanong ni Lord Kiel kaya bahagya akong
napatalon sa kinatatayuan ko sa gulat. Maang kong tinuro ang sarili ko habang
nakatingin ng diritso sa mata niya. Kumabog naman ang dibdib ko sa hindi malamang
dahilan. Binuka ko ang bibig ko pero walang boses ang lumalabas, oo natatakot ako
sa kanya, yumuko nalang ako upang itago ang kahihiyan. Normal alng siguro 'yon
dahil kaharap ko ang pinakamalakas at walang awa kung pumatay sa Underworld Realm.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin kaya nagulat na naman ako ng
biglang may naramdaman akong kamay sa balikat ko.

"Try to relax and calm yourself. I don't eat beautiful ladies," magaan ang boses
niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Only to see that his face is only few inches from mine that I can almost smell his
mint breath.

Humugot ako ng malalim na hininga at tumingin sa mata niya. "Nope, I'm the exchange
student who unfortunately witnessed the last crime scene."

A mischievous smile formed on his lips but was interrupted by an obviously fake
cough.

"Master, the headmaster is

asking for you." sandaling tiningnan ni Lord Kiel si Zen bago tuloy tuloy na
dumiritso sa CR. Bago naman sumunod si Zen ay iniwanan niya ako ng isang malamig na
sulyap. Problema no'n?

At dahil ayokong maiwan mag-isa ay sumunod na lang ako sa kanila. Sa maluwang na CR


ng mga lalaki ay ando'n silang lahat. Advantage siguro kung maituturing na may
kaliitan ako dahil madali akong nakalusot sa mga nakaharang na myembro ng Spiders.

Gumapang ako sa ilalim at ng wala ng harang ay humarap na ako.

"Sh-t." Mahinang usal ko. Nasa harap ko ang Second na lasog lasog ang katawan.
Isang kamay niya ay nasa isang cubicle habang ang isang binti niya ay nasa labas ng
cubicle. Ang katawang niya ay parang pinaupo sa isang toilet bowl habang ang ulo
niya ay nakatusok patayo sa tabi ng malaking salamin gamit ang isang hindi pamilyar
na flag. Bumabaha ng dugo sa paligid at umaalingasaw ang amoy ng dugo. Ang dating
puti na CR ay para ng inadornohon ng kulay pulang dugo at laman ng tao.

Hindi na ata gumagana ang katawan ko. Pakiramdam ko ay manhid ako. Pakiramdam ko ay
wala akong lakas dahil sa nakikita ko.

At ang flag, sigurado akong hindi pamilyar ang puting flag na 'yon pero bakit
isinisigaw ng diwa ko na pamilyar ito? May disenyong malaking bahay at puting rosas
ang flag, maihahalintulad sa flag ng Dark family.

"F.A.?" Mahinang basa ni Zen ng patanong. Napalingon sabay tingala ako sa kaniya na
nasa tabi ko lang pala.

Walang sumagot maski si headmaster na matiim lang na nakatingin sa nakasulat sa


salamin.

ROSES ARE WHITE.

LOVERS UNITE.

WHO WILL I KILL NEXT TO HIM?

-F.A.

'Yan ang nakasulat sa salamin gamit ang dugo na malamang galing kay Second.

Sinulyapan ko si Lord Kiel para lamang mahindik ng makita ko ang mata niyang iba
ang kulay. Kuyom ang kamao niya na animo'y nagpipigil siya ng galit habang
lumalapit sa salamin. Unti unti niyang inaabot ang kanan niyang kamay sa salamin,
specifically sa salitang 'F.A.' .

Kilala niya ba ang killer?

Isang mahigpit na kamay ang humatak sa'kin palabas ng CR. At bago pa ako makareact
ay nasa labas na ako ng CR.

"Ano ba!" Inagaw ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Namula ng bahagya ang
hinatak niya.

"Shut up if you wanna live. Nakita mo naman diba? Ang serpent's eyes ni master,
ibig sabihin ay galit siya." Napatingin ako sa paligid, kasama ko din palang
lumabas ang Spiders. Ang naiwan ay sina headmaster at Lord Kiel.

"Tss," umalis ako sa harap ni Zen at lumapit sa isang bintana.

Why am I tangled with this situation? I just wanna spend my studies in D University
peacefully.
Sino si F.A.?

Bakit nga ba gano'n ang reaksyon nila sa pangalang 'yon?

TBC...

=================

Unmasked 16

Someone's Point of View

"Master, sino ng ba si *********** para sa'yo?" tanong ni butler Tom sa'kin. Hindi
ko siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa pagmamasid sa mga isda na nasa
dambuhalang aquarium.

"Tingnan mo ang mga isda Tom. Iniiwasan nila ang malalaking isda hanggat kaya nila,
ang malalaking isda naman ay nagtatago sa madidilim na bahagi , hindi nila alam
pinaglalaruan lang sila ng malalaking isda na nag-iintay sa tamang oras para
tawagin ang pangalan ni kamatayan." Sa halip ay sagot ko sa kaniya. Tahimik lang si
Tom na nakikimasid sa akin. Hindi siya tanga upang hindi maunawaan na ayaw kong
sagutin ang tanong niya.
'Some things are not meant to be discovered yet'

"Pero ginagawa ng mga maliliit na isda ang lahat lahat para mabuhay." Saad niya
matapos niya mag obserba.

"The art of survival, Tom. The art of survival." Mahina subalit puno ng kamandag na
saad ko. Mas kinakausap ko ang aking sarili.

Survival

Zen's Point of View

"F.A." Mahina kong saad habang nakatanaw sa kawalan. Nasa isang madilim na bahagi
ako ng porch na matatagpuan sa pinakamataas na parte ng dormitory namin. Dito ako
pumupunta pag gusto kong makapag isip-isip. Tumingala ako at wala akong makitang
kahit na anong bituin. Psh, ang baliw ko talaga. Wala talagang makikitang bituin
dito dahil nasa Underworld Realm city ako, ang lugar kung saan ang paligid ay gawa
ng human technology. Lahat ay artipisyal lamang.

'Sino nga ba si F.A.?'

'Siya ba ang babaeng minahal ng sabay ni master

at headmaster?'

Napahawak ako sa dibdib ko, ramdam ng kamay ko ang malakas na tibok nito.

"Bakit ako nasasaktan?" tanong ko sa sarili ko.

Baliw na nga yata talaga ako. Bakit naman ako masasaktan? Sa simula pa lang ay alam
ko na ang tingin ni master Kiel sa akin. Isa lang akong babaeng natagpuan niya.
Naawa siya at tinulungan niya ako, may nakita siyang potensyal sa'kin kaya ginawa
niya akong pinakaunang estudyante niya.
"Saan ang masakit?" Biglang may malamig na boses ang nagsalita sa likod ko. Hindi
ako naalarma sa halip ay humarap ako sa nagsalita at yumukod.

"Master Kiel," magalang kong saad.

Naramdaman ko ang kamay niya na hinaplos ang ulo ko bago siya umupo sa barandilya
ng porch. Mula sa aking pwesto ay nakita ko ang buhok niyang sinasayaw ng hangin.
Nanatili akong nasa likuran niya bilang tanda ng respeto.

"Zen don't be ridiculous, come here and sit beside me." Magaan ang boses niya at
kahit hindi ko tinitingnan ang mukha niya ay alam kong nakangiti siya. Tahimik
akong sumunod sa utos niya.

"Kumusta ka na Zen?" Nakatingin siya sa kawalan habang nakatingin ako sa mukha


niya.

"A-ah ako?"

"May ibang Zen pa ba rito?" Pabirong saad niya na nakapagpangiti sa'kin.

"Well, I am a bit disappointed and ecstatic at the same time." Sagot ko.

"Disappointed and ecstatic?" He chuckled. "Pwede ba 'yon pagsamahin?"

Napangiti ako nang hindi ko namamalayan.

Times like this, I just wanna freeze it in my heart.

Ibang master Kiel ang nakikita ko sa harap ko ngayon. Hindi ang Lord ng Underworld
Realm. Hindi ang lalaking

may napakalamig ang boses. Hindi ang lalaking walang emosyon ang mata. Hindi ang
lalaking may serpent's eyes. Hindi ang lalaking kayang patumbahin ang kahit sinong
kalaban.

Siya si Kiel Loong, ang master ko na buong katapatan kong paglilingkuran. Siya si
Kiel Loong, isang kaibigang masasandalan.

No rules and no boundaries when we talk at time like this.

"Pwede basta ako, master. Ako pa!" Masiglang saad ko sabay tayo habang nakataas ang
isa kong kamay. Tumawa ulit siya ng mahina.

"You never ceased to make me laugh Zen. And how many times have I told you? Call me
Kiel."

Tama, ilang beses na niyang sinasabi 'yan sa akin at sa lahat ng utos niya ay ito
lang ang hindi ko masunod. Calling him Kiel is plain suicide. Hindi sigurado kung
may nakamasid ba sa amin pero walang mawawala kung magiging handa ako. Isa lamang
akong alagad niya.

"If you want me to be beheaded at dawn sure I will," biro ko sa kanya pero parang
hindi biro ang dating nito sa kaniya. Dumilim ang anyo sabay tingin sa kawalan at
bumalik sa pagiging malamig ang aura niya. Hindi ko maiwasang mapalunok. Ang bibig
ko talaga!
"They will not dare to do that," seryosong pahayag niya. "They will not take away
what's important from me again." Mahina ang pagkasaad niya pero dahil sa sixth
sense ay narinig ko pa rin ito. I pretended not to hear nor assumed anything though
my ecstatic level increased tenfold!

"Ha?"

"Never knew you're deaf Zen," biro niya ulit. Umalis siya sa pagkaka-upo sa
barandilya at pinaharap ako sa kaniya. Hawak niya ang balikat ko at napakalapit
niya sa'kin.

This time I was able to look directly in his eyes. Ayoko nito! Baka sakmalin ko
siya bigla at mabuking niya pa ang feelings ko para sa kanya!

"M-master," wala sa sariling sambit ko.

"Kiel," pagtatama niya.

"K-kiel," napayuko ako sa kahihiyan dahil ilang ulit na ako nagkandautal-utal sa


harap niya.

Sana lamunin nalang ako ng lupa ngayon. Hindi ko na kaya ang kahihiyan!

Huli na para umiwas ng maramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Nanlalaki ang mga
matang napigilan ko ang sarili kong huminga.

Waaah!
TBC...

=================

Unmasked 17

Author's Note:

I love Luciana too guys!

That's why she's alive BUT with a new identity :)

Try to figure it out, you know very well I don't like common plots hahaha XD

Malapit ko na siyang ereveal :D

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------

Astrill's Point of View

What the! Gamit ang binoculars ay kitang-kita ko kung gaano ka close ang lord Kiel
na 'yon kay Zen. Nakita ko rin ang paghalik niya sa noo ni Zen.

"Hmmm. We are obviously in a chaotic situation yet they still have time to do some
romance? What a sense of rersponsibility they have tsk tsk tsk." Saad ko sa sarili
sabay baba ng binoculars.

Sa mga nagdaang araw ay napakaraming nangyayari pero nakakapagtakang hindi pa ito


alam ng mga estudyante ng D University. Mapayapa pero hindi nila alam na ang
tinitingala nilang Spiders ay unting-unti na nawawalan ng kapangyarihan.

ISANG normal na araw ng pasukan na naman ngayon dito sa D University. Mga mamamatay
tao o anak ng mga mamamatay tao ay nagkalat kung saan pero parang hindi aakalaing
halang ang kanilang mga kaluluwa dahil sa pagiging elegante ng mga estudyante.
Well, ito rin naman kasi ang nangungunang unibersidad sa buong mundo sa larangan ng
black society.

Mga estudyanteng nag-uusap sa hallway. Nag-aasaran, naghahabulan, nagpapapansin sa


mga crush nila at nagtutukaan. Pagdaan ko sa malaking dingding na gawa sa salamin
upang makita ang labas ay kitang-kita mula sa kintatayuan

ko ang mga estudyanteng naglalaban o kontentong nanunuod lamang. napabuntunghininga


ako, ewan ko ba kung alin ang mas pipiliin ko. ang maging bulag sa mga nangyayari
sa paligid o hindi

Tahimik kong pinagpatuloy ang paglalakad papuntang unang klase ko ng may narinig
akong mga bulungbulungan sa pagitan ng mga estudyante, kung bulong nga ba ang
matatawag sa ginagawa nila. Binagalan ko ang paglalakad.

"Andito na raw sa D University si Lord Kiel."

"Ha? Bakit ang aga? Dapat sa foundation day pa siya pupunta dito di ba?"

"Aba malay ko. Baka bumisita lang talaga dito si Lord Kiel."

"Haler, alam mo namang isang beses lang siya bumibisita sa D University sa bawat
semester."

"Edi inagahan niya lang, alam mo ang praning mo."

"Kung gano'n mapapaaga ang rank examination?"

"Ewan?"

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang classroom ng mapadaan ako sa isang open


function hall. Kadalasan ay mga babaeng estudyante ang andoon.

"Anong meron?" Tanong ko sa sarili ko at para masagot ito ay lumapit ako sa mga
nag-uumpukang mga babae na base sa kanilang ekspresyon sa mukha ay dismayado.

"Ano ba 'yan! Bakit wala pa rin?" Nakangusong reklamo ng isang sexy na babae.

Alin ang wala pa rin?

"Girl, baka na traffic."

"Bobita! Walang traffic dito sa Underworld Realm!"

"Sorry naman."

Tao pala ang hinihintay ng mga tao dito. Hindi ko kasi makita ang stage dahil sa
dami ng babae sa paligid at loob ng open function hall. Thanks to my curiosity ay
nakipagsiksikan ako para makaabot sa harapan at makita ang pangalan

at ng picture ng taong iniintay nila.

Malapit na ako sa unahan at ilang katawan nalang ang babanggain ko ng biglang


tumunog ang bell. Klase na! At dahil nasa reverse direction ang position ko sa
paglalakad ay ng nung nag-unahan ang mga babae sa pag-alis ay natumba ako, masakit
na pagkatumba.
"Ouch." Nakaupo na ako sa sahig at ako na lamang mag-isa sa open function hall.

"Sana hinintay ko na lang mag bell," matapos kong pagpagan ang uniform na suot ko
ay tumingin na ako sa stage.

98TH ANNUAL FAN SIGNING EVENT FOR SPIDER'S FIRST

'Yan ang nakasulat sa stage kasama ang picture ni First. Bumaha sa isip ko ang
eksenang nasaksihan ko sa classroom na 'yon.

"His face it's different from that time," mahinang bulong ko habang nakatitig sa
nakangiting itsura ni First sa stage.

"How different is it?" Tanong ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

"That time his face is somehow---"

"---twisted with pain and fear?" Putol niya sa sasabihin ko. Ang idudugtong ko
sana ay 'scary'. Lumingon ako sa taong nasa likuran ko.

"Nga pala, hindi pa kita pormal na nasabihan nito. Welcome to D University


Astrill!" Maligayang pagbati niya sa'kin.

"Thanks Zen," pagpapasalamat ko. Ngumiti siya at tumalikod na pero ng pangatlong


hakbang niya ay may sinabi siya kasabay ng paghangin papunta sa direksyon ko.

"...have a fun stay."

Zen's
Point of View

Lumabas ako ng D University matapos kong makausap si Astrill. Dumiritso ako sa Pint
bar.

"Penacolada on the house, jerkman." Order ko agad pagkaupo ko malapit sa counter.

"Ang tagal mong hindi nagpakita bata," saad ng taong umakbay sa'kin. Hindi ko na
tinanggal ang kamay niya. Total ay ibabalik niya ulit ito sa pwesto.

"Some things came up here and there," inisang lagok ko ang penacolada.

"Let's talk elsewhere," una siyang tumayo at pinalipas ko muna ang ilang minuto
bago sumunod sa kanya. Total ay alam ko naman kung saan niya gusto makipag-usap
sa'kin. Hindi ako sa daan dumaan. Sa kakahuyan ako dumaan. Walang hirap na tinalon
ko ang espasyong nakapagitan sa mga sanga ng kahoy.

PREDATOR'S LANE

'Yan ang nakasulat sa isang pula na bagay sa harap ng gate. Mula sa kintatayuan
namin ay maaamoy ang umaalingasaw na amoy na nagmumula sa loob ng PL. Matagal na
panahon ng hindi pinupuntahan ito. In fact nung dumating ako sa pangangalaga ni
master Kiel ay sarado na ang Predator's Lane sa hindi ko alam na dahilan. Tinalon
ni Chase ang gate habang sa mismong gate ako dumaan.Ng makapasok na ako ay nasa
isang sanga ng puno nakaupo si Chase kaya tinalon ko ang puno at tumabi sa kanya.

"That 'some things' you mean, are they related to the corpses being secretly burn
every dawn?" Marahas akong napalingon sa kanya.

"How?"

"I have eyes everywhere dear Zen," naaaliw ang ekspresyon ng mukha niya nang
sumulyap siya sa'kin.

What the heck?!

Tumukhim siya ng makitang tumalas ang tinging pinupukal sa kaniya.

"Now, let's go down to business. What do you want from me?"

Napangisi ako sa sinabi niya. Still the reliable bar owner, 'yan si Chase.

"Speak up dear Zen. Information or armory?"

"Information." Sagot ko. May mga katanungan akong gustong masagutan.

This time, siya naman ang ngumisi. I really hate it when he smirks. It means
trouble on my part.

"Okay, how about an information for an information.?"

" You realy want to know the details about that 'some things' huh?"

"Absolutely."

"Okay, fill me in first."

"Shoot. What do you want to know then?"

HUmugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago nag tanong.

"Who's F.A.?"

TBC...

=================

Unmasked 18

Zen's Point of View

"Where have you heard that name?" Kitang-kita ko ang pagkabigla at pagkabahala sa
mukha niya. At base sa reaksyon niya ay kilala niya ang F.A. na 'yon.

Bakit ko nga ba hinahanap si F.A.?

Una dahil gusto kong ipaghiganti ang mga nasawi kong kasamahan. Para ko na rin
silang mga kapatid pero walang awa silang pinatay ng F.A. na 'yon!

At pangalawa dahil gusto kong mawalan ng alalahanin si master Kiel.


'Mawalan ng alalahanin?' Come on. My inner self knew better. Deep inside I am doing
this personally. Dahil ramdam kong may matinding koneksyon ang F.A. na 'to sa
nakaraan ni master na ayaw niyang kalimutan. Ang nakaraang dahilan kung bakit
hanggang ngayon ay hindi niya ako matapunan kahit isang tingin.

"So you know this 'F.A.'?"

"No."

"Too little too late, I knew you do." Determinado ang boses ko.

"Have you known the tale of the cat who died because of curiosity?"

Inikot ko ang mata ko.

I am ready for the consequences, more than ready that I can bet my life with it.

"Cut the crap Chase, we had a deal!"

Napabuntonghininga si Chase at tumingala sa ibabaw.

"Let me ask you first, why are you so interested with her?"

Her? Babae ang F.A. na 'yon? Mas nadagdagan ang pagdududa ko.

"You'll know after you tell me details about this F.A. girl."

Humugot ulit siya ng isang malalim na buntong hininga bago nagsimulang magsalita.

" 'F.A.' is just a shortcut of her name. She's Fallen Angel, the

leader of Phoenix, most wanted group of UNO(United Nation Organization). Rank 1 in


the Underworld Realm. But she is most commonly known as the Underworld Goddess, the
last heiress to the throne of White Family."

Dumaan ang ilang segundo para maproseso ko ang lahat ng sinabi niya.

"Bakit hindi ko siya kilala o ng kahit kanino dito sa Underworld Realm? Wala akong
narinig na sino man ang bumanggit sa pangalang 'yan. You must be kidding me Chase."

"Sinagot na kita now it's your time to answer me," sa halip ay sagot niya sa'kin.
Aish! A trade of information for another information.

"Last question, where is she?" Mataman ko siyang tinitigan habang naghihintay ako
sa sagot niya.
"She's dead."

Astrill's Point of View

Lumipas ang araw na tanging bulung bulungan tungkol sa hindi pagsipot ni First.
Malamang patay na eh pero tanging kaming nakasaksi, Spiders at ang Faculty lang ang
may alam tungkol dito.

Malalim ang iniisip ko ng biglang may nakabunggo akong lalaki. Napaupo ako sa
sahig kaya tinulungan niya akong makatayo ulit. Inis na nagpagpag ako ng dapit nang
napatingala ako sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit ako napatigil. Oo ngayon ko
pa lang siya nakita pero may kung anong pamilyar na damdamin ang nakawala mula sa
isang bahagi ng puso ko.

"Miss okay ka lang?" Tanong niya. Narinig kong napatawa ang mga kasamahan niya
dahil para akong fan girl na nastar struck sa kanilang idol pero wala dito ang
atensyon ko.

"Lagot pare, nabiktima ata ng

karisma mo!"

"Ang tinik mo talaga sa chiks pare!"

Ang mga matang parang kay daming nais iparating. Pisnging ang sarap kurutin. Labing
nang-aanyaya. Ilong na kinahuhumalingan ng mga babae.

"Have I---" Naputol ang gusto kong itanong sa kaniya ng biglang sumakit ang ulo.
sakit na parang pinagpupukpok ng sabay sabay ang ulo ko ng martilyo.
Napansin niya ata na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ko dahil maagap niya
akong nasalo mula sa muntikmuntikang pagkakatumba.

At bago pa man ako makapagpasalamat ay inagaw na ng kadiliman ang diwa ko.

Someone's Point of View

Bakit sila andito? Nandito ba sila para manggulo o manahimik tulad ng ginawa nila
sa panahon ng digmaan gaya ng dati.

Astrill's Point of View

Isang masakit sa mga matang liwanang ang nakapagpabalik sa diwa kasabay ng


pagbangon at pagiging alerto ko sapaligid. Nang makaupo na ako ay saka ko pa lang
napansin ang paligid. Maputing dinding, maputing higaan hanngang kumot. Nasa
university clinic ata ako.

"Seems like you're awake now." Isang babaeng nakaputi ang pumasok sa silid. Siya
ata ang attending doctor ng clinic.
"Yeah," sagot ko.

"Stress caused your body to collapsed. I heard that you're the exchanged student
still you don't have to push yourself too much." Paalala niya sa'kin habang
pinipirmahan niya ang discharge paper ko. Ipapakita ko lang 'to sa mga teachers
para maging excuse ako sa klase. Tango lang ang sinagot ko sa kaniyaa.

Tahimik akong umalis ng clinic habang naglalakbay ang isip ko sa taong 'yon na sa
tingin ko ay siya ring nagdala sa akin sa clinic. Pumasok na ako sa second to the
last subject ko. Binigay ko ang papeles kay ma'am at umupo na matapos niya ito
pirmahan.

Walang pakialam na nagsulat ako sa sketchpad ko. Isinulat ko ang 'F.A.' at


dinesenyuhan ito ng biglang bumukas ng pagkalakas lakas ang pinto kaya sabay kaming
napatigil lahat lalong lao na si ma'am at tumingin kami sa pinto.

"I presume that you do not belong to my class gentlemen," maanghang na pahayag ni
ma'am sa mga bagong dating. Dalawag lalaki lang ang nakita ko at hinaharangan nila
ang isa kaya hindi ko siya makita mula sa kinauupuan ko. Napakatahimik ng klase.
Hindi nakasagot ang dalawa.

May biglang tumikhim at doon na pumasok ng tuluyan sa classroom ang pangatlong


lalake. Kitang-kita na ang mukha niya. Kitang-kita ko ang mukha niya. Biglang
umingay dahil sa bulungan ng mga babae ang classroom. Lahat ay interesado sa
lalaking 'to.

"We just happened to be transfer students," sarkastikong sagot niya kay ma'am na
ikinapula ni ma'am.

Siya? Ang lalaking nakatitigan ko kanina? Isang transferee?


"Well then, introduce yourself," utos ni ma'am.

Unang humakbang paharap sa amin ang lalaking 'yon. Hindi ko maalis ang tingin ko sa
kaniya.

"Wolf Lycan, always at your service."

TBC...
=================

Unmasked 19

A/n:

I would like to apologize for having so many POV switch. Its purpose is to confuse
you haha!

P.s. very short update.

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
-

Astrill's Point of View

Napatayo ako ng mabilis mula sa kinauupuan ko na nagdulot ng isang malakas na


tunog. Lahat ng mga mata ay nasa sa'kin. Isang nakakalokong tingin naman ang
ibinigay nitong Wolf sa akin. Pagbaling ko kay ma'am ay nakataas ang isang kilay
niya.

"Yes miss Astrill?" May diin ang boses ni ma'am nung tinanong niya ako. Napalunok
ako ng ilang beses bago ako nagdesisyong magsalita.

"Please excuse me," saad ko na lang bago nagmamadaling lumabas ng classroom.


nakabungguang balikat ko ang isa sa dalawang nakatayo mula sa pinto pero hindi ako
natinag at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako patungo.
Ang tanging gusto ko lang gawin ay alisin ang mga boses na naririnig ko sa ulo ko.
Mga boses na pamilyar. Mga sigawan at putukan. Mga pagsabok at mga iyak.

Sa bawat pagdaan ng minuto ay mas lalong sumasakit ang ulo ko. Wala sa sariling
nagpalakad takbo ako sa hallway habang hawak ng dalawang kamay ko ang aking
sentido. Hindi na ako tumitingin sa dinadaanan ko ng may pader ako na nabangga at
dahil sa wala ako sa huwisyo pumikit na lang ako habang naghihintay na bumagsak ang
aking katawan sa malamig na sahig.

Pero wala sa halip ay isang pares ng matipunong braso ang pumaikot sa beywang ko at
sinalo ako. Binitawan na niya ako at nanatiling nakayuko lang ako. Naamoy ko ang
pamilyar na pabango

niya. Unti-unting nawala ang mga ingay habang unti-unti akong tumingala sa kaniya
upang salubungin ang mga mata niya para magpasalamat.

"Lord Kiel," tawag ko sa kanya at doon nagtagpo ang aming mata. Gusto kong magbawi
ng tingin pero may kung ano sa mga mata niya na hindi ko magawang bumitaw ng
pagtitig.

'Fallen!'

'Bheshy!'

'Luciana!'

'Nanaaa!'

Sa pagtagpo ng aming mga mata ay ang pagbalik ng mga ingay pero ngayon ay mas
malinaw na ang mga salita at mas sumakit ang ulo ko.

Napaluhod ako sa sahig kaya napasabunot ako sa sarili ko. "A-aah! Please make it
stop!"

Tumingala ako pero nasa tabi ko na agad siya at inakay ako ng parang sa bagong
kasal. Kahit anong pagkagat ko sa ibabang labi ko para hindi ako mapasigaw ay
napapasigaw pa rin ako ng paimpit.

"Malapit na tayo, Astrill." Kahit nasasaktan ako ay napansin ko pa rin ang bahid ng
pag-aalala sa boses niya.

Why? Why are you worried? About me? We were merely strangers to each other, weren't
we?

'Yan ang gusto kong isaboses pero takot akong mapahiya.

"Master! Anong nangyari sa kaniya?"


Nakilala ko agad ang boses, si Zen. Sinasabayan niya kami papuntang clinic.

Hindi sumagot si Lord Kiel at dumoble ang sakit na aking nadarama. Fuck!

'Protect him'

'bheshy!'

'Nana!'

Bumalik na naman ang mga boses sa isip ko kasabay ang mga sigaw ng pighati at
sakit. Mga putok na sigurado akong galing sa baril. Mga pagsabog.

Hindi ko na kaya ang sakit...

"N-nana." 'yan ang huling nasambit ko

bago ako mapanawan ng ulirat.

Kiel's Point of View

"N-nana."

Nahinto ang paghakbang ko ng isambit niya ang palayaw na iyon. Hindi makapaniwalang
napatingin ako sa walang malay na exchange student na nasa bisig ko.

Paano niya nalaman ang palayaw na 'yon? Imposibleng hindi sinasadya ang
pagkakabanggit niya ng salitang 'yon. Bago niya sinambit 'yon ay sumasakit ang ulo
niya.

Napatitig ako sa mukha niya ng may isang hinala ang bumukal mula sa isip ko.
Zen's Point of View

Kitang kita ko ang pagkahinto ni master ng may binanggit si Astrill bago siya
nawalan ng malay. At hindi ako makapaniwala sa sumunod na nasaksihan ko.

For a split second I saw master Kiel, for the first since I met him, his eyes
flickered with emotions as he looked at Astrill in his arms. A tinge of jealousy is
slowly eating me.

Disbelief. Love. Pain.

'Yan ang mga emosyong nakita ko sa mga mata ni master. Mga emosyong hindi ko nakita
mula noon sa kaniya. Mga emosyong hindi ko aakalaing makikita ko sa kaniya.

Nagpatuloy siya sa paghakbang papuntang clinic pero sa pagkakataong ito ay mas


idinikit niya ang katawan ni Astrill sa kaniya. Like he is protecting her.

Hindi ko magawang humakbang. Hindi ko magawang sumunod kay master.

I once promise that I'll follow him anywhere but as of this moment. I tend to break
that promise. To protect my heart.

"A little dramatic, aren't we?" Isang hindi pamilyar na boses mula sa likuran ko
ang aking narinig. Kanina pa pala ako naka tanga dito sa hallway. Nilingon ko ang
nagsalita. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon.

"Who are you?" Imbis na sagot ko. Malamig ang boses ko kasing lamig ng nararamdamn
ko sa ngayon.

"Nakalimutan mo na ako agad? Dalawang taon lang naman ang nagdaan."

"Anong pinagsasabi mo?"


TBC...

=================

Unmasked 20

A/n:

Last clue to know who's Lucy :) Next chapter will be revelation about Lucy and the
start of action pack scenes ;) I've kinda miss writing action scenes ;)

Updates will be next weekend :)

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
----------------

Zen's Point of View

"Anong pinagsasabi mo?" Nakakunot noong tanong ko sa nagsalita. Isang lalaki ang
nagsalita. Sigurado akong hindi ko pa nakita ang mukhang 'to pero napakapamilyar ng
mukha niya sa'kin. Ang gulo, aish!

"You want answers." Saad niya na ikinabahala ko at napangisi siya ng makita ang
reaksyon ko.

Paano nalaman ng isang hamak na isang estranghero ang tinatago ko? Na gusto ko rin
malaman ang mga sagot sa likod ng mga panaginip ko. Kung bakit ito lumala simula ng
magkaroon ng patayan sa mga myembro ng Spiders. Pero tinatago ko lang ito sa sarili
ko na ngayon ay alam ng lalaking ito.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Biglang tumunog ang grandfather's clock na


hudyat na uwian na ng mga estudyante. Sinenyasan ko ang lalaking kaharap ko na
sumunod sa akin. Dinala ko siya sa likuran na bahagi ng D University kung saan alam
kong walang ka tao-tao.

"Now talk." Malamig ang boses ng sabihin ko 'yon. Wala akong panahon makipaglokohan
sa kahit kaninong baliw.

"As I said, you want answers. I can help you with that."

"I don't need answers." Pagsisinungaling ko sa kaniya.

"Nice try, let me tell you this, you were not a good liar before."

Hindi

ko na sana papansinin ang sinabi niya ng makuha ng isang salita ang buong atensyon
ko.

"Before?"

"Yes, two years ago."

Parang akong tinulos sa kinatatayuan ko ng sabihin niya 'yon. Kilala niya ako? This
can't be!

Akmang hahablutin ko na sana ang kunai na nasa likuran ko ng nakalapit na siya sa


akin at pinigilan ako. Hawak niya ang dalwang kamay ko at inaapakan niya naman ang
dalwang paa ko kaya hindi ako makagalaw. Maang na tinitigan ko siya, he has the
sixth sense as well.

"Now, now, calm down will you?"

"Just tell me what you want," tanging saad ko na lang para matapos na ito.

"The answers you need. They're found in the Forbidden Zone." Bulong niya malapit sa
teynga ko at matapos niyang bumulong ay lumayo na siya.

"Forbidden Zone? Baliw ka na ba? It's a barren land at bawal ang pumunta doon."
He just shrugged as an answer at tumalikod na. "It's great to see you again!" Sigaw
ng lalaki nang nasa malayo layo na siya habang kinukumpas ang kanang kamay niya na
animo'y namamaalam.

"Wait! Who are you?!" Pasigaw na tanong ko upang marinig niya.

"You'll know! Soon!"

Naiwan akong nakatanga sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa papalayong imahe


ng lalaking 'yon. Kilala ko siya sa buhay ko dalawang taon na ang nakakaraan. Parte
siya ng nakaraan ko na hindi ko maalala.

Forbidden Zone, isang malwak na lupain na bawal puntahan ng kahit sino man. Ang
sino man ang aapak do'n ay may kaakibat na parusa, ang kamatayan. Plus, wala namang
magkakainteres na pumunta do'n dahil isa itong lupa na hindi mo makikitaan ng
buhay. Walang mi isang halaman

ang ando'n. Maitim din ang lupa do'n na parang may halong uling.

Paano ko nalaman ito? Dahil isa ako sa mga naatasang magbantay dito. Ako rin ang
nagbibigay ng parusa sa mga taong pumupunta doon.

Hmm come to think about it, walang magdududa kung pupunta ako doon bilang si
thirteenth na nakatokang mag inspeksyon dahil matagal-tagal na rin simula noong
pumunta ako doon. Paniguradong maramirami na ang mga naipong mga bilanggo sa
kulungan doon.

Imbis na bumalik sa dorm ay nagmamadaling pumunta ako sa school garage at kinuha


ang motor ko. Matulin akong nagpatakbo total wala namang traffic dito sa Underworld
Realm city. Maraming mga tanong ang gusto kong masagot pero hindi ko akalain na
ngayon ko 'to nakatakdang malaman.

Dumating na ako sa Forbidden Zone at gaya ng inaasahan ay sinalubong ako ng mmga


reapers ng pamilyang Loong. Pagkatanggal ko sa helmet ay binaba na nila ang
kanilang sandata nang makumpirma nilang hindi ako kalaban. Yumuko sila at binigyan
ako ng daan. Bumukas naman ang isang malaking gate na gawa sa metal at pagkapasok
ko ay tumambad ang patay na lupain ng Forbidden Zone.

"Any intruders?" Tanong ko sabay tapon ng helmet ko sa leader ng mga reapers na


agad niya namang sinalo.

"We have, fourteen folks in the cellar." Sagot niya. Tumango lang ako at dumiritso
sa opisina ko dito. Pagkaupo ko ay tumambak ang mga reports na naglalaman kung ano
ang mga background ng nahuling mga tao. Hindi na ako nag-abalang buksan pa iyon.

Dumiritso na ako sa basement kung saan nakalagay

ang mga nahuli. Pagkapasok ko ay agad ako sinalubong ng masangsang na amoy at mga
iyak ng pagmamakaawa na palabasin na sila dito. Huminto muna ako bago ko nilingon
ang mga nakasunod na reapers. Naintindihan naman nila ang gusto kong ipahiwatig
kaya mabilis silang umalis. Isang tunog ng isiniradong pinto ang aking narinig bago
ako nagpatuloy sa paglakad sa selda ng mga nahuli.

Pagkadating ko ay hindi man lang nila ako nilingon kaya pinatid ko ang bakal na
pinto ng selda. Sabay silang lumingon sa'kin. Mga pares ng mga walang buhay na mga
mata ang sumalubong sa akin. Ganitong eksena ang palagi kong nadadatnan tuwing oras
na para patayin sila pero hindi ko alam kung bakit ngayon ay nakaramdam ako ng
isang damdamin na hindi ko dapat maramdaman, ang awa.

"I've been dying to ask those whom I persecuted why did they come here when they
knew it will be their death whom awaits them. Can you tell me why in behalf of
their steed?"

Isang matandang babae ang lumapit sa pinto ng selda. Kahit sa kalunos lunos na
itsura niya ay makikita mo sa mga mata niya ang galit at katapatan. Katapatan para
saan? Hindi ko alam.

"Our Queen will come back and when she does, it will be the end of the Dark
family's reign." Makamandag na saad ng ale. Nabaliw na ba 'to? Paano mapapatumba
ang pamilyang siyang nagtatag sa Underworld Realm?

"In your dreams, old hag."

"White family shall reign again from the ashes."

Parang pinitik ng kung ano ang sentido ko matapos ko marinig ng huling sinabi ng
matanda.

Bago pa ako makasigaw sa sakit ay nagdilim na ang aking paningin.


Astrill's Point of View

"Bheshy!" Tawag ng isang babaeng naka uniform ng parang sa uniform ng D University.


patakbong siyang lumapit sa tinawag niya kaya nalampasan niya ako.

Isang nakasalamin na babae ang lumingon. "Running like a child again, Karmy?"

Nagpout ang babae at ikinawit niya ang braso niya sa braso ng nakasalamin na babae.

Napabalikwas ako ng bangon mula sa panaginip na 'yon. Inilibot ko ang paningin ko,
puro puti ang aking nakikita. Napabalikwas naman ang lalaking nasa tabi ko at ng
magtagpo ang aming mga mata ay agad ko siyang nakilala.

"Kiel..."
TBC...

=================

Unmasked 21

A/n:

This is the book 2 of The Underworld Goddess so before reading this further I
suggest you'll read the book 1 first :)

By the way, ony a few got the correct answer :)

Great deduction guys :D

No updates this weekend, malapit na ang midterm eh :)

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------

Zen's Point of View

Nang magmulat ang aking mga mata ay agad akong napakurap-kurap para makapag adjust
ako sa liwanag. Napahawak ako sa aking sentido ng biglang kumirot ito, hindi ko
alam kung dahil ba sa biglaang pagkawalan ko ng malay o dahil baka nabagok ako sa
sahig kaya ito sumasakit.

"Thirteenth, ayos ka lang ba?" Biglang may lumapit sa paanan ng higaan. Doon ko
lang napansin na andito pala ang Spiders at iilang mga reapers ng Forbidden Zone.
Iginala ko ang aking mga mata, andito pala ako sa opisina ko dito sa Forbidden
Zone.

Imbis na sumagot kay fourth ay tinanong ko siya, "How long was I out?"

"Three hours, give and take some minutes." Sagot ni Sixth na nakasandal malapit sa
pinto.

Tumango ako bilang sagot sabay buntong hininga. Napanaginipan ko na naman ang
eksenang 'yon pero sa pagkakataong ito ay malinaw kong nakita ang mga mukha ng mga
tao sa panaginip ko.

"Well then, since you are alive and kicking. We should be going." Tumayo na si
Eleventh. Lumapit naman sa'kin sina Third, Sixth at Tenth. Marahan nila akong
tinapik sa balikat pero isang blangkong tingin lang ang pinukol ko sa kanila.

"Take care, Thirteenth." Saad ni Tenth.

"Oo

nga, ikaw pa rin ang nag iisang babae ng Spiders kahit na ikaw ang pinakamalakas."

Tumalikod na ang dalawa pero nasa tabi ko pa rin si Sixth. Isang nagtatakang sulyap
ang iginawad ko sa kanya pero lumapit lang siya at marahang ginulo ang buhok ko.

"Hey!" Binawi na niya ang kamay niya at walang sabi-sabing naglakad paalis ng silid
kasama ang ibang mga reapers. Naiwan akong mag-isa sa silid.

At bago ko pa namalayan ay naglalakad na ako ulit papunta sa basement kung saan


andoon ang mga nahuli. Andoon din ang matanda na nakausap ko kanina. May sinabi
siya na naging dahilang kung bakit ako biglang nawalan ng malay. Isang salita na
naging susi kung bakit nanaginip na naman ako. Mga panaginip na hindi ko alam kung
mga ala-ala ko ba na siyang nalimutan ko.

"You're back," saad ng matanda mula sa madilim na bahagi ng kulungan. Ang tono
niya ay parang inaasahan na niyang magbabalik nga ako.

"I need answers," malamig ang boses ko ng sinabi ko 'yon. Hindi mababakasan ng
kahit anong emosyon ang aking mga mata.

"Think twice, you might put yourself in trouble."

"I made sure that whatever you said will remain between the two of us. Come with
me," binuksan ko ang kulungan at pinalabas siya. Nag-alangan siya nng una. Sumunod
naman siya sa'kin papuntang opisina ko. Sinigurado kong walang makakakita sa amin,
Nakatokang magbantay sa bawat sulok ng perimeter ang bawat reaper. Inilock ko rin
ang pinto ng opisina ko at dumiritso sa isang tagong lagusan kung saan ako lang ang
may alam. Kung titingnan ay parang isang painting lamang ito pero ito ay isang
lagusan

kung saan nakatago ang nano remote mula sa singsing ko. Pagkapasok niya agad ko ng
isinara ang lagusan.
Umupo ako sa kabilang bahagi ng couch habang nasa kabilang bahagi naman siya. "Now
talk." I don't have the luxury of time.

Nag-ilan muna ang ilang minuto bago siya nagsimulang magsalita.

"Before I tell you this, why are you so interested with the White Family?"

Bakit nga ba?

Dahil alam kong may koneksyon ito sa nakaraang aking nakalimutan. Dahil alam kong
masasagot nito ang mga katanungan ko sa aking panaginip. Dahil alam kong ito ang
kukumpleto sa aking hungkag na buhay sa loob ng mahigit dalawang taon.

"I said talk." Mas madiin na ang pagkakasabi ko. Nakita niyang galit na ako kaya
kinakabahang nagsimula siyang magsalita.

"Okay I will start with your dreams. What's in your dream?"

Ano ang laman ng panaginip ko na paulit-ulit kong napapanaginipan. Mga eksenang


paulit-ulit lang. Eksenang nagbibigay ng ibayong sakit na hindi ko alam ay nasa
puso ko pala.

Isang buntong hininga ang ginawa ko bago nagsimulang umalala sa panaginip ko at


maglahad sa harap ng matandang 'to.

Astrill's Point of View

Naalala ko na lahat. Mula sa mga pinakamaliit na bagay hanggang sa pinakamalaki


eksaktong talong taon na ang nakakaraan. Kung saan andito pa ang Phoenix at ang
White Family. Dahan-dahan akong tumingin sa mga mata ng lalaking ito habang
nagbabadya ang aking mga luha sa pagpatak.

At bago ko pa man maibuka ang aking labi ay mabilis niyang natawid ang distansya sa
pagitan namin. Sakop na niya ang labi ko, bago ko pa man siya maitulak ay marahas
na bumukas ang pinto. Hindi natinag si Kiel pero ng makita ko ang taong nasa bukana
ng pinto na mukhang gulat na gulat ay agad kong naitulak si Kiel.

Zen's Point of View

Mabilis ang mga hakbang ko papuntang infirmary. Ng magtanong ako kanina ay napag-
alaman kong nasa clinic pa rin siya at Kiel. Gusto ko silang surpresahin at
ibalitang naalala ko na sila kahit kunti lang, kahit ang mga masasakit na ala-ala.
Gusto kong matanong sila, lalo na si Kiel.

Pero ng pagbukas ko ay ako ang nasurpresa sa aking nakita.

Siya at si Kiel ay magkahalikan.

Si Karmy at ang lalaking pinag-alayan ko ng buhay ay naghahalikan.

"Retard," bulong ko na tanging ako lang ang nakakarinig.


TBC...

=================

Unmasked 22

A/n:

First wave of questions will be answered and another set of mysteries will be
unleashed :D

Midterm na bukas . Fighting!

ACE

---------------------------------------------

2 years ago

Moscow, Russia

O'Hara Laboratories

Nightwind's Point of View

"Siren, sigurado ka na ba?" Hindi ko alam kung pang-ilang tanong ko na ito sa kanya
pero wala akong pakialam. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mga mata niya
simula nang umalis kami mula sa Underworld Realm City. Nandito kami ngayon sa isang
tagong pasilidad ng pamilya ni Siren sa Moscow para saksihan ang isang nahihibang
na plano niya.

Hindi siya lumingon sa'kin at nanatiling nakatingin sa dalawang mga katawan na


nakasuot ng mga laboratory gown at nakahiga ng magkahiwalay sa harap namin.
Parehong walang malay ang mga katawang ito at parehong mga babae.
" I've never been this sure in my entire life, Nightwind." Mahinang sagot niya. Sa
lahat ng myembro ng Phoenix, si Siren ang pinakanaapektuhan sa pagkawala ni leader
sa puntong hindi na namin siya kilala. Sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala
ng kaibigan niya.

Naramdaman kong may tumabi sa akin. Si Dark Phoenix.

" This is suicide, Siren."

"It's not. It's a gamble I am willing to take." Hindi pa rin nagbabago ang timbre
ng boses niya. May pinalidad dito na alam naming mahirap baliin.

"

Para mo na ring binaboy ang katawan ni leader." Sersyoso ang boses ni Dark Phoenix.

"Bakit niyo ako pinipigilan?! Ayaw niyo bang mabuhay si bheshy?!" Hysterical na
naman siya. Humarap siya sa amin at nakita namin ang luhaan niyang mga mata na
sinasalamin ang pighating pilit niyang inaakong mag-isa at ang nag-aalab na
determinansyon.

"Gusto! Gustong gusto! Pero Siren imposible ang gusto mong mangyari! Hindi na siya
babalik pa! We need a miracle to do that!" Hindi mapigilang bulalas ko. "Gusto kong
ibalik ang dating lagablab ng Phoenix, gusto kong makita muli ang ngiti ni Sprite,
gusto kong makita lumaban uli tayo kasama si leader. Hindi lang ikaw ang nawalan
Siren! Kami rin!" Ipinatong ni Dark Phoenix ang kamay niya sa kanang balikat ko
bilang pagpapakalma.
"Siren, brain transplant is impossible. Kahit sa teknolohiya natin ngayon ay maliit
lang ang success rate nito." Kalmado ang boses ni Dark Phoenix. Nang tiningnan ko
mata sa mata si Siren ay nanlumo ako. Nandito pa rin ang determinasyon.

"Mali, may success tallied case na rito." Isang boses ang nagsalita. Ng nilingon
namin ito ay nakita namin si Deathstalker mula sa likuran namin. May tulak tulak
siyang mahabang parisukat na gawa sa isang metal. Hindi ko maaninag kung ano ang
laman nito.

"Success? Ang unggoy ba ang sinabi mo na ineksperimentuhan ng isang amerikanong


doktor? Nababaliw ka na ba Deathstalker?" Binigyan ko siya ng matalim na tingin.
Hindi niya ba alam ang sinasabi niya?

"Isang

pagkakamali ay maaaring buhay ni Siren ang maging kapalit!" Galit na rin si Dark
Phoenix.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ni Siren at naisipan niyang dalhin ang
bangkay ni leader ng patago rito sa Moscow. Sa loob ng tatlong linggo matapos ang
Taetoku Great War II ay naisipan niyang magpa brain transplant sa isang katawan ng
babaeng mas bata sa amin ng isang taon ang gulang. Ganyan din ang plano niya mula
sa katawan ni leader papunta sa isang babaeng mas bata rin ng isang taon ang gulang
sa amin.

It is plain suicide. Gaya ng sinabi namin ni Dark Phoenix ay wala pang naitalang
tao ang naging recipient sa isang brain transplant. Totoong may naitalang success
operation pero sa unggoy ito! Magkaibang magkaiba sa utak ng tao. Plus the fact
that leader has been dead for three weeks now.

At isang gago pa 'tong si Deathstalker, paanong pumayag siya sa plano ni Siren eh


siya ang matatawag na isa sa mga matalino sa grupo! Nilagpasan lang kami ni
Deathstalker habang tulak tulak niya ang metal na kahong parihaba at itinabi ito ng
ilang pulgada ang layo mula sa dalawang katawan.
Humakbang papunta sa amin si Siren. Nakayuko siya ng nakalapit na siya sa amin at
sinalubong lang niya ang mukha namin nang hinawakan niya ang tag iisang kamay namin
ni Dark Phoenix.

"Please, just for now. Please trust me." Nabanaag namin ang dating Siren sa boses
niya. Malumanay at kalmado.

"We just don't want to lose you." Nabasag ang boses ni Dark Phoenix nang sabihin
niya

'yon sabay yakap kay Siren.

"You won't. I promise you."

Wala akong nagawa kundi ay yumakap na lang din kay Siren kahit ang puso ko ay
napupuno ng pangamba.

"Now, let's get this started." Saad ni Siren habang humakbang na siya palayo sa
amin.

On cue, ay binuksan ni Deathstalker ang metal at ang unang lumabas ay usok. Usok na
animo'y para itong freezer na biglang binuksan. Nagsipasok naman ang mga doktor na
naka mask na pero may nakita akong isang pamilyar na pares ng mata. Binalewala ko
ito ng makilala ko ito at itinuon ko ang atensyon kay Siren na nagpalit na ng lab
gown at boluntaryong humiga katabi ang isang babae.

"Holy shit."
Nalipat naman ang atensyon ko kay Dark Phoenix. Tiningnan ko ang tinitigan niya.

"Leader," mahinang bulong ko ng makita ko ang babaeng nakahiga at animo'y nababalot


sa yelo mula sa metal na kahon.

" The gadgets we'll be using now are the gadgets that Siren personally made
including that metal box. It preserves the organs of leader making the transplant
possible for the dead." Biglang paliwanag ni Deathstalker na nasa tabi na pala
namin ngayon.

"Gentlemen, would you mind to go upstairs and watch the operation from up there?"
Tanong ng isang banyagang doktor. Sumunod naman kami at pumwesto sa ibabaw ng
operation room. May mga monitors naman na naka close up sa mga ulo nila upang
makita namin kung ano na ang ginagawa nila sa mga pasyente.

Nasa isang sanga ako ng puno ngayon at kitang kita ko ang unang pagtatagpo nila
Siren at leader na may ala-alang nagbalik na. Kahit hindi lahat ng ala-ala ni
leader ang nagbalik at hindi niya alam na sumailalim siya sa isang brain transplant
pati si Siren ay alam kong makakadama ng koneksyon si leader kay Siren.

Sa panig naman ni Siren ay alam kong naalala na niya lahat.

Napatawa ako mag-isa ng maalala ko ang bilin ni Siren.


"Natupad nga."

TBC...

