You are on page 1of 7

Introduksiyon sa Saliksik

CHAPTER 1 Túngo sa Kultura ng Saliksik ni Virgilio S. Almario

Research-- re- na ngangahulugang “muli,” sinasabing isa itong “investigation into and study of
materials and sources in order to establish facts and reach new conclusions.” ( OxFord Concise
Dictionary, 2006)

Lumang French-- nagpapahayag ito ng “matinding puwersa.” Ang isinagawang imbestigasyon


at pag aaral ng materyales ay isang paraan ng “muling paghahanap ng mga katunayan” (facts).
Dagdag pa, ayon sa Oxford, ng “bagong mga kongklusyon” (new conclusions).

Layunin sa saliksik na muling nagsisiyasat dahil kailangang maitatag ang isang katunayan, o
kayâ at higit na mabigat, magdulot ng bagong kongklusyon. Kung tutuusin, ang pangwakas na
tungkulin ng saliksik ay karunungan

Español -- “imbestigasyon” o pagsisiyasat. At malimit na ginagámit lámang natin sa trabaho ng


pulis.

Amerikano -- Itinapat nilá sa investigacion ang “siyasat” o “pagsisiyasat” at research “saliksik o


pananaliksik”

Saliksík - “buscar por todos los rincones o hanapin sa lahat ng sulok” ( Noceda at Sanlucar)

Salik- pantig gramatika

Sik- pagtatalakay sa tungkuli ng pananaliksi

Pananaliksik- sistematikong pangangalap ng datos

Hasik- pagsabog o pagtatanim ng binhi na nais patubuing halaman

Wisik- paraan ng pagdilig ng halaman

Tinutukoy ng paghahasik at pagwiwisik ang kailangang preparasyon para sa saliksik. Isang


kasangkapan ng tao ang saliksik hábang nabubúhay na nangangailangan ng unti-unti at
wastong pangangalaga.

Tulad sa pag-aalaga ng halaman, ang angkop na hasik at wisik sa saliksik ay kailangang


umpisahan sa bahay, at kung hindi, sa unang baitang ng pormal na pag-aaral.

Maghahasik ka ng karunungan sa pangangalap ng datos, pupunuin mo ang iyong utak ng


karunungan at ikaw ang magbibigay ng wisik, yung nalaman mo ay dadagdagan mo pa ng
kaalaman ng iba (references). Sa pananliksik kailangan mong busugin at dagdagan pa ang
iyong karunungan.
Parang pagtatanim, sa bawat hasik mo o bawat tanim may bunga. Nararapat na ilagay ang
buong puso sa paggawa ng saliksik dahil kung hindi wala rin itong saysay.

Isang mabisàng kasangkapan sa saliksik ang pagtatanong. Ang mga tanong ay nagbubunga ng
mga dagdag na tanong at ang paghahanap ng sagot sa mga tanong, kung tutuusin, ang
nagpapaningas sa damdamin ng tao upang magsaliksik nang magsaliksik hanggang sa dulo ng
búhay.

Katangian ng Saliksik

Ang “siksík” ang lundo ng mahusay ng saliksik

1. iksik sa kailangang impormasyon,

2. siksik sa makabuluhang pananaw at opinyon,

3. siksik sa maingat at sistematikong pagsusuri

Kultura ng Saliksik

Sa paaralan, layunin ng kurikulum na magdulot ng isang organisadong komprehensibong


patnubay.

Nagtatanong siya dahil may kailangan siyang lutasin sa sarili.

Nagsasaliksik ang tao dahil may ninanais siyang pagbabago para sa kapwa tao at sa kaniyang
daigdig. Pagbabago para maipakita ang intelekwalidad ng tao at malinang ang kultura ng
pananaliksik.
CHAPTER 2 : Mga Batayang Kasanayán sa Pananaliksik ni Joseph T. Salazar

Pananaliksik ang pangkalahatang tawag sa mga kaparaanang tumutukoy sa proseso ng


pagsagot ng mga makabuluhang tanong na maaaring humantong sa pagkakatuklas ng bagong
kaalaman sa lahat ng bagay, mula sa ating materyal na realidad hanggang sa mga pilosopikong
tanong tungkol sa ating pag-iral.

Apat na bahagi:

(1) ang pagbuo ng makabuluhang tanong;

(2) ang paghanap ng mga pamamaraan upang masagot ang tanong;

(3) ang pagsusuri ng nalikom na datos batay sa idinisenyong pamamaraan;

(4) ang pagharap ng kasagutan sa orihinal na tanong sa madla

Ang Pananaliksik Bílang Kakayahang Pangkomunikasyon

Wika- pundasyon ng pananaliksik

Komunikasyon- konstekwal at kultural din ito hal. Ibat ibang edad, ibat ibang perpetikbo sa
isang bagay.

Konstekwal- nagiging kritikal sa pagsala ng datos

Ang pananaliksik ay hindi puro siyentipikong impormasyon na masusukat sa pamamagitan


lámang ng numero. Kailangan ding tukuyin ang kontribusyon ng ibáng mga larangan sa
pagpapalago nitó. Pundamental sa pananaliksik ang kakayahang pangkomunikasyon, lalo na
ang maingat na paggamit ang wika para tukuyin ang pisikalidad at katuturan ng bagaybagay.

Halimbawa, ang masakit na tiyan ay maaaring tumukoy sa ibá’t ibáng kondisyong natitiyak
lámang sa pamamagitan ng higit na partikular na bokabularyo. Paghilab ba ito ng tiyan? O
pangangasim ng sikmura, kabag, pagsinok? Ang kaalaman sa mga naturang salitâ ay
makakatulong sa pagtukoy ng higit na espesipikong problemang may kinalaman sa pagsakít ng
tiyan.

