You are on page 1of 11

Central Luzon State University

Lungsod Agham ng Muñoz 3120


Nueva Ecija, Pilipinas

Kagamitang Pampagtuturo sa Kursong


FILDIS 1110 – FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Modyul 1
Aralin 1: Introduksyon sa Pananaliksik
Pangunahing Ideya ng Aralin

Ang FILDIS 1110 - Filipino sa Iba’t ibang Disiplina ay isang praktikal na


kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring
pagbasa at pagsulat at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa
konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng
mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang kursong ito sa makrong kasanayang
pagbasa at pagsulat gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino
bilang lunsaran ng pagsasagawa ng pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at
pagsulat ng burador ng pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o presentasyon
nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad ng mga
mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa.
Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang sa kasanayang pagsasalita partikular sa
presentasyon ng pananaliksik sa iba’t ibang porma at venue..

I. LAYUNIN
Matapos ang modyul na ito, ang mga estudyante ay inaasahang:

1. Natutukoy ang pinagmulan ng saliksik.


2. Nadadalumat ang pinagmulan ng salitang saliksik.
3. Nasusuri ang kahalagahan ng pananaiksik.

II. Pagtalakay sa Aralin ( Discussion )

Panimulang Gawain
Bago tayo magkaroon ng pormal na talakay sa aralin, hinihiling ko
na gawin mo ito:
Naaalala mo pa ba noong bata ka? Katuwang ang iyong ina na kung minsan
ay may hawak na patpat o kaya naman ay may pabuyang nakahanda sa iyo

1
matapos mong gawin ang kanilang ipinagagawa. Ang BAGONG ALPABETO: MGA
UNANG HAKBANG SA PAGBASA ang ating naging tulay upang makilala ang bawat
tunog at bigkas ng mga letra, pantig, salita at hanggang sa makabuo ng
pangungusap. Tunay na napakahalaga ng naging gampanin nito upang tayo ay
matututong makakilala, bumasa at makapagsalita nang wasto.

Ikaw, anong kwento mo? Sige, ibahagi ang iyong sagot sa ating GC
kung paano ito nakatulong sa iyo.

Basahin ito nang malakas

Baaty sa pnaanaklisik sa Cmabrigde Uinervtisy, hnidi maahalga


ang pgakaakusond-usond ng mga ltera sa insag sailta, ang tngiang
maahalga ay ang tmaang pewtso ng una at hlinug ltera. Mbbaaasa mo
ito ng wlanag aunamng porbelma. Ngaaaganp ito dhail hnidi bniaabsa
ng iisp ng tao ang baawt ltera kndui ang saitla sa kbauaun.

Matapos mong nabasa ano ang iyong napansin. Pag-isipan at pagnilayan.

MAG-UMPISA TÁYO SA salitâng research. Napakahalagang salitâ. Sa OxFord


Concise Dictionary (2006), sinasabing isa itong “investigation into and study of
materials and sources in order to establish facts and reach new conclusions .”
Mahalaga sa naturang depinisyon ang panlaping re- na ngangahulugang “muli,”
bagaman kung mula daw sa Lumang French, nagpapahayag ito ng “matinding
puwersa.” Ang ibig sabihin, ang isinasagawang imbestigasyon at pag-aaral ng mga
materyales ay isang paraan ng “muling paghahanap,” ngunit kung ilalahok ang
gamit ng mga French, isa itong “matinding muling paghahanap.” Ng ano? Ng “mga

2
katunayan” (facts). Dagdag pa, ayon sa Oxford, ng “bagong mga kongklusyon”
(new conclusions).

Masdan ang larawan at pag-isipan kung ano ang gusto nitong ipabatid sa atin na
mensahe.

Sa depinisyon pa lámang na ito ay napakabigat na at napakahalaga ng


layunin sa saliksik. Muling nagsisiyasat dahil kailangang maitatag ang isang
katunayan, o kayâ at higit na mabigat, magdulot ng bagong kongklusyon.

Ang ganitong pakahulugan mula sa Ingles ang kanais-nais sa research.