=================

Unmasked 23

A/n:

Jiyeon as Astrill :)

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
---------------------

Astrill's Point of View

Nang maramdaman kong naglapat ang mga labi namin ni Kiel ay bigla namang bumukas
ang pinto. Dahil sa kabiglaan ay inabot pa ako ng ilang segundo bago naitulak si
Kiel mula sa'kin. Kulang nalang ay lumuwa ang mga mata ko sa kabiglaan at nanginig
ang buong katawan ko sa kilabot. What the fuck! Lumipad ang tingin ko sa may bungad
ng pintuan. Kitang kita ko ang kabiglaan sa mukha ni bheshy na agad namang natakpan
ng isang malamig na anyo.
"Sorry to disturb you," tanging saad ni bheshy bago umalis at isinarado ang pinto.
Hindi naman ako makasigaw ng 'Huwahhhh! Bheshy nagkakamali ka!' kasi baka
mapaghalataan ni Kiel at masupalpal pa ang plano kong inilagaan ko ng mahigit
dalawang taon.

Para namang walang nakita si Kiel at hindi man lang nilingon si bheshy. The nerve
of this guy!

"Lord Kiel bakit po kayo narito?" Magalang kong tanong. Kailangan kong
mapanindigan ang naipakitang ugali ko bilang Astrill no'ng wala pa akong memorya.
Eh sa kay rami raming pwede kong maging pansamantalang ugali ay ang pagiging
tahimik pa! Huwaaah!

Nagbalik na ang orihinal kong memorya at nadagdagan sa memoryang nagawa ko bilang


Astrill. At isa lang ang ibig sabihin nito, nagtagumpay ako. Tagumpay ang mga plano
ko. Naibalik ko si bheshy. Nasalungat ko si kamatayan.

"A-are you my Nana? Are you my white rose?" Nag-aalangang tanong niya na animo'y

isang maling sagot ko lang ay guguho na ang mundo niya.

'Tange! All this time, kasama mo lang si bheshy! She never left you!' Gusto kong
isigaw 'yan sa mukha niya pero baka mapatay niya ko pagnagkataon. After all, siya
si Primo na ngayon ay ang pinuno ng Underworld Realm.

"Nana? Astrill ang pangalan ko," mabagal at mahina kong sagot sa kaniya. Natigilan
siya at kahit pahapyaw lang ay nakita kong dumaan sa mata niya ang sakit.
Kaparehong sakit na nasaksihan ko ng araw na 'yon.

Dumaan ang ilang minuto at walang nagsalita sa amin. Hanggang sa, " Pardon my
sudden outburst earlier. May naalala lang ako sa sinabi mo." Ngumiti ako ng tipid
bilang sagot pero sa isip ko ay kay sarap siyang sakalin. Kay sarap sakalin ng
taong pumatay kay bheshy! Gggrrrr!

"Sino?"

"Someone from my past." Tumaya na siya at kinuha ang coat niyang nakasampay sa
upuan ng clinic.

"Ahhh, an ex lover?" Nagmamaangmaangang tanong ko. Gusto kong malaman kong ano ang
tingin niya kay bheshy ngayon. After all, siya pa rin ang pumatay kay bheshy.

" No. My other half." Sagot niya at tuluyan ng umalis sa clinic.

Other half. Karugtung ng buhay sa madaling salita. Pero bakit gano'n, bakit mo siya
napatay dalawang taon na ang nakaraan?

Hindi niya isinara ang pinto ng clinic kaya malaya kong napagmasdan ang kaniyang
papalayong pigura. 'Marami akong walang alam. Maraming itinagong sekreto si bheshy
mula ng araw na 'yon. Pero iisa lang ang masisiguro ko, matutuklasan ko rin 'yon
dahil ako si Kharmaine O'Hara na mas kilala bilang Siren.

Tatlong mahinang katok ang aking narinig mula sa bintana.

Sa paglingon ko ay nakita kong nakalambitin sa bintana si bheshy. Dali-dali ko


siyang pinagbuksan at kasabay ng pagpasok ng hangin mula sa labas na may dalang
amoy ng mga dahong sumisimbolo na ng taglagas ay sinalubong ko siya ng yakap na
akala ko ay hindi ko na magagawa pa. Namiss ko 'to. Ang init na nagmumula sa
katawan niya na nagpapatunay na buhay siya. Ang pusong pumipintig. Isinubsob ko
lamang ang mukha ko sa balikat niya habang mahigpit ko siyang yakap. Nag init ang
mga mata ko at bago ko pa maunawaan ang susunod na mangyayari ay sunod sunod ng
pumatak ang mga luha ng kaligayahan.

"Bheshy," pahikbi kong saad. Naramdaman ko ang kaniyang kamay na ginulo ang buhok
ko.

"Still a cry baby."

At kahit nagbago ang boses niya, ang kaalamang naalala niya ay nagdulot ng saya na
gustong magtatalon sa tuwa.

"Huwaaaaaah!"

"Good to see you again, Karmy." Mahinang saad niya tanging kami lang ang
nakakarinig.

I win in the gamble where I bet my life and it is worth it.

"Hey! Hey! Hey! Tumigil na nga kayo. At Karmy, isip bata ka pa rin." Marahas akong
napalingon sa nagsalita.

"Nightwind!" Masayang bulalas ko na hindi pa rin bumibitaw kay bheshy.

"Yo."

"Let's go! Matagal na kayong hinihintay ni Carol."

Humantong kami sa tagong bahagi ng Forbidden Zone at dahil si bheshy ang keeper
dito ay madali niya kaming naipuslit sa loob ng walang ibang nakakaalam. Tahimik
naming binabagtas ang Forbidden Zone. Sa bawat pag apak ko ay ang pagbaha ng mga
ala-ala, alam kong ganito rin ang nararamdaman nina Nightwind at bheshy ngayon. Ang
Forbidden Zone ang dating lugar na kinatitirikan ng White Mansion. Kabaliktaran ng
itsura ngayon ang itsura nito dati.

Parang kumikinang ang mga naglalakihang pader na nakapalibot dito pag tinatamaan ng
sikat ng artipisyal na araw. Berdeng berde naman ang paligid sa iba't ibang uri ng
mga halaman na nakatanim papuntang front lawn ng White Mansion. Roman style naman
ang kulay puting mansyon. Mga sigaw ng mga reapers na nagsasanay at mga mahinang
pag uusap ng mga kasambahay. 'Yan ang palagi kong nakikita sa White Mansion tuwing
pumupunta ako dito.

Pero ngayon ay isa na lamang itong lupain na hindi kababakasan ng kahit anong
buhay. Tiningnan ko si bheshy na siyang naglalakad ng una. Huminto kami sa gitna at
gano'n gano'n na lang ay bigla kaming nilamon ng lupa. Dahil sa sixth sense ay
nabalanse namin ang paglanding ng matiwasay.

Napakadilim. Ang nahulugan namin ay isang lagusan na tanging ang nakaka-alalang Zen
lamang ang may alam.
"Okay lang ba kayo?" Tanong ni bheshy sa amin.

"Minor fall won't kill us leader," mayabang na sagot ni Nightwind na nilangkapan ko


lamng ng tawa. Narinig kong may pumitik at kasabay ng pagpitik ay ang pagsindi ng
mga ilaw ng sabay sabay na animo'y may mga pattern ito.

Ng malinaw na ang paligid ay doon ko lamang napagtantong nasa headquarters kami ng


Phoenix!

"Huwaaaaaahhh!" Napatalon talon ako sa tuwa habang masayang nilibot ko ang


paligid. Ang portrait kung saan kompleto kami. Mga sandata namin na ikinahon ng
isang transparent glass.

"Teka ba't parang ako lang ang nagulat?" Nilingon ko si Nightwind na nakasandal
lang sa pader.

"Malamang, dito ako tumira sa loob ng isang taon."

"What?!"

"Ano ba," naiiritang tugon niya.

Isang pagkabasag ng salamin ang sabay na nakapagpalingon sa amin sa pinagmulan


nito. At nakita namin si bheshy na hawak hawak ang Enraiha habang ang pamilyar na
pulang mata ay nakatingin sa amin.
Ang matang pilit na isinalba ko mula sa dating katawan ni bheshy. Ang Crimson eyes.

"You're back guys," saad ni Nightwind.

" We're back," saad ko. Finally we're back.

"Oh yes I'm back," makamandag na saad ni bheshy sabay ngisi.

Ngising dalawang taon ko ring hindi nakita.

TBC...

=================

Unmasked 24

A/n:

Carol is the name of Sprite.


Suzy as Zen :)

ACE

----------------------------------------------------------------------

Zen's Point of View

Sa loob ng headquarters ay may tatlong palapag ang basement at ang napuntahan


namin kanina ay ang pinakaunang palapag. May dalawang nasa ibaba pa nito, ang
training room at ang armory. Niyaya ko silanag pumunta sa training room hindi upang
makipaglaban kundi mas maging kumportable. Nakaupo ako sa gilid ng boxing ring
habang kumakain ng mansanas habang nasa boxing ring mismo sa likuran ko ang
dalawang kumag na abala sa pagdadaldalan. Putak ng putak ang bibig ni Astrill sa
pagkekwento nang may bigla akong naisip itanong kay Nightwind at Siren.

"Siren." Tinawag ko ang pangalan niya out of the blue. "Eh?" Sagot niya sabay
mabilis na lumapit sa akin. Nanatili naman si Nightwind sa kinauupuan niya.

"Where

are the others? Sina Sprite, Dark Phoenix, Death Stalker at Starfire?" Mahina ang
pagkakasambit ko sa pangalan ni Starfire. Hindi ko alam kung naghilom na ba ang
sugat na iniwan ni Starfire sa amin matapos niyang mataksil sa grupo pero ako ay
hindi pa. Hindi ako kailan man magiging okay. Hindi lang ako nawalan ng isang
myembro kundi pati na rin ng isang kaibigan.

Kahit patago nilang ginawa ang pagpapalitan ng tingin ay nahuli ko pa rin ito.
Nagpanggap na lamang akong walang nakita. Halatang may itinatago sila pero
malalaman ko rin 'yan. Nakalimutan na ba nila kung sino ako? Ako lang naman ang
Underworld Goddess.

"We haven't heard of Starfire since the Taetoku Great War. A few said that Ciel
Loong disposed him since he had no purpose anymore. A few said that he ran away
that he was too proud to live a shameful life after he turned away from us. Death
Stalker was somewhere at Las Vegas, the last time I saw him he was practically
doing good in gambling. That dude was ten folds richer than me! Dark Phoenix on the
other hand was very hard to find. I heard he was now working at a Yakuza protected
company but he traveled a lot like there's no tomorrow. One time he was at Africa
then the other time he was at South pole with those white bears. Isn't he crazy?"

Tawa ng tawa si Siren sa narinig at ako ay napangiti naman. Mga baliw pa rin
talaga. Teka...

"You haven't mentioned about you and Sprite? Were you married?" Sunod-sunod na
tanong ko sa kaniya pero hinawakan ako sa braso ni Siren. Nagtatakang napatingin
ako sa kaniya at napatigil ng makita ko ang reaksyon ng mukha nilang dalawa. May
isang

ideya ang pumasok sa isip ko pero ayaw ko 'tong tangkilikin. "H-hey, I'm asking
you. A-au-auntie na ba ako?" Pilit kong pinatatag ang boses ko.

"Bheshy, si Carol... Si Carol... S-si Carol.." Kagat-kagat ni Siren ang ibabang


labi niya. Pulang-pula ang mata niya at nanginginig ang boses. Nagsimula na ring
tumambol ang dibdib ko.

"...has left us." Si Nightwind na ang mismong tumapos sa pangungusap ni Siren.


Marahas akong nagpailing-iling habang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang
dalawa.

"No! Please no. Please no..." Hindi ko napigilan ang mga masagang luhang nag-
uunahan sa pagpatak. Naramdaman kong pumula ang mga mata ko. Hinablot ko ang
magkabilang braso ni Siren.

"Why didn't you save her? Why?!" Niyuyugyog ko na siya habang umiiyak kaming
dalawa. Hindi siya nanglaban at nakayuko lang. Lumapit si Nightwind sa amin at
pilit inilalayo ako kay Siren.

"Leader, it's my choice!" Sigaw niya na nakapagpatigil sa akin.

"What?" Siya naman ang hinarap ko. Alam kong pulang pula ang mga mata ko ngayon.
Dahil ito sa galit.

"I knew that she would be very disappointed if I would choose the brain transplant.
She used to say that everything happened for a reason. I want her alive but I love
her too much that I chose to throw away my selfishness." May lungkot ang boses ni
Nightwind. Naramdaman kong unti-unting nagbalik sa dati ang mga mata ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nang sapat na ang distansya sa pagitan naming
ay tinapik ko siya sa balikat. "I respect your decision." Tanging nasabi ko.
Tumango siya bilang sagot.

"Now let's go down to business. Siren

find any means to bring the other members' asses back." Seryoso ang boses ko.
Lumapit naman ako sa isang mesa na nasa sulok ng silid. Naalala ko pang may drawer
doon at may mapa ng Underworld Realm City sa loob nito.

Sumunod sila sa akin. Abala si Siren sa laptop na natagpuan niya dito lang din sa
silid. Si Nightwind naman ay tahimik lang na nakamasid. Pagkabukas ko sa drawer ay
sakto ngang andito pa rin ang mapa. Inilatag ko ito sa mesa habang hawak ko ang
isang pulang marker.
"Isn't that the Underworld Realm City map?" taking tanong ni Nightwind. Nakiusyoso
naman si Siren kaya sinamaan ko siya ng tingin na nakapagpabalik sa kaniya sa aking
iniutos.

"Ano ang napapansin mo sa syudad Nightwind?" Ngising demonyo ko siyang tinanong.


Sinipat niya naman ang mapa at umiling. "Wala namang mali maliban sa Dark family
ang namumuno." Sagot niya na mas lalong ikinangisi ko.

"Wrong. The city is too peaceful that the Dark family became too comfortable for
their liking." Saad ko at inilabas ko ang isang dagger mula sa sapatos ko at
ginawang pang trace sa mapa. "Nomads chose to forget us. Cruel ehy?" Nakatingin
lang silang dalawa sa akin at hinayaan akong magpatuloy. "Then let's show them the
real meaning of cruelty." Pagpapatuloy ko.

"What do you mean leader?" Tanong ni Nightwind.

"Yanigin natin ang kapayapaan ng Underworld Realm. Tulungan natin silang maka-alala
kung gaano ka kinatatakutan ang Phoenix."

Isang tawang baliw naman ang ibinigay ni Siren. "With pleasure leader. Any specific
order?"

"Listen well. Death Stalker will have the task of killing the children

in the Underworld Realm base at North America. Dark Phoenix will have the task of
killing the wives of the bosses in the Underworld Realm base at Asian counties.
They are not allowed to go back without completing the mission. Nightwind will be
causing ruckus in the Underworld Realm city. Siren and I will do the inside job at
the university. We will still pretend that we can't remember anything and act like
before. Let them wear the Phoenix mask leaving a red feather every incident to
highlight that we are back." Pumula ulit ang mga mata. I am seeing red.

Inilagay nila ang kanilang mga palad sa may bandang dibdib nila at sabay na nagbow.
"Affirmative, leader."

"Oh one more thing. Kiel is mine." I said with a smirked before I vanished into the
darkness.

Dalawang araw na ang nakalipas simula no'ng nagkita kami nina Nightwind.
Inaabangan ko na lamang ngayon ang anumang balita patungkol sa mga kaguluhang gawa
ng Phoenix. Hindi ko maiwasang mamuhi sa mga taong lumimot sa amin, buong buhay ko
ay prinotektahan ko ang Underworld Realm laban sa mga mapanghusgang mata ng mga tao
pero ito lang ang maigaganti nila sa akin. Hindi ko sila hiningang kumampi sa amin.
Ang tanging hiling ko lang ay wag nilang kalimutana ang grupo. Pero huli na ang
lahat.

Nakasuot ako ng isang itim na hood gown na hanggang sakong ko. Hindi makikita ang
mukha ko o ang pigura ng katawan ko kahit na sa harapan dahil sadyang malaki ito.
Nandito ako sa sa harap ng libingan ni Carol. Inilapag ko ang dalang puting
bulaklak na may disenyo ng Phoenix emblem sa lagayan.
"Sprite, bilang leader at kaibigan mo, pinapangako ko sa iyo na ibabalik ko trono
sa atin." Puno ng determinasyon ang boses ko habang nakahawak ako sa bandang puso
ko bilang simbolo ng respeto at katapatan.

Inayos ko ang hood at nagsimula ng maglakad paalis. Malayu-layo na ako ng mabangga


ko ang isang tao. Nang maamoy ko ang isang pamilyar na pabango ay tumalon na ako
palayo sa lugar na 'yon bago pa man siya makalingon. Nasa isang sanga ako nakatayo
ilang metro ang layo sa kaniya. Itinago ko ang aking presensya.

Ano ang ginagawa niya doon? Ano ang ginagawa niya sa sementeryong 'yon? May
magkaibang sementero para sa mga matataas ang katungkulan sa Realm.

Kahit nagririgodon ang puso ko ay hindi ko siya nilingon.

Hindi ko hahayaang mauwi sa wala ang kamatayan ni Carol. Hindi ko hahayaang mauwi
saw ala ang pagkamatay ng anak ko.

TBC...

=================

Unmasked 25

A/n:

The revenge for her baby is not towards Kiel but to someone involved at the Taetoku
Great War II. :)

Please do click the external link and watch the trailer of book 1 and I hope you
can click the like button, thank you! I'm thinking something for book 2 though. :)
ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
------------------

Zen's Point of View

Nagsimula kami sa hilaga ng Underworld Realm City. Matapos magsaliksik ni Siren ay


napag-alaman kong nasa Hilaga ang sentro ng patagong kalakalan ng Dark Family. Sa
isang commercial building ay may tagong pasilyo papunta sa isang building kung saan
nagbebenta ng laman ang Dark Family. Nasa mga sampung taong gulang hanggang labing
walong taong gulang na mga babae ang binebenta. Sila ang mga babaeng nakidnap mula
sa saan mang bahagi ng Pilipinas, mga unsolved cases ng mga nawawalang babae ay
andito sa Underworld Realm City upang ibenta. Dito magaganap ang bidding kaya
andito rin ang mga taong hayok sa mga laman. Nakikita ko ang pagdagsa ng mga taong
sinasalamina ng kapangyarihan na pawing nakamaskara. Of course, ayaw nilang malaman
ng mga tao ang kanilang mga kahayupang ginagawa kaya protocol sa bidding ang
maskara. Napansin kong may mga I.D. silang pinapakita sa mga bantay.

Andito ako sa may tagong bahagi ng daan na madilim. Sa gilid ko dumaraan ang mga
bidder mapababae man o lalaki papunta sa entrance. Iginala ko ang aking mata at
saktong may babaeng naglalakad sa bandang likuran. Gotcha!

Mabilis kong isinuot ang mascara kong natatabunan

ang buo kong pagmumukha. Isang mukha ni Joker ang nakaguhit sa mascara. Agad kong
sinabayan sa paglalakad ang babae. Inilibot ko muna ulit ang mata ko para tingnan
kung nasaan na si Siren at Nightwind. Nasa unahan ko sila, binigyan nila ako ng
isang simpleng tango at pasimple kong tinutukan ng baril ang babaeng katabi.

"Shout and I'll shoot."

Napahugot siya ng hininga at nanginig ang kanyang katawan. Hindi naman kami
napansin ng mga taong naglalakad sa unahan at likuran naming dahil natatabunan ng
bag ko ang silencer gun. Nanginginig na tumango siya kaya napangisi ako.

"Come with me." Hinawakan ko siya sa braso na kung titingan ay para lamang kaming
magkaibigan. Dinala ko siya sa CR. Pagkabukas ng pinto ay agad ko siyang binalibag
papunta sa isang cubicle. Inilock ko rin ang pinto ng C.R. para maiwasan ang
istorbo.

"W-what do you want? M-money?" Natatarantang binuksan niya ang kanyang pitaka at
humablot ng ilang pirasong pera. Sa pagbukas niya ng kanyang pitaka ay nakita ko
ang I.D. at bago pa siya makalingon sa akin ulit ay kinuha ko na ang silencer at
binaril siya sa noo.

"Keep your money, wench." Niyuko ko ang pitaka niya at mabilis na hinablot ang I.D.
"Lera Swann," pagbasa ko sa pangalan ng nasa I.D. Bago ako umalis ng tuluyan ay
isinara ko ang C.R. at nilagyan ng signage na Under Maintainance. Balewala akong
naglakad papuntang entrance hanggang sa makapasok na ako ng walang aberya.

Nakaupo ako sa pinakadulong bahagi ng show room habang naghihintay na mag-umpisa


ang bidding. Kanina pagkapasok ko ay nakita kong nasa bandang unahan ang pwesto ni
Siren

at nasa bandang gitna naman ang pwesto ni Nightwind. Hawak ko naman ang bidding
number ko number 868. Madilim pa ang paligid at sarado pa ang entablado.
Naglilipana naman ang reapers ng pamilyang Loong. Maingay ang paligid dahil sa pag-
uusap ng mga bidders na halatang excited na makabili ng bagong laruan.

Sinipat ko ulit ang relos ko na sakto naman pagbukas ng mga ilaw. Humiyaw ang mga
bidders na parang hayok na hayok. Approximately nasa isang libong tao ang narito
kasama na ang mga reapers. Magsisimula na ang bidding. Dahil nasa pinakamalayong
pwesto ako ay wala akong katabi. May lumabas na lalaki at naglakad papuntang stage.

"Distinguished guests we are here for the monthly annual bidding approved by our
Lord Kiel Loong!" Sa pagkakasabi niya no'n ay naghiyawan ulit ang mga tao sa show
room maliban sa aming tatlo. Alam pala ito ni Kiel. Umulan ng masigarbong
palakpakan, itinaas ng lalaki ang kanyang kanang kamay at nagsitahimik silang
lahat. Seems like that this man has a power in the Realm. Marami na talaga akong
hindi alam sa Realm.

"Shall we begin?" At tumawa siya ng nakakaloko na nakapagpairiti sa akin. Buti na


lamang at dala ko ang contact lens at maiiwasan ang anumang suspeksyon laban
sa'kin. Kanya-kanyang approba ang mga tao na tila hindi na nila kayang maghintay ng
kahit isang minute pa. Tss, such a vile creatures.

Pinitik ng lalaki ang kanyang kamay at humawi naman ang pulang kurtina ng
entablado. Pumwesto ang lalaki sa isang platform malapit sa stage.

"Object Number 1! De Laila!" Pagkatawag niya ng pangalang ay lumabas ang babaeng


nakamaskara ang kalahati

ng mukha at tanging suot lamang ay kulay lilang bikini. Nakapaa siya at kahit na
nasa malayo ay kitang kita ko ang panginginig ng kanyang kalamnan. Sa kanyang
tindig ay aakalahin mong nasa mga labingwalong taong gulang na siya pero sa
nakikita ko sa ibang parte ng kanyang katawan ay tantya ko ay nasa labinglimang
taong gulang pa siya. Sinasalamin ng mga mata niya ang takot habang naglalakad siya
ng pabalik balik sa buong entablado. Haharap, tatalikod at tatagilid. Siya si De
Laila ang unang ibebenta. Parang mga asong ulol ang lalo na ang mga kalalakihan.
Unang nagtaas ng biiding number si number 128.

"Two million!" Sigaw niya.

"We start at two million. Going up?"

"Two million five hundred thousand!" Sigaw ng bidder na nasa kabilang bahagi ng
showroom, bidder 67.

"Five million!" Sigaw ng bidder na malapit lang sa akin, bidder 798.

"Six Million!" Ganting sigaw ni bidder 128.

"Eight million!" May sumigaw ulit sa may bandang gitnang bahagi, bidder 482.
"Ten million!" Base sa boses ni bidder 128 ay galit na ito. At hula ko, sa laki ng
perang kaniyang ginamit ay inabangan niya talaga ang De Laila na ito. Obsession.

Wala ng sumagot pa sa bid ni bidder 128. "Going twice? Sold! Object number one De
Laila sold to bidder 128." Ang lalaking facilitator ang nagdeklara. Nakita ko ang
pagkayuko ni De Laila. Tumayo naman si bidder 128 habang pinalakpakan siya ng mga
tao.

"Leader, kalian ba tayo aatake?" Biglang may nagsalita sa earpiece na suot ko.
"Nangangati na akong padanakin ang dugo dito." Pagpapatuloy niya.

Hindi

ako sumagot at nanatiling tutok sa entablado. May dalawang reapers ang lumapit kay
De Laila at dinala siya sa likuran ng stage. "Object number two, Rosa!"

Pumasok ang isang batang babae na hula ko ay nasa labingtatlo ang gulang. Tulad ni
De Laila ay nakasuot siya ng bikining kulay pula habang kalahati ng mukha niya ay
may maskara. Bigla akong may naalala. Si tabachoy.

"One million!" Isang babae ang sumigaw, bidder 834. Malapit lang siya sa akin.

"We start at one million! Going up?"

Itinaas ko ang bidder card ko at sumigaw. "Two million!"

"What are you doing?" Tanong ni Siren sa gamit ang earpiece pero nanatili akong
nakatingin sa entablado.

"Five million!" May isang lalaking mataba ang sumigaw. Nilingon niya ako at
ngumisi, bidder 654.

"Six million!" Ganting sigaw ko. Hindi ako magpapatalo sa taong nakatakdang
mamatay ngayong gabi. At least I should have fun until I got bored and kill them
piece by piece.

"Ten million!" Sigaw ni bidder 297.

"Twenty million!" Sigaw naman ni bidder 654.

"Twenty-five million!" Ganting sigaw ko. Napalingon sa akin ang ibang bidders.

"Thirty million!" Napatayo na siya sa kanyang upuan at hinarap ang direksyon ko


habang prenteng nakaupo lamang ako.

"Fifty million!" Ganting sigaw ko. Napapangisi ako tuwing sisinghap ang mga tao.
Alam kong nag-eenjoy sila. Narinig ko ring napatawa si Nightwind through earpiece.

"Damn! Sixty million!" Hindi pa rin talaga nagpapatalo ang bidder na ito. Ganito
niya kagustong makuha ang bata.

"One hundred million!" At nagsipalakpakan ang mga tao habang hindi na umimik ulit
si bidder 654. Good pig. Tumayo na ako at naglakad papuntang stage.

"Sold to bidder 868 object number two!"

"Shall I claim my prize then?" Sa bawat paglakad ko ay natatahimik ang dinadaanan


ko, posibleng dahil sa maskara ko na natatabunan ang buong mukha ko at ang mukha pa
ni Joker ang nakaukit. Nang matapat ako sa hanay ni bidder 654 ay nilingon ko siya
sandal bago maglakad ulit. Kitang-kita ko ang takot sa kaniyang mukha.

Umakyat ako sa stage. Ramdam ko ang libong pares ng mga mata na nakamasid sa bawat
paghakbang ko.

"Let's go," mahinang saad ko sa bata habang nakalahad ang isang kamay ko sa kaniya.
Nakita ko ang takot at pag-aalangan sa mga mata niya, poor thing.

"Let's go Rosa," ulit ko. Doon lang niya unti-unting inabot ang kamay ko. Dinala ko
siya sa kinauupuan ko kanina nang lumingon ako ulit sa facilitator sabay tutok ng
silencer gun sa kaniya.

"Let's end this."

TBC...

=================

Unmasked 26

Zen's Point of View

Mula sa dilim ay nagsisulputan ang mga reapers ng Dark family habang may mga
bodyguards naman ang nagmamadaling pumunta sa mga bidders upang protektahan sila.
Napapangisi ako tuwing mapagmamasdan ko ang mga bidders kanina. Kahit naka heels ay
hindi ito hadlang sa pagsugod ko.

"Let the feast begin!" Sigaw ko at tumalon ako mula sa entablado. Hindi pa man
lumalapat ang mga paa ko sa sahig ay nasalo ko na ang inihagis na espada ni
Nightwind, ang Enraiha. Ninamnam ko ang pakiramdam ng mga daliri ko sa Enraiha.
Parang hindi dalawang taon ang lumipas sa halip ay parang kahapon lang. Sa pagbukas
ko ng aking mga mata ay tinanggal ko ang contact lens upang Makita ng lahat na
ako'y nagbalik na.

Kaniya-kaniya kami ng pwesto habang ako ay ang facilitator ang puntirya. Dahan-
dahan kong binuksan ang sakuban ng Enraiha. Hinati ko sa dalawang bahagi ang
Enraiha kaya ang magkabilang kamay ko na ang may hawak ng mga espada. Kahit takot
ay nanatiling nakataas ang noo ng facilitator. Pinapalibutan naman ako ng mga
reapers na may hawak na baril o may hawak na kunai.

Nanatili akong nakatayo ng tuluyan na akong napalibutan. Nang Makita ng facilitator


ang sitwasyon ay tumawa siya, tawang tagumpay. "Surrender your head, traitor.
You're doomed."

Hindi ako umimik at sa halip ay tumakbo ako papunta sa kaniya ng walang pag-
aalinlangan. Ang dalawang espada ay hawak ko sa magkabilla, handang umatake at
sumipsip ng dugo.

"Your toys can't harm me." Seryosong saad ko. Tatlong reaper ang humarang sa harap
ko habang may lima sa likuran.

Sabay nilang ginamit ang mga espada nila. Inuna ko ang nasa gilid ko. Itinaas ko
ang dalawang espada at sinaksak ang magkabilang reapers sa loob lamang ng ilang
segundo. Sa pagkakahugot ko ng mga espada ay hinablot ko an gang nasa unahan ko
para gawing panangga sa limang reapers. Itinulak ko papunta sa kanila ang katawan
kaya sabay silang napaatras. Ginamit ko ang pagkakataong 'yon para tumalon papunta
sa likuran nilang lima at sabay silang pinagsasaksak ng espada sa bandang likuran
ng leeg nila.

Hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis na tinungo ang likod ng entablado kung
saan nakita kong dumaan ang duwag na facilitator na iyon. Kailangan ko siyang
mahuli ng buhay. May sumalubong ulit sa akin na grupo ng mga reapers pero sa
pagkakataong ito ay mga baril ang hawak nila. Kinuha ko ang mga kunai mula sa
likuran ko at mabilis na tinira sila isa-isa, sakto sa noo.

May nagpaputok mula sa likuran ko at dahil sa sixth sense ay agad kong naiharang
ang Enraiha sa katawan ko dahilan upang nagreflect ang bala papunta sa isang
reaper. Pinagdikat ko ang dulo ng dalawang espada at sabay na inikot ito sa
parehong magkabilang direksyon at nabuo ang Saiha. Umulan ng bala pero walang
anumang inikot ko ng parang baton ang Saiha dahilan upang magsitalsikan ang mga
bala saiba't-ibang direksyon. Nagsitumbahan ang mga reapers na natamaan ng mga
bala. Ang kaliwang kamay ko ang pina-ikot ko ng Saiha habang mabilis kong napulot
ang isang baril at pinagpuputukan sila. One shot one kill. Hindi ako huminto
hanggang sa wala ng bala ang natira. Marami pa rin ang nagpapaputok kaya pinulot ko
ang isang baril katabi ng napatay

ko kanina.

Tumalon ako at tinuhod ang mukha ng isang reaper na malapit sa akin sabay sukbit ng
Enraiha sa likod ko. Nahawakan niya ang paa ko kaya natumba ako pero ginamit ko ang
isang paa ko para patirin siya sa maselang bahagi ng kanyang pagkalalaki na dahilan
upang mapahiyaw ito. Gumulong ako papalayo sa reaper na papabagsak na. Hinagip ko
ang isang machine gun at tumayo. Kahit nakamaskara ay ngumisi pa rin ako ng
malademonyo.

"Hasta lavista babies!" Bulong ko sa sarili ko at nagpaulan na ng walang humpay na


mga bala. Pumapaikot-ikot ako habang nagpapaputok nito at parang mga lamok na
nalalagas ang mga reapers, bodyguards at bidders sa harapan ko. Sa bawat pagtama ng
mga bala sa katawan nila ay ang pagtalsik ng dugo sa katawan ko. Mas nauhaw ako sa
dugo kaya naglalakad ako palapit sa kanila. Kahit marami ay sabay pa rin sila sa
pag-atras kada hakbang ko papalapit sa kanila. "Fools."

Sa isang iglap lang ay nawala na ako sa harapan nila at mabilis silang pinaputukan
mula sa likod. Balot ng dugo ang buong maskara ko na animo'y naliligo sa dugo ang
mukha ni Joker, ang maskara ko. Dumadaloy ito papunta sa leeg ko at mga kamay. May
humampas sa akin ng baril sa ulo pero imbis na mawalan ng malay ay lumingon ako sa
humampas. Oh, bidder 128. Dahil sa hindi ako nawalan ng malay ay naginginig na
napaatras siya mula sa akin.

"S-so-sorry!" Nauutal na paghingi niya ng paumanhin. Huminto naman ako sa


paghakbang papalapit sa kaniya na ikinagalak niya ng todo. At nang makahanap ng
pagkakataon sa pag-aakalang nalingat na niya ako ay kumaripas siya ng takbo.

Twelve steps away from me

at napahinto na siya dahil kaharap ko na naman siya ulit. Bumalik ang nginig sa
mukha niya. Bago pa niya maibuka ulit ang bibig niya ay pinaputukan ko na ang ulo
niya Tumalsik naman sa maskara ko ang dugo at ilang laman mula sa nabutas niyang
ulo. "Insolent fool you are, bidder 128." Bulong ko kahit patay na siya bago
humarap sa facilitator na hawak na ni Siren. Nang ilibot ko ang aking mata ay nasa
lima nalang ang mga natira kasama ang facilitator.

"Have you secured them?" Tanong ko kay Siren na ang patungkol ay sa mga babaeng
binebenta. Tumango at yumukod naman siya bilang sagot.

"All of them?" Tumango at yumukod ulit siya. "Good."

Ang dating malinis na show room ay parang dagat ng dugo sa dami ng dugo na
nakakalat kung saan-saan. Mga bangkay na nagpapatongpatong sa isa't-isa. Ang amoy
ng nangangalingasaw ng dugo ay namumukod tangi. Isang eksenang namiss ko matapos
ang ilang taon.

"Wait 'til Lord Kiel will hear about this and you'll be punished." Makamandag
niyang saad habang nanglalaban siya mula kay Siren.

"And this punishment shall to be beheaded ey?" Sa bawat paghakbang ko papalapit sa


kaniya ay ang dahan-dahang paghugot ko ng Enraiha sa likod ko. Sa bawat paglapit ko
ay ang pagkawala ng kulay sa mukha niya.

"N-no. A short drop and a sudden stop." Saad niya. Kung gano'n ay bitay. Sa
katauhan ko bilang Zen ay wala pa akong nakitang binitay sa utos ni Kiel.

Nang gahibla na lamang ang sa pagitan naming ay pinahid ko ang duguang blade ng
Enraiha sa damit niya na halatang mamahalin. Napalunok naman siya nang sumayad na
ang blade nito sa damit niya. Nasasayahan ako

pag nakikita ko ang ganitong ekspresyon ng mukha ng mga biktima ko. Unang namamatay
ang utak nila kesa sa katawan nila. Mental torture o ang pag-unti unting pagpatay.

Nilingon ko si Nightwind at napagtantong napatay na niya ang apat na natira kanina.


Umatras ako at sinenyasan si Siren. Tumango naman siya at mabilis na sinakal ang
facilitator gamit ang kanyang brasong umiipit sa leeg nito. "Stop." Nasa bandang
malapit na siya maputulan ng hininga nang nagsalita ako. Huminto naman agad si
Siren.

"Come," sinenyasan ko siya na lumapit sa akin gamit ang aking daliri. Parang tutang
sumunod naman ito sa'kin. "Kneel." Utos ko na agad naman niyang sinunod.

At sa walang pag-aalinlangan ay hinugot ko ang Enraiha at pinugutan siya ng ulo.


Tumalsik ito malayo sa akin. Ang kaniyang mukha ay nakaharap sa'kin kaya kita ko
ang mata niyang dilat at bahagyang nakangangang bibig. Pathetic.

"Let's go," una na akong naglakad paalis.

Isang tikhim ang nakapagpabalik sa diwa ko. Tinatanong nap ala ako sixth.

"Oh yeah," saad ko nalang. Nandito kami sa opisina ng headmaster. Pinatawag kami sa
kalagitnaan ng klase dahil gusting makipagpulong si Lord Kiel sa amin. Alam ko na
ang pag-uusapan pero umakto akong normal bilang Zen. Kumakain ng mansanas habang
tulala pero alerto ang isip ko sa mga pinag-uusapan nila.

"You're not listening again," naiinis na saad niya. Inikot ko na lamang ang mata ko
at nagpatuloy sa pagkain ng mansanas.

Muli kong naalala ang patayan sa mga myembro ng Spiders at si Nightwind ang nasa
likod nito. Kahit na sabihing tanyag ang Spiders bilang kanang kamay ng Dark family
ay hindi mawawala ang katotohanang mas malakas ang Phoenix sa kanila. Kahit na
pagsamasamahin ang mga Spiders maliban sa'kin ay hindi pa rin nila matatalo ang
isang myembro ng Phoenix.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang kambal. Umayos kami ng upo at yumuko
bilang paggalang.

Bago umupo ay inihagis niya ang mga larawan na halatang kuha sa showroom na punong-
puno ng dugo at bangkay. Lihim akong napangisi at kinuha upang mapagmasdan ang
isang larawan. Isang kuha ng pugot na ulo ng facilitator na nakatusok sa isang
espada na animo'y binabandera ito.

"Thirteen, I want you to lead the Spiders for this mission." Saad ni Kiel na
madilimang mukha. Galit siya dahil may nangahas na lumaban sa pamumuno niya. Sorry
love but I have to kill your minions.

"With pleasure," nakangising sagot ko.


TBC...

(Please do click the external link and like the page; I hope you liked the youtube
video too. After doing this I will update the chapter 27)

=================

Unmasked 27

A/n:

Gusto niyo bang masaksihan ang bagong bersyon ng Rank Examination?

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
------------------------

Zen's Point of View


Pinapalibutan man ng malamig na temperatura ay namamawis pa rin ang kamay ko. Sino
ba naman ang hindi lalo na at nasa likurang bahagi ako ng viewer's room habang
nakatuon ang paningin ko sa taong nasa monitor. Nandito ang buong pamilya ng Loong
para saksihan ang seremonya kung saan ipinagdidiwang ang araw ng pagkakaloklok ng
pamilyang Loong sa pwesto, ang araw kung saan natalo ang White family. Bilang
pinuno ay mag-aalay ng isang sword dance si Kiel at sa ngayon ay nasaksihan ko kung
paano siya sumunod sa agos ng tambol na akma sa bawat galaw at wasiwas niya ng
espada.

Buti na lang talaga at nasa hulihang bahagi ang pwesto ng Spiders kundi tiyak na
mapapansin nila ang pamumula ng mukha ko. Pinipigilan ko rin ang pagngiti dahil sa
kilig. Hindo ko naman maiwas ang paningin ko sa kanya lalo na at half naked lang
siya, iba't-ibang ala-ala ang bumaha.

Naalala ko ang gabing 'yon, ang gabing nabuo ang anak namin. Ang anak namin na
hindi na namin kapiling. Nabasa niya kaya ang sulat na ginawa ko para sa kaniya na
may laman ng pagtatapat ko tungkol sa kalagayan ko ng panahong 'yon? Sana hindi
nalang.

Isang masigarbong palakpakan ang nakapagbalik sa diwa ko sa kasalukuyan. Habang


tila bubuyog ang Dark Family Council sa pagpuri kay Kiel ay nanatiling nakatayo
kaming mga Spiders sa bawat sulok ng lugar. Dinoble nila ang seguridad

dahil sa mga sunod-sunod na pag-atake ng hindi nila kilalang pangkat, at kami iyon.

Isang bagong bihis at preskong Kiel ang pumasok sa viewer's room at dumiritso siya
sa pinakamataas na parte kung saan ando'n ang trono niya. Hindi siya dumaan sa mesa
ng ama at kambal niya. At tulad ng dati ay nababalot na naman ng isang blangkong
ekspresyon ang mukha niya. Hindi ko mawaglit ang pagkakatitig ko sa kaniya.

Tumahimik bigla ang paligid. Tumayo naman ang ama ni Kiel. Ramdam ko ang pagbugso
ng galit mula sa kaloob-looban ko. Naikuyom ko ang aking mga kamao at ang pamilyar
na pakiramdam tuwing pumupula ang mga mata ko buti nalang at naisipan ko kanina na
magsuot ng contacts.

"We are gathered to celebrate the victory of Dark Family!" Saad niya. Tahimik lang
si Kiel at ang gagong si Ciel habang hinahayaan ang kanilang ama na magsalita. Ang
hindi ko inaasahan ay ang madilim na anyo ni Ciel at ang walang pakialam na anyo ni
Kiel.

"The battle was long over as my son ended it two years ago! Prosperity and peace
have finally blessed our Realm! And now! Let the feast begin!" Sa pagkakasaad niya
no'n ay umulan ng palakpakan at ang pagsimula ng masayang musika.

Nakapalibot sa buong lugar ang bandila ng Dark Family at sa may bandang uluhan ng
trono ni Kiel ay ang isang painting ng isang kulay itim na dragon kagat-kagat ang
katawan ng isang putting babaeng anghel.

Nagkakasayahan na sa buong paligid pero sa obserbasyon ko hindi natinag mula sa


pagkakaupo si Kiel, may mga alalay ang naghandog sa kaniya ng pagkain o inumin pero
pinapaalis lang niya ito. Hindi ko alam pero gusto kong isipin na naiisip

niya na ngayon din ang araw kung kalian namatay ang katauhan ko bilang si Luciana.
Alam ko rin naman na hindi niya intension ang patayin ako, plano ko 'yon. Planong
nagpapahirap sa kaniya, sa mahal ko.
"Thirteen pinapatawag kayo ni Lord Suzako," pagbibigay alam ng isang reaper. Siya
ang pumalit sa pagbabantay sa pwesto ko at ako naman ay nagtungo sa mesang inookupa
niya. Kitang-kita ko ang paghaharutan niya sa mga babae at ang mata niyang halata
ng lango sa alak.

"Your siege, you've called us." Bahagyang nakayukong saad ko kasama ang ibang
myembro ng Spiders. Bahagya rin kaming yumuko sa bandang gawi ni Ciel.

"How's the hunting of the shadow culprits?" Seryosong tanong niya habang may
babaeng nakakandong sa kaniya. Umayos kami ng tayo bago ako sumagot.

"Nothing leads us to bring the identities of the culprits, your siege."

"Useless bunch of fools!" Galit na sigaw niya na nakadulot na atensyon mula sa mga
bisita. Naramdaman ko rin ang titig ni Kiel. Hindi kami sumagot at yumuko lamang
kami.

"Bring me their heads until then you can't come back thirteen!" Matigas na utos
niya, narinig kong akmang magsasalita si Sixth pero inunahan ko na siya.

"Father," pagtawag ni Ciel sa kaniyang walang hiyang ama.

"Affirmative." Pagtanggap ko sa utos niya na ikinagulat naman ni Ciel. Bakit siya


nagkakaganyan? Wag na wag niya akong bigyan ng dahilan na nag-aalala siya sa'kin
dahil minsan na niya akong pinatay. Well, kahit hindi niya alam ako ito, ang
Underworld Goddess.

Mabilis pa sa alas kwatrong naglakad ako paalis ng viewer's room at nagpatuloy ulit
ang

kasiyahan. Sa bawat paghakbang ko papalayo sa mesang 'yon ay ang pagkabuo ng isang


plano. Bago pa man ako tuluyang umalis ay lumingon muna ako sa gawi ni Kiel na
nakatitig din sa akin ngayon.

Bye for now, love.

Bulong ko sa aking sarili at tuluyan na akong naglaho sa dilim.

Suot ko ang maskarang ginagamit ko sa panggugulo rito sa Underworld Realm.


Nakatungtong kami ni Nightwind sa sanga ng isang puno na malapit sa daan patungong
Dark Fammily mansion. Puro mga kahoy ang nakapalibot sa'min maliban sa mga patay na
reapers na idinispatsa na naming kanina na sa ngayon ay itinago muna namin. Suot
naming ang isang mahabang hood na wala kang makikita kung ano ang pigura namin.

"Death Stalker and Dark Phoenix were blabbering about coming back, leader."
Pagbibigay alam niya sa'kin habang may hinihintay kaming target.

"And their mission?"

"Delivered as bloody as you said, they have created already a ruckus in the Realm.
Eighth, your Spider co member, deducted that the culprits here in the city and
there from the other countries were a group which he got it right."

Napangisi ako sa nalaman, still the smart ass one Eighth. "Good let them think
that. He's drawing the enemies near our lair then. Pa'no mo 'to nalaman?"

"Nagpanggap ako bilang isang waiter sa viewer's room kanina." Simplen sagot niya.

Isang ugong ng sasakyan ang nakapagpatahimik sa'min. Tumalon ako sa gitna ng daan
at awtomatikong napahinto ang sasakyan. Narinig ko ang galit na sambit ng kung sino
man ang nasa loob. Isang dipa nalang ang

layo ng sasakyan sa kinatatayuan ko. Lumabas ang driver at isang bodyguard sa


sasakyan na may dalang mga sandata pero bago paman sila makalapit sa akin ay hinila
na sila ni Nightwind sa dilim. Sunod sunod na sigaw ang umalingawngaw sa liblib na
lugar na ito at umagos mula sa dilim ang dugo.

Ngayon ako nalang at ang tao sa loob ng sasakyan ang natira sa daan. Lumipas ang
ilang Segundo bago bumukas ang pinto ng sasakyan at sabay na umulan ng bala. Gamit
ang kunai ay hinihiwa ko sa dalawa ang mga balang papunta mismo sa akin habang
hindi ako natitinag mula sa kinatatayuan ko. At nang tuluyan ng nakalabas ang taong
hinihintay ko ay lumuwa ang imahe ni Suzako.

Pulang pula ang mga mata ko na sa ngayon ay hindi na nakasuot ng contacts pero
natatabunan naman ng mahabang hood na suot ko.

"The famous culprit." Puno ng panunuya na saad niya. May hinugot siya mula sa
likuran niya sabay sugod niya sa'kin. Mabilis siya kumpara sa iba pero hindi sapat
laban sa'kin. Saktong pagwasiwas niya ng espada sa gawi ko ay ang biglang pagkawala
ko sa pwesto.

"You missed." Bulong ko sa may bandang tenga niya. Lumingon naman siya sa'kin at
agad na gumulong palayo sa'kin.

"Who sent you!"

Hindi ako sumagot at madaling inatake siya mula sa taas na sinalubong naman niya ng
pagtalon papuntang taas. At nang magpang-abot kami sa ere ay sinagot ko ang tanong
niya sabay labas ng Enraiha at tanggal ng hood na suot ko. "Satan."

Kitang-kita ko ang panglalaki ng mga mata niya ng makita niya ang Crimson eyes.
Walang tunog na naglanding ako sa lupa patalikod kay Suzako.

"Y-you..." Saad niya bago unti-unting nabuo ang isang kulay pulang guhit sa leeg
niya at gumulong ang ulo niya sa daan.

Kiel's Point of View


Matapos ang mahabang selebrasyon nila ay agad akong umalis para puntahan ang isang
lugar na ginawa kong himlayan tuwing andito ako sa Underworld Realm City, ang lugar
kung saan huli kong nakasama si Nana.

Sa eksaktong lugar na iyon ay nakatayo ang isang estatwang gawa sa diyamante na


kasing laki ng tao. Isang babaeng anghel na may katabing batang anghel.

Ito ang araw kung saan sinasamahan ko ang mag-ina ko magdamag hanggang sa matapos
ang araw na ito.

Dalawang minute nalang at maghahating gabi na. Sumandal ako sa estatwa nang may
kung ano ang gumulong papunta sa direksyon ko.

TBC...

=================

Unmasked 28

A/n:

No updates for a week. Very short update XD

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
----------
Astrill's Point of View

Mga nagkalat na reapers sa buong parte ng D University, isang normal ng makikita


simula noong natagpuan ang pugot na ulo ni Suzako dalawang linggo na ang
nakakaraan, ang ama ni Ciel at Kiel. Binulabog ng balitang ito hindi lamang ang
Underworld Realm city kundi ang buong Underworld Realm sa buong mundo. Nasa code
black na ang Dark Family sa pagtugis sa mga pugante na hinihinala nilang siya ring
may kagagawan sa mga panggugulo rito sa syudad at sa ibang bansa.

Inihagis ko ang newspaper sa loob ng silid ko matapos kong basahin ang headline ng
newspaper at parang baliw na tahimik na tumatawa. 'Yong tawang walang lumalabas na
tunog pero gumugulong na ako sa sahig. Pfft! Kung alam lang nila na ang pinuno ng
Annihilation Team nila ay siya ring pinuno ng mga tinutugis nila! Bunch of fools!
Looks like bheshy is enjoying playing with these fools.

Ang araw na pinugutan niya ng ulo si Suzako ay ang araw kung saan anibersaryo rin
ng Taetoku Great War II. Naputol ang pagkapanandaliang pagkabaliw ko nang maalala
ko kung ano ang nabasa ko kanina sa bulletin board ng D University.

"Rank exam na naman?" Bulong ng isang babae sa katabi niyang nakatayo habang nasa
harapan sila ng bulletin board. Sakto namang siya ring pagdaan ko kaya narinig ko
sila. Awtomatikong napahinto ako sa tahimik na paglalakad at napabaling sa kanila.

"Akala ko ba at wala na 'yon?"

Tanong pabalik naman ng katabi niya. Tumabi ako sa kanila at nakisilip na rin sa
mga nagkukumpulang mga estudyante sa harap ng bulletin board. At doon ko nakita ang
isang poster na may lagda ni Kiel Loong at Ciel Loong.

[ ANNOUNCEMENT: Rank Examination Seminar at the Botanical Garden.]

Nagpatuloy ang mga bulung-bulungan at nahulog ako sa isang malalim na pag-iisip.


Ang rank examination ay biglang nagbabalik. Lahat ay alam kung gaano ka brutal ang
rank examination na ngayon ay nagbabalik.

Napahugot ako ng isang malalim na buntong hininga nang maalala ko 'yon. Bakit
ngayon pa kung kailan abala ang lahat sa pagtugis sa aming mga Phoenix members?
Paikot-ikot akong naglalakad sa loob ng silid ko nang may isang hinnuha ang nabuo
sa isipan ko.

Teka, isang patibong ang rank examination! Baka nakatunog na ang Dark Family na mga
estudyante kami rito! Kailangan kong ipaalam 'to kay bheshy!