Kailangang idagdag na hindi literal ang lahat ng komunikasyon. Kontekstuwal at kultural din ito.
Halimbawa, ibá-ibá ang edad, tahanan, pinanggalingang pamilya at komunidad, at
kamusmusan ng mga batá sa isang klase. Kayâ bawat isa sa kanilá ay posibleng magbigay ng
kani-kaniyang pagpapakahulugan sa ibá’t ibáng salitâ, sagisag, obheto, karanasan, at realidad.

Ang Pananaliksik Bílang Saligan ng Ibá’t Ibáng Pagkakatuto o Literasi


Ang mabisàng paggamit sa wika ay dapat madagdagan ng pagkakatuto o literasi sa ibáng
disiplina upang makapagsagawa ng ibá’t ibáng uri ng pananaliksik.

Ilan sa mga literasing ito ay ang sumusunod:

a. Kapaki-pakinabang (functional)- abilidad sa pabigkas/pasalitâ, pagbása, pasulat, pakikinig

b. Simboliko- abilidad na maunawaan ang pagpapahayag na gumagámit ng mga sagisag,


tayutay, at ibá pang uri ng komunikasyong simboliko para bumuo ng kahulugan

c. Pang-impormasyon- abilidad na humanap, kumalap, sumuri at tumimbang sa bisà at halaga


ng anumang impormasyon

d. Biswal- abilidad na bumuo ng katuturan at kahulugan gámit ang ibá’t ibáng simbolo

e. Pansining- bigyan ng pagpapahalaga ang sining hindi lámang bílang dekorasyong kahali-
halina ngiunit bílang representasyon ng mga kuro-kuro at kaisipan

f. Pangmidya- abilidad na masuri ang ibá’t ibáng anyong pang-midya at makita ang potensiyal
at panganib ng paglikom ng impormasyon mula dito.

g. Panteknolohiyang Elektroniko o Dihital- abilidad na gumamit ng computer at mga aplikasyon


nitó para makalikom ng impormasyon

h. Pinansiyal- kakayahang humawak ng salapi at unawain ang implikasyon ng paggámit nitó sa


ibá’t ibáng paraan, maliit man o malaki ang halagang kailangang ingatan

i. Pangkalikásan- nagsusuri sa mga limitasyon ng mga likás na yaman

j. Pangkultura- abilidad na unawain ang kaibhan ng mga kultura at kilalánin ang mga historiko
at panlipunang kondisyong nagtatangi sa sariling kultura

Ang Pananaliksik Bílang Pagsasanay sa Imahinasyong Sosyolohiko

Gayundin, mahalagang pundasyon ng pananaliksik ang pagpapatalas ng imahinasyong


sosyolohiko (sociological imagination). Isang mahalagang katangian ito para sa pag-uugnay ng
sarili sa mga nagaganap sa lipunan. Kapag nadevelop itó, nababatid ng mag-aaral na ang mga
suliraning nakaaapekto sa kaniya ay may kaugnayan sa mga pangyayari sa kaniyang paligid.

Halaga ng ugnayan ng personal na karanasan at paglulugar nito sa magkaibang posisyong


political sa lipunan

Tungkulin sa pamilya, bayan at komunidad

Ang Pananaliksik Bílang Pundasyon ng Pag-unawa sa Kultura

Hábang batà pa, kailangan nang ipakilála sa mga estudyante na ang pag-aaral ay hindi lámang
maisasagawa sa pamamagitan ng pagmemorya ng datos sa mga libro. Ang totoo, kailangan
ang paglabas sa silid-aralan upang tunay na magsaliksik sa paligid o daigdig ng mag-aaral,
lohika ng field trip.

Pundamental ang humanidades at agham panlipunan sa paglinang ng higit na maalam at


bihasang pananalisiksik sa anumang larangan. Ang dalawang naturang larang ay nagbibigay ng
timbang na halaga sa pagmumuni, pagsusuri, at pagbibigay ng angkop na representasyon sa
ibá’t ibáng kultura, karanasan, at representasyon.
CHAPTER 3 : Para sa Guro ng Pananaliksik sa K-3 Ani Rosa S. Almario

Pananaliksik- akademikong sulatin na kinakailangan ng intelekwal

-Sa totoo, ito ay isang bagay na ginagawa natin araw-araw, para sa ibá’t ibáng dahilan

- pormal na daloy na pangangalap ng datos

Pagsisiyasat- inangkla sa imbestigasyon

1. Pagtatanong- Ang una at pinakamahalagang kasanayáng dapat matutuhan ng mga batà para
makapagsaliksik ay ang magtanong. “Ang unang dapat maiseguro sa isang klasrum ay ang
kalayaang magtanong” (kuryosidad)

2. Pagsisiyasat- “tanong”, hindi sapat ang nalalaman kaya ikaw mismo ang magsisiyasat.Ang
pag-uusisa ang susi sa paghahanap ng karunungan. Ang pagtatanong ang binhi ng hilig sa
pananaliksik. Dapat itong palusugin at linangin sa paaralan. (spirit of inquiry)- bagay na
maaaring hindi pamilyar sa mga estudyante. (pamphlet)

3. Maliliit na Pananaliksik- magpagawa ng maliliit na pananaliksik tungkol sa mga bagay na


interesante para sa mga estudyante. Maaaring gumamit ng graphic organizer.

4. Mga Batis ng Impormasyon- pinagkukunan ng impormasyon. Nahahasa ang kasanayan ng


estudyante kumalap ng datos.

-libro

-eksperto

-sarbey

-lakbay aral

- eksperimento

5.
Saliksik at Sulatíng Teknikál Virgilio S. Almario

Saliksik sa Aklatan Lourdes Z. Hinampas

You might also like