Wala ito sa naging pakahulugan natin sa Español na investigacion. Sa atin, ang
gámit ng naturang salitâ mulang Español ay “imbestigasyon” o pagsisiyasat. At
malimit na ginagámit lámang natin sa trabaho ng pulis. At dahil naman sa
mahinàng klase ng trabahong pulis sa ating bayan ay hindi táyo umaasa ng
anumang tindi o sigasig sa kasong hinawakan at inimbestigahan ng pulisya.

Kayâ may malakas akong kutob na hindi natin naisaloob ang kahulugan ng
research sa Ingles. Masamâ ang karanasan natin sa Español na investigacion. At
ito rin marahil ang nása isip ng mga alagad ng wika nitóng panahon ng Americano
kayâ ibinukod nilá ang research sa investigacion. Itinapat nilá sa investigacion ang
“siyasat” o “pagsisiyasat.” Ginámit naman niláng katumbas ng research ang
“saliksik” o “pananaliksik.”

Isang katutubo at sinaunang salitâ ang saliksík. Sa Vocabulario nina


Noceda at Sanlucar, nakalimbag na kahulugan nitó ang buscar por todos los
rincones (“hanapin sa lahat ng sulok”). Na palagay ko’y nagpapahiwatig kaagad
ng binanggit nating ibig sabihin ng research sa Ingles. May tindi at sigasig ang
paghahanap dahil kailangang gawin ito sa “lahat ng sulok.” Hindi maaaring sa isa
o dalawang sulok lang. Kailangang sa kahit saan at sa kaliit-liitang bahagi ng pook
na ginagamit sa paghahanap.

Taglay din nitó ang pahiwatig ng paulit-ulit na paghahanap upang


makatiyak na walang puwang na nakaligtaan.

3
Titigan pa natin ang salitâng ito. Nagmula kayâ ito sa “sa+liksik” o mula
sa “salik+sik”? Nabigo ako sa paghahanap sa diksiyonaryo. Wala akong
makítang matandang salitâng-ugat na “liksik” at wala ring “salik.” Siyempre,
magtataká kayó. Wala talaga kayóng maalalang salitâng “liksik”; ngunit may
naririnig kayóng “sálik” na ginagamit sa wikang teknikal. Tama, may “sálik” sa
ating modernong wika, ngunit wala ito noong araw. Ang ibig sabihin, isa itong
likhang salitâ at itinapat sa factor ng Ingles, ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino
(2010). Wala ito saanmang diksiyonaryo noong panahon ng Español at hanggang
sa panahon ng Americano. O marahil, inimbento ng isang Tagalista noong
panahon ng Americano. [Mahilig lumikha ng mga salitâ ang mga Tagalista noon
upang may maitumbas sa mga kaisipan at konseptong teknikál.] Ngunit
lumaganap lámang ang “salik” kamakailan. Sa aking paghahanap, unang lumitaw
ang salitâng ito sa Tesauro (1972) ni J.V. Panganiban ngunit may kahulugang
syllable o “pantig” sa gramatika.

“Salik” ng Saliksik
Saan kayâ nagmula ang “sálik” at sino ang unang gumamit nitó?

Bahala na ang sinumang interesado pang magsiyasat. Para sa akin, isang


magandang oportunidad ang ibinibigay ng paglitaw ng salitâng “sálik.” Isang
patunay ito sa posibilidad mismo ng pag-iral ng salitâng ito, pati na ang ibinigay
na kahulugan dito katapat ng syllable at ng factor. May pagkakaugnay naman ang
dalawang naturang gámit. Ngunit ang mas maganda, puwede naman nating
titigan ang natitiráng pantig ng “saliksik”—ang “sik”—at gunitain ang kabuluhan
nitó bílang “salik ng saliksik.”