Agad kong kinuha ang cellular phone ko mula sa side table. Pipindot na sana ako ng
bigla itong tumunog. Pangalan ni Dark Phoenix ang bumungad sa caller's ID. Sinagot
ko ito agad nang maramdaman kong ligtas ang pagtanggap ko ng tawag mula sa kaniya.

"Yes?" Sagot ko na nanatiling alerto sa paligid.

"Siren, alam na ba ni leader?" May bahid ng pag-aalala aang boses niya. At doon ko
lang naalala ang isa ko pang problema. Nasapo ko ang noo dahil dito. naging Karmy
lang ulit ako ang dami ko ng problema, buti pa noong Astrill pa ako, aish!

"H-hindi pa." Nag-aalangang sagot ko kay Dark Phoenix. At tulad ng inaasahan, isang
malutong na mura ang natanggap

ko sa kaniya.

"Siren naman! Nang ginawa mo ang eksperimento mo at nang piliin mong salungatin ang
hatol ni kamatayan, dapat handa ka sa panahong ito!" Pangangara niya sa akin mula
sa kabilang linya.

"Kasi naman eehhh, ako ata ang haharap kay kamatayan pag nalaman to ni bheshy."
Mangiyak ngiyak kong saad.

"Nalaman ang alin?" Isang malamig na boses ang biglang nagsalita na naging dahilan
upang mabitawan ko ang cellphone. Unti-unti kong naramdaman ang pagkawala ng kulay
sa mukha ko habang hindi ko alam kung haharap ba ako o tatakbo.

Waaaah! Huli na nang mapulotni bheshy ang cellphone ko at itinapat niya ito sa
tenga niya. Dahil nabagsak ay di sinasadyang nabuksan ata ang loudspeaker kaya
kahit dalawang dipang layo ako kay bheshy ay rinig na rinig ko ang pagsasalita ni
Dark Phoenix.

"---dapat niya ng malaman ang tungkol sa anak niya. ang likot!" At kasabay ng
pagsabi niya noon ay narinig namin ni bheshy mula sa speaker ng phone ang tinig ng
isang bata.

Fuck you Dark Phoenix, lihim na pagngingitngit ko nang tuluyan na akong mabuking.
Times like this, I wished the floor will swallow me alive. Ramdam ko na ang
panginginig ng mga kalamnan ko.
Nakita ko ang pagkadurog ng phone ko mula sa kamay ni bheshy habang diritsong
nakatitig lang siya sa akin. Pinapalibutan ng nakakatakot na aura si bheshy, ilang
beses akong napalunok habang maluha-luha na ako sa takot. Parang biglang lumamig
ata sa silid ko. Napayakap ako sa sarili ko pero ang sumunod na nangyari ay sakal-
sakal na ako ni bheshy.

"Is my child alive?!" May diin sa bawat katagang saad niya. Ramdam kong nakadepende
sa sagot ko ang magiging hatol niya sa buhay ko, Diyoskolord! Gusto ko pang
magparami sa mundong 'to!

"B-bheshy! Maniwala ka, s-sa-sasabihin ko na sana siya sa'yo k-kaso 'di ko alam
kung saan uumpisahan." Pautal-utal kong paliwanag sa kaniya. Inihagis niya ako sa
balkonahe ng silid ko.

"Explain."
TBC...

=================

Unmasked 29

A/n:

A longer update :)

P.S. When I was writing this, I was watching the kdrama 'W Two Worlds' and I was
amazed what if my characters really do exist in another world hahaha :D

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------

Kiel's Point of View

Itim na rosas ang nakapalibot sa bagong tayong libingan na eksklusibo lamang sa mga
miyembro ng angkan ng mga Loong. Katabi nito ang isang luma ngunit marangyang
libingan, ang libingan ng kanilang ina. Sinadya nila ni Ciel na pagtabihin ang
dalawa upang tuluyan na silang magkasama sa kabilang buhay kung mayroon man no'n.
Hindi ko nakikita ang sarili kong ililibing dito sapagkat ang gusto kong maging
huling himlayan ay nasa tabi ng mag-ina ko. Napahugot ako ng isang malalim na
hininga nang sumiksik na naman ang sakit na dulot ng kanilang pagkawala. Nakasuksok
sa may bandang dibdib ng coat kong suot ang isang itim na rosas bilang simbolo na
namatayan ako ng kapamilya.
"May you rest in peace with mother, dad." Bulong ko sa hangin. Ilang lingo na rin
ang nakalipas simula nang Makita kong gumugulong ang ulo niya palapit sa akin
habang binibisita ko ang mag-ina ko.

Kay sama mang pakinggan pero katiting na lungkot lamang ang naramdaman ko, siguro
dahil sa isang bahagi ng utak ko ay alam kong may kinalaman siya sa pagsiklab ng
digmaan dalawang taon na ang nakalipas.

Nagsimula ng pumatak ang artipisyal na ulan at dumidilim na rin

ang paligid kaya naglakad na ako pabalik sa sasakyan at binaybay ang daan pabalik
sa Loong Mansion o mas kilalang tawagin na Dark Mansion. Binuksan ko ang bintana sa
gawi ko at inilabas ko ang kaliwa kong kamay. Hinayaan kong maramdaman ang bawat
pagpatak nito sa aking palad. Pinapaalala lamang nito sa'kin na hawak ko man ang
buong mundo ay wala pa ring saysay ito. Bakit? Dahil ang mundo ko ay wala na. Wala
na si Nana, ang nag-iisang mundo ko. Kasabay ng paglisan niya ay ang paggunaw ng
mundo ko.

"Cliché it seemed but all I want is her and I'll do anything to bring her back even
if it means to grab her from the depths of hell. "

Sa paghinto ng sasakyan ko ay nagkumahog ang mga reapers ng mga Loong. Nag-isang


linya sila at sa bawat pagdaan ko ay yumuyuko sila. Diridiritso ako papuntang
opisina ko nang madatnan ko ro'n si Ciel. Prenteng prenteng nakaupo sa couch habang
nilalaro ang isang sulat na hindi pa nabubuksan.

Ang pinakahuling gusto kong gawin ay ang makipagbangayan sa kakambal ko. Humugot
muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko siya kinausap.

"What business brought you here, headmaster Ciel?" Inumpisahan ko ng basahin ang
mga dokumentong iniwan ni Zen na mga reports ng grupong pinangungunahan niya sa
pagdakip sa mga kriminal na patuloy pa ring gumagawa ng ingay sa Underworld Realm.

"May balita ka na ba sa mga criminal na 'yon?" Tanong niya na ang tinutukoy ay ang
mga kriminal.
Isang buntong hininga ang sagot ko sa tanong niya sabay paglapag sa mga reports ni
Zen. Walang nagkakatugma,

mga posibleng rason kung bakit nila ginagawa ito o mga koneksyon sa bawat mga
biktima. Wala naming testigo dahil inuubos nila ito. Tunay na kalagim-lagim ang mga
pagpatay na parang may galit ang may gawa.

"Nagsimula na ang pagkalat ng mga usap-usapan Kiel. May isang base sa Ground Zero
ang sinunog kasama ang mga nakatira dito. Mga inosente sila." Mas lalong lumalala
ang mga istilo nila, unang mga atake nila ay ang mga transactions ng Loong family.
Sumunod ang mga social gatherings na minsan ay ninanakawan nila. At ngayon ay ang
pagsisimula nila sa panggugulo sa Ground Zero. Nag doble na ako ng mga reapers
bawat sulok ng syudad pero animo'y mga anino ang mga kalaban kung gumalaw.
Nagpapatunay na hindi sila basta-bastang kalaban.

Mataman kong pinagmasdan si Ciel, ang kakambal ko. Nagmula man kami sa iisang
semilya ay magkaibang-magkaiba ang mga pinaniniwalaan namin sa buhay maliban sa
iisang babae ang minahal namin. Magmula ng matapos ang Taetoku Great War II ay
natapos, madaming kakaiba ang napapansin ko sa kaniya na hanggang ngayon ay
ipinagwalang-bahala ko muna.

"Sa tingin ko ay malakihan ang grupo ng mga kriminal na 'to. Habang may
namumurwesyo dito sa Underworld Realm City may namumurwesyo naman sa ibang mga
syudad ng Realm sa iba't-ibang panig ng mundo."

Tama ang iniisip ni Ciel pero dapat naming malaman kung nasaan ang leader ng
grupong 'to. Siya ang dapat kong harapin, espada sa espada at bala sa bala. Kung
wala na ang ulo nila, wala ng silbi ang katawan nito.

"We don't need to act in impulse. We wait for the right

time." Kalmadong pahayag ko na ikinalitaw ng Angel's eyes ni Ciel, tanda na


nagpipigil lamang siya ng emosyon, galit.

Isang katok ang bumasag sa kumakapal na tension sa loob ng opisina ko.

"Come in." Sagot ko at iniluwa ng pinto ang imahe ng seryosong si Zen.


"Pardon my sudden intrusion, Lord Kiel, headmaster Ciel." Pagbibigay galang niya
bago siya humakbang palapit sa amin.

"What is it?" Tanong ko sa kaniya.

"We have captured an informant who spilled the next target of our prey." Prey ang
tawag ni Zen sa mga nagiging target niya na kinasanayan ko na rin kahit hindi ako
kumportable no'ng una dahil sa pagkakatulad nila ni Nana sa pagtawag sa mga taong
target nila.

Agad na naging alerto ako at kumuha ng mga baril mula sa drawer ng mesa ko.
Kailangan kong matuldukan ang gulo ng grupong 'yon bilang si Kiel, ang Dark Lord.

"Lead the way," utos ko kay Zen na agad naman niyang sinunod. Hindi ko na
naramdamang sumunod si Ciel sa'min. Pinapangunahan niya ang paglalakad.

Imbis sa grand staircase ng mansion dumaan ay tumalon sa terrace si Zen. Sa isang


puno siya naglanding at tinalon na naman niya ang isang puno at doon naglanding sa
matayog na sanga nito. Tahimik na nakasunod lamang ako sa kaniya. Ang direksyong
tinatahak niya ay ang direksyong papunta sa Ground Zero!

Mas binilisan niya pa ang pagtalon sa bawat sanga ng mga kahoy kaya binilisan ko
rin nang bigla kaming napahinto ng maramdaman naming pinapalibutan na kami. Kahit
sa kakarampot na bigay na artipisyal na ilaw mula sa artipisyal na buwan

ay kitang-kita ko ang mga aninong nagkukubli sa dilim. Mabilis sila at kung ilan
man sila ay hindi ko ito matukoy.

Bumunot na ng espada si Zen mula sa kanyang sakuban na nakasukbit sa kanyang likod


habang hinanda ko naman sa pagbunot ang mga baril ko. Nasa isang sanga kami Zen
habang nakasandal kami sa isa't-isa na parehong pinoprotektahan ang aming mga
sarili.

"Zen, you know what to do." Seryosong saad ko sa kanya.

"Yes, master."

Ng dahil sa dilim ay may dalang kislap ang mga paparating na kunai sa amin dahilan
upang nakapaghanda kami. Gamit ang mga bala ay pinapatamaan ko ang kunai na
papalapit sa amin habang si Zen naman ay hinihiwa ang mga kunai nakakalusot sa
akin.

Mga kalansing ng mga kunai, mga tunog ng putok ng baril at ang aming mga pag hinga
ang tanging maririnig sa parting ito ng gubat.

Nakayuko si Zen nang mapansin kong may tatlong kunai na papalapit sa kanya kaya
hinapit ko ang bewang niya at kinarga siya papunta sa isang sanga. Naiwasan naming
ang tatlong kunai pero huli na nang mapansin ko ang dalawang nakasunod sa amin.
Niyakap ko na lamang si Zen habang naghihintay sa pagtama ng mga kunai sa likod ko
nang maramdaman kong yumapos sa harap ko si Zen at sinalag niya ang mga kunai.

Ang mga binti niyag nakagapos sa bewang ko, ang dalawang braso niyang tila
nakayakap sa akin dahil sa posisyon naming at ang malulusog niyang hinaharap na
nasa harap mismo ng mukha ko. Dinid na dinig ko ang pagkabog ng puso niya. Ilang
ulit akong napalunok at tila naging estatwa ako sa kinatatayuan ko.

"Ayos ka lang master?" At doon lang ako napamulagat. Nakatunghay sa harap ko si


Zen, hindi ko man lang namalayan na bumaba na siya sa'kin.

Tumikhim muna ako bago sumagot at binaling sa ibang direksyon ang tingin ko bago
kung saan pa ito maglakbay. I'm such an ass!

"Bigla na lang silang naglaho," sa halip ay saad ko.

"Opo master, bigla na lamang silang umalis."

"Well then, let's chase after them." Saad ko bago tumalon sa sangang 'yon at
ginamit ang Serpent's eyes para maghanap.

Zen's Point of View

Nasa mukha ko ang isang nakakalokong ngiti habang tinatanaw ko na lamang ang
papalayong pigura ni Kiel.

"Nag enjoy ka ba bheshy?" Biglang sulpot ni Siren mula sa dilim na nakasuot ng


mahabang itim na hood. Nasa kamay niya ang mga kunai na may taling kasing nipis
lamang ng buhok dahilan upang hindi ito halos Makita lalo na kapag gumagalaw ang
kunai. Isa sa mga bagong imbinsyon niya.
"Get lost, Siren." Nakangiti pa ring saad ko. Bigla na lang naglaho si Siren at ang
mga alagad niya.

"You're so cute, my love. I wonder how you'll react after you'll learn the
existence of our child."

TBC..

=================

Unmasked 30

A/n:

Finals coming kaya busy. May defense pa kami at research , siningit lang talaga ang
update T_T

VERY short update.


ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------

Zen's point of view

Hindi na ako sigurado kung pang-ilang meeting na itong dinaluhan ko ngayon sa buong
araw. Hindi magkandaugaga ang buong Underworld Realm simula nang may natagpuan
silang sulat mula sa pinakahuling crime scene ng mga tinutugis nilang mga kriminal
at kami 'yon.

Nasa pinakaunang hanay ako sa meeting kasama ang ibang mga Spider members. Nasa
meeting ang mga pinagkakatiwalaan ng pamilyang Loong. Maging ang mga lider mula sa
ibang bansa ay pumunta para sa meeting na ito.

Nag-eenjoy akong panuorin ang mga kaganapan sa paligid. Si Kiel na napakalalim ang
iniisip, si Ciel na kanina pa walang imik at ang bagong dating na Knightmares.
Nagkakasigawan na sa meeting room dahil sa mga pagpapalitan ng mga ideya kung paano
kami tugisin. Nais kong matawa sa kanilang mga pinaggagawa, ang taong tinilaga nila
sa pagtugis ay ako. Hindi nila alam na ako rin ang kalaban nila. Kung alam lang
nila na pinapagulong ko lamang sila sa aking palad.

Napakalaking gulo na ang nagawa naming simula no'ng mag-umpisa kami pero nawawalan
na ako ng gana sa mga nakalipas na araw, gusto ko naming makakita ng munting
kasiyahan sa Realm

kaya ang ginawa namin ay mas naging brutal ang mga pag-atake namin.

"Thirteenth," isang malamig na boses ang nakapagpatahimik sa buong meeting room.


Kinuha ko ang espada at mabilis na lumapit kay Kiel. Huminto ako sa harap niya.
"You called, master?" Nakayukong tanong ko.

"Gather the faithful, we attack at night."

"Affirmative." Sagot ko. Tumayo siya at lumapit sa amin. Nang matitigan ko ang
kaniyang mukha ay naalala ko ang ginawa ko no'ng nakaraang araw

Mga inang abala sa pagbabantay ng kanilang mga anak. Mga gurong naghahanda sa pag-
uumpisa ng klase. Mga batang naglalaro sa gilid ng daan. Ilan lamang 'yan sa mga
nakikita ko mula sa pwesto kong nakatago sa likod ng isang puno. Ito ang kadalasang
makikita mo sa Ground Zero ng Underworld Realm City.

Tirik na tirik ang artipisyal na araw pero nanlalamig ang buong sistema ko. Walang
tigil ang paglilibot ng paningin ko sa buong lugar hanggang sa may nakita akong
isang batang hirap maglakad sa laki ng diapers. Kahit hirap at nadadapa sa madamong
nilalakaran ay tumatawa pa rin ang bata. Hindi ko alam kong babae nga ba siya o
lalaki dahil sa nakaputing damit lamang 'to.

Gamit ang sixth sense ay dinig na dinig ko ang mga tawa ng bata. May nakasunod na
matandang babae rito na tilang nahihirapan sa paghabol sa bata. Tantya ko ay nasa
isang taon at mahigit na ang edad ng bata. Kahit malayo ay alam kong malulusog ang
pisngi

ng bata na may singkit na mata.

Unti-unting naninikip ang dibdib ko at nilingon ko si Siren.

Isang tango ang sagot niya sa pagtitig ko sa kaniya na dahilan upang biglang tumulo
ang luha sa kaliwang mata ko. Mariin kong kinagata ng ibabang labi ko upang
mapigilan ang sarili ko sa pagbulahaw ng iyak.

Lumingon ako sa gawi ng bata na sa ngayon ay karga-karga na ng matanda. Walang pag-


aalinlangang humakbang ako mula sa pagtatago sa likod ng puno nang tawagin ako ni
Siren na ikinahinto ko.
"Bheshy." Mahinang tawag sa'kin ni Siren. Sa isang salitang 'yon ay naintindihan ko
na ang gusto niyang sabihin. At ito ay hindi pa panahon ngayon.

Humakbang ako pabalik sa pagtatago sa likod ng puno habang buong pagsuyo kong
tinitigan ang anak na nawalay sa'kin ng dalawang taon. Kulang ang salitang
kahungkagan sa nadarama ko ngayon. Gusto ko siyang makarga sa bisig ko. Gusto kong
maramdaman ang pagtunog ng puso niya. Gusto ko siyang mahalikan at mayakap. Gusto
ko siyang kantahan Gusto ko siyang pakainin at painumin ng gatas. Mga dapat gawin
ko bilang isang ina na ipinagkait ko sa kaniya sa loob ng mahigit isang taon.
Walang mas sasakit sa inang nawalay sa anak, parte siya ng pagktao ko. Isang
parting nabuo dahil pagkaugnay ng dalawang pusong nagmamahalan. Ang anak ko ang
buhay na ebidensya ng pagmamahalan namin ni Kiel.

Hilam ang luhang nakatunghay ako sa anak ko habang nakatukod ako sa puno para
sapagsupurta sa pagkakatayo ko. Dahil kung baka wala ang puno ay matagal na akong
napaluhod.. Tinapik ako sa balikat ni Siren.

Malaki ang utang na loob ko sa katapangan at angking galing ni Siren dahil kung
hindi sa kaniya ay hindi magiging possible ang pagkakaligtas naming ng anak ko mula
sa kamay ni kamatayan.

"Just wait, my little one. Momma and poppa will come and get you when everything's
over." Mahinang bulong ko sa hangin at tumalikod na ako. Bago humakbang papasok sa
gubat ay inayos ko muna ang hood na suot ko. Una ng naglakad si Siren pero bago pa
ako humabol ay nilingon ko muna siya.

"See you soon, Klen."

Naputol ang paglalakbay ng diwa ko nang magsalita ulit siya habang nakatingin ng
diritso sa mga mata ko.

"We need to confirm if what's inside the letter is correct. If it is really true
that the Phoenix is back." Malamig man ang pagkakasaad niya ay nakita ko ang kislap
sa mga mata niya. Kislap na itinatago niya.
Napabuntong-hininga ako sa isip ko. Mukhang magkikita na talaga kami nito.

TBC..

=================

Unmasked 31

Zen's Point of View

Minahal ko siya dahil siya lamang ang hinahanap ng puso ko. Hindi dahil ginusto ko
ito pero lahat ng desisyon ko na may kinalaman sa kaniya ay hindi ko ni minsan
pinagsisihan. Ang hling ko lang ay mabuo ang pamilyang minsan pinagkait sa aming sa
dalawa. Ang pamilyang binuwag man ni kamatayan ay bumabalik pa rin. Alam kong hindi
na dapat ako andito. Hindi na dapat ako nabubuhay sapagkat ang aking pagkabuhay ay
ang pagkasira lamang ng maraming buhay.

Pinili ko noon na humimlay na lamang ng tuluyan pero binuhay ako ni Siren pati na
rin ang aking anak. Para sa akin ay ibig sabihin nito ay hindi pa dapat matapos ang
buhay ko.

Ngayon ko napagtanto ang isa sa mga rason kung bakit pa ako patuloy na humihinga
ngayon at 'yon ay ibangon ang pamilyang pinaglaban ng mga ninuno ko. Isa sa mga
kamalian ko ang idamay ang pamilyang Shiranui sa paglisan ko sa mundong ito. Kahit
alam kong andito pa ang kapatid kong si Yue ay alam kong wala na siyang balak
ibalik ang dating pangalan ng pamilyang Shiranui.

Nakatunghay ako sa malayong pigura ng kapatid ko kasama ang High Queen na nag-aalay
ng dasal sa puntod ko. Mula sa aking pinagtataguang puno ay nakita ko ang mahinang
pagyugyog ng mga balikat ng kapatid ko. Tahimik naman siyang inaalo ng kasintahan
niya. Sa pagkakaalam ko ay sabay silang dumating mula sa ibang bansa. Umuwi agad si
Yue matapos niyang marinig ang balitang nagpaparamdam ulit ang Phoenix.

Tumayo na ako at umalis. Sa pag-alis ko ay ang pagtulo ng isang hilam na luha.

Nandito ako kasama ang Spiders sa opisina ni Cielr. Kanina pa tahimik ang paligid
maliban sa panakanakang pagbibiro ni Sixth at ang pagtawa ko. Pinagpatuloy ko ang
naugaliang ugali ni Zen nang wala pa itong ala-ala,ang pagiging sakit ng ulo na
walang sineseryoso. Napakahirap pala nito, mas mahirap pa sa pagpapanggap na
mabait.

"Hindi ako naniniwalang babalik ang Phoenix." BIglang sambit ni Ciel. Napabaling sa
kaniya ang atensyon namin. Isang tagong ngisi ang namutawi sa aking labi.

Bakit Ciel, takot ka bang balikan kita?

"Oo naman headmaster, matagal ng patay ang leader nila diba?" Tanong ni Tenth.

"At si master pa mismo ang tumapos sa buhay niya diba?" Tanong ko sa kaniya.
Tumingan siya sa akin at bumuntong hininga.

"Tama ka, Zen. Matagal na silang natalo." Nang sabihin niya 'yon ay parang ang
sarili niya ang sinasabihan niya.

Takot ba 'yang nakikita ko o pagsisisi?

Biglag bumukas ang pinto at iniluwa ang pigura ni Kiel na seryoso ang mukha.
Awtomatikong nagkaroon ng tension sa opisina ni Ciel.
"What brought you here, brother?"

"This," inihagis niya ang isang putting sobre sa mesa. Kung titingnan ay parang
normal na sobre lamang ito pero may isang marka ito sa gitna na kahit sino sa Dark
family ay mababahal pag nakita.

Isang marka ng anghel na babaeng may dalang espadang may mga rosas na nakapalibot.
Ang markang matagal ng kinalimutan. Ang marka ng pamilyang Shiranui. Lumapit kami
dito at tiningnan ang sobre.

"Woah,

master asan ang laman nito?" Kunwaring taking tanong k okay Kiel. Sa kin naman sila
napabaling. Gusto ko Makita kung sasabihin niya ba ang laman nito. Gusto kong
makita kung nasasabik siya sa kaalamang magkikita na kami, ako bilang Fallen Angel.

Hindi siguro niya inaasahang may magtatanong sa kaniya nito kaya natagalan siya sa
pag sagot. "I threw it away."

"Bakit mo ginawa 'yon? Pwede na sana natin itong maging clue!" Naiinis na bulalas
ni Ciel.

"Ano ba ang laman no'n Lord Kiel?" Tanong ni Sixth.

Aba at may silbi pala ang katabilan ng dila ni Sixth. Thanks to him ay natanong
niya ang gusto ko pa sang itanong kay Kiel.

"Nothing in particular." Malmig na saad niya na ikinalunok ni Sixth.

Alam ko ang laman no'n dahil ako ang gumawa no'n. Ako bilang Fallen Angel gamit ang
sulat kamay no'ng ako pa si Luciana Shiranui.
Kiel's Point of View

Sa ilalim ng artipisyal na buwan ng Underworld Realm city, binabalot ng katahimikan


ng gabi ang buong lawa na matatagpuan sa loob ng D University. Dito kami nag date,
ang una at huli sa lahat. Dito siya umiyak dahil akala niya ay nakalimutan ko siya.
Dito ako nag-umpisang mahulog sa kaniya. Dito nakasaad na magkita kami ayon sa
laman ng huling sulat.

Nakapamulsang nakatunghay lamang ako sa kumikinang na lawa dahil sa mga


nagliliparang mga alitaptap.

Meet me under the blanket of stars at the place where silence is all that matters.

-F.A.

/>

Sa pagkabasa ko niyan ay isa lamang ang pumasok sa isip ko at ito ang lugar na
'yon. Ang lugar kung saan hinayaan ko siyang ipahayag ang mga hinanakit niya at
nanatili lamang akong tahimik na nakatunghay sa kaniya.

Isang naiinis na buntong hininga ang ginawa ko. Isang kalokohan ang sumakay sa
birong 'yon ng taong tinutugis naming. Hindi dapat ako magpakita ng emosyon.

Zen's Point of View

Nakita kong hahakbang na siya paalis kaya agad kong kinuha ang kunai mula sa aking
sapatos at mabilis na pinuntirya ang lupang hahakbangan na niya sana dahilan upang
mapahinto siya paghakbang. Binalingan niya ang lugar na pinagtataguan ko kaya
isinuot ko na ang maskarang may pagmumukha ni Joker.
"So you came." Saad niya nang humakbang na ako sa liwanag at tumambad sa harap
niya ang buong pigura ko. Hindi ako nagsalita.

Sa isang kisap mata ay mabilis niya akong inatake . Inatake niya ako mula sa taas
gamit ang kamao niya. Yumuko ako bilang pag-ilag at lumayo ako agad sa kaniya pero
mabilis niya akong nahabo. Nahawakan niya ang braso ko at binalibag ako sa malapit
na puno.

Ito na nga aba ng sinasabi ko eh. Aatake siya agad pag nakita ako. Wala ba siyang
naramdaman man lang?

Kung hindi ako nakagulong pakaliwa ay baka butas na ang bungo ko sa bala. May
natitirang kunai pa ako kaya kinuha ko ito mula sa sapatos ko. Hindi pa panahon
para gamitin ang Enraiha. Sa bawat paggulong ko ay ang paghabol ng mga baling
pinuputok niya sa akin.

"Isa ka ba

sa mga Phoenix members?" Malamig na tanong niya. Hindi pa rin ako sumagot.

Nang wala na akong magulungan ay tumayo na ako at sinasangga ang mga baling
paparating gamit ang kunai . Alam kong nagulat siya dahil iilan lamang ang may
kayang gawin ito at isa na si Fallen Angel na kilala niya.

"Answer me!" Inilabas niya ang espada niya at umatake na naman siya. Larawan ang
kaniyang mukha ng galit. Imbis na matakot ay napangiti ako. Namiss ko ang
ekspresyon niyang ito.

Hindi na ako umiwas sa halip ay sinalubong ko siya gamit ang iisang kunai na hawak
ko. Nagpang-abot kami sa ere. Sangga ko ang espada niya gamit ang kunai sa ilalim
ng liwanag ng buwan. Akala niya ay hindi ko napansin ang baril niya sa kaniyang
kaliwang kamay kaya ang ginawa ko ay pinatid ko ito. Sa paglanding namin sa lupa ay
pareho kaming nakaluhod at nakatalikod sa isa't-isa.

Mabilis niya akong inatake mula sa likod pero tumalon ako patalikod mula sa
pagkakaluhod at itinukon ko ang kamay ko sa balikat niya. Hawak ko ang dalawa
niyang kamay sa likod niya gamit ang kaliwang kamay ko. Nasa leeg niya naman ang
kanan na hawak hawak ang kunai. Isang maling galaw ng mga paa niya ay magigilitan
siya. Ngayon ay nasa akin na ang alas.

Sinamantala ko na ang pagkakataon na magkalapit kami. Ang pagkakataong nasa mga


bisig ko siya matapos ang dalawang taon.

"Who are you?" Tanong niya habang nagtatagis ang kaniyang bagang. Hindi pa rin ako
sumagot.

Isinandal ko ang noo ko sa likod niya at tahimik na pinakiramdaman ang bawat


paghinga niya. Hinipitan ko ang pagkakayapos ng kamay ko sa kaniya na para bang
yakap ko lamang siya.

Nang dahil sa hangin ay natanggal ang hood ko. Tanging ang maskara na lamang ang
nakatabon sa mukha ko. Sinasayaw ng mabining hangin ang buhok ko. Pinikit ko ang
aking mga mata at mas dinama ang pagkakalapit naming na tila ayaw ko na siyang
pakawalan.

Nanigas ang kaniyang katawan na para bang kilala nito ang taong yumayakap sa
kaniya. Hindi siya nagsalita o nanlaban man lang. Gusto ko man manatili pa sa
ganitong posisyon ay hindi na maaari dahil may mga paparating na yabag.

Ayaw ko man ay dapat ko na siyang bitawan. Pero bago ko ginawa 'yon hindi ko
napigilan ang bibig ko na sabihin ang kanina pang isinisigaw ng puso ko.

"Retard," bulong ko bago ako naglaho.


TBC...

=================

Unmasked 32

A/n:

I've chose to update today kasi isang lingo akong magiging inactive dahil sa
finals.

P.S. Is it me or this chapter is really sad? Love muna ngayon dahil sa next update
ko ay patayan na naman. Alam kong bitin pero di ako mapakali na walang kasunod 'yon
agad.

ACE

______________________________________________________________

Zen's Point of View

"Retard," bulong ko. Nakita ko ang pagtayuan ng kaniyang mga balahibo. Akmang
lilisanin ko na ang lugar na iyon nang bigla siyang humarap sa gawi ko. Tinawid ko
ang ilang pulgadang nakapagitan sa min at mabilis na tinakpan ang kaniyang mga mata
gamit ang kanan kong kamay. Ang hintuturo naman ng aking kaliwang kamay ay
nakalapat sa kaniyang labi para patahimikin siya.

Magkalapit ang mga katawan naming. Sa bawat pagdaan ng minute ay ang paglakas ng
tunog ng mga yabag. Lumingon ako sa aking paligid gamit ang aking Crimson eyes,
wala naman akong nakitang kakaiba. Binaling ko pabalik sa kaniya ang aking
atensyon.

Wala siyang kagalaw-galaw. Ang aking hintuturo ay naglakbay mula sa kaniyang labi
papunta sa kaniyang pisngi. Nang hindi ko na matiis ay hinaplos ko na ang kaliwa
niyang pisngi gamit ang kaliwang kamay ko. Nakita kong itinaas niya ang kaniyang
dalawang kamay. Ang kanan niyang kamay na akmang hahawakan na ang kaliwang kamay
ko. Ang kaliwa niyang kamay na kinakapa ang direksyon sa mukha ko.

Tahimik akong napahikbi. Nanatiling alerto ako sa paligid. At nang dumantay na ang
kaniyang kamay sa kamay kong nakahawak sa kaniyang pisngi ay tila naging hudyat
'yon para bumigay ang
emosyon niya. Ang kamay kong nakatabon sa mga mata niya ay biglang bumasa, at doon
ko lang napagtantong tahimik siyang lumuluha.

Saksi na naman ang buwan sa isang eksena sa pagitan naming ni Kiel. Kahit kalahati
lamang ng kaniyang mukha ang aking nakikita ay hindi nito nabawasan ang pagkasabik
ko sa kaniya. Heto ako bilang Luciana Shiranui at hindi bilang Zen na kilala niya.
Abot kamay ko lamang siya pero tila napakahirap niya pa ring maabot.

"Is this a dream?" 'Yan ang unang mga salitang namutwi sa kaniyang labing kay
sarap halikan. Kitang-kita ko ang paglalandas ng mga luha mula sa kaniyang matang
tinatakpan ko. Hawak ng isang kamay niya ang kamay ko na para bang doon siya
kumukuha ng lakas. Nasa maskara ko naman ang kaniyang isang kamay.

Then it is a good dream, nais kong isagot 'yan sa kaniya pero hindi maaari.

Mas lumakas ang mga yabag na nagpapaalala sa akin na dapat na akong umalis. Pigil
ang hiningang pinagmasdan ko siya. Kahit alam kong hindi niya nakikita ang pag
ngiti ko ay ngumiti pa rin ako ng matamis sa kaniya.

"If this is a dream, please don't wake me up yet." Lumandas ang mga luha sa pisngi
niya at hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. Ang kaninang nakangiti kong anyo
ay larawan na ng sakit ngayon. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang tahimik
akong humihikbi.

Tumingala ako sa langit na puno ng mga nagkikislapang mga bituin at bumuntong


hininga. It is now or never.

Tumingkayad ako sabay tanggal ng maskara ko hanggang kalahati ng aking mukha. Sakto
lamang na mailabas

ko ang aking labi. Naramdaman niya ang pagtingkayad ko kaya ang kamay niyang
nakahawak kanina sa maskara ay nakahawak na ngayon sa likod ng bewang ko.

Tumingkayad ako palapit sa kaniyang mukha at dahan-dahan kong inabot ang labi niya
gamit ang labi ko. Ramdam ng kamay kong nakatakip sa kaniyang mukha ang pagpikit ng
kaniyang mga mata na tila isinasapuso ang pagkakalapat ng aming mga labi.

Our love is stronger than death itself. I came back to continue where we stopped.
Remember when I told you I want to meet you the second time around? This is it
retard, our second time.

Kay daming gusto kong sabihin sa kaniya pero lahat ng ito ay naka hawla sa loob ng
puso ko.

Tila huminta ang oras sa posisyon naming 'yon. Hindi ako pumikit dahil gusto kong
matitigan pa ng matagal ang kabuuan niya. Akmang lalaliman na niya ang halik nang
bumitaw na ako at mabilis siyang tinulak.

Sa pagbukas ng kaniyang mga mata ay wala na ako doon. Kontentong nakatunghay na


lamang ako sa pagkakaluhod niya at mahinang pagmumura habang lumuluha.
"Nana! Bumalik ka pakiusap."

Gusto ko siyang aluin pero hindi maaari.

"Bheshy, magbihis ka na at baka magtaka pa si Kiel." Ibinigay niya sa akin ang


paper bag na may lamang uniform ko. Tinanggap ko ito at sabay naming nilisan ang
lugar na 'yon.

Sa pagdating ko sa dormitory ay sinalubong ako ng maingay na diskusyon ng mga


Spiders sa sala. Nagkakatuwaan sila habang nag-iinuman. Nang marahas kong buksan
ang pinto ay napabaling

sa pagdating ko ang atensyon nila.

"Galing ka ba sa isang misyon?" tanong ni Fourth habang nakatingin sa sandatang


dala ko.

"Yeah," sagot ko sabay bagsak ng sarili ko sa isang bakanteng couch. Hinablot ko


ang basong may lamang alak na hawak-hawak ni Sixth.

"Problema niyan?" Tanong ni Eighth kay sixth na sinuklian lang ng huli ng isang
kibit balikat .

Isinandal ko ang aking ulo sa couch at pumikit.

"Mabalik tayo sa pinag-uusapan natin, ano na 'yong pinagsasabi mong pagbabago sa


midterm?" Boses ni Fifth ang nagsalita. Sa pagkakarinig ko nang rank examination ay
nagising bigla ang diwa ko.

"Ibabalik daw ang rank examination." Sagot ni Seventh na ikinatahimik nila.

"Akala ko ba ay binawal 'yan ni Lord Kiel?" Takang tanong ni Tenth kay Seventh.

"Inaprobahan niya na ito nang magsimula ang patayan sa Realm upang mahuli ang
kriminal." Sagot ng huli.

"Kung gano'n ay dadanak na naman ang dugo sa D university," saad ni Fifth na


sinang-ayunan ng iba.
"Alam niyo bang nasa ibang dormitory ang pinakabatang Rank A? Napasali siya sa
huling batch na nagkaroon ng rank examination." Pagkukwento ni Ninth.

"Talaga? Sino?" Sabay na bulalas nina Seventh at Eleventh.

"Sahara daw ang pangalan," sagot ni Ninth na nagbigay ng kakaibang ngisi sa labi
ko.

Kumusta na kaya ang tabachoy na 'yon?

" 'Di ba siya 'yong inalok ni headmaster Ciel na sumali sa Spiders pero tinanggahin
lang ito. Balita ko magaling daw 'yang makipaglaban pero balibalita nga lang na
dati siyang may koneksyon sa White family." Biglang saad ni Twelfth.

Kung ganoon ay babalikan na naman ng panaghoy ni kamatayan ang paaralang ito.

TBC..
=================

Unmasked 33

Zen's Point of View

Sa pagyakap ng dilim ay lumitaw naman ang libu-libong nagkikislapang mga bituin.


Pinuno ko ang baga ko ng sariwang hangin. Ang bawat pagdantay ng mabining damo sa
katawan kong nakahiga ay ramdam na ramdam ko. Mga alitaptap na nagbibigay ilaw sa
paligid. Isang senaryong hindi ko makikita sa Underworld Realm City kaya mas pinili
ko rito, sa labas ng syudad. Padipa kong inihiga ang aking katawan na para bang
wala akong problema. Na ako si Zen isang normal na mag-aaral pero hindi.

My name is Luciana Shiranui. Oo mas madaling tumakas sa realidad pero hinding hindi
nito mareresolba ang problema ko.

Dahan dahan kong itinaas ang kanang kamay ko sa langit na tila ba inaabot ko ang
mga nagkikislapang diyamente sa taas.

"I will not be giving in today, not tomorrow. Not ever." Bulong ko sa aking sarili
sabay bangon mula sa pagkakahiga nang maramdaman ko ang paglapit ng Phoenix. Bago
ako lumingon ay isinuot ko muna ang maskara ko. Hindi ang maskarang ginagamit ko sa
makalipas na lingo kundi ang maskarang ilang taon ko na ring hindi nagagamit. Ang
maskara ko bilang isang pinuno ng Phoenix.

"Leader!" Akmang yayakapin n asana ako ni Death Stalker nang pigilan siya ni Dark
Phoenix. Isa isa ko silang tinitigan. At makalipas ng ilang sandal ay binalot ako
ng kahungkagan nang maalala ko si Sprite at si Starfire.

Binalingan ko si Siren at tila 'yon lang ang iniintay niya dahil agad niyang
binuksan ang attaché case na dala-dala niya bago siya tahimik na lumapit sa akin.
Isang kwintas ang laman nito.

"Ano

'yan? Dog collar?" Nakiki-usyusong tanong ni Nightwind kay Siren dahilan upang
makaani siya ng isang hampas kay Siren.

Agad kong kinuha ang kwintas at isinuot. Saktong sakto ito sa leeg ko na para bang
isinukat talaga 'to para sa leeg ko.

"Hindi 'yan dog collar baliw! Isa 'yang voice changer device. Pag nasuot na iyan ni
leader ay awtomatikong magbabago ang boses niya sa boses niya dati."

Pinagawa ko ito para hindi mabisto ang katauhan ko bilang Zen. Napakamot sa noo si
Nightwind habang tahimik naman ang iba. Binalingan ko naman si Dark Phoenix na may
dala-dalang parihabang kahon. Lumapit siya sa akin at yumuko naman sa akin bago
umatras si Siren upang bigyan ng daan si Dark Phoenix.

Binuksan niya ang kahon at tumambad sa akin ang Enraiha. Lumuho sa harap ko si Dark
Phoenix at nakayukong ibinigay sa akin ang Enraiha.

Isang kakaibang pakiramdam ang namuo mula sa kaloob-looban ko. Yumuko ako para
maabot ang Enraiha pero nang gahibla na lamang ang distansya nito sa daliri ko ay
napahinto ako.

"As long as I hold this sword, a war won't end." Saad ko na alam kong narinig nila.

"As long as I can see your footstep, I will always follow it leader." Puno ng
senseridad ang boses ni Nightwind.

Tumango naman si Siren na base sa kislap ng kaniyang mga mata ay naluluha kahit na
nakamaskara."I will be your knight that is more than willing to be use anytime,
bheshy." Nasa gitna ng kaniyang bandang dibdib ang kaniyang kanang kamay na tila
nakabayang at bahagya siyang yumuko sa akin.

"Just like the natural cycle of Earth I won't evade death if it means you will win
this war."

Ginaya ni Death Stalker ang pagsaludo ni Siren.

Tumayo naman si Dark Phoenix mula sa pagkakaluhod. "A leader dying in front of her
knights made us wept a blood. I vowed then on to bring the throne they steal from
you. You are not our queen. You are..."

"...our king." Sabay na bigkas nila na dahilan upang mapatulo ang nag-iisang luha
mula sa aking kaliwang mata. Walang pag-aalinlangang hinawakan ko ang Enraiha.

Saya at pananabik ang mga damdaming nag-uunahan sa akin ngayon.

"Then, what are we waiting for, let's go and get my crown." Tumalikod na ako at
nagsimulang tumalon sa bawat sanga ng puno papuntang tunnel ng Underworld Realm
City. Mga kalansing ng kanilang mga sandata ang sumagot sa akin, ibig sabihin ay
handa na silang maligo sa dugo matapos ang ilang taong nagkubli kami sa dilim.

Matapos ang ilang minuto ay narating na naming ang harapan ng gate. Dahil nakahood
kami ay nilapitan kami ng mga gwardiya. Ako ang nakatayo sa gitna at wala kaming
kagalaw-galaw na nakatayo sa harap ng matatayog na gate ng underworld Realm City.

"Kayo! Sabing bawal ang media rito eh!" Akmang hahawakan na niya ako nang isang
hanging dumaan sa harapan niya ang nakapagpatigil sa kaniya. Sinundan niya ang
direksyon ng hangin.

"Aaahhh!" Sigaw ng gwardiya habang yakap yakap ang kanang braso niya. Kumalat ang
kulay pulang mantsa sa damit niya. "S-sino kayo?" Nahihirapang tanong niya na hindi
ko sinagot. Malamig na tinitigan ko lamang siya habang nakatingin ako sa pagpatak
ng dugo papunta sa lupa. Ibinalik ko na ang Enraiha sa sakuban nito

at akmang didiritso sa gate nang pigilan ng gwardiya ang paa ko sa paghakbang.


Kahit nahihirapan ay pilit niya pa ring inabot ang paa ko.

"Let go," utos ko pero mas hinigpitan niya ang paghawak sa kanang binti ko. Lalapit
n asana si Siren nang bahagya kong itinaas ang kanan kong kamay para patigilan
siya. Hinarap ko ang kinahihigaan niya.

"Aahhh!" Sigaw niya ulit nang apakan ng kaliwang paa ko ang braso niyang naputulan
ng kamay. Isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa aking labi habang ineenjoy ko ang
bawat pagmamakaawaniya. Diniinan ko ang pagkakaapak dahilan upang tumalsik sa
maskarang suot ko ang dugo niya. Dahil sa mga sigaw niya ay nagsilapitan ang mga
reapers ng Dark Family.

Hindi ko na kailangang gumalaw pa dahil parang mga hangin sa bilis na dumaan sa


akin ang mga pigura n Phoenix hbang sinugod nila ang mga reapers na paparating.

Inundayan ni Dark Phoenix ang mga reapers gamit ang kaniyang dambuhalang sandata
habang kamao lamang ang gamit nina Nightwind at Death Stalker. Nakatayo naman sa
isang tabi si Siren na hlatang enjoy na enjoy sa pinapanuod. Nagsimula na akong
maglakad hanggang sa kaharap ko na ang tarangkahan ng gate, itinapatan ko ang aking
mata sa automatic camera at bumukas na ang gate. Nilingon ko sila na sa kasalukuyan
ay nagsasaya dahil matapos ang ilang taon ay hindi na kami nagtatago at
nagpapanggap na patay.

"Stop it. Finish them off. Leave no one alive." Utos ko sa kanila na agad nilang
ginawa.

Sa main road kami dumaan. Napapahinto ang mga sasakyan at napapatigil ang mga tao
sa kanilang mga ginagawa nang makita nila kami. Kitang-kita

ko ang pagkakahindik sa mga mukha nila. Napapatingin sila sa mga sandata at maskara
naming. May mga nagbulungan ng 'Phoenix' at 'white family'. Sila ang mamamayang
minsan ko ng prinotektahan at ngayon ay inilibing na lamng nila kami sa limot.

Mula sa nilalakaran namin ay tanaw ko ang masyon ng Dark Family kung san nakalagak
ang koronang dati ay pagmamay-ari ng pamilya naming na dapat sana ay mamanahin ko
sa aking crowning ceremony.

Kiel's Point of View

Naabala ang aking meditation dahi sa mga sunod sunod na pagtikhim. Isang matalim na
tingin ang ibinigay ko kay Lilith na siyang may pakana ng mga pagtikhim niya.

"What?" Nayayamot na tanong ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at hinarap siya.

"Hinahanap ka ng inaanak mo." Saad niya at mabilis na umalis. Napabuntong hininga


ako bago ko napag desisyunang lumabas ng silid nang bigla na naming bumukas ito.
Malapit akong matamaan dahil malapit ako sa pinto. Iniluwa ng pinto ang humahangos
na si Lilith.

"What happened?" Hinawakan ko ang magkabilang braso niya bilang suporta.

"Nawawala!" Hysterical na sigaw niya.

"Ang alin?"

"Ang Crown of Blades !"


Mabilis sa alas kwatrong iniwan ko si Lilith sa silid at tinakbo ko ang throne
room. Bumungad sa akin ang mga nagkakagulong reapers. Mabilis kong tinungo ang gawa
sa salamin na lalagyan no'n. Isa ang Crown of Blades sa mga bagay na iniingatan ko.
Ito kasi ang korona ng minamahal ko.

Nagtatagis ang mga bagang na hinarap ko ang mga reapers na inatasan kong magbantay
dito nang isang masakit sa tengang tunog ang umalingawngaw sa buong throne. Sa
bawat pagpatak ng segundo ay ang paglapit ng tunog na 'yon. Isang tunog ng isang
espadang pinapasayad sa sahig n yari sa marbol.

"Looking for this?" Isang boses ang biglang nagsalita na ikinatalon ng puso ko.

Halos magkasabay sila sa paglingon sa gawi ng boses maliban sa akin. Tila namnhid
ang katawan ko, ang boses na 'yon.

Marahas akong napalingon at kitang kita ko. Ilang dipa mula sa akin. Isang babaeng
naka maskara habang suot suot niya ang koronang akala ko ay ninakaw.

"Nana."

TBC...

=================

Unmasked 34

A/n:
An early update. May isa pang update at kung kalian ko ipopost ay sa fb page ko i-
aannounce. Andoon din ang sneak peak para sa rank examination. J No updates next
week kaya madaming updates ngayon.. Link of the fb page is in my timeline.

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------

Kiel's Point of View

"Nana," ang pangala niya lang ang tanging nasambit ko. Tila nawala ang mga taong
nakapalibot sa amin at kami na lang dalawa ang natitira dito sa throne room. Dinig
na dinig ko ang bawat paghinga ko pati ang bawat pintig ng aking puso.

"How have you been, retard?"

Sa pagsambit niya ng nakagawiang palayaw niya sa akin gamit ang boses na iyon ay
bumaha ng mga ala-alang aking inalagaan ng dalawang taon. Ang malamyos niyang boses
na tila hinehele ang aking puso at kaluluwa.

"Still waiting for my ksp girl to come home." Nakangiting sagot ko habang
nagbabadya ang aking luha ng kaligayahan sa pagpatak. Kung ito man ay isang
panaginip, sana ay hindi na ako magising.

Akmang hahakbang siya papunta sa akin ng biglang napabalik ako sa realidad at


nakapalibot na sa aking ang mga Inferno members pati na rin ang mga Dark family
reapers. Napahinto si Nana na siyang ikinainis ko sa mga taong nakaharang sa
pagitan naming dalawa. Hinawi ko ang mga nakaharang sa akin nang biglang nagsalita
si Belial.

"You may go and approach her but never forget the title you hold."

Binalingan ko ang gawi ni Nana. Ayon siya, ang babaeng mahal ko, abot

kamay ko na lamang pero tila kay layo pa rin. Umatras ako at umupo sa trono.

"Just let her leave. This is not a request from a king but a request from a
friend." Baling ko sa Inferno. Buti na lang at wala pa rito si Sin at si Stephanie.
Tumango naman sila bilang sagot. Wala pa ring kagalaw-galaw si Nana sa kaniyang
kinatatayuan nang bigla na lang siyang humakbang palapit sa direksyon ko.

Sabay na binunot ng mga reapers ang kanilang mga sandata mapa baril man o espada.
Tila walang nakitang nagpatuloy lang siya sa paglalakad at nang dalawang dipa na
lang ang layo niya mula sa mga tauhan ko ay biglang may lumitaw mula sa taas.

Zen's Point of View

"You wouldn't think they are not here right?" Hinugot ko ang Enraiha mula sa
sakuban nito at ginawa itong Saiha. Kita ko ang pagkabahala sa mukha nila.
Nasa harap ko naman si Dark Phoenix na dala dala ang dambuhala niyang sandata. Si
Nightwind na prenteng nakatayo lang katabi si Siren. Si Death Stalker na hawak
hawak na ang kaniyang sandata sa maakabilang kamay.

"Phoenix, bring me such bloodshed I longed to taste!" Sigaw ko at naging hudyat


'yon para umatake ang phoenix sa mga kalaban. Even Inferno can't stop us.

Tila mga halimaw na hayok sa laman ang mga Inferno. Killing anyone in its way. We
quenched this blood thirst for a long time. Now's the right time.

Diridiritso ang pagtakbo ko. May limang reapers ang humarang sa akin. Ang dalawang
blades ng Saiha ay hawak ng magkabila kong kamay. Umatake sila ng sabay mula sa
iba't ibang direksyon. Ipinikit ko ang aking mga mata at tinusok ang mga reapers na
nasa unahan

at likuran ko ng sabay. Yumuko ako in a matter of split seconds at hiniwa ang mga
tuhod ng tatlong natitira. Sabay sila napaluhod kaya agad kong pinagdikit ang
dalawang blades. Pinuntirya ko ang kanilang mga leeg at sabay silang ginilitan. May
tumilapong dugo sa maskarang suot ko.

