sources in order to establish facts and reach new conclusion. Isang katutubo at sinaunang salita ang saliksik.
May tindi at sigasig ang
paghahanap dahil kailangang gawin ito sa “lahat ng sulok”. “sa + liksik” o “salik + sik” “sik” at gunitain ang kabuluhan nito bilang “salik ng saliksik.” hasik wisik Siksik bagsik Kung tutuusin, ang pangwakas na tungkulin ng saliksik ay karunungan. 1.) karunungang nakabatay sa mataimtim na pagsusuri ng mga ebidensiya 2.) karunungang makapagsusulong sa estado ng kaalaman at makapagbibigay ng higit na matatag na direksiyon sa pananaw at pamumuhay ng tao 3.) karunungan na kailangan natin sa ating mga mithiing pambansa Ang “hasik” ay nauukol sa pagsasabog o pagtatanim ng binhi na nais patubuing halaman. Sa palay, isinasabog ang mga binhi sa isang inihandang pook sa bukid. Sa ibáng halaman, ang paghahasik ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsisilid o paghuhulog ng mga butil ng binhi sa mga maliit na hukay Ang “wisik” ay paraan ng pagdidilig sa halaman, lalo’t mga bago pa lámang tumutubòng punla. Mahinà ang pinapapatak na tubig, halos ang layunin ay mabasâ lámang ang punla o ang lupa sa paligid, dahil kung malakas ang dilig ay bakâ maputol o mapinsala ang punla at kung bahain ang lupa ay maluoy ang halaman. 1.) ang limitadong pagtingin sa saliksik bílang isang leksiyon sa paggamit ng aklatan o ng laboratoryo. 2.) mahahalata ito sa kasalukuyang kurikulum ng pambansang edukasyon, ang pormal na introduksiyon sa saliksik sa panahong nása antas sekundarya na ang estudyante, at ang lalong nakahihinayang, ang paglalaan lámang ng asignatura sa saliksik sa antas tersiyarya. sanggol pa lamang ay nagsasagawa na ang tao ng gawaing mapagsaliksik. Ang “siksík” ang lundo ng saliksik. Inilala-rawan mismo ng salitâ ang uri at katangian ng isang mahusay na saliksik: siksik sa kailangang impormasyon, siksik samakabu-luhang pananaw at opinyon, at siksik sa maingat at sistematikong pagsusuri Sa paaralan, pangunahing layunin ng kurikulum na magdulot ng isang organisado’t komprehensibong patnubay upang maisaloob ng magaaral ang isang matatawag na “kultura ng saliksik.” “Palagay ko’y mas importanteng maláman muna ng mga batà kung paanong mabúhay sa isang pisikal na mundo, kayâ dapat siláng makinig sa aktuwal na boses ng tao sa halip na boses na rekorded, na nása kalikásan silá sa halip na nanonood nitó mula sa projektor, at na matuklasan nilá kung ano ang bilóg sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa sining. Naniniwala ako na ang buong kamusmusan ay tungkol sa karanasan at pakikipagsapalaran, pagsisiyasat kung paano nangyayariang bagay- bagay sa pamamagitan ng pagsubok hawakan ang mga ito. 1.) Paano ka bibisita ng aklatan kung walang aklatan ang paaralan? 2.) Paano ka magtuturo ng pagmamahal sa aklat at aklatan, kung guro kang hindi nagbabasa ng aklat bukod sa teksbuk? 3.) Paano ka magtuturo ng paggawa ng talasanggunian kung guro kang hindi alam ang komposisyon ng kard katalog, o hindi alam ang pagkakaiba ng komposisyon ng talasanggunian at ng talababa? Nagsasaliksik ang tao dahil may ninanais siyáng pagbabago. Pagbabago para sa kapuwa tao at sa kaniyang daigdig. Sa lumang diksiyonaryo, ang “bagsík” ay nangangahulugan ng “potencia, tirania” (“kapangyarihan, kalupitan”). Ngunit hindi iyon ang mahalaga para sa atin. Ang mas mahalaga ay dito nagmula ang salitâng “himagsík” (him+bagsik) na noon pa’y nangangahulugan ng “mostrar poder y valor” (“magpakíta ng lakas at tapang”).