Mahihiwatigan natin ito sa pamamagitan ng paghahanay ng ilang salitâ na


may pantig na “sik.” Halimbawa: “hasík,” “wisík,” “siksík,” at “bagsík.” Nais
ko ring gamítin ang mga ito upang ikonekta sa ating pagtalakay sa kahulugan at
kabuluhan ng saliksik; upang tukuyin ang ninanais nating mga tungkulin mismo
ng “saliksik” sa ating búhay. Kung tutuusin, ang pangwakas na tungkulin ng
saliksik ay karunungan. Ang isinasaad na “katunayan” at “bagong kongklusyon”
sa depinisyon ng research ay kapuwa nauukol sa pagtatamo ng karunungan—ng
karunungang nakabatay sa mataimtim na pagsusuri ng mga ebidensiya, sa isang
bandá; at ng karunungang makapagsusúlong sa estado ng kaalaman at
makapagbibigay ng higit na matatag na direksiyon sa pananaw at pamumuhay ng
tao. Kung nais pa nating maging tiyak, sa pamamagitan ng saliksik ay nais nating
matamo ang karunungan na kailangan natin sa ating mga mithiing pambansa,
halimbawa, karunungan para sa pambansang pagkakaisa at karunungan para sa
pambansang kaunlaran.

4
Unahin natin ang kabuluhan ng “hasík” at “wisík.”

Kapuwa nagpapahiwatig ito ng pangangalaga, lalo na sa agrikultura. Ang


“hasík” ay nauukol sa pagsasabog o pagtatanim ng binhi na nais patubuing
halaman. Sa palay, isinasabog ang mga binhi sa isang inihandang pook sa bukid.
Sa ibáng halaman, ang paghahasik ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsisilid o
paghuhulog ng mga butil ng binhi sa mga maliit na hukay. Ang “wisík” ay paraan
ng pagdidilig sa halaman, lalo’t mga bago pa lámang tumutubòng punla. Mahinà
ang pinapapatak na tubig, halos ang layunin ay mabasâ lámang ang punla o ang
lupa sa paligid, dahil kung malakas ang dilig ay bakâ maputol o mapinsala ang
punla at kung bahain ang lupa ay maluoy ang halaman.

Tinutukoy ng paghahasik at pagwiwisik ang kailangang preparasyon para


sa saliksik. Isang kasangkapan ng tao ang saliksik hábang nabubúhay. Ngunit
kaugnay ng edukasyon ng isang tao, kailangan itong maituro sa pinakamaagang
panahong maaari. Gayundin, tulad ng alinmang pinag-aaralan, ang saliksik ay
nangangailangan ng unti-unti at wastong pangangalaga.

Kailangang idiin ang halaga ng hasik at wisik dahil sa malaganap at


karaniwang malîng akala hinggil sa saliksik. Una na rito, ang limitadong pagtingin
sa saliksik bílang isang leksiyon sa paggamit ng aklatan o ng laboratoryo. Ikalawa,
at mahahalata ito sa kasalukuyang kurikulum ng pambansang edukasyon, ang
pormal na introduksiyon sa saliksik sa panahong nása antas sekundarya na ang
estudyante, at ang lalong nakahihinayang, ang paglalaan lámang ng asignatura sa
saliksik sa antas tersiyarya. Magkaugnay ang una at ang ikalawang kapuwa malîng
haka. Iniisip ng ating mga tradisyonal na edukador na ang saliksik ay laging
organisadong sistema ng pag-aaral kayâ pinaglalaanan ng espasyong kurikular sa
panahong “handa na” o may kakayahan nang maghalungkat sa artsibo o sumilip
sa mikroskopyo ang mag-aaral.

Tulad sa pag-aalaga ng halaman, ang angkop na hasik at wisik sa saliksik


ay kailangang umpisahan sa bahay, at kung hindi, sa unang baitang ng pormal na
pag-aaral. Sabi nga ng mga sikolohista, sanggol pa lámang ay nagsasagawa na
ang tao ng gawaing mapagsaliksik. Sa pamamagitan halimbawa ng mga kamay ay
dinadanas ng sanggol ang paghawak, pagdakma, paghaplos, at pagpapawala sa
isang bagay, hanggang dumatíng ang panahong mahigpit niya itong mahawakan
at mapaglaruan. Sa pamamagitan ng bibig ay “nilalasahan” ng sanggol ang ibá’t
ibáng bagay hanggang dumatíng ang panahong matiyak niya kung alin ang gusto
niyang pagkain at kung alin ang hindi dapat kagatin man lámang.