Pinagpatuloy ko ang pagsugod na ang puntirya ay direksyon ni Kiel.

"Lilith! Get away from here!" Napalingon ako sa nagsalita. Si Hades. Dehadong
dehado na sila laban sa Phoenix na sa ngayon ay tila naglalaro lang.

Binalingan ko si Kiel na nakupo sa trono niya at nakapikit. Alam kong nag-iisip


siya. Napahawak naman ako sa koronang suot ko.

May sumalubong sa akin na mga reapers pero inisang tira ko lang ang mga noo nila ng
mga kunai. Tinalon ko ang direksyon sa pagitan ng reaper na sa ngayon ay
nangingisay na. Pumatong ako sa balikat nito at doon ako bumwelo ng talon.
Sinasaksak ko ang nadadaan ko na ang puntirya ay ang likuran ng kanilang mga leeg.

Nang maglanding ako ay inundayan ako ng suntok ng isang reaper na ang puntirya ay
ang tagiliran ko. Hinuha ko ay class one reaper 'to base na rin sa awra. Pumaikot
ako at sinalubong ang kamao niya gamit ang kaliwang paa ko. Tumilapon siya pero
agad ko itong naagapan dahil hinawakan ko ang kaniyang braso at hinila palapit sa
katawan ko. Nagtangka ulit siyang magpakawala ng suntok nang sinalubong ko siya ng
saksak sa sikmura. May isang Inferno member naman ang humarang sa'kin kaya itinapon
ko sa gawi niya ang katawan ng reaper.

Sa isang iglap lang ay nakapatong na ako sa nakaupong si Kiel na agad napadilat.


Hindi makapaniwalang nakatingin siya

sa posisyon naming. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa leeg niya at sumandal ako
sa matipuno niyang dibdib. Dinig na dinig ko ang eratikong tibok ng kanyang puso.
Sinira ko ang maskara ko. Makikita na ang labi ko. Mula sa ilong pataas ay nakatago
pa rin.

"What are you---" Pinutol ko ang ano pamang sasabihin niya gamit ang hintuturo ko.

Naramdaman ko ang paparating na mga bala kaya agad akong napatayo. Gamit ang
Enraiha ay hinahati ko ang bawat baling paparating. Tiningnan ko ang tumitira sa
akin. Si Lilith.

Dahil sa inis ay ginamit ko ang Crimson eyes. Hinablot ko ang baril mula sa isang
reaper na patay na at mabilis na pinaulanan ng bala si Lilith. Magaling at tuso,
'yan si Lilith dahil ginamit niya ang mga reapers bilang panangga niya. Isang
nakakalokong ngisi ang lumitaw sa aking labi.

Accuracy. Isa sa mga abilidad na pauunlarin ng Crimson eyes. Tiningnan ko ang kaha
ng bala sa baril na hawak ko. Dalawang baril na lang ang natitira.

Nakaumang ang dalawang baril sa akin. Isa ay hawak ni Lilith at isa ay kay Hades.

Pinuntirya ko si Lilith. At in a matter of split second ay pinutok ko ang baril sa


gawi niya. Ipinutok naman ni Hades ang baril na hawak niya kaya binaril ko rin siya
kaso hindi si Hades ang puntirya ko kundi ang baling paparating sa akin.

Halos sabay na bumagsak silang dalawa. Duguan ang bandang tiyan ni Lilith habang sa
bandang dibdib naman ni Hades ang duguan.

Sadistang nakangiti ako nang bumaling ako kay Kiel na sa ngayon ay kunot na kunot
ang noo na tila pinipigilan niya ang galit. Nakadisplay na rin ang Serpent's eyes
niya. Hinila ko siya patayo at agad na sinalubong ko ang labi niya. Kahit hawak
hawak ko ang Enraiha ay hindi nito napigilan ang braso ko na iyakap sa leeg niya.

Tila uhaw ang mga labing ngayon lang nabigyang laya sa pagpahayag ng damdamin.
Pareho kaming nakapikit. Lihim akong napangiti nang naramdaman kong iniyakap niya
sa bewang ko ang mga kamay niya.

Kahit napapalibutan na kami ng mga naglalaban ay patuloy pa rin kami hanggang sa


nilaliman niya ang pagkakahalik sa kin. Ramdam ko ang pagtaas ng isang kamay niya
papunta sa buhok ko.

May mga kunai na paparating at tila naramdaman niya rin 'to dahil iniharang niya
ang likod niya sa direksyon ng mga kunai, isang matalinong desisyon dahil nasa
likuran niya rin naman ang Enraiha. Gamit ang Enraiha ay agad na tumilapon ang mga
kunai. Sinalo ko ang isang kunai at agad na tinira ang nagtapon nito sa'min.

Inihiwalay lang namin ang aming labi nang kailangan na talagang humugot ng isang
malalim na hininga.

"I still love you." Bulong ko sa pagitan ng aming paghinga. Tinitrace naman niya
ang aking labi.

Umatras na ako pero agad niyang hinawakan ang aking kaliwang braso. Marahang inalis
ko ang kanyang pagkakahawak sa'kin. Isang iling ang isinukli ko. Hinubad ko ang
korona at ipinatong ito sa ulo niya.

Siya ang hari.

"A war is coming. The final battle between two great houses which will determine
who will sit in the throne. Bloodshed for throne is coming." Nakahawak ang kanang
kamay ko sa pisngi niya.

At gaya ng plano ay biglang dumilim ang paligid na hudyat ng aming pagtakas.


TBC...

=================

Unmasked 35

A/n:

I am still with my mother at the hospital. Hopefully ay magiging ayos rin siya.

By the way gals and guys, if you love this story, I hope you can vote The
Underworld Goddess just by simply typing "The Underworld Goddess by IceFontana18"
sa comment box ng isang award book. Nasa external link ang link ng award book:)
Thank you!

ACE

___________________________________________________________________________________
___________

Astrill's Point of View


Sa pagtunog ng grandfather's clock ayang hudyat upang pumasok na kami sa aming mga
klase. Nanatili akong nakaupo sa isa sa mga benches ng plaza habang nakatingin ako
sa mga estudyante. Nang iilan na lamang ang nasa hallway ay tumayo na ako at
naglakad papuntang classroom ng nadaanan ko si bheshy na nakatayo lamang sa isang
sulok kaya napahinto ako.

"Zen," tawag ko sa kanya. Idinilat niya naman ang kanyang mga mata at walang
emosyon akong tiningnan.

"Astrill," balok na sagot niya at umayos na siya ng tayo sabay lakad papuntang
classroom namin. Nasa likuran niya lang ako, tahimik na sumusunod.

Pabalang niyang binuksan ang pinto kaya napahinto ang lahat sa kanilang ginagawa.
Hindi naman makaangal ang prof dahil kilalang kanang kamay ni Kiel si Thirteenth.
Animo'y binalot ng isang malamig na ere ang paligid. Napakatahimik na tanging ang
pagsasalita lamang ng guro ang nag-eecho sa buong classroom. Napabuntong hiningang
tumanaw ako sa labas ng bintana at malayang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nasa
grounds. Payapa pa ang buong D University kahit sa nalalapit na Rank Examination.

Nasa kalagitnaan na

ng pangatlong subject ang professor nang biglang tumunog at may nagsalita sa


speaker na nakalagay sa bawat sulok ng D University.

"Attention. Attention. All school personnel and students at the university gym now.
Again, all school personnel and students at the university gym now." Saad ng boses
na nagmumula sa speaker. Napasulyap ako sa relos ko at tanghali pa lang. Mukhang
may announcement ang school management. Lumingon ako kay bheshy na nakatayo na
ngayon at nililigpit ang gamit niya.

"Pupunta ka na?" Tanong ko sa kanya. Sinagot niya ako ng ngisi at sa pinakamalapit


na bintana siya dumaan. Nagsitayuan na rin ang iba kaya tumayo na rin ako at
binagtas ang daan patungo sa gym.

May mga bulung-bulungan kung tungkol saan ang biglaang pagpapatawag ng mga
estudyante. May mga nagsabing tungkol ito sa mga patayan na nangyayari sa Realm.
May mga nagsabing tungkol sa di umano'y pagbabalik ng Phoenix at White family. May
mga nagsabing tungkol ito sa rank examination. Kung ako ang tatanungin mukhang
tungkol ito sa pagpakita namin bilang Phoenix sa Underworld Realm city.

Lahat ay naaayon sa plano ni bheshy. Hindi man halata ay alam kong nagkakagulo na
ang Dark family council. Isang ilusyon para sa parte nila na mag-isip na tuluyang
nawasak na nila ang Phoenix.

Phoenix, tulad ng malaalamat na ibon ay hindi ito namamatay sapagkat sa bawat


pagka-abo nito ay mabubuhay ulit ito. Isang prosesong kahit pag-ibig ay hindi
makakapigil.

Pagkapasok ko ay kumpleto na ang Spiders at kasama na ro'n si bheshy na


nakikipagbiruan kay Sixth. Ang bagong katauhan ni bheshy na alam kong nahihirapan
siyang

panindigan. Isang katauhang ballot ng pagkukunwari. Pumwesto ako malapit sa kanila


at tahimik na hinintay ang pagdagsa ng mga estudyante at mga school personnel.
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating bigla si Kiel kasama si Ciel na siyang
kasalukuyang headmaster.

Kung anong galit ang umahon sa puso ko. Dahil nagpabrain transplant din ako ay
katulad ako ni bheshy na pansamantalang nakalimot. Isinet ko sa isang eksaktong
petsa ang pagbabalik ng ala-ala namin. Nakalimutan ko pansamantala ang kahayupang
ginawa ni Ciel kay bheshy. Pero ngayon, parang sirang plakang nagpaulit-ulit ang
eksenang 'yon dalawang taon na ang nakalipas kung saan akala ko mawawala sa akin
ang dalawang taong mahalaga sa akin, si bheshy at ang anak niya.

Tanda ko pa lahat. Tanda ko pa ang naramdaman kong determinasyon para mag imbento
ng isang instrumentong hindi pa fully develop. Desperado na ako sa panahong 'yon na
pati sarili kong katawan ay isinakripisyo ko. Isang sugal ang lahat dahil walang
kasiguruhan kung magtatagumpay ito. Ang pagtanggal ko ng embryo ni bheshy at
itenransfer ito sa isang nurturing cube para doon magdevelop ang sanggol.
Inihabilin ko kay Dark Phoenix ang paghanap ng isang surrogate mother para sa
sanggol na unti-unti ng nadevelop. Sa panahong 'yon ay nasa recovering stage na
kami ni bheshy mula sa brain transplant. Bakit nga ba isinali ko ang sarili ko sa
brain transplant?

Dahil nagsimula na dalawang taon na ang nakakaraan ang plano upang pabagsakin ang
mga taong humaharang para magkaroon ng katiwasayan sa Realm. Hindi pa natapos ang
Taetoku Great War II. Dahil sa digmaang ito, itatama ang lahat.

"Leader,

sigurado ka ba sa plano mo?" Nababahalang tanong ko sa kanya. Nakaharap ako sa


nakatalikod niyang pigura. Malaya kong napagmamasdan ang buhok niyang isinasayaw ng
hangin. Andito kaming lahat ng Phoenix members sa rooftop ng D University. Kakasabi
niya lang sa amin sa maaaring maging resulta ng digmaan ngayon. Ako ang bumasag sa
katahimikan dahil parang hindi makapagsalita sa gulat ang iba.

"Ito lang ang tanging paraan upang matapos na ang lahat."

"Pero..."

"Isa na akong ina Siren at wala akong mas hinangad kundi ang kaligtasan niya habang
lumalaki siya." May pinalidad sa boses niya. Naintindiha ko ang gusto niyang
mangyari pero upang maisakatuparan ito ay alam kong may magsasakripisyo. Ilang
buhay pa ba ang kukunin ng dahil lang sa digmaang ito?

Bilang tanda na susunurin namin ang utos niya ay yumukod kaming lahat habang nasa
dibdib namin ang isang kamay namin, the ultimate symbol of loyalty.

Nagbalik sa kasalukuyan ang aking diwa nang magsalita na sa harap ng entablado si


Kiel.

"Rank Examination at its finest. Many of you may wonder why the sudden change of
rules but to maintain peace and power amidst this age of war, the council has
decided to bring back the rank examination. Your capability will be tested. Your
will to survive will be tested. Get your finest weapons to be ready for its ability
will be tested two days from now." Anunsyo ni Kiel. Nagbulungan ang mga estduyante
kaya umingay ang buong gym. Nagpapalitan ng kanya-kanyang opinyon.

Tahimik lang akong nakaupo hanggang sa magpang abot ang aming mga mata ni Kiel. Ako
ang unang

nagbawi ng tingin dahil hindi ko makayanan ang intensidad ng kaniyang titig.


Naramdaman ko ang titig niya pero nagpanggap akong hindi iyon nahalata at sa iba
ako tumingin.

Lumapit si Ciel sa mikropono sa harap at siya naman ang nagsalita. "Good day,"
magiliw niyang bati sa lahat. Dahil sa kanyang ipinapakitang personalidad sa madla
ay maraming nagkakagusto kay Ciel. Hindi lamang mga estudyante kundi pati na rin
ang mga guro. Hindi nila alam na sa likod ng isang nakangiting mukha ay nagtatago
ang demonyo. Nagtatagis ang mga bagang na nakatingin ako sa kanya.

"Groupings will be displayed in places you never imagine it would be place." Tumabi
na siya kay Kiel na nang tingnan ko ay nakatingin pa rin sa'kin. Napagpasyahan ko
na lamang na sa ibang direksyon tumingin.

Sabay silang umalis sa entablado kaya nagsipulasan na rin ang mga estudyante para
bumalik sa kani-kanilang mga klase.

Bago ako bumalik sa klase ay pumunta muna ako ng banyo. Binasa ko ang aking mukha
at buong galit na tinitigan ang repleksyon ko. Hinawakan ko ang salamin na may
repleksyon ko.

Ibang-iba ang mukha ko sa mukha ko dati. Ibang-iba.

Paglabas ko ng banyo ay isang pares ng braso ang nagkulong sa'kin sa pagitan ng


pader at isang katawan. Sobrang bilis ng tibok nang puso ko. Hindi ko pa magawang
tingnan ang mukha ng estrangherong nangahas sa'kin.

Ramdam ng balat ko ang init ng balat niya. Ang bawat paghinga niya ay ramdam ko
pati ang buga niya ng hangin. Mas inilapit niya ang kanyang mukha sa akin na ramdam
ko ang hininga niya sa aking leeg.

"Who are you?" Nanayo ang balahibo ko dahil sa boses na 'yon. At doon ko lang
nagawang tumingin sa taong ito.

Kiel.

At gaya kanina ay tila magneto ang kanyang mga mata. Mahirap ito iiwas sa aking
matang maraming tinatago.

Ilang hibla na lang ang layo niya sa akin nang biglang may tumikhim sa likod niya.
Mabilis pa sa alas kwatrong lumayo siya sa akin at naiwan akong nanlalamig.

Nilingon ko ang tumikhim at gano'n na lang ang kabog ng puso ko nang makita ko ang
madilim na anyo ni bheshy.

"Am I disturbing something?"


TBC...

=================

Unmasked 36

A/n:

Sorry at matagal ang update. :) salamat sa mga taong nagpakita ng support no'ng
down na down ako dahil sa naospital ang mother ko. Thank you :)

At iniimbitahan ko po sana kayong mag join sa aking FB group just search in


facebook: IceFontana18 Stories

Lahat ng mga sneak peaks sa mga paparating pang mga chapters, may mga 'question of
the week' akong ginagawa para malaman ko kung ano ang mga eksena o ending ang gusto
niyong makita. Active din ako dito :)

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------

Astrill's Point of View


Ilang beses akong napalunok bago ako bumaling kay bheshy at bumaling sa kanya.
Nagpapawis ang aking mga palad nang naramdaman ko ang mga matatalim na sulyap ni
bheshy sa'kin. Hindi ko naman sisiluin si Kiel noh! Para na rin akong naghuhukay ng
sarili kong libingan kung gagawin ko 'yon tsaka sabay ng pagbalik ng mga ala-ala ko
ay ang babalik ng sakit na akala ko ay nakalimutan ko na.

"You're n-not disturbing anything." Dumistansya ako kay Kiel. Pasimple kong
tiningnan si Kiel habang lumalapit kay Zen na matalim ang tingin sa kanya. Si Kiel
naman ay parang balewala lang. Oo nga naman, hindi niya alam kung sino sa amin si
Luciana.

"Andito na ang mga inutos mo, master." May talim sa huling sinabi niya sabay
palihim akong sinulyapan kaya nawalan ng kulay ang aking mukha. Uh-oh.

Tahimik na tinanggap ni Kiel ang mga papeles. Seryoso na naman ang kaniyang
pagmumukha. I think

I am not needed here anymore.

Tahimik akong umalis ng hindi namamalayan ni Kiel. Ayokong galitin si leader at


baka magka early conference ako kay San Pedro nito.

Zen's Point of View

Naiwan kami ni Kiel sa pasilyo patungong CR. Binubuklat niya ang mga papeles. Alam
kong tungkol sa Rank exam ito pero hindi ako nangahas na buklatin ito. Where's the
thrill?
"Sasali ba ako sa Rank exam, master?"

Inihinto niya ang pagbabasa ng mga papeles at lumabas na siya ng tuluyan sa


pasilyo. Agad ko siyang sinundan upang marinig ang kanyang sagot. Napapahawi ang
mga estudyanteng nasa pasilyo nang masilayan nila si Kiel at yumuyuko kapag
nalagpasan na sila nito. Tahimik lamang akong nakasunod sa kanya.

"Spiders will join. I trust you so I knew that you never opened these documents."

"Of course, master." Sagot ko, tama pala ang naging desisyon kong wag itong
pakialaman. Hindi na siya nagsalita.

Araw na ng rank exam. Maaga akong bumangon pati na rin ang Spiders. Alam kong sa
ngayon ay naghahanda na rin si Siren. Binigyan ko naman ng mga misyon sina Dark
Phoenix, Death Stalker at Nightwind. Gaya ng dati, nakasuot ako ng PE uniform ng D
University. Kung noon ay Vanguard ang dala ko bilang pamalit sa Enraiha ngayon
naman ay dalawang baril at dalawang katana ang dala ko. Inilagay ko sa likuran ng
bewang ko ang mga baril habang nasa magkabilang gilid ko naman ang dalawang katana.

Tahimik na pinagmasda ko ang pagkukulitan ng Spiders. Noong hindi

ko pa maalala kung sino ako dati, sila ang tinuturing kong pamilya. Dinamdam ko ang
pagkamatay ng mga kasamahan naming at minsang nangakong maghihiganti ako. 'Yon pala
ay ako ang nasa likod ng mga pag-atake. Alam kong kaya pumayag ang Spiders na
maging frontier ng grupong binuo upang mahuli ang kriminal ay para maipaghiganti
ang mga kasamahang nasawi. Kung malalaman nila na ako ang puno't dulo ng kanilang
mga kamatayan ay alam kong sila ang unang tututok sa akin.

Napabuntonghininga ako sa'king naisip at tinawag na sila. "It's almost time."

Lumingon sila pero nagkukulitan pa rin sina Sixth at Tenth na nagpahuli. Nanguna
naman ako sa paglabas sa dorm house at tahimik na binagtas ang daang papuntang
school grounds. Nang matanaw namin ang grounds ay agad na bumugad ang mga
estudyanteng nagkukumpulan. Mga ingay na nanggaling sa mga tunog ng mga
nagsasalpukang mga sandata at mga bulungan ng mga estudyante. Namataan ko rin si
Siren na tahimik lang sa isang sulok. Napansin ko rin ang suot niyang relo at isang
palihim na ngisi ang sumilay sa aking labi.

Biglang tumunog ang aking cellphone. Sinenyasan ko naman ang Spiders na mauna na at
nagpaiwan ako sa paglalakad. Isang text message na galing sa isang taong hindi ko
akalaing kinikilala pa rin ako hanggang ngayon na master niya.
From: Grim

Leader, be careful.

Napailing na rin ako. Sa katauhang Zen ay magkasundo kami pero kaya pala
nagkakatagpo an gaming landas pag lumalabas ako ng D University ay dahil talagang
nakasunod siya sa akin. Sinisiguro niyang wala pa akong matutuklasan

dahil may takdang panahon ang lahat na siyang utos naman ni Siren sa kanya two
years ago. At sa dalawang taon na 'yon ay kalayo na ng narrating ni Chase o sa
ngayon ay Grim ng Phoenix. Siya ang pinakabagong miyembro ng Phoenix na binasbasan
ng iba pang Phoenix members. Mula sa pagiging bartender ay siya na ngayon ang
hinirang na Gangster King dahil siya ang naging panalo sa Gangster Match dalawang
taon na ang nakakaraan. Naputol ang daloy ng aking

Ibinulsa ko na ang cellphone at naglakad palapit sa kumpol ng mga estudyante nang


matanaw ko ang palapit na helicopter. Umikot-ikot muna ito bago maglanding sa harap
ng mga estudyante. Bumaba naman sina Kiel at ang demoyong si Ciel. Agad na
natahimik ang mga estudyante nang nasa harap na namin silang dalawa.

Napakunot noo ako nang mapansin kong hindi pormal ang suot ng dalawa dahilan para
magmukhang kiti-kiti ang mga babaeng estudyante sa pagpigil na sumigaw sa
paglalandi. Inisa-isa ko sila sa pagtingin.

Naka itim na sando lang si Kiel kaya bakat ang magandang pangangatawan niya na
animo'y perpektong perpekto sa pagkaukit ng isang batikang skalptor. Isang maluwang
na combat pants na pinarisan ng combat shoes. May shackles ang kanyang mga kamao.
Walang baril o katana. May tumulong pawis mula sa nook o kaya nagkumahog ako sa
pagpunas nito at baka mapansin niyang pinagpapawisan akong nakatunganga sa kanya.
Hindi niya naman ako masisisi dahil animo'y isa siya diyos ng mga Griyego na bumaba
sa lupa. Nang umakyat sa mukha niya ang paningin ko ay agad din akong nagbawi ng
tingin nang magtama ang aming mga mata na tila kanina niya pa ako inoobserbahan.

Ibayong

pag-iiwas ng tingin ang ginawa ko. Napalipat kay Ciel ang paningin ko. Gaya ng dati
ay maamong mukha ang iniharap niya sa lahat na parang kung sinong santo. Naka itim
din siya ng sando, combat pants at combat shoes. Parehong-pareho kay Kiel pero ang
kaibahan lang ay imbis shackles ang sandata ay isang katana ang nakasukbit sa
likuran niya, ang Hiruna.

Sa ngayon, ang Hiruna na ang itinuturing na pinakamalakas na sandata. Sabi ni


Nightwind, matapos ang Great War ay pinahanap ni Ciel ang Enraiha pero nadala ito
ng Phoenix kasama ang katawan ko.

Your biggest mistake was when you turned your back thinking you have killed me
already, Ciel.
"With the recent events that gave uproar to the Underworld Realm, I have decided to
regain the Rank Examination of all the schools in the Underworld Realm which makes
D University the center of change. I, Lord Kiel Loong, hereby declared the rank
examination open!" Malakas na sigaw niya na siguradong narinig ng lahat. Nagsigawan
naman ang mga estudyante habang iwinawagayway ang kanilang mga sandata na animo'y
mga sundalong hayok na sumabak sa isang gyera. Nakamasid lamang kami sa kanila.

Nakita ko naman si Siren na katabi at tila nagpipigil lang ng inis sa isang


pamilyar na lalaking katabi niya.

"The only rule, fight to survive with any means." Sigaw ni Ciel at sabay na lumabas
ang daan-daang rippers ng pamilyang Loong. Inalerto ko ang aking sarili nang
sumugod na sila gamit ang kanilang mga sandata. Luckily, walang nagdala ng baril.

Nasisiguro kong nagsimula na ang rank examination.

Ang unang stage ay isang close combat. "Spiders, maging alerto kayo! Nagsimula na
ang rank examination!" Sigaw ko sabay takbo pasalubong sa mga paparating na
rippers. Tila 'yon lang ang hinihintay ng mga estudyante at nagsunuran na sila sa
pagsalubong sa kalaban.

Tumalon ako at saktong naglanding sa balikat ng isang ripper na papatakbo sa


direksyon ko. Itinapat ko ang sakuban ng katana sa leeg niya at binunot ito ng
mabilisan dahilan upang mahiwa ang kanyang leeg. Natumba ang ripper kaya nang
papalanding na ako sa isang ripper ay tinapon ko ang hawak na katana sa kanya.
Dumiritso ito sa dibdib niya kaya nang maglanding na ako ay nakahandusay na siya at
naliligo sa sariling dugo. Binunot ko ang katana mula sa pagkakabaon sa kanyang
dibdib. Hindi paman ako nakakatakbo ulit ay sabay-sabay akong inikutan ng humigit
kumulang sampung rippers. Inilabas nila ng sabay ang kanila mga sandata. Isang
pamilyar na ngisi ang ginawa ko bago ko hinugot ang isa ko pang katana. Akmang
susugod na sila pero hindi pa rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko at nang maramdaman
kong nasa tamang distansya na sila ay mabilis akong yumuko. Dumipa ako upang maabot
ng mga katana ang tuhod nila at mabilis akong pumaikot. Isa-isang nagbagsakan ang
mga rippers na pareparehong hindi na makatayo. Madali na para sa'kin ang patayin
sila habang nakahiga at iniinda ang sugat sa kanilang mga tuhod.

Walang habas kong pinagsasasaksak kung sino man ang humarang sa aking dinadaanan.
Nagsimulang uminit ang dugo ko, ramdam ko ang pagragasa ng isang kasiyahan. Pilit
kong pinakalma ang aking sarili. Ilang minuto pa ang nakalipas at wala

ng humarang sa daan ko. Luminga-linga ako sa paligid upang matuklasang wala ng


miisang ripper ang nakatayo po. Nakita ko rin si Siren at ang Spiders.

Naibalik ko na sa mga sakuban nito ang mga katana nang may tila isang kagat ng
lamok akong naramdaman sa leeg ko.

Ang sinag ng araw ang nakapagpabalikwas sa'kin ng bangon. Agad kong dinama ang
parting nakagat ng lamok pero wala naman. Akmang tatayo na ako nang mapadako ang
tingin ko sa kaliwang bahagi ng kamay ko. Tila isang compass na gawa sa metal.
Tinangka kong sirain 'to gamit ang katana pero hindi natinag ang metal.

Sumusukong napabuntong hininga na lang ako at hinayaan ito total ganito naman dati.
Iginala ang tingin ko sa paligid. Madamo at napapalibutan ako ng mga nagtataasang
mga puno. Tanging mga huni ng ibon ang nag eecho sa paligid. Mabining haplos ng
hangin at agad kong nalaman na nasa labas kami ng Underworld Realm City.

Naglalakad na ako ng walang tiyak na direksyon. Akala ko compass itong nasa


kaliwang kamay ko pero hindi naman tumuturo ng Norte baka may ibang gamit ito. Sa
kakalakad ko ay napadaan ako sa isang kweba nang biglang kumislap ng berdeng kulay
ang relos. Nagtatakang napatingin ako dito. Pinagpatuloy ko ang paglalakad nang
biglang nawala ang ilaw.

"Oh anong nangyari?" Umikot-ikot ako pero wala pa rin. Itinaas ko ang aking
kaliwang kamay pero wala pa rin. Ibinaba ko na ito pero wala pa rin. Umikot ako uli
sa iba't ibang direksyon at nang magawi sa likod ko ito ay umilaw ito at agad din
naming nawala nang mapalitan ng dieksyon.

Bumalik ako sa nilakaran ko at bigla nga itong umilaw. Ang arrow na kanina pa hindi
gumagalaw ay gumalaw at itinuro ang direksyon ng kweba.

Parang alam ko na ano ang gamit nito, locator ito. Gumagana lamang kung may tao sa
malapit o panganib sa malapit. Kung alin man sa dalawang 'yan ay malalaman ko rin.

Dahan-dahan akong pumasok sa yungib ng kweba ng may sumalya sa'kin sa dingding ng


kweba.

Fuck!

Kiel's Point of View

Hawak ko ang pulsuhan niya habang idinikit ko naman ang aking katawan sa kanya para
hindi siya makagalaw.

"M-master?" Gulat niyang saad ng makilala niya ako.


"Ang galing mong umarte, dalawang taon mo lang naman akong naloko." Puno ng pang-
uuyam ang tono ko. Hindi ko mapigilang saad. Namiss ko siya pero may hinanakit din
ako.

Biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. Napalitan ang pagkagulat ng lamig.

Nakapikit man ay kabisado ko pa rin ang hubog ng mukha ni Nana at ang makitang
malayong malayo na ang itsura niya ngayon ay masakit sa akin.

"Dalawang taon. Dalawang taon kang nasa tabi ko kaya alam kong alam mo ang
paghihirap na dinanas ko. At sa dalawang taong 'yon ay nasa tabi ko lang pala ang
taong aking hinahanap. Kaya pala, kaya pala magaan ang loob ko sa'yo dahil nakilala
ka pala ng puso ko."

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa puso niya.

"I am here to stay, retard. But..."

TBC...
=================

Unmasked 37

A/n:

Short update :)

Shout out para sa elder sister ni Kevin Yntig na nagbabasa nito :) Hi po!

Schedule and sneak peak for the next chapter will be posted in the FB Group and FB
Page.

-----------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------

Zen's Point of View

"...Love isn't an enough reason for us to be together for now, retard. We must
finish what we have started." Tiningala ko ang lalaking mahal ko, nakita ko ang
paglalandas ng kanyang mga luha. Nasaktan na naman ba kita Kiel? Sa nanginginig na
kamay ay inabot ko ang pisngi niya at marahang hinawi ang mga luha rito.

"Why? Why did you leave me thinking I have killed you?" May hinanakit ang boses
niya kaya napakagat ako sa aking ibabang labi upang mapigilan ang pag-iyak.
Sinasalamin ng mga mata niya ang pighati.

"Please don't think that I have left you with such a burden. I don't want you to
feel hatred towards yourself when I left but I am afraid I just did." Naging mapait
ang boses ko nang sabihin ko ang huling mga kataga. Ayaw kong mapuno ng kasuklaman
ang puso niya noong umalis ako pero sinisi niya pa rin ang sarili niya.

"I set you to hate me for the serenity of the Realm. I never knew I'll live again
but if I have to die again, I want to draw my last breath in your arms again."

"All these time I blamed myself because I lost you with our future child. And all
these time I never knew that you intended to die!

You never trusted my capability to judge the situation instead you thought that
what you did was noble!" Tinulak niya ako palayo sa kaniya kaya. Ilang dangkal ang
agwat sa pagitan namin. Kahit sa madilim na bahagi ng kweba ay kitang kita ko pa
rin ang pagdaan ng mga emosyon sa mata niya.

"I lost my men Kiel! I lost my family's dignity! I lost my friend! But I could not
afford to lose you! You taught me how to love and it is your damn fault why I fell
for you so badly! I just can't lose you because I will lose myself!" Dinuro duro ko
na siya habang hindi ko na mapigilan ang paglandas ng mga luha. Matamang nakatingin
lang siya sa akin habang nagsasalita ako.

"But I lost you instead!" Sikmat niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "I
lost you and I lost our child leaving me with hatred to myself. I'm afraid I
wouldn't be able to see you again, Nana." Mahina niya akong niyugyog habang
nakayuko siya at magkadikit ang aming mga noo.

"You're so selfish, Nana." Mahina ang pagkakasabi niya pero tagos ito sa puso ko.

Masama bang protektahan kita? Mas nanaisin ko pang mamatay kesa makitang mamatay
ang mahal ko. Hindi ko alam, tumatakas lang pala ako. Ipinasa ko na pala sa kanya
ang sakit na 'yon. Naging tuso at duwag ako, nasaktan ko na pala siya. Tama si
Kiel, hindi ko siya binigyan ng pagkakataon.
"I'm sorry." Nasa magkabilang pisngi niya ang dalawang palad ko. "I'm so sorry,"
hindi ko mapigilang mapahagulgol.

"Just never leave me again, Nana. You walk away again from here, you walk away from

my life." Puno ng determinasyon ang boses niya.

"But..." Pinutol niya ang anumang protesta ko nang ilapat niya ang labi niya sa
labi ko. Awtomatikong napapikit ako at dinama ang kasiyahang dulot nito. Dalawang
taon ko ring hindi natikman 'to, ang tamis ng halik na nanggaling sa mahal mo.

Marahan sa umpisa na animo'y isa akong babasaging kristal. Mapanuyo ang kanyang
pamamaraan hanggang sa kinagat niya ang ibabang labi niya kaya napabuka ang aking
bibig na sinamantala naman niya para maipasok ang dila niyang mapaniksik. Mas
lumalim ang halik niya kaya napakapit ako sa batok niya. Nanghihina na rin ang mga
tuhod ko kaya nang isandal niya ako sa dingding na kweba ay walang anumang pagtutol
ang kababakasan sa akin.

May kung anong init ng pangangailangan ang napukaw muli sa aking kaibuturan. Hindi
ko ininda kung nasaan man kami ngayon. Naramdaman ko na lang ang pagpasok ng isang
mapangahas na kamay sa blusa ko.

Hindi ko mapigilang mapaungol ng matagpuan ng isang kamay nito ang hinahanap. Nang
ipinwesto niya ako pahiga ay alam ko ng wala ng atrasan ito. At muli ay nag sanib
ang mga labi namin.

Tapos na ako sa pag-aayos pati na rin si Kiel na hanggang ngayon ay hindi


matanggal-tanggal ang ngisi. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay dahilan upang tumawa
siya ng bahagya.

"Una ka ng lumabas at sa likuran ng kweba ako lalabas mamaya." Saad niya na sinagot
ko ng isang tango. Nang mai-ayos ko na ang mga gamit ko ay humakbang na ako
papaalis ng kweba nang magsalita siya na ikinapula ng buong mukha ko.

"Can you walk properly after we did it thrice?" Nilingon ko siya at tinapunan ng
kunai na natatawang sinalo niya lang naman.

"Shut the hell up, retard." Tumalikod na ako at naglakad na nang tawagin niya ako
ulit.

"Don't you dare die on me again, Nana. Cause I will follow you even from the pits
of hell." Hindi ako lumingon ay sumilay naman ang isang ngiti sa aking labi. Ang
pamilyar na tibok ng puso ko na tanging si Kiel lang ang makakagawa sa akin ay
andito na naman.

"Did you forget retard? I am the goddess of the Underworld." Pagkasaad ko nito ay
mabilis na naglaho ako sa bukana ng yungib. Tumuntong ako sa isang sanga ng
malaking kahoy at pinagmasdan ang paligid. Umaga nap ala. Nilingon ko sandali ang
kweba at kontentong bumuntong hininga.

'Till next time, retard.

Mabilis akong nagpalipat lipat sa mga sanga ng kahoy nang may naramdaman akong tao
mula sa radius ko. Huminto ako ilang metro ang tao at itinago ko ang presensya ko.
Nakatalikod ang lalaki at unti-unti itong humarap. Kitang kita ko na angmukha niya.

"Starfire," mahinang bulong ko.


TBC...

=================

Unmasked 38

A/n:

May poll akong ginawa sa FB Group na ang tanong ay 'Kung sino ang gusto niyong
sunod na story after this book'. :)

ACE

--------------------------------------------------------

Nightwind's Point of View

Tiningnan ko ang kalendaryo rito sa hideout namin. Ngayon pala ang umpisa ng Rank
Examination nila leader at Siren. Naupo ako pasalampak habang iniinspeksyon ko ang
assault rifle. Dito ako itinalaga ni leader na magmanman sa mga kalaban kasama na
rin si Grim.

Si Grim ang bagong myembro ng Phoenix, ang pumalit kay Sprite. Isang mapait na
ngiti ang sumilay sa'king labi nang maalala ko ang nasira kong nobya.

Tumayo ako at inilagay ko sa couch ang assault rifle. Tahimik kong pinagmasdan ang
larawan namin dati. Masaya akong nakaakbay kay Sprite habang siya ay nakapalupot
ang isang braso niya sa beywang ko. Nasa gitna namin si leader na walang kangiti-
ngiti at nakasandal sa kanya si Siren na tinitingnan ng masama ni Dark Phonix sa
larawan. Si Death Stalker naman ay nakatawa habang nakatingin sa kanilang tatlo.

Dahan-dahang inabot ng isang kamay ko ang larawan. Parang kahapon lang kinunan 'to
pero ngayon wala na pala si Sprite.

"Babe," mahina kong bigkas habang nakapokus lamang ang paningin ko sa babaeng
minamahal ko, hanggang ngayon.

Biglang pumula ang radio at agad ko ito pinindot sabay kabit nito sa damit ko at
kinonekta ang radyo at earpiece.
"Nightwind we are under attacked!" Sigaw na bungad ni Grim sa kabilang linya. Agad
akong naging alerto sa paligid at kinuha ang isang assault rifle. Lumabas ako ng

silid at mabilis na tinungo ang isang fire exit papuntang rooftop. Pumwesto ako sa
isang mataas na parte ng building at mabilis na dumapa nang nagpaulan ng mga bala
ang isang helicopter na sumulpot mula sa kung saan.

"Damn!" Mabilis akong nagtago sa isang water tank at hinintay na tumigil ang
pagbaril. Nang sandaling tumigil ay ako naman ang nagpaputok aiming for its fuel
tank pero madali silang nagpaputok agad kaya napatago ulit ako sa water tank na sa
ngayon ay butas butas na.

Gumulong ako sahig ng rooftop sabay pwesto ng rifle at nagpaputok papunta sa


helicopter nang makita kong may paparating na dwarf missile! Fuck! Agad akong
tumayo at tumakbo habang sinusunod pa rin ako ng mga bala.

Nagsalita ako sa radio para marinig nila ni Grim , "Phoenix, missile incoming!"
Sigaw ko sa radyo habang tumatakbo.Bago ako tumalon ay huminto muna ako at hinarap
ang helicopter at gamit ang lakas ko ay pinuntirya ko ito gamit ang isang hand
grenade.

Ilang segundo bago tumama ang missile ay tumalon na ako mula sa building. Sumabog
din ang helicopter.

"Whohooo!" Sigaw ko. "Shut up," iritang saad ng nasa kabilang linya. Nakaligtas din
pala ang mokong.

Free fall, 'yan ang nangyayari saa akin. Idinipa ko lang ang aking mga kamay at
nakabuka ang aking mga papa. Ramdam ko ang pressure ng hangin sa mukha ko. Twenty
meters before impact ay hinugot ko na ang isang lubid at mabilis na bumukas ang
isang parachute pulling me against gravity.

Zen's Point of View

Siya ang kahuli-hulihang tao na inaasahan ko na makikita


sa rank examination. Mula sa malayo ay inobserbahan ko siya. Nang magsimula na
siyang maglakad ay sinundan ko rin siya at sinisiguro kong hindi niya ako
mararamdaman kung maaari.Biglang nag vibrate ang isang singsing ko. Signal ito ng
mga Phoenix members, kung dati ay kwintas ngayon naman ay singsing ang inembento ni
Siren.

Pagtingin ko ay kulay orange ang mahinang kumikislap sa singsing. Ibig sabihin ay


muntik ng pumalpak ang misyon nila. Napakunot ang nook o.

Ano kaya ang nangyari? May sumabotahe ba?

Sa muling pagtingin ko sa kinaroroonan ni Starfire ay wala na siya ro'n. Hinanap ko


siya gamit ang radius technique pero wala na siya. Mabilis kong tinalon ang
distansya sa pagitan ng sangang kinatatayuan ko sa pwesto ni Starfire kanina.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at malalim na bumuntong-hininga.

"Sino ang hinahanap mo?" Tanong ng boses sa likod ko. Agad akong humarap sa kanya.

"Master Kiel," saad ko since alam kong may mga CCTV cameras na nagkalat sa paligid
at possibleng may makarinig sa akin. Tila nakuha naman ni retard ang gusto kong
ipahiwatig dahil tumikhim siya at pinapormal ang anyo.

"Sino ang hinahanap mo?" Tanong niya ulit.

"May nakita akong isang pamilyar na mukha," sagot ko kaya tumango na lamang siya.
Hindi mapakali ang kamay ko dahil sa kakaibang titig na binibigay niya sa'kin.
Nanunuot ito sa kalamnan ko.

Nagbow ako at umaksyong tatalikod na nang biglang lumapit siya sa'kin at kinuha ang
kamay ko at mabilis na naglakad. Tulalang napasunod na lamang ako habang nakatingin
ako sa magkahugpong na mga kamay namin.

Napangiti ako sa kilig sa aking isipan. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya kaya
napalingon siya sa'kin. Isang ngiti ang binigay ko sa kanya.

'I love you' my heart shouts.


Sa kakalakad namin ay humantong kami sa isang batis. Napakalinis nito. Kitang-kita
ang mga isdang lumalangoy sa mala kristal sa linaw na tubig.

Yumukod siya at uminom sa tubig nito. Hindi ko mapigilang mapagmasdan siya habang
umiinom. Ang hot niya! Ang bawat paglunok niya sa tubig. Ang nabasa niyang leeg na
kay sarap punasan. Napalunok din ako. Damn hormones!

"Zen," tawag niya sa'kin na iminwestra ang tabi niya. Lumapit naman ako at umupo sa
tabi niya. Doon ko lang napansin ang hawak niyang pebble.

"Guess this," tinapon niya ng pa-slant ang pebble sa batis kaya tumalbog ito sa
tubig ng tatlong beses. Hindi naman ako bobo para hindi malaman ang ibig sabihin
no'n. Isang ngiti ang sagot ko sabay kuha ng pebble sa lupa.

Katulad ng ginawa niya ay tinapon ko rin ito sa tubig na may tantyadong lakas at
tumalbog ito ng apat na beses.

'I love you too', sagot ko sa kanya. Isang ngiti ang namagitan sa aming dalawa.

TBC...
=================

Unmasked 39

You can join the FB group and like the FB page. :)

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
-----------------------

Zen's Point of View

"Kuya, ba't kayo nagbabatuhan dyan?" May biglang nagsalita sa likod namin kaya
mabilis akong lumayo kay Kiel. Pagkalingon ko ay isang dilag ang nabungaran ko.
Nakatirintas ang buhok nito at kumakain ng saging. Biglang nagflashback sa isip ko
ang mukha ni tabachoy habang kumakain ng prutas sa rank exam dati. Pinakatitigan ko
ang nasa harap ko at napangiti ako kay Kiel nang makompirma ko ang hinala kong siya
si Sahara matapos ang dalawang taon. Nabawasan ang taba niya at ang dating pandak
na high school ay nadagdagan na ang tangkad.

"Tabachoy, kumakain ka na naman?" Hindi ko mapigilan na maitanong sa kanya. Doon


siya bumaling sa'kin at pinaningkitan ako ng mata.

"Kahit ikaw pa si Thirteen ay hindi kita palalampasin pag tinawag mo akong tabachoy
ulit. Si ate Lucy lang ang pwedeng tumawag sa'kin niyan."
Itinaas ko naman ang dalawa kong kamay bilang tanda ng pagsuko. "Chill Sahara."
Alangan namang sabihin ko kay taba na ako ito, ang ate Lucy niya. Paniguradong
magtatanong at magtatanong siya sa'kin at hindi ito ang tamang lugar para pag-
usapan ang mga 'yan.

"Sahara, may kasama ka ba?" Pagpuputol ni Kiel sa aming pinag-uusapan. Nahalata


niya atang nadulas ako kanina sa tanong na iyon. Isang ngiting pasasalamat ang
palihim kong ibinigay kay Kiel na tinugon niya ng isang kindat. Kahit

kalian talaga, ang landi ng lalaking 'to.

"Wala po kuya, sasama na lang ako sa inyo." Tumango naman si Kiel kaya nag-umpisa
na kaming maglakad. Malayu-layo na rin an gaming nalakad. Kung may nakita kaming
mga estudyante ay mablis pa sa alas kwatro ang mga ito sa pagkuripas ng takbo.
Hindi naman namin hinahabol dahil may isang busy sa pagkain. Nahiya naman kami ni
Kiel na disturbuhin ang isang 'to. Naalala ko tuloy na ganito rin siya dati. Iyon
nga lang mas cute siya dati at madali siya mapasan dahil sa liit niya. Para siyang
bola noon. Ngayon may kurba na siya. Ang nagagawa nga naman ng panahon.

"Ano ba ang ginagawa natin dito kung hindi tayo makikipaglaban?" Reklamo ko sa
kanilang dalawa.

"Pwede kang makipaglaban Zen. Hihintayin ka nalang naming dito," saad ni Kiel.

"Wag na kuya, kung makikipaglaban siya ay hayaan na natin at umuna na tayo."


Suhestyon ng magaling na si taba habang tsokolate na naman ang nilalantakan. Saan
niya ba 'yan tinatago ang mga pagkain niya? Humiram ba siya ng bulsa ni Doraemon?

Isang matalim na sulyap ang binigay ko kay taba. "Tumahimik ka nga. Gawin kitang
bola-bola dyan."

Namula naman ang mukha ni taba sa inis at binato ako ng tsokolate. Umiwas naman ako
agad. "Sabing wag mo kong tawaging matabi eh!"
"Oy hindi kita tinawag na mataba. Ang sabi ko bola-bola. Magkaiba 'yon." Nakakatawa
ang hitsura niya. Para siya bulkan na kahit anong sandal ay puputok na.

"Ewan ko sa'yo Thirteen!" Tumalikod na siya at nagmartsa papalayo.

"That was very mature of

you," komento ni Kiel. Isang kibit-balikat ang isinagot ko bago ko hinabol ang
pikon na si taba. Namiss ko rin pala ang tabachoy na 'to.

Nakaupo kami sa sanga ng isang malaking puno. Mula rito ay kitang-kita ang
magandang tanawin ng isang water falls. Ang sarap sa pandinig ng lagaslas ng tubig.
Patia ng mga ingay na gawa ng mga unggoy na nakalambitin sa kabilang puno. Tulog si
taba at nakayuko sa tuhod nito. Ang baboy talaga, matapos mabasog ay nag-ayang
magpahinga. Iyon pala ay matutulog.

Si Kiel naman ay nakahiga sa hita ko. Tulog na tulog at kitang-kita ko naman ang
banayad na paghinga niya. Nasa harap ko lang naman ang lalaking mahal ko. Marahan
kong inabot ang mukha niya. Ingat na ingat ako sa pag-trace ng ilong niya patungo
sa mga kilay niya hanggang sa humantong sa mapupula niyang labi. Ang labing tanging
pinahintulutan ko lang na humalik sa akin.

Ilang Segundo ko pa lang nahahawakan ang labi niya nang biglang hinawakan niya ang
kamay ko at awtomatikong nagbukas ang kanyang mga matang nakatutok lang sa akin.
Pansamantala akong nagulat bago tuluyang ngumiti sa kanya.

"Bumangon na kayo. May napansin akong kakaiba kanina."

Agad naman siyang bumangon at nilapitan ang himbing na himbing na si taba. Tinapik
niya ito sa pisngi kaya nagising agad ito.

"Rest is over." Tumalon na si Kiel mula sa sanga kaya nagsitalunan naman kami ni
taba.

"Anong kakaiba ang napansin mo Zen?"


"Sa nasagap ko mula sa gamit na'to," iminwestra ko ang compass na nakakabit sa
kamay naming. "Ang mga estudayanteng dumadaan malapit

sa atin ay iisang direksyon lang ang pinupuntahan. At doon 'yon." Turo ko sa may
hilaga namin.

"Bakit kaya?" Tanong ni taba sa sarili niya.

"Para masagot iyan ay dapat nating alamin kung ano ang nagaganap do'n." Saad ko
sabay lakad papunta sa bagong direksyon namin. Nakasunod naman sila. Nakapamulsa si
Kiel habang kumakain na naman si taba. Biglang may umila na pula sa mga compass
naming.

"Wait," saad ko at tiningnan ang mga tao na nasa palibot lang namin gamit ang
compass. Pwede ko naming gamitin ang radius technique ko kaso may CCTV akong
napansin malapit sa pwesto namin. Humigit kumulang nasa isandaan ang nasa malapit
lang . Nakuha naman nila ang ibig kong sabihin nang kunin ko ang mga sandata ko.
Naging alerto naman si taba pero wala pa ring nagbago kay Kiel. Kampante pa rin ang
kumag.

Pumwesto kami sa may maraming halaman upang hindi kami makita though imposible
dahil makikita naman kami gamit ang compass.

Ang tumambad sa amin ay ang mga naglalaban-laban na mga estudyante. May ilang
Spiders na naglalaban-laban din sa isa't-isa. May nakita akong tumakbo pero hinabol
ito ng patalim ng kalaban. May nagtaas ng kamay bilang tanda ng pagsuko pero
pinugutan pa rin ito ng ulo. May hindi na makalaban dahil lugmok na, idineklara ng
panalo ang nakatayo pero nilapitan pa rin nito ang kalabang lugmok na at tinapakan
ang leeg. Madugo ang mga laban at walang hinahayaang mabuhay. Nagkalat ang mga
patay na katawan at mga malapit ng mamatay. Bakit ganito sila kabrutal?

Akmang susugod si Kiel pero hinarang ko ang isang kamay ko at sinenyasan siyang

magmasid muna. Pero tila hindi nakikiuyon ang panahon dahil may ilang napalingon
sa'min nang biglang tumili si taba. Nakakita pala ito ng ahas at huli na para
mapigilan ang bibig niya.

"Fuck!" Agad nila kaming sinugod. Bakit sila sumusugo na pati si Kiel ay sinusugod
nila? Kanina naman ay nakikita pa lang nila ako ay tumatakbo na sila. Agad kong
sinangga ang paparating na mga atake nila. Nag-aalalang nilingon ko si taba at
nakita ko siya nakikipagsabayan sa kalaban. Nag-improve din pala ang lakas niya. Si
Kiel naman ay isang kamay lang ang ginagamit habang nakapamulsa ang kanan niyang
kamay.

Bumalik ako sa pagdepensa nang may napansin ako sa kanilang lahat. Nilingon ko ang
iba kung gano'n din ba sila at tama nga ako. Puro pula ang mga mata nila, animo'y
nakadrugs sila. Posible kayang ito ang dahilan kung bakit ganito sila kumilos?
Maliban kasi sa pagsigaw tuwing aatake sila sa amin ay hindi na sila nagsasalita.

