You are on page 1of 28

MGA ISYUNG

MORAL TUNGKOL
SA SEKSUWALIDAD
PROSTITUSYON

Ang prostitusyon na sinasabing siyang


pinakamatandang prope-syon o gawain
ay ang pagbibigay ng panandaliang-aliw
kapalit ng pera.
Dito, binabayaran ang pakiki-pagtalik
upang ang taong umupa ay makadama
ng kasiyahang seksuwal.
Bakit ba ang tao ay
nasasangkot sa ganitong
gawain? Ano kaya ang
kanilang mga dahilan
upang gawin ito?
Karamihan sa mga taong nasasangkot
sa ganitong gawain ay iyong mga
nakararanas ng hirap, hindi nakapag-
aral, at walang muwang kung kaya’t
madali silang makontrol.
 Mayroon din namang may maayos na
pamumuhay, nakapag-aral ngunit
marahil ay naabuso noong bata pa.
Dahil dito nawala ang kanilang
paggalang sa sarili at tamang pagkilala
kung kaya’t minabuti na lang nilang
ipagpatuloy ang kanilang masamang
karanasan.
Dahil nasanay na, hindi na nila
magawang tumanggi kung kaya’t
naging tuloy-tuloy na ang kanilang
pagpagamit sa masamang gawaing ito.
Masama o mali nga ba
ang prostitusyon?
Ayon sa mga peminista, marapat
lamang ang prostitusyon sapagkat ito ay
nakapagbibigay ng gawain sa mga
taong walang trabaho lalo na sa mga
kababaihan.
 Ang pagbebenta ng sarili ng isang
prostitute ay maihahalintulad sa isang
manunulat na ibenebenta ang kaniyang
isip sa pamamagitan ng pagsusulat.
 Bukod pa rito, kapag ang prostitusyon
daw ay isinagawa ng isang tao na may
pagkagusto o konsento, maaaring
sabihin na hindi ito masama.
Ito ay sa kadahilanang alam niya ang
kaniyang ginagawa at nagpasiya siya na
ibigay ang kaniyang sarili sa
pakikipagtalik kapalit ng pera o halaga.
Gaya ng nabanggit sa itaas, ang
pakikipagtalik na may kapalit na halaga
o ang prostitusyon ay isang pang-
aabusong seksuwal na
nakapagpapababa sa pagkatao ng taong
sangkot dito.
Sa paanong paraan
napabababa ng
prostitusyon ang dignidad
ng tao?
Una ang mga taong sangkot dito, ang
bumibili at nagpapabili ng aliw, ay
nawawalan ng paggalang sa pagkatao
ng tao.
Naituturing ang taong gumagawa nito
(na kadalasan ay babae), na isang bagay
na lamang kung tratu-hin at hindi
napakikitaan ng halaga bilang tao.
Sinasamantala ng mga taong
“bumibili” ang kahinaan ng babae o
lalaking sangkot dito.
Nagsisilbi ang babae o lalaki sa
pamamagitan ng paggamit sa kanila
bilang isang kasangkapan na
magbibigay ng kasiyahang seksuwal.
Sinasamantala naman ng tagapa-
magitan ang babae o lalaking sangkot sa
pamamagitan ng hindi pagbabayad o
panloloko rito.
 Ito ang mga dahilan kung kaya’t ang
prostitusyon ay nagiging pugad ng
pamumuwersa at pananamantala.
Sa prostitusyon, naaabuso ng tao ang
kaloob na handog ng Diyos na
seksuwalidad.
 Isa sa mga halaga ng seksu-walidad
ay ang pagkakaranas ng kasiyahang
seksuwal mula sa pakikipagtalik sa
taong pinaka-salan.
Nakararanas ng kasiyahan ang taong
nasasangkot sa prostitusyon ngunit
hindi ito angkop sa tunay na layunin ng
pakikipagtalik.
Sa prostitusyon, ang kaligayahan ay
nadarama at ipinadarama dahil sa
perang ibinabayad at tinatang-gap.
Mahalagang maunawaan na ang
pakikipagtalik ay hindi lamang para
makadama ng kaligayahang sensuwal.
Hindi ito isang paraan para makadama
ng kaligayahan, kundi ito ay isang
paraan na naglalayong pag-isahin ang
isang babae at lalaki sa diwa ng
pagmamahal.
 Malaya ang tao na gumawa ng pasiya
na sumailalim sa prosti-tusyon, ngunit
laging tandaan na ang kalayaan ay may
kaakibat na pananagutan sa paggawa ng
mabuti.
QUIZ
Panuto:
Sa loob ng dalawamput’ limang minuto,
ipaliwanag ang mga sumusunod sa ‘sang
buong papel.
1. Ano ang mga maling pananaw ng
kabataan sa mga isyung
seksuwalidad na kanilang kina-
kaharap ngayon? Ipaliwanag.
2. Bilang kabataan, anong posisyon o
mabuting pasiya ang maaari mong
gawin bilang paggalang sa
seksuwalidad?
3. Bakit mahalagang magkaroon ka ng
tamang posisyon tungkol sa mga
isyung tungkol sa seksuwalidad?
4. Bilang kabataan, bakit kina-
kailangan mo ng malawak na pang-
unawa sa mga isyung may kinalaman
sa seksu-walidad?

You might also like