5
Ang paghawak-hawak ng sanggol ay pagsubok sa sariling kakayahan,
kahalintulad ng tinatawag na trial and error sa Ingles o ng mas sopistikadong
“eksperimento” sa akademya. Gayundin ang paglasa-lasa niya ng anumang
mahagilap. Sa pamamagitan ng “aral” sa paghawak-hawak at paglasa-lasa ay
natututuhan niyang hindi dapat hipuin ang ningas o mas masarap ang isang
pagkain kaysa ibáng nakain niya.

Sa sandalîng matutong magsalitâ, isang mabisàng kasangkapan sa saliksik


ang pagtatanong. Bakit tumatahol ang áso? Ano ang ibig sabihin ng ngiti? Paano
gumamit ng kutsara? Alin ang mas mabigat sa dalawang bola? Bakit bawal maglaro
ng apoy? Bawat sagot ay nagdadagdag sa kaalaman sa paligid, nagiging bahagi
ng ugali, ng paraan ng pagkilos at pakikipagkapuwa-tao, at ng babaunin ng batà
pagpasok ng paaralan. Ang mga tanong ay nagbubunga ng mga dagdag na tanong
at ang paghahanap ng sagot sa mga tanong, kung tutuusin, ang nagpapaningas
sa damdamin ng tao upang magsaliksik nang magsaliksik hanggang sa dulo ng
búhay.

Papel ng Paaralan
Sa paaralan inaasahang payayamanin ang karanasan at hilig ng batà sa
saliksik. Idinudulot dapat ng paaralan ang isang pormal at organisadong programa
na “siksík” sa saliksik

Ang “siksík” ang lundo ng saliksik. Inilalarawan mismo ng salitâ ang uri at
katangian ng isang mahusay na saliksik: siksik sa kailangang impormasyon, siksik
sa makabuluhang pananaw at opinyon, at siksik sa maingat at sistematikong
pagsusuri. Bai-baitang na nililinang mula sa batayang edukasyon ang mga
kailangang kasanayán at hálagáhan upang maging mahusay na mananaliksik.
Nakatimo dapat ang mga ito sa bawat leksiyong nagpapataas/nagpapatalas sa
mga kompetensing pangkomunikasyon at sa mga siyentipikong paraan ng pag-
iisip.

Sa paaralan, pangunahing layunin ng kurikulum na magdulot ng isang


organisado’t komprehensibong patnubay upang maisaloob ng mag-aaral ang isang
matatawag na “kultura ng saliksik.” Makabuluhan ding maipakilála ang
kabuuang programang pampananaliksik sa panimulang baitang upang magamit
kahit paano ng mag-aaral kahit umalis siyá ng paaralan bago magtapos ng
elementarya. Ang ibig sabihin, ang pagtuturo ng mga batayang simulain at
pamamaraan sa saliksik ay hindi dapat antalahin at ipaghintay ng sekundarya. Sa
halip, dapat na itong maipasok sa mga leksiyon—sa mga anyong simple at
praktikal—pagkatapos maihasik sa unang baitang. Sa gayon, ang silbi ng dagdag

6
kaya sinabing magandang mas magaang ituro ang pagsasaliksik (batayang simulain at pamamaraan sa
saliksik) kung sa ganun sa mga susunod na baitang ay mapag-aralan ang higit na kumplikadong gawain

na mga baitang sa pag-aaral ay túngo sa higit na komplikadong gawain at


proyektong nangangailangan ng higit na mahabàng panahon ng pagtitipon ng
datos at pagsisiyasat.

Ang kultura ng saliksik ay hindi rin nalilinang sa pamamagitan lámang ng


pagdudulot sa mga batàng mag-aaral ng lahat ng modernong kagamitan sa pag-
aaral. Hindi ulit may TV o computer sa silid-aralan ay moderno na ang paaralan.
Mas mahalaga ang tumpak na pagpapakilála ng mga naturang teknolohiya sa mga
musmos. Mungkahi nga ni Toni Gonzalez noong 18 Enero 2016 sa isang sanaysay
sa Philippine Daily Inquirer:
Palagay ko’y mas importanteng maláman muna ng mga batà kung paanong
mabúhay sa isang pisikal na mundo, kayâ dapat siláng makinig sa aktuwal
na boses ng tao sa halip na boses na rekorded, na nása kalikásan silá sa
halip na nanonood nitó mula sa projektor, at na matuklasan nilá kung ano
ang bilóg sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa sining. Naniniwala ako na ang
buong kamusmusan ay tungkol sa karanasan at pakikipagsapalaran,
pagsisiyasat kung paano nangyayariang bagay-bagay sa pamamagitan ng
pagsubok hawakan ang mga ito.