"They've been drugged master!" Sigaw ko kay Kiel dahil napapalayo na ako sa kanila.
Lumingon naman siya sa'kin at may mahinang binulong sa sarili niya.

Hinanap naman ng mata ko si Siren at wala akong makitang maski anino niya. Baka
nasa malayo siya.

"Ateeee!" Ang matinis na sigaw ang nagpahinto sa'kin. Malapit akong matamaan ng
isang katana buti na lang at mabilis akong napagulong palayo. Sabay ata kami ni
Kiel na tumakbo palapit kay taba nang ihagis siya ng tatlong kalaban niya sa bangin
at dahil ako ang mas malapit ay tinalon ko na ang distansya sa pagitan namin.

Nang nasa ere kaming dalawa ay tinulak ko siya pabalik sa lupa. Ang hindi ko
inaasahan ay ang inakala kong solidong lupa ay hindi pala kaya nang tumuntong ako
sa dulo ng bangin ay bumigay ito.

"Fuck!"

"Nana!"

Double fuck dahil nadulas si Kiel sa sinabi niya. Paniguradong kung sino man ang
nakatingin sa CCTV ngayon at kilala sino ang Nana sa buhay ni Kiel ay agad na
malalaman na buhay si Luciana, na buhay ako.

TBC....
=================

Unmasked 40

A/N:

Pwede niyo ng ma-add ang mga members ng Phoenix pati ang mga main characters sa
Facebook dahil may mga operators na sila. You may join the Fb group for sneak peak.
If you love this story, you may like the FB page. Nasa timeline ko lahat ng links.

Thank you Ice'ians :)

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
--

Zen's Point of View

Napapikit ako sa inis dahil nagbabadyang pumula ang mga mata ko. Nakuu, kung
malapit ka lang sa'kin retard!

Nagback flip ako sa ere kaya napalapit ang kaliwa kong kamay sa matutulis na bato
ng pampang. Nakatanghod si retard sa akin mula sa bangin kaya nakita niya ang
sitwasyon ko pero bago niya pa ako tulungan ay pinaningkitan ko siya ng mata. Agad
naman siyang napatigil kahit kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.
Pinaikot ko na lang ang aking mga mata sa ka-OAhan ng lalaking ito.

Bumwelo ako at agad ikinapit ang kanan kong kamay sa mga bato upang makaakyat na
ako. Ang isang tahimik na paligid ang binungaran ko matapos kong makaakyat. Ang mga
naiwang nakatayo ay naiwang nakatulala. Base sa aking obserbasyon ay nawala na ang
epekto ng droga sa kanilang sistema at bumalik na ang realidad sa kanila. Hindi ata
sila makapaniwala na pati mga kaibigan nila ay napatay nila ng walang pag-
aalinlangan kanina.

Inikot ko ang aking paningin sa mga nakatayo. Nakita ko si retard katabi ang
kakambal niya at si Alexander. Tumiim ang bagang ko nang magkasalubong ang mga mata
naming at nginisihan niya ako na tila kilala niya ako bilang Underworld Goddess.

Hinanap

ng mata ko si taba at nando'n siya nakaupo sa isang bangkay habang kumakain na


naman, ano pa nga ba. Si Siren ay nakaupo sa isang puno at nakatingin lang sa
pangyayari sa paligid.

Bumalik ang mga mata ko kay retard, may nakarinig kaya sa kanya. Siguro.

Tumunog ng parang alarm clock ang compass kaya halos kaming lahat ay napatingin
dito. Wala namang nagbago, walang mensahe o tinuturong direksyon.

"As the Headmaster, I would like to congratulate you for passing the third level of
rank examination. Now, the last level will begin." Sigaw ni Ciel sa nakararami.
Ibayong pigil ang ginawa ko para pigilan ko ang aking sarili sa pagsugod sa kanya.
Pero tama si Siren, may panahon ang lahat. Gusto kong hilahin ang oras upang
dumating lamang ang panahon na iyon sa lalong medaling panahon.

Pumutok ang mga bulung-bulungan ng mga nakakarami. May pinindot si Alexander na


remote na dahilan upang parang baliw na nag-iikot ang arrow head ng compass.
Makalipas ang ilang minuto ay huminto ito bigla sa isang direksyon.

Nagtatakang sinundan ko naman ito ng tingin at napansin kong gano'n dina ng ginawa
ng lahat. Nagkasalubong ang mga mata naming ni taba. At dahil hindi niya ako kilala
ay tinaasan lang niya ako ng kilay na ikina-iling ko na lang.

"Lapitan niyo ang mga tinuro ng compass niyo," utos ni Ciel. Ayoko mang isipin ay
parang nangyari na ito dati. Kung saan maglalabanlaban ang mga nakapair mo. Si taba
pa talaga, hindi ko tuloy maiwasang isipi na ginagawa nila ito para bwesitin ako.
At kung tama ang hinala ko, ibig sabihin ay alam nila ang tunay kong pagkatao.

"Maglalaban siguro tayo,"

saad ko sa isang boring na tono para hindi niya mahalatang tensyonado ako.

"Alam ko," mataray niyang sagot. Kahit kalian talaga. Asan na ba 'yong malambing na
pandak na kilala ko dati, dalawang taon na ang nakakalipas?

Tumahimik kaming pareho at naghintay sa susunod na sasabihin ni Ciel. Nang biglang


may pinindot na naman si Alexander. At gaya kanina ay parang baliw ang arrow head
sa kakaikot at huminto ito bigla. Nagkatinginan kami ni taba nang mapansin naming
iisang direksyon ang itinituro ng mga compass namin. Itinituro nito ang isang pares
din na sa ngayon ay nakatingin din sa amin, malamang kami ang itinituro ng mga
compass nila.

Malinaw pa sa sikat ng araw, sila ang kalaban namin. Buti na lang at hindi si taba,
nakahinga ako ng maluwag sa kaalamang ito. Ibinalik ko ang tingin ko sa pares na
makakalaban name at binigyan ko sila ng isang sadistang ngiti.

"May ideya na siguro kayo kung sino ang mga kalaban at kakampi niyo. Ngayon sa
pagtawag namin ng mga pangalan niyo at ng mga kalaban niyo ay sabay kayong lalapit
apat at bubunot kayo mula sa mga daggers na hawak ni Lord Kiel."

Nagsimula ng magtawag si retard. Natawag na rin si Siren na halata sa mukha ang


excitement.

"Davids, Davids, Nakahara, Siegfred ," tawag niya sa wakas sa amin. Unang naglakad
ang kalaban naming na tila walang planong mapalapit sa amin. May lollipop naman sa
bibig si taba nang umakyat na siya habang nasa huli ako at umaktong normal bilang
Zen.

"Ikaw na ang bumunot Thirteen." Utos ni Davids kaya ako na ang namilli sa mga
daggers. Tinuro ko ang nasa gawing kanan ni retard, Binunot niya ito at binigay

sa akin. Nang akmang kukunin ko na ito sa kanya ay palihim niyang hinaplos ang
kamay ko. Kahit init na init ang mukha ko ay umakto akong walang nangyari, bwesit
na Kiel!

"May napansin naman kayo sa dagger di ba? May mga nakataling papel dito. Buksan
niyo 'to." Utos ni Ciel. Binuksan naman ni Laude ang papel at tumambad ang isang
numerong "7".

"May mga numero sa papel, may mga katapat na ibig sabihin iyan." Tinanguan ni
retard si Ciel kaya may kinuhang papel si Ciel at binasa ito sa harap namin.

"1-10, Underwater. 11-20, Forest. 21-30, Arena. 31-40, Cliff. 41-50, Farm."

Kung gano'n underwater fight kami. Kaya ba ito ni taba? Kailangan ng stamina at
muscle coordination sa ganitong laban. Hindi lang limitadong hangin at limitadong
galaw ang kalaban mo kundi pati ang mga alon ng dagat.

"You may now proceed to find your stations. Mas advantage ang unang makakahanap
dahil may dalawang sandatang inilagay kami dito. At isang pares lang ang pwedeng
may sandata." Imporma ni Kiel. Kung ganoon para dito pala iyong mga iniutos niya
sa'kin bilang Zen. Mabilis na nagpulasan ang mga tao.

Nakisabay ako sa takbo ni taba na determinadong manalo dahil wala na siyang bitbit
na pagkain. Napangisi ako sa aking isipan. Makikita ko na rin siyang lumaban. Ito
ang kaibahan niya ngayon kesa sa dati.

Napuntahan na namin ang hilagang dalampasigan at walang station do'n, wala rin ang
kalaban namin. Isa lang ang ibig sabihin nito, nasa timog ang station at maaaring
nakauna na ang mga kalaban namin do'n.

Tila pareho kami ng iniisip ni taba dahil

napipikong tumakbo siya papunta sa direksyon ng Timog.

"Fuck!"

"Hey chill," saad ko habang tumatakbo. Dapat kalmado sa ganitong laban.

"Shut up," walang lingon lingun niyang saad. Nagkibitbalikat na lang ako, kung
hindi ko lang siya kilala dati baka nakatikim na'to sa akin.

At tama nga ang hinala ko, nandito na ang mga kalaban. Ngisi ngising winagayway
nila ang mga sandata nila. Kinuyom ni taba ang mga kamao niya kaya inilagay ko sa
balikat niya.

"Ilagay mo sa lugar ang galit mo dahil kahit maglupasay ka pa dyan, nasa kanila na
ang mga sandata. Beat them with angst underwater." Tiningnan niya muna ako bago
kumalma. At nang maunawaan niyang nasa balikat niya ang kamay ko ay mabilis niya
itong pinalis.

Isang higher rank na reaper ang lumapit sa amin at ipinaliwanag na magbibihis kami
ng isang diving suit 'yon nga lang imbis oxygen tank ay isang hose ang magsusupply
sa amin ng hangin. Kanya-kanya kami ng hose at sasakay muna kami ng speedboat dahil
sa gitna ng dagat kami maglalaban.

Nang handa na kami ay isa-isa kami nagdive kasama ang isang computerized camera na
gumagalaw mag-isa, ito ang siyang magbabantay sa amin sa ilalim ng dagat. Kakaibang
excitement ang bumaha sa sistema ko. Magbabantay ang reaper sa speedboat gamit ang
isang laptop.

Ninamnam ko ang impact ng dagat sa aking katawan. May suot man ay tumatagos ang
lamig dito. Dahil sa hose ay limitado ang pwede naming languyan. Pagtingin ko sa
baba ay isang walang hanggang tubig dagat lamang ang aking nakikita. Two meters
underwater pa lang kami ay inundayan na kami ng katana ni Davids. Alam kong siya si
Davids dahil sa pigura at heartbeat

niya. Ang pinupuntirya niya ay si taba na ngayon ay nahihirapang mag adjust at


nakatalikod sa kalaban namin.

Fuck! Kung lalanguyin ko ito ay baka hindi na ako umabot kaya bumwelo ako ng sipa.
Dahil sa lakas ay nagkaroon ng alon sa ilalim ng dagat at patungo ito sa direksyon
ni Davids kaya napaatras siya dahil sa alon.

Napatinin sa akin si taba kaya naiinis na tinuro ko ang ulo ko, ang ibig kong
sabihin ay presence of mind. Isa pa'to sa mahirap dahil walang komunikasyon sa
pagitan naming dalawa. Kung ang Phoenix siguro ang kasama ko ay baka walang hirap
ito.

Sumugod si Laude pero dahil mababawasan ang bilis sa ilalim ng dagat ay walang
hirap namin itong nailagan. Ginamit ko itong pagkakataon para macounter attack
siya. Iniikot ko ang pagkakahawk niya sa katana at iniumang ito sa kanya.
Nanlalaban naman siya pero isang irit ni taba ang nakapagpalihis ng focus ko. Sa
halip na dibdib ni laude ang matamaan ay ang braso niya lang. Umatras naman siya
kaya lumangoy palapit kay taba.

"Fuck!" Naputol ang hose ni taba at nawawalan na siya ng hangin. Nilangoy ko siya
patungo sa ibabaw nang pigilan niya ako at umiling siya.

"What? Are you killing yourself?"

Hindi siya natinag kaya tinanggal ko ang oxygen mask niya na wala ng hose dahil
naputol at tinaggal ko rin ang akin at mabilis na inilipat sa kanya ang oxygen mask
ko. Diver suit na lang ang suot ko kaya mabilis na akong makakalangoy. Imenwestra
kong lumayo siya at dahil shock pa siya sa aking ginawa ay mabilis siyang sumunod,
buti na lang.

Nang harapin ko ang mga kalaban ay handa na akong magsaya.

Ang katanang naagaw ko ay iwinasiwas ko palapit ko Davids. Pinuntirya ko ang tiyan


nito at dahil busy sa pagsalag ay nagback kick ako sa oxygen mask niya. Dahil sa
lakas ng impact ay nasira ang salamin sa oxygen mask. Natatarantang lumangoy
paibabaw si Davids, leaving me and Laude.

Kitang-kita mula dito ang dugong humahalo sa dagat. Now, that's bad. She's just
attracting...

At tila nagkatotoo naman ang iniisip ko dahil may mga aninong papalapit.
...sharks.

Kiel's Point of View

"Alam mo naman ang magiging paksa sa meeting. At posibleng ipatanggal ka nila sa


pwesto." Si Lilith ang nagsalita, siya lang ang nagsalita pero alam kong iyan din
ang nilalaman ng mga saloobin ng Inferno.

Nanatili akong tahimik habang naglalakbay ang isip ko sa nangyari noong isang
linggo sa rank examination.

"At ayaw naming mangyari iyon. Buhay ang kapalit ng tronong iyan Primo. Ilang buhay
ang nawasak dahil sa tronong iyan at ayaw naming kunin nila iti sa'yo. Gusto mong
iligtas si Zen di ba?" Seryosong saad ng Second in command.

Hindi na ako nagkomento. Kasalukuyang nasa kulungan si Nana dahil sa utos ko. Ang
pinagtataka ko ay sumama naman si Nana. Ano ang plano mo Nana?

Napukaw ako mula sa aking pag-iisip dahil sa inanunsyo ni Lucifer pagkapasok niya
sa silid.

"Lady Haru has arrived, the Lord's fiancee."

Ano?

TBC...

=================
Unmasked 41

A/n:

There will be another update tomorrow :)

FB Page: IceFontana18

FB Group: IceFontana18 Stories

_ACE_

___________________________________________________________________________________
_______________

Third Person's Point of View

Umaalingasaw na amoy, maliit na espasyo, madilim na paligid at mainit na


kapaligiran. Tipikal na kulungan. Nakasandal lamang si Zen sa malamig na dingding
habang nakagapos ang kanyang mga paa at kamay. Nakagapos din ang kanyang leeg na
animo'y isa siyang aso. Isang sarkastikong ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha nang
maalala ang sinabi ng lapastangan na si Ciel. 'Investigation? Eh para na nga akong
hinatulan sa daming kadenang nakakabit sa'kin.' Reklamo niya sa kanyang isipan.

Napabuntong hininga na lamang siya ng kumalam ang kanyang sikmura.

'Bakit nga ba ako andito?' Yan ang katanungang naglalaro sa isip ni Zen. At tila
bahang nagsidagsaan ang memorya ng nakaraang mga araw.

Kaka-ahon niya pa lang matapos ang underwater battle nang salubungin siya ng mga
putok ng baril.

"Oh shit!" Mabilis siyang lumubog sa ilalim ng dagat. Maingat na tinatantya ang mga
baling sunod-sunod na tumatagos sa bughaw na karagatan. Sinikap niya naman
magpailalim hangga't maaari.

Ano nga ba ang nangyayari? Isa sa mga katanungang dumadagsa sa kanyang isipan.
Rinig na rinig niya nang biglang sumigaw si Kiel.

"Zen, umahon ka muna!" Lingid sa kaalaman ni Zen ay lihim na hinihiling ni Kiel na


taliwas sa kanyang sinigaw ang gagawin ni Zen. Nanggagalaiti man ay ayaw niya itong
ipahalata

lalo na at nandito ang mga traydor na sina Alexander at Ciel.

Nagdadalawang isip naman si Zen pero nanaig ang kanyang kyuryusidad kaya dahan-
dahan siyang umahon at mabilis na itinaas ang kanyang dalawang kamay tanda na hindi
niya hangad ang gulo.

Sangkatutak na mga armas ang iniumang ng mga reapers sa kanya. "Whew easy there big
guys," saad ni Zen. Inilibot niya ang kanyang paningin at nakita niya ang nakatagis
bagang na si Kiel na animo'y papatay na sa kanyang tingin. Si Alexander na katabi
ni Ciel na grabe ang laki sa ngisi.

Lihim na napagtagpi tagpi ni Zen ang sitwasyon niya ngayon. At isa lang ang
konklusyon niya, alam na ni Ciel ang pagkatao niya.

Mabilis ang lakad ni ciel nang lumapit siya sa dalampasigan upang mapalapit kay
Zen. Isang mapang-asar na ngiti ang ibinigay niya kay Kiel bago siya humarap kay
Zen na ngayon ay pilit na kinakalma ang sarili.

"Zenara Nakahara, disqualified in this rank examination. You will be escorted in


the cell for further investigation."

Napataas naman ang kilay ni Zen sa narinig. "And for what treason Headmaster?"
Idiniin niya ang salitang 'headmaster' kaya umahon ang inis sa mukha ni Ciel. Isang
ngiting tagumpay ang ibinalik ni Zen dito.

"Attempt treason and for the connection you have with the traitors," may laman ang
pagkakasaad ni Ciel. Isang blangkong ekspresyon ang isinukli ni Zen habang iniumang
niya ang kanyang dalawang kamay. Agad na lumapit ang mga reapers at pinusasan siya.

Dahil sa kawalan ng magagawa ay nag-unat siya kaya hindi niya napigilang

matanggal ang mga posas sa kanyang katawan pati ang nasa leeg niya. "Oops,"
ikinabit niya naman ito uli sa kanyang katawan. Ayaw niyang mahuli siya ng guard,
may gusto pa siyang malaman.

'Hindi talaga lahat ng sekreto ay matatago ng pangmatagalan. Para lamang itong usok
na kahit anong takip mo ay lalabas at lalabas pa rin.' Sa isip ni Zen o mas kilala
bilang Fallen Angel.
Kiel's Point of View

"Don't 'ano' me Kiel Loong!" Tila torong nakaharap sa'kin si Lilith. Kulang na lang
ay umusok ang ilong niya sa pula ng mukha niya.

"Shut the fuck up Lilith," isang malamig na tingin ang ibinigay ko sa kanya.
Napaatras naman si Lilith dahil hindi niya ata inaasahan 'yon.

"Primo," may banta sa boses ni Hades. Ayaw niyang nasasaktan ang damdamin ng asawa
niya.

"Kumalma nga kayo," singit ni Lucifer at lihim na napailing naman si Secondus.

Aksyong tatalikod na sana ako at humarap sa pintuan ,"Pupuntahan ko muna si Zen


kaya---"

Nang biglaan naman itong bumukas at iniluwa ang isang hindi pamilyar na babaeng
nakakimono ng itim na may adorning kulay pula na mga paru-paru. Nakapusod ang itim
na itim na buhok nito na kasing kulay ng mga mata nitong tila mata ng agila sa
talim.

Diridiritso siyang naglalakad na tila pag-aari niya ang kanyang tinatapakan.


Napahinto naman lahat na nasa loob ng silid sa kanilang ginagawa dahil sa babae.
"Sa'n ka pupunta?" Walang emosyon ang kanyang boses kahit nakangiti siya nang
tanungin niya ako.

At doon tila nakabawi sa kanilang

pagkatulala ang mga kasamahan ko sa kwarto.

"At sino ka para makialam?" Balik tanong ko sa kanya. Doon umaksyon si Belial at
Lilith dahil sabay silang lumapit sa babae na tila mga maamong tupa.

Magkakilala sila?

"Lady Haru," magalang ang pagkakasambit ni Lilith. Animo'y bumalik ang inis ko
kanina, siya pala ang Haru na tinatawag nilang fiancée ko. Isang mapang-inis na
ngisi ang nakapaskil sa mukha ko.

"Where are my manners. Haru Owari. How are you, fiancée?" Isang sadistang ngiti ang
pumalit sa ngiti niya kanina.

Pamilyar ang pangalan niya nang nabanggit niya ang pangalan ng pamilya nila. Owari.
Saan ko nga ba ito narinig?

"Masyado pang maaga para managinip ka," tanging saad ko bago umalis pero nang
dumaan ako sa tapat niya ay may binulong siya na nakapagpahinto sa akin.

"White Rose."

Hindi ako lumingon o nagtanong. Biglaan ko na lang naramdaman ang paghawak niya sa
braso ko.

"Shall we visit your friend?" Nakatingala siya sa'kin. Unti-unti na akong naiinis
sa ngiti niyang 'yan. Walang anu-ano'y iniikot ko ang braso niyang nakakapit
sa'kin.
Hawak ko na ang braso niya sa likod niya.

"Primo," nababahalang saad ni Belial pero tiningnan ko lang siya ng matalim at


nagsi-alisan na sila sa silid.

"Never touch me again," bulong ko malapit sa teynga niya at marahas siyang


binitawan. Hindi ko na siya nilingon at tuloy-tuloy na akong nagtungo sa kulungan
sa ilalim ng mansion nang wala na akong Nana na nadatnan doon.

Fuck, asan siya? Hinablot ko

ang reaper na nagbabantay dito.

"Asan siya?" May diin sa bawat salita. Kulay suka na ang reaper lalo na't kitang-
kita niya ang Serpent's eyes.

Hindi na ako nagdalawang salita dahil mabilis siyang sumagot, "Nasa Trial House po
siya Lord Kiel!" Itinulak ko siya agad at lakad takbong binagtas ang daan papuntang
Trial House.

Sa oras na mapahamak siya, pati mata mo Ciel ay bubugbugin ko. Napamura ako nang
narinig ko ang mga hiyawan na nagmumula sa Trial House.

Trial House, isang dome shape building kung saan hahatulan at paparusahan ang
lumabag sa mga bagong batas na ginawa ng Dark Family Council.

Marahas kong binuksan ang malaking pintuan dahilan upang mapahinto ang lahat ng tao
sa loob ng Trial House.

Agad kong napansin ang nasa gitna ng Trial House, nakaposas at nakaluhod. Tinatago
ko ang aking emosyon at umupo sa aking pwesto sa pinakamataas na bahagi. Hindi ako
tiningnan ni Nana.

Bakit ka ba nagpadakip Nana? Bakit hindi ka tumakas?

Naramdaman ko ang titig ni Ciel sa akin, alam kong sila ni Alexander ang may pakana
nito. Gusto nilang kunin ang trono, gusto nilang ang mga mamamayan ng Realm ang
humusga sa'kin, sa'min ni Nana, pag di ako nakapagpigil at tulungan ko ang babaeng
mahal ko.

"Ngayon, ang paghahatol sa kriminal!" Sigaw ni Alexander na siyang kasama sa mga


hukom ng Dark Family Council.
Napakapit ako ng mahigpit sa aking upuan habang ipinikit ko ang aking mata upang
hindi nila makita ang Serpent's eyes.

Nagsalita na si Ciel, "I hereby sentence you, Zenara Nakahara to death for
committing treason against your comrades!"

Nagsihiyawan naman ang mga taong nakasaksi na tila hayok na hayok sa susunod na
mangyayari, ang pagpapatupad ng kamatayan.

Nasa kay Nana lang ang aking paningin nang unti-unti siyang tumingala at nagtama
ang aming mga mata.

She mouthed the words,

'Death is coming'

TBC...
=================

Unmasked 42

A/n:

Merry Christmas Ice'ians! Isang magandang pamasko para sa akin ang umabot ng 1
Million reads ang Book 1 wohoooo! Thank you so much for being with me thru the
journey of the Phoenix members :)

Happy new year! Love lots! <3

A short update. May hang over pa sa vacation XD

_Ace_

_______________________________________________________________________

Third Person's Point of View

Zen mouthed 'Death is coming' at parang on cue ay mula sa pumpon ng mga mamamayan
ng Realm ay nagtanggal ng kani-kanilang mga hood ang Phoenix members na kanina lang
pala nakamasid at naghihintay ng tamang panahon para umatake.

Dala dala ang kanilang mga sandata ay sapat na upang magkagulo ang mga tao. Hindi
alam kung saan tatakbo dahlan upang magkagulo ang lahat. May ibang nakalabas, may
ibang nagtago ng malayo mula kay Zen sa abot ng kanilang makakaya. Isang putok ng
baril ang umalingawngaw sa buong Trial House, napalingon sila kay Kiel. Kahit
walang utos na sinabi ay awtomatikong natahimik ang lahat.

Nasa kabilang bahagi ng Trial House sina Kiel, Alexander, Ciel at mga hukom. Nasa
kabilang bahagi naman ang Phoenix na magkasabay na tinanggal ang kani-kanilang mga
hood habang nanatiling nakatingin kay Ciel ang mga pulang mata ni Zen. Sinasalamin
ang poot na dulot ng mga pangyayari ng kahapon. Isang nakakabinging katahimikan ang
bumabalot sa buong Trial House. Aminado naman ang mga hukom na may takot silang
nadarama dahil nasa harap nila ang inakalang patay nang mga myembro ng Phoenix, ang
pangkat na kinatatakutan ng Realm

dalawang taon na ang nakakalipas.

"What a lovely reunion we have?" Sa wakas ay salita ni Zen kasabay ng pag-unat.


Isa-isa naming natanggal ang mga metal na nakakonekta sa katawan nito. Balewalang
pumanaog si Alexander at naglakad palapit sa kanyang dating kakami. Nagtatagis ang
mga bagang ni NIghtwind sa bawat hakbang na ginagawa ni Alexander palapit sa
kinatatayuan nila. Isa-isang nagbabalik sa ala-ala ng mga Phoenix members ang
kataksilan ng dating kaibigan na tinuring nila na parang kapatid na rin.

"Kumusta ka na Montegracia?" Pormal na pormal ang boses ni Nightwind, kabaliktaran


ng sinasaloob niya.

"Hulaan mo, Hudson." Isang nakakalokong ngisi ang ibinigay niya kay Nightwind
dahilan upang muntikan na niyang atakihin ang dating kaibigan. Isang sulyap ni Zen
ang nakapagpahinto sa kanya. Nakasaad sa mga mata ni Zen na ayaw nitong mawalan ng
control sa sariling emosyon si Nightwind.

Hindi nila napansin ang biglang pagkawala ni Ciel dahil sa komosyong dulot ng
pagdating ng Inferno. Mula sa mga grandyosong bintana ng Trial House ay dito
lumusot ng sabay-sabay ang buong Inferno dahilan upang tila mga ulan na bumagsak
ang mga bubog mula sa nasirang bintana.

Hindi na nagulat ang Phoenix sa biglang pagdating ng Inferno dahil inaasahan na


nila ito. Natural na sa mga Inferno members ang protektahan ang kanilang pinuno
dahil magkakagulo ang Mafia world pag namatay ito. Siya lang naman ang bumabalanse
sa mga mafia lords ng pitong kontinente.

"Nasa tabi-tabi lang pala ang ahas," mapang-uyam ang pagkakasaad ng isang hukom na
ang pinatatamaan ay

si Zen.

Nanatiling tahimik ang Phoenix na ang tanging renda sa kanilang kagustuhang


maghiganti ay ang utos ng kanilang leader.

Umangat ang ulo ni Zen mula sa pagkakayuko at humarap sa kanila. Kitang kita ang
Crimson eyes, "What can I say, it is futile to resist the temptation of the snake."
Dumipa siya na para bang isang ibong nabigyang laya mula sa pagkakakulong. No more
masks.

Tila 'yon lang ang hinigintay ng Phoenix dahil simbilis ng hangin ay nilagpasan
nila ang kanilang leader at sinugod ang mga reapers sa harap.

"Kill them all!" Malakas na sigaw ni Alexander na agad naming sinunod ng mga
reapers.Sumisigaw na sumugod sila sa Phoenix. Mas lumapit ang Inferno kay Kiel na
animo'y para silang harang.

Sa gitna ng gulo ay nagtitigan lamang sila, mga matang nangungusap na tanging sila
lamang dalawa ang nakakaintindi.
Isang pilyang ideya ang nabuo sa isip ni Zen.

Tumakbo siya at bumwelo ng talon mula sa balikat ni Grim.

"Leader! Catch!" Nakangising itinapon ni Siren sa direksyon ni Zen ang Enraiha na


kanina pa pala nito itinago. Gamit ang kanang kamay ay sinalo ng walang hirap ni
Zen ang Enraiha na kay tagal na niyang hindi nahahawakan.

"Nice! Pwede ka palang pang circus leader!" Sigaw naman ni Nightwind kahit abala sa
pakikipagsuntukan.

"Nightwind! Catch!" Inihagis naman ni Dark Phoenix ang isang kunai papunta kay
Nightwind. Nabibiglang umikot si Nightwind at sinalo ito gamit ang bibig.

Isang 'He he' ang ibinigay ni Nightwind kay Dark Phoenix.

"At nagpauto naman ang tanga," saad ni Grim

na napapailing na lang.

"Nagsalita ang matalino," ismid ni Siren sa tinuran ni Grim.

"Hanip! Ang galing no'n bro ah pero mas magaling kung condom 'yun nang makalibre
sana ako," sabad ni Death Stalker na malapit lang kay Nightwind.

"Para kang asong ulol Nightwind at ikaw naman Death Stalker ang halay ng utak mo!"
Saway ni Siren.
Napapantastikuhan naman ang Inferno at ang mga hukom sa nasaksihang pagbabangayan
ng Phoenix habang nakikipaglaban. Naiiling naman si Sin dahil sa isip nito ay
talagang hindi pa talaga nagbabago ang mga ito.

Ang ginawa ng Phoenix ay diversion. Hindi na napansin ng Inferno na wala na sa


kanilang likuran ang Primo nila.

Halos sabay na napamura ang Inferno nang makita nilang nakaupo sa bintana ang
kanilang pinuno habang kandong-kandong nito si Zen na nakapulupot naman ang braso
sa leeg sa kanilang pinuno.

" Wag kang mag-alala Primo, ililigtas ka namin!" Akmang susugod ang Inferno,
maliban kay Sin, nang itinaas ng kanilang pinuno ang kaliwang kamay na animo'y
pinapahinto sila. Isang nagtatakang tingin ang ibinigay nila sa kanilang pinuno.

"Primo?" Tanong ni Lilith.

"Don't bother rescuing me, I don't want to be rescued. Kung siya lang naman ang
bibihag sa'kin, buong puso akong magpapadakip." Hinawakan niya sa beywang si Zen.

"Ang landi mo ngayon retard," baling niya sa lalaki. "And by the way, I, Luciana
Shiranui, hereby kidnapped your Lord Kiel." Nakangising saad niya sabay hila sa
kasama palabas ng bintana at bago pa man sila maglanding sa lupa ay kinabig siya ni
Kiel at mapusok na hinagkan. Di nila alintana ang pwersang dulot ng nalalapit
nilang pagkabagsak.

Nang isang metro na lang ang layo nila sa lupa ay mabilis na umikot si Kiel at
pinangko siya ng bridal style.
"Let's go meet our child," bulong nito sa kanya.

TBC...

=================

Unmasked 43

A/n:

Ito ang prize ni Ciel operator sa facebook kasi ito ang request niya, ang mag-
update ako hahaha XD Next update, Saturday or Sunday.

P.S. Si Alexander Montegracia ay ang other name ni Starfire.

_ACE_

--------------------------------------------------

Siren's Point of View


Aba't tinamaan ng magaling! Iniwan ba naman kaming Phoenix dito? Kung puso nga
naman ang nagsalita, talagang mapapraning. Inilibot ko ang aking paningin sa
paligid at napako naman 'yon kay Ciel Loong na sa kasalukuyan ay ngisi-ngising
nakatingin sa bintanang kinauupuan nina bheshy at Kiel kanina.

Problema ng psycho na'to?

Muli kong iginala ang aking tingin habang pinapabagsak ang mga reapers. Hindi na
ako nagtaka kung nawala bigla si Alexander, may pinaplano na naman 'yon panigurado.

Biglang nagtapon ng tear gas si Grim. Hindi na kailangang manghula kung ano ang
susunod na gagawin. Mabilis kaming nagsipulasan pero bago pa ako nakalabas ng
tuluyan sa bintana ay nakita kong pinigilan ni Secondus ang Inferno members sa
pagsunod sa amin.

"Good ,good." Mabuti naman at nakiayon ang lahat sa plano. Tama nga ang hula ni
bheshy na sa simula pa lang ay hati na ang kalooban ng Inferno na atakihin kami.
May apatnapung porsyentong aatakihin kami ng Inferno at delikado 'yon kung 'yon ang
mananaig. Alam namin kung pa'no makipaglaban ang Inferno dahil minsan dalawang taon
na ang nakakaraan ay nakaharap din naming sila at nawalan kami ng kasamahan. Though
hindi one on one ang laban at hindi masasabing patas ang labanan, alam na alam
namin ang kakayahan nila.

Sisiguraduin kong sa paparating na paghukom kung saan magtatakda para kanino ang
trono, ibabalik ko ito sa nararapat na may-ari kahit kapalit pa nito ang walang
hanggang pagdanak ng dugo.

It will be a total bloodshed for throne.

Zen's Point of View

Ilang beses ko nang pinangarap ng gising ang pagtatagpo ng mag-ama ko at hindi ko


akalaing nangyayari ang panaginip na 'yon sa mismong harapan ko.

Kinasabwat ko ang bantay na nurse kaya madali niya kaming napapasok ng palihim sa
kwarto ng mga bata.

Mula nang maalala ko ang aking dating buhay ay palihim kong tinitingnan habang
tulog si Klen. Hindi ko siya magawang yakapin sa mga panahong 'yon dahil pipi kong
pangako sa anak ko na yayakapin ko lang siya matapos kong ihandog ang amang hindi
alam na buhay siya.
Pigil ang emosyon ay umupo ako sa gilid ng maliit niyang higaan. Kitang kita ko ang
panginginig ng kamay ko habang dahan dahan kong inaabot ang anak kong nawalay sa
akin ng ilang taon.

Panghihinayang, kagalakan, kalungkutan at pagsusumamo; ilan sa mga emosyong


naghahalo-halu sa loob ko ngayon. Ang mga segundong ginugol ko para abutin ang
munting anghel na payapang natutulog ay tila taon sa tagal para sa akin. At nang
magawa ko ng hawakan ang pisngi niya ay doon sumabog ang hagulgol na kanina ko pa
pilit na kinikimkim.

Yumuyugyog ang mga balikat ko habang ang kanan kong kamay ay marahang humahaplos sa
pisngi ng anak ko habang ang kaliwa kong kamay ay itinakip ko sa aking bibig upang
mapatigil ang tunog ng aking iyak, iyak ng isang inang

nangungulila sa anak.

Isang marahang pagdantay ng kung ano sa balikat ko at nang tingalain ko ito ay


nakita kong hinawakan ni retard ang aking balikat. Umakyat sa mukha niya ang aking
paningin upang salubungin ng mga matang luhaan din.

"W- we made him, Nana." Garalgal ang boses niya nang sabihin niya 'to. Isang
nakakaunawang tango ang isinukli ko sa kanya.

"Lumapit ka nga. Kay laki-laki mong tao duwag ka naman sa maliit na bata," biro ko
sa kanya kaya napatawa siya ng mahina. Umupo siya katabi ko sa gilid ng maliit na
kama.

"Nang malaman kong buhay ka at ngayon naman ay buhay siya, gusto kong isipin na
binibigyan tayo ng pangalawang pagkakataon Nana." Hinaplos niya rin ang noon g anak
namin.

Dahil siguro maraming humahawak sa kanya kaya panay ang galaw si Klen, ang anak
naming, mula sa pagkakatulog.

Tulak ng puso ko bilang isang ina, iniangat ko mula sa kutson ang anak naming at
dinala siya sa lugar kung saan siya nararapat. Sa aking mga brasong nakapulupot at
mga kamay na nakaprotekta sa maliit niyang pigura. Mother's instinct, 'yan ang
sinunod ko nang napagpasyahan kong kargahin siya sa aking bisig.

Mula pagkabata ay ginagamit ko na ang aking mga kamay para kumitil ng buhay pero
ngayon limot ko ang lahat ng 'yon habang nasa isip ko lang ang isang bagay, ang
protektahan ang anak naming mula sa madugong mundo.
"My baby," saad ko habang marahan siyang idinuduyan sa bisig ko.

Napaloob kami ni Klen sa isang mainit at masuyong yakap ni retard mula sa likuran
ko. "Our baby." Puno ng pagmamahal na saad niya sa'ming anak. Inilagay din ni
retard ang isa niyang braso sa ilalim ng bisig ko.

Isang di matatawarang pakiramdam ang umusbong sa puso ko kaya kontento akong


napangiti habang sinusubaybayan ang tahimik na paghinga ng anak namin.

"We've conquered death. Now I see no reason for us to be afraid to conquer what's
to come."

Third Person's Point of View

Mainit ang ulo dahil napahiya siya sa harap ng pinuno ng Underworld Realm. Inilabas
niya gamit and katana niya ang galit habang nasa training area siya. Sa bawat
wasiwas niya ng katana ay pinapakawalan niya rin ang kanyang galit.

"No one rejects an Owari. No one." Paulit-ulit niyang saad kahit mag-isa lang siya
ro'n.

Hinding-hindi siya papaya na hindi matupad ang misyon niya sa Underworld Realm City
at 'yon ay ang mapangasawa si Kiel Loong. Isa siyang Owari at ang isang tunay na
Owari ay hindi sumusuko.
Walang nasa tamang pag-iisip ang gusting makasaksi kung paano magtantrums ang unica
hija ng Owari Clan. Ito ang pamilyang nagmula sa Hokkaido, Japan. Isang pamilyang
namumuno sa mga Yakuza ng China, Korea, Japan, Hong Kong at ng iba pang karatig
bansa sa asya.

Tagaktak na ang pawis niya pero wala pa rin siyang balak tumigil nang biglang
naputol ang pagwawala niya dahil sa isang katok.

Napabaling siya sa bukana ng training area at nakatayo ro'n ang nakangising si


Alexander.

TBC...

=================

Unmasked 44

Third Person's Point of View

Isang nakahood na babae ang namumukod tangi sa harap ng libu-libong nakaputing mga
mandirigma. Kaharap niya at ng apat niya pang kasama ang ilang libong mga
mandirigma. Ang ilan ay mga mandirigmang hinubog ng kalupitan at panahon, may ilan
na mga sabik sa kanilang unang karanasan sa pagpatay at may ilang gusting ibangon
ang dangal na tinanggal ng mga kalaban nila. Nasa tagong parte sila ng kabundukan
ng Realm City.
"Two years ago, the heaven cried blood. The Underworld Goddess died by her lover's
hands. White family was stripped with its eternal glory by those who wished to have
power by their feet. Thousands have suffered; the death of the heir symbolized the
downfall of the White family's crest. You have suffered enough in this lifetime."
Malakas ang boses na sigaw ng babae habang nakikinig lamang sa kanya ang mga
mandirigmang ninanamnam ang bawat salita na tila salamin ng kanilang nagdaang buhay
sa loob ng dalawang taon.

Humakbang naman ang isang nakahood na lalaki.

"Why hide in the darkness? When we can stand and fight back! We are the once great
army of the White Family! Did the White Family died in vain? They died protecting
our legacy! Did the Underworld Goddess died in vain?"

Puno ng emosyon na saad ng lalaki na tila hinahamon ang mga kaharap. Nagsitagis
naman ang mga bagang ng mga mandirigma. Ang kamatayan ng White family ay tila
naging dahilan upang mawalan sila ng gana magpatuloy sa laban. Dagdag pa ang
kaalamang hindi nila naprotektahan ang taong naging isang magaling at mabuting
leader sa kanila. At

kahit sa kahulihulihang sandali ay iniligtas sila ng taong 'yon na ang naging


kabayaran ay ang buhay nito.

Nitong nakaraang buwan ay naging maligalig sila dahil napag-alaman nilang


bumabagsak na ang kalusugan ni Tandang Seiryo at hindi sila bobo para hindi malaman
ang susunod na mangyayari. Isa lang ang ibig sabihin nito para sa mga mandirigma,
ang tuluyang pagkalipon ng pamilyang pinaglingkuran nila.

Para silang gagambang nawalan ng ulo. Walang silbi. Para silang nawalan ng
direksyon sa buhay, hindi nila alam kung ano ang susunod na gagawin.

May isang katandaang lalaki ang humakbang mula sa mga mandirigma. Bakas man ang
kanyang mukha ng katandaan, kasalungat naman nito ang aurang nakapalibot sa kanya.

"We once pledge to lay down our life for the family's legacy. Once a warrior shall
always be a warrior. And a warrior never intends to break their promise or it will
cost us our lives. But to whom shall we bow down? To whom we shall lay down our
lives when our masters have died before us? Who will answer the call for the
bloodshed?" Madamdaming saad ng matanda at nagsiyukuan naman ang mga mandirigma.

"I will," mula sa likuran ay naglakad ang isang taong walang hood. Iba man ang
kanyang mukha ay hindi maipagkakaila ang matang kasing pula ng dugo at ng espadang
pa-ekis ang pagkakalagay sa kanyang likuran.
Nagsitanggalan naman ng hood ang lima at nakumpirma ng mga mandirigma na kaharap
nila ang Phoenix. Ang grupong humarap sa libu-libong kalaban dalawang taon na ang
nakakaraan. Kulang ang salitang pagkagulat upang mailarawan kung

ano ang nararamdaman ng mga mandirigma.

Si Siren na nakatingin sa mga ito ay hindi mapigilang mapatawa ng malakas. "Para


kayong natatae na ewan!"

"Siren!" Sita ni Grim kaya napabaling dito ang atensyon ng mga mandirigma.
Nagsimula ang bulung bulungan sa paligid.

'Diba yan ang bagong Gangster King?'

'Balita ko ay si Fallen mismo ang nagtraining dyan noon.'

'Siya pala ang kapalit ni Sprite'

Sa huling sinabi ay hindi na nakapagtimpi si Nightwind.

"Mananatiling myembro ng Phoenix si Sprite kahit wala na siya." Delikado ang tono
ng boses ni Nightwind kaya nagsitahimik ang mga nagbubulungan. Tinapik ni Grim si
Nightwind para pakalmahin ang kaibigan.

Inagaw naman ni Siren ang atensyon sa kanila. Ipinaliwanag niya kung bakit nabuhay
sila at bakit nag-iba ang kanilang mga mukha.

Hindi man lubos na naintindihan ng mga mandirigma ang mga pinagsasabi ni Siren ay
isa lang ang mahalaga sa kanila. Binigyan sila ng pangalawang pagkakataon upang
protektahan ang dapat nilang prinotektahan dalawang taon na ang nakakaraan.
"I stand before you with my child..." inilapit naman ni Siren ang isang bata
papunta kay Zen at marahan itong kinarga ng ina.

"...and ask you for the last time. Will you die for this child? Will you serve her
as you have served me? Will you fight alongside with us to reclaim what's
rightfully ours?"

Namimilog naman ang mga mata ng walang kamuwang-muwang na sanggol. Kinarga ito ng
ina nang walang kahirap-hirap gamit ang isang braso.

Namamasa ang mga mata ng matanda at dahan-dahang lumapit upang mahawakan ang kamay
ng sanggol. Nang maglapat ang mga kamay ng dalawa ay sabay na lumuhod ang libu-
libong mga mandirigma ng White family. Lumuhod din ang matanda habang nakayuko ang
ulo. Sumaludo ang Phoenix sa bagong tagapagmana. Ang susunod na pinuno ng Phoenix.

Sabay-sabay na nagsalita ang mga ito na kahit sino ay mapapanindigan ng balahibo


pagmasasaksihan ito. Isang patunay ng pagkakaisa hindi lang ng mithiin kundi pati
ang kanilang mga puso.

"I, a White family reaper, pledge to fight for the crest of the White Family. To
face a million battles, to catch a thousand of arrows, to protect you from a
hundred swords and to welcome death for in any times. We bow to you, new heir of
the White family."

Pumalakpak sila matapos nilang tumayo. "Long live the new heir!" Paulit ulit nila
itong isinigaw kaya napakislot at pumalahaw ng iyak ang sanggol.

Ito ang umpisa ng pagtatapos.

At io naman ang pagtatapos ng katahimikan.

Bumalik na ang panaghoy ni kamatayan. At naniningil ito ng mahal.

"Patawarin mo ako anak pero ito ang mundo mo. " Tahimik na saad ni Zen sa gitna ng
kasiyahan. Marahan niyang niyakap ang anak.

TBC...

=================

Unmasked 45

A/n:

Viva pit señor! :D

Count down for book two's ending :)

_ACE_

-----------------------------------------------------------------

Third Person's Point of View

Habang wala ang pinuno nila ay nagtipon tipon naman ang Dark family Council kasama
na rito si Ciel, Alexander at si Lady Haru na nakatayo sa harap nila. Si Ciel ay
tahimik na nasa gitna at umiinom ng alak. Si Alexander naman ang kumukumbinsi sa
council na ibasura ang pagiging pinuno ni Kiel Loong habang nakapameywang naman si
Lady Haru.
Masama ang pagkakaanalisa ng mga myembro ng Dark family Council sa nasaksihan
nilang inasta ng kanilang pinuno. Ang Inferno naman ay nasa labas ng silid at may
ideya na kung ano ang nangyayari. Unti-unti nila napagtagnitagni kung bakit gano'n
ang reaksyon ng pinuno nila noon at ngayon, at dahil 'yon sa isang babae. Ang
babaeng pinaukit ng kanilang pinuno sa marmol at tinawag na White Rose. Tahimik
sila habang malalim na nag-iisip at naghihintay sa pagdating ng kanilang pinuno
upang mabigyan linaw ang mga tanong at mga pagdududa na nabubuo sa kanilang isipan.

Sa loob naman ng silid ay tahimik na tinitimbang ng Spiders kung ano ang dapat
nilang gawin. Isang taon at mahigit din nilang nakasama si Zen na ngayon ay napag-
alaman nilang ang dati palang katauhan ay si Fallen Angel. Kahit nilinlang sila
nito ay nanatiling buhay ang ala-alang pinagsamahan nila noong Spiders pa sila.

Sa gitna naman ng silid ay ang mainit na diskusyon sa pagitan nina Ciel, Alexander,
Lady Haru at ng council.

"We need evidence." Matatag

na saad ng minister of defense. Isang matalim na tingin ang inani nito mula kay
Lady Haru.

"That girl he has been taking care of is his lover, your enemy, my enemy, our
enemy. That leader of yours has been deceiving you!" Tumaas ang boses ni Alexander.

"But that doesn't strip off his title away from him." Saad naman ng minister of
finance.

"Then he has to prove his loyalty to the Dark family." Sabad ni Ciel na kanina pa
tahimik habang umiinom ng alak.

Natahimik ang lahat at napabaling sa kanya ang lahat ng atensyon ng mga tao sa loob
ng silid.

"And how is that exactly?"

"By marrying me." Nakangising pahayag ni Lady Haru sa gitna ng katahimikan.

Zen's Point of View

Tahimik kong napagmamasdan mula sa kinatatayuan kong teresa ang artipisyal ng buwan
dito sa Underworld Realm City. Malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa windmills
ang nagsasayaw sa aking buhok. Kaharap ko ang kagubatang kay dilim.

Biglang may kumalabog sa likuran ko at nang lingunin ko ito ay nakita kong nakatayo
si Kiel. Nang magtagpo an gaming mga mata ay buong puso ko siya niyakap.

Sa pagpang-abot n gaming mga katawan ay naibsan ang lamig na kanina ko naramdaman.


Mahigpit ko siyang niyakap. At kahit nagkahiwalay na an gaming mga labi ay ang
lakas pa rin ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang mapatawa ng palihim.
Nagkaanak na kami at lahat-lahat pero kinikilig pa rin ako. Kinarga niya ako at
pinaupo sa balkonahe. Nakapalupot naman ang aking mga binti sa kanyang beywang
habang nilalaro ko ang kanyang buhok. Iginala

at pinagsawa ko naman ang aking paningin sa kanyang mukha. How I love this man.

"Loving you is the greatest thing I have done. Having Klen too." Masuyo niyang
saad. Iniipit niya sa aking teynga ang mga buhok kong inililipad ng hangin.

"And loving you is the bravest thing I have done retard." Nakangiti kong bulong sa
kanya sabay kagat ng mahina sa kanyang kaliwang teynga.

Inayos niya ang pagkakaharap ko sa kanya at akmang hahalikan na naman ako nang
biglang pumalahaw ng iyak si Klen mula sa loob ng silid.

"Great timing son," natatawang saad ni Kiel nang pakawalan na niya ako at sabay
naming pinuntahan sa loob ng silid si Klen. Isang tampal ang nakuha ni Kiel mula
sa'kin. Pagsalitaan ba namn ng ganya'n ang bata. Loko talaga. Mahina ko
tinapiktapik si Klen upang makatulog ulit.

"Kiel I'm afraid for our son," mahina at puno ng pangambang saad ko habang
nakatitig sa isang taon naming sanggol. Nanatiling nakakubli si retard sa dilim
para maiwasan na makita siya ng mga pagala-galang white family reapers. Nasa isang
tagong headquarters kami, isang lugar na hindi aasahan ng Dark family na naitatag
sa loob mismo ng Realm City. Dito rin pala nagtago ang ilang white family reapers
sa loob ng dalawang taon. Dito sila patuloy na nagsanay at patuloy na nagsasanay ng
mga bagong white family reapers.

May tunnel naman na nasa dulo ng headquarters kung saan doon naglalanding ang mga
sasakyang panghimpapawid. At doon naming sasalubungin ang pagdating ni Tandang
Seiryo kasama ang anak ko.

"I am here Nana," hinawakan niya ang kanang kamay ko sabay pisil nito na para bang
pinapahiwatig niya na hindi niya ako iiwan, hindi niya kami iiwan.

Napakakaiba mang isipin pero alam niyang aatake kami. Kung kalian, saan at paano ay
alam niya rin. Buo ang tiwala ko sa kanya. Buo ang tiwala ko sa kanya na
poprotektahan niya ang anak namin.

We share the same enemy. Masakit man aminin pero minsan naging malapit sa puso ko
si Ciel at Alexander. Minsa ko silang iningatan sa puso ko. Si Ciel ay ang una ko
minahal. Siya rin ang nag-iisang kapatid ng minamahal ko ngayon. Pero ito ang laban
na hindi lamang nag-ugat ilang taon na ang nakakaraan kundi ito ang laban na
maghahatol sa buhay na tatahakin ng anak ko.

Muli kong tiningnan si Klen na ngayon ay nasa bisig ng kanyang ama.

"We'll make it. We have to make it." Puno ng determinasyon na saad ni Kiel habang
nakatitig sa anak namin.

"Retard, gusto kong sumama." Hindi man nabasag ang boses ko ay kabaliktaran naman
ang pinapakita ng maluhaluha kong mga mata habang nakatitig sa kanya. Hinalikan ni
Kiel ang anak namin sa noo at ibinigay na si Klen sa akin.

"Believe me, it's the least I can do for our son."

Kami ni Kiel ay nakabuo na ng isang mabigat na pasya at ang bukas lang ang tanging
makakapagsabi kung ano ang magiging kahinatnan namin. Pero iisa lang ang nasisiguro
namin ni Kiel, isang maayos na bukas ang maghihintay kay Klen at sa bagong
henerasyon na darating.

War is what they asked. Then it is a war that they shall get.

TBC..

=================

Unmasked 46

Astrill's Point of View

Ito na ang simula ng katapusan. Nakatayo ako sa tuktok ng isang building dito sa
Realm City. Saksi ang dalawa kong mga mata kung paano pwersahang kinuha ng mga Dark
family reapers ang mga lalaki sa bawat kabahayan. Ang bawat lalaki na nasa gulang
labing tatlo at pataas ay kinukuha nila. Gumagawa ng hukbo pangdepensa ang kalaban.
Alam nilang ayaw ni leader dumamay ng inosente.

"Playing dirty is their forte huh." Komento ni Grim na nakaupo sa railings ng


rooftop. Kanina pa ako naiirita sa usok ng sigarilyo niya na naaamoy ko.

"Hindi ka na dapat magtaka Grim," balewalang sagot ko sa kawalan.


Ipinadala kami ni leader dito upang magmatiyag sa mga nangyayari sa syudad. At ito
ang nadatnan namin. Mga nag-iiyakang bata, mga nagmamakaawang mga babae at mga
walang magawang mga kalalakihan. May ibang nanglaban pero pinatay lamang sila ng
walang awa kaya nagpatangay na lamang sa agos ang iba. Dahil sa takot para sa buhay
ng pamilya nila at para sa buhay nila mismo.

"Let's go." Deklara ko sabay hakbang patalon ng building. Naramdaman kong sumunod
din agad si Grim sa pagtalon mula sa building.

"Hindi na sana bumalik si Kiel sa Dark family. It's risky." Komento ni Grim nang
papabalik na kami sa headquarters namin.

"You can't win without risking anything. At isa pa, pagkaisahan man siya ng council
ay mga mandirigmang tapat sa kanya. We can use that help for the upcoming war."

"Sabagay. O pa'no Siren, I have to go. Kailangan ko muna pagkaabalahan ang Gangster
World."

Tumango

lang ako nang humarap ako sa kanya. Ang Gangster World ay ang isang organisasyon na
nasa ibabaw ng Realm City. May mga normal na tao ang sumasali rito at may mga anak
ng mayayaman din. Alam ng gobyerno ang tungkol dito pero kahit anong gawin nilang
pagtugis ay protektado ang organisasyon. At si Grim ang hari ro'n. Matatawag na
kontrolado ng Phoenix ang Gangster World dahil myembro ng grupo ang pinuno ng
organisasyon.

Bago siya sakupin ng kadiliman ay lumingon ulit siya sa'kin.

"I can use help there." Isang nakakalokong ngisi ang iniwan niya bago siya naglaho.

"Loko talaga," nailing na saad ko sa aking sarili.

Kaharap ko ngayon ang isang malaking tipak ng bato. Kung titingnan mo ay hindi
mapaghahalataang artipisyal lamang ito. Itinapat ko ang aking mata sa tagong retina
scanner. Nang ma-identify kung sino ako ay biglang lumabas ang tila isang usok na
nagmimistulang parang isang hamog. Kasabay ng pagkapal ng usok ay bumukas ang gate
na natatabunan lang pala ng mga halaman.

Nang makapasok na ako ay bumungad sa akin ang mga nag-eensayong white family
reapers. Iba't ibang sandata at iba't ibang uri ng pag-eensayo. Sa tuktok ng lugar
ay tiningala ko ang bandila ng White Family. Nagtuloy-tuloy ako sa pagpasok. At
nadatnan ko si leader na nakaupo sa trono niya habang nakapikit at nakasaklop ang
kanyang dalawang kamay. Isang palatandaan na nag-iisip siya. Imbis na magsalita ay
pinili ko na lamang tumalikod at bigyan siya ng oras upang makapag-isip.

Pumasok ako sa bulwagan ng Phoenix at tanging si Nightwind at Dark Phoenix lang ang

nadatnan kong nagsasanay.

Nanatili ako nakasandal sa pinto habang pinagmamasdan sila isa-isa. Si Nightwind,


sa tuwing pagmamasdan ko siya ay ibayong pighati ang aking naramdaman. Naaalala ko
ang dating ugali niya noong nabubuhay pa si Sprite. He's like a breath of fresh air
before.

And now he's like an empty shell. Wala ng bakas ng isang masayahing Nightwind noon.
Isa na lamang taong hayok sa paghihiganti. Si Dark Phoenix naman ay walang
pinagbago. Isang seryosong tao pa rin.

"Mananatili ka na lang bang nakatunganga dyan Siren?"

Humakbang na ako papasok at kinuha ang mga sandata ko para magsanay din.

"Nah may iniisip lang. Nga pala nasaan ang iba?" Balik tanong k okay Nightwind.

Ibinaba niya ang kanyang sandata at humarap sa akin.

"Si Death Stalker ay bumalik ng Russia kahapon para kumbinsihin ang mga dating
White family households na magbigay suporta sa atin. Siguro ay papauwi na rin 'yon
dahil nakakuha na tayo ng sagot."

"And?"

"Hindi sila nagbigay ng tulong. Masyado silang takot sa Dark family."

"Ano! Mas dapat silang matakot dahil tayo ang binangga nila." Nagpupuyos ang
kalooban ko dahil minsan dalawang taon na ang nakakaraan ay siniguro ni leader na
maayos na makakatakas ang mga White family households. At ngayon! Ito ang magiging
ganti nila sa kabutihan ng leader namin.

"You can't blame them Siren. We once lose the battle against the Dark family." Saad
ni Dark Phoenix na nasa likod ko na pala.

"Pero Phoenix lang ang lumaban noon! At isa 'yong plotted

war ni leader!"

"Wala na tayong magagawa. Tanging ang Nightwalker Family lang ang nagpahayag ng
suporta."

Ang Nightwalker Family na kumupkop kay leader tatlong taon na ang nakakaraan.
Talagang nanatili ang katapatan nila hindi tulad ng iba.

"Teka saan kayo papunta?" Napansin kong kinuha nila ang mga cloaks at dinala nila
ang kanilang mga sandata.

"Kukunin ko ang doctor na pinahanap ni leader." Sagot ni Dark Phoenix.

"Doktor? Para sa'n?"

Nagkasakit ba si leader? O baka naman ang bata? Kailan nga ba huling nagpatawag ng
doctor si leader?

Teka...

Nahintatakutang napamaang ako sa dalawa. Isang blangkong ekspresyon lang ang


ibinigay nila sa akin.

"Para ba ito sa pagsasalin ng mga mata?"

Ng mga sandaling ito, normal pa ang mga mata ng bata pero oras na maisasagawa ang
operasyon ay tataglayin niya na ang Crimson eyes. Pero hindi ito ginagawa hangga't
hindi namamatay ang kasalukuyang nagmamay-ari. Tila nabasa naman ni Nightwind ang
iniisip ko.
"Leader will only give him one eye."

"Isang mata lang? Kung gano'n..."

"Oo, ang pupuntahan ko ay si Kiel. Sa kanya magmumula ang isang mata."

Nanatili akong nakatunganga habang nakatingin ako sa mga papalayong mga pigura
nilang dalawa.

Bakit ako natatakot? Natatakot ako sa mga aksyong ginagawa nina leader at Kiel.
Alam namin na may plano silang tanging silang dalawa lang ang nakakaalam. Ayokong
maulit ang mga nangyari noon. Ayokong may magsakripisyo at may mga maiiwang
nakabitin sa ere.

Sa ngalan ng aming pangalan bilang mga O'Hara warriors, sisiguraduhin kong hindi
mauulit ang trahedya dalawang taon na ang nakakaraan.

Papalabas na ako sa lugar na 'yon ng biglang tumunog ang tambol. Kasunod nito ang
mga sigawan mula sa labas.

"Fuck!" At iisa lang ang ibig sabihin nito.

We're under attacked.

TBC...

=================

Unmasked 47

Zen's Point of View


Sa gitna ng katahimikan ay tumunog ang tambol na nangangahulugang inaatake kami.
Ang sumunod na mga sigawan ng mga taong hindi ko alam kung kalaban o kakampi ay
dinig na dinig sa apat na sulok ng headquarters. Ang mga pula kong mga mata ang
sumalubong sa nagtatakang maliliit na pares ng mga mata. Awtomatikong nawala ang
kulay dugo kong mga mata at inakay ko ang aking anak. Mabilis kong iniharang ang
naglalakihang mga cabinet sa pintuan upang mabigyan ako ng sapat na oras.

"You're a years earlier to experience a fight like this, my son."

Hinablot ko ang makakapal na kurtina ng silid at hinati ito sa dalawa. Nang


makuntento ako ay itinali ko ito sa aking katawan upang magsilbing duyan na
nakadikit sa aking likuran. Bago ko ito ipinuwesto ay dahan-dahan kong inilagay si
Klen dito.

"You're so brave son," hinalikan ko muna si Klen sa noo bago inikot ang tela sa
aking katawan at itinali ito ng mahigpit. Sa likuran ko nakapwesto ang aking anak
habang balot na balot siya ng kurtina. Tanging mukha lamang ni Klen ang makikita.

Nagsimula na ang mga kalaban sa pagwasak ng pintuan.

Nagsimula na akong magbilang mula sa sampu pababa habang dahan-dahan kong ipinikit
ang aking mga mata. Nasa kanang kamay ko ang Enraiha. Sa gitna ns silid ay doon ako
nakatayo. Iniukit ko sa sahig gamit ang talim ng Enraiha ang isang korteng bilog,
malaking bilog. Sa gitna ng bilog ako pumwesto at naghintay. Kasabay nang
pagkabukas ng pinto ay sinalubong ko sila ng kulay dugo kong mga mata. Ang simbolo
ng kanilang

kamatayan.

Sabay-sabay nilang itinutok sa akin ang kanilang mga sandata. Mga sandatang mula
matutulis hanggang sa mga baril na nasa iba't-ibang laki at porma. Mukhang maiingay
lahat ng dala nila ah. Inaantok pa naman si Klen.

"Son, don't cry when you hear an annoying noise okay?" Mahina kong kausap kay Klen
na tila naiintindihan niya ang sinasabi ko.

Nang makita kong tila magpapaputok na sila ay agad kong pinalitan ang anyo ng
Enraiha sa ikatatlong anyo nito. Parang baton na inikot ko ang Enraiha nang
magsimula na silang magpapaputok at magtapon ng mga kunai sa direksyon ko.

Stupid reapers. Hindi man lang umilag. Ang lahat na papunta sa direksyon ko ay
napupunta pabalik sa kanila. 'Yon nga lang ay dumoble ang speed at force ng mga
ito. Sa mabilis ang mga mata ay makikita ang gahiblang agwat ng pag-ikot ng mga
blades, leaving no space for bullets nor kunai to penetrate the defense I set up.

"Leave..." puno ng kamandag na saad ko habang isa-isa ko silang tinitingnan.

"...or die." Inihinto ko ang aking mga mata sa kanilang pinuno. Alam kong nasindak
siya pero agad siyang nakabawi.

"Not until we get your head, bitch." Tila napag-alaman niyang balewala ang mga
baril nila sa akin kaya ibinagsak niya ito at hinugot niya ang kaniyang espada.
Nagsisunuran naman ang kanyang mga kasama.
I guess they chose the latter part of the option. Now prepare to enter the depths
of hell.

"Yaaah!" Sumugod na ang mga natitirang reapers. Ilang dipa pa lang ang layo nila sa
akin ay inihagis ko sa direksyon nila ang Vanguard. May ibang nakailag at may ibang
nahati ang katawan sa

dalawa nang hindi nila ito naiwasan.

Unang umatake ang pinuno nila at sumunod naman ang iba mula sa iba't-ibang
direksyon. Akmang tatapak na sa loob ng bilog ang mga ito nang itinusok ko sa sahig
ang Enraiha at mabilis na tumuntong dito at tumalon ako pataas habang nakataas ang
kaliwa kong kamay. Nakasuporta naman kay Klen sa aking pag-ikot at pagtalon ang
aking kanang kamay. Saktong nasa 180 degrees ang aking pag-ikot sa ere ay nasalo ko
ang Vanguard. Ang mga abalang reapers sa pag-atake sa akin sa ere ay hindi napansin
ang Vanguard na paparating. At nang naglanding ako sa tapat ng Enraiha ay kasabay
kong naglanding ang mga hati-hating katawan ng mga reapers. Hindi pa rin sila
nakausad papasok sa bilog. That circle marked as my territory. Tila isa akong hayop
na may kinasasakupang teritoryo at nagkataong ang hayop na 'yop ay may inakay.
Predators tend to be extra violent especially when they are protecting their young
ones.

At alam nila ang gusto kong ipahiwatig gamit ang bilog na guhit. Cross beyond it
and you die in a death very unimaginable.

"You will die again, bitch."

Kahit anong pilit niyang itago ang mga signals nila ay napansin ko pa rin na
palihim niyang tinanguan ang mga kasama niya.

At gaya ng inaasahan ko ay biglang may umatake sa akin sa likod. They must have
sensed that I am protecting my back all along.

"Wrong move," bulong ko sabay ikot ng Enraiha sa likod ko at pasimple kong iniikot
ang kurtina paharap sa akin. Kahit hindi nakatingin at hinati ko sa tatlo ang
katawan ng limang umatake sa akin na nagkamaling pumasok sa bilog na guhit. Ramdam
ko ang lagkit

ng dugo nila sa aking likuran. Unti-unti namang kumalat sa bilog ang dugo nila.

"Now it's just you and me." Makahulugan kong saad sa pinuno nila. I can sense his
fear crawling deep in his system.

Ang sumunod niyang ginawa ang hindi ko inaasahan. Imbis na sugurin ako ay lumayo
siya sa akin at may inihagis sa direksyon ko.

Tear gas!

Nagsimula nang magbuga ng nakakalasong usok ang tear gas kaya tumalon ako ng malayo
mula rito. In a matter of split second ay nasa likod na ako ng pinuno.

"Die," bulong ko sabay tusok ng Enraiha sa dibdib nito.

"If I die, then so as that child." Mahina niyang saad na ikinakunot noo ko. Did he
just threatened my son? Akmang puputulan ko na sana siya ng ulo nang biglang
yumanig ang silid.

"Fuck!" Ang pinto! Natatabunan na ito ng mga naglalakihang dinding na


nagkapirapiraso dahil sa isang hand grenade.
Unti-unti nang kumakalat ang usok kaya tumalon ako malapit sa bintana. The wind
helped the smoke to come near us temporarily.

Jumping off is not an option. Mahina pa ang puso ni Klen para tumalon sa matataas
na lugar.

Kung ako lang sana ang kalaban niya ay kayang kaya kong pigilan ng ilan pang minuto
ang aking hininga pero ano ang panglaban ng isang sanggol dito?

Napaatras ako nang unti unti nang kumakalat ang usok.

"I'm sorry son."

Mabilis kong pinunit ang laylayan ng aking damit. Sinugatan ko rin ang aking braso
at hinayaang dumanak ito sa kapirasong tela. Nang tuluyan ng nabasa mula sa aking
dugo ang tela ay agad ko itong itinabon sa mukha ni Klen.

A wet cloth can prevent suffocation as long as properly applied.

At sa huling segundo ay kumalat naman ang makapal na usok. Dama ko ang hapdi ng
aking mga mata, naglakad ako pabalik sa loob ng silid at hinanap ang tear gas.
Gamit ang Enraiha at winasak ko ito.

Kasabay naman ng pagkasira ng tear gas ay sumabog ulit ang dingding at naglakad ang
taong kanina ko pa iniisip.

"Retard."

"Sorry I'm late, Nana." Inilang hakbang lang niya ang espasyong nakapagitan sa amin
at sinalubong ako ng yakap.

"Careful you might hurt him." Inilayo ko ng bahagya ang aking katawan sa kanya.

"Oh sorry!" Doon niya lang ata napansin ang kurtinang nakatali sa katawan ko at ang
laman nito.

Gamit ang nanginginig niyang kamay ay hinawi niya ang duguang tela mula sa mukha ng
anak namin. Sinalubong kami ng duguang mukha ng natutulog na anghel.

"Who did this!" Sigaw ni Kiel na nagpakislot kay Klen mula sa tulog. Nakita kong
litaw na litaw ang Serpent's eyes ni Kiel. Akala niya siguro ay may masamang
nangyari sa anak namin.

"Ikaw ang magpatulog dyan ngayon, retard." Ipinasa ko sa kanya si Klen. Naglakad na
ako palabas ng silid.

"Where are you going?"

"To plan an attack at dawn, retard."


TBC...

=================

Justice in Reverse

A/n:

Midterm week kaya di ko halos ma-open ang wattpad ko T_T Hindi ito update dahil
hindi ito ang karugtong ng Unmasked 47. Point of View ito ni Siren though same ng
time ito matapos sila inatake sa headquarters nila. Magkakahint din kayo kung anong
klase ng story ang book 3 which is her story titled DEFYING GRAVITY (nasa FB group
ang picture ng ready book cover nito)

ACE

__________________________________________________--

Astrill's Point of View

Mausok at tahimik na ang paligid sa isang maliit na village dito na pinakamalapit


na area ng Dark Family mansion. Nagkalat ang mga katawan ng mga inosenteng tao at
kung may pilit mang lumaban sa kamatayan upang mabuhay ay naliligo naman ng dugo.
Kung kaninong dugo yon ay mahirap nang malaman. Hindi maganda ang view mula rito sa
kinatatayuan kong bubong. Kitang-kita ko ang pagkalat ng dugo. Dinig na dinig ko
ang

mga pagsusumamo nila na tulungan silang mawala ang sakit. Marami ang nadamay at
'yon ang isa sa ayaw ko sa isang digmaan. Hindi maiiwasan ang ganitong sitwasyon.
Walang kinikilala ang isang digmaan. A price that the Phoenix bares.

Alam ko naman eh kung bakit hindi ang mansion mismo ang pinuntirya ni bheshy. Gusto
niya lang balaan ang Dark family council na hindi kami aatras. Gustong ipaalala ni
bheshy kay Alexander kung sino ang binabangga nila.

"Mhae," may nagsalita sa likod ko. Dahil na rin sa instinct reflexes ay umikot ako
at nagbigay n asana ng isang flying kick sa nagsalita nang makita ko si Wolf kasama
si Sin at High Queen at awtomatikong napahinto ang kanang paa gahibla na lang sana
ang distansyo sa mukha ng asong ito. Isang ngising parang nagsasabing 'buti nga'
ang binigay niya sa'kin. Uminit naman bigla ang ulo ko. Nakuuu!

"We come here in peace." Saad ng High Queen, bagay pa ba siyang tawaging High
Queen? Wala na siyang tungkulin noon pa man. Yaan na nga, nasanay naman ako.

Tinaasan ko lang sila ng kilay. Aba malay ko kung anong pakulo ito. Hindi porke't
siya si Yue ay mapagkakatiwalaan na siya. Tila naiintindihan naman ni Sin ang
tumatakbo sa isip ko dahil umatras siya ng ilang hakbang.

"We mean it, Siren." Sinsero ang boses niya. Sumunod naman si Stephanie rito
maliban sa asong 'yon! Hudas talaga. Inirapan ko na lang siya ng palihim.
Nakakahiya naman kina Sin at Stephanie.

"Okay, what's the verdict? Siguro naman may mas malalim pang dahilan kung bakit
kayo makikipagtulungan sa akin."

Isang alanganing tingin ang ibinigay ni Stephanie kay Sin, kahit pahapyaw ay
napansin ko 'yon.

"Actually,

kaya ka talaga namin sinadya ay dahil nanganganib ang buong Realm." Inunahan na ni
Stephanie si Sin.

Oh? Ano naman ang bago do'n? Nahubog ang Underworld Realm dahil sa mga digmaang
nagdaan. Sa bawat digmaan ay mas tumitibay ang alyansa ng mga Family Households
kahit nag-iba na ang mga patakaran.

"Ang ibig niyang sabihin, malapit nang maladlad sa madla ang sekretong komunidad ng
Underworld Realm at dito mismo sa syudad ang pinakapinangangambahan."

Napalingon ako kay Wolf. This time, walang bahid ng pagkairita. Isa lang ang nasa
isip ko, isang panibagong problema.

Hindi biro ang ganitong problema. Alam ng lahat ng mga mamamayan ng Realm na isang
unwritten law na dapat itago ang kaalaman ng Realm mula sa publiko, mga regular na
indibidwal na saklaw ng isang konstitusyon.

"I will tell leader about this." Hindi ko na sila hinintay na sumagot at dali-dali
na akong tumalon sa aking kinatatayuang bubong. Mabilis pa sa alas kwatrong
binaybay ko na ang daan patungo sa isa naming headquearters.

Nakasalubong ko si Death Stalker sa daan.

"Oh Siren, sa'n ang lipad natin?" Nagbibirong tanong niya pero nilampasan ko lamang
siya at nagtuloy-tuloy sa opisina ni bheshy. Gamit ang dalawang kamay ay binuksan
ko ang pinto niya ng pabagsak.

"Lea-" Handa na akong magbalita nang mapatigil ako sa aking nasaksihan.

Si bheshy nakatulog sa couch habang si Kiel naman ay di magkandaugaga sa


pagpapainom kay young master Klen ng gatas sa isang feeding bottle. Napansin na ako
sa wakas ni Kiel kaya ngumiti siya ng alanganin at nagmwestrang tumahimik at sabay
itinuro si bheshy.

Ngiti-ngiting sumaludo

ako kay bheshy bago tahimik na isinara ang pinto.

Damn you Siren! Hindi ba talaga ako nag-iisip? Mabuti na lang at tulog si bheshy.
Hindi na dapat madagdagan ang problema niya. Ako na mismo ang lulutas nito.

Idinial ko ang isang taong alam kong hanggang ngayon ay tapat sa amin, Razor Omori.

At gaya ng inaasahan.

Metropolitan Manila

Isang matipunong lalaking nakasalamin at seryosong nagbabasa ng dyaryo ang bumungad


sa akin sa isang kilalang café. Walang duda si Razor 'to.

"Razeee!" Sigaw ko sabay kaway kahit na pinaghihiwalay kami ng isang salamin na


dingding ng café. Napansin niya ata ang pagkaway ko kaya napatingin siya sa
direksyon ko at mas lumawak pa ang ngiti ko. Nakilala na niya ata ako matapos ang
ilang minutong hinayaan niya akong kumuway ng kumaway.

Sa bagay, nagbago na ang mukha ko pero pinadalhan ko naman siya ng picture. Wala
akong hindi sinabi sa lalaking 'to.

Nagkakilala kami noong ipinadala ako ni bheshy as her representative sa isang


meeting na si Raze mismo ang nag-imbita.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito sa Metro Manila?" Wala na sa dyaryo
ang pokus niya kundi sa akin. Naalala ko agad ang sinadya ko rito.

"Raze, I need you to do something for me." Ibinigay ko sa kanya ang isang sealed
envelope. Tinanggap niya naman ito at maingat at tahimik na binasa.

"No need for further investigations. Kahit ale sa kanto ay kilala ang hinahanap
mo."

Kung gano'n malakas ang kapit at tanyag ang taong gusting ibulgar ang lihim ng
gobyerno at ng Realm.

"Sino?"

"Temperence Yakinura." At inilahad niya sa harap ang dyaryong binabasa niya kanina.
Napansin ko agad ang headline ng dyaryo at ang litratong nakakabit sa headline
na'to.

---------

Known artist and photographer, Temperence Yakinura, controversial statement. "Bulag


tayo sa mga nangyayari sa ating paligid. Itinago sila ng gobyerno pero ngayon ay
mabubunyag na ang katotohanan ng Black Society. "

----------

Intro pa lang ay interesado na, ang Black Society na tinukoy niya ay ang Realm. May
alam 'tong taong 'to. Kung marami ay hindi ko tantyado pero iisa lang ang
masisiguro ko. He badly wants a death wish.

Tinitigan ko ang litrato niya. Hindi lalagapas treynta panigurado ang lalaking 'to.
May lahing singkit at may panglaban naman sa hitsura. Okay hindi lang may panlaban
sa hitsura kundi nakikipagsabayan nina Kiel at Phoenix. Kung ano nga lang ang
nagkulang sa kanya, utak 'yon panigurado.

"Ano ang plano mo?"

"What else? Dispatch the garbage."

=================

Unmasked 48

Kiel's Point of View

Ilang pares ng mga mata ang nakatutok sa'kin habang nakatalikod ako sa mga ito at
nakaharap naman sa labas ng bintana.

"Primo, ano ang ibig sabihin nito?" Naguguluhang tanong ni Hades.

"Nando'n kayo nang patayin ko ang Underworld Goddess dalawang taon na ang
nakakaraan."

"Pero Primo ano ang kinalaman nito sa lahat ng ito?"

"Malaki, Secondus. Napatay ko lang naman ang mag-ina ko nang panahong 'yon."
Nagdudulot ng pait ang ala-alang 'yon. Kahit kasama ko na ang mag-ina ko, hindi
nawawala ang pangamba. Kaya nagdesisyon na ako.

"W-what do you mean Primo?" Matinis at basag ang boses ni Lilith. Alam kong
nakakagulat ang pag-amin ko sa kanila ngayon. Tama si Nana, kung gusto kong
manatiling tapat sa akin ang Inferno dapat ay tapat din ako sa kanila. Kaya bumalik
ako sa mansion upang liwanagan sila.

"I guess I owe you an explanation." Humarap ako sa kanila at sinalubong ang
kanilang mga matang may bahid na ng pagdududa.

Pumwesto ako sa aking trono bago nagsalita. Mula sa umpisa ay pinaliwanag ko sa


kanila. Mula nang nagpanggap ako na si Ciel at kung paano ako nagmahal sa kalaban.
Kung paano ko nilabanan ang sarili ko wag lang siya mahalin hanggang sa bumigay din
ang depensa ko. Kung paano ko siya patayin at kung paano ko nalamang buntis si
Nana. Wala akong tinagong detalye. Karapatan ng Inferno na malaman lahat. Araw-araw
nilang nilalagay sa alanganin ang buhay nila bilang Inferno members at bilang
pinuno nila ay tungkulin kong ipaalam kung ano nga ba ang pinaglalaban ng grupo
namin. Sa bawat pagbitaw ko
ng mga salita ay hinayaan kong dumaloy ang emosyon sa akin, isang senaryong minsan
lang nila masaksihan. Hindi ko pinigilan ang isang patak ng luhang dumaloy mula sa
kanan kong mata. Isa-isa kong sinalubong ang kanilang mga mata at isa-isa kong
nakitang napalitan ang pagdududa rito. Napalitan ng simpatya at kalungkutan.

Ang iyaking si Lilith ay hindi napigilang napayakap kay Hades. Lumapit naman si
Belial sa'kin at tinapik ang balikat ko. Nanatiling nakayuko si Sin na inoobserba
pa ata ang sinabi ko tungkol sa amin ng kapatid niya. Ang ibang Inferno members ay
tahimik lang.

"Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit napagdesisyunan kong talikuran ang trono
at kumampi sa kanya. I have a family to protect. Hindi ko kayo inoobliga at simula
ngayon ay malaya na kayong gawin ang ano man ang nais niyo. You have my gratitude
for your service in Inferno." Tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo sa trono. Bago
humakbang pababa ay inilagay ko sa upuan mismo ang korona ko bilang Lord of the
Underworld Realm.

Nilampasan ko sila at sa bawat pagtapak ko palayo sa tronong 'yon ay iisa lang ang
nasa isip ko, si Nana na hawak-hawak ang anak namin. Sa isiping ito ay hindi ko
napigilang mapangiti.

Zen's point of view

"Saang lupalop ka ba nagsusuot, retard?" Salubong ang kilay na bungad ko kay Kiel
nang pagbuksan ko siya ng pinto.

Dahil sa napag-alaman ng kalaban ang headquarters namin ay inatake kami nila.


Nagkaroon ng seryosong sira ang headquarters kaya todo ang pagkukumpuni ng mga
reapers sa lugar. Naka-assign naman ang Phoenix na magpatrolya sa

borders ng headquarters. At dahil may isang taong gulang na anak ako ay napilit ako
ni Siren na dito muna sa Metro Manila kami mamalagi hangga't hindi pa sila tapos
doon. Pahirapan kasi ang pagpapatulog kay Klen lalo na at maingay do'n.

"I'm home, Nana." Nakangiting saad ni Kiel. Nasa bukana pa rin siya ng pinto.
Panandalian akong nadistract sa ngiti niya kaya hindi ko agad napansin ang maleta
niya sa kanyang tabi. Napansin niya ata ang pagkatunganga ko. Hindi ko namalayang
nakabuka pala ng bahagya ang bibig ko.

Ang sumunod na naramdaman ko ay ang labi niya sa labi ko.

"Umalis ka na sa galamay ng pamilyo niyo?" Tanong ko nang mahimasmasan kami mula


sa mainit na tagpong pinagsaluhan. Nakaunan ako sa kanang braso niya at nakakahiya
mang aminin ay hindi kami umabot sa kwarto. We ended up doing it on the living
room's floor.
"Yeah, after I told them everything." Ginawa niya pala ang payo ko. Hindi ko
maiwasang mapangiti. He's really trying to work things out. Sumiksik ako sa init ng
katawan niya at idinantay ko ang binti ko sa binti niya. Naramdaman kong
nagsitayuan ang mga balahibo niya.

"Keep doing that and you'll have to stay awake whole night." Banta niya na may
pigil sa tono ng boses. Isang pilyang ngiti ang bumakas sa mukha ko.

"Kawawang cowboy," bulong ko sa kanya. Hindi na niya ata napiglan at mabilis niya
akong napailaliman. Ang dalawang braso kong hawak niya at dinala niya sa taas ng
ulo ko. Trapped naman ng mga binti niya ang mga binti ko at gamit ang isang kamay
ay natanggal niya ang polo niyang tanging tabing sa hubad kong katawan.

"Tingnan natin, Nana."

Ang halik na gahibla na lang sana ang layo ay naudlot dahil sa iyak mula sa aming
kwarto. Gutom na ata ang anak namin.

"Ang galing ng timing ng anak natin," nailing at naiinis na sambit ni Kiel habang
bumabangon mula sa pagkakadagan sa'kin.

"Ikaw na magtimpla ng gatas niya, retard." Bumangon na rin ako upang magbihis nang
biglang tumunog ang doorbell. Sino kaya 'to?

Cautiously, nagtago ako ng silencer sa aking likod bago ko binuksan ang pinto.

"Bakit kayo nandito?"

"Luciana," sambit niya.

"It's Zen, brother."

"Sino ang nagdoorbell Nana?" Tanong ni Kiel na hindi pa nakita ang mga kaharap ko.
Busy kasi siya sa pag-aayos ng feeding bottle at pagkaraga kay Klen. Pumasok na ako
sa loob at hinayaang magkaharap sila. Alam kong magkakagulatan ang mga ito.

"Akin na si Klen," kinuha ko na ang anak namin sa kanya upang maistema niya ang mga
bisita.

"Pasok kayo." Aya ko sa kanila. Nalunok ata ni Kiel ang dila niya.

"Pasok kayo," segunda niya na tila nahimasmasan na.

Inilagay ko na sa center table ang mga baso ng juice at umupo sa tabi ng mag-ama
ko.

"Ano ang sadya ng buong Inferno dito?"

"Lu-Zen, nandito kami para ipahayag sa leader namin na nasa kanya ang buo naming
suporta." Kay Kiel nakatingin si Secondus.

"This is not a mission." Saad ni Reaper.

"This is our will." Segunda naman ni Lucifer.

"Not as your members," dagdag ni Demon.

"But as your friends." Sabay nilang saad na may mga tipid na ngiti sa labi.
TBC...

=================

Unmasked 49

Zen's Point of View

Ilang araw na rin ang nagdaan simula nang maayos ang mga pinsala sa headquarters.
Nagbalik na kami ni Klen dito pero malaking gulat ang nagdaan sa mga reapers ng
White Family pati ng Phoenix nang kasama naming dumating ang myembro ng Inferno
lalo na ang pinuno ng mga ito. Hindi naman nila kinwestyon ang desisyon ko 'yon nga
lang may mga nanatiling ilag sa Inferno. Pag nasa training area sila ay umaalis
naman ang mga reapers at naiintindihan ko sila. Parang kahapon lang ay kalaban
namin ang mga ito.

Makapal ang tensyon sa paligid ng headquarters. Nagpang-abot lang naman ang mga
myembro ng Inferno at Phoenix. Walang pakialaman ang dalawang grupo pero halatang
alerto sila sa paligid. Awtomatikong umalis ang mga reapers, takot na madamay kung
magkagulo man.

Napabuntonghininga ako sabay tingala kay Kiel na binigyang lang ako ng mapag-
unawang ngiti.

"It will not be easy but we'll have to be patient."


Isang tango ang isinagot ko kay Kiel.

"Shall we?" Pumwesto ako sa gitna ng training area habang nasa kanang kamay ko ang
Enraiha na nasa ikatatlong anyo. Kumuha naman ng isang katana si Kiel mula sa hanay
ng mga armas bago ako tinapatan sa gitna ng training area. Nagsialisan naman ang
mga tao sa training area, tanging kami na lang dalawa ang naiwan.

Sa pagsimula ng pagpapalitan namin ng atake ay bumuha ang aking mga alalahanin.

Si Nightwind ay hindi ko matagpuan sa paligid. Alam kong may lihim siyang


hinanakit sa'kin dahil tinanggap ko ang mga taong responsable sa kamatayan ni
Sprite. Hindi siya nagpahayag ng anumang pagtutol

pero alam kong ang tanging pumipigil sa kanya na suwayin ako ay ang respeto niya sa
ala-ala ni Sprite. Gusto ko siyang makausap nang maliwanagan siya at ng maunawaan
niya ako.

Sina Siren at Lilith naman ay nagkakasundo ng husto. Ang mga pagsusuplada ni Lilith
ay sinusupla lang ng huli hanggang sa magkagaanan sila ng loob. Ang mga kalalakihan
naman ay pormal ang pinapakita sa isa't-isa. Si Stephanie ay hindi naman
humihiwalay sa tabi ng kapatid ko.

Huli na nang mapansin kong wala na akong kontrol sa laban namin ni Kiel. At sa
isang swabeng hampas ay tumilapon ang Enraiha. Nasa likuran ng beywang ko ang
kaliwang kamay niyang nagbibigay suporta sa'kin mula sa pagkakahiga. Binitawan na
niya ang katanang hawak niya at masuyo niyang hinahaplos ang pisngi ko gamit ang
kanang kamay niya. At heto na naman ako, nahulog na naman sa lalim ng kanyang
mapang-akit na mga mata. Nakakapit ang mga kamay ko sa braso niya.

"Retard." Dinala ko sa likod ng leeg niya ang mga kamay ko.

"I don't need some crown or some throne. If it means that I won't lose you, I will
gladly throw them away. I'll happily throw it away."

Sa sinabi niya ay namasa bigla ang mga mata ko at niyakap siya. Dahil siguro sa
kabiglaan kaya napaupo siya nang yakapin siya. Tahimik akong umiyak sa balikat niya
habang hinahaplos niya ng buong ingat ang buhok ko.

Siren's Point of View

"Sa'n ka papunta?" Mula sa isang madilim na sulok ay lumitaw si Nightwind. The


whole time, andito lang pala siya. Napakasentimental talaga ng lalaking 'to.

"Who knows," nagpatuloy lang ako sa paglalakad

nang maramdaman ko ang isang papalapit na bagay mula sa likuran ko. Sinalo ko ito
gamit ang kaliwa kong kamay. Ang maskara ko bilang Siren ng Phoenix.
"Huwag kang umuwi na talunan, Kharmaine."

Ang tagal na rin pala simula nang may tumawag sa akin ng ganyan. Ang totoong
pangalan ko. Nakangiting lumingon ako kay Nightwind.

"Huwag ka na ring umastang talunan." Nang-iinis na payo ko sa kanya sabay alis sa


headquarters.

Inayos ko na ang itim na cloak sabay ayos na rin ng maskara.

Ilang taon na rin ba simula nang makatanggap ako ng direktang misyon mula kay
Tandang Seiryu mismo? Limang taon? Anim na taon? Ewan.

Sa pagbabalik ni Tandang Seiryu na akala ng marami na wala ng magagawa. He took


pride by being the White Family's former head at malaking dagok ang pagkawala ng
lahat ng ito. Simula nang dumating siya sa bansa ay nagkulong lamang siya sa
kanyang silid. Pero ang hindi alam ng nakakarami, maraming galamay si Tandang
Seiryu. At isa rin ako dito. Nananatili kay leader ang katapatan ko pero may
obligasyon din ako kay Tandang Seiryu bilang isang O'Hara warrior.

At ang pinakarason kung bakit tinanggap ko ang misyon na ito ay dahil sa pagnanais
kong makatulong kay leader.

"Kharmaine O'Hara, nagbago man ang pisikal mong anyo ay ikaw pa rin ang O'Hara na
sumumpa bilang isang mandirigmang poprotekta sa interes ng White family." Mahina
man ay puno pa rin ng awtoridad ang boses ni Tandang Seiryu na sa ngayon ay nakaupo
sa higaan niya.

"Oo naman," nakaluhod ang isang tuhod ko at nakatukod naman ang isang tuhod ko sa
aking noo.

"Mabuti naman

at tumayo ka, mandirigma ng White family. Kunin mo ang kahon na nasa ibabaw ng
mesa."

Ginawa ko ang utos niya. "At buksan mo."

Isang specialized deck card. May nakita na akong ganito. Ito 'yong katulad sa mga
cards ni leader. Puro Joker ang nasa card ni leader pero iba ang nakaguhit sa card
na ito.

"Hanged man?"

'Yan ang nakasulat sa ibaba ng card. May nakaukit namang nakabitay na clown sa
card. Ano ito?

"May importanteng misyon akong ibibigay sa iyo. At ang card na iyan ay maaaring
maging kapalaran mo o kapalaran ng kalaban mo. Tatanggapin mo ba?"

"Anong misyon?"

"Ihatid mo sa akin ang ulo ni Haru Owari."


"Hindi lamang ito isang simpleng assassination. Kaya ko siya gustong mawala ay
dahil sa isa siyang malaking balakid para sa apo ko. Ang iyong kabiguan sa misyong
ito ay maaaring maging kabiguan ng apo ko. Gusto mo bang maulit ang nangyari
dalawang taon na ang nakakaraan?"

Ibayong kilabot ang dumaan sa'kin. Ayoko. Ayoko nang pagdaanan lahat ng 'yon.

"Siguruin mong hindi ito malalaman ni leader," bilin ko matapos kong magbigay
galang sa kanya.

Hanged man, kaninong kapalaran ka? Sa akin o sa babaeng 'yon?

Haru Owari, ang babaeng obsess kay Kiel.

Matatayog na gate. Mga bantay na nakasuot ng itim na amerikana. At magagarang


disenyo ng bahay na animo'y nasa sinaunang panahon ng Hapon. Hindi matatagpuan sa
Underworld Realm City ang dojo ng pamilyang Owari. Kinailangan ko pang bumyahe
papunta dito, malapit sa magulong buhay ng Metro Manila.

Hindi

na ako nag-abalang magtago sa dilim. Isa lang ang pakay ko, si Haru Owari, at kung
sino man ang pipigil sa'kin ay makakaharap ang lupit ko.

Diridiritso akong naglalakad palapit sa main gate nang palibutan ako ng mga bantay.

"My, my, kung mahal niyo ang buhay niyo. Tatabi kayo." Mula sa pagkakayuko ay
tinanggal ko ang aking hood kaya Malaya nilang nakikita ang maskara kong sakop ang
buong mukha. Isang nakangiting maskara pero kung tititigan mo ito ng mabuti ay
nakakakilabot na ngiti ang nakaukit sa maskara.

"Kami ang dapat magsabi sa'yo niyan."

Sabay silang umatake sa'kin. May nagmumula sa ibabaw, may sa likod, harap at kahit
saang direksyon. Nang mahanap ko na ang saktong distansya ay mabilis kong sinaksak
ang pinakamalapit sa'kin at ginawa siyang pangtabon sabay itinapon ko ang mga bomba
sa kanila. Umuusok ang harapang bahagi ng katawan ng lalaking ginamit ko nang
bitawan ko ito.

"Ay ang bobo ko talaga, hindi ko natanong kung sino may hawak ng susi."
Napabuntonghininga ako bago ko tinapunan ng bomba ang gate. That's my last piece of
hand grenade.

"What a waste." Sa pagsabog nito ay sabay na tumunog ang alarm.

Kinuha ko na ang mabigat na nakasukbit sa likuran ko. Isang carry all machine gun.

"Oooh," sinalubong lang naman ako ng humigit-kumulang daan-daang retainers. Ang


bilas nila ah in fairness.

"Fire!" May sumigaw na naging hudyat ng pag-ulan ng bala papunta sa'kin. Dahil sa
kakasabog pa lang ng bomba ay mausok pa ng bahagya ang kinatatayuan ko kanina. They
are firing without aiming. Hindi nila alam kung nasa'an ako. Gamit ang sixth sense
ay
nakahanap ako ng isang blind spot area at doon ko sila tinira ng machine gun.

Ang sumunod ay ingay ng tumutunog na mga putok ng baril, mga nahuhulog na empty
barrels ng bala sa semento at mga sunod-sunod na mga daing ng mga natamaan ko.

"Sige pa sige pa, aliwin niyo pa ako."

Huminto bigla ang pagpapaputok ko at nagload ako ng magazine sa machine gun. At


agad ko silang pinaputukan mula sa bagong pwesto ko.

Gulat ang naging dahilan kaya hindi na sila nakaputok uli laban sa'kin. Sa panahong
huminto ako ng pagpapaputok ay di nila nahalatang tumalon ako sa ibabaw nila at
lumipat ako ng pwesto sa kanilang likuran.

"Eeeh? Ayaw niyo ng makipaglaro sa'kin?" Niyugyog ko ang isang retainer na naliligo
sa dugo gamit ang paa ko pero hindi ito gumising. Ano ba'yan.

Ito lang ba ang kaya ng Haru Owari na 'yon? Akala ko ba ay banta siya kay leader?

Sa harap ng mismong dojo ay doon ako sumigaw.

"Hey! Calling for Haru Owari, calling for Haru Owari! Nandito ka ba? Kung oo
lumabas ka... at magtuos tayo."

Dumaan ang ilang minuto bago lumabas ang isang babaeng nakakimono. Nasa magkabilang
kamay niya ay isang katanang may kakaibang anyo. Mas mataas ito kesa sa ordinaryong
katana at sa ilalim ng buwan ay kumikislap sa talim ito.

"I challenge you for a duel, assassin." Malamig ang boses niya. Nakangiti man siya
ay may panganib namang dala ito.

Kung gano'n ay para sa'kin ang isa niyang hawak na katana. At gaya ng inaasahan ay
itinapon niya sa direksyon ko ang isa. Maaari ko na siya patayin agad, ano nga ba
ang pake ko sa challenge niya?

"Oh? Takot ba ang munting

assassin?"

Nakakairita ang ngiti niya. Gusto kong burahin ang ngiti niyang 'yan.

"I accept your challenge. The one who dies lose."

"Of course.''

Pinulot ko na ang katana. Incredible, ang gaan nito kumpara sa normal na timbang ng
isang katana.

Sabay kaming bumwelo gamit ang kanan naming mga paa bago sumugod sa isa't-isa.

"Papatayin kita!"

"Dream on!"

Pa-ekis na nagpang-abot ang aming mga katana. Ilang dangkal na lang ang layo namin
sa isa't-isa. Nagpang-abot din ang aming mga hininga. Napapalayo man kami ay dahil
'yon tuwing bubwelo kami ng atake. Magaling siya. Sa unang limang minuto ay nagawa
niya kong padepensahin lang at siya ang gumagawa ng opensa.
Tumalon ako palaya sa kanya bago ko pinahid ang pawis ko. Pawisan din siya pero
isang matagumpay na ngisi ang nakapaskil sa nakakainis niyang mukha. Asar!

Umatake ako uli pero agad niya itong nadepensahan. Nang malingat siya ay agad kong
inilipat ang katana sa kaliwa kong kamay at umatake uli.

Pero may kung anong likido ang tumulo sa pisngi ko. Nasugatan niya ako sa pisngi.
Naiinis na nilingon ko siya, ayan na naman ang nakakainis niyang mukha. Pero ako
ngayon ang napangisi ng matagumpay nang makita kong nasugatan siya sa kanyang
kanang balikat.

Siya naman ang unang umatake dala na rin ng galit. Nawala ang mapang-asar niyang
ngiti at napalitan ng inis.

Hindi ako dumepensa, talon at takbo mula sa mga atake niya lang ang ginagawa ko.
Para kaming naghahabulan 'yon nga lang habang nag eenjoy ako ay naiinis na siya.
Nga naman, wa poise ang ginagawa niya. Ang arte pa naman ng bruhang 'to.

"Oh

ano? Suko na?"

Isang makahulugang ngiti ang ibinigay niya, "Never."

Tatalon na ako ulit nang bigla akong mapasubsob sa lupa.

"What the?" Isang makapal na sinulid ang nakatali sa kanang binti ko. Ps hang daya
nito makipaglaro.

Kontrolado niya ang sinulid. Mahigpit ang pagkakatali nito sa'kin kay nasusugatan
na ang binti ko lalo na at hinahatak niya ako.

Ang huling atake niya, may taling nakatago sa hawakan ng katana niya. Habang busy
ako sa pag-ilag ay naitali na niya pala 'yon.

"I never said I'll never play dirty." Nagbalik na naman ang ngiti niyang
nakakainis. Gamit ang katana ay tinangka kong putulin ang sinulid pero hindi ito
naputol.

"Ang mga sinulid na 'yan ay hinabi mismo mula sa isang titanium thread."

Mahirap mang makatayo ay naitayo ko ang sarili ko. Akmang hahatakin na ulit niya
ang sinulid nang unahan ko na siya at salubungin ko ang katawan niya. Binitawan ko
na rin ang katanang hawak ko. Gulat ang naging susi ko upang makontrol ang kamay
niyang may hawak sa katana.

Animo'y magkayakap kami kung titingnan sa malayo. Tagos sa balikat ko ang katana
niya pero wala namang vital signs na natamaan sa'kin dahil nakontrol ko ito.

"A cheat is not a cheat without using your brain." Bulong ko sabay tunog ng isang
lock. Doon siya napalayo sa akin. Napaluhod naman ako at unti-unti kong binubunot
ang katana sa balikat ko.

Hysterical na siya habang nagkukumahog na tanggalin ang ikinabit ko sa leeg niya na


parang kwintas 'yon nga lang ang pendant nito ay isang bomba.

"Kung ako sa'yo ay wag mo yang gagawin," babala ko nang makita kong puputulin na
sana niya ito gamit ang isang kutsilyo.
"What have you done!"

"That my playmate, is a hand grenade. Try to cut it and it will explode. Try to
diffuse it and it will explode. Hindi naman ako gano'n kasama, may cellphone na
nakakabit sa likod niyan 'di ba? May four digit number password 'yan, all you have
to do is guess the password."

Nagsimula na akong maglakad paalis nang maalala ko ang card.

Itinapon ko ito malapit sa kanya pero hindi niya ata ito napansin dahil busy siya
sa pag-ikot ng cellphone sa harap niya.

Sa iyo nararapat ang card na 'yan Haru Owari. Dahil 'yan ang magtatakda ng
kapalaran mo.

Nilampasan ko na ang mga retainers na nakaharap ko kanina. Kumalat ng husto sa


sahig ang dugo nila. Saktong nasa gate na ako nang marinig ko ang isang pagsabog.

"Nakalimutan kong sabihin sa kanya, may limang trials lang pala siya."

TBC...

=================

Unmasked 50

Zen's Point of View

Kumakalat na ang dilim sa Underworld Realm City kaya unti-unting may mga ilaw mula
sa mga tahanan at establishimento ang nagsilabasan. Nakatanaw lang ang aking mga
pulang mata mula sa salamin ng bintana mula rito sa tagong headquarters ng White
Family. Maririnig mula sa silid ang tahimik na pagtunog ng orasan at ang dalawang
banayad na paghinga, sa akin at kay Siren.

Hindi ko siya nililingon mula nang dumating siya buhat ng malaman niyang pinatawag
ko siya. Ilang minuto na rin ang lumipas simula nang dumating siya. Alam kong alam
niya kung bakit ko siya pinatawag. Isang linggo lang naman siyang nawala sa Realm.
Kung saan siya nang mga panahong 'yon ay hindi ko alam.

"You could have been killed." Tanging saad ko.

"I know."

"Then why did you accept it?"

"That mission was for me."

"You could have been killed." Sa pagkakataong ito ay mas mahina ang boses ko.

"I heard you."

Still the stubborn one. Kahit madaldal ay may prinsipyo ang isang O'Hara at isa si
Siren doon. Simula noon ay tapat na ang kanilang pamilya maski sa panahong ang Dark
Family ang namumuno.

"Aatake ang mga tapat na alagad ni Haru. Araw o oras na lamang ang bibilangin."

"I won't let them. Hihintayin ko sila sa mismong gate ng syudad." Matalim na
pahayag ni Siren.

"That won't be necessary. Sa oras na tumapak sila sa syudad ay sasalubungin na sila


ng reapers ng Dark Family. At mula doon ay sabay silang aatake sa

atin."

"Kung gano'n..."