Para sa tulad ni Toni, kailangan ang aktuwal na paghawak, personal na


engkuwentro, pakikialam, at ibá pang paraan ng pagsasaliksik upang higit na
maakit ang musmos na kalooban na alamin ang kaniyang paligid, magsuri,
magbutingting, maghanap ng sagot, lumutas nang nag-iisa sa problema, palayain
ang pandamá, at…imahinasyon. Nais niyang mapasidhi ang haraya at maakit
maging malikhain ang batà pagpasok na pagpasok sa silid-aralan. At hindi
magaganap ito kung maghápong nakaupô sa kaniyang takdang silya ang mag-
aaral, o nanonood lámang sa iskrin, o nakikinig lámang sa titser. Kailangang ibigay
ng silid-aralan at ng guro ang lahat ng pagkakataón para siyá kumilos, makipag-
unahan sa pagsagot o sa paghahanap ng isang lihim, at magsaliksik.

Halimbawa pa, ang paggámit ng aklatan ay maaaring maipakilála na sa


unang baitang. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng isang pagbisita sa aklatan
ng paaralan. O pagbása ng isang aklat pambatà hinggil sa halaga ng aklatan. O
anumang paraang aakit sa interes ng batà na dumalaw mag-isa sa aklatan. Ang
unang pagdalaw sa aklatan ay maaaring magtapos sa pag-alam sa ibá’t ibáng
dibisyon ng aklatan o kung paanong nakaayos ang mga libro upang madalîng
hanapin ng gagámit. Ang susunod na dalaw sa aklatan ay maaaring magkaroon
na ng pagtuturo sa aktuwal na panghihiram ng libro, ng wastong paggámit ng kard
sa panghihiram, at mga tuntunin sa pag-iingat ng libro. Siyempre, magwawakas
ang lahat túngo sa kasanayáng magsaliksik sa aklatan, lalo na sa malaking aklatan,
at sa sistematikong pagtitipon ng mga sangguniang aklat para sa isang proyekto.

7
Ginámit kong halimbawa ang paggámit ng aklatan, sapagkat simbolo ito ng
isang kumpol ng tunay na problema sa pagtuturo ng saliksik. Una, paano ka
bibisita ng aklatan kung walang aklatan ang paaralan? Ikalawa, paano ka
magtuturo ng pagmamahal sa aklat at aklatan, kung guro kang hinsimbolo ang
mga tanong na ito ng higit na malalim na problema kung bakit hindi nalilinang ang
kultura ng saliksik sa pamamagitan ng paaralan.

Paano ba ang masinop at sistematikong pagtitipon ng datos at


impormasyon? May isang matandang language researcher sa isang ahensiya ng
gobyerno na pinag-xerox ng mga akda ng isang manunulat. Nakaipon siyá ng kung
ilang folder. Nang ipasuri, wala pang kalahati ang maaaring gamítin. Marami ang
duplikasyon. Nai-xerox niya ang isang akda na nagkataóng nalathala sa ibá’t ibáng
libro at magasin kayâ ulit-ulit niyang ipinakopya. May mga xerox siyá ng akda ng
ibáng manunulat na nagkataóng bumanggit sa pangalan ng kaniyang takdang
manunulat. Hindi ko alam kung saan siyá nag-aral ng saliksik o kung marunong
man lámang siyáng bumása.

Paano kayâ makapapasá ang ating matandang language researcher kapag


pinagsuri siyá kung alin sa mga sangguniang natipon ang mahalaga? O lalo na
kung ipatitimbang sa kaniya ang bigat ng mga nagtutunggaling opinyon hinggil sa
isang paksa? O kung papipiliin siyá sa nararapat na oryentasyon sa isang nilulutas
na problema?