"Yes, the third Taetoku great war will start."

Ang digmaang pinaghandaan ng Phoenix. Ang digmaang wala akong planong magpatalo.
Ang digmaang may hawak sa kinabukasan ng dalawang pamilya.

"Now I won't condemn your mission but I will give you a new one. A mission only you
can have." Seryoso ako sa misyong ito. Kung papalpak siya ay papalpak din ang plano
namin ni Kiel.

Hindi sumagot si Siren pero nakatutok sa akin ang mga mata niya.

"Protect my weakness. Ilayo mo ngayong gabi ang anak ko sa digmaang ito Siren."

Tila naman nagkulay suka ang mukha ni Siren. Ang ibig sabihin ng misyong ibinigay
ko ay dalawa lamang, una ay tanggap na naming ni Kiel na maaaring hindi kami
magtagumpay at ang pangalawa ay hindi makakasama si Siren sa digmaan. I trust her
to the point I appointed her as my son's guardian.

Akmang magpoprotesta siya nang ako naman ang tumingin sa kanya ng matalim.

"Please make him safe."

"Affirmative." Inilagay niya sa kanyang dibdib ang kanyang kanang kamay sabay
nagbow sa akin. Tanda ng katapatan bilang isang Phoenix member.

Tatlong oras ang nagdaan mula nang magkausap kami ni Siren. Nasa silid ako habang
karga karga ko si Klen at pilit siyang pinapatahan.

Ang iyak ng sanggol ang tanging maririnig sa silid hanggang sa may mga hikbing
sumali sa ingay. Hikbi ko, isang inang mawawalay sa kanyang anak.

"Sshh stop crying Klen." Dinuduyan ko siya sa aking bisig kaya unti-unting humina
ang kanyang mga iyak.

Nakangiti man ay pumapatak pa rin ang aking mga luhang direktang tumatama sa pisngi
ng anak ko.

Dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang mga mata. Isang matang katulad ng sa akin at
isang matang katulad ng kay Kiel. Kaya hindi isandaang pursyento ang aming tiwala
na mapapanalo namin ang digmaang ito dahil kalahati lang ng dating lakas namin ni
Kiel ang aming magagamit. Isang pulang mata na lang din ang nasa akin ganoon din
kay Kiel, ibinigay namin ito kay Klen.

Nakatitig sa akin ang kanyang mga mata at nakataas naman ang kanyang dalawang
maliliit na braso na tila gusto niyang abutin ang mukha ko.

"You want to wipe mom's tears huh. Anak nga kita." May biglang nagsalita sa likod
ko.

"Retard," malungkot na lumingon ako sa kanya. He then gave me an assuring smile.

"We'll see him again, Nana. I promise you."


Idinikit ko ang noo ko sa noo ni Klen at pumikit. Isang munting tawa naman ang
ibinigay niya.

I inhaled my son's scent. I gently wrapped my limbs to his frail body.

Maaaring makita pa kita o maaaring ito na ang huling pagkikita natin. Maaaring
mayakap pa kita o maaaring habang buhay mong hindi matatamasa ang yakap ng isang
ina. Maaaring makapiling pa kita o maaaring lumaki kang hindi kami kilala. At
maaaring maging sa'yo ang Realm o maaaring mamuhay ka ng normal na walang alam sa
madilim na mundong pinanggalingan mo.

Sa pag-alis mo anak ay maraming maaaring mangyari pero iisa lang ang tiyak namin ng
ama mo, ligtas ko. At para sa amin ay iyon ang pinakamahalaga.

May biglang kumatok at bumungad ang mukha ni Siren. Oras na.

Malungkot na tiningnan namin ni Kiel si Klen. Lumapit naman si Kiel upag halikan
ang noo ng anak namin. Pilit mang ipakita ni Kiel na malakas ang loob niya alam
kong mahina ito pagdating sa munting anghel namin. Umaastang malakas siya upang may
masandalan ako pero hindi niya ako maloloko. Sinasalamin ng matapang niyang mga
mata ang damdamin ng isang amang nagmamahal sa anak.

"Retard pakikuha ng mga gamit ni Klen sa kama." Mabilis naman itong sinunod ni
Kiel. Lumapit na si Siren na suot ang itim na uniporme ng Dark Family reapers at
mahabang cloak. Naipuslit ng Inferno ang unipormeng ito para walang magduda at
sumunod kung saan man pupunta si Siren.

Agad kong ipinasa kay Kiel si Klen at kinuha ang isang makapal na tela at itinali
ito sa katawan ni Siren. Ito ang magsisilbing lalagyan ni Klen. Sinigurado kong
mahigpit ang pagkakabuhol nito.

Nang oras na upang ilagay sa telang iyon si Klen ay nanginig ang buong sistema ko.
Pinakatitigan ko ang mukha ng aking anak bago humalik sa kanyang pisngi at
bumulong, "Mama loves you anak."

Nang mailagay ko na si Klen sa telang iyon ay isinunod ko naman ang isang puting
card. Nakalagay doon ang magiging pansamantalang pangalan ni Klen, Shinro.

Sa dilim ay unti-unting naglaho ang papalayong pigura ni Siren. Nanatiling yakap


yakap lamang ako ni Kiel.

"He'll be safe. That's what matters." Pagpapagaan ni Kiel ng loob ko.


Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Belial.

"Primo, they're here."

Sa impormasyong iyon ay sabay na nagbago ang mata namin ni Kiel.

I can smell the coming bloodshed of Taetoku Great War III.

TBC...

=================

Unmasked 51

Author's note:

Survey: Tagasaan kayo readers?

At sa mga nagtatanong ng book 3, yes meron.

Kung tungkol ito kay Klen, no.

:) <3

ACE
___________________________________

Zen's Point of View

Gaya ng napagplanuhan ay mabilis kaming umalis ng headquarters. Mahahati sa apat na


pangkat ang pinagsamang Inferno at Phoenix, sila ang tatayo na leader sa bawat
pangkat. May mga reapers na kasali sa bawat pangkat. Sina Zen at Kiel naman ay
magsosolo at maghihiwalay ng pupuntahan.

Ang unang pangkat ay binubuo nina Hades, Lilith at Nightwind bilang tatayong mga
lider. May isandaang reapers naman silang kasama at isandaang Mafioso na galing
mismo famiglia ng mag-asawa.

Ang ikalawang pangkat ay binubuo nina Belial, Lucifer, at Death Stalker bilang
tatayong mga lider. May isandaang reapers at isandaang mga Mafioso na galing din
mismo sa famiglia ng dalawang Inferno members.

Ang ikatatlong pangkat ay binubuo nina Demon, Secondus at Dark Phoenix bilang
tatayong mga lider. Mayroon din silang isandaang reapers at isandaang Mafioso.

Ang ika-apat na pangkat ay binubuo nina Sin at Grim bilang tatayong mga lider. May
isandaang reapers, isandaang mga gangsters at isandaang mga Mafioso.

Hindi gaya ng inaasahan ng kalaban na maghihintay kami sa kanilang atake ay isang


opensang pagsangga ang naisip ni Nightwind. Imibis na maghintay ay susupresahin
naming ang mga kalaban, isang ambush.

Sa panahon na nagplano kami ay gumana naman ang isang larong dati kong
kinahumalingan, ang chess.

Mabilis naman nilang sinang-ayunan ang aking suhestyon.

Ang bawat pangkat ay may 'role' na gaganapan upang macheckmate namin ang kalaban.

Ang unang pangkat na siyang unang lumisan sa headquarters ay ang pangkat nina Grim
at Sin. Sila ang naatasan na unang susugod sa grupo ng mga yakuza.

Nasa training area kaming lahat. Mafioso, gangster o reapers man ay narito rin.

"Sin at Grim kayo ang magiging lider ng pangkat na unang sasalakay." Imporma ni
retard sa dalawa na ngayon ay magkatabi na.

"Ngayon ito ang gagawin niyo. Nana?" Tawag ni Kiel sa akin kaya tumayo na ako mula
sa pagkakaupo. Nilulubos ko na ang pagrereserba na ang enerhiya. Walang humpay na
labanan na naman kasi ito bukas.

Magkatabi kami ni retard ngayon at ang mga kamay ay nagkasaklop.


"Grim, sinanay ang mga gangsters mo sa field kaya kayo ang mag-aabang sa mga Yakuza
sa daan. Ayon sa impormasyon ko ay lantaran ang paglalakad nila sa daan. May
inilagay na si Siren na mga mines sa mga daang 'yon. At may isa pang daan at maaari
rin nila itong daanan. Knowing Starfire, 'yon ang dadaanan nila sa mga ganitong
sitwasyon. Kaya ang mga Mafioso ang magbabantay doon."

"Hahatiin kami? Hindi ba mas maliit ang tsansang manalo niyan?" Tanong ni Sin.

"Oo maliit nga kaya gagamit kayo nito." Inabot ko sa bawat isa sa kanila ang isang
korteng shell at isang remote control.

" 'Yang korteng shell na 'yan ang hihipan niyo pagnakumpirma niyong nasa daan niyo
ang kalaban. Sa kabilang banda naman ay iilaw ang shell nila kaya Grim at Sin
maging alerto kayo. Ang remote control naman ay para sa mga mines

. Upang sabay na sumabog ito ay pindutin niyo ang kulay pula at kung paisa-isa ay
kulay dilaw."

Ang grupong pangalawang lumisan ay ang pangkat nina Belial, Lucifer at Death
Stalker. Sila ang nakapwesto sa lugar kung saan magtatagpo ang mga Dark family
reapers at mga yakuza upang sabay na umatake sa headquarters. Bago pa man makaabot
ang mga yakuza sa lugar na iyon malapit sa headquarters namin ay tatambangan na
sila nina Grim at Sin. Wala namang kamalay-malay ang mga kalaban na reapers na
walang dadating imbis ay ang ambush namin.

"Belial, Lucifer at Death stalker kayo ang magkakasama sa pangkat." Deklara ni


reatard kaya agad din sila nagtabi.

"Belial at Lucifer, ikalat sa peremeter ng tagpuan ang mga Mafioso upang walang
makatakas. Death Stalker ikaw naman ang sisiguro na ang signal horn na hawak hawak
panigurado ng general ay makukuha mo. Ito ang tandaan niyo, isang pag-ihip sa horn
ay nangangahulugan na nagtagumpay silang makipagsanib sa mga Yakuza at dalawang
pag-ihip ay nangangahulugang inatake sila."

"Kung gano'n ay dapat na hindi nila maihipan ito ng dalawang beses?"Kumpirma ni


Secondus.

"Tama. Dapat mawasak niyo ang horn matapos kayong umihip ng isang beses. Kung
magtagumpay kayo ay aakalain ng mga nasa Dark family mansion na tagumpay sila."

Ang grupong pangatlo lumisan ay sina Hades, Lilith at Nightwind. Sila ang may
pinakakritikal na misyon. Habang tiwala ang council na mapupuksa na nila kami ay
papasok si Nightwind kasama ang mga reapers upang isabotahe ang armory ng Dark

family. Hindi lang ang manpower nila ang dapat puntiryahin kundi pati na rin ang
kanilang mga supply ng armas na papatay sa mga kasamahan ko.
"Hades, Lilith at Nightwind kayo ang mamumuno sa pangkat na may pinakakritikal na
misyon. Tinatanggap niyo ba?" Seryoso si retard. Nakita kong dumaan ang pagkabahala
sa mukha ni Hades at nakita ko ring pinisil ni Lilith ang balikat ng asawa. Hindi
ko mapigilang mapangiti.

"Okay count us in," saad ni Lilith.

"Nightwind at ilang mga reapers, kayo ang papasok sa loob ng Dark Family mansion
upang esabotahe ang kanilang armory."

"Ano ang ibig mong sabihing 'esabotahe' leader?"

"Lagyan mo ng lason ang airconditioning system ng nasa armory. Siguruin mong


magtatagal ang lason sa loob ng armory ng buong araw upang lahat na magtangkang
pumasok ay agad na mamamatay." Inabot ko sa kanya ang spray at isang shell na
katulad kina Grim at Sin.

" 'Yan ang gamitin mo para lason, lagyan mo lahat ng ventilation area. Gamiton mo
ang shell upang ipaalam kina Lilith at Hades na nagtagumpay ka. May dalawang oras
ka lang upang gawin ito."

Tumango siya at sumaludo matapos niyang tanggapin ang mga ito.

"Hades and Lilith, kayo ang aatake sa mansion matapos niyong malaman na tapos na si
Nightwind pero pag umabot sa dalawang oras at wala pa rin si Nightwind ay umatake
na kayo mula sa likuran ng mansyon."

Sabay naman naming aalis ang pangkat nina Demon, Secondus at Dark Phoenix.
Pagdumating na kami sa distinasyon nilang tatlo ay kami na lamang ni retard ang
magpapatuloy sa paglakbay hanggang sa kami naman ang magkakanya-kanya ng daan na
tatahakin.

"At kayong tatlong natitira ay ang magkakasama sa pangkat na magbabantay sa lahat


ng escape area. Siguruin niyong walang makakatakas sa digmaang ito." Utos ni
retard, matigas ang boses niya. Tanda na galit siya.

"Pero pagtumunog ang relong suot niyo ay may isa sa inyo na aalis kasama ang ilang
reapers at Mafioso. Susundan niyo ang tinuturo ng compass. Ang ibig sabihin niyan
ay masusundan niyo ang pangkat na nangangailangan ng back-up. Ganyan din ang
gagawin niyo ibang pangkat. May pulang buton ang relos at agad makakarating ito sa
iba niyong kasamang may relos din. 'Yon nga lang, ang pangunahing gagawa ng back-up
ay ang pangkat niyo."

"Everyone! We have the final mission for all of you. Come back alive."
Nilingon ko ulit ang walang katao-taong headquarters bago kami naglaho sa dilim.

TBC...

=================

Unmasked 52

A/n:

Short update, sorry finals week namin eh. :)

ACE

___________________________________
Grim's Point of View

Ang vibration mula sa mga pinagsamang mga tunob ng mga paang sabay na naglalakad sa
lupa na lumilikha ng mahinang pagyanig sa lupa at ang mga hininga namin ang tanging
maririnig maliban sa mga huni ng ibon dito sa gubat. Wala kaming pawis dahil hindi
naman masyadong masakit sa balat ang liwanag na nagmumula sa artipisyal na araw.
Mabini rin ang hanging hatid ng mga wind mills.

Kami ang unang umalis sa headquarters at kasama ko itong gunggong na Inferno


member. Ewan ko ba, nagkaayos na ang mga grupo pero mainit pa rin ang dugo ko sa
kahit sinong Inferno member lalo na ang leader nila. Hindi ko alam kung anong
gayuma ang ginamit ng gunggong na 'yon para maloka ng husto si master sa kanya.

At ngayon naman ay kasama ko itong...

...mas

nauna akong naglalakad kay Sin na tahimik lang din sa buong paglalakad namin. Kung
sadyang tahimik siya o nakikiramdam siya sa'kin ay wala akong pakialam. Mas tahimik
ang mga gangsters at mafiosong kasama namin, nararamdaman ata nila ang tensyon sa
pagitan ng mga leaders nila. Kahit na kapatid ni master itong gunggong na'to ay
wala ulit akong pakialam. Tanda ko pa ang ginawa ng mga Inferno members sa Phoenix
two years ago, teka hindi naman sumali 'tong gunggong na'to ah. Sheesh! Bahala na.

Wag lang siyang papalpak-palpak nang hindi siya ang una kong mabugbog.

Suot ko ang uniporme ng Phoenix. Isang itim na pantalon at jacket na nakakonekta,


stretchable ito. May zipper mula leeg hanggang pusod. At may tatak ng nagliliyab na
agila sa bandang likuran namin na halos sakop na nito ang buong likod.

Nakasuot naman ng isang parang cloak 'tong gunggong na 'to. May tatak ang likod ng
hood niya, tatak ng isang kulay ubeng apoy. Uniporme ata ng Inferno 'yon. Ganoon
din kasi ang suot ng ibang mga Inferno members.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad nang biglang huminto siya kaya napahinto rin ako
sabay lingon sa kanya.

Binigyan ko siya ng isang nagtatanong na tingin.

"Nandito na tayo." Nakatingin siya ng tuwid sa akin, ang tinging katulad ng kay
master kaya napatingin ako sa likod niya.

Bakit? Naiintimidate ba ako?

Hindi!
"Edi buwagin na natin ang pangkat natin."

"Hindi mo ba narining si Luciana?"

Napatigil ako sa aking paghakbang. Naghahamon ba 'to ng away?

"Bago tayo maghiwalay ay bumuo tayo ng plano," patuloy

niya. Kesa sa magmukhang tanga ay nakinig na lang ako. May araw rin 'tong lalaking
'to sa'kin. Mas mahalaga ang digmaan ngayon.

"Simple lang ang plano dito, Inferno boy. Magmanman ka sa kabilang daan, wag mo
hayaang pumalpak ang mga tao mo at kung nasisiguro mo nang nandiyan sila ay gamitin
mo agad ang shell. Easy di ba?"

Tumalikod na ako at sumenyas sa mga gangsters na sumunod sa'kin. Narinig ko siyang


bumuntong hininga bago umalis.

Nang masiguro kong wala na sila ay nagpatuloy kami sa paglakad. Mas doble ang bilis
ng aking mga hakbang kaya napilitan ang mga kasama kong maglakad ng mabilis.

Mas madali kaming makakapunta sa dapat naming pagpwestuhan ay mas makakahanda kami
ng plano.

Ilang likaran lang ay dumating na kami. Isa itong daan na madalas gamitin ng mga
taong dadaan sa mga short cuts papuntang syudad o isa sa mga mansion dati.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanila na nag iintay na lamang ng utos.

" Yo! "

Nanatili silang nakatingin sa akin. Mga baril ang hawak nila at mga explosives. May
hawak din ankong assault riffle.
"Huwag na huwag kayong papalpak kundi ay ako mismo ang tatapos sa inyo."

Nagsitanguan naman sila. Bawak silang gumawa ng ingay baka maudlot pa ang plano
namin.

"Ang mga snipers ay doon kayo sa mga puno malayo sa combat area. Pumwesto kayo sa
lugar na makikita niyo ang lahat. Ang gagawin niyo ay tulungan ang mga kasama
niyong nasa field na nasa alanganing sitwasyon."

Mahigit sampu ang nagpulasan sa mga

gangsters at nagsipwesto na, sila ang mga snipers.

"Kayong mga natitira ay ang field fighters. Isa lang ang tandaan niyo, pumatay
upang hindi mamatay. Maliwanag?"

Tumango sila at nagsikubli na sa mga malalagong halaman. Sampung metro ang layo
namin mula sa daan. Nasa bibig ko naman ang shellm handing handa na akong pumito.

Inobserbahan ko sila. May ilang nanginging ang kamay pero matapang ang mga anyo,
halatang mga first timer sa ganitong aksyon. May mga kalmado naman, may mga
karanasan o sobrang tiwala lang talaga sa sarili. May mga nakangiti naman na parang
manyak, sadyang sadista o hayok sa dugo. Sila ang mga gangster na nasasakupan ko sa
loob ng mahigit isang taon na rin. At ako ang gangster king nila.

Mahigit isang oras na rin kami dito sa pwesto pero walang nagpapakita ng katamaran.
Hanggang sa biglang tumunog ang isang whistle na galing sa isa pang shell.

Ang daan ng gunggong na 'yon ang mga kalaban! Narinig din nila ang tunog kaya
pareho lang kami ng direksyong tinitingnan.

"King," tawag ng isang gangster sa'kin. Binigyan ko naman sila ng isang tangon ng
kumpirmasyon.
"Ganoon pa rin, ang mga snipers ang unang pupwesto sa mga puno doon. At tayo ay
tahimik na magkukubli sa dilim ng kagubatan. 'Yon nga lang ay sa likuran tayo ng
mga Mafioso."

Inihanda naman nila ang kanilang mga armas, "Tayo na."

At nagsimula na kaming tumakbo papunta sa direksyon na kinalalagyan ng gunggong na


'yon.

Inabot kami ng anim na minuto bago namin narrating ang pwesto nila. Agad naman
nagsipwestuhan ang mga kasamahan ko. Nakita kong nakayuko mula sa isang malagong
halaman ang gunggong na leader nila.

Nakayukong tinawid ko ang distansya sa pagitan namin at tumabi sa kanya. Nakigaya


na rin ako sa pagyuko.

"Hoy."

"Ssshhh." Pinatahimik niya ko kaya nainis ulit ako sa kanya nang makita ko siyang
nakaturo sa lupa at nagmwestrang making. Naiinis man ay itinapat ko ang teynga ko
sa lupa.

At doon ko naramdaman ang mahinang yanig ng lupa. Yanig na nagmumula sa tunob ng


kalabang paparating.

"Malapit na sila."

"Obviously."

Aba't!

Hinanda niya ang dalawa niyang katana at pumikit.

Pasikat masyado.
Palakas ng palakas ang pagyanig hanggang sa naririnig ko na talaga ang yabag nila.
Isang ngiti ang umukit sa mukha ko.

"Andito na sila sa wakas."

TBC...

=================

Unmasked 53

Survey:

How old are you?

_ACE_

_____________________________________________________________________
Death Stalker's Point of View

Eksaheradong bumuntong hininga si Belial sa likuran ko at hindi ko na mabilang kung


pang ilang beses na ito. Kanina pa kami nagsimulang maglakbay papunta sa lugar kung
saan kami nakadestino. Kung gaano kaseryoso ang mga mafiosong kasama nila ay gano'n
naman ka walang pakialam sa paligid ang dalawang 'to. At nagsisimula na akong
mainis.

Para sa'kin ay napakakritikal ng misyon namin ngayon. Isang maling galaw ay


papalpak ang lahat ng plano ni leader. Malaking role ang gagampanan namin ngayon
pero ang dalawang Inferno members na kasama ko ay parang walang pakialam lang.

Naka ear phones si Belial at may kausap sa cellphone si Lucifer na hinuha ko ay


isang babae habang ako ay parang makukulta na ang utak sa kakaisip kung ano ang
plano

namin.

Ang pagnanais kong ipaghiganti ang White family ang tanging nagpipigil sa'kin
ngayon na atakihin ang dalawang dating kalaban ng Phoenix.

Isang eksaheradong buntong hininga ang nakapagpatigil sa'kin mula sa paglalakad.


Dahil biglaan ang pagtigil ko ay nabangga ni Belial ang likod ko at awtomatiko
namang napahinto ang mga Mafioso at reapers na kasama namin.

"Anything wrong?" Makapal ang accent ni Lucifer. Salamat naman at tinapos na niya
ang tawag at baka mahambalos ko pa ang cellphone niya sa mukha niya.

"Not anything but you," kalmado kong saad. Naikuyom ko na ang dalawa kong mga kamao
dahil sa nagbabantang pagsabog ng galit ko.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Nagsalita si Belial sa likuran ko.

"Isa itong napakakomplikadong misyon pero ano ang ginagawa niyo? Imbis na
magseryoso ay puro kalokohan ang pinaggagawa niyo." Kalmado man ay nilalangkapan
nito ang isang delikadong tono.

Dalawa man sila ay hindi ako nababahala. I am an S+++ class warrior at sa


pagkakaalam ko ay S class lang sila aside the fact that they ruled the mafia houses
in their respective contenents.

"And you picking a fight on us will not sabotage our mission? D'you have a brain
dude?" Puno ng sarkasmo ang boses ni Lucifer. Akmang susugod na ako nang pumagitna
si Belial na nakataas ang dalawang kamay.

"Hey hey hey! Kalma kayo, tayong tatlo ang mga leaders dito."

"Buti at napansin mo." Nilangkapan ko ng sarkasmo ang sinabi ko. Alam niya naman
pala na leader siya then he should start acting

like one.

"Okay alam ko kung ano ang ipinuputok ng butchi mo Death Stalker my friend----"

"-hindi kita kaibigan," pagpuputol ko ng sasabihin niya.

"---tumahimik ka nga muna at nang matigil na yang pagtatrantums mo na parang


babae." Singit ni Lucifer na nagkandabulol bulol ang dila sa tagalong na sinabi.

Akmang susugod ulit ako nang pumagitna ulit si Belial.

"We get it. Alam naman namin na napakakomplikado ng misyon na ito. Hindi namin
nakakalimutan 'yon. It's just that this is who we are before, during and after a
fight."
"Or in lay man's words. 'wala kaming pakialam' " Singit ulit ni Lucifer na binigyan
ko lang ng inis na tingin.

"Rest assured we have the same desire as you. You do this your way and we'll do
this our way." Inilahad ni Belial ang kamay niya sa'kin kaya tinanggap ko ito.

Nabawasan na rin ang pagkabahala ko sa kanila. Ilang kilometro na lang ang layo
namin sa lugar ng mga Dark family reapers ay umalis na kami sa daan. Imbis sa daan
ay sa gubat kami dumaan. Hinati namin an gaming pangkat sa tatlo. Ang unang pangkat
na pangungunahan ni Lucifer, siya ang bahala sa mga snipers na pupwesto sa bangin.

Ang bangin na ito ay may axis sa isang perpektong tira mula sa taas papunta sa
lugar ng mga kalaban.

"I'll take care of the horn."

"Teka alam mo ba kung sino ang may hawak nito?" Diskumpyado kong tanong kay
Lucifer.

Binigyan niya ako ng isang ngisi bago nagsalita. "I'll just kill them all."

Tumalikod

na siya kasama ang mga snipers ng grupo. Nagkasundo na rin kami ni Belial, siya sa
kanan at hilagang peremeter at ako naman ang sa kaliwa at timog na peremeter.
Papalibutan ng mga reapers at Mafioso ang buong peremeter upang walang makatakas.
Kami namang dalawa ang susugod mula sa lupa at si Lucifer mula sa himpapawid.

Walang salitang namutawi sa labi namin at tanging mga hand signals lamang.

Itinaas ko ang aking kaliwang kamay sabay mwestra sa mga reapers na umikot. Nakuha
naman nila ang ibig kong sabihin dahil agad na nagsikalat sila at tumalon papunta
sa itaas ng puno. Ganoon din ang ginawa ni Belial mula sa kabilang bahagi dahil
nakita kong nagsikilos na ang mga Mafioso.
Pinanood ko ang mga reapers at Mafioso hanggang sa matapos sila pumwesto. Eksaktong
korteng parihaba ang nabuo ng pwesto nila.

Naglakad na ako na parang hindi ako susugod sa isang madugong labanan. Isang puno
ang kinublihan ko at mula rito ay tanaw ko ang mga naghihintay ng Dark family
reapers sa pagdating ng mga Yakuza.

Ilang puno ang pagitan ng distansya namin ni Belial. May itinuturo siya kaya
ginamit ko na ang binoculars.

Ang horn. Nasa leeg ito ng isang malaking lalaki na ang katawan ay puno ng mga
bitak bitak na mga muscles. Sa sobrang laki ng katawan niya ay ang liit ng ulo niya
tingnan. Dahil na rin sa natatanging suot siya ata ang general.

Kung napansin namin ang horn lalo na siguro si Lucifer.

Sumandal ako sa puno at tahimik na naghintay sa signal, ang pagbagsak ng general.


Dito kami lalabas at kami naman ang aatake.

Inobserbahan ko ang mga kalaban. Base sa kanilang mga mukha ay siguradong sigurado
sila na walang gulong darating.

Mga hangal, kung inaakala niyong ang pag-atake ninyo sa headquarters namin ay
nakadulot ng malaking pinasala sa amin ay talagang minamaliit niyo kami.

Inihanda ko ang sandata kong gawa mismo ni Siren. Isang specialized chainsaw
inspired weapon. Imbis na malaki ang tunog nito ay wala itong tunog, ang korte nito
ay parang sa chainsaw 'yon nga lang ay hindi matatalim na parang kadena ang
nakapalibot dito kundi isang laser na kulay bughaw. Ang laser nito ay kayang humiwa
ng kahit ano kabilang na dito ang buto ng tao.

Isang malaking tunog ng pagkabagsak ng kung ano sa lupa ang nakapagpaalis ng


atensyon ko sa aking sandata. Ang dalawang pares ng mga mata namin ni Belial ay
nakatingin lang sa isang tao. Ang duguang bulto ng general.

Tumalon kami ni Belial mula sa mga puno at direktang naglanding sa harap ng mga
kalaban.
TBC...

=================

Unmasked 54

A/n:

Hades and Lilith in multimedia :)

--------------------------------------------------------------

Nightwind's Point of View

Hey hey hey wala bang pinipiling lugar ang mag-asawang 'to? Kung makapaglambing sa
isa't-isa parang wala kami ah. Napabuntonghininga na lang ako at nagpatuloy sa
maingat na paglalakad upang walang makatunod sa amin. Kasama ko ang mag-asawa ng
Inferno. At kung gaano ka seryoso ang aura naming lahat ay parang naiimagine ko
namang may nagliliparan na mga hugis puso sa paligid ng mag-asawa.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad kahit na nailing ako. Magdudugo na ata ang
mga teynga ko sa mga malalanding tunog na ginagawa ng dala. Nakita kong yumakap si
Lilith sa beywang ni Hades. Hay, parang si Sprite lang.

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang dumaan sa isip ko ang nakangiting mukha ni
Sprite. Bakit nga ba hindi ako naiinis sa ginagawa ng mag-asawa sa harap ko? Simple
lang ang sagot at 'yon ay dahil naaalala ko ang masasayang sandal ng buhay ko. Ang
sandaling naririnig ko pa ang musika at may kulay pa ang paligid ko. Isa-isang
bumaha ang imahe ni Sprite. Mula sa una kaming nagtagpo hanggang sa mga lambingan
namin. Naikuyom ko ang aking kamao nang ang mga imahe ay napalitan ng mga madugong
sandal kung saan ay nag-aagaw buhay na siya.

"Oh? You alright boy?"

Napatigil ako sa mga iniisip ko at biglang huminto ang panginginig ng katawan ko.
Ha? Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Ang dating green na mga dahon ay
kulay gray na lamang sa paningin ko. Maging ang lupa,

mga tao at ang kamay ko. Lahat kulay abo. Naging ganito ang epekto ng pagkamatay ni
Sprite sa akin. Palihim akong nagpatingin sa isang psychiatrist at ang dahilan nila
rito ay trauma. Maging ang kakayahan kong making ng musika ay nawala na rin. Noong
una ay hindi ko ito pinansin. Tinitingnan ko ang paligid ko na parang may kulay
dito at nagawa ko namang itago ito sa Phoenix. Kung sa iba ay magandang tunog ang
ginagawa ko mula sa pagtipa ng piano ay kabaliktaran naman ito sa pandinig ko.
Parang tunog mula sa kukong kinakamot ang isang metal, 'yan ang naririnig ko.
Malinlang ko man ang lahat ay hindi ko naman malilinlang ang sarili ko. Literal na
nawalan ng kulay ang mundo ko at hindi ko na makilala ang musika; nagbago ang buhay
ko nang nawala si Sprite. Akala ko ay babalik ito pag bumalik na si leader pero mas
lumala lang ito nang sunod sunod kong nasaksihan ang pagdanak ng dugo. Bumalik ako
sa psychiatrist at tama nga ako, dugo ang trigger ng traumang 'to. Dugong sa
paningin ko ay para na lang kakulay ng tinta. Dahil dito ay iniwan ko na ang
paggawa ng kanta. Iniwan ko ang isang bahagi ko na minahal ni Sprite.

Ikaw kasi Sprite eh, hindi lang puso ko ang dinala ko kundi pati kulay at dahilan
ng pagkanta ko. Wala na ang muse ko.

Bakit nga ba ako patuloy na nabubuhay ngayon?

Ah tama, unfair kasi si Sprite.

"Live your life for me."

Hindi ko tuloy mawakasan ang walang kwentang buhay ko. Minsan natanong ko sa sarili
ko, parusa ba ang hiniling ni Sprite sa'kin? Nahihirapan kasi ako eh. Bakit nga ba
hindi ko siya sinali sa nakakalokong experiment ni Siren. Dahil

hiniling na naman niya.

"This is fate. We must learn to accept it."

Mahal na mahal kita Sprite kaya iniinda ko ang mala-impyernong buhay na ito.

"Wake up Nightwind," matigas na boses ni Hades.

Ako na pala ang nasa likuran nila. Mula sa pagkakayuko ay ang nag-aalalang mata ni
Lilith ang sumalubong sa'kin.

Concern. Pity. Sadness.

'Yan ang nakasalamin sa mga mata niya kaya agad kong nilagyan ng ngiti ang mukha
ko.
"Hehe pasensya na, lutang lang. Naramihan ko ata ang kape kanina hehe." 'Di ko
maiwasang mapakamot sa ulo ko habang naglalakad papunta sa harapan. Hindi ko man
lang matingnan ng tuwid si Lilith. Aish bahala na.

Biglang naging awkward ang pakiramdam, tumahimik kasi bigla ang mag-asawa. Hindi ko
alam kung palihim ba silang nag-uusap sa likod ko dahil wala naman akong naririnig
na tunog.

Nagpatuloy ang ganitong katahimikan.

"Wait! Don't move boy." Mariing utos ni Lilith. Naudlot naman ang pagkakahakbang
ko. Haharap n asana ako sa kanila upang magtanong.

"I said don't move!" May bahid ng galit ang boses ni Lilith.

"She meant don't move even a single muscle," segunda naman ni Hades. Naramdaman
kong tumakbo si Lilith papunta sa'kin. Hindi ko alam pero sumunod na lang ako. Nang
makalapit siya sa'kin ay yumuko siya at sinuri ang paa ko. Mali, sinuri niya ang
tinatapakan kong lupa. Teka!

Tiningnan ko siya nang may nabuong hinala sa isip ko. Sinalubong niya naman ang
tingin ko at kinumpirma ang hinala ko nang tumango siya.

"You just stepped on

a landmine boy." May kinuha siya sa kanyang likuran na isang pocket knife. Lumapit
naman ang kanyang asawa na may dalang batong doble ang laki ng kanyang kamao.

Naman oh nakatapak nap ala ako ng landmine buti na lang at alerto si Lilith kundi
baka lasug lasug na ang katawan ko ngayon. Dahan-dahan niyang isinuot sa pagitan ng
sapatos ko at ng landmine ang blade ng kutsilyo. Nakahanda naman ang bato na hawak
ni Hades. Dapat ay precise ang reaction time namin tatlo dahil kung hindi ay kaming
tatlo ang mamamatay.

"Ready?" Tanong ni Lilith.

Dapat ay sa eksaktong pagtanggal ko ng paa ko mula sa pagkakaapak ng landmine ay


papalit ang blade ng pocket mine. May string ang isang landmine at oras na nabago
ang pressure ay sasabog pa rin ito kaya ang reaction time ng pagkakalagay ng bato
sa pocket knife ay mahalaga.

"Ready," saad ko at nakatutok sa landmine.

"Now!"

Ang bilis ng pangyayari. Kung kanina ay nakaapak ako sa landmine ngayon naman ay
may six inches ng nakapagitan sa landmine at paa ko. Doon lang yata pumatak ang
pawis ko dahil sa kaba.

"Wew!" Nag-apir ang mag-asawa na tila nanalo mula sa isang pustahan.

"Thanks Lilith, Hades."

"No problem boy. Partners tayong tatlo dito. Atsaka kanina pa kita binabantayan,
wala ka kasi sa sarili mo." Lilith patted my head like I am her younger brother.

"Get a hang of it." Si Hades naman ang tumapik sa balikat ko.

"Nandito na tayo sa lair ng mansion. Mas maraming patibong dito kaya mag-ingat
kayo," imporma ni Lilith sa amin.

Silang dalawa ang nangunang maglakad. Kada landmine na nadaanan nila ay nilalagyan
nila ng pocket knife kaya madaling naiiwasan namin ito.

Hindi ko maiwasang mappatitig sa likuran ng mag-asawa. Ganyan sana kami ni Sprite


kung buhay pa lang siya. Magkasama pa lagi sa mga misyon, pinoprotektahan ang bawat
likod ng isa.

Tumingin ako sa taas. Dinadaanan ako ng mga Mafioso at reapers.

Hey Sprite. Pag natapos ko na ang paglilingkod ko kay leader. Pag naggawa ko na ang
misyong ito. Pwede na ba kitang makita? Kasi miss na miss na kita.
TBC....

=================

Unmasked 55

A/n:

Sorry talaga sa matagal na walang update. Walang internet connection sa probinsyang


inuwian ko. T_T

By the way, kumusta na kayo readers? Namiss ko kayo :)

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------

Nightwind's Point of View

Nakayuko at nananantya ang posisyon ko mula sa pagkakatago sa likuran ng isang


puno. Kaming tatlo nina Lilith at Hades lang ang andito sa may pinakamalapit na
posisyon mula sa mansion dahil kaming tatlo lang din naman ang may kakayahang itago
ang presensya namin. Iniwan namin ang mga kasama namin sa posisyong hindi sila
madedetect ng isang Class S+ warrior tulad namin.

Base sa nararamdaman kong magagaang yabag sa loob at labas ng mansyon, may humigit
kumulang isandaang reapers ng Dark family. Nilingon ko ang mag-asawang nasa gilid
ko at nakikiramdam rin. Tinanguan ko sila bilang tanda na bumalik na sila sa mga
kasama namin at maghintay na lang sa signal ko kapag nakapasok na ako. Tango rin
ang naging tugon nila sabay ang maingat na pag-alis.

"Now it's my mission."

Ang pagpasok sa armory ng kalaban ay ang task na itinalaga ni leader sa akin, mine
alone. Kinuha ko mula sa aking likod ang blueprint ng mansion abang alerto naman
ako sa oras. May dalawang oras lang ako. I could save some hassle if I accomplish
this. Sa blueprint na bigay ni Kiel ako magbabase kung saan ako dadaan. Hindi naman
ako pwedeng basta-basta na lamang pumasok

at sasabihing 'freeze'.

Pinagmasdan ko nang mabuti ang blueprint, may dalawang maaaring daanan patungong
armory area ng mansion. Una ay ang daan malapit sa common hallway at ang isa ay ang
daan malapit sa cellar ng mansion.

Pilit na pinagana ko ang sixth sense kung saan ko mararamdaman ang mga yabag ng
isang tao sa isang particular na lugar. All I need is great concentration.

Common hallway, base sa mga naririnig kong mga yabag ay mabibigat ang mga ito. Mga
uri ng yabag na kadalasan ay taglay ng mga housemaids. Isa, tatlo , lima, siyam...
Siyam ang mga tao na paikut-ikot lang dito. Sa cellar naman ay mas magaan ang mga
yabag to the point na mahirap nang madetect ng sixth sense maliban na rin dahil
nasa basement ito matatagpuan ay kadalasang mga nakatambay dito ay mga reapers na
nagbabantay sa mga nakakulong. Ang malinaw kong naririnig ay anim na mga tao.

Ibinalik ko na ang blueprint sa likod ko at sinimulan ang pagpasok sa malaking


mansyon ng mga Loong. Alerto ako sa paligid. Hindi lang sa mga reapers kundi maski
sa mga traps tulad ng mga mines at laser beams. Iniiwasan ko rin ang mga anggulong
maaari akong makunan ng CCTV.

Matagumpay kong napasok ako base ng mansion. Kasalukuyang nasa balkonahe ako
malapit sa malaking bintanang tanaw ang common hallway. Palinga-linga sa paligid na
pumasok ako mula sa malaking bintana. Akmang lilingon na sana ang isang katulong
kaya madali akong gumulong sa likod ng dingding upang magtago. Wew muntik na ah!

"Anong nililingon mo d'yan Mags?" Dinig kog anong ng isang katulong sa isa katulong
na muntik na akong makita.

"W-wala

naman, Anya."

Mga papalayong yabag na ang sumunod kong narinig. Nang clear na ang common hallway
ay agad kong tinunton ang agdaan pababa sa armory na matatagpuan sa dulo ng common
hallway. Kaso may CCTV camera sa bukana ng hagdan kaya imposibleng hindi makikita
ang kahit sinong dadaan sa hagdan na iyon.

"What the fuck," mahinang kong mura sa pagitan ng paghinga at pagkairita.

At wala si Siren na to the rescue sa mga ganitong sitwasyon. Nakakapagtaka, wala si


Siren noong sabay-sabay kaming umalis. Pero iisa lang ang nasisiguro niya, hindi
niya madadaanan ang hagdan. I need to find another motherfucking way. Kung hindi ba
naman kasi sigurista ang mga Loong.

"Sigurado ka bas a nakita mo?" Nagmumula ang paparating na tinig sa unahan ko.

"Oo, may nakita akong anino."

"Halika tingnan natin ang bintanang sinasabi mo at baka reaper lang 'yon."

Lagot na! Takbo at talon ang ginawa ko pabalik sa bintanang dinaanan ko kanina. Pag
nakita 'to ng katulang na bukas ay baka pagsabian nila ang mga reapers at mapurnada
pa ang mission ko. Kaso nang paliko na ako ay may sumalubong sa'kin na reaper
mabuti na lang at agad ko 'tong nadali sa leeg. Hindi na nagawa ng reaper na
makagwa ng ingay. Bitbit ang katawan ng reaper ay dumaan ako ulit sa bintana bitbit
na parang sako ang reaper at agad ko 'tong isinara.

Nagtago ako sa balkonahe na siyang bubungad kung bubuksan ang buong bintana.

"Tang'na na lang talaga kung pati ang balkonahe ay titingnan ng dalawang katulong."

At tila nagdilang sa demonya ata ako dahil akmang

bubuksan na ang buog bintana kaya agad kong pinagana ang sixth sense. Wala namang
reapers sa paligid. Tiningnan ko ang oras, mag-iisang oras na'ko sa loob ng
mansion. Kasabay ng unti-unting pagbukas ng malaking bintana ay ang pagtalon ko sa
balkonahe.

"Wala naman ah."

"Pasensya na Anya akala ko lang kasi talaga."

"Naglalakad ka kasi ng tulog, nananaginip ka na tuloy ng gising."


"Oo na, 'di na mauulit."

Kasabay ng mga papalayong yabag ay ang pagsara ng malaking bintana. At matakan nga
namang ni-lock pa nila! Nang makasiguradong malayo na ang dalawa ay hinagis ko ang
katawan ng reaper pabalik sa balkonahe saka ako sumunod. Nangangalay ang kaliwa
kong kamay, kasi naman, nang tumalon ako sa balkonahe ay hindi ako tumalon sa baba
sa halip ay ikinawit ko ang kanang kamay ko sa gilid ng balkonahe dahil hawak ko sa
kaliwang kamay ang katawan ng reaper. Natabunan naman ng vase ang kamay ko kaya
hindi napansin ng mga katulong at mabuti na lang na hindi sila tumingin sa ibaba ng
balkonahe.

Ngayon ay hindi na ako makakadaan sa bintana na okay lang din naman dahil hindi ko
naman magagamit ang hagdan sa common hallway.

May Jacuzzi sa ibaba, may wiring pipe sa taas at may patay na reaper akong bitbit.
I can come up with a plan thru this.

Lilith's Point of View

Maya't-maya kung tingnan naming ni Hades ang orasan namin. Malaki ang tiwala namin
na mapagtatagumpayan ni Nightwind ang mission niya 'yon nga lang ay nag-aalala ako
sa kalungkutang sinasalamin ng mga mata niya.

Kaya gano'n na lang ang paglingon ko nang sa wakas ay tumunog ang signal. Ang
pagkabahala sa mukha ko ay unti-unting napapalitan ng ngisi.

Nilingon ko ang aking asawa na kanina pa pala nakatingin sa akin, "You ready for
some rollin', hon?"

"Of course, whoever takes the most life win."

"And whoever wins today got the chance to be the master of bed." Mapang-akit kong
saad sabay kindat sa ngising aso kong asawa. Ooh, guess someone is hard down under.
Napatawa ako sa isip.

Nilingon ko ang nakahanda nang sumugod na mga kasama namin.

"Kill and avoid getting killed." This will be so much fun.


TBC...

=================

Unmasked 56

Author's Survey:

Anong gender niyo?

Note:

Sa mga nag-aadd sa akin sa facebook, message request me muna guys nang ma accept ko
kayo. At good news para sa akin na over 300 plus na ang FB group members ng "
IceFontana18 Stories ". Great admins and members there. Thank you rin for over 500+
likes sa page na "IceFontana18". Ang cool niyong lahat readers <3

ACE

-----------------------------------------------------------------------------------

Zen's Point of View

It's gonna be me with Kiel versus Alexander and Ciel. Ironic I know. Minsan sa
buhay ko ay naging espesyal din si Ciel sa'kin lalong lalo na si Alexander. Silang
dalawa.
Funny how you could trust a person with your life, my mistake. Hindi ko alam kung
bakit niya 'to ginagawa. Ang dami kong tanong kay Alexander. I even treated him as
a brother. Nag-alaga na pala ako ng ahas nang hindi ko alam.

Kay Ciel naman, alam kong unfair sa kanya ang tadhana, kung meron man nito. Oo at
alam kong minahal niya ako pero kung dadayain ko ang sarili ko at piliin siya keysa
kay Kiel alam kong pareho lang kaming masasaktan sa huli. Hindi nga kami ang
nasaktan dahil siya lang ang nasaktan noon. Alam kong paghuhugas kamay ang ginagawa
ko, hindi kasi ako ang nasa pwesto ni Ciel. Hindi ako ang sumalo sa bala, hindi ako
ang naratay ng ilang taon at hindi ako ang naggising na iba na ang mahal ng taong
aking minamahal. Siya 'yon. At guilty ako do'n pero hindi pa ba sapat

na buong puso kong tinanggap ang parusa niya sa akin. Can't he find it in his heart
to forgive me? O maski si Kiel na lang na ang tanging pagkakamali ay nagmahal sa
kalaban.

Two years ago, I thought I was doing the 'ultimate sacrifice' for everyone.
Madaling isipin na ginawa ko ang pagpapakamatay na 'yon para kay Kiel lang, ang
totoo ay parte lamang si Kiel sa mismong rason. Iniwan ko sila sa panahong
kailangan nila ako, ang Phoenix. Akala ko ay titigil na si Ciel pero mas sinulsulan
lang siya ni Alexander at ng ama ng kambal. Akala ko na ang kamatayan ko ay
magliligtas ng marami, hindi pala. 'Yon pala ay mas nakasama pa dahil hindi na sila
nakontento. Akala ko kasi, pagwala na ako ay mawawala rin ang galit ni Ciel.
Ikinulong ko kasi ang sarili ko sa teoryang 'ako ang simula, ako din ang
magwawakas'. Pero ano ang nangyari? Maraming nawala. Lahat ng mahalaga sa'kin ay
nawala.

Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Ang lugar na saksi ng daan-daang taong
pagdanak ng dugo. Tanging ang nakakabinging katahimikan at hanging mula sa wind
mills ang magiging saksi sa maituturing madugong labanan. Katabi ko si Kiel na
hawak-hawak ang aking kaliwang kamay. Ilang metro mula sa amin ay ang dalawang
iniisip ko kanina. Mata sa mata. Dugo sa dugo. Buhay sa buhay.

"Yo bro!" Bati ni Ciel sa kakamba na parang magkabati sila. Tinanguan naman ito ng
huli.

"Ang stiff mo bro, nahawa ka na ba sa katabi mo?"

"Silence." Saway ni Kiel kay Ciel na ikinataas lang ng kilay ni Ciel. Palihim kong
sinulyapan si Kiel, hindi man niya sabihin ay alam kong nasasaktan siya.

Eh

nasasaktan nga rin ako, partido pang hindi ko kadugo ang dalawang makakalaban
namin. Si Kiel pa kaya na iisa lang ang pinagmulan? Hindi niya lang pinapakita sa
akin. Typical Kiel, parang si Baymax, malaki man sa paningin ng lahat ay malambot
talaga.
"Kumusta ka na Alexander?" Diritso sa matang tiningnan ko siya na sinalubong niya
naman.

"Heto, excited. Ano kaya ang ibabansag nila sa'kin pagnatalo kita? Underworld God?"
May panunuya ang boses niya na inignora ko lamang. I intend to fight using my
skills not with my mouth. Ginagawa lamang 'yan ng mga talunan at takot. Napangisi
ako dahil sa takbo ng isip ko kaya nagsalubong ang mga kilay ni Alexander.

Napansin naman ata ni Ciel ang nangyari kaya ako naman ang binalingan niya.

"So sister-in-law, napag-isip isip mo ba na hindi mo na ako papayagang


pagsasaksakin ang katawan mo na parang baboy?"

"You bastard!" Galit at akmang susugurin siya ni Kiel pero mariin kong hinawakan
ang kamay niyang hawak-hawak ang kaliwa kong kamay.

Ginagamitan kami ng psychological technique ng dalawa. They both want us to have an


emotion like a raging storm far from calmness to stop us from thinking straight.
How sly. Kung noon siguro na dinadala ako ng aking emosyon ay baka magtagumpay sila
sa ginagawa nila pero ngayon; sinlamig ng North pole ang nararamdaman ng puso ko
ngayon.

"Things won't happen the same way twice." Makahulugang saad ko sa kanila. Ipinikit
ko sandali ang aking mga mata at sa pagbukas nito ay nakita nila ang nag-iisang
Crimson eyes ko na nasa kaliwa kong mata. Hinugot ko na rin ang Enraiha mula sa
sakuban nito. Mula sa pormang Saiha ay ginawa ko 'tong Taha.

Nilingon ko si Kiel na may hawak na ring sandata. Walang barilang magaganap.


Napagkasunduan naming apat na maglalabanlaban kami gamit ang sinaunang estilo. Mas
morbid kasi kung katana o kahit anong blades ang gamitin keysa sa baril. Mas
maraming dugo ang hinahanap namin.

Nag-iisa na rin ang Serpent's eyes ni Kiel na nasa kanan niyang mata.

"Maniningil na kami sa mga kasalanan niyo." Saad ni Kiel.

"Kasama na pati interes," dugtong ko.

Kalahating porsyento ang lakas naming bilang indibidwal pero pag pinagsama ay
isandaang porsyento kami.
Tumakbo na papunta sa amin sina Alexander at Ciel. Sinalubong naman din namin sila
ng takbo.

I am one with Kiel thru our hearts, our souls, our body and our swords.

TBC...

=================

Unmasked 57

A/n:

Next update will be tomorrow :)

ACE

_____________________________________

Third Person's Point of View

Grim and Sin's Area (Southwestern Part of the Realm City)

Mission: Secured the backup Yakuza of Loong's

3:00 PM

Eksaktong pagdaan ng mga yakuza ay may isang bala na nagmumula sa taas na tumama sa
noon g isang kalbong yakuza. Napatawa ng mahina si Grim dahil sapul na sapul ang
noo ng leader mga yakuza. Binigyan niya ang nakatokang mga snipers ng isang 'thumbs
up sign' mula sa pwesto niya na alam niyang nakita ng mga snipers. Napailing naman
si Sin sa kalokohan ni Grim.

Kasabay nang pagbagsak ng kanilang lider ay biglang nagkagulo ang mga yakuza at
pinaikutan bilang proteksyon ang pangalawang lider nila. Pero bago pa bumunot ng
mga baril ang mga ito ay umulan na ng mga bala mula sa mga snipers.

Mula sa kakahuyan ay lumabas ang mga Mafioso na sinundan ng mga gangsters.


Nangunguna sa mga kanya-kanyang pangkat sina Sin at Grim na pawing may mga katana.
Katana at hindi baril dahil gusto nilang ipabatid sa mga yakuza ang layunin nilang
makipaglaban gamit ang sinaunang sandata. Kung hindi man pumayag ang kalaban ay may
mga snipers naman na handing tumapos sa mga kalaban. 'Yon nga lang may tsansang
hindi magtagumpay ang grupo nila ni Death Stalker, Lucifer at Belial.

"We fight thru our swords. Will you accept it? "

"You decline, you die without fighting."

Mata sa mata ang pagtatanong ni Sin sa pangalwang lider ng kalaban. Dinagdagan


naman ito ni Grim ng pagbabanta.

Bilang tugon naman ay inihulog ng lider ang kanyang baril sa lupa na agad namang
sinunod ng kanyang mga kasama. Kumpirmasyon sa tanong ang ibig sabihin nito para
kina Sin at Grim.

Nagkanya-kanya ng bunot ang mga kalaban man o kakampi ng mga katana. Mga katanang
iba't-ibang lapad, disenyo, at taas pero may iisang gamit lang; ang magwakas ng
buhay.

Magkasabay na tumakbo upang magpang-abot ang dalawang panig. At sa pagkakatagpo ng


mga talim ng mga katana ay ang umpisa ng pagbaha ng dugo.

Tigtatluhan o tiglimahan ang kinakalaban ng bawat isang kakampi dahil sa dami ng


yakuza.

May isang gangster na nakikipaglaban ng tatlong yakuza pero may nagtapon ng isang
katana sa kanya mula sa malayo. Nakaharap man ay hindi niya ito nailagan dahil
okupado siya sa pagdepensa mula sa tatlong kalaban. Sapul sa dibdib ang gangster na
kahit duguan na ang bibig ay nagawa paring ikumpas ang kamay na may hawak ng katana
upang mapatay ang isang yakuza na nasa harapan niya. Bago siya bumagsak ay sinaksak
siya ulit ng dalawa.

Nasaksihan ni Grim ang nangyari kaya mabilis niyang tinapos ang limang kalaban at
tinalon ang distansya mula sa yakuzang nagtapon ng katana kanina. Eksaktong
nalampasan niya ang yakuza ay bumagsak naman ang ulo nito habang naiwan nakatayo
ang katawan.

Mas sanay naman sa patayan ang mga Mafioso kaya hindi sila nahihirapan maliban na
lamang kung pinagtutulungan na sila ng lima at mahigit pang mga yakuza.

Hindi naman kasi parang tambay sa kanto ang mga yakuza, sinanay din ang mga ito sa
pakikipaglaban.

Isang Mafioso ang nasugatan sa binti mula sa pakikipaglaban ng limang

yakuza. Katatapos pa lamang ng lima ay may dumating na namang lima. Wala sanang
problema kung hindi siya sugatan kaso nang umatake na ang lima nasugatan na naman
siya hanggang sa leeg na niya mismo ang pinuntirya.

Hindi naman magawang tumulong ng snipers dahil may utos sila na magpapaputok lang
kung may senyales na ibinigay ng kahit sino nina Grim o Sin. Ang Cleanup Shootout
kung saan open fire ang lahat at maaaring matamaan pati kasama nila. Ang layunin
kasi ng shootout na'to ay linisin ang kalaban.

4:30 PM

Dugo dito, talsik laman doon. Putol dito, tusok doon. Isang senaryong hahalukay sa
sikmura mo. May ibang naliligo na sa dugo; may dugo nila mismo at may dugo ng
kalaban.

Magkaharap sa iba't ibang direksyon habang magkadikit ang mga likuran nila Grim at
Sin. Tagaktak ang mga pawis at tumataas baba ang kanilang mga dibdib. Pinapalibutan
sila ng humigit kumulang dalawangpong yakuza.

"Hanep! Kapagod pala 'to. Pinakyaw ko na yata ang pang isang taong exercise."

Napangisi lang si Sin sa tinuran na biro ni Grim. "Remind me to knock out any sense
of my sister if she dare to proclaim a war again."

Umismid lang si Grim sa pag eenglish ni Sin. "Yeah, yeah."

Binilang nila sa isip ang segundo at nang isang metro na lamang ang layo nilang
dalawa sa kalaban ay mabilis nilang inadjust ang paghawak sa katana. Yumuko si Sin
sabay slide paikot at tumalon naman si Grim at bwelo ng paikot na reverse sa ikot
ni Sin. Pinatamaan ni Sin ang mga tuhod ng mga unang sumugod saka inatake. Ang sa
likuran naman ang pinuntirya ni Grim sa mga leeg ng kalaban.

Akmang mag hahigh

five sila nang mapansing dehado ang iba nilang kakampi sa dami ng kalaban. Pagod o
sugatan, 'yan ang mga mukhang nakikita nilang dalawa sa kanilang mga kakampi.
Masasabing kadalasang mga patay ay yakuza ay halos hindi naman halata sa dami nila.

"Ano? Gagawin ba natin?"

"What choice do we have. Mission over life."

Tumango naman si Grim at ginamit ang shell na hudyat para sa mga snipers. Sa
kabilang banda naman ay saglit na natigilan ang mga snipers lalo na at lahat ng
kakampi nila ay nasa field pa lalo na ang mga lider nila. Pero nasa punto na sila
ng walang urungan.

"Fire!"

Death Stalker, Lucifer, and Belial's Area (Northwestern part of the Realm City)

Mission: Assassinate the troop without causing ruckus

4:15 PM

Gaya ng napagplanuhan nila ay habang gulat ang mga kalaban sa nasaksihan mula sa
heneral ay sinamantala nila ito upang atakihin ang mga ito. Nang makuha na nila ang
atensyon ng mga ito ay sila naman ang hinarap.

Hindi paman humahakbang mula sa kanilang pwesto sina Death Stalker at Belial ay
umula na ng mga bala mula sa mga snipers. May matalinong kalaban namang pilit na
gumagapang nang hindi matamaan ng bala at tinutunton ang heneral na hanggang ngayon
ay suot pa rin ang horn.

Huminto ang pag-atake ng mga snipers para magreload kaya umatake na sina Death
Stalker at Belial.

Para namang sinaniban si Death Stalker, mabilis at malakas ang kumbinasyon ng pag-
atake niya kaya tripling pinsala naman ang natatanggap ng mga kalaban.

Nakakabilib naman ang aikido ni Belial na mula umpisa ay marami nang natalong
kalaban

pero miisang sugat ay wala pa siya.

Mga tunog ng mga nagbabanggaang kamao, tadyak, talsik ng dugo at pagkapunit ng


laman ang maririnig. Walang ingay ang nagmumula sa mga riffles ng mga kakampi.
'Yong mga kalaban naman na magtatangkang magpapaputok ay inuunahan na ng mga bala
ng mga snipers na naka pwesto lang sa may bangin kung saan kitang kita ang lahat.

4:45 PM

Nagpatuloy ang labanan at unti-unti ng lumiliit ang pwersa ng kalaban. Amoy na amoy
na nina Belial at Death Stalker ang panalo sa misyong 'yon nang biglang may nagtaas
ng horn mula sa kamay ng kalaban na ikinahinto ng dalawang lider.

Nightwind, Hades and Lilith's Area (Central part of the Realm City, Western
section)

Mission: Infiltrate the Loong mansion's armory

4:15 PM

"Hindi ko akalaing maggagawa ko ito." Hirap na hirap si Nightwind na pagkasyahin


ang sarili niya sa masikip na wiring pipe habang gumagapang. Nasa loob siya ng
kisame dahil doon lang niya kayang dumaan ng walang makakapansin sa kanyang maid o
reaper. Madungis na rin ang mukha niya dahil sa alikabok at pinipigilan lang niya
ang sarili niyang makagawa ng ingay dahil papalapit na siya sa mismong armory area
ng mansion na lungga na ata ng mga reapers.

Sikip na sikip man ay pinilit niyang mailusot ang kamay na may relos upang tingnan
ang oras na nalalabi.

"Oops! Kailangang magmadali." Pabulong niyang saad sa sarili.

Iniiwasan din niya ang mga live wires sa paggapang upang hindi siya matosta ng
buhay sa loob ng wiring pipe. Nang may madaanan siyang maliit na butas. Nasilip
niyang pababa na ang pipe sa basement. Gumapang pa siya hanggang sa magslide ang
katawan niya dahil sa pwesto na pababa ng wiring pipe. Lumikha naman ito ng tunog
na ikinapikit ni Nightwind.

"Patay." Napigil ni Nightwind ang paghinga nang sa aktong mabubuking na siya.

"Narinig mo 'yon?" May nagsalita sa baba lang ng wiring pipe.

"Grabe naman 'yang pandinig mo Luke."

"Huwag mong sabihing hindi mo narinig?"

"Narinig syempre."
"Oh narinig mo naman pala."

"Akala ko ako lang nakarinig nun ."

"Ano ang akala mo sa'kin Dex bingi?"

"Chill out Luke! Hindi sa gano;n pero hininaan ko 'yon eh."

"Ikaw may gawa ng ingay?"

"Malamang eh ako ang umutot eh."

Biglang may narinig na kalabog si Nightwind pero hindi na niya alintana 'yon dahil
hindi naman siya nabisto ng mga kalaban. Maliksi siyang gumapang upang makalayo
siya sa nagbabangayang reapers.

Gamit ang karayom ay gumawa ng butas si Nightwind upang makita niya kung nasaan na
siya at ng makita niya kung nasaan ang Ventilation system ng armory. Nang hindi pa
sapat ang butas ay pinalaki niya pa ito.

Nagsuot na si Nightwind ng maskara. Inilabas na rin niya ang spray ng kemikal. Ang
kailangan na lang niya ay ang ventilation system.

"Asan nab a 'yong putsang aircon na 'yon?"

Napatingin ulit siya sa relo niya. Malapit nang maubos ang oras niya.

"I'll be damned."

TBC...

=================

Unmasked 57.5
A/n:

Sorry at late na update. Very short update yet this is the turning point of the
story.

ACE

_____________________________________________________

Third Person's Point of View

Predator's Lane, Central part of the Realm City

Mission: To divert Alexander and Ciel's attention

4:20 PM

Nagkatagpo ang dalawang partido na parang sing bilis ng kidlat kung magpalitan ng
mga atake. Si Alexander laban kay Zen at si Ciel laban kay Kiel. Malapit nang mag-
agaw ang liwanag at dilim sa buong Realm city pero hindi nito nababawasan ang
intensidad ng labanan.

Anyong Taha ang Enraiha ng Underworld Goddess. Ibinalik ni Zen ang Taha sa orihinal
na anyo ng Enraiha at ginawa agad itong Shukkin. Magkasabay na tumatakbo ang
magkalaban habang panakanakang umaatake sa isa't-isa. Nang maggawa ang Shukkin ay
mabilis na inatake ni Zen si Alexander pero mabilis din na nakalayo ito at
napagulong sa unahan ni Zen. Nang makabawi ay sabay na itinapon ng pa-ekis ni
Alexander ang kanyang mga sandata nang tumakbo papunta sa kanya si Zen upang
umatake.

Pasalubong man kay Zen ang mga espada ng kalaban ay hindi siya umilag. Mas
binilisan niya ang pagtakbo at nang eksaktong nakasalubong niya ang mga sandata ay
mabilis siya nag slide sa lupa. Sa ginawa niya ilang inches lang ang layo ng mga
sandata sa leeg ni Zen. Hinambalos ni Zen ng Shukkin ang kalaban. Tumalsik naman
pabalik si Alexander pero bago tuluyang napalayo si Alexander ay nag-iwan muna ito
ng isang roundhouse kick kay Zen na sa tiyan tumama. Tumalsik din si Zen

sa kabilang direksyon. Sa katawan ng dalawang puno lumusot si Alexander at sa


sementong dingding naman lumusot si Zen. Ang dingding ng Predator's lane.

Mula sa dating pwesto ay umabot ang kanilang labanan sa Predator's Lane na isang
kilometro na lamang ang layo mula sa mga mamamayan ng Realm city.

Tumalon si Zen upang makipagsalubong ng atake kay Alexander sa ere. Sa pagitan ng


isang segundo ay inihataw niya ulit ang kagagawa pa lamang na Taha mula sa Shukkin
upang masalubong lang ni Alexander ng isang espada. Upang manatili sa ere ay
bumalik siya sa pagkaka-apak sa lupa at agad na bumwelo nang makatalon ulit siya.
Ganun din ang ginawa ni Alexander at nagpatuloy ang labanan nila.

Si Kiel naman ay pinapantayan ang bilis at mga surpresang atake ni Ciel. Hindi
halatang nakatulog ng ilang taon si Ciel dahil tila mas lumakas ito sa ngayon.
Hindi tulad nina Alexander at Zen ay hindi masyadong naglalaban sa ere sina Ciel at
Kiel. Tagisan ng abilidad kung sino ang mas mahusay dumala ng espada. Lakas laban
sa lakas. Bilis laban sa bilis. Talino laban sa talino. Espada laban sa espada.

Na corner ni Kiel si Ciel at sakal-sakal ni Kiel ang nakasandal sa puno na katawan


ni Ciel. Tinutukan naman ni Kiel ang leeg ng kanyang kakambal nang hindi pa rin ito
magbaba ng espada bilang tanda ng pagsuko.

"Just give up, brother."

"Never."Patuyang sagot ni Ciel kaya mas hinigpitan ni Kiel ang pagkakasakal sa


kakambal.

"Talo ka na. Wala na sa'yo ang Angel's eyes."

"Says who?"

Naguluhan si Kiel nang biglang pumikit si Ciel at dumilat. Tutok na tutok kay Kiel
ang kulay asul na mga mata ng kakambal.

Isang matinis na sigaw ni Zen ang narinig sa buong Predator's Lane.

Nightwind, Hades and Lilith's Area (Central part of the Realm City, Western
section)

Mission: Infiltrate the Loong mansion's armory

4:47 PM

210 degrees mula sa kinaroroonan niya ay nandoon ang aircon. Mahirap masyado ang
pwesto niya.

'Wala ng oras!' sigaw ni Nightwind sa kanyang isipan.

Kaya ginawa niya ang isang planong maaari siyang mapahamak kung kaya't hangga't
maaari ay iniiwasan niya magawa kanina. Binuksan niya ang bote ng kemikal at
isinawsaw ang mga karayom niya na nasa two inches ang haba.

Gamit ang bibig ay itinira niya isa-isa ang mga karayom sa bukana ng aircon. Walang
baho ang kemikal pero siniguro ni Siren na epektibo ito kahit buksan lang kaya
pinagdala siya talaga nito ng mask na sinuot niya matapos niyang tumira kanina.
Wala rin palang gamit.

Ang mga hinaing ng mga reapers ang huli niyang narinig bago magdilim ang kanyang
paligid.

"Carol."
TBC...

=================

Unmasked 58

A/n:

Two last chapters and one epilogue na lang Ice'ians. :) Malapit na ang book 3 <3

ACE

------------------------------------------------------------------------

Third Person's Point of View

Dark Phoenix, Secondus and Demon's Area (Central part of the Realm city, Eastern
section)

Mission: Immediate Response, safety of the people, Medics

4:30 PM

Napapalunok ang mga reapers maski ang mga Mafioso tuwing nasusulyapan nila ang
sandata ni Dark Phoenix. Napakabrutal tingnan nito at nasisiguro nilang sino man
ang matamaan nito ay mapupulbos. Hindi naman sila pinapansin ni Dark Phoenix na
nakatayo sa tent at nakatingin lang sa labas na tila may hinihintay. Naglalaro ng
chess sina Secondus at Demon. Naisin man nilang sumali ay may misyon naman sila at
'yon ay ang maghintay na may humingi ng tulong.

Hindi naman maiwasang mag-alala ni Dark Phoenix na ayaw nang mangyari ang nangyari
noon. Hindi man niya sinasabi at ipinapakita ay sinisisi niya ang sarili kung bakit
namatay si Sprite.

"Oh man! Panglimang talo ko na'to." Reklamo ni Demon sa kalabang tahimik lang.
Napalingun naman si Dark Phoenix sa dalawa.

Inalok naman siya na sumali ni Secondus. "What? Wanna join?"

"Hindi na." Ibinalik na niya ang kanyang tingin sa labas at pina-alerto ang lahat
ng senses niya. Ayaw niyang may makalagpas na tunog.

4:40 PM

Tumunog ang signal na ikina-alerto ng lahat at ikinatayo ng dalawang naglalaro.


Linapitan siya ng mga ito at tiningnan ang hawak niyang compass na itinuturo

ang direksyong South West.

"Ang lugar nila Grim at Sin," pagbibigay alam niya sa dalawa. Matapos tumango ay
mabilis na lumapit upang manduhan ang mga sasama sa response team.

"Demon, Secondus, ako ang pupunta. Dito lang kayo at baka tumawag din ang iba ng
response team."

Hindi pa man sinabi ni Dark Phoenix ay nahuhulaan na nilang dalawa na sasabihin nga
ito ni Dark Phoenix.

Tinapik ni Demon sa balikat si Dark Phoenix habang binigyan naman ito ni Secondus
ng tango.

Humarap si Dark Phoenix sa mga sasama sa kanya.

"Alright team! Let's go and help our comrades. Are you with me?" Pasigaw na tanong
nito sa limampung Mafioso at limampung reapers.

Isang sabay na pagsang-ayon ang sagot ng mga ito.

Death Stalker, Lucifer, and Belial's Area (Northwestern part of the Realm City)

Mission: Assassinate the troop without causing ruckus

4:46 PM

Napahinto sina Death Stalker at Belial sa ginagawa. Napatigil din ang putukan.

"Wag kayong puputok at lumayo kayo sa mga sandata niyo kundi hihipan ko 'to!" Banta
ng kalaban na kahit sugatan ay hawak pa rin ang alas.

Ramdam na ramdam nila ang bawat patak ng pawis sa kanilang katawan. Napakakapal ng
tensyon at tila rinig na rinig ng lahat ang tibok ng puso ni Death Stalker na
parang minamarathon ng kabayo sa bilis.

Umuulan naman ng masasamang salita sa isip ni Lucifer. Napilitan siyang ipahinto


ang putukan dahil aminin man nila o hindi ay dehado sila ngayon sa laban.

Tila hayop naman na napatawa ang yakuzang may hawak ng horn habang dilat na

dilat ang mga mata nito at duguan ang katawan.

Puputol-putol siyang nagsalita habang tumatawa. "Mga bobo kasi kayo! Akala niyo
kayo na ang panalo? Mga hangal!"
Kulang na lang ay gumulong ito sa kakatawa. Iritang irita na silang lahat habang
naghahanap ng tyemo si Lucifer na makalapit sa baril niya. Sinamantala naman ito ng
mga kalaban dahil pinagsasasaksak sila ng mga ito ng mga walang kalaban laban.

Pero huli na ata ang lahat dahil akmang hihipan na ng yakuza ang horn nang imbis
tunog ang lumabas ay maraming dugo ang lumabas sa horn. Napahinto at nahihintakutan
naman ang mga yakuza sa nasaksihan.

Nabitawan ng yakuza ang horn at tumambad sa kanilang lahat ang mukha ng yakuza. May
mga dugong lumalabas sa mga mata nito pero ang mas nakakapanindig balahibo ay ang
kamay na nakatusok sa ulo ng yakuza. Kitang kita ang mga kuko na tumusok sa ilong
at bibig ng yakuza.

"What the fuck." Bulong ni Lucifer sa sarili. Bumagsak naman ang katawan ng yakuza
sa lupa at tumambad ang tao sa likod ng pag-atake.

"Tama ang sinabi ng yakuza Death stalker, bobo ka nga."

"Siren!" Hindi na inisip ni Death Stalker ang insulting ipinukol ni Siren sa kanya
dahil naligtas ang misyon nila dahil dito. Tinapakan naman ni Siren ang horn na
ikinapisa nito.

Grim and Sin's Area (Southwestern Part of the Realm City)

Mission: Secured the backup Yakuza of Loong's

4:37 PM

Dalawang bala na ang tumama sa katawan ni Grim pero hindi ito nahahalata dahil
hindi bumabagal o humihina ang kanyang depense at atake. Ganito rin si Sin na kahit
may mga mahahabang hiwa

na sa balikat at likod ay patuloy pa rin sa pakikipaglaban. Ang mga snipers naman


ay ginagawa ang lahat upang hindi matamaan ang kanilang mga kasama kahit mahirap.

Naghahalo na ang dugo at pawis nilang dalawa. Doble ang hirap naman ng mga
kasamahan nila na kahit marami nang sugat ay patuloy pa ring nakikipaglaban kahit
umuulan ng mga bala.

Nang biglang huminto ang mga pag-ulan ng mga bala.

"What happened?"

"Malay ko."

"Maybe they're just reloading the guns."

Isang kibit balikat ang sagot ni Grim kay Sin. Akmang susugod na sila nang
mapalibutan sila ng mga kalaban.

Nasa ganito silang sitwasyon nang biglang may kung anong bagay ang nagmumula sa
gubat. Nababali ang mga kahoy na dinadaanan ng kung ano hanngang sa nahagip nito
ang mga taong nakapalibot kina Grim at Sin na nakaligtas dahil nakayuko ang mga ito
nang tatama na sana ito sa kanila.

"Bakit ngayon ka lang bro," biro ni Grim.

Lumitaw mula sa madilim na gubat ang imahe ni Dark Phoenix. Nilampasan sila nito na
pinulot ang dambuhalang sandata.
"Dami mong satsat."

Halos sabay na lumitaw ang response team mula sa gubat.

Nightwind, Hades and Lilith's Area (Central part of the Realm City, Western
section)

Mission: Infiltrate the Loong mansion's armory

4:50 PM

Sampung minuto na lang at mauubos na ang oras ni Nightwind sa loob. Parang inahin
na hindi mapakali si Lilith sa tabi ng kanyang asawang si Hades. Magkatabi nilang
inoobserbahan ang mansyon mula sa malayo gamit ang binoculars.

Nang

may napansin silang komosyon. Unang nagsilabasan ang mga katulong na tabon tabon
ang kanilang mga ilong. May pumapasok namang mga reapers. Ilang minuto pa ay may
mga lumalabas na may dalang reapers na nawalan ng malay. May mga gustong bumalik
pero may mga pumipigil na reapers din sa mga ito na tila wala ng magagawa sila.

Nagkatinginan ang mag-asawa. Tagumpay si Nightwind. May sinenyas si Hades sa mga


kasamahan ng bigla siyang kalabitin ni Lilith.

"Bakit hindi pa siya bumabalik?"

"Isuot mo ang mask, aatake na tayo."

Pinaulanan nila ng mga bala n silencer ang mansyon. Ang mga katulong at mga reapers
na nasa labas ay madaling napatay. Nakasuot ng mask na pumasok sila. Dala-dala ni
Lilith ang kopya ng blueprint habang nasa unahan niya ang asawang pinoprotektahan
siya. Hindi lumalaban si Lilith dahil iisa lang ang layunin niya, ang hanapin si
Nightwind.

Natunton nila ang bukana ng armory. Malayo pa man ay makapal ang puting usok na
nagmumula doon. Nagkalat din ang mga patay na reapers sa paligid.

"Dito ka lang masyadong delikado sa loob."

"Shut up Hades. I didn't come here to be useless."

Mas nauna pang pumasok si Lilith sa armory.

"Nightwind!" Paulit ulit na tinatawag ni Lilith si Nightwind pati si Hades ay


nakitawag na rin pero walang sumagot. Wala rin sa loob si Nightwind hanggang sa may
napansin si Hades.

Ang karayom ni Nightwind.

"Ano 'yan?"
"Karayom 'to ni Nightwind kaya nasisiguro kong andito lang siya."

"Teka kung nadyan ang aircon at tinira ni Nightwind ng karayom ito. Ibig sabihin
malayo sa aircon si Nightwind."

Tiningnan ni Hades ang anggulo ng karayom dahilan upang mapatingin siya sa wiring
pipe ng armory. Upang makumpirma ay binato ng baril ni Hades ang wiring pipe. Nang
hindi ito pumiko ay mabilis siyang nag-utos na buksan ito.

"Nightwind!" Bulalas ni Lilith nang bumagsak ang katawan ni Nightwind sa sahig.


Agad naman itong binuhat ni Hades palabas ng mansyon.

Pagtanggal nila sa mask nito ay tumambad ang namumuting mukha ni Nightwind.

Nag echo sa paligid ang signal na hinipan ni Lilith.

TBC.....

=================

Unmasked 59

Nightwind's Point of View

Eh? Nasa'n ako? Mausok ang paligid nang idilit ko ang aking mga mata. Wala namang
masakit sa katawan ko kaya madali lang sa'kin ang pagbangon. Nang tuluyan na akong
nakatayo ay do'n ko nakumpirmang wala ngang tao maski isa sa paligid. Hindi ko rin
matukoy kung nasaan ako dahil na rin sa kapal ng usok.

"Leader! Siren!" tawag ko sa mga kasamahan ko pero wala miisang sumagot. Inihakbang
ko ang aking mga paa kahit walang eksaktong direksyon na nasa isipan.

Nang mapagod ay umupo ako saglit at tinawag ulit sila. "Grim! Death Stalker! Dark
Phoenix!"

Pero tulad kanina ay wala pa ring sumagot. Hay, asan na ba 'tong mga taong 'to.
Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad nang may naaninag akong anino na
pinapalibutan ng usok.

Napatakbo ako papunta sa imahe nang biglang naglakad ito ng mabilis palayo sa'kin.

"Teka lang!" mas binilisan ko ang pagtakbo upang mapahinto lamang.

Ang imaheng kanina ay binabalot ng usok ay huminto na at unti-unti kong naaaninag


ang isang imaheng kailan man ay hindi ko makakalimutan. Nakatalikod man ay tandang
tanda ko ang tindig niya at ang buhok niyang tila kay sarap hawakan.

Kumabog bigla ang puso ko. Kasiyahan o kalungkutan? Hindi ko alam.

"Carol," tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon. Parang bulong na saad ko na
alam kong narinig niya dahil kami lang ang andito.

Kasiyahan dahil heto siya, ang taong miss na miss ko na, nasa harapan ko. Gusto ko
siyang mayakap ulit. Mahagkan ulit. Gusto kong paulit ulit na ibulong ang salitang
'mahal kita' sa kanya.

Kalungkutan dahil

alam kong produkto lang siya ng isip ko. Dahil kahit nasa harap ko siya ay tila kay
layo nga niya sa akin. Dahil alam kong hindi ko mabubulong sa kanya na mahal na
mahal ko siya.

"Carol," ulit ko. Hindi ko napigilan at biglang nagcrack na lamang ang boses ko
dahil sa pigil na pag-iyak. "Harapin mo naman ako oh kahit ngayon lang," pakiusap
ko sa kanya.

Unti-unti siyang lumingon sa akin. Tulad ko ay umiiyak din siya, tahimik na umiiyak
kahit na nakangiti.

"Kumusta ka na, boyfriend?"

Hindi ko na kinaya. Naglakad ako papunta sa kanya.

"D'yan ka lang!" matigas ang boses ni Carol pero may sakit na kitang kita ko sa
kanyang mga mata. Umiiling na nagpatuloy ako sa paglalakbay.

"Ayoko! Gusto kitang mayakap! Gusto kitang makasama ulit! Please Carol wag naman
ganito oh."

"D'yan ka lang sabi e! Paghindi ko tumigil, aalis ako!" Kulang sa galit ang boses
niya pero alam kong seryoso siya kaya huminto ako nang isang metro na lang ang layo
niya sa akin.
"Miss na miss na kita, Carol." nakakuyom ang aking mga kamao upang mapigil ang
aking sarili na ikulong siya sa yakap ko. Nakatawa man ang aming mga mata ay
umaagos naman mula rito ang mga luha ng saya at lungkot.

"Hindi kita namiss."

Napangiti ako ng malungkot sa sagot niya nang nagsalita ulit siya. "Kasi palagi
naman akong nasa tabi mo. Ang namiss ko ay ang mga panahong magkasama tayo, 'yong
nahahawakan kita. 'Yong nasasapak kita pag sinusumong ako. 'Yong biglaan kang
bumubulong ng mga corny jokes mo. Miss na miss ko na 'yon."

Parang batang umiiyak sa harap ko si Carol kaya hindi ko na napigil ang sarili kong

lapitan siya upang mayakap. Nang maglalapat na sana ang mga katawan namin ay
tumagos lang ako sa kanya.

Nakaluhod na nakatalikod ako sa kanya. "Sabi ko naman sa'yo boyfriend e. 'Wag mo


kong lalapitan. Mas masasaktan lang tayo."

Hindi ko magawag lumingon sa kanya. Nakaluhod at nakayukong nagpatuloy ang pag-agos


ng mga luha ko.

Tama, patay na siya. Isa lang siyang produkto ng aking pagnanasang makita ulit
siya.

"Hindi ako imahenasyon mo, boyfriend. Nakaka ouch ka ng feelings ha. Nandito ako
upang ibalik ka." Biglang nasa harap ko na si Carol at nakaluhod din sa harap ko.

"Sinasaktan mo lang ako, Carol."

Nagulat siya sa sinabi ko pero mabilis siyang ngumiti ulit.

"Bumalik ka na, boyfriend. Hindi mo pa oras. Marami pang dapat mangyari sa'yo."

"Hindi! Hindi ako aalis sa tabi!"

" 'Wag mong hayaang mauwi sa wala ang pagkamatay ko. Leader needs you. Pati na ang
Phoenix."

"Pero kailangan din kita, Carol!"

Isang ngiti ang sumilay sa labi niya.

"Believe me, mas kailangan ka nila." Hinawakan niya ang pisngi ko kahit hindi ko
ito maramdaman.

"Mahal na mahal kita, Carol. 'Wag mo naman akong iwan." Parang batang ngumoyngoy
ako sa harap ng babaeng mahal ko.

Tumatangong umiiyak naman si Carol. "Sabi sayong hindi kita iiwan e! Nandito ako
parati." Itinuro niya ang puso ko.

"Now go. Protektahan mo si leader para sa'kin. Ipangako mo."

Tumango ako bilang sagot.


"Nightwind!" Mahina lamang pero may mga boses na nagmumula sa kabilang parte ng
lugar na ito. Napatingin din si Carol sa direksyon na pinagmula ng mga boses.

/>

"Tinatawag ka na nila, boyfriend."

Habang lumalakas ng lumalakas ang mga boses ay unti unti namang nawawala ang imahe
ni Carol sa harapan ko.

"Carol, nandito ka palagi. Tandaan mo 'yan." saad ko sa kanya habang nakaturo sa


puso ko.

"Mahal na mahal kita, boyfriend."

Bulong niya ang huli kong narinig bago ako napadilat. Do'n ko rin napansin na
basang basa ang mukha ko.

Eh? Anong nangyari? Inilibot ko ang aking paningin. Sina Grim, Lilith, Hades, Sin,
mga reapers, mafioso at mga gangsters. Teka, at si Siren na nakahawak ng bote. Siya
ata ang nagbuhos ng tubig sa akin.

"See? Tubig lang ang katapat ng kumag na 'yan."

"Wah! Gising na nga siya!" Manghang saad ni Lilith.

Parang namangha naman sila sa ginawa ni Siren kaya binigyan ko siya ng isang
matalim na tingin na ikinataas lang ng kilay niya.

"Halika na, Nightwind. Leader needs us." Nag-offer ng kamay si Grim sa akin para
makatayo ako. On cue, ay tumunog ang distress signal ng Realm city, isang gong na
hinahampas lang pag may kaguluhan sa mismong syudad. May naglipana namang mga
helicopters sa himapapawid na iisa lang direksyon, ang Realm city!

Sabay sabay kaming tumakbo papunta sa Realm city at nang dumating kami ay
sinalubong kami ng mga sira-sirang bahay at establishamento. Maiitim na usok na
dulot ng sunog kung saan saan. Sira din ang mga daan. Sira ang mga tulay. May mga
nakataob na sasakyan sa daan. May mga nagkalat na katawan ng mga kalabang reapers
at ng mga mamamayan na naipit lang sa gulo. Mga nagtatakbuhang mga taong hindi alam
kung saan lilikas dahil umuulan ng bala kahit saan mula sa mga helicopters na
parang may sinusundan.

Sino ang may gawa nito? Tulad ko ay gulat na gulat rin ang mga kasamahan ko.

Tila narinig naman ang tanong ko dahil may kung anong bumulusok na bumagsak sa
isang bahay at lumabas do'n ang leader namin. Gusot ang damit. Pula ang isang mata
at maraming bahid ng dugo ang Enraiha.

Nang mapansin niya kami ay huminto siya saglit.

"What are you still doing? Save the people!"


Nawala siya bigla sa aming paningin. Nasa himpapawid na pala siya at inatake ang
isang helicopter na dumaan gamit ang Enraiha ikapitong anyo. Yumanig ang lupa nang
bumagsak ang helicopter sa lupa at naglakad palayo mula rito si Fallen Angel, ang
Underworld Goddess.

Doon naman kami tila natauhan.

Ito ang Taetoku Great War III.

TBC....

=================

Unmasked 60

Third Person's Point of View


Madilim, mausok, magulo, maingay, at madugo. 'Yan ay iilan lamang sa maaaring
itawag sa Underworld Realm city sa ngayon. Ang dating organisado at tahimik na
lungsod ay ngayon sentro na ng digmaang matatawag na pinakamalaking digmaan sa
kasaysayan ng Realm. Madilim din ang paligid dahil naputol ang mga kable ng
kuryente at gabi na rin. Lahat ng pwersa mula sa bawat panig ay binibigay na ang
lahat para manalo.

Umuulan ng bala kahit saan, magtago ka man ay mahahanap ka pa rin ng mga balang
nagmumula sa iba't-ibang direksyon. May mga mamamayang naiipit sa gulo na pilit na
sinasalba ng mga White family reapers. Kabikabila ang pagtalsik at pag-agos ng
dugo. Tumatagaktak man ang pawis sa bawat reaper ay sinasalamin ng kanilang mga
mata ang apoy ng determinasyon upang lumaban.

Iba't iba ang pinaglalaban ng bawat panig. Iba't ibang mithiin. Walang tama at
walang mali. Matira matibay.

Akmang bubwelo na ng talon si Zen upang atakihin ang isang helicopter nang biglang
may kamay na pumulupot sa kanan niyang paa at inihambalos siya sa daan.

Nakita ni Alexander si Zen na papabangga sa isang sasakyang inabandona na kaya


napangising tagumpay siya. Makapal naman ang usok sa paligid kaya hindi niya nakita
ang isang mabilis na aninong sumalo kay Zen upang iiwas ito sa kapahamakan.

Nang maaninag na ni Alexander ang totoong nangyari ay bumalik ang kunot sa kanyang
noo.

"Tsk!"

Nasa likod ni Zen si Kiel na nakasuporta sa kanya.

"Ki---el!" Sinugod ng galit na si Ciel ang kakambal kaya napagulong si Zen papalayo

sa dalawa. Akmang tutulungan ni Alexander si Ciel nang biglang napahinto ito dahil
isang dangkal lang ang layo ng blade ng Enraiha na nasa ikapitong anyo ang dumaan
malapit sa mukha niya. Ang boomerang style na ikapitong anyo ay nagbalik sa kamay
ni Zen.

"Ako ang harapin mo, Alexander."

Hinugot na rin sa wakas ni Alexander ang katanang nasa likuran niya. Ang sandata
niya na malaking espada na may nakatabong mga benda sa blade nito.

"Let's end this, Underworld Goddess."

"I'm dying to hear that from you."

Tinanggal ni Alexander ang mga benda at bumulaga ang blade na may kuryenteng
dumadaloy. Tiyak na ang kahit sinong tamaan nito ay malaking pinsala ang matatamo
gaano man siya kalakas. Ibinalik naman ni Zen ang Enraiha sa unang anyo niyo nito
at dahan dahang inilapit ang hawakan ng Enraiha sa kanya habang nakapikit.

Matagal silang nag training na magkasama at halos sabay silang lumaki upang buuin
ang new generation Phoenix. Mas mahirap ang laban dahil alam nila ang mga kahinaan
nila pero hindi pa nila alam kung anu-ano ang mga tinatagong lakas ng bawat isa.

"Lucianaa---a!" Isinisigaw ni Alexander ang pangalan ng kalaban habang sinugod niya


ito. Nanatiling nakapikit naman si Zen. Dalawang metros ang layo ni Alexander kay
Zen ay idinilat niya ang kanyang mga mata.

"Riyuno Kaze Ken! Death of wind!" Isang wasiwas lang ang ginawa ni Zen at hindi rin
siya umalis sa kinatatayuan niya at hinintay lang na lumapit si Alexander. Isang
technique na ilang taong inaral ni Zen ang ginawa niya, isang technique na hindi
niya aakalaing magagamit niya pala.

Isang mahabang sugat sa pisngi

ang lumitaw mula kay Zen. Napangiti naman ng may panunuya si Alexander sa nakita.

" 'Yan na ba ang pinagmamalaki mong techni---," hindi natapos ni Alexander ang
kanyang sinabi nang bigla siya napaubo ng dugo sabay ng pagkaluhod niya. Nabitawan
niya rin ang sandata niya.

"Paanong?"

"Riyuno Kaze Ken, isang technique kung saan kaisa ng talim ng Enraiha ang talim ng
hangin. Nilamon ka ng kasakiman mo Alexander." Seryoso ang boses ni Zen. Ang nasa
isip ni Alexander ay malamig ang mga matang sasalubong sa kanya pagtingin niya sa
dating lider.

" 'Wag mo kong tingnan ng ganyan!" Puno ng poot at pagkalito ang nasa puso ni
Alexander nang makita niya ang lumuluhang mga mata ni Zen. Unti-unting lumalabo ang
kanyang paningin hanggang sa kadiliman ang bumalot kay Alexander.

Mabigat ang dibdib ni Zen sa nangyari pero dapat niyang umaksyon. Napatingin siya
kay Kiel at Ciel na naglalaban. Masasabing pantay ang lakas ng dalawa kung hindi
lang nadadala ng emosyon si Ciel.

Isang labanan na hindi maaaring disturbuhin. Kamao sa kamao ang labanan ng dalawa.
Alam ni Zen na wala siyang dapat gawin sa laban ng dalawa kaya umupo siya sa
malaking bitak ng bato at doon nagpasyang magpahinga habang nanunuod sa dalawa.

Wala namang reapers na naglalaban sa malapit nila Zen dahil sa takot na ring
madamay sa malahalimaw na lakas ng apat na naglalaban.

"Yo leader!" Isang boses ang biglang nagsalita sa likuran ni Zen. Isang nakangiting
Siren ang bumungad sa kanya.

"Siren, ang misyon mo?"

"Affirmative."

"Salamat," nilingon na ni Zen ang kaibigan at ngumiti ng

taos puso bilang tanda ng pasasalamat. Nagbalik ang kanilang atensyon sa dalawa.
Unti-unti ring nagkukumpulan ang Inferno at Phoenix na nakikinuod din.

"Ang misyon niyo?"

"Affirmative," sabay na sagot ng Phoenix sa kanilang lider. Kanya-kanyang sagot


naman ang Inferno.
Gutas gutas na ang mga damit ng dalawa, namamaga na rin ang kanilang mga kamao pero
walang gustong sumuko. Parang tila sa pagsusuntukan ay nag-uusap ang mga puso ng
magkapatid.

Isang sipa ang pinakawalan ni Ciel na tumama sa mukha ni Kiel na ikinalipad ng huli
sa malayo.

"Bakit mo siya inagaw!" Nagsimula nang mabitak ang lamig sa pagitan ng magkapatid.

"Dahil mahal ko siya," kalmado ang pagkakasagot ni Kiel habang bumabangon.

"Ano ba ang mabibigay mo sa kanya? Isa ka lang namang reject ng pamilya Loong!
Hindi ka na sana nabuhay pa." Bawat salitang binibitawan ni Ciel ay parang patalim
na paulit ulit na sumasaksak sa puso ni Kiel. Narinig din ito ng lahat na nanunuod
sa kanila.

"Wala nga Ciel. Mula dati hindi ko itinanim na isa akong lehitimong Loong. Pero
hindi man buo ang pangalang maibibigay ko kay Nana, makakaasa kang siya lang at ang
anak namin ang nanaisin kong kasama sa kinabukasan ko." Kabaliktaran ang tono ni
Kiel sa kapatid. Puno ng pagkukumbaba at pagmamahal.

Mabilis na tumulo ang luha sa mata ni Zen na mabilis din niyang pinahid pero huli
na, nakita na ito ni Siren at Sin.

"You bastard!" Umatake na naman si Ciel pero katakatakang sa puntong ito ay hindi
gumagalaw sa kinatatayuan niya si Kiel. Tinanggap niya ang bawat suntok at sipa
mula sa kapatid.

Hindi

na makatingin ang Inferno sa kanilang lider nang magsimulang magtalsikan ang mga
dugo at bumagsak sa lupa ang kanilang lider.

Pero si Zen ay nakatingin pa rin.

"Lumaban ka! Lumaban ka!" Isang suntok sa tiyan ang nagpatalsik kay Kiel. Nang
tumama ang kanyang likuran sa dingding ng isang bahay ay bumagsak agad siya sa
lupa.

Parang baliw na tumawa si Ciel. "Puro ka lang pala salita !"

Napahinto ang kanyang pagtawa nang unti-unting bumagon si Kiel. "Tapos ka na?"

Inatake naman ni Kiel ang kapatid at sa isang iglap lang ay nasapak na niya ang
batok nito na ikinawalan niya ng malay. Mula umpisa hanggang sa huli, nanatiling
kuya si Kiel para kay Ciel dahil mula alang umpisa ng laban ay dehado na si Ciel.
Gusto ni Kiel tanggapin ang pasakit mula kay Ciel dahil inagaw niya ang mahal nito.

Nahintatakutan naman ang mga Dark family reapers at yakuza sa pagkabagsak ng


kanilang mga lider. Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Zen at tinuro ang mga
natitirang kalaban gamit ang Enraiha.

"Fight to die or surrender with shame to live?"

Mabilis na binagsak ng mga kalaban ang kanilang mga sandata bilang tanda ng
pagsuko. Nagsihiyawan naman ang mga kasamahan nila at itinaas ang kanilang mga
sandata.

"The tides of fate has been turned, leader." Unang lumuhod si Siren paharap kay Zen
habang nakasaludong pang Phoenix. Sumunod naman ang mga Phoenix members na sinundan
ni Kiel at ng Inferno. Nagsiluhuran din ang White family reapers, Mafioso pati ang
mga kalaban. Ang mga mamamayan na tila alam nang wala ng digmaan kaya nagsilabasan
mula sa kanilang pinagtataguan ay lumuhod din. Mula sa bata hanggang matanda at
babae hanggang lalake. Lahat ng nasa Underworld Realm city ay lumuhod sa harapan ng
Underworld Goddess.

Nakaluhod silang lahat at nakayuko ang mga ulo tanda ng katapatan at paggalang.

"Tumayo kayong lahat."

Sa kanilang pagtayo ay nagsisinghapan ang lahat nang makita nila si Zen na hawak
mula sa magkabilang kamay ang dalawang halos punit ng mga flag ng dalawang pamilya.

"Ilang daang taon tayong pinaghihiwalay ng maling paniniwala at sistema! Kaya


magkaisa tayo upang sabay nating protektahan ang emperyo ng Realm!" Sigaw ni Zen at
sabay na idinikit at itinaas ang dalawang flag na dati ay parang tubig at langis na
mahirap ipagtabi.

Masayang sigaw naman ang isinagot ng lahat.

Next....Epilogue

=================
Revealed

Author's message:

Una sa lahat ay taos po sa puso ang aking pasasalamat sa lahat ng aking readers.
Ice'ians rocks! :D Maraming salamat sa mga words of wisdom and encouragement. Wala
ako pati ang mga stories ko kung wala kayo. Mahal ko po kayong lahat :)

Sequel book: Defying Gravity

Story ni Siren na po tayo :) See you sa next book!

ACE

____________________

Zen's Point of View

Magkahawak ang kamay na sinalubong namin ni Kiel ang pagdating ng artipisyal na


sunrise. Unti-unti ring nararamdaman ng lahat ang pagod mula sa magdamag na
pakikipaglaban pero mgaan ang pakiramdam ko. Finally, the two houses have united.

"Leader," tawag ni Siren sa akin. Nasa likod niya ang Phoenix na pawing mga
nakangiti. Huminto ang tingin ko kay Nightwind. Mabilis na niyakap ko siya, gusto
ko siya damayan. Tinapik naman ni Nightwind ang balikat ko na parang sinasabi
niyang ayos lang siya.

" I failed as a leader, I wasn't able to save you all." sambit ko.

"Don't

say that, leader. Alam kong kung nasaan man si Carol ngayon ay masaya siya." Bulong
niya sa'kin kaya tumango na lang ako.

Tama, no time to waste. Nasimulan ko na kaya dapat ko nang ipagpatuloy.

"Phoenix, we will conduct a meeting. Kiel Loong, you will be the representative of
Dark family."

"Then isali mo na ang Inferno." Sagot ni Kiel, tiningnan ko ang Inferno at nakita
ko ang approval nila.

"Sige, we will start in changing the systems and rebuilding the remnants of war."
Sabay silang tumango.

Tinawag ko ang pansin ng mga nasasakupan ko. Pagod man ang iba at nawalan man ng
tahanan o minamahal, iisa lang ang nasisiguro ko, at 'yon ay ang maliwanag na
kinabukasan ng Realm lalo na ng Underworld Realm City.

"To the people of the Realm!" halos sabay na lumingon sa kanya ang lahat.

"A new empire is about to reveal and a new era for the Realm will come forth! Lend
me your strength and trust, and let us build together an empire without war!" Sigaw
ko nang puno ng determinasyon.

"All hail the Underworld Goddess!" itinaas nila ang kanilang kamay bilang tanda ng
pagsang-ayon sabay sigaw habang yumuko at inilagay ng mga Phoenix members ang
kanilang kamao sa tapat ng kanilang dibdib bilang tanda ng suporta.

****

"Kiel," tawag ko sa kanya nang kami na lamang ang natira sa pinaglabanan namin
kanina.

"Hmmm?"

"Mahal kita at mali ka. Hindi ko kailangan ng pangalan mo dahil ikaw lang ang
kailangan ko, kayo ng anak natin."

Ilang taon ang nasayang, mga luhang nasayang. Ilang tao ang nasaktan at sa wakas
tapos na rin ang kagulihang ito. Kinabig ni Kiel ang ulo ko at kasabay

nang tuluyang pagsikat ng artipisyal na araw ay ang pagdikit ng aming mga labi.

This love is worth the sorrow and pain. Ipinikit ko ang aking mga mata at nilasap
ang sarap ng pag-ibig.

Third Person's Point of View

A day later...

Isang maliit na hagikgik ang nagpahiwalay sa naglalambingang magkasintahan.


Bumungad sa kanilang harapan ang kanilang munting anghel na karga karga ni Ciel.
Napatawa naman si Kiel dahil nakabusangot at gusot ang damit ng kanyang kakambal.
Alam ni Kiel na kagagawan 'yon ni Klen. Gustong magpakarga ni Klen sa kanyang ina.

"Busy pa ata sila, kiddo. Tayo na."


"I owe you one, bro."

Maraming nangyari matapos ang digmaan. Nagkausap at nagkahingian ng patawad ang


magkapatid pati na rin si Zen. Nakilala rin ni Klen ang uncle nito.

Tawatawang lalabas na sana ng silid si Ciel kasama ang papaiyak na si Klen nang
kurutin ni Zen si Kiel.

"Ano pala ang sadya mo, bro?"

Kinuha naman ni Zen si Klen mula kay Ciel.

"Si Alexander," sa pagbanggit nito sa pangalan ni Alexander ay sabay na napaalerto


sina Zen at Kiel. Napansin naman nila ang malungkot na anyo ni Ciel. Sa loob ng
dalawang taon ay naging magkaibigan din naman sila ni Alexander.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Zen kay Ciel.

"Sumunod kayo sa'kin." Unang naglakad si Ciel. Mabilis ang hakbang nilang tatlo at
nang bumukas ang silid na itinalaga para kay Alexander na sana ay nagpapahinga pa
ay bumungad sa kanila ang bukas na bintana at sirang kadena na nakakabit sana sa
kamay ni Alexander habang natutulog siya.

Akmang magtatawag sana ng reapers si Kiel nang pigilan ito ni Zen.

"Pero bakit? Hindi pa 'yon nakakalayo panigurado."

Isang ngiti ang ibinigay ni Zen sa kasintahan.

"May pakiramdam akong hindi na tayo guguluhin ulit ni Alexander," tanging saad ng
nakangiting si Zen habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Paano ka makakasiguro?"

Isang kibit balikat lang ang sagot ni Zen. Pero sa puso niya alam niya ang sagot.

Bumaling si Zen kay Ciel at ipinasa dito ang anak niyang si Klen.

"Pasuyo naman Ciel oh, pakibantayan si Klen."

Daig pa ni Ciel ang binagsakan ng lupa sa tindi ng ekspresyon sa mukha.

"Haaa? Bakit ako!" Tatawa tawa lang si Klen sa nangyayari pero kalaunan ay nakitawa
na rin si Ciel. Iniwan naman ng mag-asawa ang dalawa.

"Ngayon, tayo naman ang magplano." Sersyoso ang boses ni Zen nang harapin niya si
Kiel kaya naalunok ng ilang beses ang huli.

"T-tungkol saan?"

"Kailan mo ako pakakasalan?"


END...

You might also like