Sa ilalim ng pamantayang “siksik,” hindi mahalaga kung gusto o hindi ng


saliksalik
isang tao na magsaliksik. Ang pasiyang ito ay kailangang naitanim na ng
edukasyon ng tao mulang pagkabatà. Na kailangan niya ang kahit munting
kaalaman o kasanayán sa pagsasaliksik upang mabúhay, at lalo na, upang
umasenso sa búhay. Sa “siksik” ang higit na problema ay kung gaano kahusay
magagawa ng isang tao ang isang saliksik. Ang buong pagsasanay sa paaralan ay
may layuning maging matagumpay ang mag-aaral sa paghahanap ng
impormasyon, sa pagsusuri ng mga ebidensiya, sa pagtuklas ng pinakamainam na
paraan upang malutas ang isang problema o makamit ang isang hangarin.

Halimbawa, higit nang mataas na pamantayan hinggil sa pagtatanong ang


inaasahan pagkatapos ng pormal na pag-aaral. Kahit hindi pa tapos ng kolehiyo,
ang isang nakaabot na sa halimbawa’y mataas na paaralan ay inaasahang higit na
magkakaroon ng patuloy na hilig magtanong (bukod siyempre sa lakas ng loob na
magtanong), at dahil sa edukasyon ay higit na inaasahang may kakayahang
maglimi hinggil sa higit na makabuluhang isyu o problema. Hindi na siyá basta
nagtatanong sa klase dahil may hindi gaanong narinig sa paliwanag ng titser.
Nagtatanong na siyá dahil may binubuo siyáng idea hinggil sa paksa ng paliwanag

8
ng titser at hindi nasagot nang sapat ng titser ang nais niya. O may nabása siyáng
artikulo sa peryodiko na sumasalungat sa ipinaliwanag ng titser at nais niyang
marinig ang opinyon ng titser hinggil sa kaniyang nabása. Nagtatanong siyá dahil
may kailangan siyáng lutasin sa sarili.di nagbabasá ng aklat bukod sa teksbuk?
Ikatlo, paano ka magtuturo ng paggawa ng talasanggunian kung guro kang hindi
alam ang komposisyon ng kard katalog, o hindi alam ang pagkakaibá ng
komposisyon ng talasanggunian at ng talababâ? Ang totoo, simbolo ang mga
tanong na ito ng higit na malalim na problema kung bakit hindi nalilinang ang
kultura ng saliksik sa pamamagitan ng paaralan.

Halimbawa, higit nang mataas na pamantayan hinggil sa pagtatanong ang


inaasahan pagkatapos ng pormal na pag-aaral. Kahit hindi pa tapos ng kolehiyo,
ang isang nakaabot na sa halimbawa’y mataas na paaralan ay inaasahang higit na
magkakaroon ng patuloy na hilig magtanong (bukod siyempre sa lakas ng loob na
magtanong), at dahil sa edukasyon ay higit na inaasahang may kakayahang
maglimi hinggil sa higit na makabuluhang isyu o problema. Hindi na siyá basta
nagtatanong sa klase dahil may hindi gaanong narinig sa paliwanag ng titser.
Nagtatanong na siyá dahil may binubuo siyáng idea hinggil sa paksa ng paliwanag
ng titser at hindi nasagot nang sapat ng titser ang nais niya. O may nabása siyáng
artikulo sa peryodiko na sumasalungat sa ipinaliwanag ng titser at nais niyang
marinig ang opinyon ng titser hinggil sa kaniyang nabása. Nagtatanong siyá dahil
may kailangan siyáng lutasin sa sarili.

Sa ganoon ding paraan, nagsasaliksik siyá dahil may tanong na kailangang


lutasin ng kaniyang proyektong saliksik.

Túngo sa Pagbabago
Hábang tumataas ang edukasyon ng isang edukado, inaasahang tumataas
din ang uri at antas ng usaping ninanais niyang saliksikin at lutasin. Hindi rin siyá
basta sumusunod sa uso o popular na kaisipan. Higit na masusi ang kaniyang
pagtimbang sa mga nagtutunggaling panig; higit siyáng naaakit sa mabibigat na
argumentasyon. At inaasahan siyáng bumuo o bumigkas ng naiibá, at lalo na’y
orihinal. Nagsasaliksik siyá alinsunod sa isang tinatawag na kislap-diwa—na
maaaring isang mailap na haka o hinuhang kailangan niyang ihanap ng
katibayan—o nagsasaliksik siyá upang tuklasin at buuin ang isang kislap-diwa.
Alinman ang mangyari, kislap-diwa ang tugatog ng pananaliksik; ang inaasahang
pakinabang—personal man o panlipunan—mula sa isang masigasig at
matimtimang proyektong pananaliksik. Kislap-diwa ang biglang pagkatanto sa
totoong kalikasán ng bagay na pinag-aaralan o suliraning sinisiyasat. Ito ang ina

9
ng lahat ng dakila kung hindi man napakamakabuluhang paglikha at imbensiyon
sa kasaysayan ng sibilisasyon.

Nagsasaliksik ang tao dahil may ninanais siyáng pagbabago. Pagbabago


para sa kapuwa tao at sa kaniyang daigdig.

Magandang ipasok sa yugtong ito ang pamantayang “bagsík” sa saliksik. Sa


lumang diksiyonaryo, ang “bagsík” ay nangangahulugan ng “potencia, tirania”
(“kapangyarihan, kalupitan”). Ngunit hindi iyon ang mahalaga para sa atin. Ang
mas mahalaga ay dito nagmula ang salitâng “himagsík” (him+bagsik) na noon pa’y
nangangahulugan ng “mostrar poder y valor” (“magpakíta ng lakas at tapang”).
Taglay ng kahulugang ito ng “himagsík” ang nais nating tugatog ng gawaing
magsaliksik. Sa maikling salitâ, nais nating ang saliksik ay totoong nagpapasiklab
sa haraya upang maging malikhain at upang makapagsúlong sa karunungan ng
tao. Para sa ating partikular na pangangailangan, nais nating ang saliksik ay
makapag-ambag sa karunungang Filipino. Ang tunay at mataas na uring saliksik
ay isang “himagsík” laban sa luma’t kairalan, isang “himagsík” sa nakamihasnan at
kumbensiyonal na pag-iisip, at nagtuturo ng bago’t progresibong kaalaman at
direksiyong kailangan ng tao at ng lipunan sa isang takdang panahon.

Mula o batay sa ganitong adhika, totoong napakahalagang malinang mabuti


ang kultura ng saliksik sa bawat mag-aaral at gurong Filipino. Nag-aatas ito, sa
gayon, ng pagsuri at pagrebisa sa kasalukuyang mga kurikulum ng paaralan upang
mapalusog ang mga gawain at pagsasanay sa pagsasaliksik. Walang kurikulum na
panghabang-panahon. Kailangang isinunod ito sa pangangailangan ng panahon at
ng lipunan. Lalo namang hindi nararapat pairalin ang isang palatuntunang
akademiko na kulang na kulang o walang ang kasanayán at hilig sa pananaliksik
kapuwa ng mga guro at ng mga estudyante.

Nag-aatas din ang kultura ng saliksik ng mga espesyal na insentibo at


inisyatiba sa bawat paaralan upang mapasigla ang pagsasaliksik at mabigyan ng
kaukulang gawad o tangkilik ang mga mananaliksik. Nag-aatas ito ng pagbibigay
ng higit na paggálang at pagkilála sa mananaliksik saanmang opisinang pribado at
ahensiya ng gobyerno. Hindi magaganap ang target na kaunlarang pang-
ekonomiya at pang-industriya ng isang bansa—ng Pilipinas—hanggang hindi
malaganap ang kultura ng saliksik sa buong sambayanan.

10
III. PAGATATAYA

(hintayin ang link o ang google forms na ipapadala sa inyo ng inyong


guro para sa maikling pagsusulit)

IV. SANGGUNIAN

Almario, V., Labor, K., Hinampas, L., Agcaoili, E. 2016. Introduksyon sa Saliksik.
Metro Manila: Komisyon sa Wikang FIlipino
Angeles, C., Fabrigas, N., Tuazon, MN., Villanueva, J., Angeles, J., Tangonan, J.,
Vera Cruz., BJ., Babasoro, P. 2011. Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik.
Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Nuncio, E., Nuncio, R., Gragasin, J., Valenzuela, R., Malabuyoc, V. 2015.
Makabuluhang Filipino sa iba’t ibang pagkakataon. Quezon City: C & E
Publishing, Inc.

11

You might also like